You are on page 1of 35

7

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan, Linggo 1 at 2 -
Modyul 1: Mga Angkop
at Inaasahang Kakayahan at Kilos
sa Panahon ng Pagdadalaga/Pagbibinata

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


7
Edukasyon
sa Pagpapakatao
Unang Markahan, Linggo 1 at 2 -
Modyul 1: Mga Angkop
at Inaasahang Kakayahan at Kilos
sa Panahon ng Pagdadalaga/Pagbibinata

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga guro sa EsP Junior


High School sa Dibisyon ng Misamis Occidental. Hinihikayat namin ang mga guro
at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at
mungkahi sa deped_misocc@yahoo.com

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Edukasyon sa Pagpapakatao – Baitang 7
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan, Linggo 1 at 2 – Modyul 1: Mga Angkop at Inaasahang
Kakayahan at Kilos sa Panahon ng
Pagdadalaga / Pagbibinata
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Mga Bumuo ng Modyul
Mga Manunulat: Arturo B. Baluarte Jr., Ryan June B. Madora at Ronald H. Saycon
Mga Tagasuri: Quindie C. Ortega, Rochel J. Arsino, Ricardo A. Estrellada and Russel C.
Tamina
llustrador at Tagadisenyo: John Ronald S. Intension, Samuel D. Bugahod, Sunnyboy L. Ibarra

Mga Tagapamahala
Tagapangulo: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Pangalawang Tagapangulo: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Asst. Regional Director
Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent
Myra P. Mebato,PhD, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Mga Miyembro: Neil A. Improgo, EPS-LRMS
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief
Rey D. Tabil, EPS - EsP
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Edna Alona B. Duhaylungsod, EdD, Principal II/District In-charge
Mylene G. Labastilla, EdD, Principal II/District In-charge
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Misamis Occidental
Office Address: Osilao St., Poblacion I, Oroquieta City, Misamis Occidental
Contact Number: (088) 531-1872 / 0977 – 8062187
E-mail Address: deped_misocc@yahoo.com

I
Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul 1: Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan at Kilos sa
Panahon ng Pagdadalaga/Pagbibinata.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

II
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
reyalidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang
marka o sulat ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Isaalang-alang ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

III
IV
Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito ay nagsisimula sa pagpakikilala ng paksa at
pagpauunawa sa mga mag-aaral ng halaga ng pagkatuto mula rito. Sumunod nito
ang pagtataya ng kaalaman ng mag-aaral tungkol sa paksa batay sa anim (6) na
antas ng Bloom’s Taxonomy ng Layuning Kognitibo. Nakabatay sa nilalaman ng
babasahin sa Suriin ang mga paksa ng bahaging Subukin. Sinusundan ito ng pag-
uugnay ng pagkatuto mula sa nagdaang modyul at ng kasalukuyang modyul sa
bahaging Balikan.
Narito ang apat (4) na pangunahing bahagi ng modyul: Ang bahaging
Tuklasin ay tumataya sa mga dating kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa paksa
na nakabatay sa kanilang karanasan upang matukoy ng guro ang kanilang mga
maling kaalaman (misconceptions). Tinutugunan ng bahaging ito ang unang Pinaka-
Esensiyal na Kasanayang Pampagkatuto (PKP1), na nakatuon sa pagsukat ng
Kaalaman (Knowledge) sa Bloom’s Taxonomy.
Ang bahaging Linangin ay tumutulong sa mga mag-aaral sa pagsagot sa
Mahalagang Tanong (MT) at paghinuha ng Batayang Konsepto (BK) gamit ang mga
kaalaman ng mag-aaral na hango sa karanasan. Tinutugunan ng bahaging ito ang
ikalawang Pinaka-Esensiyal na Kasanayang Pampagkatuto (PKP2), na nakatuon sa
pagsukat ng Pag-unawa (Comprehension), Pagsusuri (Analysis) at Ebalwasyon
(Evaluation) sa Bloom’s Taxonomy.
Ang bahaging Suriin ay binuo ng isang babasahin na naglalaman ng mga
kaalaman at malalim na paliwanag sa paksa batay sa mga disiplina ng EsP– ang
Etika at Career Guidance na nakaankla sa expert system of knowledge. Tinutugunan
ng bahaging ito ang ikatlong Pinaka-Esensiyal na Kasanayang Pampagkatuto
(PKP3), na nakatuon sa pagsukat ng Pag-unawa (Comprehension), at Pagbubuod
(Synthesis) sa Bloom’s Taxonomy. Gabay ito ng mga mag-aaral sa pagsagot sa
dalawang Gawain sa Pagyamanin.

Ang bahaging Isagawa ay pagtataya ng mga kaalaman, kasanayan, at pag-


unawa ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paglalapat ng mga pagkatuto sa mga
sitwasiyon ng buhay. Tinutugunan nito ang ikaapat na Pinaka-Esensiyal na
Kasanayang Pampagkatuto (PKP4), na nakatuon sa pagsukat ng Paglalapat
(Application) at Paglikha (Creating) sa Bloom’s Taxonomy.

Mula kay: Luisita B. Peralta, “Power Point Presentation,” May 6, 2019, 49-57.

IV
Alamin …………………………………………………………….. 1

Subukin …………………………………………………………… 2

Balikan ……………………………………………………………. 5

Tuklasin …………………………………………………………... 6

Suriin ………………………………………………………………11

Pagyamanin ………………………………………………………16

Isaisip ……………………………………………………………...18

Isagawa …………………………………………………………... 19

Tayahin …………………………………………………………… 23

Susi sa Pagwawasto ……………………………………………. 26

Sanggunian ………………………………………………………. 26

V
Modyul MGA ANGKOP AT INAASAHANG

1 KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG


PAGDADALAGA/PAGBIBINATA

Alamin

Madalas mo bang tingnan ang sarili mo sa


salamin nitong mga nagdaang araw? Marahil
napapansin mo na ang malaki mong pagbabago mula
noong ikaw ay nasa mga unang taon mo sa
elementarya. Marami kang ginagawa noon na ayaw
mo nang gawin ngayon. At maging ang mga tao sa
iyong paligid ay napapansin mong nag-iiba na ng
kanilang paraan ng pakikitungo sa iyo.
Nalilito ka na ba? Minsan tinatawag kang bata,
minsan naman ay sinasabing dalaga o binata ka na. Nakalilito talaga. Ikaw ay
nasa yugto ng buhay mo na tinatawag na panahon ng unti-unting pagbabago
(transition period) o paglipat mula sa isang yugto ng buhay patungo sa
susunod. Ikaw ngayon ay tumatahak sa yugto ng pagdadalaga o pagbibinata
(adolescence). Upang lubos na makilala ang sarili, napakarami mong
kailangang maunawaan tungkol sa yugtong ito.
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na
kaalaman, kakayahan at pag-unawa

1.1. Natutukoy ang mga pagbabago sa kanyang sarili mula sa gulang na 8


o 9 hanggang sa kasalukuyan sa aspetong: EsP7PS - 1a - 1.1
a. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature
relations) sa mga kasing edad (Pakikipagkaibigan)
b. Pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan
c. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglapat ng tamang
pamamahala sa mga ito

1
d. Pagnanais at pagtatamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa/
sa lipunan
e. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya
1.2. Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa panahon
ng pagdadalaga/pagbibinata EsP7PS - 1a - 1.2

1.3. Naipaliliwanag na ang paglinang ng mga angkop na inaasahang


kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata ay nakatutulong sa:
a. Pagkakaroon ng tiwala sa sarili, at
b. paghahanda sa limang inaasahang kakayahan at kilos na nasa
mataas na antas (phase) ng pagdadalaga/pagbibinata (middle and late
adolescence): paghahanda sa paghahanapbuhay, paghahanda sa
pag-aasawa/pagpapamilya at pagkakaroon ng mga pagpapahalagang
gabay sa mabuting asal), at pagiging mabuti at mapanagutang tao
EsP7PS-Ib-1.3
1.4. Naisasagawa ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng limang
inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng
pagdadalaga / pagbibinata EsP7PS-Ib-1.4

Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 7, Modyul Para sa Mag-aaral (Pasig City:
Kagawaran ng Edukasyon, 2012), 1-2

Bago simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang sumusunod na


panimulang pagsubok.

Subukin

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat tanong at bilugan


ang titik ng pinakaangkop na sagot.

1. Ano ang yugto sa buhay ng tao kung saan inaasahan na mahuhubog niya
sa kaniyang sarili ang lima sa walong inaasahang kakayahan at kilos?
A. Pagkabata
B. Pagdadalaga o Pagbibinata
C. Maagang yugto ng pagtanda
D. Huling bahagi ng pagkabata

2
2. Bakit mahalaga na matukoy ng isang nagdadalaga/nagbibinata ang
kaniyang papel o gampanin sa lipunan?
A. Dahil umaasa ang lipunan sa kaniya
B. Dahil ito ang ginagawa ng mga nakatatanda
C. Dahil may pananagutan siya sa lipunang kaniyang kinabibilangan
D. Dahil kailangan niya ang lipunan sa pagtamo ng kaniyang pangarap

3. Napapansin ni Ade ang pagbabago sa kaniyang katawan. May marami


siyang tagihawat (pimples) at nahihiya siyang humarap sa mga tao nang
dahil dito. Ano ang nararapat niyang gawin?
A. Mag-isang maghanap ng solusyon nito
B. Magtanong-tanong sa mga kasing edad.
C. Baliwalain dahil bahagi lamang ito ng pagdadalaga
D. Sumangguni sa mga magulang, nakatatanda o taong mapagkatiwalaan

4. Alin sa sumusunod na kilos ang tumutukoy na nasa sa proseso ng


pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad
ang isang nagdadalaga/nagbibinata?
A. Karamay ang mga kaibigan sa mga suliranin
B. Naghahanap ng kalaro kaya nakikipagkaibigan
C. Ang laging kalaro ay ang kapareho ang kasarian lamang
D. Mas nakikipag-ugnayan sa kapuwa na katulad ng kasarian

5. Si Daisy ay nasa yugto ng maagang pagdadalaga. Sinabi niya sa iyo na


may nanliligaw sa kaniya at gusto niyang sagutin ito kahit ipinagbabawal
pa muna ng mga magulang niya ang pagkaroon niya ng kasintahan
(boyfriend). Ano ang ipapayo mo sa kaniya?
A. Hindi pa nararapat sa tinedyer na tulad niya ang magkaroon ng
seryosong relasyon.
B. Makatutulong sa kaniya ang pagkakaroon ng kasintahan agad upang
matutong humawak ng relasyon.
C. Tama lang na sagutin na niya dahil dapat alam na niya ang pagbuo ng
seryosong relasyon nang maaga.
D. Hindi sagutin, dahil hindi pa handa ang kaniyang isip at damdamin sa
paghawak ng seryosong relasyon.

3
6. Ngayong nasa Baitang 7 na si Ryan, may natutuklasan siyang pagbabago
sa kaniyang katawan. Ang sumusunod ay nararapat niyang gawin
maliban sa:
A. Gumawa ng mga gawaing bahay, tumulong sa pamayanan o sumali sa
sports sa paaralan.
B. Sumangguni sa mga magulang, guro, o taong may higit na kaalaman
sa yugto ng pagbibinata.
C. Siguraduhing mag-isa lamang siyang humanap ng mga sagot sa
problema dahil nakahihiya ito.
D. Kumain ng masustansiyang pagkain, pag-ehersisyo, pagtulog ng 8
oras, at pag-inom ng 10 basong tubig araw-araw.

7. Nagbibinata na si Joseph, marami sa mga kasing edad niyang lalaki sa


kanilang klase ang nagsusuot ng hikaw(earing) bilang pagpapahayag nila
ng pagkakakilanlan (identity). Bilang isang mapanagutang tinedyer, ano
ang marapat na una niyang gawin?
A. Isumbong sila sa guro nang maparusahan at hindi na umulit.
B. Unawain sila sa kanilang pagpapahayag ng sariling pagkakakilanlan.
C. Hindi magsuot ng hikaw kahit na na-eenganyong sumabay sa kanilang
ginagawa.
D. Sabihan sila na magpahayag ng sarili na hindi lumalabag sa mga
patakaran ng paaralan.
8. “Nakaaapekto nang malaki sa paghubog ng ating sarili ang mga
ugnayang mayroon tayo bilang tao.” Ano ang pinakamahalagang paala-
ala nito sa yugto ng pagdadalaga/pagbibinata?
A. Mahubog ang sarili kung marami ang kaibigan.
B. Gawin ang lahat na sinasabi ng iba upang mahubog ang sarili.
C. Ipagkatiwala sa mga nakauugnay na nakatatanda ang paghubog ng
sarili.
D. Mag-ingat sa pagpili ng mga kaibigan at sa mga impluwensiya nila sa
paghubog ng sarili.

4
9. Si Earl ay walang tiwala sa sarili kahit may talento siya. Hindi ito alam ng
kaniyang mga kaklase dahil hindi niya ito ginagamit sa paaralan. Ano ang
makatuwirang gawin ni Earl?
A. Isipin niya na mas magaling siya at hindi ang iba
B. Sabihin sa sarili na huwag magpatalo sa hindi pagtanggap ng iba sa
kaniyang talento.
C. Harapin niya ang mga hamon nang may tapang at hayaang
mangibabaw ang kaniyang kalakasan.
D. Humingi ng papuri sa kaniyang mga kaibigan at pamilya upang
magkaroon siya ng tiwala sa sarili.

10. Kadalasan hindi lubos na malagpasan ng isang nagdadalaga/nagbibinata


ang kaniyang kahinaan dahil may mga pangyayari sa buhay na hindi
maiiwasan. Ano ang mabisang pagharap sa katotohanang ito?
A. Dahil limitado ang tao, hindi matamo ang angkop na inaasahang
kakayahan at kilos.
B. Ang pagkakaroon ng angkop na inaasahang kakayahan at kilos ay
posible lamang sa mga matatanda.
C. Dapat mas lamang ang paghubog ng angkop na inaasahang
kakayahan at kilos kaysa sa mga kabaliktaran nito.
D. Sapat ng subukang taglayin ang angkop na inaasahang kakayahan at
kilos sa yugtong ng pagdadalaga/pagbibinata.

Mula kay: Maria Tita Y. Bontia, “MS Word,” June 23, 2018, 1.

Balikan

Noong nasa Baitang Ikaanim ka, naunawaan mo ang mga gawain na


nakatutulong sa pag-angat ng sariling dignidad, pagmamahal sa kapwa na
may mapanagutang pagkilos at pagpapasiya. Mahalagang pundasyon mo
ang pagkatutong ito sa patuloy mo na paghubog ng iyong sarili upang
magiging matagumpay ka sa iyong pagpapakatao at magkaroon ng tamang
pananaw at direksiyon sa buhay. Ngayong nasa Baitang Ikapito ka na ng

5
Junior High School, gagabayan ka ng unang modyul na ito sa pagkilala at
pamamahala sa mga pagbabago sa iyong sarili bilang isang nagdadalaga/
nagbibinata.

Sa modyul na ito, masasagot mo ang tanong na: Bakit kailangang


malinang ang mga angkop at inaasahang kakayahan at kilos sa panahon
ng pagdadalaga/pagbibinata?

Handa ka na bang simulan ang Unang Linggo ng iyong pag-aaral sa


Unang Markahan ng EsP Baitang 7? Inaasahan na matutuhan mo sa
Linggong ito ang mga Kasanayang Pampagkatuto 1.1 at 1.2 na nakikita mo
sa baba ng bahaging Alamin? Kaya tayo na!

Tuklasin

Gawain 1
Panuto: Nakita mo ba ang graphic organizer na nasa ibaba? Kopyahin ang
graphic organizer na ito sa iyong kwaderno at isulat sa loob ng mga
parisukat ang iyong mga sagot sa tanong na nasa ibaba.
1. Ano-ano sa palagay mo ang mga pagbabagong nagaganap o
napapansin mo sa iyong sarili?

Hal: Pagtangkad

Ang mga larawan ay iginuhit ni John Ronald S. Intension.

6
Gawain 2
Panuto:
1. Itala sa iyong kuwaderno sa EsP ang limang positibong pagbabagong
napapansin mo sa iyong sarili bilang nagdadalaga/nagbibinata sa kategorya
A hanggang E sa ibaba.
2. Gamitin mong pantulong ang mga larawan ng bawat Kategorya.
3. Gawin mong gabay ang halimbawa bago ang unang bilang ng bawat
kategorya.

A. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature


relations) sa mga kasing edad (Pakikipagkapwa)

Halimbawa: Ibinabahagi ang ilan kong problema sa aking malapit na mga


kaibigan at hinihingi ang kanilang opinyon.

1. _______________________________________________________
2. _______________________________________________________
3. _______________________________________________________
4. _______________________________________________________
5. _______________________________________________________

7
B. Pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan

Halimbawa: Pag-aaral nga mga aralin sa lahat ng asignatura sa


bahay ngayong may pandemya
1. ________________________________________________________
2. ________________________________________________________
3. ________________________________________________________
4. ________________________________________________________
5. _______________________________________________________
C. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang
pamamahala nito

Halimbawa: Pinapawisan ang aking kili-kili, kaya nilalagyan ko ng tawas.

1. ________________________________________________________
2. ________________________________________________________
3. ________________________________________________________
4. ________________________________________________________
5. ________________________________________________________

8
D. Pagnanais at pagtatamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa/sa
lipunan

Halimbawa: Hindi pagdaan sa gitna ng dalawang taong nag-uusap.


1. _________________________________________________________
2. _________________________________________________________
3. _________________________________________________________
4. _________________________________________________________
5. _________________________________________________________
E. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya

Halimbawa: Pagkunsulta sa mga magulang bago gumawa ng pasya


1. _________________________________________________________
2. _________________________________________________________
3. _________________________________________________________
4. _________________________________________________________
5. _________________________________________________________

Ang mga larawan sa Gawain 2 mula Kategorya sa A hanggang E ay iginuhit ni John Ronald S. Intension.

Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 7, Modyul Para sa Mag-aaral (Pasig City:
Kagawaran ng Edukasyon, 2012), 6-7.

9
Linangin
Gawain 3
Panuto:
1. Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga palatandaan sa iba’t
ibang aspekto ng isang tao na nasa yugto ng pagbibinata/pagdadalaga.
Maaaring ang iba nito ay naglalarawan sa iyong positibong pagbabago at
maaaring ang iba naman ay hindi mo dapat gawin.

 Nagiging mahusay sa debate at


pakikipagtalakayan
 Mas nakapagmememorya
 Nakapag-iisip ng lohikal tungkol sa mga konsepto
 Nasusundan at nasusuri ang paraan at nilalaman
ng sariling pag-iisip
 Nakagagawa ng mga pagpaplano sa kinabukasan
 Nahihilig sa pagbabasa
Pangkaisipan  Nararamdamang may halaga sa mundo

 Pagiging independente sa mga magulang at


dumadalang na makasama ang pamilya
 Ang tinedyer na lalaki ay karaniwang nag-
aalangang magpakita ng pagtingin o
pagmamahal.
 Karaniwang ayaw sa labis na paghihigpit ng mga
magulang
 Nagkakaroon ng maraming kaibigan
 Nababawasan ang pagiging malapit sa katulad na
kasarian.
Panlipunan  Ang mga babae ay higit na nagpapakita ng
interes sa katapat na kasarian.
 Madalas na hindi makasundo ang mga
nakababatang kapatid

 Madalas nag-aalala sa kaniyang pisikal na anyo,


marka sa klase, at pagbabago sa pangangatawan
 Panggagaya sa kilos at estilo ng mga
hinahangaan
 Madalas malalim ang iniisip
 Nagiging mapag-isa sa tahanan
Pandamdamin

10
 Alam kung ano ang tama at mali
 Pinag-isipang mabuti ang mga pasya sa buhay.
 Pantay ang pakikitungo sa kapwa.
 Madalas may pag-aalala sa kapakanan ng kapwa
 Hindi magsisinungaling

2. Balikan mo ang binasang mga palatandaan at sagutin ang mga tanong:


a. Alin dito ang naglalarawan sa iyong positibong pagbabago?
b. Alin naman ang hindi mo dapat gawin?
c. Bakit mahalaga na natatanggap mo ang mga pagbabagong nagaganap
sa iyong sarili sa panahon ng iyong pagdadalaga/pagbibinata?
3. Tandaan mo na ang lahat ng mga pagbabagong ito ay kailangan mo upang
makatawid sa susunod na yugto ng buhay- ang pagiging ganap na binata o
dalaga.
Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 7, Modyul Para sa Mag-aaral (Pasig City:
Kagawaran ng Edukasyon, 2012), 11-13.

Ngayon, handa ka na sa Ikalawang Linggo ng iyong pag-aaral para sa


mga Kasanayang Pampagkatuto 1.3 hanggang 1.4 na nakikita mo sa baba ng
bahaging Alamin. O, ano pang hinihintay mo? Simulan mo na!

Suriin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay. Pagkatapos, sagutin ang

mga tanong sa Pagyamanin.

Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng


Pagdadalaga/Pagbibinata

Development Tasks o Mga angkop at Inaasahang Kakayahan at Kilos

Ang Development Tasks o Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan at


Kilos ay lumilitaw sa bawat yugto ng buhay ng tao kung saan ang
matagumpay na paghubog at pagganap ng mga ito ay magdudulot ng
kaligayahan at ng tagumpay sa mga tungkulin sa yugtong ito at sa susunod

11
na yugto ng buhay, hanbang ang hindi paghubog at pagganap ng mga ito ay
magdudulot ng kalungkutan, pag-ayaw ng lipunan at ng hirap sa pagganap sa
mga tungkulin sa susunod na yugto ng buhay.

Walong angkop at inaasahang kakayahan at kilos ng isang nagdadalaga/


nagbibinata (adolescent)

Ayon kay Havighurst, inaasahang sa maagang yugto ng iyong


pagdadalaga/pagbibinata ay magampanan at mahubog mo sa iyong sarili ang
unang lima sa walong mga angkop at inaasahang kakayahan at kilos.

1. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad


(more mature relations). Ngayon, naghahanap ka ng mga taong
makakasama nang mas madalas sa mga gawain sa araw-araw at
makakasundo sa maraming bagay. Ang tawag rito ay mga kaibigan – sila
ang mga taong tumutulong sa iyo upang matanggap at mapabilang ka sa
isang pangkat na labas sa iyong pamilya.

 Alamin kung ano talaga ang iyong nais sa isang pakikipag-ugnayan sa


kasing-edad. Sa malinaw na uri ng pakipag-ugnayan sa kamag-
aral/kaibigan matukoy ang mga hakbang at limitasyon ng maayos na
pakikipag-ugnayan.
 Ayon kay Erik Erikson, ang pagkakakilanlan (Identity) ay maaaring
malaman ng nagdadalaga/nagbibinata sa mga pakikipag-ugnayang ito
sa kasing edad. Ang birtud na mahubog dahil dito ay ang katapatan
(fidelity).
 Ang kaibigan ang pinakamahalagang tao sa yugtong ito. Sa
kagustuhang mahanap ng isang kabataan ang sariling pagkakilanlan,
sinusubukan niya ang iba’t ibang papel na kung minsan ay nagdudulot
ng pagkalito at kung saan nahihirapan siyang magpasiya sa maraming
bagay.
 Hindi masama na kilalanin ang iyong pagkatao sa pamamagitan ng
pagsubok ng mga bagay-bagay na sa tingin mo ay magpapaunlad ng
iyong sarili. Ngunit kailangang isaalang-alang ang epekto at
pananagutan na nakapaloob dito. Dahil dito, binigyang-diin ni Erikson
na nararapat lang na magabayan ng magulang, guro at nakatatanda

12
ang mga nagdadalaga at nagbibinata upang mapagtagumpayan nila
ang krisis sa yugtong ito.
2. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki. Hindi pa rin
maiaalis na ibatay ito sa nakagisnang kultura. Halimbawa, Sa kulturang
Pilipino, inaasahan na ang lalaki ay malakas, matapang at ang babae
naman ay mahina, palaasa - dahil ito sa kanilang pagkakaibang
bayolohikal. Kailangang mabigyan ng pagkakataon ang bawat isa na
hubugin ang kanilang mga papel sa lipunan bilang lalaki at babae.
Halimbawa, kailangan na turuan ang mga lalaki na ipakita ang kanilang
tunay na damdamin. Umiyak sila kung kinakailangan sa panahon ng labis
na kalungkutan. Kailangang salungatin ang paniniwalang ang umiiyak na
lalaki ay labis na mahina. Hindi mahina ang lalaking umiiyak.

3. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at tamang pamamahala sa


mga ito. Sumangguni sa mga may sapat na gulang (adult), magulang o
taong pinagkakatiwalaan. Kailangan ang masustansiyang pagkain,
regular na ehersisyo, pagtulog sa loob ng 8 oras, pag-inom ng sampung
basong tubig araw-araw at pana-panahong pamamahinga. Kailangang
huminga ng malalim upang marelaks at maalis ang tensiyon sa katawan,
paggawa ng mga gawaing bahay, paglilingkod sa pamayanan at pagsali
sa sports.

4. Pagnanais at pagtamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapuwa. Hindi


nabubuhay ang tao para sa kaniyang sarili lamang. Kailangan natin ang
ibang tao upang matugunan ang ating mga pangangailangan at makita
ang ganda at halaga ng buhay.

5. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasiya.


Magpatulong sa nakatatanda o awtoridad na may higit na alam sa
kabutihan at mabuting pamumuhay. Mahalagang sanayin na ang sarili na
piliin ang patungo sa kabutihan.

6. Paghahanda para sa paghahanapbuhay o pagnenegosyo. Ano ang


koneksyon nito sa iyong pag-aaral? Matutuhan dito ang mga kasanayan
(skills). Talakayin ang mga ito sa sumunod na modyul.

13
7. Paghahanda para sa pag-aasawa at pagpapamilya. Matatamo sa huling
yugto ng pagdadalaga at pagbibinata at sa maagang yugto ng pagtanda
(adulthood). Magpokus at magseryoso muna ngayon sa pag-aaral.

8. Pagkakaroon ng mga pagpapahalaga (values) na gabay sa mabuting asal.


Gabay ang mga ito sa pagpapakatao upang mabuo at hindi masira ang
kinabukasan ng nagdadalaga/nagbibinata.

Tiwala sa Sarili

Upang mapataas at mapatatag ang tiwala sa sarili, hubugin ang


sumusunod na positibong pananaw at damdamin sa iyong sarili at kakayahan:

1. Hayaang mangibabaw ang iyong kalakasan. Mag-isip nang positibo sa


lahat ng iyong mga ginagawa.

2. Huwag matakot na harapin ang mga bagong hamon. Ang mga bagong
hamon ay pagkakataon upang iyong mapataas ang tiwala sa sarili lalung-
lalo na kapag nalampasan mo ito nang matagumpay at malinang ang
inaasahang birtud o pagpapahalaga.

3. Palaging maging positibo sa iyong mga pag-iisip. Lahat ng karanasan,


positibo man o hindi, ay may mabuting ibubunga tungo sa pag-unlad ng
iyong pagkatao. Ito ay makatutulong upang unti-unting mapaunlad ang
pananaw sa sarili.

4. Isipin mo ang iyong mga kakayahan para sa iyong sarili. Huwag palaging
umasa sa opinyon ng ibang tao. Suriin ang iyong personalidad, talento,
hilig, kakayahan at kahinaan upang mas makilala ang mga aspekto na
dapat mong paunlarin sa sarili.

Mahalaga ang gabay ng magulang, guro o taong may mabuting


pamumuhay upang magtagumpay ka sa iyong ninanais na mapataas at
mapatatag ang iyong tiwala sa sarili.

14
Gabay sa pagsangguni sa magulang, guro o taong may alam sa
mabuting pamumuhay

Narito ang sumusunod na gabay sa pagsangguni sa magulang, guro o


taong may alam sa mabuting pamumuhay:

1. Maging malinaw at tuwiran (direct). Sa pagsabi kung ano ang iniisip,


nararamdaman at ninanais na tulong. Ibigay ang detalye upang
mauunawaan ng kausap mo ang situwasiyon.

2. Maging tapat. Napakahalaga nito sa pakikipag-usap mo sa taong iyong


kinukunsulta. Huwag magsinungaling, itago ang katotohanan o sobrang
madrama sa pakikipag-usap upang makita ng kausap mo ang angkop na
paraan at gabay tungo sa mabuti at mapanagutang pasiyang ninanais.

3. Sikaping unawain ang kaniyang pananaw. Kung mayroong hindi


pagkakasundo, maaaring magtanong o magdagdag ng impormasyong
kailangan sa paglilinaw upang lubos ka niyang maunawaan at
magabayan.

4. Iwasang makipagtalo. Mapananatili nitong lubos at buo ang atensiyon


ninyong dalawa sa pagsusuri ng isyu o problemang isinasangguni mo.
Makatutulong ito upang magabayan ka tungo sa pagkakaroon ng
mapanagutang pasiya at kilos.

Ang maagang yugto ng iyong pagdadalaga/pagbibinata ay panahon ng


isang makulay na pagtuklas ng iyong pagkakakilanlan (Identity). Binigyang-
diin ni Erik Erikson na sa bawat yugto ay dapat mas lamang ang paglinang ng
inaasahang birtud o pagpapahalaga kaysa sa mga kabaliktaran nito. Kaya,
inaasahan sa iyo ang maingat na pagpapasiya, malawak na pag-iisip at
maagang paghahanda. Maliit o malaki man ang hamon, kailangan mong
harapin ito nang buong puso.

Hamon

Mahirap ang pinagdaraanan ng isang nagdadalaga/nagbibinata, ngunit


tandaan na lahat ay may katulad na pinagdaraanan. Paano ito maiiba? Nasa

15
kamay mo paano isinasabuhay ang mga kakayahan at kilos na kinakailangan
upang mas mapaunlad ang iyong sarili at pagkatao.

Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 7, Modyul Para sa Mag-aaral (Pasig City:
Kagawaran ng Edukasyon, 2012), 14-21.

Mula kay: Maria Tita Y. Bontia, “Power Point Presentation,” April 22-27, 2019, 16-75.

Pagyamanin

Gawain 4a: Tayahin ang iyong pag-unawa mula sa babasahin sa itaas


tungkol sa Mga Angkop At Inaasahang Kakayahan At Kilos
sa Panahon Ng Pagdadalaga/ Pagbibinata.

Panuto: Sagutin ang mga tanong upang mataya mo ang iyong pag-
unawa sa mga mahalagang konsepto sa babasahin. Isulat ang
mga sagot sa kuwaderno.

1. Kailan lumilitaw ang Development Tasks o Mga angkop at Inaasahang


Kakayahan at Kilos sa buhay na tao?
2. Ano ang kanais-nais na maidudulot sa matagumpay na paghubog at
pagganap ng mga ito? Ano naman ang hindi kanais-nais na maidudulot
sa hindi matagumpay na paghubog at pagganap ng mga ito?
3. Ilan ang angkop at inaasahang kakayahan at kilos ng isang nagdadalaga/
nagbibinata (adolescent)? Magbigay ng maikling paliwanag sa bawat isa.

4. Ano-ano ang nararapat hubugin sa sarili ng isang


nagdadalaga/nagbibinata upang magkaroon ng tiwala sa sarili? Sang-
ayon ka ba rito? Bakit?

5. Bakit mahalag sa isang nagdadalaga/nagbibinata ang pagsangguni sa


magulang, guro o taong may alam sa mabuting pamumuhay? Ipaliwanag.

6. Ano ang binigyang-diin ni Erik Erikson tungkol sa bawat yugto ng buhay


ng tao? Bakit?

7. Paano nararapat tugunan ng isang nagdadalaga/nagbibinata ang hamon


sa yugto ng buhay niya na ito? Pangatwiranan.

16
Gawain 4b: Pagninilay
Panuto: Nais mo bang mapatatag ang natutuhan mo sa modyul na
ito? Halika na, mag-journal na!
1. Isulat sa journal ang iyong pagninilay sa mga natutuhan mo sa aralin.
2. Gamitin mong gabay ang tsart sa ibaba.
Ang Aking Pagninilay
Pangalan: Petsa:
A. Mga mahalagang konsepto o ideya na aking natutuhan tungkol sa
Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng
Pagdadalaga/Pagbibinata:
1.

2.

B. Mga natuklasan ko sa aking sarili ukol sa pagdadalaga/pagbibinata:


1.

2.
C. Paano ko maisasabuhay ang aking mga natutuhan mula sa aralin:

D. Ang aking komitment para malinang (develop) ko ang mga Angkop at


Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng aking Pagdadalaga/
Pagbibinata:

Narito ang Rubric para sa Pagsusuri ng Pagninilay sa Gawain 5:


5- Malinaw, maayos at tiyak ang mensahe ng pagninilay.
4- Malinaw at maayos ang mensahe ng pagninilay.
3- Maayos ang mensahe ng pagninilay.
2- Hindi gaanong maayos ang mensahe ng pagninilay.
1- Hindi maayos ang mensahe ng pagninilay.

17
Isaisip

Gawain 5: Paghinuha ng Batayang Konsepto


Panuto:
1. Buuin ang Batayang Konsepto sa ibaba. Punan ang mga patlang ng
angkop na sagot. Pumili ng sagot mula sa kahon. Isulat ito sa iyong
kuwaderno.

2. Gamiting gabay ang Mahalagang Tanong na: Bakit kailangang


malinang ang mga angkop at inaasahang kakayahan at kilos sa
panahon ng pagdadalaga at pagbibinata?

limang kilos paghahanapbuhay tao


tiwala angkop pagpapahalagang

Ang paglinang ng mga _______ na inaasahang kakayahan at _____


(developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata ay
nakatutulong sa a. pagkakaroon ng ________ sa sarili; b. paghahanda sa
______ inaasahang kakayahan at kilos na nasa mataas na antas (phase) ng
pagdadalaga/pagbibinata (middle and late adolescence): paghahanda sa
____________, paghahanda sa pag-aasawa/pagpapamilya at pagkakaroon
ng mga _____________ gabay sa mabuting asal), at pagiging mabuti at
mapanagutang ____ .

18
Isagawa

Ngayon, ganap mo nang naunawaan ang mga palatandaan ng pag-


unlad sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata sa iba’t ibang aspekto. Upang
mapatunayang natamo mo na ang mga palatandaan, sasagutin mo ang
susunod na gawain.

Gawain 6: Pagganap
Panuto:

1. Balikan mo ang iyong mga sagot sa Gawain 2 ng Mga Angkop at


Inaasahang Kakayahan at Kilos ng isang nagdadalaga/nagbibinata mula
kategoryang A hanggang E.
2. Sa unang kolum sa ibaba, nakatala ang limang Angkop at Inaasahang
Kakayahan at Kilos na ito sa iyo bilang nagdadalaga/nagbibinata.
3. Sa ikalawang kolum, isulat ang isang konkretong paraan na iyong simulan
at patuloy na gawin sa bawat angkop at inaasahang kakayahan at kilos
upang malinang mo ito sa iyong sarili at magkaroon ka ng tiwala sa sarili.
4. Sa ikatlong kolum naman, ipasulat mo ang pangalan ng taong gabay at
saksi mo at palagdaan ito sa kaniya.
Limang Angkop at Konkretong Paraan na Pangalan at Lagda ng
Inaasahang Kakayahan Simulan at Patuloy Taong Aking Gabay
at Kilos sa Akin kong gawin upang at Saksi
Malinang Ko Ito sa
Aking Pagkatao at
Magkaroon Ako ng
Tiwala sa Sarli
1. Bago at ganap na Halimbawa: Iiwasan Pangalan:
pakikipag-ugnayan o kong makipag-away sa
more mature aking mga kaibigan at
relations sa aking iba pang mga kasing
mga kasing edad edad.

19
2. Pagtanggap ng papel o
gampanin sa lipunan Lagda:
3. Pagtanggap sa mga
pagbabago sa katawan
at paglalapat ng tamang
pamamahala sa mga ito
4. Pagnanais at pagtatamo
Petsa:
ng mapanagutang asal
sa pakikipagkapwa/ sa
lipunan
5. Pagkakaroon ng
kakayahang makagawa
ng maingat na
pagpapasya

Narito ang rubric sa pagtataya ng output sa Gawain 6:

5 – Tiyak, angkop, makatotohanan, malinaw ang paraan na isinulat at may


kalakip na lagda ng gabay o saksi
4 – May tatlo mula sa limang kraytirya
3 - May dalawa mula sa limang kraytirya
2 - May isa mula sa limang kraytirya
1 – Wala ni isa sa limang kraytirya

Karagdagang Gawain
Gawain 7: Pagsasabuhay
Panuto: Tukuyin ang isang aspekto kung saan itinuturing mong mababa
ang tingin mo sa iyong sarili (Halimbawa: hindi sapat ang iyong
lakas ng loob na lumapit sa mga kamag-aral upang
makipagkaibigan). Mag-isip ka ng positibong pakikipag-usap sa
sarili (self-talk) o mga bagay na sasabihin mo sa iyong sarili

20
upang malampasan o unti-unting mawala ang mga
nararamdaman mong mababang pagtingin sa iyong sarili.
Pagkatapos, isulat ang mga positibong pakikipag-usap sa sarili,
sa mga makulay na papel o post-it notes at ipaskil ang mga ito
sa salamin o dingding na madali mong makita. Maaari ring
gawin itong screen saver ng iyong computer, ipad o tablet.
Gabay ang halimbawa sa ibaba ng isang tinedyer na mababa
ang tingin sa sarili at ang kanyang positibong pakikipag-usap sa
sarili.

Halimbawa: Mula sa probinsiya, lumipat si Nica sa bagong paaralan sa


lungsod. Mataas ang mga marka niya noong elementarya at aktibo siya sa
mga organisasyon sa paaralan. Ngunit pakiramdam niya’y hindi siya
tanggap ng kaniyang mga kaklase. Hindi kasi siya masyadong mahusay
magsalita ng Tagalog at madalas na pinagtatawanan ng mga kamag-aral.
Mga Positibong Pakikipag-usap sa Sarili (Self-Talk):

 “Kaya ko ‘yan! Kaya kong harapin ang hamon ng hindi pagtanggap 
 ng


iba (rejection).” 

 “Hindi ko na lang sila iintindihin.” 

 Kailangang pahalagahan ko ang aking sarili.”


Ikaw naman:

Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 7, Modyul Para sa Mag-aaral (Pasig City:
Kagawaran ng Edukasyon, 2012), 25.

21
Kraytirya:
Nilalaman ----------------------------------------------------- 50 %
Angkop sa Paksa ------------------------------------------- 25%
Orihinalidad --------------------------------------------------- 15%
Kalinisan ------------------------------------------------------- 10%
Kabuuan: ------------------------------------------------------ 100%

Buod

Ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos


(developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata ay
nakatutulong sa a. pagkakaroon ng tiwala sa sarili; at b. paghahanda sa
limang inaasahang kakayahan at kilos na nasa mataas na antas (phase) ng
pagdadalaga/pagbibinata (middle and late adolescence): paghahanda sa
paghahanapbuhay, paghahanda sa pag-aasawa/pagpapamilya at
pagkakaroon ng mga pagpapahalagang gabay sa mabuting asal), at pagiging
mabuti at mapanagutang tao.

22
Tayahin

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat tanong at bilugan


ang titik ng pinakaangkop na sagot.
1. Ngayong nasa Baitang 7 na si Ryan, may natutuklasan siyang pagbabago
sa kaniyang katawan. Ang sumusunod ay nararapat niyang gawin
maliban sa:
A. Gumawa ng mga gawaing bahay, tumulong sa pamayanan o sumali sa
sports sa paaralan.
B. Sumangguni sa mga magulang, guro, o taong may higit na kaalaman
sa yugto ng pagbibinata.
C. Siguraduhing mag-isa lamang siyang humanap ng mga sagot sa
problema dahil nakahihiya ito.
D. Kumain ng masustansiyang pagkain, pag-ehersisyo, pagtulog ng 8
oras, at pag-inom ng 10 basong tubig araw-araw.

2. Nagbibinata na si Joseph, marami sa mga kasing edad niyang lalaki sa


kanilang klase ang nagsusuot ng hikaw(earing) bilang pagpapahayag nila
ng pagkakakilanlan (identity). Bilang isang mapanagutang tinedyer, ano
ang marapat na una niyang gawin?
A. Isumbong sila sa guro nang maparusahan at hindi na umulit.
B. Unawain sila sa kanilang pagpapahayag ng sariling pagkakakilanlan.
C. Hindi magsuot ng hikaw kahit na na-eenganyong sumabay sa kanilang
ginagawa.
D. Sabihan sila na magpahayag ng sarili na hindi lumalabag sa mga
patakaran ng paaralan.

3. “Nakaaapekto nang malaki sa paghubog ng ating sarili ang mga


ugnayang mayroon tayo bilang tao.” Ano ang pinakamahalagang paala-
ala nito sa yugto ng pagdadalaga/pagbibinata?
A. Mahubog ang sarili kung marami ang kaibigan.
B. Gawin ang lahat na sinasabi ng iba upang mahubog ang sarili.
C. Ipagkatiwala sa mga nakauugnay na nakatatanda ang paghubog ng

23
sarili.
D. Mag-ingat sa pagpili ng mga kaibigan at sa mga impluwensiya nila sa
paghubog ng sarili.

4. Si Earl ay walang tiwala sa sarili kahit may talento siya. Hindi ito alam ng
kaniyang mga kaklase dahil hindi niya ito ginagamit sa paaralan. Ano ang
makatuwirang gawin ni Earl?
A. Isipin niya na mas magaling siya at hindi ang iba.
B. Sabihin sa sarili na huwag magpatalo sa hindi pagtanggap ng iba sa
kaniyang talento.
C. Harapin niya ang mga hamon nang may tapang at hayaang
mangibabaw ang kaniyang kalakasan.
D. Humingi ng papuri sa kaniyang mga kaibigan at pamilya upang
magkaroon siya ng tiwala sa sarili.

5. Kadalasan hindi lubos na malagpasan ng isang nagdadalaga/nagbibinata


ang kaniyang kahinaan dahil may mga pangyayari sa buhay na hindi
maiiwasan. Ano ang mabisang pagharap sa katotohanang ito?
A. Dahil limitado ang tao, hindi matamo ang angkop na inaasahang
kakayahan at kilos.
B. Ang pagkakaroon ng angkop na inaasahang kakayahan at kilos ay
posible lamang sa mga matatanda.
C. Dapat mas lamang ang paghubog ng angkop na inaasahang
kakayahan at kilos kaysa sa mga kabaliktaran nito.
D. Sapat ng subukang taglayin ang angkop na inaasahang kakayahan at
kilos sa yugtong ng pagdadalaga/pagbibinata.

6. Ano ang yugto sa buhay ng tao kung saan inaasahan na mahuhubog niya
sa kaniyang sarili ang lima sa walong inaasahang kakayahan at kilos?
A. Pagkabata
B. Pagdadalaga o Pagbibinata
C. Maagang yugto ng pagtanda
D. Huling bahagi ng pagkabata
7. Bakit mahalaga na matukoy ng isang nagdadalaga/nagbibinata ang
kaniyang papel o gampanin sa lipunan?
A. Dahil umaasa ang lipunan sa kaniya

24
B. Dahil ito ang ginagawa ng mga nakatatanda
C. Dahil may pananagutan siya sa lipunang kaniyang kinabibilangan
D. Dahil kailangan niya ang lipunan sa pagtamo ng kaniyang pangarap

8. Napapansin ni Ade ang pagbabago sa kaniyang katawan. May marami


siyang tagihawat (pimples) at nahihiya siyang humarap sa mga tao nang
dahil dito. Ano ang nararapat niyang gawin?
A. Mag-isang maghanap ng solusyon nito
B. Magtanong-tanong sa mga kasing edad
C. Baliwalain dahil bahagi lamang ito ng pagdadalaga
D. Sumangguni sa mga magulang, nakatatanda o taong mapagkatiwalaan

9. Alin sa sumusunod na kilos ang tumutukoy na nasa sa proseso ng


pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad
ang isang nagdadalaga/nagbibinata?
A. Karamay ang mga kaibigan sa mga suliranin
B. Naghahanap ng kalaro kaya nakikipagkaibigan
C. Ang laging kalaro ay ang kapareho ang kasarian lamang
D. Mas nakikipag-ugnayan sa kapuwa na katulad ng kasarian

10. Si Daisy ay nasa yugto ng maagang pagdadalaga. Sinabi niya sa iyo na


may nanliligaw sa kaniya at gusto niyang sagutin ito kahit ipinagbabawal
pa muna ng mga magulang niya ang pagkaroon niya ng kasintahan
(boyfriend). Ano ang ipapayo mo sa kaniya?
A. Hindi pa nararapat sa tinedyer na tulad niya ang magkaroon ng
seryosong relasyon.
B. Makatutulong sa kaniya ang pagkakaroon ng kasintahan agad upang
matutong humawak ng relasyon.
C. Tama lang na sagutin na niya dahil dapat alam na niya ang pagbuo ng
seryosong relasyon nang maaga.
D. Hindi sagutin, dahil hindi pa handa ang kaniyang isip at damdamin sa
paghawak ng seryosong relasyon.
Mula kay: Maria Tita Y. Bontia, “MS Word,” June 23, 2018,

25
Susi sa Pagwawasto

Sanggunian

Mula sa Aklat
Bontia, Maria Tita Y. “Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Unang Markahang
Pagsusulit.” Pagsusulit presented at the Critiquing, Iligan City, June 23,
2018.
Bontia, Maria Tita Y. “Modyul 1: Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan at
Kilos sa Panahon ng Pagdadalaga/Pagbibinata”. Module presented at
the Orientation of National Trainers of the K to 10 Training of Teachers
on Critical Content, Los Baños, Laguna, April 22- 26, 2019.

26
Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 7 Modyul
para sa Mag-aaral. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2012.
Peralta, Luisita B. “Ang EsP Bilang Asignatura.” Powerpoint Presentation at
the National Training of Trainers on the K To 10 Critical Content in
Edukasyon sa Pagpapakatao, Guimaras Province, May 6, 2019.

Mula sa Internet
Retrieved from DepEd Learning Resource Portal:
http://lrmds.deped.gov.ph/detail/23/5331

27
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10
Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang

Cagayan de Oro City, 9000

Telefax: (088) 880 7072

E-mail Address: reiogn10@deped.govph

28

You might also like