You are on page 1of 15

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikapitong Baitang

Ikatlong Markahan – Modyul 12: Kahalagahan ng Pag-aaral at Mga


Hakbang sa Paggawa ng Career Plan
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
nagashanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Maribeth R. Peñascosas


Editor: Marlonito C. Padillo, Josephine S. Galero
Tagasuri: Perlita M. Ignacio, RGC, Ph.D., Josephine Z. Macawile
Tagaguhit: Rema A. Domingo
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña, EdD.
Chief, School Governance and Operations Division
Manuel A. Laguerta, EdD.
Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao 7
Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 12
Kahalagahan ng Pag-aaral at Mga Hakbang sa
Paggawa ng Career Plan

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 7 ng
Modyul 12 para sa araling Kahalagahan ng Pag-aaral at Mga Hakbang sa Paggawa
ng Career Plan!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Dibisyon ng Pasig City na pinamumunuan ni Ma. Evalou
Concepcion A. Agustin, OIC Schools Division Superintendent at sa pakikipag
ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng Pasig sa pamumuno ng butihing Alkalde na si
Hon. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang modyul na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay


at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo lalong lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration,
Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit
sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Modyul 12
ukol sa Kahalagahan ng Pag-aaral at Mga Hakbang sa Paggawa ng Career
Plan!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong


pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat
mo pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang I iyong matutuhan at naunawaan sa
mga na unang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat
sagutan ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na
dapat bigyang halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

MGA INAASAHAN

Nakikilala na ang mga pangarap ang batayan ng mga pagpupunyagi


tungo sa makabuluhan at maligayang buhay, sa mga aspetong:
a. personal na salik na kailangang paunlarin kaugnay ng
pagpaplano ng kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o
hanapbuhay

b. pagkilala sa mga (a) kahalagahan ng pag-aaral bilang


paghahanda sa pagnenegosyo at paghahanapbuhay at ang (b) mga
hakbang sa paggawa ng Career Plan.

Sa pagtatapos ng aralin sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


A. natutukoy ang kahalagahan ng pag-aaral sa paghahanda sa
pagnenegosyo at paghahanapbuhay;
B. napahahalagahan ang paglalapat ng mga paraan sa pagpapabuti o
pagpapaunlad ng pag-aaral; at
C. naiisa-isa ang mga hakbang sa paggawa ng Career Plan.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI naman
kung ‘di wasto. Isulat sa sagutang papel ang inyong sagot.

_________1. Ang edukasyon ay mga kaalaman at kasanayang nakakamtan


at umuunlad sapamamagitan ng peroseso ng pagkatuto.

_________2. Ang Merkado ng Paggawa ay ang nag-aalok ng sari-saring mga


kasanayan at kakayahan o talento.

_________3. Kapag in-demand ang trabaho mababa lamang ang sahod o kita
ng isang manggagawa.

_________4. Ang pagkilala sa sarili ay makatutulong upang malaman kung


nasaan ka na sa kasalukuyan at ano ang nais mong marating.

__________5. Ang pagpapabayad kapalit ang boto ay gawain ng mga taong mataas
ang pinag-aralan.

BALIK-ARAL
Panuto: Basahin ang pahayag sa bawat bilang. Hanapin sa ginulong letra
sa kahon ang tamang sagot.

____________1. Nagbibigay direksiyon sa buhay ng tao.


____________2. Humuhubog ito sa kakayahan ng tao na piliin ang tama o mali.

____________3. Tumutukoy sa mga nais at nasisiyahang gawin na nagbubunga ng


pagiging produktibo.

____________4. Ito ay ang hindi pagkakatugma ng trabahong kailangang punan sa


mga kasanayan o kwalipikasyon ng manggagawa.

____________5. Hindi sapat na likas lamang nito ang iyong taglay, kailangan pa rin
ng masusi at tamang pagsasanay.

-GAPAPAHPALGAA -AKAYAKANH -RAPGNAAP


-GIILH -BOJ SMIMCHAT

ARALIN

Kahalagahan ng Pag-aaral at Mga Hakbang sa Paggawa ng Career Plan

Malaking pagbabago sa mundo at sa buhay ng bawat tao ang dala ng


pandemya. Isa ang pag-aaral sa pansamantalang nahinto dahil kailangan
isaalang-alang ang kaligtasan ng bawat mag-aaral. Bagamat naantala, ito
naman ay naging daan sa paghahanda sa makabagong paraan ng pag-aaral
sapagkat mahalaga na tayo ay magpatuloy sa ating buhay.
Maari ka bang magbigay ng tatlong sagot sa tanong na ito.

Bakit ka nag-aaral?
Halimbawa: Nais mong magkaroon ng diploma
upang magkaroon ng magandang trabaho.
1.______________________________________________
________________________________________________
2._______________________________________________
_______________________________________________
3.______________________________________________
Bawat isa ay may iba-ibang dahilan kung bakit nag-aaral at ang
________________________________________________
tanging pagkakapare-pareho ay ang pagnanais na magkaroon ng maganda at
maayos na buhay sa hinaharap. Bagamat matagal, mahaba at mahirap ang
proseso ng pag-aaral, mahalaga na magpatuloy pa rin sapagkat lahat ng
paghihirap at pagpapaunlad ang mga kasanayan, kakayahan at tiwala sa
sarili habang nag-aaral ay mayroong magandang kapalit sa hinaharap.

Narito ang mga kahalagahan ng pag-aaral:


1.Magkakaroon ka ng kamalayan sa mga pangyayari at pagbabago sa
paligid gaya na lamang ng mga makabagong teknolohiya at maging ang
mga isyu at kaganapanan sa lipunan.
2. Mayroon kang pagkakataon na mag-isip, magtanong, at mabigyan ng
mga bagong kaisipan mula sa iba’t ibang aralin. Ang kaisipan para sa
matalino at masusing pag-iisip o pagpapasiya ay magagamit mo sa pang-
araw-araw na pamumuhay.
3. Nagbibigay ito ng mga pangunahing kasanayan na kakailanganin sa
pipiliing negosyo o hanapbuhay, gaya ng pakikipag-ugnayan, paglutas ng
mga suliranin at tamang pagpapasiya.
4. Nahuhubog ng pag-aaral ang iyong pagpapahalaga tulad ng pagtitiyaga,
disiplina sa sarili, pagiging mapanuri, matalinong pagpapasiya at iba pa.
5.Ang taong nakapag-aral ay higit na marami ang pagkakataon o
oportunidad na magkaroon ng trabaho at magtagumpay sa buhay at kung
mataas na antas ang natapos mo, mas mataas din ang pasahod sa iyo.

Ayon sa American Heritage Dictionary:

✔Ang edukasyon ay mga kaalaman at kasanayang


nakakamtan at umuunlad sa pamamagitan ng proseso ng
pagkatuto.
✔Ang taong may pormal na edukasyon ay higit na may
kakayahang magtamasa pa ng higit na kaalaman at
maging isang highly skilled na manggagawa.
✔Kaya nga mas higit na pinapaboran ng mga
kumpanya ang mga aplikanteng mayroong pormal na
edukasyon o may diploma.
✔Hindi lamang sa paghahanap ng trabaho mahalaga
ang edukasyon, mahalaga rin ito sa pagpapanatili ng
trabaho.
✔Higit na mataas ang kawalan ng trabaho sa mga mas
kakaunti ang kasanayan o pormal na edukasyon
halimbawa ang natapos ay elementarya lamang,
nagkakaroon man ng trabaho subalit mababa pasahod
dito.
Ano nga ba ang Merkado ng Paggawa o Labor Market?

- Isang malaking paligsahan ang merkado sa paggawa


o labor market. Ang mga trabaho at ang katumbas na
pasahod dito ay nakadepende sa antas ng
pangangailangan ng mga kumpanya para sa mga
kasanayang ito at ang bilang ng mga mayroong
ganitong kasanayan.
-Ang merkado sa paggawa naman ay nag-aalok ng
sari-saring mga kasanayan at kakayahan o talento.

Ano ang mga trabahong tinatawag na in-demand o may


demanded skill set?
Kung may kakulangan sa isang kasanayan sa
merkado ng paggawa, magiging higit na mataas
ang pasahod sa manggagawang may kasanayang
ito.
Kapag in-demand ang trabaho, mas malaki
ang posibilidad sa mabilis na pagkakaroon ng
trabaho at higit na mataas na pasahod

Epekto ng Kawalan ng Edukasyon sa Pamumuhay sa


Lipunan

Ang kawalan ng edukasyon ay nagpapalala sa


mga krisis sa bansa; sa ekonomiya, politika, kalusugan
at iba pa. Ang mga taong hindi nakapag-aral ang unang
nakararamdam ng kasalatan bunga ng kawalan ng
edukasyon.

-Walang maayos na trabaho.

-Wala silang sapat na kakayahan para lubos na


maunawaan ang mga nagaganap sa paligid at paano
sila naapektuhan nito.
-Wala silang boses pagdating sa mga mahahalagang
usapin sa bansa.
-Madali silang mapaniwala sa pangako ng politiko
kapalit ng pera ang kanilang boto.
Kaya mahalaga na mag-aral ka, hindi lamang ito
para sa iyong sarili, kailangan ka ng ating bansa.
Tandaan na ang edukasyon ang pangunahing sangkap
upang magkaroon ng pag-unlad ang isang bansa at
mapanatili itong maunlad. Malaki ang maitutulong mo
upang masakatuparan ito.
Mga Hakbang sa Pagpaplano sa Paggawa ng Career Plan

Mahabang ang proseso ng pagpaplano sa pangarap at mahalagang simulan


na ito ngayon, upang mayroon kang gabay sa pagkamit nito. Narito ang mga
hakbang na makatutulong kung isasagawa mo.

4.Ihanda ang Sarili - Isipin ang mga gawain na dapat isagawa


upang higit na maging madali ang pagsasakatuparan ng plano
para sa iyong pangarap na propesyon.
-Ano-ano ang mga bagay na dapat kong paunlarin sa aking
personal na katangian upang maging handa sa mapipili kong
negosyo o hanapbuhay?
-Ano-ano ang aking gagawin upang mapaunlad ang mga personal
kong katangiang ito?

3. Magpasiya - Maisasaalang-alang ang mga impormasyon na nakalap


ukol sa sarili at negosyo o hanapbuhay upang malimitahan ang
pagpipilian.
-Anong negosyo o hanapbuhay ang higit na nababagay sa aking
potensiyal?
-Alin sa mga natirang opsiyon ang pinakagusto ko? Alin ang pinakaayaw ko?

2. Suriin ang Posibilidad - Magsaliksik ng negosyo o hanapbuhay na


kinahihiligan mo.
-Ano ang kailangang kakayahan para sa pangarap na negosyo/hanapbuhay?
-Ano ang pangangailangan ng merkado at lipunan para sa negosyo o
hanapbuhay?
-Alin sa mga hilig o interes, talento o kakayahan at pagpapahalaga ang
tugma sa pinapangarap na negosyo o hanapbuhay?
1.Kilalanin ang Sarili - Makatutulong ito upang malaman kung nasaan ka na sa
kasaukuyan at ano ang nais mong marating. Maaring tanungin ang sarili ng mga
sumusunod na tanong:
-Ano ang pangarap kong propesyon at hanapbuhay?
-Ano ang aking hilig o interes, talento o kakayahan at pagpapahalaga?
-Ano aking kalakasan at kahinaan sa pag-aaral at paggawa?

Mga Paraan sa Pagpapabuti o Pagpapaunlad ng Pag-aaral


1. Pamahalaan ang iyong oras – Ang pagkakasabay-sabay ng gawain, proyekto at
pagsusulit ay dahilan kung bakit mayroong hindi nagagawa, kaya kung
mapamamahalaan ang oras matatapos ang mga ito sa takdang panahon.
2.Iwasan ang pagpapaliban ng anumang nakatakdang gawain – ito ay
karaniwang hadlang sa pagtatagumpay sa pag-aaral. Minsan kahit madali lamang
ang gawain na ibinigay kung kulang na ang oras hindi nagiging maganda ang gawa.
3. Iwasan ang distraksiyon- Mahirap magpokus sa pag-aaral kung isasabay ang
panunuod ng tv, ingay sa paligid, paglalaro ng online games.
4. Paghandaan ang bawat asignatura – Makatutulong kung ikaw ay magbabasa
at pinagtutuunan ng pansin ang lahat, hindi lamang ang gusto mo.
5. Magtanong at magpaturo – Mahalaga na magtanong sa guro kung mayroong
di nauunawaan sa aralin.
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
Tayain ang iyong Pag-unawa

Ano-ano ang mga konseptong iyong binasa?


_________________________________________________________
Bakit mahalaga sa tao ang makapag-aral?
_________________________________________________________
Ano-ano ang mga nagiging dulot ng kawalan ng edukasyon?
_________________________________________________________
Paano nakatutulong sa pagpapaunlad ng bansa ang mga
mamamayang nakapag-aral?
_________________________________________________________
Bakit mahalaga ang pag-aaral sa paghahanda sa
pagnenegosyo at paghahanap-buhay?
________________________________________________________

Pagsasanay 2
Panuto: Mula sa mga Paraan ng Pagpapabuti o Pagpapaunlad ng Pag-aaral, lagyan
ng tsek ✔ ang naisasagawa mo at ekis ❌ naman kung hindi. Sagutan ang
sumunod na kolum, batay sa iyong sagot.
Mga Paraan sa Pagpapabuti o Naisasa- ✔-Paano ito nakatulong sa iyong
Pagpapaunlad ng Pag-aaral gawa
pag-aaral
(✔ o ❌)
❌- Mga dapat kong gawin upang
maisagawa ito
1. Pamahalaan ang iyong oras.

2.Iwasan ang pagpapaliban ng


anumang nakatakdang gawain.
3. Iwasan ang distraksiyon.

4. Paghandaan ang bawat


asignatura.

5. Magtanong at magpaturo
Pagsasanay 3
Panuto: Kapanayamin ang 2 taong iyong hinahangaan dahil napagtagumpayan nila
ang kanilang minimithing pangarap. Maari ito ay iyong magulang, tiyahin o tiyuhin,
pinsan, kamag-anak o kapitbahay.
1.
Pangalan:_____________________________Edad:________Relasyon:________________
Kursong Tinapos:____________________________________________________________
Pangarap na napagtagumpayan:_____________________________________________
Mga naging hadlang/balakid sa pagkamit ng pangarap:_____________________
______________________________________________________________________________
Mga paraan na ginawa upang malagpasan ito:________________________________
_______________________________________________________________________________
Ano ang halaga ng iyong mga naging pagsasanay o pag-aaral at karanasan
sa iyong napiling hanapbuhay o negosyo?___________________________________
_______________________________________________________________________________
Ano ang maipapayo sa kabataan tulad mo:___________________________________
_______________________________________________________________________________

2.
Pangalan:_____________________________Edad:________Relasyon:________________
Kursong Tinapos:____________________________________________________________
Pangarap na napagtagumpayan:_____________________________________________
Mga naging hadlang/balakid sa pagkamit ng pangarap:_____________________
______________________________________________________________________________
Mga paraan na ginawa upang malagpasan ito: _______________________________
_______________________________________________________________________________
Ano ang halaga ng iyong mga naging pagsasanay o pag-aaral at karanasan
sa iyong napiling hanapbuhay o negosyo?___________________________________
_______________________________________________________________________________
Ano ang maipapayo sa kabataan tulad mo:___________________________________
_______________________________________________________________________________
PAGLALAHAT

Panuto: Dugdutangan ang kaisipang ipinapahayag batay sa naging


aralin.

1. Mahalaga ang pag-aaral nang mabuti sa paghahanda para sa pangarap


na propesyon o hanapbuhay sapagkat___________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Mapapaunlad ko ang aking pag-aaral sapamamagitan ng


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA
Binabati kita dahil narating mo na ang bahaging ito!

Panuto: Ipaliwanag ang pahayag na ito at iugnay sa sarili.

“Ang layunin ng pag-aaral ay paglago. Ang ating kaisipan,

hindi tulad ng katawan ay nagpatuloy sa paglago

habang tayo ay nabubuhay” -Mortimer Adler

_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
____
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Ito na ang huling bahagi ng modyul na ito. Sa bahaging ito masusubok


kung tunay mong naunawaan ang ating aralin. Mahalaga ang katapan mo sa
iyong pagsagot. Alam kong kayang-kaya mo ito. Ikaw pa!
Panuto: Tukuyin ang paraan na kailangan gawin sa mga sumusunod na
sitwasyon upang maisagawa ng maayos ang pag-aaral. Piliin ang letra ng
pinakaangkop na sagot.

Pamahalaan ang iyong oras.


Iwasan ang pagpapaliban ng nakatakdang Gawain.
Iwasan ang distraksiyon.
Paghandaan ang bawat asignatura.
Magtanong at magpaturo.

_______1. Si John ay nahihirapan sa pagsasagot ng kaniyang modyul, may mga


gawain na nais niyang linawin subalit pinangungunahan siya ng
kanyang pagkamahiyain.
_______2. Malapit na ang pagtatapos ng ikatlong markahan kaya naman sabay-
sabay ang mga proyekto at pagsusulit na kailangang gawin at
paghandaan.
_______3. Nahuhumaling sa panonood ng Korean Drama si Ann. Dahil sa
kagustuhan niyang matapos ito, ipinagpaliban muna niya ang mga
proyekto at gawain na kailangan niyang ipasa.
_______4. May mga asignatura na madali at mahirap para sa atin. Bagamat
may mga aralin na mahirap, hindi ito dahilan upang huwag nang gawin
ang mga kailangan ipasa dito, bagkus makatutulong ang advanced
reading upang makasunod sa aralin.
_______5. Nagsimula na ang online class ni Don. Habang siya ay nasa klase,
ay nag-chat at nagyaya ang kaniyang kaibigan na maglaro ng online
games. Tinawag siya ng kanyang guro upang mag-recite subalit hindi
niya alam ang isasagot dahil naging abala siya sa paglalaro.

Binabati kita sa iyong


pagsisikap at
pagtitiyagang matuto.
Natutuwa ako dahil
matagumpay mong
natapos ang aralin na
it
SUSI SA PAGWAWASTO

Paunang Balik-aral Panapos


Pagsubok Pagsusulit
MALI 5. Kakayahan C
TAMA 4. Job Mismatch D
MALI 3. Hilig B
TAMA 2.Pagpapahalaga A
TAMA 1. Pangarap E

Sanggunian
Mula Sa Aklat

Kagawaran ng Edukasyon, 2015. Edukasyon sa Pagpapakatao 7


Modyul para sa Mag-aaral. Pilipinas: FEP Printing Corporation

Rex Book Store, 2019. Paano Magpakatao 7 Batayan ay Sanayang


Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao.REX Printing Company,Inc.

Mula Sa Internet

Mga Larawan

ULC, Bitstrips. “Your Own Personal Emoji.” Bitmoji, www.bitmoji.com/.

You might also like