You are on page 1of 16

Lapasan National High School

Lapasan, Cagayan de Oro City


FILIPINO 10
REGIONAL ACHIEVEMENT TEST (RAT) REVIEWER

Panuto: Tukuyin ang gamit ng pandiwa sa sumusunod na mga pangungusap.


1. Naglakbay si Rosario patungo sa tahanan ng kaniyang mga magulang.
a. Aksiyon b. Karanasan c. Pangyayari d. Pagbigkas
2. Umiyak ng malakas si Renato ng malaman niya ang malungkot na balita.
a. Aksiyon b. Karanasan c. Pangyayari d. Pagbigkas
3. Nalunod ang maraming tao sa lalawigan dulot ng malakas na pag-ulan.
a. Aksiyon b. Karanasan c. Pangyayari d. Pagbigkas
4. Natuwa si Cupid nang ipagkaloob ni Jupiter ang ambrosia kay Psyche.
a. aksiyon b. karanasan c. pangyayari d. proseso
5. Sumibol ang panibugho sa puso ni Vnus nang makita niya ang labis na paghanga ng tao sa
kagandahan ni Psyche.
a. aksiyon b. karanasan c. pangyayari d. proseso

Panuto: Basahin at unawain ang nilalaman ng mga sumusunod na akda/talata/teksto at sagutin ang
mga tanong.
AKDA 1
Maraming Filipino ang nagtutungo sa ibang lupain upang maghanapbuhay. Nagtitiis silang
iwanan ang kanilang mga pamilya upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga
anak. Bagamat itinuturing silang mga bagong bayani ng bayan, karamihan sa kanila ay nakaranas ng
kalungkutan, kapariwaan at kapahamakan sa kamay ng mga amo. Ito ang malungkot na pangyayari
sa buhay ng isang Overseas Filipino Workers.
6. Batay sa talata, maraming Filipino ang nandarayuhan upang __________.
a. Mabansagang bagong bayani
b. Umiwas sa kahirapang dulot ng kawalan ng hanapbuhay
c. Mabigyan ng magandang kinabukasan ang pamilya
d. Makaranas ng kalungkutan bunga ng pagkawalay sa pamilya
7. Ang isang malungkot na bahagi ng buhay ng isang Overseas Filipino Worker ay ________.
a. Mapariwara at mapahamak sa bansang pinuntahan
b. Mabansagang bagong bayani ng bayan
c. Hindi mabigyan ng proteksiyon ng pamahalaan
d. Mawalay ng matagal sa bansang sinilangan
AKDA 2
Bente-singko anyos siya nang una niyang nilisan ang kaniyang sinilangang lalawigan upang
mangibang bayan. Naglakbay siya sa mga bansang Italya, Pransya, at Gresya. Sa Europa. Marami
siyang pinasok ng uri ng trabaho sa mga bansang kaniyang pinuntahan. Nakaranas siya ng
kalungkutan at kaligayahan, papuri at pag-alipusta sa iba’t ibang lahing kanyang nakaugnayan. Sa
kabila ng mga karanasang ito, nagging matapang at metatag ang kaniyang pagkatao. Mtapos ang
isa’t kalahating dekada, bumalik muli siya sa kaniyang bayan upang ibahagi ang kanyang mga
natutuhan mula sa kanyang paglalakbay.
8. Batay sa talata, naglakbay siya sa iba’t ibang bansa sa Europa. Ano ang positibong epekto
nito sa kanyang buhay?
a. Bata pa siya ay marami na siyang narrating na lugar sa Europa
b. Marami siyang nakaugnayang ibang lahi
c. Naging matapang at matatag ang kaniyang pagkatao
d. Nasilayan niya ang magagandang tanawin sa Europa
9. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang nagawa ng tauhan sa talata?
a. Nakarating siya sa Europa
b. Bente-singko anyos pa lang siya ay nakarating na siya sa maraming bansa
c. Natutuhan niya ng maraming gawain sa mga bansang kanyang pinuntahan
d. Marami siyang nakaugnayang ibang lahi
10. Aling pangungusap ang nagpapakita ng kaniyang pagmamahal sa bayang kanyang
sinilangan?
a. Naglakbay siya sa mga bansang Italya, Pransya, at Gresya sa Europa
b. Sa kabila ng mga karanasang ito, naging matapang at matatag ang kaniyang
pagkatao
c. Bumalik muli siya sa kanyang bayan upang ibahagi ang kanyang mga natutuhan
mula sa kanyang paglalakbay
d. Nakaranas siya ng kalungkutan at kaligayahan, papuri at pag-alipusta sa iba’t ibang
lahing kanyang nakaugnayan
AKDA 3: Halaw mula sa El Filibusterismo
Isang umaga ng Disyembre, ang bapor tabo, na mukhang mabigat at hugis-tabo na siyang
pinagkunan ng kanyang pangalan, at sakay na maraming manlalakbay patungong Laguna, ay hirap
na hirap na sumasalungat sa mauli-uling Ilog Pasig. Puno ng liwanag sa umaga, ang maputing
katawan ng bapor ay nagwawaiwas ng makapal at maitim na usok, nagpapagalaw sa alon ng ilog, at
nagpapakilos sa hanging nagpapagalaw sa alon ng ilog, at nagpapakilos sa hanging nagpapagalaw
sa mga kawayan sa magkabilang pampang. Sa bawat sandal maririnig ang sipol ng bapor; paos at til
isang hari-hariang nag-uutos nang pabulyaw.
11. Batay sa talata, ang bapor Tabo ay naglalakbay sa mauli-uling Ilog Pasig. Ang salitang may
salungguhit ay nangangahulugan ng;
a. Winawagayway b. Maalimpuyo c. Umiikot d. Umuusok
12. Sa pangungusap na “Puno ng liwanag sa umaga, ang maputing katawan ng bapor ay
nagwawasiwas ng makapal at maiitim na usok”. Ang salitang nagwawasiwas ay
nangangahulugang;
a. Nagtataboy b. Maipu-ipo c. Sumasalungat d. Tumataklob
13. “Sa bawat sandal maririnig ang sipol ng bapor; paos at tila isang hari-hariang nag-uutos nang
pabulyaw”. Batay sa pangungusap na ito, ang salitang pabulyaw ay nangangahulugan ng;
a. Malumanay b. Malakas c. Pasigaw d. Magulo
AKDA 4: Halaw sa tulang akda ni Aljandro Q. Perez, ang Bayani ng Bukid
Ako’y magsasakang bayani ng bukid
Sandata’y araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig
Sa buong maghapon gumagawang pilit

Ang kaibigan ko ay si Kalakian


Laging nakahanda maging araw-araw
Sa pag-aararo at paglilinang
Upang maihanda ang lupaing mayaman

Ang haring araw di pa sumisikat


Ako’y pupunta na sa napakalawak
Na aking bukiring lagging nasa hagap
At tanging pga-asa ng taong masipag

Sa aking paggawa ang tangi kong hangad


Ang ani’y dumami ng para sa lahat
Kapa gang balana’y may pagkaing tiyak
Umaasa akong puso’y nagagalak

Ako’y gumagawa sa bawat panahon


Na sa aking puso ang taos na layon
Na sa bawat tao ako’y makatulong
At nang maiwasan ang pagkagutom
14. Inilarawan ng may akda sa unang saknong ng tula ang;
a. Katangiang taglay ng isang dakilang magsasaka
b. Mga gamit sa bukid ng isang magsasaka
c. Kagitingan ng isang bayaning magsasaka
d. Ugaling taglay ng isang masipag na magsasaka
15. Ano ang itinuturing na kaibigan ng isang magsasaka sa ikalawang saknong?
a. Araro b. Kalabaw c. Kabayo d. Lupa
16. Inilarawan ng may akda sa dalawang hulng saknong ng tula ang hangarin ng magsasaka na;
a. Makatulong sa kapwa na malutas ang kagutuman
b. Maparami ang ani upang makatulong sa kanyang pamilya
c. Mapaunlad ang bayan
d. Lahat ng nabanggit
17. Labis labis ang nadamang pagkagalit sa puso ni Henaro sa ginawang pambubugbog sa
kanya ng kanyang kuya. Hindi lamang nag-iwan ng mga galos at pasa sa katawan ang ginawa
sa kanya ng kanyang kapatid, nag-iwan din ito ng hangaring makapaghiganti. Ngunit sa
pagdaraan ng mga araw dahan dahan din nawala ang hangaring makapaghiganti sa kapatid.
a. Realismo b. Romantisismo
c. Humanismo d. Naturalismo
18. Halos nalalatagan ng kagubatan ang kabuuan ng pulo. Maraming naglipanang mababangis
na mga hayop. Malalaki at matatayog na mga punong-kahoy ang makikita sa buong
kagubatan. Mabato at maputik ang lalakaran ng sinumang magtatangkang pumasok dito. Sa
kabila ng ganitong kapaligiran, marami pa rin ang nagtatangka’t pasukin ang kagubatan upang
makapanglap ng ikabubuhay.
a. Eksistensyalismo b. Naturalismo
c. Realismo d. Romantisismo
19. _________ mahusay ang pagkakaganap ni John Arcilla bilang Antonio Luna sa pelikulang
Heneral Luna.
a. Totoong b. Talagang
c. Sadyang d. Masyadong
20. Mahirap ____________ ang mga katibayang ibinigay ng nagsasakdal sa korte laban sa
kanya.
a. Mapawalang-bisa b. Mabigyang katuturan
c. Maitago ng matagal d. Mapasinungalingan
AKDA 5: Halaw sa “Ang Tsinelas” ni Dr. Jose Rizal
“(1) Naalala ko pa noon kasalukuyan kaming nakasakay sa Bangka nang humulagpoos ang isa kong
tsinelas. (2) Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran, kung saan
ang bakya na gawa sa kahoy ay di nararapat. (3) Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para
kunin. (4) Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking
tsinelas. (5) Tinignan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali-dali
kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas.
21. Batay sa talata, ang may akda ay;
a. Nagsasalaysay ng isang mahalagang pangyayari sa kanyang kabataan
b. Nakikinig sa pagkukwento ng isang nagsasalaysay
c. Nagpapaliwanag na ang tsinelas ay ginagamit sa pagpunta sa mga lakaran
d. Nagbabalik-tanaw sa kanyang kamusmusan
22. Sa pangungusap bilang 4, ano ang dahilan ng kalungkutan ng may akda?
a. Pagkawala ng kanyang tsinelas
b. Mapapagalitan siya ng kanyang ina
c. Kawalan ng kakayahang makuha pa ang naanod na tsinelas
d. Tutuksuhin siya ng kanyang mga kasama sa bangka
23. Sa pangungusap 5, ano ang aral na nais iparating ng may akda?
a. Dapat na maging masunurin sa mga bilin ng magulang
b. Pagpapahalaga sa kapwa tao
c. Mahusay na pakikitungo sa ibang tao
d. Pagpaparaya para sa kapakanan ng kapwa tao
AKDA 6
Kinasusuklaman ni Lantaw ang mahinang tao. Sa ganitong paraan niya pilit iwinawaksi ang
tatak sa pagkatao ng kanyang amang si Lontok sa kanilang tribo. Mahina, tamad, at walang
kuwentang ama. Mag-isang hinubog ni Lantaw ang kanyang kapalaran. Nagpakahirap sa pagsasaka
upang maiangat ang sarili sa kahirapan. Nakabili ng mga lupain bunga ng kasipagan nagkamit ng
karangalan sa pagwawagi sa maraming pakikipaglaban at higit sa lahat, pagkilala mula sa mga
katribo.
24. Batay sa talata, anong uri ng pagkatao mayroon si Lantaw?
a. May determinsayon sa buhay
b. May mapaghimagsik na kalooban
c. Puno ng hinanakit sa kalooban
d. Mapagsarili
25. Sa iyong palagay, bakit nagsikap si Lantaw na makuha ang pagkilala ng mga katribo?
a. Gusto niyang matakasan ang imahe ng kanyang ama sa kanilang tribo
b. Mapaghiganti ang ama sa panunuya ng mga katribo
c. Gusto niyang makamit ang katanyagan at karangalan sa kanilang tribo
d. Upang mawala ang sakit sa kanyang kalooban bunga ng pagiging mahina ng
kaniyang ama
26. Anong aral sa buhay ang matutunan mo sa talata?
a. Ang pagsisikap sa buhay ang sagot sa kahirapan
b. Ang hangarin sa paghihiganti sa kapwa ay walang mabuting idudulot sa tao
c. Ang pagmamahal sa magulang ang susi sa pagtatagumay
d. Mahalaga sa pakikipagkapwa ang pagkakaroon ng isang salita
AKDA 7
Sa aking pananaw, mas mahal pa ni Naty ang kanyang mga anak kaysa sa kanyang sarili.
Nang mamatay ang kanyang asawa, mag-isa niyang itinaguyod ang kanyang mga anak. Hindi siya
kalianman kinakitaan ng paghihina ng kalooban. Nanatili siyang metatag at nakakapit ng lubos sa
Diyos.
27. Anong kaisipan ang iyong mahihinuha sa pangungusap na “Sa aking pananaw, mas mahal
pa ni Naty ang kanyang mga anak kaysa sa kanyang sarili.”
a. Alam nng magulang ang ikabubuti ng kanyang mga anak
b. Ibibigay ng magulang ang lahat ng kinakailangan ng kanyang mga anak
c. Gagawin ng magulang ang lahat para sa kanyang mga anak
d. Ang ina lamang ang may kakayahang itaguyod ang kanyang mga anak
28. Anong uri ng ina ang inilalarawan ng talata?
a. Matatag na ina ng tahanan
b. Inang labis ang pagmamahal sa mga anak at may matibay na pananampalataya sa
Diyos
c. Gagawin ang lahat para sa kagalingang pisikal ng mga anak
d. Inang may matibay na pananampalataya sa Diyos
29. Ano ang ipinahihiwatig ng huling pangungusap sa talata na “Nanatili siyang metatag at
nakakapit ng lubos sa Diyos.”
a. Katatagan sa paniniwalang espiritual
b. Ang paniniwala sa Diyos ay nagbubunga ng katatagan sa pamumuhay
c. Nasa pananampalataya lamang ang susi sa katatagan ng pamilya
d. Malulutas ang mga pagsubok sa buhay kung mananatili ang pananampalataya sa
Diyos
AKDA 8: Halaw sa kanta ni Florante sa “Ako’y isang Pinoy”
“Ako’y isang Pinoy, sa puso’t diwa. Pinoy na isinilang sa ating bansa. Ako’y hindi sanay sa
wikang mga banyaga, ako’y Pinoy na mayroong sariling wika. Wikang Pambansa ang gamit kong
salita…”
30. Batay sa kanta, ano ang sinisimbolo ng wika?
a. Pagkakakilanlan ng isang bansa
b. Gamit sa pakikipagtalastasan
c. Instrumento ng komunikasyon
d. Pambansang pagkakaisa
31. Ano ang ibig pakahulugan ng “Ako’y isang Pinoy, sa puso’t diwa”?
a. Pilipinong isinilang sa Pilipinas
b. Ang pagiging Pilipino ay naipapakita lamang sa paggamit ng wikang pambansa
c. Ang pagiging Pilipino ay naipapakita sa salita at gawa
d. Mahalagang isabuhay ang wikang pambansa
32. Piliin ang tamang pagsulat ng sanggunian.
a. Cruz, Edgardo M. 2015. Ekonomiks. Quezon City: Educational Resources
Corporation.
b. Cruz, Edgardo M., Ekonomiks. Educational Resources Corporation, 2015, Quezon
City
c. Edgardo M. Cruz, Ekonomiks, Quezon City, Cruz, Edgardo M., Ekonomiks. Quezon
City: Educational Resources Corporation, 2015.
d. Cruz, Edgardo M., Educational Resources Corporation, 2015. Ekonomiks, Quezon
City.
33. “Mga limot na bayani ang karaniwang ibinabansag sa mga hindi kilalang bayani sa
kasaysayan.” Ang mga salitang may salungguhit ay nangangahulugan na ________.
a. Hindi nabibigyang pagpapahalaga at pagkilala
b. Hindi nabibigyan ng karangalan
c. Kulang sa katanyagan
d. Hindi nabibigyan-pansin ng pamahalaan
34. Si G. Leandro Dela Paz ay isang tunay na pilantropo. Bukod sa ospital at palaruan, _______
rin ang nagpagawa ng pampublikong paaralan sa ating bayan.
a. Ikaw b. Siya
c. Ito d. Kami
35. “Hayan! Dahil sa paglalaro mo ng computer bagsak ka sa lahat mong aralin sa klase. Ang
pangungusap ay nagpapakita ng halimbawa ng relasyong __________.
a. Paraan at layunin b. Paraan at resulta
c. Sanhi at bunga d. Layunin at bunga
36. Ano ang tawag sa mga kuwentong madalas ay hango sa Bibliya at magbibigay-gabay sa
tama at maayos na pamumuhay?
a. Pabula b. Nobela
c. Alamat d. Parabula
37. Siya ang kinikilalang pinakamahusay magturo sa kanilang paaralan, _________ karapat-
dapat lang tanghalin siyang Pinakamahusay na Guro ng Taon.
a. dahil sa b. kung gayon
c. tuloy c. tiyak
38. Nakilala siyang artista dahil sa angkin niyang alindog at kagalingan sap ag-arte. Ang salitang
may salungguhit ay nangangahulugan ng ________.
a. Kagandahan b. Kabutihan ng ugali
c. Taas ng pinag-aralan d. Makinis at mabuting balat
39. Anong panghalip ang angkop na isulat sa patlang ng pangungusap na kasunod? _______ isa
sa magaganda’t mapanghalinang babae na sa pagkakamali ng tadhana ay isinilang sa angkan
ng mga tagasulat.
a. Siya’y b. Ika’y c. Ako’y d. Kami’y
40. Malimit na sa pagmamasid _____ sa babaeng katulong na gumaganap ng ilang
pangangailangan niya s buhay ay nakadarama si Marissa ng paghihinayang at napuputos ng
lumbay ang kaniyang puso. Anong panghalip ang angkop isulat sa patlang ng pangungusap?
a. niya b. nila c. nito d. sila
41. “Hindi matatalo ng sinuman ang taong iyan.” Anong konstruksiyong gramatikal ang gamit sa
pangungusap upang maipahayag ang emosyon?
` a. pariralang nominal b. tanong retorikal
c. negatibong ekspresyon d. eksprisyong degri ng kasukdulan
42. Ang Pangulo ng Pamantasan ng San Antonio ay isang tunay na pilantropo. Maliban sa
paaralan at palaruan, _______ rin ang nagtayo ng ating simbahan. Kaya naman, ang pangaral
na Pilantropo ng Taon ay karapat-dapat lamang para sa kanya. Anong panghalip panao ang
maaaring isulat sa patlang?
a. ito b. kami c. ikaw d. siya
43. Nakakadena ang mga binti at leeg kaya’t di sila makagalaw. Paano binigyang-kahulugan ang
salitang kadena sa loob ng pangungusap?
` a. nagtataglay ng talinghaga b. maraming taglay na kahulugan
c. taglay ang literal na kahulugan d. lahat ng nabanggit
44. __________ nangyari iyon upang matauhan ang mga nagtutulong-tulongan. Ano ang angkop
na ekspresiyon na nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa?
a. Sa kabilang dako b. Sa aking palagay
c. Sa ganang akin d. Sa paniniwala
AKDA 9: Halaw sa “May Isang Pangarap” ni Teodoro Gener
May isang pangarap akong ninanais,
Sana sa buhay ko’y mangyaring sumapit;
Gagawin ang lahat nang ito’y makamit
Ningning sa buhay kong siyang nilalangit
Sa palad na ito huwag ipagkait.
Panaho’y nagdaan at sa aking palad,
Pangarap na ito na aking hinangad;
Wari’y nalalapit dangkal na iyong agwat
Nnag dadamputin na umisod napadpad
Lumayo sa kamay, nawaglit … umalpas.

45. Anong positibong katangian ang ipinahihiwatig sa tula?


a. Hindi pagsuko sa mga pagsubok
b. Pagiging determinado sap ag-abot ng pangarap
c. Paggawa ng ano man makamit lang ang hangarin sa buhay
d. Lahat ng nabanggit
46. Ano ang mensaheng ipinahihiwatig sa tula?
a. Mapagbiro ang tadhana
b. Kung hindi ukol ay hindi bubukol
c. Ang sumusuko sa buhay ay lagging talo
d. Kung may nais marating, magsumikap

Panuto: Piliin ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit sa loob ng pangnungusap.
47. Ang Romeo at Juliet na sinulat ni Shakespeare ay isang dulang trahedya na nagiging
pinakatanyag sa kanyang mga nagawang obra.
a. Kalungkutan b. Kasawian
c. Alitan d. Tunggalian
48. Ang El Filibusterismo ay nobelang katha ni Jose Rizal na naglalayong gisingin ang
damdaming makabayan ng mga mambabasa nito.
a. Pukawin b. Imulat
c. Iparating d. Isiwalat
49. Pagkakakita niya sa asong galit na sumasalubong sa kanya ay agad niya itong hinahambalos
ng makailang ulit.
a. Ibinalya b. Hinampas
c. Binato d. Sinaksak
50. Hindi dapat mahumaling ang mga kabataang Pilipino sa mga bagay na pangmundo.
a. Mahilig b. Mabuyo
c. Maakit d. Mabulid
51. Dapat mapukaw ang kaisipan ng mga mamamayan laban sa mga katiwaliang nagaganap sa
pamahalaan.
a. Gawaing labag sa kagandahang-asal
b. Gawaing di-kanais-nais
c. Gawaing labag sa batas
d. Gawaing labag sa katuturan ng simbahan
52. Napapabilang tayo sa panahon ng sibilisasyong mekanikal at makaagham.
a. Tradisyon b. Pamumuhay
c. Kultura d. Kamalayan
53. Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon. Ang salitang may
salungguhit ay nangangahulugang __________?
a. amo b. bathala c. Diyos d. siga

Panuto: Tukuyin ang damdaming nangingibabaw sa bawat pahayag.


54. “Magandang araw po sa inyong lahat, ako po si Nena, sampung taong gulang. Ibinigay po ako
ng aking mahirap na mga magulang sa isang mayamang mag-asawa na walang anak ng ako
po ay sanggol pa lamang”.
a. Pagkabigla b. Pagkatuwa
c. Pagkagalit d. Pagkalungkot
55. “Pinagpuputukan kami ng baril ng mga security guard nang mapatapat kami sa gate ng
pabrikang kanilang binabantayan”.
a. Pagkalungkot b. Pagkatuwa
c. Pagkatakot d. Pagkabigla
56. “Nakapagdala sana ako ng pagkain kung nasabi mo sana ng maaga na hindi ka makadaan sa
palengke”.
a. Paninisi b. Panghihinayang
c. Pagkamangha d. Pakikiusap
57. “Sarah mahal ko, huwag mo sanang ikagagalit kung hindi ko nasabi sa iyo ang balakin ko na
mangibang bayan upang magtrabaho”.
a. Natutuwa b. Nakikiusap
c. Nagagalit d. Nagbabasakali

Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang mga katanungang kaugnay nito.
TEKSTO 1
“Ang ating pangunahing tungkulin ay magsikap na maiangat ang bansa mula sa kahirapan sa
pamamagitan ng pagpapairal ng katapatan at mabuting pamamalakad sa pamahalaan”.
58. Ano ang mensaheng gustong ipabatid ni dating Pangulong Aquino sa kanyang binigkas na
pahayag?
a. Maiaahon sa kahirapan ang bansa kung magiging mabuti at tapat sa pamamalakad
ang mga pinuno ng pamahalaan
b. Magiging maunlad ang bansa kung ang mga tao ay tutupad sa kanilang mga
tungkulin sa bayan
c. Dapat magsikap sa buhay ang mga mamamayan
d. Maging masipag sa pagtupad sa mga tungkulin ang mga pinuno at taongbayan
59. Batay sa pahayag ni dating Pangulong Aquino, ano ang dapat gawin ng mga nanunungkulan
sa bayan?
a. Maging tapat sa pamumuno
b. Magsikap upang mabuhay ng marangal
c. Maging huwaran ng mamamayan
d. Magsakripisyo para sa pamilya
TEKSTO 2
“Naisipan ni Nena na magtungo sa Maynila kasama ang isang babaeng nagngangalang Ginang
Mayora na nangako sa kanya na maipapasok siya nito sa trabahong may posibilidad siyang kumita
ng malaki at makapag-aral habang makakapagpadala na siya ng tulong sa kanyang iniwang mga
magulang at kapatid sa lalawigan. Pagkalipas ng isang taon hindi nakapgpadala ng sulat o salapi si
Nena sa kanyang pamilya. Naisipan ng kanyang kapatid na si Kadyo na sundan siya sa Maynila
upang hanapin”.
60. Ano ang nagtulak kay Nena na magtungo sa Maynila?
a. Makapag-aral at makapaghanapbuhay
b. Makatakas sa problema sa pamilya
c. Kahirapan sa buhay
d. Makaranas mamuhay sa lungsod
61. Ano ang nais iturong aral ng akda sa makakabasa nito?
a. Huwag madaling magtiwala sa ibang tao
b. Pagpapahalaga sa pamilya
c. Magsikap sa buhay
d. Maging mapagmatyag sa paligid
TEKSTO 3
“Ipinakita ng mag-asawang Jim at Mariz ang kanilang pagmamahalan sa isa’t isa sa pamamagitan ng
pagsasakripisyo. Ipinagbili nila ang mga bagay na napakahalaga sa kanila upang mabilhan nila ng
regalo ang bawat isa sa araw ng pasko”.
62. Ano ang tema ng pahayag na nabasa sa itaas?
a. Kahirapan
b. Ang pasko ay araw ng pagbibigayan
c. Pagsasakripisyo ng dahil sa pag-ibig
d. Pagbibigay kahit may kakapusan sa salapi
63. Ano ang aral na matutuhan natin sa ipinakita ng mag-asawang Jim at Mariz?
a. Kahalagahan ng kasaysayan ng pagbibigyan tuwing pasko
b. Pagtatagumpay sa pagsubok sa buhay
c. Ang taong nagmamahal ay handing magsakripisyo
d. Hindi sagabal ang kakapusan sa salapi upang lumigaya sa araw ng pasko
TEKSTO 4
“Labis ang pagdurusa at paghihinagpis ni Mathilde dahil sa may paniniwala siyang isinilang siya sa
daigdig upang magtamasa ng lubos na kaligayahan sa buhay na maidudulot ng salapi. May taglay
siyang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyan niyang kalagayan. Ipinaghihinagpis niya ang
karukhaan ng kaniyang lumang tahanan, ang nakaaawang anyo ng mga dingding, ang mga
kurtinang sa paningin niya ay napakapangit.”
64. Kung ikaw si Mathilde, ano ang gagawin mo upang matupad ang iyong mga pangarap sa
buhay?
a. Hihiwalayan ko ang aking asawa at maghahanap ng lalaking maaaring makapabigay
sa akin ng masaganang buhay.
b. Titiisin ko na lamang angkahirapang ito at makuntento na sa kung ano ang kayang
ibigay sa akin ng aking asawa.
c. Maghahanap ako ng trabaho upang matulungan ang aking asawa na gumaan ang
aming buhay.
d. Ipamukha ko sa aking asawa na hindi ako masaya sa uri ng buhay na kaya niyang
ibigay upang lalo siyang magsumikap.
TEKSTO 5
“1.) Nang sumunod na araw, si Quasimodo ay nilitis at pinarusahan sa tapat ng palasyo sa
pamamagitan ng paglatigo sa kaniyang katwan. 2.) Matindi ang sakit ng bawat latay ng latigo na
umuukit sa kaniyang katawan. 3.) Inisip niya ang dahilan ng kaniyang pagdurusa. 4.) Ang lahat ng
iyon ay kagustuhan at ayon sa kautusan ni Frollo na kailanman ay hindi niya nagawang tutulan dahil
sa utang na loob. 5.) Kasabay ng sakit na nadarama ng kaniyang katawan ay ang matinding kirot na
nalalasap sa bawat panghahamak sa kaniya ng mga taong naroroon.”
65. Ano ang nabatid mo sa kalagayang panlipunan sa unang pangungusap?
a. Nakatanggap ng angkop na parusa ang mga nagkasala.
b. Lantad at matindi ang parusang ipinataw sa mga nagkasala.
c. May prosesong pinagdaraanan upang maipagtanggol ang nagkasala.
d. Katanggap-tanggap ang parusang natatanggap ng mga nagkasala.
Panuto: Piliin ang uri ng tayutay na isinasaad sa bawat pangungusap.
66. Ang isang sanggol na bagong silang ay tulad ng isang papel na walang sulat.
a. Pagwawangis b. Pagtutulad
c. Pagtatao d. Pagsasabuhay
67. Ang ganda ni Samantha ay gaya ng isang marikit na tala sa kalangitan.
a. Pagtatao b. Pagwawangis
c. Pagtutulad d. Pagsasabuhay
Panuto: Pagtukoy sa salitang nagpapahayag ng pangyayari, damdamin, opinyon at pagsang-ayon.
68. Habag na habag ang mga taong nakakita sa batang lalaki na nakahandusay sa kalye. Ang
salitang nagpapahayag ng damdamin ay:
a. Nakahandusay b. Nakakita
c. Batang lalaki d. Habag na habag
69. Pagkatapos po ay magsasaing ako ng bigas upang mayroon silang makain sa tanghalian.
Aling salita ang nagpapahayag ng pangyayari?
a. Magsasaing b. Tanghalian
c. Makain d. Pagkatapos
70. Nagluksa ang buong bayan nang mapaslang sa Mindanao ang 44 na miyembro ng swat team
ng kapulisan. Aling salita ang nagpapahayag ng damdamin?
a. Mapaslang b. Nagluksa
c. Miyembro d. Kapulisan
71. Sa aking palagay kung gagawing pelikula ang nobelang ito “Sa Liwanag at Dilim”, siguradong
swak ito sa panlasa ng maraming kabataan. Aling salita ang ginamit sa pagpapahayag ng
opinyon?
a. Sa aking palagay b. Kung gagawing pelikula
c. Siguradong swak sa panlasa d. Maraming kabataan
72. Tunay na isang mabisa at makatotohanang salamin ng lipunan ang nobelang “Sa Liwanag at
Dilim”. Anong salita ang gnamit upang ipahayag ang pagsang-ayon?
a. Mabisa b. Salamin
c. Makatotohanan d. Tunay
Panuto: Piliin sa kahon ang angkop na pang-ukol sa mga patlang sa pangungusap.
a. Alinsunod sa,
b. Para sa,
c. Tungkol sa,
d. sa
73. _c_ masamang idinudulot ng sobrang pag-inom ng alak ang paksa natin.
74. _a_ pag-aaral ng mga dalubhasa sa medisina, lubhang mapanira sa kalusugan ng alcohol sa
alak.
75. Maging maingat _d_ ating kalusugan.
76. Lahat ng pag-iingat na ito ay _b_ inyong kabutihan.
Panuto: Piliin ang angkop na pangatnig na dapat ipuno sa bawat patlang.
77. Nais niyang lumagay na sa tahimik _______ hindi pa siya nakatatapos sa kanyang pag-aaral.
a. Kahit b. Bagaman
c. Datapwat d. Ngunit
78. Nakapagpapatatag ng samahan ng magkasintahan ng pagkamatapat _________
nakapagpapahina ng samahan ang di-pagkakaunawaan.
a. Bagaman b. Maging
c. Samantala d. Kahit
Panuto: Basahin ang talata.
(1) Ang Noli Me Tangere ay isang nobelang panlipunan, tinatalakay nito ang lipunang Pilipino na
kinabuhayan at kinamatayan ni Jose Rizal. (2) Ayon kay Rizal, ito ay nagpapakita ng isang mukha ng
lipunangnoong una ay walang sinumang nagnais na ilantad ang tunay na anyo. (3) Marahil ito ang
dahilan kung bakit ang balangkas ng nobela ay hindi ganoong matibay. (4) Ayon kay Rizal, ang
nobela ay isang paraanng matapat na pagpapamalas sa kalagayan ng bayanna ang lahat ay
ipagpapasakit, maging ang sarili, alang-alang sa katotohanan. (5) Kung ilalagay sa dapat kalagyan,
ang nobela ay hindi sinulat para sa panitikan kundi para sa rebolusyong panlipunan na nagnanais ng
pagbabago, na sa nobela ay kinatawan ni Crisostomo Ibarra, ang mestisong kastila na nag-aaral sa
Europa.
79. Sa pangungusap 5, ano ang pangunahing layunin ng pagsulat ni Rizal ng nobelang Noli Me
Tangere?
a. Hikayatin ang mga Pilipinong makipagkaisa sa mga Kastila
b. Imulat ang mga Pilipino sa tunay na kalagayan ng kanilang lipunan
c. Gisingin ang kaisipan ng mga Pilipino na ipaglaban ang kinamulatang kultura at
tradisyon
d. Ilarawan ang kabuhayan ng mga Pilipino noong panahon ng rebolusyon
Panuto: Piliin kung alin ang pinakawastong pagsasaling-wika sa mga sumusunod.
80. I am sure he didn’t come yesterday.
a. Ako ay tiyak na hindi siya dumating kahapon.
b. Natitiyak kong hindi siya dumating kahapon.
c. Ako ay natitiyak na hindi siya dumating kahapon.
d. Ang tiyak ko’y hindi siya dumating kahapon.
81. I hope we can always call each other.
a. Ako ay umaasa na tayo ay laging magtatawagan sa isa’t isa.
b. Umaasa akong lagi tayong magtatawagan.
c. Umaasa akong laging magtatawagan tayp sa isa’t isa.
d. Ako ay umaasang tayo ay magtatawagan sa isa’t isa.
Panuto: Piliin ang titik ng pinakatamang sagot.
82. Ang pinakamatandang epiko sa mundo at kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng
panitikan ay ang _______.
a. Ibalon b. llliad c. Gilgamesh d. Beowulf
83. Ang ________ ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan
na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan ay buhat sa lipi ng
mga diyos o diyosa.
a. Mitolohiya b. Epiko c. Alamat d. Korido
84. Naglalaman ng kuwento tungkol sa diyos at diyosa.
a. Dagli b. Epiko c. Alamat d. Mitolohiya
85. Ang _______ ay mga kuwentong madalas na hango sa Banal na Kasulatan at umaakay sa
matuwid na landas ng buhay.
a. Dagli b. Nobela c. Pabula d. Parabula
86. Ito ay tumutukoy sa katutubong panitikan ng Pilipinas ng nagsasalaysay ng kabayanihan at
supernatural na mga pangyayari.
a. Mito b. Epiko c. Alamat d. Mitolohiya
87. Ang tulang naglalarawan ng simpleng paraan ng pamumuhay sa bukid ay tinatawag na
_______.
a. pastoral b. elehiya c. soneto d. dali
88. Lubhang nalibang si Marko sa pakikipagsayaw kaya’t mag-iikaapat na ng madaling araw nang
silang mag-asawa’y umuwi. Tanging isang lumang dokar na lamang ang kanilang nasakyan.
Ang dokar ay isang _______.
a. maliit na bangka b. lumang kotse
c. pampasaherong dyip d. kalesa
89. Masyadong dinamdam ni Don Mariano ang ginawang pagtatanan ng anak kaya’t nagawa niya
itong itakwil. Palibhsa’y ama, _____ napatawad niya rin ito. Anong panandang pandiskurso
ang angkop sa patlang?
a. sa wakas b. pagkaraa’y
c. sa dakong huli’y d. pagdating ng panaho’y
90. Alin sa sumusunod ang hindi kaugnay sa pahayag ni Cupid na: “Hindi mabubuhay ang pag-
ibig kung walang tiwala.”
a. Walang pag-ibig kung walang tiwala.
b. Titibay ang pag-ibig kung may pagtitiwala.
c. Hindi wagas ang pag-ibig na ipinagkaktiwala.
d. Ang pag-ibig at tiwala ay hindi mapaghihiwalay.
91. Mabuti bang taglayin ng Diyos ang katangian ng tao?
a. Oo, upang madaling magkaunawaan ang tao at Diyos.
b. Oo, upang maunawaan ng Diyos ang kahinaan ng tao.
c. Hindi, sapagkat banal ang Diyos at makasalanan ang tao.
d. Hindi, dahil ang Diyos ay nasa langit samantalang ang tao ay nasa lupa.
Para sa bilang 92:
“Kaibigan, pinarurusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong kahiya-
hiya. Hindi ako mamamatay tulad ng ibang namatay sa labanan; natatakot akong
mamatay, ngunit maligaya ang taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa katulad
kong nakakhiya ang pagkamatay.”

92. Ano ang damdaming nangingibabaw sa pahayag na ito?


a. nagsisisi b. nahihiya c. nalulungkot d. natatakot
93. ________ ng klase ni Almira, agad siyang umuwi upang tumulong sa gawaing-bahay. Anong
salita ang angkop na gamitin sa pangungusap?
a. Sumunod b. Ngayong araw c. Pagkatapos d. Kagabi
94. Ang _________ ay isang uri ng akdang tuluyan na nagsasalaysay tungkol sa pinamulan ng
mga diyos at diyosa, bathala at mga anito, sa pagkakalikha ng mundo at ng kalawakan.
a. alamat b. epiko c. kuwentong bayan d. mitolohiya
95. Ano ang nagging dahilan ng kamatayan ni Romeo?
a. sinaksak siya ni Tybalt b. uminom siya ng lason
c. tinamaan siya ng pana sa digmaan d. nagkasakit dala ng matinding gutom
96. Ano ang ginawang paraan ng mag-asawang Della at Jim upang mabigyan ng regalo ang isa’t
-isa?
a. Isinangla nila ang kanilang mga alahas
b. Ipinagbili ni Della ang kaniyang buhok
c. Ipinagbili ni Jim ang kaniyang gintong relos
d. b at c
97. Isang akdang tuluyan na maraming tauhan at pangyayaring totoo o likhang isip lamang.
a. dula b. nobela c. maikling kwento d. alamat
98. Uri ng tula na naglalahad ng mga saloobin, damdamin, imahinasyon at karanasang maaaring
sarili ng may-akda o ibang tao.
a. pasalaysay b. padula c. pandamdamin d. patnigan
99. (Hingi) nila ng tulong ang mga nasalanta ng bagyo sa Kabisayaan. Ang angkop na pandiwang
dapat gamitin sa pangungusap ay __________.
a. nanghingi b. ipaghingi c. ipinaghingi d. humingi
100. Namukod siya sa hanay ng kabataan kataon niya tulad ng isang brilyante sa tumok ng mga
bato. Ano ang salitang-ugat ng salitang namukod?
a. tukod b. bukod c. mukod d. amo
101. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nasa pokus sa layon?
a. Naghanda ang magsasaka ng masaganang hapunan para kay Thor.
b. Ipinaghanda ng magsasaka ng masaganang hapunan si Thor.
c. Inihanda ng magsasaka ang masaganang hapunan para kay Thor.
d. Naghahanda si Thor ng masaganang hapunan para sa magsasaka.
Para sa bilang 102-103:
Ngayon pong araw na ito, gaya ng ginagawa ko araw-araw, gumigising po ako ng alas
singko ng umaga. Umiigib ako ng tubig sa isang balon na malapit sa amin. Napakahirap pong
balansehin ang mabibigat na banga sa aking ulo. Pagkatapos po ay naghanda na ako ng
almusal at inihain ko po iyon sa pamilyang pinaglilingkuran. Medyo nahuli nga po akong ng
paghahain ng almusal, kaya pinalo po ako ng aking amo ng sinturong kwero.

102. Ginamit ang mga salitang ngayon pong araw na ito, pagkatapos po upang _________.
a. magsalaysay b. maglarawan c. maglahad d. mangatwiran
103. Ikaw na bumasa ng mga pangyayari ay makadarama ng _________.
a. pagkahabag b. panlulumo c. pagtataka d. pagkaasar
Para sa mga bilang 104:
Kailangang magkaisa ang sambayanang Pilipino para umunlad ang ating bansa. Nais
ng pamahalaan na tulungan ang mga mamamayan bagaman ito’y nangangailangan ng
masusing pag-aaral. Tayong mga mamamayan ay dapat magsikap upang umunlad ang
bayan. Libu-libong mamamayan ang nangangailangan ng tulong at kalinga ng pamahalaan
kaya’t hindi natin dapat balisanhin ang namumuno nito. Buksan natin ang ating isipan sa
mga bagay na makabuluhan sa atin.

104. Ang tekstong iyong binasa ay may layuning ______.


a. mangaral b. manuligsa
c. manghikayat d. magbigay impormasyon
Para sa mga bilang 105-108:
“Bahala na!” Ito ang karaniwang naibubulalas ng Pilipinong gipit o taong wala nang
magawa o mapagpipilian sa isang pangyayari. May maganda at di magandang naidudulot
ang ugaling ito. Isa sa hindi magandang idinudulot nito ay ang pagiging palaasa ng isang tao
kaya’t madalas ay ipinagpapasa-Diyos na lamang niya ang pangyayari sa kaniyang buhay.
Samantala, ang magandang idinudulot nito ay hindi nagiging aburido ang isang tao na may
matinding problema sa buhay. Isa itong matapang na pagharap sa katotohanan. Sa isang
banda ang hindi mahusay na pagpapasya ay nagingibabaw ay dahil sa masamang ugali
nito.
105. Ano ang kaisipang nakapapaloob sa pahayag na “Bahala na?”
a. alaswerte b. lakas ng loob
c. kawalan ng pag-asa d. walang tiyak na patutunguhan
106. Ang dalawang kaisipang itinuturo ng teksto ay ________.
a. pananalig sa Diyos
b. matapang na pagharap sa katotohanan
c. pagkilos kaagad sa harap ng pagsubok
d. pagkapit sa patalimkapag nagigipit
107. Ang salawikaing angkop iugnay sa ugaling ipinapasa-Diyos ng tao ang kaniyang mga
problema ay __________.
a. mahal ng Panginoon
b. Diyos ang nakakaalam ng lahat
c. Hindi tayo pababayaan ng Diyos
d. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ng gawa
108. Sa pahayag na “Huwag kang mag-isip, tanda. Magpatuloy ka sa paglalayag at harapin ang
anumang dumatin,.” tinutukoy dito na ang matanda ay may isipang.
a. negatibo b. kolonyal c. positibo d. alipin

Para sa bilang 109;


Tunay na isang mabisa, walang kupas at makatotohanang salamin ng lipunan ang
nobela. Mabisa sapagkat hindi nito itinatago ang katotohanan, bagkus ipinapakita nito sa
mambabasa sa paraang hindi ito maaaring isantabi. Sa makatotohanan nitong pagkasulat,
wala kang magagawa kundi harapin at tanggapin ito.
Totoo na malungkot isipin, kuwento ito ng libo-libong Julio at Ligayang ipinapadpad ng
kapalaran mula sa kanilang tahimik ngunit napakahirap na buahy sa pronbinsiya patungo sa
buhay na hindi nila akalain na magiging mas mahirap pa.
109. Ano ang layunin ng panunuring pampanitikan batay sa bahaging nabasa?
109. Ano ang layunin ng panunuring pampanitikan batay sa bahaging nabasa?
a. Mabigyan ng puna ang kabuuan ng akda.
b. Mailahad ang mga kainaman o kahinaan ng akda.
c. Mabigyan ng pokus ang mga elementong ginamit sa akda.
d. Makita ang kaanyuang nilikha ng may akda sa kanyang obra.
110. Ano ang ibig sabihin ng salitang nakasalungguhit na mula sa taludtod ng tulang Hele ng Ina
sa Kaniyang Panganay?
Ang poo’y di marapat pagnakawan,
Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.
a. nais b. mithi c. hangad d. pangarap

Para sa bilang 111-113:


Bata pa lamang si Sundiata ay naging mahusay nang mangangaso. Naging
matalik niyang kaibigan si Manding Bory, ang anak ng kaniyang ama sa ikatlong asawa.
Nang mabigo ang balak na pang-utas kay Djata nina Sassouma at Dankaran, ipinatapon
nila ang mag-anak. Ang bayani sampu ng kadugo ay nakahanap ng kanlungan sa
kaharian ng Mema.

111. Ito ay nagsasaad ng mga pangyayaring magkakaugnay.


a. Tunggalian b. Paglalarawan
c. Pagkukuwento d. Pagsasalaysay
112. Ito ay pagpapahayag ng sariling opinion, kaisipan, at ideyang binibigkas sa harap ng
maraming
tao.
a. tula b. sanaysay c. talumpati d. balagtasan
113. Alin sa pahayag ang naglalahad ng damdaming nagmumungkahi o nagpapayo?
a. Tignan moa ng iyong sarili.
b. Huminahon ka ina, kalimutan mo na iyon.
c. Walang makapaparam ng pang-iinsultong aking tinamo.
d. Tandaan, walang silid para sa dalawang hari sa isang reyna.

Para sa bilang 114 at 115:


Ayaw ni Okonkwo sa mahihina. Sa ganoong paraan niya pilit na iwinawaksi ang
tumatak na pagkatao ng kaniyang amang si Unoka sa kanilang pamayanan. Tamad,
baon sa utang, mahina at walang kuwenta sapagkat ni isang laban ay walang
naipanalo ang kaniyang ama. Mag-isang hinubog ni Okonkwo ang kaniyang
kapalaran. Nagsumikap maiangat ang buhay, nagkaroon ng tatlong asawa, titulo sa
mga laban at higit sa lahat, pagkilala mula sa mga katribo.
114. Batay sa pagsasalin sa kahon, alin ang unang-unang pamantayan dapat isaalang-alang sa
pagsasalin?
“Love excuses everything “Mapagpatawad ang pag-ibig,
believe all things, hopes pinaniniwalaan ang lahat ng bagay,
all things, endures all puno ng pag-asa sa mga bagay,
things”. nakakaya ang lahat ng bagay.”
a. Basahin nang paulit-ulit.
b. Ikumpara ang ginawang salin.
c. Tignan ang bawat salita sa isinasalin.
d. May sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot.

115. Piliin ang pinakamalapit na salin sa kasabihang:


“A negative mind will never give you a positive life”
a. Ang isip na negatibo ay di magbibigay ng buhay na positibo.
b. Ang kaisipang negatibo ay hindi ka mabibigyan ng positibong buhay.
c. Ang negatibong pag-iisip ay di magdadala sayo sa magandang buhay.
d. Ang negatibong pag-isip ay hindi magbibigay sayo ng positibong buhay.

Para sa bilang 116 at 117:


“Naalala ko pa noon, kasalukuyan kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos
ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga
lakaran. Kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat. Mabilis itong inanod
sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil inisip ko ang aking ina na
magagalit dahil sa pagkawala ng aking tsinelas. Tiningnan ako ng nagsasagwan nang
kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dalidali kong itinapon sa dagat, kasama ang dasal
na mahabol nito ang kapares na tsinelas.

116. Kung susuriin ang ating binasa, anong katangian ng isang mahusay na pagsasalaysay ang
taglay nito?
a. ito ay napapanahon
b. mahusay ang sumusat
c. kawili wili ang paraan ng pagkakasulat
d. ito ay pangyayari ng mga karanasang magkakaugnay sa pinakamasining na paraan
ng pagpapahayag
117. Sa salaysay na nabanggit, anong aral ang nais iparating nito?
a. katapatan sa bayan
b. pagpapahalaga sa kanyang kapwa
c. pagpaparaya para sa kapakanan ng iba
d. mahusay na pakikitungo sa kaniyang kapwa kabataan
Para sa bilang 118 at 119:
Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na ating ibinabahagi sa lupaing ito ay
nagpapaliwanag sa lalim ng sakit na dala-dala ng ating mga puso sa tuwing makikita natin
ang ating bansa na nalulugmok sa di pagkakasundo. At sa tuwing makikita natin ang
pagtanggi, ang paglaban sa batas at paghihiwalay ng mga tao sa mundo. Ito ay dahil sa
naging pambansang batayan ang nakamamatay na ideolohiya at pagkakaroon ng rasismo.
Mula sa Talumpati ni Nelson Madela

118. Ang rasismo na binanggit sa bahagi ng talumpati ay nangangahulugang ___________.


a. pagtanggi at paglaban sa batas
b. pakikipag-unahan ng bawat bansa sap ag-unlad
c. malalim na sakit na dala-dala ng ating mga puso
d. hindi pagkakapantay-pantay na pagtingin sa magkaibang lahi
119. Ito ang epekto ng pagkakaroon ng nakamamatay na ideolohiya at rasismo.
a. pagtanggi sa rasismo
b. pagkalugmok ng sarili
c. espiritwal at pisikal na kaisahan
d. paghihiwalay ng mga tao sa mundo
Para sa bilang 120 at 122:

Ang ilaw na iyang maganda sa mata


Na may liwanag nang kahali-halina
Dapat mong layuan, iyo’y palamara
Pinapatay bawat malapit sa kanya.
Hango sa “Ang matanda at Batang Paruparo”
Ni Rafael Palma

120. Ano ang sinisimbolo ng ilaw sa saknong ng tulang binasa?


a. bisyo b. tukso c. panghihikayat d. kayamanan
121. Anong damdamin o saloobin ng persona sa tula?
a. nag-aanyaya b. nagbababala c. nangangako d. nagpapayo

122. Ano ang angkop na matalinghagang pananalita sa imahe ng saknong ng tulang binasa?
a. bukas ang kaisipan c. ikurus sa noo
b. ibaon sa hukay d. isang kisap-mata

Para sa bilang 123:

“Ika’y magtino, munting bata, baka pagliyabin ko ang iyong mga paa, dahil ako ang
pula’t mainit na baga.”
“Datapuwat ako, ako ang ulan na papawi sa baga: Ako ang malakas na agos na
tatangay sa iyo.”
“Ako ang makapangyarihang sutlang-puno ng bulak na matayog sa ibang puno.”
“At ako, ako ang nanakal nab aging na gagapang sa tuktok ng heganteng
kagubatan.”
“Huston a ang pangangatuwirang ito. Hindi mo mapapasakamay ang Mali.”
“Tandaan, walang silid para sa dalawang hari sa isang reyno Soumaoro;
pahintulutan mo akong agawin ang iyong puwesto.”
“Magaling, sapagkat digmaan ang iyong ninasa ika’y hindi ko uurungan subalit itimo
mong siyam na hari ang aking pinugutan ng ulo at inadorno sa aking silid. Tunay na
kaawa-awa, ang iyong ulo’y matatabi sa kapwa mo pangahas.”
“Ihanda moa ng iyong sarili Soumaoro, ang delubyo’y mananalasa, sasalpok at
ibubura sa iyo sa lupa.”
Hango sa Sundiata: Epiko ng Sinaunang Mali
Salin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora

123. Batay sa tunggalian ng dalawang tauhan sa epiko at kung ihahambing, kaninong kilalang
personalidad ng kasaysayan sila maitutulad?
a. Benigno Aquino II at Ferdinand Marcos
b. Ferdinand Magellan at Lapu-lapu
c. George W. Bush at Saddam Hussein
d. Nelson Mandela at Oliver Tambo
124. Sa iyong palagay, ano ang pinakamalapit na ipinahihiwatig ng anekdota ni Rizal na
“Gamugamo at Lampara?”
a. Kasayahan, kulitan ng kabataan noon
b. Ang kabataan ay dapat mag-aral nang mabuti.
c. Ang liwanag na nilikha ni Rizal at ang kaayusan ng bansa.
d. Ito ay sumisimbolo sa edukasyon at kabataan na pag-asa ng bayan.
125. Sa kasabihang, “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa”, ano ang nais nitong ipabatid?
a. Marapat na ang tao ay manalangin nang manalangin.
b. Kahit gawa nang gawa ang Diyos parin ang bahala
c. Marapat na kumilos ang tao para sa kanyang buhay.
d. Dapat na ang tao ay gumawa ayon sa kalooban ng Diyos.
Para sa bilang 126 at 128:
Sa tingin ko nga, mas mahal pa niya kami kaysa kanyang sarili. Nang mawala
ang aming ama, ganoon na lamang ang pag-aalala naming sa kanya. Inaakala ko na
manghihina ang kanyang katawang pisikal at espiritwal subalit nanatili siyang metatag
at nakakapit sa Diyos.
126. Anong damdamin ang namamayani sa nagsasalaysay sa talata?
a. Kalungkutan b. pagmamalaki c. paghihinakit d. panghihinayang
127. Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap na Sa tingin ko nga, mas mahal pa niya kami kaysa
sa kanyang sarili.
a. Gagawin lahat ng magulang para sa kanyang anak.
b. Alam ng magulang kung ano ang makabubuti para sa mga anak
c. Binibili ng magulang ang mga luho ng anak para sa sarili nitong kapakanan.
d. Ibibigay ng magulang ang pangangailangang pisikal at espiritwal para sa
pangangailangan ng mga anak
128. Anong uri ng ina ang masasalamin sa talata?
a. Malulungkutin subalit metatag.
b. Nangungunsinti sa kakulangan ng mga anak.
c. Mapagbigay para sa pangangailangang pisikal ng mga anak
d. Inang mapagmahal sa mga anak at nagpapahalaga sa Diyos.
Para sa bilang 129-133, isaayos ang mga sumusunod na pangungusap upang makabuo ng
isang mabisang talata.
a. Sumulat din si Jose Rizal ng mga tula, sanaysay at iba pang akdang pampanitikan.
b. Inilarawan niya ang pangangailangang maturuan ang mga Pilipino upang mamulat ang
kaisipan sa mga katiwaliang nagaganap sa pamamalakad ng mga kastila sa bansa.
c. Sa kanyang nobelang El Filibusterismo na isang nobelang Panlipunan
d. Ito’y nagpapakita ng tunay na kalagayan ng lipunang Pilipino sa ilalim ng pamamalakad ng
mga Kastila.
e. Tinuligsa ni Rizal ang mga pagmamalabis ng mga Kastila sa kapangyarihan maging ito man
ay sa pamahalaan o sa simbahan.
Sagot:
129. c
130. e
131. d
132. b
133. a

Para sa bilang 134-140, kilalanin ang mga sumusunod na tauhan sa nobelang El


Filibusterismo batay sa kanilang pananalita o mga opinyong inilahad.
134. “Bumalik ako…ninanasa ko ang isang himagsikan sapagkat tanging isang himagsikan ang
makapagbubukas sa akin ng mga pinto ng mga kumbento.”
a. Isagani b. Simoun c. Basilio d. Quiroga
135. “Kung ako po’y magkaroon ng katulad niyan, at wala akong magawa kundi ang ukol lamang
sa sarili, ang bawat uban ay magiging isang tinik at hindi ko sila ipagkakapuri kundi bagkus
ikahihiya.”
a. Isagani b. Macaraeg c. Placido Penitente d. Basilio
136. “Ang likas na laman ng isip ng tao at puso ay walng katumbas sa wikang banyaga.”
a. Ben Zayb b. Basilio c. Simoun d. Paulita
137. “Kahit ang tubig ay matabang, ay naiinom, napapawi ang bisa ng alak at serbesa, at
pumapatay ng apoy, kapag pinainit ay magiging singaw, kapag pinagalit ay nagiging malawak
na dagat, at minsay nagwasak sa sangkatauhan at nagpayanig sa buong daigdig”.
a. Basilio b. Isagani c. Kapitang Tiyago d. Padre Camorra
138. “Ang karunungan ay hindi siyang hantungan ng tao”.
a. Basilio b. Simoun c. Huli d. Padre Sibyla
139. “Walang manmg-aalipin kung walang paaalipin”.
a. Simoun b. Basilio c. Ben Zayb d. Paulita
140. “Bawat bansa ay may sariling wika. Habang may sariling wika ang isang bayan ay taglay
niya
ang kalayaan. Ang wika ay pag-iisip ng bayan”.
a. Simoun b. Basilio c. Paulita d. Padre Camorra
141. “Malapit na ang araw at sa pagbubukang liwayway ay ako na rin ang magbabalita sa inyo”.
Sa
pahayag na ito, nakikita ni Simoun na ________.
a. magiging Malaya ang bansa b. mamamatay na siya
c. tutulunga niya si Basilio d. Magbabago siya ng pasya
142. “Ang kabaitan ay di tulad ng brilyante na maisasalin sa iba. Ito ay likas sa tao”. Ano ang ibig
sabihin ng pahayag?
a. Hindi naibibigay ang ugali ng isang tao
b. Ang kabaitan ay tulad ng isang brilyante
c. Likas sa tao ang kabaitan
d. Ang ugali ay yaman ng tao na maaring ipamana sa iba.
143. “Sa isang utos ng pamahalaan, maaaring maipabilanggo ang ama, asawa o kapatid”. Ano
ang
ibig sabihin ng pahayag?
a. Mahilig manakot ang pamahalaan.
b. Makapangyarihan ang pamahalaan.
c. Nagbubulag-bulagan ang pamahalaan
d. Natatakot ang ama, asawa o kapatid sa pamahalaan
144. Nakarinig si Basilio ng alatiit ng natapakang mga tuyong sanga at kaluskos ng dahon. Ano
ang
kahulugan ng alatiit?
a. Ingay ng mga puno
b. Mahinang tunog ng nabaling tuyong kahoy o sanga
c. Humampas na dahoon
d. Ingay ng malakas na hangin
144. “Kapag wala ng busabos at nambubusabos, kapag wala ng alipin at mang-aalipin.” Ano ang
kahulugan ng busabos?
a. walang malay
b. sadlak sa hirap
c. baon sa kahirapan
d. lubhang mababa ang pakikitungo ng kapwa at tinitingnan bilang alipin
145. “At inamin ni Simoun na siya rin si Ibarra. Isinalaysay niya ang paglilibot sa buong daigdig
upang magpayaman. Nagbalik upang ibagsak ang pamahalaang puno ng pag-iimbot at
pagmamalabis.”
-Halaw sa nobelang “El Filibusterismo”-
Batay sa talata, ano ang pangunahing layunin ng pagbabalik ni Simoun sa kanyang bansa?
a. Gisingin ang tulog na kaisipan nga kanyang mga kababayan
b. Ibagsak ang pamahalaan
c. Ipamulat sa kanyang mga kababayan ang pagmamahal sa bayan
d. Makipagtulungan sa mga Kastila sa pamahalaan

-GOD bless-

You might also like