You are on page 1of 16

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung na Baitang

Ikatlong Markahan – Modyul 13: Ang Kahalagahan ng Pagmamahal sa Bayan


(Patryotismo)
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Mary Ann T. De Villa


Editor: Edwin F. Gamba
Tagasuri: Perlita M. Ignacio, Ph.D, RGC/ Josephine Z. Macawili
Tagaguhit: Rema A. Domingo
Tagalapat: Raneth A. Yago (Technical)
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña Ed.D.
Chief, School Governance and Operations Division and
Manuel A. Laguerta, Ed.D.
Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao 7
Ikatlong Markahan
Modyul 13
Malinaw at Makatotohanang Mithiin,
Gabay sa Pagtupad ng Pangarap Natin
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao ng
Modyul para sa araling Malinaw at Makatotohanang Mithiin, Gabay sa Pagtupad
ng Pangarap Natin.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul ukol sa


Malinaw at Makatotohanang Mithiin, Gabay sa Pagtupad ng Pangarap Natin.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
Ang aralin para sa araw na ito ay:
Kasanayang Pampagkatuto: Nakapagtatakda ng malinaw at makatotohanang
mithiin upang magkaroon ng tamang direksyon sa buhay at matupad ang mga
pangarap maging ang pagsaalangalang sa mga:

a. sariling kalakasan at kahinaan at pagbalangkas ng mga hakbang upang magamit


ang mga kalakasan sa ikabubuti at malagpasan ang mga kahinaan

b. pagtanggap ng kawalan o kakulangan sa mga personal na salik na kailangan sa


pinaplanong kursong akademiko o teknikal bokasyonal, negosyo o hanapbuhay
EsP7PB-IVa-13.2

Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:


A. natutukoy ang katuturan ng mithiin at ang kaugnayan nito sa pangarap
ng isang indibidwal;
B. napapahalagahan ang mga pamantayan sa pagtatakda ng malinaw at
makatotohanang mithiin ; at
C. naiisa-isa ang mga hakbang sa pagtatakda ng mithiin

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat kung
TAMA o MALI ang pahayag.

_______1. Ang mithiin ay malayo sa katotohanan.

_______2. Ang pagpapasa ng proyekto o pagnanais na mapabilang sa mag-aaral na


may karangalan ay halimbawa ng pangmatagalang mithiin.

_______3. May dalawang uri ng mithiin o goals—Pangmatagalan at Pangmadaliang


Mithiin.

_______4. Ang SMART-A ay mga pamantayan sa pagtatakda ng mithiin ng isang


indibidwal.

_______5. Mahalagang unawain at isabuhay ng isang tinedyer ang mga hakbang sa


pagtatakda ng mithiin sa pagtatakda ng malinaw at makatotohanang pangarap.
BALIK-ARAL
A. Panuto: PAGTAPAT-TAPATIN: Hanapin sa Hanay B ang mga salitang
inilalarawan sa Hanay A. Titik na lamang ang isulat sa bawat patlang.

HANAY A HANAY B
_______1. kawalan ng trabaho A. unemployment
_______2. nakadepende sa pangangailangan ng
industriya ang bilang ng trabaho at ang sweldo B. highly-skilled worker
_______3. mga manggagawa na may mataas na
antas ng kaalaman, kasanayan at karanasan C. demanded-skill set
_______4. manggagawa na nakatapos ng kolehiyo
_______5. trabaho na may kakulangan sa bilang D. labor market
ng manggagawa na may kasanayan
E. propesyunal

ARALIN:
Malinaw at Makatotohanang Mithiin, Gabay sa
Pagtupad ng Pangarap Natin

Pangarap ni Yumi: Mithiin ni Yumi:


Makapagpatayo ng bahay Mag-aral ng mabuti
Magkaroon ng sasakyan Makatapos ng pag-aaral
Mag-asawa at magkapamilya Maging isang
propesyunal
Suriin ang pangarap at mithiin ng tinedyer na si Yumi. Gamitin angkanyang mga
tala upang unawain ang pagkakatulad, pagkakaiba at pagkakaugnay ng dalawang
salitang ito. Isulat sa kahon sa ibaba ang iyong naging pagninilay.
Pagkakatulad: ________________________________________________________________
Pagkakaiba: __________________________________________________________________
Pagkakaugnay:________________________________________________________________

Ayon kay Diana Scharf Hunt, “Goals are Dreams with Deadlines”. Kung ang
pangarap ay pagbuo ng mga gusto mong mangyari sa iyong hinaharap, ang mithiin
o goals naman ay mga hakbang na dapat mong gawin o pagdaanan upang abutin
ang iyong mga pangarap. Ang pangarap at mithiin ay magkaugnay sapagkat pareho
itong batayan sa makabuluhan at maligayang buhay. Ang pagtatakda ng malinaw at
makatotohanang mithiin ng isang tinedyer na tulad mo ay magsisilbing gabay sa
tamang pagpapasya at daan sa pagtupad ng mga pangarap.
Ang Dalawang Uri ng Mithiin
Panuto: Tukuyin kung ang uri ng mga sumusunod na mithiin. Lagyan ng
kung ito sa iyong palagay ay Pangmatagalang Mithiin at naman kung ito
ay Pangmadaliang Mithiin.
_______1. Makapagpasa ng proyekto sa asignaturang EsP.
_______2. Makapagtapos ng pag-aaral.
_______3. Maging isang mahusay na nars.
_______4. Masagutan ang pagsusulit.
_______5. Makabili ng bahay at kotse.

Mayroong dalawang uri ng mithiin batay sa tagal o haba ng panahon na iyong ilalaan
upang makamit ito. Talakayin natin kung tama ba ang iyong naging pag-unawa.

Ang Pangmatagalang Mithiin o Long-Term Goal mula sa salitang “matagal” ay mga


bagay na nais mong makamit na kinakailangang paglaanan ng mahabang panahon.
Ito ay maari mong magawa sa loob ng anim na buwan, isang taon, lima hanggang
sampung taon. Isang magandang halimbawa nito ay pagtatapos ng pag-aaral o
pagkakaroon ng propesyon. Kinakailangang maglaan ka ng humigit-kumulang
labing-pitong taon upang maisakatuparan ito.

Ang Pangmadaliang Mithiin o Short-Term Goal batay sa salitang “madali” ay mga


ninanais mong makamit sa maikling panahon. May kakayahan kang abutin ito sa
loob ng isang araw, linggo o buwan. Halimbawa nito ay ang makapagpasa ng
proyekto sa isang asignatura o matagumpay na pagsagot o pagpasa sa isang
pagsusulit.
Samantala, may espesyal na uri ng mithiin, ito ay ang Kakailanganing Mithiin o
Enabling Goal. Mula sa salitang “kailangan”, ang mithiing ito ay isang uri ng
pangmadaliang mithiin na makakatulong sa pag-abot ng isang pangmatagalang
mithiin. Halimbawa, ang iyong pangmadaliang mithiin ay ang magkaroon ng mataas
na marka, kakailanganing mithiin ito upang maging posible ang pangmatagalang
mithiin mo na makapagtapos ng pag-aaral.

Pamantayan ng Pagtatakda ng Mithiin


Mahalaga ang pagtatakda ng malinaw at makatotohanang mithiin upang magkaroon
ng kaganapan ang iyong mga pangarap. Kaugnay nito, may anim (6) na pamantayan
na maaari mong gamitin upang matiyak na matutupad mo ang mga nais mong
mangyari sa iyong buhay. Gamiting gabay ang tsart upang maunawaan ang SMART-
A.
Pamantayan sa Pagtupad ng mga Mga Dapat Isaalang-alang sa Sarili
Mithiin (SMART-A)
1. S-pecific (Tiyak) ● Sigurado ka na ba sa iyong nais
mangyari sa iyong buhay?
● Partikular na pokus o gustong ● Ano-ano ang hakbang na dapat mong
maganap gawin upang magkaroon ng maayos
na kinabukasan?
2. M-easurable (Nasusukat) ● Sapat ba ng iyong kakayahan at
marka (grades) upang tapusin ang
● Madaling sukatin kursong nais mo?
● Nasusukat mo ba ang iyong magiging
progreso sa paglipas ng panahon?
● May suportang pinansyal ba na
maibibigay ang iyong mga magulang
sa iyong pag-aaral?
3. A-ttainable (Naaabot) ● Ang akin bang mithiin ay praktikal at
batay sa katotohanan?
● Makatotohanan ● Ang nais ko ba ay maisasakatuparan
batay sa aking kakayahan at
katangian?
4. R-elevant (Angkop) ● Ano ang iyong prayoridad at mga
pagpapahalaga?
● Naayon ● Sa anong paraan mo nais magamit
ang iyong mga mithiin?
5. T-ime bound (Mabibigyan ng sapat ● Gaano katagal mo handang tuparin
na panahon) ang iyong mga mithiin?
● Hanggang kailan kayang tustusan ng
● Mapaglalaanan ng panahon iyong mga magulang ang iyong pag-
aaral?
6. A-ction Oriented (May Angkop na ● Nauugnay ba ng iyong mithiin sa kaya
Kilos) mong gawin sa kasalukuyan?
● Handa ka bang kumilos upang
● May karampatang kilos ngayon tuparin ang iyong mga mithiin?
Mga Hakbang sa Pagtatakda ng Mithiin
Ngayong alam mo na ang mga pamantayan sa pagtatakda ng mga mithiin, malinaw
na sa iyo na ang pagtupad ng iyong panagarap at mithiin sa buhay ay hindi
makukuha sa isang iglap. Maikukumpara sa pag-akyat sa isang hagdan ang pag-
abot ng iyong tagumpay. Narito ang mga hakbang sa pagtupad ng iyong mga mithiin.

Magtala ng solusyon sa mga balakid o


problemang maaring harapin.

Tukuyin ang maaaring maging suliranin o


hadlang sa pagtupad ng mga ninanais.

Alamin ang kabutihang maidudulot ng itinakdang mithiin


at paggawa ng plano.

Magtakda ng panahon sa pagtupad ng mithiin.

Isulat ang iyong mithiin sa buhay.


MGA PAGSASANAY
Gawain A: Project G.O.A.L.S

Panuto: Subukang nating ilapat sa pang-araw-araw na buhay ang pagtatakda ng


iyong mga mithiin. Gamitin ang mga titik na G. O. A. L. S upang masimulan ang
iyong gagawing plano ng iyong mga mithiin sa buhay.

G-aling:
Saang larangan ka mahusay? _______________________________________
Alin sa iyong mga talento o kakahayahan ang makakatulong sa pagtupad
ng iyong mithiin o pangarap?____________________________________________

2. O-portunidad:

Sino-sino ang maaring makatulong sa iyo na tuparin ang iyong mga


mithiin?_________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Maliban sa tulong pinansyal mula sa magulang o pamilya, ano-ano pa ang
maari mong gawin upang matiyak na matutupad ang iyong mga mithiin
sa buhay?_______________________________________________________________

3. A-ksyon:

Ano-ano ang dapat mong isagawa upang maging makatotohanan ang iyong
mga mithiin sa buhay?_________________________________________
Paano magiging posible ang pagkamit ng iyong mithiin at
pangarap?_______________________________________________________________

4. L-ayunin:

Ano ang nais mong kalabasan o kahinatnan ng mithiing ito?_____________


___________________________________________________________________
Sa panahong naisakatuparan na ito, paano nito mababago ang iyong
buhay?__________________________________________________________________

5. S-irkumstansya:

Magtala ng mga suliraning maari mong pagdaanan sa pagtupad ng mga


mithiing ito?___________________________________________________________
_______________________________________________________________________
Ano-ano ang dapat mong maging solusyon sa mga problemang maaaring
kaharapin?______________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Gawain B: GOAL SETTING CHART

Panuto: Gamit ang Goal Setting Chart, isulat ang mga mithiin para sa sarili
(pangkatawan, pangkaisipan o pang-ispiritwal), pag-aaral, karera o negosyo,
pamilya at sa bansa. Sa tapat nito ay isulat ang mga kakailanganin upang ito’y
isakatuparan at ang panahong ilalan para makamit ito.

Mithiin (Goals) Mga Hakbang na Dapat Itinakdang Panahon na


Isagawa Makamit Ito
Sa Sarili

Pag-aaral

Karera o Negosyo

Pamilya

Bansa
GAWAIN C: AKO SAMPUNG TAON MULA NGAYON (#TENYEARSCHALLENGE)

Paano mo tinatanaw ang iyong hinaharap? Pamilyar ka ba sa usong-usong


#TenYearsChallenge sa mga Social Media Platforms? Subukang gawin ito bilang
bahagi ng pagsasabuhay ng modyul na ito. Sa kahon sa kaliwa, magdikit ng iyong
larawan sa kasalukuyan, sa kahon sa kanan naman ay ilagay ang iyong hinahangad
na trabaho o negosyo. Maaari mong i-edit ang larawan batay sa nais mong hitsura
(uniporme, postura, trabaho) sampung taon mula ngayon.

{Idikit dito ang {Idikit dito ang larawan


larawan mo ngayon} mo sampung taon mula
ngayon. Halimbawa,
pulis, guro, sundalo, at
iba pa}

2021 2031
Ako sampung taon mula ngayon ay isang ________________________________

_________________________________________________________________________

Maisasakatuparan ko ito kung ako ay____________________________________

_________________________________________________________________________
PAGLALAHAT

Panuto: Buuin ang mga pangungusap upang maibuod ang aralin para sa araw
na ito. Punan ang mga patlang na angkop na salita. Gamiting gabay at
pagpipilian ang mga salita sa loob ng kahon.

SMART-A pangarap anim


malinaw Pangmadaliang lima

Mahalaga ang pagtatakda ng 1._______________ at makatotohanang mithiin upang


magkaroon ng kaganapan ang iyong mga 2.____________. May dalawang uri ng
mithiin batay sa panahon na gugugulin sa pagkamit nito. Ito ay ang 3.___________
Mithiin na maaaring maisakatuparan sa maikling panahon lamang at ang
Pangmatagalang Mithiin na makakamit sa loob ng ilang buwan o taon. Kaugnay nito
may 4. _______ na pamatayan na maaari mong gamitin upang matiyak na matutupad
mo ang nais mong mangyari sa iyong buhay. Ito ay mas kilala bilang 5. ____________
na nangangahulugang Specific, Measurable, Attainable, Relevant, Time-bound at
Action-oriented.

PAGPAPAHALAGA
Panuto: Bumuo ng islogan kaugnay sa kahalagahan ng pagtatakda
ng mithiin ng isang indibidwal. Isulat ang iyong nabuong konsepto sa loob ng
kahon.

#PULOTOFTHEDAY
PANAPOS NA PAGSUSULIT

A. Panuto: Tukuyin kung alin sa mga pamatayan sa


pagtatakda ng mithiin (SMART-A) ang inilalarawan sa bawat sitwasyon.
Isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
_____________1. Sinigurado ni Hans ang kanyang kurso sa kolehiyo upang hindi
masayang ang taon sa pag-aaral.

_____________2. Mahusay gumuhit at magdisenyo si Marco kaya nagpasya siyang


maging isang arkitekto.

_____________3. Napaghandaan ng mga magulang ni Faye ang kanyang pangarap na


maging doktor. Natitiyak niyang may kakayahang pinansyal ang kanyang pamilya
sa gastusin sa kursong medisina.

_____________4. Ipinangako ni Khalil sa kanyang sarili na makapagtatapos ng pag-


aaral sa edad na 23.

_____________5. Nais ni Gela na maging mahusay na guro. Sumapi siya sa grupo ng


mga kabataang boluntaryong nagtuturo sa mga batang lansangan na magbasa at
magsulat.

B. Panuto: Ayusin ang mga hakbang sa pagtatakda ng mithiin batay sa


pagkakasunod-sunod nito. Lagyang ng letrang A hanggang E ang patlang
bago ang bilang.

________1. Magtakda ng panahon sa pagtakda ng panahon sa pagtupad ng mithiin.

________2. Magtala ng solusyon sa mga balakid o problemang maaaring harapin.

________3. Isulat ang iyong mithiin sa buhay.

________4. Tukuyin ang maaaring maging suliranin o hadlang sa pagtupad ng iyong


mithiin.

________5. Alamin ang kabutihang maidudulot ng itinakdang mithiin at paggawa ng


plano (action plan).
SUSI SA PAGWAWASTO

SMART-A
Tama

C anim
Tama

Tama E Pangmadaliang

Mali B

D pangarap
Mali

PAGSUBOK A malinaw
MITHIIN
PAUNANG BALIK-ARAL DALAWANG URI NG PAGLALAHAT

4. D Time-bound/ Mabibigyan ng sapat napanahon

3. A Measurable / Nasusukat

2. E Relevant / Angkop

1. B Specific /Tiyak

B.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Sanggunian
A. Pampamahalaang Publikasyon

Dep Ed Most Essential Learning Competencies (EsP7PB-IVa-13.2)

Edukasyon sa Pagpapakatao 7, Kagamitan ng Mag-aaral (Ikalawang Bahagi)

pahina 84-89

B. Online o Elektronikong Pinagmulan

Bitmoji

www.brainly.ph

You might also like