You are on page 1of 1

PANAGINIP, PANTASYA at PANGARAP

Pangarap - kakaiba sa panaginip at pantasya.


Panaginip - nangyayari lamang sa iyong isipan habang ikaw ay natutulog.
Pantasya - likha ng malikhaing isip. Ito ay ang pagbuo ng mga sitwasyon o pangyayari ayon sa iyong kagustuhan.

* Ang tama ay ang mangarap at mag-ambisyon dahil ang pagtatamo ng mga ito ay nasa mga kamay mo. Ikaw
ang timon na nagdidikta ng iyong pupuntahan, ang kapitan ng iyong sariling buhay.

Ang taong may pangarap ay:


1. Handang kumilos upang maabot ito.
2. Nadarama ang higit na pagnanasa tungo sa pangarap.
3. Nadarama ang pangangailangang makuha ang mga pangarap.
4. Naniniwala na magiging totoo ang mga pangarap at kaya niyang gawing totoo ang mga ito.

Goal o Mithiin - ang tunguhin o pakay na iyong nais na marating o puntahan sa hinaharap.
-Ito ang magbibigay direksyon sa iyong buhay.
-Maging mapanagutan sa pagpili ng iyong mithiin.

Ang mga Pamantayan sa Pagtatakda ng Mithiin:


SMART A:
S-specific (Tiyak)
M-measurable (Nasusukat)
A-attainable (Naaabot)
R-relevant (Angkop)
T-time-bound (Mabigyan ng sapat na panahon)
A-action-oriented (May angkop na Kilos)

Ang Pangmadalian at Pangmatagalang Mithiin


Pangmadaliang mithiin (short-term goal) ay maaaring makamit sa loob ng isang araw, isang linggo, o
ilang buwan lamang.
Pangmatagalang mithiin (long-term goal) ay maaring makamit sa loob ng isang semestre, isang taon,
limang taon o sampung taon.

You might also like