You are on page 1of 26

11

Filipino sa Piling Larang


(Sining at Disenyo)
Unang Markahan-Modyul 2:
Anyo ng Sining at Disenyo
Filipino – Baitang 11
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 2: Anyo ng Sining at Disenyo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Glenda C. Ferman
Editor: Joseph T. Baluya
Tagasuri: Myrna D. Gornez
Tagaguhit: Lhryn T. Jaranilla
Tagalapat:
Printed Dalyn S. Guinto
in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region
Cover Art Designer: Ian Caesar E. Frondoza
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Tagapamahala:
Telefax: Allan2288825/
(083) G. Farnazo, CESO
(083) IV – Regional Director
2281893
E-mail Address: Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
region12@deped.gov.ph
Rommel G. Flores, CESO V- Schools Division Superintendent
Mario M. Bermudez, CESO VI- Asst. Schools Div. Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Leonardo Mission – Regional Filipino Supervisor
Juliet F. Lastimosa - CID Chief
Sally A.Palomo - EPS In Charge of LRMS
Greogorio O. Ruales - Division ADM Coordinator
Lelita A. Laguda – Division Filipino Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XII


Office Address: Department of Education – Region XII
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
Email Address: depedroxii.org Email: region12@deped.gov.ph
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para


sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t
ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at
malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o
sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang
masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita
kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa


kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga
aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala
sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo para makilala mo ang iba’t ibang
anyo ng sining at disenyo ayon sa layunin, gamit, katangian, anyo, at target na
gagamit.

Karamihan sa mga kababayan nating Pilipino ay nakilala dahil sa angking


galing at talento sa iba’t ibang anyo ng sining at disenyo gaya ng pagpinta, musika,
sayaw, teatro, eskultura at maging sa larangan ng arkitektura. Kaya’t ating alamin
ang tungkol sa iba’t ibang anyo ng sining at disenyo.

Aralin 2: Anyo ng Sining at Disenyo


1.1 Pagpinta
1.2 Teatro
1.3 Musika
1.4 Sayaw
1.5 Eskultura
1.6. Arkitektura

Pagkatapos mong masagot ang mga gawain ay inaasahang matatamo mo


ang pinakamahalagang kasanayan ng pampagkatuto na:

Nakikilala ang iba’t ibang anyo ng sining at disenyo ayon sa :


a. Layunin
b. Gamit
c. Katangian
d. Anyo
e. Target na ginamit (MELC-FSD11/12PTOa-c 91)

Ang modyul na ito ay naglalayun na mabigyan ka ng kaalaman sa mga


sumusunod:
1. Naiisa-isa ang iba’t ibang anyo ng sining at disenyo
2. Nabibigyang-kahulugan ang pagpinta bilang isa sa mga anyo ng
sining at disenyo
3. Nabibigyang-kahulugan ang eskultura at arkitektura bilang anyo
ng sining at disenyo.
4. Nabibigyang-kahulugan ang teatro, musika at sayaw bilang mga
anyo ng sining at disenyo
Subukin

I. Panuto: Tukuyin kung ano ang hinihingi ng bawat bilang. Isulat sa iyong
sagutang papel ang titik o wastong sagot sa bawat bilang.

1. Ito ay sining ng paglalagay ng pigmento na kinapapalooban ng mga kulay


at porma gamit ang pinsel
a. pagpinta b. eskultura c. arkitektura
2. Sining sa pagkuha ng larawan at pagtitimpla ng mga imahen gamit ang
angkop na ilaw at anggulo.
a. teatro b. musika c. potograpiya
3. Sining o larangan na nakatuon sa pagpaplano at pagsasaayos para sa
isnag pagtatanghal.
a. teatro b. sayaw c. musika
4. Sining na binubuo ng mga elemento ng ritmo, melodiya, timbre, at
harmoniya.
a. sayaw b. musika c. potograpiya
5. Sining na nagsisilbing panggagaya at ekspresyon ng mga kilos o galaw na
namamasid sa kalikasan.
a. arkitektura b. sayaw c. eskultura
6. Sining ng pag-uukit at pagpoprma ng mga bato, metal, at iba pang
makabagong material gaya ng kasangkapang elektroniko.
a. arkitektura b. eskultura c. potograpiya
7. Sining na sinusukat batay sa katatagan, kagandahan, at tibay ng
itinatagong gusali o ano pa mang estruktura.
a. eskultura b. teatro c. arkitektura
8. Siya ang pilipinong pintor na nagpinta ng “ The Death of Cleopatra” na
nanalo ng silver medal sa National Exposition of Fine Arts (1881)
a. Juan Luna b. Andres Bonifacio c. Maximo Viola
9. Dimensyon ng iskultura na gumagalaw dahil maaaring nakabitin ang
mga ito, karaniwang yari sa pira-pirasong metal, kahoy, salamin o plastic
na suspendido sa alambre o hibla.
a. freestanding b. relief c. kinetic
10. Dimensyon ng iskultura na karaniwang tinatawag na istatwa?
a. freestanding b. relief c. kinetic
II. Panuto: Isulat sa patlang kung Tama o Mali ang pahayag
_____1. Ang teatro o tanghalan ay isang istruktura kung saan ipinapalabas
ang mga pagtatanghal ng drama, trahedya, komedya, sayaw, musika at mga
panoorin.
_____2. Ang musika ay bahagi na ng araw-araw na pamumuhay natin.
_____3. Ang sayaw ay isang uri ng sining na mas kilala bilang tugtugin o
tunog.
_____4. Ang kantang bahay-kubo ay isang uri ng musika na pinoy pop.
_____5. Ang timbre ay ang mababa at mataas na tono na sumasabay sa
harmoniya at molodiya.
Balikan

Nasagot mo na ba ang ating Subukin? Nahihirapan ka ba? Huwag


mag-alala muli nating balikan ang iyong natutunan sa nakaraan.
Naalala mo pa ba ang iba’t ibang anyo ng sining at disenyo gaya
halimbawa ng pagpipinta, potograpiya, musika, at iba pa ? Halina’t muli
nating balikan.
Alam mo ba na ang sining at disenyo ay may pitong anyo? Ito ay ang
pagpipinta, potograpiya, teatro, musika, sayaw, arkitektura, at eskultura?
Ngayon ay iisa-isahin sa modyul na ito ang iba’t ibang anyo ng sining at
disenyo at alam ko na marami kang matutuhan sa paksang nabanggit.

Tuklasin

A. Tukuyin kung anong anyo ng sining at disenyo ang mga sumusunod


na larawan. Pumili ng sagot sa loob ng kahon sa ibaba.

Pagpinta potograpiya teatro


Musika sayaw eskultura
Arkitektura

1. ___________ 2. ____________

3. ___________ 4. _____________
5. ___________ 6. ___________

B. Panuto: Ilan pa sa mga anyo ng sining at disenyo ay ang eskultura at


arkitektura. Alin kaya sa mga larawang ito napabilang ang dalawa? Isulat sa
inilaang patlang ang iyong sagot.

1.___________________ 2.____________________
C. Panuto: Kumpletuhin ang salitang nakasulat sa malaking titik na siyang
tinutukoy o inilalarawan sa bawat pahayag.

1. T__A__ __ O – sining/larangan na nakatuon sa pagpaplano at


pagsasaayos para sa isang pagtatanghal.

2. __US__ __A – sining na binubuo ng mga elemento ng ritmo, melodiya,


timbre, at harmoniya.

3. __AY__W- sining na nagsisilbing panggagaya at ekspresyon ng mga kilos o


galaw na namamasig sa kalikasan.

4. __C__ -ito ay mga malalaking pagkakati sa dula.

5. C__ L __ -terminong ginagamit sa teatro upang tawagin ang lahat ng actor


sa tanghalan.

6. C__S__I__G – proseso ng pagpili ng mga artista para sa isang dula.

7. K__RY__GR__ __I__A – sining ng pagdidisenyo ng mga sekuwensiya na


mga galaw na kung saan ang mga mosyon o kilos ay tinutukoy.

8. T__M__ __ E- kalidad ng tunog.


9. __LA__I__ __ L- uri ng musika na kalimitang ginagamitan ng mga
instrument gaya ng violin,cello, drum, flute, at marami pang iba.

10. __ __ P – isang uri ng musika na inihahalintulad o magkapareho sa rock


music.

Napagtagumpayan mo ba ang pagtukoy sa mga anyo ng sining


at disenyo batay sa larawang ipinakita at sa aktibi na ibinigay? Kung gayon
atin nang bibigyang pansin ang mga anyo ng sining at disenyo. Ito ay ang
mga sumusunod: Pagpinta, Eskultura, Arkitektura, Teatro, Musika, at
Sayaw.

Suriin

A. Panuto: Pansinin ang larawang nasa ibaba. Suriin ang larawang ito batay
sa sumusunod na katanungan.

Gabay na tanong:

1. Anong mga hugis ang naakikita mo? Ano-anong mga bagay ang
naaalala mo sa mg higis na ito?
2. Anong mga kulay ang nakikita mo? Ano ang nararamdaman mo sa
habang minamasdan ang mga kulay na ito? Naakit ka ba?
Nalungkot? O natuwa?
3. May pattern ka bang nakikita sa larawan? Ano ito?
4. May nakikita ka bang kakaibang tekstura? Ano ang ipinapahiwatig
nito?
5. Paano binuo ng pintor ang ilusyon ng espasyo sa larawan?
6. Anong pangyayari ang ipnabatid ng larawan? Isalaysay ito.

B. Batay sa larawang nasa ibaba, ano ang pagkakaiba ng dalawa ayon sa


paraan ng pagkagwa nito? Magtala ng sampung pangungusap na
nagpapahayag ng bunga ng iyong pagsusuri.

1.___________________ 2.____________________
Eskultura Arkitektura

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

C. Pansinin ang mga larawang nasa ibaba. Suriin ang bawat isa at sagutin
ang gabay na katanungan.
Larawan 1

Larawan 2

Larawan 3

Gabay na mga Tanong:

1. Ano ang ginagawa ng mga karakter sa unang larawan? Sa ikalawang


larawan? At sa ikatlong larawan?

2. Ano ang nakita mong pagkakatulad at pagkakaiba ng mga larawang ito?

3. Anong anyo kaya ng sining at disenyo ang isinasaad ng una, ikalawa, at


ikatlong larawan?

Kung nasagot mo na ang katanungan, ito ay nangangahulugang


handa ka na para sa paksang ating tatalakayin. Halina at ating alamin ito.
Ating Alamin:

Pagpinta
Ang pagpipinta ay ang kasanayan ng pagpapahid ng pintura,
pigmento, kulay o iba pang gamit pangguhit sa isang pang-ibabaw. Ang
produkto na pagpipinta ay tinatawag na pinta. Ito rin ay nagpapahayag ng
iyong damdamin o saloobin sa pamamagitan ng pagpipinta ng mga bagay-
bagay na naaayon sa iyong kagustuhan.
Nagsimula ang pagpipinta sa bansang Pransya na dinala naman sa
Pilipinas ng mga Espanyol. Si Juan Luna ang Pilipinong pintor na nagpinta
ng “The Death pf Cleopatra” na nanalo bilang silver medal sa National
Ecposition of Fine Arts noong 1884)
May iba’t ibang elemento ang pagpipinta ito ay ang mga sumusunod:
1. Linya- naipapahayag ang damdamin at pananaw ng manlilikha sa
pamamgitan ng iba’t ibang anggulo ng linya na tuwirang tumatawid sa
sinumang tumutunghay sa isang likhang-sining.
- patayo, pahilis at pahalang (nagpapahayag ng galaw at tensiyon)
- kurbado,maalon at zigzag (maglinaw ng direksiyon)
2. Kulay- nagtatanghal ng iba’t ibang dimensiyon ng payak, pabago-bago, at
sumusulong na damdamin sa pagtitimpla ng mga kulay.
A. Matitingkad
- nagpapamalas ng matapang at maliwanag.
B. Mapupusyaw
- nagpapamalas ng malungkot at magaan
C. Maiinit

- nakapaglalatag ng lapit at layo- pula, kahel at dilaw


D. Malalamig

- nagpapalitaw ng kalmado at maginhawang pakiramdam –asul,


berde, at lila
E. Neutral

- may katangian balance at hindi maihahalo sa iba pang kulay


at maging sa sarili nito- itim, abo, tsokolate, kulay-balat, at puti)

3. Hugis- pagsasama-sama nito sa sa isang komposisyon na


makapagpapalitaw ng mga imahe at representasyon upang lumikha ng
impresyon at kahulugan.
- kurba sa sining ng pagsasayaw at pagtatanghal
(kalungkutan, kasawian, kasiyahan, kalayaan, at
tagumpay.
- bilog (iniuugnay sa daigdig at impresyong tuloy-tuloy at
nagpapakita ng siklo.
- tatsulok (naiuugnay sa konsepto ng herarkiya o kaantasan)
- parisukat (pagkakapantay-pantay o kaya kahon na
nagbubukas sa impresyon ng limitasyon at hangganan
4. Espayo- tumutukoy sa mahalagang elemnto ng paglulugar ng iba’t ibang
bagay sa komposisyon at paglulugar sa isang likhang-sining na maaaring
pribado o pampublikong pagtunghay. ( layo, lapit, gilid, sentro, atbp.)
5. Tekstura- lumilikha ng ilusyon sa mata. Layong magpamalas ng natural
at realistikong ugnay sa mga tumutunghay.
6. Value- tumutukoy sa ugnayan ng kapusyawan at katingkaran sa iba’t
ibang antas ng pag-iiba o contrast.
- nabibigyang-diin sa paggamit ng value bilang element ang bigat
at hubog ng isang likhang-sining.
- sa prinsipyo na ang puti ang pinakamapusyaw at ang itim ang
pinakamatingkad, nagagawang matimpla ng limitadong lawak ng
value ang pakiramdam o mood ng isang piyesa para lumikha ng
misteryoso, payapa, at kakaiba.

Eskultura
Ang eskultura ay sining ng pag-ukit at pagpoporma ng mga bato,
metal, at iba pang makabagong materyal gaya ng kasangkapang elektroniko.
Tatlong –Dimensyon ng Forma ng Iskultura
1. Freestanding- nakikita ito sa iba’t ibang posisyon at anggulo. Istatwa ang
karaniwang tawag ditto.
2. Relief- inuukit sa ibabaw ng plena, Kapag halos buo na, o nakaumbok o
lumalabas sa plena ang pigurang inukit, hayrelif (high relief) ang tawag;
kapag naman patay o plastado lang sa inukitan, di kaya’y nakalubog,
basrelif (bas relief). Mga medalya at sinsilyo o barya an gang halimbawa
nitong huli.
3. Kinetik o mobiles- ay gumagalaw kasi maaaring nakabitin ang mga ito
dahil karaniwang mga yari ito sa pira-pirasong metal, kahoy, salamin o
plastic na suspendido sa alambre o hibla. Si Alexander Calder ang kauba-
unahang gumawa nito noong dekada 30.
Mga Metodo at Teknik sa Paghubog o Pag-ukit
1. Pag-ukit (Carving)- itinuturing na pinakamahirap na paraan. Pabawas
ang proseso. Tinatanggal ang bahaging di-kasama sa disenyo para forma
lang ang matira.
2. Modeling- isang padagdag na proseso. Mga malalambot na material na
kayang hubugin ng kamay ang ginagamit tulad ng luwad o wax.
3. Kasting- itinuturing na kumplikadong proseso. May molde itong unang
ginagawa na maaaring binubuo ng dalawa o higit pang bahagi na pwedeng
mahigpit na buuin at muling paghiwa-hiwalayin.
4. Fabrikasyon- isa ring aditivong proseso ito. Pira-pirasong ipinapako,
iniisteypol, hinihinang ( soldering o welding), ginuglu, atbp. Ang mga
material para mabuo.

Arkitektura
Ang arkitektura ay sining na sinusukat batay sa katatagan,
kagandahan, at tibay ng itinatayong gusali o ano pa mang estruktura.
Katangian ng Matibay na Istruktura ng Arkitektura
1. Katatagan (Strength)- ang kalidad na mapanindigan ang tension at ang
kaayusan nito sa disenyo at foema ng istruktura.
2. Durabilidad (Durability)- ang katigasan ng tekstura para alam ang
gagamiting kasangkapan sa pagtrato nito; at
3. Kagandahan (Beauty)- aspekto nitong panlabas tulad ng kulay, gayundin
ang kakinisan kapag natrato na.

Mga Sistema o prinsipyo ng Konstruksyon


1. Poste at biga (Post and Lintel)- binubuo ito ng dalawang poste para
suportahan ang magkabilang dulo ng haba ng biga na pahalang na
nakapatong dito.

2. Arko (Arch)-binubuo naman ito ng hiwa-hiwalay na mga bloke na hugis-


kalso na kung tawagin ay voussoirs, na pinagdidikit-dikit sa pakurbang
ayos na ang pinakasentro ang nagsisilbing pansara.
3. Kantilever (Cantilever)- biga itong may kabilaang ekstensyon na
lumalagpas sa sumusuportang poste.
4. Tras (Truss)- Patriyanggulo ang mga forma nito na parang biga ang gamit.
Nakikita ito sa konstruksyon ng tulay, gimnasyum, teatro at malalaking
bulwagan na malalawak ang kinakailangang espasyo sa loob.
5. Konstruksyong Paiskeleton (Skeleton Construction)- balangkas itong
binubuo ng mga suportang kongkreto at bakal na karaniwang ginagamit ng
mga makabagong konstruksyon.

Teatro, Musika, Sayaw

Ang teatro ay sining o larangan na nakatuon sa pagpaplano at


pagsasaayos para sa isang pagtatanghal. Ang mga sumusunod ay ang mga
terminong ginagamit sa teatro:
Act- ito ay mga malalaking pagkakahati sa dula.
Apron- ito ang pangalang binigay sa bahagi ng entablado.
ASM- Assistant Stage Manager
Backstage- ito ay pinatutungkalan sa likod ng enatblado kung saan
hindi nakikita ng mga manunuod ang mgaaktor ng dula.
Blocking- ito ay proseso ng pagsasaayos ng mga galaw ng mga artista
sa ibabaw ng entablado.
Blackout- ito ang sandal ng pagtatanghal na patay lahat ng ilaw sa
entablado.
Blacks-ito ang terminong ginagamit sa damit ng mga crew habang
nagtatanghal.
Call- terminong ginagamit upang gtawagin ang lahat ng actor sa
tanghalan.
Casting- ito ay proseso ng pagpili ng mga artista para sa isang dula.
Company- ito ay pinatutungkol sa lahat na may kinalaman sa dula
mula sa “ crew” ang iba pang tao na may ginagampanan sa pagtatanghal.
Curtain call- ito ay paglabas ng mga actor at magbigay ng bow sa
entablado.
Cue- terminong ginagamit ng Stage Manager, ito ay isang direktiba o
utos.

Dress Rehearsal- isang buong pagtatanghal ng dula. Ginagawa ito bago ang
patatanghal
Run- buong haba ng pagtatanghal ng isang partikular na produksiyon.
Technical rehearsal- natatanging pag-eensayo na naka-focus sa ilaw,
set. Sound at music na gagamitin sa pagtatanghal.
Wings- isang espasyo sa gilid ng entablado kung saan naghihintay
ang actor upang paghandaan ang kanyang pagpasok sa entablado.
Ang musika ay sining na bibubuo ng mga element ng ritmo, melodiya,
timbre, at harmoniya. Ang musika ay binubo ng anim na element, ito ay ang
mga sumusunod:
Pitch- ito ay ang mababa at mataas na tono na sumasabay sa
harmoniya at melodiya.
Timbre- ay ang kalidad ng tunog.
Daynamik- ay ang paglakas at paghina o pagbaba ng himig.
Melodiya- kombinasyon ng mga ritmo at tono.
Ritmo- naglalarawan sa tiyempo o kumpas ng musika.
Tekstura- monophonomic (isang boses o linya)
- Polyphonic- dalawa o maraming boses.
Mga Uri ng Musika
Pinoy Pop-pinaghalong musikang pangmasa, sayaw, ballad, broadway,
jazz at rap na unang narinig sa cabaret o dance halls.
Halimbawa:
Sarong Banggi, Bahay Kubo
Klasikal- ito ay tinutugtog ng grupo ng mga tao na may iba’t ibang
instrument tulad ng violin, cello, drum, flute, at marami pang iba.
Jazz- binubuo ito ng gitara, bass guitar, drumkit, trumpeta, at
bokalista.
Pop- inihahalintulad sa rock music. Binubuo ng electric guitar, bass
guitar, drumkit, at bokalista.
Pinoy Rock- ang kantang Ang Himig Natin ng Bandila ni Juan de la
cruz noong 1970 ang nagging hudyat at simulain ng pinoy rock sa
bansa.
Tunog Manila- mga kantang pinoy na pinaghalong Tagalog at Ingles.
(hal. Ikaw ang Miss Universe ng Buhay Ko ng bandang Hotdog)
Ang musika ay bahagi na ng pang-araw-araw nating
pamumuhay. Mahalaga ang musika dahil ito ay nakapagpapaganda
ng mood,nagbabalik ng mga alaala, napagkakaisa ang mga tao, at
nakakatulong din para sa paglinang ng magagandang katangian.
Ang sayaw ay sining na nagsisilbing panggagaya at ekspresyon ng
mga kilos o galaw na namamasid sa kalikasan. Ang sayaw ay
pangkalahatang tumutukoy sa lahat ng galaw ng tao na ginagamit
bilang isang anyo ng pagpapahayag ng saloobin o tinatanghal sa isang
tagpuang panlipunan, espirituwal, at pangganap.
Elemento ng Sayaw
Koryograpiya- ay ang sining ng pagdidisenyo ng mga sekuwensiya
ng galaw na kung saan ang mga mosyon o kilos, anyo o hugis o
hubog, o lahat ng mga ito ay tinutukoy o tinitiyak.
Kasuotan- istilo ng pananamit na ginagamit ng mga mananayaw.
Mananayaw-isang tao na nagsasagawa ng sabay-sabay na pagkilos,
karaniwang nagtatrabaho sa kontrata o para sa partikular na mga
pagtatanghal o produksyon.
Dekorasyon- ito ay tumutukoy sa mga props, disenyo na gagamitin sa
pagtatanghal.
Galaw- ito ay kilos ng mananayaw na bumubuo ng isang malikhain
kilos na paraan ng pakikipag-usap sa mga tagapakinig.

Musika- ginagamit para bigyang pansin ang mood at plano sa


pagtatanghal.

Teknik- estratehiya sa paraan ng pagkontrol ng mga kalamnan


sa paggalaw ng katawan.

Tema- pangunahing nilalaman ng sayaw. Ito ay nagpapakita


kung aano ang nais ipahayag ng sayaw.

Pagyamanin

Pagsasanay 1: Matapos mong mapag-aralan ang kahulugan at mga


elemento ng pagpipinta bilang anyo ng sining at disenyo kaya mo na bang
masagutan ang inihanda kong pagsubok para sayo? Tukuyin kung ano ang
hinihingi ng bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
__________1. Ito ay sining ng paglalagay ng pigmento na kinapapalooban ng
mga kulay at porma gamit ang pinsel.
__________2. Siya ang Pilipinong pintor na nagpinta ng “ The Death of
Cleopatra”.
__________3. Elemento ng pagpinta na lumilikha ng ilusyon sa mata ang
paggamit nito.
__________4.Elemento ng pagpinta na tumutukoy sa ugnayan ng
kapusyawan at katingkaran sa iba’t ibang antas ng pag-iiba o contrast.
__________5. Tumutukoy sa mahalagang elemento ng paglulugar ng iba’t
ibang bagay sa komposisyon.
__________6. Elemento na kailangang pagsama-samahin upang mapalitaw
ang mga imahe at presentasyon upang lumikha ng impresyon at kahulugan.
__________7. Nagtatanghal ng iba’t ibang dimensiyon ng payak, pabago-bago,
at sumusulong na damdamin sa pagtitimpla ng mga kulay.
__________8. Ang pagiging patayo, pahilis, at pahalang ng elementong ito ay
maaaring magpahayag ng tensiyon sa paksa.
__________9. Bansa na unang nagsimula ang pagpinta.
__________10. Sila ang nagpakilala ng pagpinta sa bansang Pilipinas.

Pagsasanay 2. Punan ang patlang ng tamang sagot. Piliin ang sagot sa


kahon na nasa ibaba.
Galaw pagpinta pagkakapantay-pantay

Matapang paglulugar kapusyawaan pinta

Maliwanag ilusyon katingkaran

Ang 1.__________ ay ang kasanayan ng pagpapahid ng pintura,


pigmento, kulay o iba pang gamit pangguhit sa isang pang-ibabaw. Ang
produkto na pagpipinta ay tinatawag na 2.__________. Ito ay may anim na
elemento: Una, ay ang linya na kung saan ang patayo, pahilis at pahalang
ay nagpapahayag ng 3.__________at tensiyon. Pangalawa, ay ang kulay na
kung saan ang matitingkad na kulay ay nagpapamalas ng 4.__________ at
5.__________. Pangatlo, ay ang hugis na kung saan ang parisukat ay
nagpapakita ng 6__________. Pang-apat, ay ang espasyo na tumutukoy sa
mahalagang elemento ng 7.__________ng iba’t ibang bagay sa komposisyon.
Panglima, ay ang tekstura na lumilikha ng 8.__________sa mata ang
paggamit nito sa isang likhang sining. At ang panghuli ay ang value na
tumutukoy sa __________at __________sa iba’t ibang antas ng pag-iiba o
kontrast.
Pagsasanay 3: Pagtapat-tapatin. Hanapin sa hanay B ang isinasaad nang
nasa hanay A.

Hanay A Hanay B

1. Katatagan a. pabawas ang proseso


2. Kagandahan b. padagdag na proseso
3. Durabilidad c. pira-pirasong ipinapako, iniisteypol
4. Pag-ukit d. Itinuturing na kumplikadong proseso
5. Modeling e. kalidad na mapanindigan ang tensyon
at kaayusan
6. Kasting f. katigasan ng tekstura
7. Fabrikasyon g. aspekto ng panlabas tulad ng kulay at
kakinisan nito.
8. Freestanding h. karaniwang tinatawag na istatwa
9. Relief i. karaniwang yari sa pira-pirasong metal,
kahoy, salamin, atbp.
10. Kinetik j. inuukit sa ibabaw ng plena.

Pagsasanay 4. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita:


1. Poste at biga ____________________________________________________.
2. Arko _____________________________________________________________.
3. Kantilever _______________________________________________________.
4. Tras _____________________________________________________________.
5. Konstruksyong Paiskeleton _______________________________________.

Pagsasanay 5: Tinutukoy sa bawat aytem sa ibaba ang mga terminong


ginagamit sa teatro. Hanapin at bilugan sa crossword puzzle ang iyong sagot.
Matapos mahanap ang sagot, isulat ito sa patlang bago ang bilang.

T E A M C B D L E

A S M F N L L G W

C P H U I A J K I

T L R M C C U E N

N B L O C K I N G

O P Q R N S T U S

B A C K S T A G E
__________1. Ito ay mga malalaking pagkakahati sa dula.
__________2. Pangalang binigay sa bahagi ng entablado.
__________3. Akronim ng “Assitant Stage Manager”
__________4. Likod ng entablado na kung saan hindi makikita ng manunuod
ang mga actor ng dula.
__________5. Ginagamit sa damit ng mga crew habang nagtatanghal.
__________6. Terminong ginagamit upang tawagin ang lahat ng aktor sa
tanghalan.
__________7. Ginagamit ng stage manager, ito ay direktiba o utos.
__________8. Buong haba ng pagtatanghal ng isang partikular na
produksiyon.
__________9. Isang espasyo sa gilid ng entablado kung saan naghihintay ang
aktor upang paghandaan ang kanyang pagpasok sa entablado.
__________10. Proseso ng pagsasaayos ng mga galaw ng mga artista sa
ibabaw ng entablado.
Pagsasanay 6. Tukuyin kung ang mga sumusunod na pangungusap ay
naayon sa teatro, musika o kaya sayaw. Ilagay ang malaking titik na T kung
teatro, M kung musika at S kung ito ay tumutukoy sa sayaw.
__________1. Nakatuon sa pagpaplano at pagsasaayos para sa isang
pagtatanghal.
__________2. Ritmo, melodiya , timbre, at harmoniya
__________3. Apron, ASM, call , at blacks
__________4. Koryograpiya, kasuotan, mananayaw at dekorasyon.
__________5. Nagsisilbing panggagaya at ekspresyon ng mga kilos.
_________6. Pop, pinoy rock, at tunog manila.
_________7. Nagpapaganda ng ating mood.
_________8. Pagtatanghal ng isang dula,sayaw,puppet show, atbp.
_________9. Ito ay bahagi na ng pang-araw-araw na pamumuhay.
_________10. Nagbabalik ng mga alaala.
Isaisip

A. Buuin ang concept cluster sa ibaba sa pamamagitan ng paglikha ng mga


salita o pariralang maiuugnay sa salitang pagpinta.

Pagpinta

B. Buuin ang Venn diagram sa ibaba upang maipakita ang pagkakatulad at


pagkakaiba ng eskultura at arkitektura na mga anyo ng sining at disenyo.

Eskultura Arkitektura

Paggkakatulad

C. Sa pamamagitan ng salita o parirala, ibigay ang mahahalagang katangian


ng mga sumusunod na anyo ng sining.
Anyo ng Sining Katangian

a.
1. Teatro b.
c.

a.
2. Musika b.
c.

a.
3. Sayaw b.
c.

Isagawa

A. Panuto: Bumuo ng sariling desinyo ng bandila na nais mong kumatawan


bilang simbolo ng kabataang Pilipino sa kasalukuyang panahon. Ilapat ang
mga batayang element ng sining at desinyong napag-aralan at magbigay ng
tatlo hanggang limang pangungusap na paliwanag ukol sa ginawang
paglalapat at pangkalahatang kahulugan nito.

Paliwanag:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
B. Panuto: Tukuyin at ilarawan ang sumusunod na esklutura at arkitektura
na matatagpuan sa Lungsod ng Heneral Santos. Gawin ito sa loob lamang
ng 4 hanggang 5 pangungusap.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

C. Panuto: Bigyang kahulugan ang bawat letra ng salitang “ TEATRO” at


“SAYAW” sa pamamagitan ng tugma.
1. T -

E -

A -

T -

R -

O -
2. S -

A -

Y -

A -

W -
B. Panuto: Bumuo ng komposisyon sa isa sa mga uri ng musika na angkop
sa iyong interest. Ang paksa ay ukol sa kahalagahan ng musika sa isang tao.
Buuin lamang ito ng apat na saknong na may apat na taludtod. Maaaring
gumamit ng may tugma o kaya’y malayang taludturan.

_______________
Pamagat

___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________

Binabati kita sa iyong kahusayan sa pagsunod sa mga panuto sa


lahat ng gawain. Upang lubos mong maunawaan ang ating aralin ay sagutin
mo ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng iyong sagot sa
sagutang papel.

I. Panuto: Tukuyin kung ano ang hinihingi ng bawat bilang. Isulat sa iyong
sagutang papel ang titik o wastong sagot sa bawat bilang.
1. Ito ay sining ng paglalagay ng pigmento na kinapapalooban ng mga kulay
at porma gamit ang pinsel

Tayahin

a. pagpinta b. eskultura c. arkitektura


2. Sining sa pagkuha ng larawan at pagtitimpla ng mga imahen gamit ang
angkop na ilaw at anggulo.
a. teatro b. musika c. potograpiya
3. Sining o larangan na nakatuon sa pagpaplano at pagsasaayos para sa
isnag pagtatanghal.
a. teatro b. sayaw c. musika
4. Sining na binubuo ng mga elemento ng ritmo, melodiya, timbre, at
harmoniya.
a. sayaw b. musika c. potograpiya
5. Sining na nagsisilbing panggagaya at ekspresyon ng mga kilos o galaw na
namamasid sa kalikasan.
a. arkitektura b. sayaw c. eskultura
6. Sining ng pag-uukit at pagpoprma ng mga bato, metal, at iba pang
makabagong material gaya ng kasangkapang elektroniko.
a. arkitektura b. eskultura c. potograpiya
7. Sining na sinusukat batay sa katatagan, kagandahan, at tibay ng
itinatagong gusali o ano pa mang estruktura.
a. eskultura b. teatro c. arkitektura
8. Siya ang pilipinong pintor na nagpinta ng “ The Death of Cleopatra” na
nanalo ng silver medal sa National Exposition of Fine Arts (1881)
a. Juan Luna b. Andres Bonifacio c. Maximo Viola
9. Dimensyon ng iskultura na gumagalaw dahil maaaring nakabitin ang
mga ito, karaniwang yari sa pira-pirasong metal, kahoy, salamin o plastic
na suspendido sa alambre o hibla.
a. freestanding b. relief c. kinetic
10. Dimensyon ng iskultura na karaniwang tinatawag na istatwa?
a. freestanding b. relief c. kinetic
II. Panuto: Isulat sa patlang kung Tama o Mali ang pahayag
_____11. Ang teatro o tanghalan ay isang istruktura kung saan ipinapalabas
ang mga pagtatanghal ng drama, trahedya, komedya, sayaw, musika at mga
panoorin.
_____12. Ang musika ay bahagi na ng araw-araw na pamumuhay natin.
_____13. Ang sayaw ay isang uri ng sining na mas kilala bilang tugtugin o
tunog.
_____14. Ang kantang bahay-kubo ay isang uri ng musika na pinoy pop.
_____15. Ang timbre ay ang mababa at mataas na tono na sumasabay sa
harmoniya at molodiya.

Karagdagang Gawain

Dahil nagawa mo ang lahat ng mga gawain at lubusan mong


naunawaan ang ating aralin ay bibigyan kita ng karagdagang gawain na
magdaragdag ng iyong kaalaman sa iba pang anyo ng sining at disenyo.

A. Panuto: Lumikha ng awitin, alinsunod sa himig ng “Leron-leron Sinta”


na nagsasaad ng kabuuang natutunan mo sa eskultura at arkitektura.

B. Panuto: Bigyan ng sariling interpretasyon ang sinabi ni Shakespeare


na “ Ang mundo ay isang teatro” Bumuo ng 5-8 na pangungusap para
sa pagpapaliwanag.
Literatura, Sayaw at Musika, atbp…) National Bookstore
Arogante, Jose (2002). Pagpapahalagang Sining sa Filipino (Pinta at
disenyo) REX Bookstore, Manila
Garcia, F. A at Geronimo, J. V (2016). Filipino sa Piling Larangan (Sining at
Sanggunian
Tayahin Pagyamanin Subukin
I. A. C. E. I.
1.pagpinta 1. E 1. T
1. B 2. Juan Luna 2. G 2. M 1. B
2. B 3. Tekstura 3. F 3. T 2. B
3. B 4. Value 4. A 4. S 3. B
4. A 5. Espasyo 5. B 5. S 4. A
5. A 6. Hugis 6. D 6. M 5. A
6. A 7. Kulay 7. C 7. M 6. A
7. C 8. Linya 8. H 8. T 7. C
8. A 9. Pransya 9. J 9. M 8. A
9. C 10. Espanyol 10. I 10.M 9. C
10.A B. D. 10.A
II. 1. pagpinta 1. ACT II.
2. pinta 2. Apron
1. TAMA 3. galaw 3. ASM 1. TAMA
2. TAMA 4. matapang, at 4. Backstage 2. TAMA
3. MALI 5. maliwanag 5. Blacks 3. MALI
4. TAMA 6. pagkakapantay- 6. Call 4. TAMA
5. MALI Pantay 7. Cue 5. MALI
7. paglulugar 8. Run
8. ilusyon 9. Wings
9. kapusyawan, at 10. Blocking
10. katingkaran
Susi sa Pagwawasto
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may
pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa
bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most
Essential Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat
mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong
panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming
hinihimok ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like