You are on page 1of 11

\

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikapitong Baitang


Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Ang Proseso at Hakbang ng Mabuting
Pagpapasya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat : Ma. Melissa G. Quintano
Editor : Carolina Y. Sampaga,
Tagasuri : Perlita M. Ignacio,RCG, PhD., Josephine Z. Macawile
Tagaguhit : Rema A. Domingo
Tagapamahala : Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta EdD
OIC, Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao
7
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Modyul 2: Ang Proseso at Hakbang ng
Mabuting Pagpapasya
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Modyul ukol sa Ang Proseso at Hakabng ng Mabuting Pagpapasya!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Modyul ukol


sa Ang Proseso at Hakbang ng Mabuting Pagpapasya!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


A. Nalalaman ang proseso at hakbang ng mabuting pagpapasya;
B. Naiuugnay ang proseso at hakbang ng mabuting pagpapasya sa larong
“among us”;
C. Napahahalagahan ang mga proseso at hakbang ng mabuting pagpapasya.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Magbalik tayo sa larong among us. Sa nagdaang modyul ay ibinigay nyo
lamang ang sa palagay ninyong impostor sa larong ito ayon sa sitwasyong binigay.
Ngayon naman ay ibibigay ninyo ang mga hakbang na isinagawa mo bakit siya ang
inisip mong impostor. Magbigay ng 5 hakbang. Ilahad ito sa ibaba.
1. _______________________________________________________________________________
2. _______________________________________________________________________________
3. _______________________________________________________________________________
4. _______________________________________________________________________________
5. _______________________________________________________________________________

Pink
Nasa cafeteria ako nagtatapon ng basura

Cyan
Nanonood ako ng CCTV

Yellow
Nakita ko lang ang katawan sa elec.

Pink
Nasa weapons ako bumabaril

Pink
Nag-aayos ako ng shields.
BALIK-ARAL
Panuto Gamit ang Venn Diagram, ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng
pagpapasya at mabuting pagpapasya.

Pagpapasya Mabuting Pagpapasya

ARALIN
Ang Proseso at Hakbang ng Mabuting Pagpapasya

Ang mabuting pagpapasya ay isang proseso kung saan malinaw na


kinikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay.

Ang mabuting pagpapasya ay batay sa ating pagpapahalaga, isip at


damdamin at ang pagkakaroon ng sapat na panahon.

Ang panahon ang pinakamahalagang sangkap ng mabuting


pagpapasya.

Ang pagpapahalaga naman ang nagsisilbing pundasyon o haligi


ng mabuting pagpapasya.

Gamit naman aang ating isip pinagninilayan natin ang sitwasyon o


naghahanap ng imposrmasyon at tinitimbang ang kabutihan o
kakulangan sa mga pagpipilian

Ginagamit naman natin ang ating damdamin upang malaman


kung kagustuhan natin an gating ginawang pagpili.
Narito naman ang mga hakbang sa mabuting pagpapasya:
1. Magkalap ng kaalaman.
2. Magnilay sa mismong aksyon.
3. Hingiin ang gabay ng Diyos sa isasagawang
pagpapasya.
4. Tayain ang damdamin sa napiling isasagawang
pagpapasya.
5. Pag-aralang mabuti ang pasya.

MGA PAGSASANAY
Gawain 1
Panuto: Tukuyin ang nilalarawan sa bawat bilang. Isulat ito sa patlang bago
ang bilang.
____________________1. Ito ay isang proseso kung saan nakikita ng isang tao
ang pagkakaiba-iba ng isang bagay.
____________________2. Ito ang pinakamahalagang sangkap ng mabuting
pagpapasya.
____________________3. Ito ay ang nagsisilbing pundasyon ng mabuting
pagpapasya.
____________________4. Ito ang ating ginagamit upang malaman kung gusto
natin ang ating napili.
____________________5. Ito ang ating ginagamit upang timbangin ang dapat
piliin sa dalawang bagay.
Gawain 2
Panuto: Gamit ang Stair Step Diagram ay ilahad ang hakbang ng Mabuting
Pagpapasya.

1
Gawain 3
Panuto: Tulungan si Lemwel na makapagdesisyon. Pagsunod-sunurin ang
mga hakbang na kinakailangang gawin ni Lemwel. Lagyan ito ng bilang mula 1
hanggang 5.
Sitwasyon: Si Lemwel ay naglalakad pauwi mula sa pamimili ng gamut ng
kanyang ina. Sa kalagitnaan ng kanyang paglalakad ay may nasipa siyang pitaka.
Ito ay naglalaman ng halagang 5,000 sa patuloy na pagbubuklat niya ay may nakita
siyang I.D ng nagmamay-ari nito. Alam niyang kailangan nya rin ang halagang ito
para sa gamut at iba pang pangangailangan ng kanilang pamilya. Tulungan natin si
Lemwel na magdesisyon.

a. Pag-isipang muli ang nabuong pasya.


b. Suriin ang damdamin sa napiling pasya.
c. Manalangin at humingi ng gabay sa upang makapili ng desisyon.
d. Pag-isipang maigi ang gagawing pasya.
e. Alamin ang iba pang impormasyon patungkol sa nagmamay-ari.

PAGLALAHAT

Panuto: Gamit ang diyagram sa ibaba, ibigay ang mga sangkap sa proseso at
hakbang sa mabuting pagpapasya.

Mga Sangkap
Ng Mabuting
Pagpapasya
PAGPAPAHALAGA
Panuto: Gamit ang 5 hakbang sa mabuting pagpapasya, ilahad ang isang
karanasan na kung saan sa palagay mo ay nagamit mo ang mabuting
pagpapasya.

Kahalagahan sa Buhay
Hakbang at Proseso
ng Mabuting

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Isulat ang T kung ang pahayag ay tama at M naman kung mali.

1. Ang pagpapahalaga ay ang nagsisilbing haligi o pundasyon ng


mabuting pagpapasya.
2. Ang panahon ay hindi gaanong kahalagang sangkap sa mabuting
pagpapasya.
3. Kinakailangan na pantay ang timbang ng isip at damdamin sa
mabuting pagpapasya.
4. Ang pagkalap ng impormasyon ang unang-unang hakbang sa
mabuting pagpapasya.
5. Mayroong 10 hakbang ang proseso ng mabuting pagpapasya.
(Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Learner Module n.d.)
(brainly.ph 2007)
Sanggunian
Mga Pagsasanay
Gawain 1
1. Mabuting Pagpapasya
2. Panahon
3. Pagpapahalaga
4. Damdamin
5. Isip
Gawain 2
1. Magkalap ng kaalaman.
2. Magnilay sa mismong aksyon.
3. Hingiin ang gabay ng Diyos sa isasagawang pagpapasya.
4. Tayain ang damdamin sa napiling isasagawang pagpapasya.
5. Pag-aralang mabuti ang pasya.
Gawain 3
a. 5
b. 4
c. 3
d. 2
e. 1
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like