You are on page 1of 15

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikapitong Baitang

Ikaapat na Markahan – Modyul 10 : Ang Kahalagahan ng Mabuting pagpapasya sa Uri ng


Buhay ( Ang Pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay) Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi ang
sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal
na may- akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang
walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Krizza Evangelio Zapico


Editor: Minerva D. Magtaan, Nida A. Leaño
Tagasuri: Perlita M. Ignacio,RGC,PhD., Josephine Z. Macawile
Tagaguhit: Rema A. Domingo
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division

Education Program Supervisors


Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE) Liza
A. Alvarez (Science/STEM/SSP) Bernard R.
Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
NorlynD.Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyo


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao 7
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 7 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang kahalagahan ng Mabuting pagpapasya sa uri ng Buhay
(Pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay)
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay inaasahan na masusundan ng mga mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto sa pamamagitan ng iba’t ibang mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis
at oras na igugol sa pag-aaral. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pang ika- 21 siglo habang isinasaalang alang ang kanilang mga pangangailangan at
sitwasyon sa buhay.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na
higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyu
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Modyul ukol sa Ang
kahalagahan ng Mabuting pagpapasya sa uri ng Buhay

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka
sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan
pagkatapos mong makympleto ang Modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang malaman
sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang I iyong matutuhan at naunawaan sa mga na unang
paksa.
ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.
MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan ng mga mag-
aaral..
PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyan
halaga
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
psmpagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dto masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral
MGA INAASAHAN

Sa bahaging ito inaasahang na matamo ng mag-aaral ang lubos na pag- unawa at


paghinuha na ang pagbuo ng personal na pahayag ng Misyon sa Buhay ay gabay sa tamang
pagpapasya upang magkaroon ng tamang direksyon sa buhay.
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman,
kakayahan at pag-unawa:

A. natutukoy ang kahulugan ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay;

B. napahahalagahan ang mga hakbang sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng


Misyon sa Buhay; at

C. nakasusulat ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay na sumasalamin sa


pagkakaroon ng mapanagutang asal tungo sa kabutihang panlahat.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto : Isulat sa loob ng bilog ang wastong letra ng tamang sagot batay sa natutunan sa
natalakay na aralin.

1. Alin sa mga sumusunod ang hindi kahulugan ng Personal na Misyon sa


Buhay?
A. gawain tungo sa paglilingkod sa kapwa
B. batayan ng tao sa kanyang pagpapasya
C. magandang paraan ito upang makilala ang sarili
D. katulad ng isang personal na kredo o motto na nagsasalaysay ng nais mong
mangyari sa iyong buhay

2. Ang Personal na Misyon sa Buhay ay maaaring mabago o palitan.


A. tama, sapagkat araw-araw ay mayroong nababago sa tao
B. tama, sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga
sitwasyon sa buhay
C. mali,sapagkat mawawala ang tuon ng pahayag kung ito ay babaguhin o
papalitan
D. mali,sapagkat ito na ang iyong saligan sa buhay.
Magkakaproblema kung babaguhin pa.

3. Ayon kay Stephen Covey, nagkakaroon lamang ang misyon natin sa buhay ng
kapangyarihan kung:
A. nagagamit sa araw-araw nang mayroong pagpapahalaga.
B. nakikilala ng tao ang kanyang kakayahan at katangian
C. kinikilala niya ang kanyang tungkulin sa kanyang kapwa
D. nagagampanan ng balanse ang tungkulin sa pamilya, trabaho at komunidad

4. Ito ay ang hangarin ng tao sa kanyang buhay na magdadala sa kanya sa


kaganapan
A. misyon C. propesyon
B. bokasyon D. tamang direksyon

5. Ang ibig sabihin nito ay calling o tawag.


A. bokasyon C. tamang Direksyon
B. misyon D. propesyon

BALIK-ARAL
Mula sa naunang aralin na iyong nabasa, sagutin ang mga sumusunod na
katanungan.
1. Bilang isang mag-aaral, ano ang mga pagpapasyang nagawa mo na sa buhay?

2. Bakit mahalagang tingnan natin ang maaaring kahinatnan o bunga nito bago tayo
gumawa ng pasya?

ARALIN
Sa pagsisimula ng aralin, suriin ang mga larawan, isipin mong ito ay
nagpapakita ng mga ninanais mo sa hinaharap. Bumuo ng mga pahayag na maaaring
maging gabay mo para matupad ang ninanais ng nasa larawan.

Ikatlong Pahayag :
Unang Pahayag : Ikalawang Pahayag :
Halimbawa:
Nais kong maging isang
mahusay na mag-aaral at
makapagtapos na may
medalya.

(Clip-art : Bitmoji—your personal bitmoji free Application)


1. Bakit kailangang magkaroon ng personal na pahayag sa buhay?

2. Malaki ba ang maitutulong ng sariling pahayag upang makamit ang nais?

3. Mayroon ka rin bang Pahayag sa sarili?

Gawain I
Panuto : Bumuo ng simpleng pahayag na siyang nais mong batayan upang makamit ang
iyong mithiin sa buhay.
Maaari mo bang ilahad sa ibaba kung bakit ito ang iyong nais?
Malinaw na pinakikita sa larawan ang proseso ng pagbuo ng sariling Personal na Misyon sa
Buhay na nangangahulugan katulad ng isang personal na Kredo o isang motto na
nagsasalaysay kung paano mo ninanais na dumaloy ang iyong buhay. Ito ay magiging
batayan mo sa iyong gagawin na mga pagpapasya sa araw-araw.
Ano sa tingin mo ang nais ipahiwatig

“Beginning with the End”


Ayon kay S. Covey sa kaniyang aklat na Seven Habits of Highly Effective People

Nararapat na ngayon pa lamang ay malinaw na sa iyong isip ang isang malaking larawan kung
ano ang nais mong mangyari sa iyong buhay.
Bakit mahalagang makilala ng tao ang kanyang sarili?

Sa paglikha ng Personal na Misyon sa Buhay, isaalang-alang ang mga sumusunod na


hakbangin.

Suriin ang iyong ugali at


katangian Tukuyin ang Tipunin ang mga
impormasyon.
pinahahalagahan.

Sa papaanong paraan mo Bakit mahalagang may Sino ang maaaring


ito maipakikita ? batayan tayo sa makapagbibigay ng mga
Pagpapahalaga? impormasyon na ito?
“All of us are creators of our own destiny” Ayon kay S. Covey, nagkakaroon ng
kapangyarihan ang misyon natin sa buhay kung ito ay:

Mayroong koneksyon sa kaloob- looban ng sarili upang mailabas ang kahulugan niya bilang isang tao.

3
Nagagampanan nang may balanse ang

1 tungkulin sa pamilya, trabaho, komunidad


at sa iba pang dapat gampanan

Bakit ito mahalaga lalo na sa panahon ngayon? Bakit ito mahalaga lalo na sa
panahon ngayon?

Nagagamit at naibabahagi nang tama at mabuti at may kahusayan ang sarili bilang natatanging nilikha.

2 4 Isinulat upang magsilbing


inspirasyon, hindi upang
ipagyabang sa iba.

Bakit ito mahalaga lalo na sa panahon ngayon?


Bakit ito mahalaga lalo na sa
panahon ngayon?

Narito ang ilang mga paraan na iminungkahi ni Sean Covey sa kanyang aklat:

2. Gamitin ang
1. Mangolekta paraang tinatawag na "Brain Dump"
ng mga kasabihan o Motto

3. Magpahinga
4. Huwag labis
o maglaan ng
alalahanin ang pagsusulat nito
oras sa pag-iisip

Halimbawa sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa buhay

Ito ay PPMB ni Nika


Isang mapagkalingang lider na tagapagdaloy ng mga gawaing nagbibigay ng prioridad sa mga taong
naaapi sa lipunan , isang Pilipinong nangunga para puksain ang mga masasamang tao at isa sa mga
nagbibigay ng kapayapaan sa bansa.

Ito ay PPMB ni Neal


Isang huwarang kapatid na nagtuturo sa mga batang lansangan upang makasabay sa takbo ng pagbabago ng lipunan . Nais niyang maging isang hu
MGA PAGSASANAY
Pagsasanay 1
Panuto : Gumawa ng sariling Linya ng Buhay. Isulat ang mga ginawang pasya sa mga
sitwasyon na naranasan mo sa iyong buhay upang makamit ang nais.

Kinatatayuan mo nangayon

Gabay na tanong;
Mga pagpapasya mo sa buhay
1. Mula sa iyong ginawa, nakikita mo bang tinatahak mo ang tamang direksyon na nais
mong mangyari sa iyong buhay?

2. Paano makatutulong sa isang tao ang pagkakaroon niya ng gabay o pattern sa kanyang
buhay? Ipaliwanag.

3. Mahalaga ba sa isang tao na magkaroon siya ng kanyang magiging gabay sa kanyang


ginagawang pagkilos at pagpapasya? Ipaliwanag.

4. Kung may mga bagay kang pinagsisihan sa nakaraan ano ito at paano ito naging gabay
upang magkaroon nang maayos na pagpapasya?
5. Anu-ano na ang naging tagumpay mo noon at ngayon?

Pagsasanay 2
Panuto : Sa loob ng kahon, ilista ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ng bawat
miyembro ng pamilya.
Ama :

Ina :

Pinakamatanda sa magkakapatid:

Pinakabata sa magkakapatid :

Gabay na tanong ;
1. Natupad ba ang misyon ito? Kung OO, Anu-ano ang mga naging balakid sa pagtupad ng
kanilang misyon sa buhay?

Pagsasanay 3
Panuto : Gumuhit ng isang larawan na ipinakikita ang ninanais mo sa
hinaharap. Ipaliwanag ang mga hakbang na dapat mong gawin upang matupad ito.

Pagpapaliwanag :

_ _ _ _ _ _
_ _ _ _ _ _
_ _ _ _ _ _
_ _ _ _ _ _

PAGLALAHAT
Ang aking natutunan sa aralin patungkol sa pagkakaroon ng personal na pahayag ng misyon sa buhay ay

. Mahalaga ang pagkakaroon nito dahil


Sa araling ito lubos mo nang naunawaan ang kahalagahan sa
pagbuo ng personal na pahayag ng Misyon sa Buhay. Sa bahaging ito, bumuo ng
sariling konsepto sa natutunan sa aralin,
Bilang mag-aaral, sisikapin kong

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito, gumawa ng pakikipagpanayam sa miyembro ng pamilya.
Alamin ang kanilang sariling pahayag sa buhay noong wala pa ang epedemiyang
covid-19 at alamin kung mayroong pagbabago sa kanilang nais maabot. Tukuyin din
ang kahalagahan ng pagbabagong ito mula sa karanasan mo at ng buong pamilya.
Panahong Wala pang Panahong kasalukuyan Pagpapahalaga sa
epedemiyang covid-19 pagbabagong naganap sa buhay
ng pamilya dala ng epedemiya.

Halimbawa : Dahil sa epedemiyang Ang pagpapahalaga sa


Nais ng aking nakatatandang kapatid covid-19, mas pinili nyang pamilya
na magtrabaho sa ibang bansa manatili sa Pilipinas upang
magtayo na lamang ng maliit na
negosyo.

1.

2.

3.
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto : Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong at isulat ang letra ng tamang
sagot sa linya bago ang numero.
1. Saan dapat makabubuti ang isasagawang pagpapasya?
A. sarili, simbahan at lipunan
B. kapwa, lipunan at paaralan
C. paaralan, kapwa at lipunan
D. sarili, kapwa at lipunan
2. Ang mga sumusunod ay pansariling pagtataya sa paglikha ng Personal na
Misyon sa Buhay maliban sa:
A. suriin ang iyong ugali at katangian
B. sukatin ang mga kakayahan
C. tukuyin ang mga pinapahalagahan
D. tipunin ang mga impormasyon
3. .Sa paggawa ng Personal na Misyon sa Buhay, kinakailangan na gamitan mo ng
SMART. Ano ang kahulugan nito?
A. Specific, Measurable, Artistic,Relevance,Time Bound
B. Specific, Measurable,Attainable, Relevance, Time Bound
C. Specific, Manageable, Attainable, Relevance, Time Bound
D. Specific, Manageable, Artistic, Relevance, Time Bound
4. Bakit mahalaga na magkaroon ng tamang direksyon ang isang tao?
A. hindi maligaw
B. matanaw niya ang hinaharap
C. mayroon siyang gabay
D. magkaroon siya ng kasiyahan
5. Gaano kahalaga ang pagbuo ng personal na pahayag ng Misyon sa buhay.
A. gumagabay sa nais ng lahat
B. nagtuturo nang wastong landasin
C. nabibigyan tayo ng sapat na oras upang pag-isipang mabuti ang kukuning kurso
D. nagsasalaysay kung paano mo makamtan ang ninanais mo sa iyong buhay
SUSI SA PAGWAWASTO
Paunang Pagtataya

GAWAIN 1.
Panapos na Gabay sa pagbibigay ng puntos sa pagbuo ng personal na pahayag ng
miyembro ng pamilya
Pagsusulit

GAWAIN 2
Narito ang gabay sa pagbibigay ng puntos sa binuong talata ng mag-aaral

GAWAIN 3
Narito ang gabay sa pagbibigay ng puntos sa pagguhit ng misyon sa buhay

SANGGUNIAN
Application, Bimoji. 2020. Bitmoji Create a Personal Application. Pasig City: Google.com. DepEd. 2017. Grade 7 Edukasyon sa Pagpapakatao Lea
blogspot.
—. 2017. K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao Teacher's Guide. Pasig City: K12 File Shares blogspot.com.
Ogale, Geoffrey Suela, Ogale and Marishyrl Maramot. n.d. EsP Edukasyon sa Pagpapakatao 7 (Batay sa K to 12 Kurikulum ). Student Digest Publish
ONLINE/ELECTRONIC SOURCES

MODULE-14.pptx - Modyul 14 PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY.”CourseHero” Last


Modified February 4, 2018

You might also like