You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
DR. PABLITO V. MENDOZA SR. HIGH SCHOOL
Malamig, Bustos, Bulacan
ARALING PANLIPUNAN 10 IKA-APAT NA MARKAHAN
UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT
Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga katanungan sa bawat aytem. Piliin ANG TITIK ng tamang sagot
markahan ang letra sa SAGUTANG PAPEL (ZIP GRADE) na inilaan. IWASAN ANG MAGBURA IKAW AY PAPASA
KUNG IKAW AY MAG BABASA
1. Aling prinsipyo ng pagkamamamayan ang ginamit kung ang pagkamamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan
siya ipinanganak.
A. Jus soli B. Dual Citizen C. Naturalization D. Jus sanguinis
2. Sa Pilipinas, saan nakasulat ang mga tungkulin at karapatan bilang isang mamamayan ng bansa?
A. Bible B. Saligang Batas C. Saligang Aklat D. Batas
3. Ano ang tawag sa pagiging miyembro ng isang indibidwal sa isang estado kung saan bilang isang citizen, siya ay
ginawaran ng mga karapatan at tungkulin?
A. Pagkamamamayan B. Mamamayan C. Makabansa D. Makabayan
4. Alin sa mga sumusunod ang maaaring dahilan ng pagkawala ng pagkamamamayan ng isang indibidwal?
A. tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag may digmaan
B. ang panunumpa ng katapatan sa Saligang- Batas ng ibang bansa
C. nakapangasawa ng taga ibang bansa
D. nawala na ang bisa ng naturalisasyon
5. Ang mga sumusunod ay ang mga mamamayan ng Pilipinas ayon sa Saligang Batas, maliban sa?
A. yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas
B. yaong mga naging mamamayan ayon sa batas
C. yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang-batas na ito
D. yaong nakatira sa bansang Pilipinas sa loob ng sampung taon
6. Anong seksiyon ng artikulo 4 ng Saligang Batas nakasaad na maaaring mawala at maibalik ang pagkamamamayan
ng isang Pilipino?
A. Seksyon 3 B. Seksyon 4 C. Seksyon 2 D. Seksyon 1
7. Anong seksiyon ng artikulo 4 ng Saligang Batas nakasaad na ang dalawahang katapatan ng mamamayan ay
salungat sa kapakanang pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas?
A. Seksyon 2 B. Seksyon 3 C. Sek. 4 D. Sek. 5
8. Ano ang tawag sa mga lungsod-estado sa kabihasnang Griyego?
A. Bayan B. Lalawigan C. Polis D. Rural
9. Aling kabihasnan ang tinatayang pinagmulan ng konsepto ng citizen?
A. Greece B. Egypt C. Mesopotamia D. Africa
10. Sa anong artikulo ng Saligang Batas nakasulat ang mga maituturing na Pilipino sa bansa?
A. Arikulo 1 B. Artikulo 2 C. Artikulo 3 D. Artikulo
11. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng isang mabuting mamamayan ayon kay Yeban (2004) maliban sa.
A. Makabayan B. May pagmamahal sa kapwa
C. May respeto sa karapatang pantao D. Hindi sumusunod sa batas trapiko
12. Ayon sa lumawak na pananaw ng pagkamamamayan, ano ang iginigiit ng isang mamamayan?
A. Ang kanyang karapatan para sa ikabubuti ng bayan
B. Ang kanyang karapatan para sa ikabubuti ng kanyang pagkatao
C. Ang kanyang karapatan para sa ikabubuti ng kanyang kapwa tao
D. Wala sa nabanggit
13. Maliban sa hindi lamang tagamasid sa mga pagbabagong nagaganap sa lipunan ang isang mamamayan, ano pa
ang kanyang karapatan at tungkuling dapat gampanan?
A. Karapatan at tungkulin niya na maging Malaya
B. Inaasahan na siya ay magiging aktibong kalahok sa pagtugon sa mga isyung kinakaharap ng lipunan at sa mas
malawak na layunin ng pagpapabuti sa kalagayan nito
C. Iginigiit ang kanyang karapatan para sa kabutihan
D. Tagasunod lamang sa mga ipinag-uutos ng pamahalaan sapagkat ito ay nakatataas sa kanya
14. Bakit ang mga mamamayan ngayon ay hindi tagasunod lamang sa mga ipinag-uutos ng pamahalaan?
A. Sapagkat wala naming monopolyo ang pamahalaan sa mga patakarang ipinatutupad ng isang estado
B. Sapagkat ang mga mamamayan ay may kakayahang magdesisyon

C. Sapagkat ang mga mamamayan ay may kalayaan para sa saili


D. Tama lahat ng nabanggit
15. Sa paanong paraan ng pagkamamamayan, maaari nating
matukoy ang Address: Malamig, Bustos, Bulacan mga katangian ng isang mabuting mamamayan?
Email Address: 306727@deped.gov.ph
Telephone No.: 761-9080
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
DR. PABLITO V. MENDOZA SR. HIGH SCHOOL
Malamig, Bustos, Bulacan
A. Ligal na Pananaw B. Lumawak na pananaw
C. Ligal at lumawak na pananaw D. Lahat ng nabanggit
16. Ang abogadong naglahad ng labindalawang gawaing maaaring makatulong sa ating bansa.
A. Alexander Lacson B. Bong Lastimosa C. Josie Sison D. Juan Morales
17. Hindi lamang magiging _____________ sa mga pagbabagong nagaganap sa lipunan ang isang mamamayan.
A. Tagasunod B. Tagamasid C. Tagaprotesta D. Wala sa nabanggit
18. Patuloy ang paglawak ng konsepto ng ____________ sa kasalukuyan.
A. Lumawak na Pananaw B. Ligal na Pananaw C. Pagkamamamayan D. Pagkatao
19. Sa paanong paraan ipinararating ng mamamayan ang kanilang mga hinaing at saloobin sa kinauukulan.
A. Sa pamamagitan ng pamamaraang ipinahihintulot ng batas
B. Sa pamamagitan ng kilos-protesta
C. Sa pamamagitan ng hindi pagsunod sa mga ipinapatupad na batas
D. Sa pamamagitan ng madugong labanan
20.Batay sa ______________ na pananaw ng pagkamamamayan, maaari natin matukoy ang mga katangian ng isang
mabuting mamamayan.
A. Pananaw ng mamamayan B. Ligal na Pananaw
C. Lumawak na Pananaw D. Responsableng mamamayan
21. Saang bahagi ng Saligang Batas ng 1987 nailahad kung sino-sino ang mga mamamayang Pilipino?
A. Artikulo II, Seksyon 3 ng Saligang Batas ng 1987 B. Artikulo III, Seksyon 2 ng Saligang Batas ng 1987
C. Artikulo IV, Seksyon 1 ng Saligang Batas ng 1987 D. Artikulo V, Seskyon 4 ng Saligang Batas ng 1987
22. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng katotohanan tungkol sa konsepto ng pagkamamamayan batay sa
araling binasa?
H. Ang dayuhang naninirahan, nakapag-asawa at nagtatag ng malaking negosyo sa bansa ay isa ng ganap na
mamamayang Pilipino.
I. Ang konsepto ng pagkamamamayan ay umusbong noong panahon ng Kabihasnang Griyego.
J. Nagiging ganap na mamamayan ang isang tao kung siya ay nabigyan ng karapatan ng Saligang Batas na maging
mamamayan ng bansa.
K. Maituturing kang ligal na mamamayang Pilipino kung taglay mo ang kwalipikasyong nakapaloob sa Artikulo IV,
Seksiyon 1 ng Saligang Batas ng 1987.
A. H at I lamang B. J at K lamang C. H, I at J lamang D. I, J at K lamang
23. Alin sa sumusunod ang HINDI itinuturing na isang mamamayang Pilipino ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng
Pilipinas?
A. Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas
B. Yaong ang mga ama o ang mga ina ay mga mamamayan ng Pilipinas
C. Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon na isinusulat ang Saligang Batas na ito
D. Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng
pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa tamang gulang
24. Sino sa sumusunod ang mamamayang Pilipino?
V. Si Nakamura na ang ina ay Pilipino at ang ama ay isang Hapones
X. Si Johnson, isang Canadian na naging Naturalisadong Pilipino
Y. Si Luningning na nakapag-asawa ng isang Amerikano
Z. Si Princess na anak ng Intsik at Amerikano
A. V at X B. X at Y C. V, X, at Y D. V, X, Y at Z
25. Ano ang tawag sa isang taong may bansa na kinabibilangan at pagkakakilanlan?
A. Mamamayan B. Visa C. Pasaporte D. Naturalisasyon

Address: Malamig, Bustos, Bulacan


Email Address: 306727@deped.gov.ph
Telephone No.: 761-9080

You might also like