Professional Documents
Culture Documents
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
VENTINILLA HIGH SCHOOL
Paniqui, Tarlac
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7 - SUMMATIVE ASSESSMENT (IKALAWANG MARKAHAN)
Name: Section: Score:
I. MULTIPLE CHOICE: Unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.
_____1. Sa pamamagitan ng kilos-loob, nahahanap ng tao ang:
a. Kabutihan b. katotohanan c. kaalaman d. karunungan
_____2. Sa pamamagitan ng isip, nahahanap ng tao ang:
a. Kabutihan b. katotohanan c. kaalaman d. karunungan
_____3. Ang isip at kilos-loob ay kailangang sanayin at linangin sa pagkamit ng:
a. Magandang buhay ng tao b. tagumpay ng tao c. kaganapan ng tao d. kasiyahan ng tao
_____4. Bata pa lamang si Liza ay nakitaan na siya na may kahusayan sa pagsasa-ulo madaling makatanda sa mga pinag-aaralan. Anong
katangian ng isip mayroon siya?
a. husay mangatwiran b. husay sa kamalayan c. husay humusga d. husay magmemorya
_____5. Alin sa katangian ng isip ang nagbibigay ng pagkakataon na alamin muna kung ang pasya ay tama o mali, kung makakabuti o
makakasama?
a. maghusga b. magsuri c. mangatwiran d. mag-alaala
_____6. Kakayahan ng tao na kumilala ng mabuti at masama. Ito rin ang batayan ng isip sa paghusga ng tama at mali.
a. Kalayaan b. konsensiya c. kilos-loob d. likas na batas moral
_____7. Ang likas na batas moral ay nakapangyayari sa lahat ng lahi, kultura sa lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon. Ito ay
nangangahulugan na ang likas na batas na moral ay:
a. Obhektibo b. Unibersal c. walang hanggan d. di nagbabago
_____8. Ibinigay sa tao noong siya ay likhain at ito rin and dahilan kung bakit ang tao ay nakikibahagi sa karunungan at kabutihan ng
Diyos.
a. kilos loob b. likas na batas moral c. kalayaan d. konsensiya
_____9. Ang likas na batas moral ay hindi imbensyon ng tao, ito ay natutuklasan lamang. Ito ay pangkalahatang katotohanan na may
makatwirang pundasyon. Anong katangian ng likas na batas moral ang tinutukoy sa pangungusap?
a. Obhektibo b. Unibersal c. walang hanggan d. di nagbabago
_____10. Bilang isang kabataan, ano ang gagawin mo para maging isang makabuluhan sa paggamit ng oras at paggalang sa kabila ng
impluwensiya ng social media?
a. Gigising ng maaga at tutulong sa gawaing bahay c. Uunahin ang paggamit ng cellphone
b. Maglalaro na lang sa maghapon d. Tungkulin muna ang gawin sa lahat bago ang paglilibang.
_____11. Minsan inutusan ka ng iyong ina na bumili sa tindahan ng suka, paminta at bawang. Napansin mo na may sobrang perang natira
sa iyo, ano ang gagawin mo sa labis na pera?
a. Itatago ko na lang c. Ibibili ng nais kong pagkain
b. isasauli ko kay Inay d. Di ko sasabihin na may sobrang perang natira
_____12. Paano mas mapalalakas at gagawing makapangyarihan ang konsensya?
a. Kung simula pagkabata ay imumulat na ang anak sa lahat ng tama at mabuti
b. Kung mapaligiran ang isang bata ng mga taong may mabuting impluwensya
c. Kung magiging kaisa ng konsensya ang Likas na Batas Moral
d. Kung magsasanib ang tama at mabuti
_____13. Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang konsensya?
a. Mapalalaganap ang kabutihan c. Maaabot ng tao ang kanyang kaganapan
b. Makakamit ng tao ang tagumpay d. Mabubuhay ang tao nang walang hanggan
_____14. Naiwan kang mag-isa sa inyong bahay, malaya kang gawin ang gusto mo habang ikaw ay nag-iisa. Kung ikaw ang tatanungin,
ano ang unang-una mong gagawin habang malayo ang iyong mga kasama sa bahay?
a. Maglilinis ng bahay c. Matutulog maghapon
b. Maglalaro ng ML d. Manonood ng mga malaswang palabas sa internet
_____15. Ano-ano kayang magandang gawin para masunod ang binubulong ng ating konsensya kahit tayo ay nahaharap sa matinding
pagsubok?
a. Magpadala sa mga tukso c. Sundin ang mga nakikita at naririnig sa telebisyon at internet
b. Gayahin ang masamang ginagawa ng kapwa kabataan. d. Manindigan sa tama at sa katotohanan
III. TAMA O MALI: Isulat ang TAMA kung tama ang ipinahahayag ng pangungusap at MALI kung mali.
__________21. Kabutihan ang tunguhin ng kilos-loob.
__________22. Likas sa tao ang gumawa ng masama.
__________23. Ang konsiyensya ang tagahusga ng kung ang isang bagay ay mabuti o masama.
__________24. Ang hayop ay may isip at kilos-loob din kagaya ng tao kaya sila’y natuturuan din.
__________25. Ang layunin ng isip at kilos-loob ng tao ay ang pagkamit ng kaganapan ng tao o pagpapakatao.
IV. IDENTIFICATION: Punan ang bawat patlang ng tamang sagot. Piliin ang sagot sa kahon.
KAGANAPAN BILANG TAO ISIP PUSO
KONSENSYA
GAWING GANAP KATOTOHANAN KABUTIHAN
TAMA
KABUTIHAN KILOS-LOOB MALI TAO
MAKAALAM MAKATWIRANG PAGKAGUSTO KARUNUNGAN
ISIP
MAGPASYA SANTO TOMAS DE AQUINO MABUTI
MORAL
PAMUMUHAY PRINSIPYO MASAMA
Kawangis ng Diyos ang tao dahil sa kakayahan niyang (1) __________ at (2) __________ nang malaya. Tinatawag na (3)
__________ ang kapangyarihan niyang mag-isip, mangatwiran at magsuri. Sa pamamagitan ng isip, ang tao ay naghahanap ng (4)
__________. Sa kabilang dako, ang (5) __________ ay isang (6) __________ ayon kay (7) __________. Kung kaya’t ang tunguhin nito ay
(8) __________. Ang bawat tao ay may tungkuling sanayin, paunlarin at (9) ___________ ang isip at kilos-loob upang makamit ang
kaniyang (10) __________.
Ang tao ay biniyayaan ng kakayahan na kumilala ng mabuti o masama. Ang kakayahan na ito ay tinatawag na (11) __________.
Ang Likas na Batas Moral ay ibinigay sa tao noong siya ay likhain. Kung kaya’t siya ay nakikibahagi sa (12) __________ at (13) __________
ng Diyos. Dahil sa kalayaan ang tao ay nakakagawa ng (14) __________ o (15) __________. Likas sa (16) __________ na dapat gawin ang
mabuti at iwasan ang masama.
Ang Likas na Batas-Moral ang nagbibigay ng direksyon sa (17) __________ ng tao. Ang konsensya ay ang personal na
pamantayang (18) __________ ng tao. Ang konsensya ng tao ay tama kung hinuhusgahan nito ang (19) __________ bilang tama at bilang
mali ang (20) __________. Mali ang konsensya kung ito ay nakabatay sa mga maling (21) __________ o nailapat ang tamang prinsipyo sa
maling paraan. Itinuturing ang konsensya bilang batas-moral na itinanim ng Diyos sa (22) __________ at (23) __________ ng tao.
Bonus Question: 24-25. Magbigay ng dalawang bagay o salita na natutunan mo mula sa mga pinag-aralan sa Modyul 1 at 2.