You are on page 1of 8

7

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
IKATLONG MARKAHAN
Ikatlong Linggo

1
7
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
Ikatlong Markahan
IKATLONG LINGGO

Edukasyon sa Pagpapakatao – Baitang 7


Modified Activity Sheet
2
Ikatlong Markahan – IKATLONG LINGGO
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghahanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtatakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, ngalan ng produkto o brand names,
tatak o trademarks atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-
ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang
karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim:
Assistant Secretary:
Bumuo sa Pagsusulat ng Gawaing Pangkatuto
Manunulat: Deo C. Ilagan
Nolene Viv A. Inting
Editor: Loida S. Pigon,EdD
Tagasuri: Irnanie A. Enrico, Loida S. Pigon,EdD
Grace V. Viñas
Precious Zyhra B. Caringal
Tagaguhit: Khristine S. Lacsamana
Tagalapat: Khristine S. Lacsamana
Tagapamahala: Susana M. Bautista
Rafael G. Manalo
Charity R. Agabas-Capunitan
Elmer P. Concepcion
Loida S. Pigon,EdD

Department of Education – Dibisyon ng Oriental Mindoro


Office Address: Sta. Isabel, Calapan City

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao para sa
araling kinalalagyan ng mga Bayan sa Oriental Mindoro

Ang kagamitang pampagkatuto na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri


ng mga edukador mula sa pampublikong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pang ika-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito
sa pinakakatawan ng Kagamitang Pampagkatuto:

Mga Tala para sa Guro


Sa kagamitang pampagkatuto na ito ay inaasahang masasagot ang
mahalagang tanong na: Paano makakamit at mapananatili ang kabutihang
panlahat? Bakit mahalagang makamit at mapanatili ito?
Nakahanda ka na bang lalong maunawaan kung paano makakamit ng
lipunan ang kabutihang panlahat? Nakahanda ka na bang malaman kung ano
ang bahaging iyong nararapat na gampanan? Simulan na natin, ngayon na!

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang kagamitang pampagkatuto na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang
kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin
at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Aralin
HIRARKIYA NG PAGPAPAHALAGA
1

MELC:
EsP7PB-IIIc10.1 Natutukoy ang iba’t ibang antas ng pagpapahalaga at ang mga
halimbawa ng mga
EsP7PB-IIIc10.2 Nakagagawa ng hagdan ng sariling pagpapahalaga batay sa
Hirarkiya ng mga Pagpapahalaga ni Max Scheler
Susing Konsepto

Ang pagpapahalaga (values) ay nagmula sa salitang Latin na valore na


nangangahulugang pagiging matatag at pagkakaroon ng saysay o kabuluhan. Mula
sa kahulugang ito, maaari nating masabi na kailangang maging matatag tayo sa
pagbibigay-halaga sa anumang bagay na may saysay o kabuluhan sa atin. Ayon
naman sa sikolohista, ang pagpapahalaga ay anumang bagay na kaibig-ibig,
kaakit-akit, kapuri-puri, kahanga-hanga at nagbibigay ng inspirasyon, magaan at
kasiya-siya sa pakiramdam, at kapaki-pakinabang. Ito rin ay naghihikayat at
gumagabay para pumili at gawin ang tiyak na layunin para sa ikauunlad at ikabubuti
ng indibidwal. Ayon naman sa tradisyon, ito ay tumutukoy sa saligan o batayan ng
kilos o gawa at sa ubod ng paniniwala.

Ayon kay Max Scheler (Dy M., 1994), ang pagpapahalaga ay obheto ng
ating intensyonal na damdamin. Mauunawaa natin ang pagpapahalaga sa
pamamagitan ng pagdama nito. Ang pagpapahalaga ay hindi iniisip, ito ay
dinaramdam. Hindi ito obheto ng isip kundi obheto ng puso.

Ang pagpapahalaga ay may iba’t-ibang katangian:

1. Immutable at objective, ibig sabihin hindi nagbabago ang mga


pagpapahalaga.
2. Ang pagpapahalaga ay sumasaibayo (transcends) sa isa o maraming
indibidwal, ito ay maaring para sa lahat o para sa sarili lamang.
3. Ito ay nagbibigay ng direksyon sa buhay ng tao, na kung saan ay
nahuhubog at nagkakaroon ng direksiyon tungo sa pag-abot ng kaniyang

5
Pangarap.

4. pagpapahalaga. Ito ay lumilikha ng kung anong nararapat (ought-to-be)


at kung ano ang dapat gawin (ought-to-do) na kung saan ang
pagpapahalaga ang pundasyon ng mga obligasyon, paniniwala, mithiin, at
saloobin.

May dalawang uri ng pagpapahalaga:

1. Mga ganap na Pagpapahalagang Moral (Absolute Moral Value) at

2. Pagpapahalagang Kultural na Panggawi (Cultural Behavioral Value).

Ayon kay Max Scheler, ang Pagpapahalaga ay may Hirarkiya. Ang


pinakamababang antas ay ang Pandamdam na Pagpapahalaga (Sensory
Values) na tumutukoy sa mga pagpapahalagang nagduudulot ng kasiyahan sa
pandamdam ng tao. Tulad ng pagkain, tubig, damit, tirahan at iba pang teknikal na
mga pagpapahalaga. Ang sunod na antas ay ang Pambuhay na Pagpapahalaga
(Vital Values) na may kinalaman sa mabuting kalagayan ng buhay (well-being).
Gaya ng mahalaga sa tao ang makapagpahinga kung siya ay pagod dahil
makabubuti iyon sa kanyang pakiramdam. Sinusundan ito ng Espiritwal na
Pagpapahalaga (Spiritual Values) na tumutukoy sa mga pagpapahalagang para
sa kabutihan, hindi ng sarili kundi ng mas nakararami at ang pinakamataas na
pagpapahalaga ay ang Banal na Pagpapahalaga (Holy Values) na tumutukoy sa
mga pagpapahalagang kailangan sa pagkamit ng tao ng kaniyang kaganapan
upang maging handa sa pagharap sa Diyos.

Sa pagbuo ng pagkatao ng tao at sa pagkamit ng mas mataas na mga


pagpapahalaga, mahalagang malinaw sa iyo na nakasalalay ito sa pagkakaroon ng
sapat na kaalaman at kahandaan na pumili ng mabuti batay sa mga moral na
prinsipyo.

Gawain 1: PUNAN ANG TSART

6
Panuto: Mula sa tsart sa ibaba, isulat sa tapat ng bawat salita kung ito ay
naglalarawan ng ibat-ibang hirarkiya ng pagpapahalaga; Pandamdam, Pambuhay,
Espiritwal at Banal. Isulat ito sa sariling sagutang papel.

Mga Bagay na Mahalaga Mga Hirarkiya ng Pagpapahalaga ayon kay


Max Scheler
1. Buhay
2. Pera
3. Sasakyan
4. Pagkain
5. Edukasyon
6. Kaibigan
7. Kapayapaan
8. Pananampalataya
9. Gadgets
10. Social Media

Gawain 2: HAGDAN NG PAGPAPAHALAGA

Panuto: Mag-isip ng mga bagay na iyong pinahahalagahan batay sa Hirarkiya ng


Pagpapahalaga ayon kay Max Scheler. Magbigay ng tig-dadalawang halimbawa sa
bawat antas ng pagpapahalaga. Gumawa ng sariling hagdan at isulat ito sa sagutang
papel. Banal
Hal. Paggawa ng
mabuti
-
Espiritwal -
-
-
Pambuhay
-
-
Pandamdam
-
-

7
Mga Gabay na Tanong:

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong na binubuo ng limang


pangungusap. Isulat ang kasagutan sa sagutang papel.

1. Bakit mahalagang ibatay ang isasagawang pamimili ng pahahalagahan sa


Hirarkiya ng Pagpapahalaga?
2. Bakit kailangang piliin ang pagpapahalaga na nasa mas mataas na antas
kaysa sa pagpapahalaga na nasa mababang antas?

Susi sa Pagwawasto
Mga Bagay na Mahalaga Mga Hirarkiya ng Pagpapahalaga ayon
kay Max Scheler
1. Buhay Pambuhay
2. Pera Pandamdam
3. Sasakyan Pandamdam
4. Pagkain Pandamdam
5. Edukasyon Pambuhay
6. Kaibigan Pambuhay
7. Kapayapaan Espiritwal
8. Pananampalataya Banal
9. Gadgets Pandamdam
10. Social Media Pandamdam

Sanggunian:
Kto12 Edukasyon sa Pagpapakatao 7, Mga Modyul para sa Mag-aaral Modyul 10,
Pahina 209-227.

You might also like