You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

Pansangay na Pagsusulit Para sa Ikaapat na Markahan


Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) 10

Pangalan: __________________________________ Iskor:


___________
Baitang at Pangkat: ________________________ Petsa:
___________

Panuto: Piliin ang titik ng angkop na sagot sa bawat bilang. Isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang
papel.

1. Ang pagmaltrato at paglabag na ginagawa ng tao na tuwirang taliwas sa pangangalaga sa


kalikasan at nagdudulot ng pagkapinsala hindi lamang sa mga isda kundi maging sa kanilang
natural habitat o tirahan ay gawa ng:
A. Global warming at climate change C. Komersyalismo at Urbanisasyon
B. Malabis at mapanirang pangingisda D. Maling pagtatapon ng basura
2. Ang mga puno at iba pang halaman ang siyang tagapagbigay sa atin ng napakahalagang hangin
na ating hinihinga upang mabuhay. Maliban sa hangin na ating nilalanghap, ano ang isa pang
pangunahing pangangailangan ng tao na naapektuhan ng pinsalang epekto ng iligal na pagputol
ng puno?
A. Tuwing tag-init, aasahan na ito ay magdudulot ng kakulangan sa supply ng tubig.
B. Mababawasan ang kahoy na gagamitin sa paggawa ng bahay sa darating na panahon.
C. Maaapektuhan ang paggawa ng gamot na mula sa mga puno
D. Magkakaroon ng kakulangan sa supply ng mga sangkap sa pagkain na mula sa mga puno.
3. Ang komersiyalismo ay maiuugnay sa pag-uugali ng tao at mga kilos na nagpapakita nang labis
na pagpapahalaga na kumita ng pera o kaya’y pagmamahal sa mga materyal na bagay sa halip na
ibang mga pagpapahalaga. Ano ang maaari nating gawin upang ito ay maiwasan?
A. Limitahan ang pagkain sa labas o paggala sa mall.
B. Iayon lamang ang mga bibilhin o gastusin sa kung ano ang higit na pangangailangan at hindi
ang mga nais o gusto lang.
C. Maging alerto sa kung ano ang uso dahil hindi lahat ay makabubuti sa iyo.
D. Walang paraan upang ito ay maiwasan dahil dahil kasabay ng pag-unlad ang komersiyalismo.
4. Si Atty. Ledesma ay tatakbong Gobernador ng Zambales. Nakita mong pinagkakaguluhan siya
ng maraming tao dahil sa inaabot na limandaang piso kasama ng pakiusap na sya ang dapat iboto
sa darating na halalan. Ang iyong nakitang pangyayari ay halimbawa ng:
A. Kurapsiyon B. Kickback C. Nepotismo D. Panunuhol
5. Ang global warming at climate change ay dalawang terminolohiyang pareho at walang
pinagkaiba. Ang pangungusap na ito ay:
A. Tama, dahil pareho silang may kaugnayan sa panahon.
B. Mali, dahil ang global warming ay nagdudulot ng climate change.
C. Mali, dahil ang climate change ay nagdudulot ng global warming.
D. Tama, dahil iisa lang ang kahulugan nito.
6. Si Renato ay nahirang bilang kawani ng isang ahensya ng pamahalaan sa kanilang bayan. Sa
kasalukuyan, Mayor ang kanyang pinsan sa nasabing bayan. Dahil kamag-anak ni Renato ang
Mayor, madali lang sa kanya na makuha ang posisyon at hindi na ito dumaan sa tamang proseso.
Maituturing mo ba itong isang uri ng isyu sa paggamit ng kapangyarihan?
A. Opo, dahil ito ay maituturing na nepotismo.
B. Opo, dahil ito ay maituturing na kolusyon
C. Hindi po, dahil wala naman itong kinalaman sa kurapsiyon
D. Hindi po, dahil walang binigay na suhol si Renato
7. Ano ang pinakamainam na kahulugan ng kapangyarihan para sa iyo?
A. May kakayahan upang ipatupad ang isang pasiya at lumikha ng panukala na makabubuti para
sa lahat.
B. Pagkontrol sa batas at nasasakupan nang may tapang.
C. Kagalingan sa pagsasaayos ng isang lugar at may maimpluwensyang pamilya
D. Kapag ikaw ay may mataas na posisyon sa pamahalaan.
8. Si Jonathan ay nahuli ng Pulis Trapiko sa bilis ng kanyang pagmamaneho. Kinukuha ng Pulis
ang kaniyang lisensiya ngunit wala siyang maipakita dito. Sa halip ay humingi nalang siya ng
paumanhin dahil siya ay nagmamadali kasabay ng pag-abot ng limandaang piso na tinanggap ng
Pulis. Tama ba ang ginawang aksiyon ng Pulis?
A. Mali po, dahil hindi tinanggihan ng Pulis ang ibinigay na pera.
B. Mali po, dahil ang Pulis ay hindi nagpakita ng katapatan sa kaniyang tungkulin.
C. Tama po, dahil ang binigay na pera ay maliit lamang ang halaga at hindi ito magpapababa ng
kanyang dignidad bilang Pulis
D. Tama po, dahil minsan nauunawaan naman ng mga Pulis ang pakiusap ng mga driver kapag
sila ay nahuhuli.
9. Taong 2013 ay nakaranas ng bagyo ang bansang Pilipinas. Maraming nasawi na umabot sa higit
kumulang na 6,300 at pinsalang dala nito sa 95.5 bilyong piso. Nagdulot ito ng malaking
pagbaha na naranasan natin dito sa Zambales. Maliban sa napakalakas na bagyo, alin sa mga
sumusunod ang iba pang pangunahing sanhi ng matinding pagbaha?
A. Lumakas nang lumakas ang mga pag-ulan ngayon dahil sa climate change.
B. May pagguho ng lupa na sanhi ng mga minahan o quarrying kaya bumabaha.
C. Dahil sa iligal na pagputol ng puno, wala ng sumisipsip sa tubig at nagpapatibay sa lupa
D. Kulang ang mga kanal na pinagawa ng DPWH sa mga daan at mga barangay.
10. Ayon kay Mahatma Gandhi na nagsasabing “Kung gusto mo ang pagbabago at kung gusto mo
ng mas maayos na buhay, dapat simulan mo ito sa iyong sarili.” Ang pahayag ay nagsasabing:
A. Mag-meditate araw-araw
B. Sisikaping magbago sa sariling paraan upang unti-unting magbabago rin ang lipunan.
C. Kung hindi ka magbabago, hindi magiging maayos ang buhay.
D. Ang pagbabago ay madali dahil ito ay nagmumula sa sarili
11. Sa Panahon ng kampanya, madalas nating marinig ang pangako ng mga kandidato na hindi
magnanakaw o magbubulsa ng pera ng bayan kung sakaling manalo sila sa eleksiyon. Ngunit
taliwas sa kanilang pangako ay marami paring gumagawa ng tahasang kawalan ng espiritiwal o
moral na kalinisan at paglihis sa kanais-nais na asal. Alin sa mga sumusunod na isyu ang
tinutukoy ng pahayag?
A. Nepotismo B. Kickback C. Kolusyon D. Kurapsiyon
12. Ayon kay Santo Papa Benedicto XVI, “ang planetang hindi mo isinalba ay ang mundong hindi
mo na matitirahan.” Ano ang nararapat nating gawin upang isalba ang kalikasan, ang ating
mundo?
A. Itapon ang basura sa tamang lugar. C. Pamumuhay ng simple.
B. Pagsasabuhay ng 4R’s. D. Lahat ng nabanggit.
13. Si Cindy ay nangangalakal ng basura sa kanilang lugar. Nanghihinayang kasi siya sa mga
itinatapon na maaari pang pakinabangan. Ang mga bagay na ito ay pinagbabagong bihis nya
upang magamit pa sa ibang paraan. Ang ginagawa ni Cindy ay paraan ng ________.
A. Pagre-reduce B. Pagrere-use C. Pagre-recycle D. Pagre- replace
14. Napakaganda ng mga dalampasigan sa Iba, Zambales. Maraming dayuhan ang pumapasyal dito.
Maituturing na magandang tourist spot ang mga beaches dito. Ano ang mabuting gawin upang
mapanatiling kaaya-aya ang mga ganitong lugar kasabay ng pag-unlad nito dala ng turismo.
A. Magtayo ng mga hotel malapit sa mga beaches at iba pang atraksiyon.
B. Magtinda ng mga palamuti, alahas at iba pang yari sa korales.
C. Maging responsable ang mga beach owners sa pagpapanatili ng kalinisan sa kanilang resort.
D. Pairalin ang disiplinang pansarili sa lahat ng oras at kahit nasaan ka man mapadpad.
15. Mahilig kang magtanim ng mga gulay sa inyong bakuran. Naisip mong mag-organisa ng isang
gardening activity sa inyong paaralan. Ngunit nahihirapan kang isakatuparan ito dahil hindi ka
kabilang sa horticulture class. Ano ang iyong gagawin?
A. Manghikayat ng mga estudyanteng tulad mo upang umpisahan na ang pagtatanim kahit
walang pahintulot ng guro.
B. Sasarilinin na lang ang naisip na aktibidad dahil wala rin naman itong patutunguhan
C. Makikipag-ugnayan sa mga guro sa TLE o horticulture upang mag-volunteer sa pagtatanim sa
paaralan sa aking free time.
D. Mamimili ng maraming seedlings upang i-donate ito sa paaralan
16. Ang sumusunod ay mga hakbang upang makatulong sa pagpapanumbalik at pagpapanatili ng
kagandahan at kasaganaan ng mundo na ang nakikinabang ay tao MALIBAN sa:
A. Pagtatanim ng mga puno
B. komersyalismo at urbanisasyon
C. Sundin ang batas at makipagtulungan sa mga tagapagpatupad nito
D. Pagsasabuhay ng 4R (Reduce, Reuse, Recycle at Replace)
17. Alin sa mga sumusunod ang HIGIT na nakapipinsalang epekto ng maling pagtatapon ng basura?
A. Magiging sanhi ng pagbaha dahil sa pagbara sa mga kanal o estero ng mga basura.
B. Magiging mabaho ang hangin na ating lalanghapin sa araw-araw
C. Magdudulot ng mga nakahahawang sakit sa balat, sa baga at iba pa.
D. Magiging makalat o marumi na ang ating paligid.
18. Si Kapitan Hugo ay matalik na kaibigan ni Ryan Costa na nagsisilbi sa Comelec. Nilapitan niya
ito upang gumawa ng pandaraya sa halalan sa pamamagitan ng dagdag-bawas o iligal na
panghihimasok sa pagbibilang ng boto. Ang gawaing ito ay isyung may kinalaman sa:
A. Kickback B. Pakikipagsabwatan C. Panunuhol D. Nepotismo
19. Si Ramon ay isang masipag na kagawad ng bayan. Sa kanilang lugar siya ay tumutulong sa lahat
ng nagangailangan. Siya man ay may katungkulan hindi niya ito ginagamit upang manlamang sa
kapwa. Ang ginagawang kabutihan ni Ramon may kinalaman sa integridad. Alin sa mga
sumusunod ang hindi kaugnay dito?
A. Nagbibigay-galang ito sa iyong sarili
B. Gagalangin at pagkakatiwalaan ka ng iyong kapwa
C. Madaling makaimpluwensiya
D. Madali kang magtiwala sa iyong kapwa
20. Bilang aktibong miyembro ng Yes-O ay itinalaga ka ng inyong guro sa Agham na maging
tagapagmasid sa kalinisan ng inyong silid-aralan tuwing recess. Ikaw ay maglilista ng mga hindi
marunong magtapon ng kanilang pinagkainan sa tamang basurahan. Nakita mo ang bestfriend
mo na nagtapon ng kanyang pinagkainan sa tabi lang ng kanyang upuan at sinipa ito. Kapag
nilista mo siya ay alam mo na magagalit siya sa iyo. Ano ang iyong gagawin?
A. Ililista pa rin siya at kakausapin upang pulutin ang kanyang basura at itapon sa basurahan.
B. Kunwari ay hindi nalang nakita ang ginawang pagtatapon ng kaibigan para hindi siya
mailista.
C. Kakausapin nang mabuti at paalalahanan na bawal magtapon sa loob ng silid-aralan para
hindi muna siya mailista.
D. Ililista at haharapin ang kaibigan kung sakaling magalit ito
21. Ang kalikasan ay kaloob ng Diyos sa tao upang patuloy siyang mabuhay. Ano ang ugnayan ng
tao sa kalikasan?
A. Ang kalikasan ay tirahan ng tao kaya dapat niya itong pangalagaan.
B. Binubuhay ng kalikasan ang tao kung kaya’t binigyan siya ng Diyos ng tungkulin na
pangalagaan ito.
C. May buhay din ang kalikasan kaya kailangan nito ng pag-aalaga
D. Nagagalit din ang kalikasan kaya kapag hindi ito inalagaan ay maaari itong magdulot ng iba’t
ibang sakuna.
22. Mahigpit na ipinatutupad sa inyong barangay ang waste segregation. Ang inyong Barangay
Kapitan ay sinisigurado na ito ay laging nasusunod. Hindi kokolektahin ang basura kung hindi
naka-segregate kung kaya umaalma ang mga tao at nagagalit sa inyong Kapitan. Kung ikaw si
Kapitan, ano ang masasabi mo sa iyong kabarangay?
A. Sumunod kayo sa gusto ninyo o ayaw ninyo.
B. Pagmultahin ko nalang ang mga hindi susunod
C. Kumalma kayo, pagtutulungan natin ang pagse-segregate ng ating mga basura
D. Bahala na kayo kung saan ninyo itatapon ang basura nyo
23. Ayon sa Compendium of the Doctrine of the Church, kung sa lalong paglaki ng kapangyarihan
ng tao ay ang paglaki rin ng kanyang pananagutan sa kalikasan. Ano ang nais ipahiwatig ng
pahayag?
A. Nakasalalay sa tao ang kagandahan at kasiraan ng kalikasan
B. Ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi pansarili lamang kundi pananagutan ng lahat
C. Maaari nang gawin ng tao ang lahat ng naisin niya sa kalikasan
D. Ang mga taong makapangyarihan ay may malaking pananagutan sa kalikasan.
24. Sa panahon ng Pandemya nauso ang pagiging plantito at plantita. Napapagalitan ka na ng iyong
ina dahil gumagastos ka sa pamimili ng paso. Ano ang mainam mong gawin upang hindi na
magalit ang iyong ina?
A. Titigil na sa pagtatanim upang di na bibili ng paso.
B. Ipagbibili na ang mga naitanim upang magkaroon ng pera
C. Magre-recycle nalang ng mga basyo o plastic bottle upang gawing paso.
D. Iintindihin ang galit ng ina pero itutuloy pa rin ang pagtatanim
25. Ang pang-seksuwal na pakultad ng kakayahang kaloob ng Diyos sa tao na pinagbuklod ng kasal
o pag-iisang dibdib ay tumutugon sa mga layuning _______.
A. Magkaroon ng anak at mapag-isa.
B. Magkaisa at maipahayag ang pagnanasa.
C. Makadama ng kasiyahan at magkaroon ng anak.
D. Makadama ng kasiyahan at makinabang sa isa’t isa
26. Si Elena ay wala pa sa hustong gulang. Sa kabila ng kahirapan sa buhay ay napilitan siyang
magtrabaho sa isang bar. Mabigat ang pangangailangan nila sa pera kaya napapayag siya ng
kanyang manager na ilabas ng ibang customer. Dahil wala pa sa hustong gulang si Elena, ang
kanyang ginagawa ay:
A. Tama, dahil ito ay easy money kahit siya ay bata pa ay nakakatulong na siya magulang.
B. Mali, dahil hindi niya hinintay na maging husto ang kanyang edad.
C. Tama, dahil ito na lamang ang tanging paraan upang kumita ng malaking halaga.
D. Mali, dahil nakapagpapababa ito ng dignidad at integridad ng pagkatao
27. Ang kalinisang-puri ay isang birtud na may kinalaman sa kaasalang sekswal, ‘di lamang ng mga
babae, kundi pati na rin ng mga lalaki. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naaayon sa
kahulugan ng kalinisang-puri?
A. Pagiging matapat sa iyong buhay-sekswal.
B. Pagiging makatarungan na nangangahulugang hindi mo sinasamantala o ginagamit ang iba.
C. Ang pagbibigay-kasiyahan sa pagnanasa o simbuyo ng damdamin.
D. Kadalisayan ng pag-iisip at hangarin.
28. Ang isang lalaki o babae ay nagkakaroon ng kakayahang makibahagi sa pagiging kamanlilikha
ng Diyos kapag tumuntong na sa edad ng pagdadalaga o pagbibinata (puberty). Subalit kahit sila
ay may kakayahang pisyolohikal na gamitin ito, hindi nangangahulugang maaari na silang
makipagtalik at magkaroon ng anak. Ano ang dapat isaisip ng isang kabataang tulad mo?
A. Hanggang wala pang tinatanggap na sakramento ng kasal, hindi kailanman magkakaroon ng
karapatang makipagtalik.
B. Makipagtalik lamang pag may basbas ng magulang
C. Gagawing lihim nalang ang pakikipagtalik hanggang hindi ito nagbubunga.
D. Hindi maiiwasan ang ganitong sitwasyon kaya kung magkagayon ay pipilitin nalang
panagutan ang nagawang pakikipagtalik.
29. Ito ay isyung kaugnay sa sekswalidad na pagbibigay ng panandaliang-aliw kapalit ng pera. Dito,
binabayaran ang pakikipagtalik upang ang taong umupa ay makadama ng kasiyahang sekswal.
A. Pornograpiya B. Prostitusyon C. Pre-marital sex D. Pang-aabusong sekswal
30. Maaaring maging epekto ng maagang pagkahumaling sa pornograpiya ay ang pagkakaroon ng
kaugnayan sa pakikibahagi ng tao o paggawa ng mga abnormal na gawaing sekswal, lalung-lalo
na ang panghahalay. Ang pahayag ay:
A. Tama, dahil nawawala na ang kanyang modesty o kahinhinan na nagiging daan upang
magnasa at pairalin ang kaniyang mga makamundong damdamin.
B. Tama, dahil ito ay magiging ekspresyon ng kanyang sariling sekswalidad
C. Mali, dahil hindi naman naaapektuhan ang isip at asal kung mahuhumaling sa pornograpiya
D. Mali, dahil ang mga gumagawa lamang nito ay ang mga taong nalululong sa droga.
31. Si Sasha ay 15 taong gulang. Sa tuwing papasok siya sa paaralan ay nakaabang na ang kanilang
kapitbahay na si Johnny, isang Black American na may edad na 55. Palagi siyang inaabutan ng
pera at pagkain sabay hawak sa kamay nito upang hindi ito makatanggi. Ginagawa ito ni Johnny
dahil sa lihim na pagnanasa nito kay Sasha na nag-uumpisa pa lamang magkahubog ang
katawan. Si Johnny ay maituturing na ____________.
A. Exhibitionist B. Sugar daddy C. Pedophile D. Mapagkawanggawa
32. Mula sa bilang 31. Kung ikaw ang batang si Sasha ano ang iyong gagawin?
A. Hindi nalang papansinin si Johnny
B. Tatanggapin nalang ang binibigay nito dahil sayang
C. Papakitaan ng pagsusuplada si Johnny upang lumayo at umiwas na ito sa kanya
D. Magsusumbong sa magulang upang magkaroon ng proteksiyon laban sa masasamang tao.
33. Ang mga magulang ni Cristal ay abala sa paglalako sa bayan. Isang araw ay dumating sa bahay
ni Cristal ang kanyang nobyo na kaklase rin niya sa Grade 10. Ilang buwan pa lamang sila kaya
sabik itong makita at makausap siya. Wala ang mga magulang ni Cristal kung kaya sinubukan
niya itong yakapin at saka sinabing “kung mahal mo ako ay patunayan mo”. Kung ikaw si
Cristal, ano ang iyong gagawin?
A. Magkikipag-break na kay Ronnel at papalayasin siya
B. Kakausapin siya nang maayos at ipapaalala sa kanya ang naging aralin nila sa EsP tungkol sa
kalinisang-puri
C. Makikipagtalik at sasabihing panagutan niya ang mangyayari sa kanila
D. Magpapakipot ngunit sasang-ayon din sa kagustuhan ng nobyo.
34. Kahit may kakayahan pisyolohikal ang isang lalaki at isang babae na makibahagi sa pagiging
kamanlilikha ng Diyos, hindi nangangahulugan na maaari na siyang makipagtalik at magkaroon
ng anak nang hindi pa tumatanggap ng sakramento ng kasal. Ang pagtatalik na ito bago ang
kasal ay isyung may kinalaman sa
A. Prostitusyon B. Pornograpiya C. Pre-marital sex D. Pang-aabusong seksuwal
35. Ito ay mga mahahalay na paglalarawan (babasahin, larawan o palabas) na may layuning pukawin
ang sekswal na pagnanasa ng nanonood o nagbabasa.
A. Prostitusyon B. Pornograpiya C. Pre-marital sex D. Pang-aabusong seksuwal
36. Ang mga mahahalay na larawan, babasahin at palabas ay madali nang makita, mabasa o
mapanood gamit ang cellphone. Sa isang kabataang tulad mo, paano mo ito maiiwasan?
A. Hindi na lang gagamit ng cellphone upang makaiwas sa mga mahahalay na porno.
B. Kahit nakatutok sa cellphone ay iiwasan na lang ang mga websites na may mahahalay na
larawan o palabas.
C. Gagamitin lamang ang cellphone kung kailangan sa pag-aaral
D. Magda-download na lang ng mga games upang maaliw
37. Isa ka sa pinagkakatiwalaan ng iyong kaklase kaya isang araw ay nagbunyag siya sa iyo ng
kanyang lihim. Siya ay ilang buwan ng inaabuso ng kanyang tiyuhin. Ano ang magiging
reaksiyon mo sa kanyang sinabi?
A. Magugulat at iiyak dahil kawawa naman siya
B Sasamahan siyang magsumbong sa kanilang guro
C. Papayuhan siya na lumayas na lang sa kanila
D. Mananahimik dahil ito ay isang sensitibong isyu at kailangan ng confidentiality.
38. Ito ay isang uri ng kasinungalingan na kung saan sinasabi o sinasambit para maghatid ng
kasiyahan lamang. Ipinahahayag ito upang magbigay-aliw ngunit hindi sadya ang
pagsisinungaling.
A. Pernicious lies B. White lies C. Officious lies D. Jocose lies
39. Hindi napahiram ng damit para sa party si Rizza ng kanyang pinsan kaya ang ginawa nya ay
nagkalat siya ng maling bintang dito upang sirain ang reputasyon nito. Ang kasinungalingang ito
ay isang halimbawa ng:
A. Pernicious lies B. White lies C. Officious lies D. Jocose lie
40. Ito ay isyu na may kaugnayan sa pananagutan sa pagpapahayag ng katotohanan at katapatan sa
mga datos, ideya, akda, programa, himig at atbp na lumalabag sa Intellectual Honesty dahil sa
hindi pagkilala sa pinagmulan, bagkus nabuo lamang dahil sa pangongopya.
A. Intellectual piracy B. Plagiarism C. Whistleblowing D. Mental reservation
41. Si Jose ay mahilig manood ng mga pelikula online. Nakahiligan niya ito noong pandemic na
limitado ang paglabas-labas ng mga tao. Naisipan niyang ilagay ang mga pelikulang na-
download nya sa isang CD. Isang araw ay inalok niya ang kanyang kaibigan na bilhin ito.
Nasiyahan siya dahil natuwa ang kanyang kaibigan na nag-request pa ng ibang mga pelikula.
Naisip ni Jose na paramihin na lang niya ang mga CD at ialok na lang din ito sa iba upang
kumita. Ano ang nalabag ni Jose sa isyu ng kawalan ng paggalang sa katotohanan.
A. Intellectual piracy B. Plagiarism C. Whistleblowing D. Mental reservation
42. Mula sa aytem 41. Ano ang mabuti mong gawin kung ikaw ay aalukin ni Jose na bumili ng CD
na kanyang binibenta?
A. Bibili na rin upang makatipid sa load kung ito ay aking papanoorin
B. Hindi tatangkilikin si Jose sa kanyang iligal na gawain
C. Pag-iisipan munang mabuti kung ito nararapat na gawin o hindi
D. Magpapa-burn na rin ng CD ayon sa mga gusto kong pelikula
43. Si Anne ay madalas kumopya sa internet ng kanyang mga ipinapasa sa kanilang research
subject. Ang pag-angkin sa gawa ng iba ay hindi lamang indikasyon ng mababang uri ng
kaalaman at kakayahan, kundi isang kahinaan sa kabuuan ng pagkatuto ng tao. Paano ito
maiiwasan ni Anne?
A. Magtiwala sa sarili at matutong maghayag ng sariling kaisipan sa iyong research
B. Humingi ng tulong sa iba upang gumawa ng iyong research paper.
C. Hindi na lang magpapasa ng research paper para maiwasan ang pangongopya
D. Magiging honest at sasabihin sa guro na hindi ka marunong gumawa ng research
44. Sa panahon ngayon na nagkalat ang “fake news” sa internet. Marami na sa atin ang hindi na
makilala ang totoo sa hindi totoo. Ano ang nagiging epekto nito sa tao?
A. Nagkakaroon ng kakulangan sa kritikong pag-iisip at pagpapasya
B. Nagiging mas mapanghusga sa kapwa
C. Nagkakaroon ng pagkalito kaya madalas ng magkamali
D. May mga kaguluhan na nagaganap dahil sa maling balita
45. Ano ang tinatamasa ng isang taong nabubuhay sa katotohanan?
A. May katahimikan ng isipan C. May pananampalataya
B. May kaligtasan sa buhay D. Lahat ng nabanggit
46. Nakapagsinungaling ka sa iyong ina noong tinanong ka niya kung saan ka galing. Ang totoo ay
naggala ka sa Mall bago ka umuwi at wala naman talaga kayong ginawang proyekto. Paano mo
ito itutuwid?
A. Gagawa ng gawaing bahay upang mapansin ng ina ang kabaitan at hindi ang pagsisinungaling
na nagawa
B. Magso-sorry sa ina at aaminin ang paggagala sa Mall
C. Papanindigan na lang ang pagsisinungaling di bale ngayon lang naman ito at hindi na ito
mauulit
D. Mananahimik na parang walang nangyari
47. Ang mga sumusunod ay mga pamamaraan ng pag-iwas sa Intellectual Piracy MALIBAN sa:
A. Magpahayag ng sariling paraan, ideya o konsepto
B. Magkaroon ng kakayahan na makapagbigay ng sariling posisyon o stand sa anumang
argumento o pagtatalo
C. Magkaroon ng tamang pagsusuri sa gawa ng iba, pagtimbang sa bawat argumento
D. Maging palabasa at kumuha ng mga impormasyon mula sa mga ito at pagsama-samahin
upang makabuo ng isang artikulo.
48. Ang pagsisinungaling ay ang hindi pagkiling o pagsang-ayon sa katotohanan. Ang taong
nagsisinungaling ay:
A. Inililihis niya ang katotohanan C. Kumakampi siya sa mali
B. Gustong lumamang sa kapwa D. Nagdudulot ng kaguluhan
49. Ang whistleblower ay ang taong naging daan upang mabunyag o maisiwalat ang mga maling
asal o mga ilegal na gawain na naganap sa isang Samahan o organisasyon. Paano napaninindigan
ng whistleblower ang pakikibaka niya sa katotohanan?
A. May mga taong nagtitiwala at sumuporta sa kanya
B. Tungkulin nya na magsabi ng totoo kahit may threat sa buhay nya
C. Mula sa dikta ng kanyang konsensya
D. Dahil sa mga maling akusasyon sa kanya
50. Ang prinsipyo ng matalinong paggamit ng social media ay makikita sa mga sumusunod na
sitwasyon MALIBAN sa:
A. Gumagamit ng “credit to the owner” o CTTO si Ricardo tuwing nagpopost sa kanyang
facebook ng mga larawan o hugot na hindi sa kanya.
B. Ang mga post lamang ng mga mapagkakatiwalaang source ang binabasa at ibinabahagi upang
makaiwas sa fake news
C. Hindi madaling maniwala sa mga nakikita at nababasa sa social media hanggat walang
katibayan o patunay.
D. Nag-eedit ng mga nakukuhang pictures o stories sa social media bago ito i-post.

Inihanda ni: Iwinasto ni:

Windy D. Guiang Genefer T. Alcantara


Teacher I- Subic National High School Head Teacher III- Zambales NHS
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

4th QUARTER ASSESSMENT IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (EsP) 10


TABLE OF SPECIFICATIONS

No. Most Essential No. of Blooms’ Taxonomy (Cognitive Level)


Learning Items
Competencies
EASY AVERAGE DIFFICULT
(30%) (60%) (10%)
Understanding
Remembering

Evaluating
Analyzing
Applying

Creating
1. Natutukoy ang mga 3 1 18 2
isyu tungkol sa
paggamit ng
kapangyarihan at
pangangalaga sa
kalikasan EsP10PB-
IIIg -12.1

2. Nasusuri ang mga 3 4 6 5


isyu tungkol sa
paggamit ng
kapangyarihan at
pangangalaga sa
kalikasan EsP10PB-
IIIg -12.2

3 Napangangatwiranan 4 11 7 8 22
na: Maisusulong ang
kaunlaran at
kabutihang panlahat
kung ang lahat ng tao
ay may paninindigan
sa tamang paggamit
ng kapangyarihan at
pangangalaga sa
kalikasan. EsP10PB-
IIIh-12.3

4 Napangangatwiranan 4 9 15 20 10
na: Lahat tayo ay
mamamayan ng
iisang mundo, dahil
nabubuhay tayo sa
iisang kalikasan
(Mother Nature)
EsP10PB-IIIh-12.3

5 Napangangatwiranan 3 23 14 12
na: Inutusan tayo ng
Diyos na alagaan ang
kalikasan (stewards)
at hindi maging
tagapagdomina para
sa susunod na
henerasyon.EsP10PB-
IIIh-12.3

6 Napangangatwiranan 4 24 13 21 17
na: Binubuhay tayo
ng Kalikasan
EsP10PB-IIIh-12.3

7 Nakabubuo ng 3 16 3 19
mapaninindigang
posisyon sa isang
isyu tungkol sa
paggamit ng
kapangyarihan at
pangangalaga sa
kalikasan ayon sa
moral na batayan
EsP10PB -IIIh-12.4

8 Natutukoy ang mga 3 29 34 30


isyung kaugnay sa
kawalan ng paggalang
sa dignidad at
sekswalidad EsP10PI-
IVa-13.1

9 Nasusuri ang mga 3 35 36 31


isyung
kaugnay sa kawalan
ng paggalang sa
dignidad at
sekswalidad EsP10PI
-IVa-13.2

10 Napangangatwiranan 4 26 25 32 37
na: Makatutulong sa
pagkakaroon ng
posisyon tungkol sa
kahalagahan ng
paggalang sa
pagkatao ng tao at sa
tunay na layunin nito
ang kaalaman sa mga
isyung may
kinalaman sa
kawalan ng paggalang
sa digniidad at
sekswalidad ng tao.
EsP10PI-IVb-13.3

11 Nakagagawa ng 3 27 33 28
malinaw na posisyon
tungkol sa isang isyu
sa kawalan ng
paggalang sa
dignidad at
sekswalidad EsP10PI-
IVb-13.4

12 Natutukoy ang mga 3 40 39 48


isyung kaugnay sa
kawalan ng paggalang
sa katotohanan
EsP10PI -IVc -14.1

13 Nasusuri ang mga 4 38 41 42 49


isyung may
kinalaman sa
kawalan ng paggalang
sa katotohanan
EsP10PI-IVc-14.2

14 Napatutunayang ang 3 43 50 47
pagiging mulat sa
mga isyu tungkol sa
kawalan ng paggalang
sa katotohanan ay
daan upang isulong
at isabuhay ang
pagiging
mapanagutan at
tapat na nilalang
EsP10PI-IVd-14.3

15 Nakabubuo ng mga 3 45 46 44
hakbang upang
maisabuhay ang
paggalang sa
katotohanan
EsP10PI-IVd-14.4

TOTAL 50 8 7 15 15 5 0

Prepared by:

ROSALINDA S. IBARRA, PhD


EPS, CLMD

NOTED:
LIBRADA M. RUBIO, PhD
Chief, CLMD
Susi sa Pagwawasto
1. B 11. D 21. B 31. C 41. A
2. A 12. D 22. C 32. D 42. B
3. B 13. C 23. B 33. B 43. A
4. D 14. D 24. C 34. C 44. A
5. B 15. C 25. A 35. B 45. D
6. A 16. B 26. D 36. C 46. B
7. A 17. A 27. C 37. B 47. D
8. B 18. B 28. A 38. D 48. A
9. C 19. D 29. B 39. A 49. C
10. B 20. A 30. A 40. B 50. D

You might also like