You are on page 1of 12

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikapitong Baitang

Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Ikaw at Ako: May Misyon Tayo!


Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Marilyn B. Baldueza
Editor: Vivien Fajilagutan-Vinluan
Tagasuri: Perlita M. Ignacio,RGC, PhD., Josephine Z. Macawile
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division
Manuel A. Laguerta EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao 7
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 4
Ikaw at Ako: May Misyon Tayo
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao ng
Modyul para sa araling Ikaw at Ako: May Misyon Tayo!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul ukol sa Ikaw


at Ako: May Misyon Tayo!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Naaayon ang mga ginagawang personal na pahayag ng misyon sa buhay na may


pagsasaalang-alang sa tama.

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito ikaw ay inaasahan na:

A. Nauunawaan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng misyon sa buhay ang tao;

B. Naipahahayag ang laman ng puso sa tunay na nararamdaman sa personal na


misyon sa buhay; at

C. Naisasagawa ang mga tala ng personal na misyon sa buhay.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pagsubok sa ibaba. Piliin at bilugan
ang letra ng pinakaangkop na sagot sa bawat patlang sa pangungusap.

1. “Upang magtagumpay, kailangan munang maniwala tayo sa ating __________.


A. kaibigan C. magulang
B. kapatid D. sarili
2. Lahat tayo ay may __________ sa buhay na dapat gampanan.
A. hilig C. misyon
B. katayuan D. pangarap
3. Ang kahalagahan ng misyon ang magdadala tungo sa ating __________.
A. kaganapan C. kahalagahan
B. kahusayan D. kapayapaan
4. Ang may __________ ay magandang sandata para makamit ang misyon sa buhay.
A. kabutihan C. pangarap
B. kahandaan D. paniniwala
5. “Depende sa kalidad ng __________ mo ang kalalabasan ng ginagawa mo”.
A. gawain C. kilos
B. isip D. ugali
BALIK-ARAL
Sa nakaraang Modyul, natutuhan na ang pagkakaroon ng mabuting
pagpapasya sa buhay ay makakatulong upang tayo ay maging masaya sa ating
buhay. Ang buhay natin ay may panahon na kung saan hindi na maibabalik ang
nakaraan. Kaya mabuti na tayo ay dumadaan sa proseso ng paggawa ng mabuting
pagpapasya.
Sa bawat pagpili natin ng ating gagawin, mas mabuti na ito ay ang laman
ng ating puso.
Suriin mo ang laman ng iyong puso ngayon. Isulat sa loob ng puso ang
mga nais mong gawin o mga taong nasa loob nito.

Malinaw ba sa iyo ang mga nais mong gawin? At natukoy mo ba ang


mga taong mahalaga sa iyong buhay?

ARALIN

MISYON SA BUHAY, SA PAGGAWA NAKASALALAY

Ang bawat tao ay isinilang na may papel sa


buhay. Ang mabuhay sa mundo ay hindi natin
masasabing, “No Choice” lang. Lahat ng bagay
na narito ay may dahilan. Ang pinakamahalagang
dahilan ay kung bakit ka nandito.

Ang MISYON ay ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa


kaniya tungo sa kaganapan. Para sa iba, ito ay pagtupad sa isang trabaho o
tungkulin nang buong husay, na may kasamang kasipagan at pagpupunyagi.

At tandaan, na sa bawat misyon, dapat


ay may kahandaan.
Tulad din ng mga nakikita natin araw-araw sa mga taong nasa daan.
Ilan sa kanila ay alam natin ang kanilang destinasyon dahil nakikita natin ang
kanilang kahandaan sa pamamagitan ng kanilang kagamitan at kasuotan na
naaayon sa kanilang mga patutunguhan.

Gawain: Ang aking dadalhin sa pagtawid upang maganap ang aking misyon sa
buhay.

Panuto: Sa iyong paglalakbay tungo sa iyong nais marating, ilagay sa bawat kahon
ng iyong dadaanan ang mga dapat mong taglayin sa nais mong marating.

Tulad ng ating gawain, alam natin ang ating nais patunguhan at makamit
sa buhay, kaya nararapat lamang na ito ay ating pinaghahandaan. At dahil ito ay
napaghandaan, alam natin na ito ay makakamit natin sa pamamaraan na ating
kakayanin. Sapagakat alam natin na maraming pagsubok ang ating pagdadaanan,
ngunit kung ito ay ating pinaghandaan, ito ay ating malalagpasan. Halimbawa,
nangyari na ba na pumasok ka sa paaralan na walang dalang panulat? Ano kaya
ang reaksiyon na makukuha mo mula sa iyong mga guro o kamag-aral? Ang
pagganap ng mga misyon natin sa buhay ay hindi nakikita ang mga balakid na
kakaharapin, at upang ito ay ating makamit, kailangan sa lahat ng oras tayo ay
laging handa.

MGA PAGSASANAY
Gawain 1

Panuto: Batay sa grapiko sa ibaba, kung ikaw ang tatanungin, alam mo na ba ang
direksiyong iyong tinatahak sa buhay? Saan ka patutungo at ano ang iyong misyon
sa piniling puntahan?
ITO ANG LANDAS O DIREKSYON NA NAIS KONG PUNTAHAN

ITO ANG AKING PAGSISIKAPANG GAWIN

GAWAIN 2

Panuto: Sumulat ng mga dahilan kung paano nabuo ang iyong misyon sa buhay
na piniling tahakin.
Halimbawa: Nagsimula kong nais maging isang nurse nang magkasakit ang aking
lola, gusto ko makapag-alaga ng maysakit at nakita kong kailangan ng aglilingkod
sa mga mahihirap.

GAWAIN 3
Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang nilalaman ng iyong puso sa misyon at
kahandaan upang makamit ito.

Ang aking misyon Dahilan ng pagbuo ng Ang aking paghahanda


sa… aking misyon ay…

SARILI

PAMILYA

SA BANSA
PAGLALAHAT

Ang pagkakarooon ng misyon sa buhay ay tulad din ng pagkakaroon natin


ng pangarap sa buhay. Ito ang nagsisilbing inspirasyon at hamon upang sa araw-
araw ay magawa natin ang mga dapat nating gawin upang makamit ito. Ito din ang
magsisilbing salamin kung nagawa ba natin ang dahilan kung bakit tayo nilikha dito
sa mundo.

Ano ang nais mong sabihin sa iyong sarili at paano mo palalakasin ang iyong
loob upang malagpasan mo ang anumang pagsubok na iyong kakaharapin sa pag-
abot ng iyong mga minimithi sa buhay.

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Mag-isip ng uri ng mag-aaral na nais mong ilarawan sa iyong sarili ngayong
taon at ano ang iyong nais makamit.
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Isulat ang TAMA sa patlang kung ikaw ay sumasang-ayon at MALI naman
kung ikaw ay hindi sumasang-ayon sa bawat pahayag sa ibaba.

_____1. Lahat ng tao ay may nakatakdang misyon sa buhay.


_____2. May mararating ang tao kahit walang plano sa buhay.

_____3. Ang mag-aaral ay inaasahan ng guro na handa sa kanyang mga kagamitan.

_____4. Alam ng tao ang kakaharapin na balakid ng bawat misyon sa buhay.

_____5. Ang misyon sa buhay ay sarili lamang ang isinasaalang-alang.

_____6. Kabilang sa misyon sa buhay ang paglilingkod sa kapwa.

_____7. Isang sa aking mga misyon sa buhay ay ang makapagtapos ng pag-aaral.

_____8. Kapag ako ay nabigo, tumitigil na akong makamit ang aking layunin.

_____9. Ang lahat ng ating nais makamit ay dumaan sa proseso ng pagpapasiya.

_____10.Maaaring magbago o mapalitan ang personal na misyon sa buhay.


10. TAMA 9. TAMA 8. MALI 6. TAMA 7. TAMA
5. MALI 4. MALI 3. TAMA 1. TAMA 2. MALI
Panapos na Pagsusulit

Ang sagot ng mag-aaral ay nararapat na nakabatay sa konsepto ng aralin.


Pagpapahalaga

Ang sagot ng mag-aaral ay nararapat na nakabatay sa konsepto ng aralin.


Paglalahat

Ang sagot ng mag-aaral ay nararapat na nakabatay sa konsepto ng aralin.


Mga Pagsasanay

Ang pagbibigay ng mga pinahahalagahan sa buhay.


Balik-Aral

5. A 4. B 3. A 1. D 2. C
Paunang Pagtataya

SUSI SA PAGWAWASTO

SANGGUNIAN
Clipart Library. (n.d.). College Directions Cliparts. Retrieved from http://clipart-
library.com/clipart/1985930.htm
Jing.fm. (n.d.). Crying Clipart Black and White – Baby Crying Coloring Page.
Retrieved from https://www.jing.fm/iclipt/bmmTTx/
NetClipart. (n.d.). Walk Png Picture. Retrieved from
https://www.netclipart.com/isee/hToThh_walk-png-picture-walk-png/
Teachers Pay Teachers. (n.d.). Classroom and Personal Mission Statements.
Retrieved from https://www.teacherspayteachers.com/Product/
Classroom-and-Personal-Mission-Statements-3326495

You might also like