You are on page 1of 26

7

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan - Modyul 1: MGA ANGKOP
AT INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS
SA PANAHON NG PAGDADALAGA/PAGBIBINATA

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


7
Edukasyon
sa Pagpapakatao
Unang Markahan - Modyul 1: MGA ANGKOP
AT INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS
SA PANAHON NG PAGDADALAGA/PAGBIBINATA

This instructional material was collaboratively developed and reviewed by


educators from public schools. We encourage teachers and other education
stakeholders to email their feedback, comments, and recommendations to the
Department of Education at action@ deped.gov.ph.

We value your feedback and recommendations.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Edukasyon sa Pagpapakatao – Baitang 7
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Mga Angkop at Inaasahang kakayahan at Kilos sa Panahon ng
Pagdadalaga o Pagbibinata
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi
sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal
na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Development Team of the Module
Author/s: Arturo B. Baluarte Jr., Ronald H. Saycon and Ryan June B. Madora
Reviewers: Quindie C. Ortega, Rochel J. Arsino, Ricardo A. Estrellada and Russel C. Tamina
Illustrator and Layout Artist: John Ronald S. Intension, Samuel D. Bugahod, Sunnyboy L. Ibarra

Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director

Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V


Asst. Regional Director

Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI


Schools Division Superintendent

Myra P. Mebato, PhD, CESE


Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD

Members Neil A. Improgo, EPS-LRMS


Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief
Rey D. Tabil, EPS - EsP
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Edna Alona B. Duhaylungsod, EdD, Principal II/District In-charge
Mylene G. Labastilla, EdD, Principal II/District In-charge
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Misamis Occidental
Office Address: Osilao St., Poblacion I, Oroquieta City, Misamis Occidental
Contact Number: (088) 531-1872 / 0977 – 8062187
E-mail Address: deped_misocc@yahoo.com
Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul 1: Mga Angkop at Inaasahang kakayahan at Kilos sa Panahon ng
Pagdadalaga / Pagbibinata.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa
iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob
sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat
ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na
mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto


at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
TALAAN NG NILALAMAN

Alamin ………………………………………………………… 1

Subukin …………………………………………………………. 2

Aralin 1……………………………………………………………..5

Tuklasin ………………………………………………………… 5

Suriin ……………………………………………………………… 9

Pagyamanin ……………………………………………………… 11

Isaisip …………………………………………………………….. 11

Isagawa ………………………………………………………….. 12

Tayahin ………………………………………………………….. 13

Karagdagang Gawain …………………………………………. 15

Susi sa Pagwawasto ………………………………………….. 16

Sanggunian …………………………………………………….. 17
Alamin

Ang modyul na ito ay sadyang binuo bilang isang alternatibong paraan upang
maipagpatuloy ang pag-aaral dahil sa banta ng Covid-19 sa ating bansa o sa ating
lugar. Tugon nitong masasagot ang mga pangangailangan habang wala ka sa loob ng
silid-aralan.
Kaya sa modyul na ito inaasahang matatamo ang mga sumusunod na
kasanayan:
1. Natutukoy ang mga pagbabago sa kanyang sarili mula sa gulang na 8 o 9
hanggang sa kasalukuyan sa aspektong: EsP7PS - 1a - 1.1
a. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relations) sa
mga kasing edad (Pakikipagkaibigan).
b. Pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan.
c. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglapat ng tamang
pamamahala sa mga ito.
d. Pagnanais at pagtatamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa/ sa
lipuanan.
e. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya
f. Pagkilala ng tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga nagbibinata.
2. Natatanggap ang mga pagbababagong nagaganap sa sarili sa panahon na may
pagtataya sa mga kilos tungo sa maayos na pagtupad ng kanyang mga tungkulin
bilang nagdadalaga / pagbibinata. EsP7PS - 1a - 1.2

Bago simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod na


panimulang pagsubok.

Subukin

1
Gawain A
Panuto : Isulat ang titik K kung ang pahayag ay nagsasaad ng katotohanan at titik O
kung opinyon. Isulat ang sagot sa kwaderno sa ESP.
1. Ang pagbabagong pisikal ay nagbubunsod ng pagbabago sa emosyon ng isang
kabataan.
2. Maraming nagaganap na pagbabago sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.
3. Hindi ako dapat mabahala sa mga pagbabagong nagaganap sa aking pagkatao
(pisikal, mental, sosyal) dahil natural lamang ang mga ito.
4. Kahit na sa panahon ng ating pagkabata dapat na ating paunlarin ang ating buhay
ispiritwal o moral.
5. Ang pagiging dalaga’t binata ay nagsisimula sa gulang labintatlo hanggang
labinsiyam.
6. Nais mapabilang ng isang nagdadalaga at nagbibinata sa pangkat ng mga kaedad
niya sapagkat dito uunlad ang kanyang katauhan at pagkatao.
7. Ang mga kabataan ay madaling maimpluwensiyahan ng mga taong nasa paligid
nila.
8. Ang panahon ng kabataan ay isang mahalagang yugto na nag-uugnay ng
pagkabata sa pagiging matanda.
9. Ang kabataan ay yugto ng mga pangarap.
10. Hindi magiging mabuting pinuno ang mga kabataan dahil sa kakulangan ng mga
karanasan.

Gawain B
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag sa bawat bilang. Isulat
ang titik ng pinakaangkop na sagot sa iyong kwaderno sa EsP.
1. Ang mga sumusunod ay mahahalagang layunin ng inaasahang kakayahan
at kilos (developmental tasks) sa bawat yugto ng pagtanda ng tao MALIBAN
sa:
a. Nagsisilbing gabay kung ano ang inaasahan ng lipunan sa bawat yugto ng buhay

2
b. Nakatutulong upang malinang ang kakayahang iakma ang sarili sa mga bagong
sitwasyon
c. Nagtuturo sa isang nagdadalaga/nagbibinata ng mga nararapat gawin na akma
sa kanilang edad
d. Nagsisilbing pangganyak o motibasyon upang gawin ng isang
nagdadalaga/nagbibinata ang inaasahan sa kanya ng lipunan
2. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga inaasahang kakayahan at kilos na dapat
malinang sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata MALIBAN sa:
a. Pagsisikap na makakilos ng angkop sa kanyang edad
b. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
c. Pagtamo at pagtanggap nang maayos na ugali sa pakikipagkapwa
d. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad
Para sa bilang 3 - 4

Pagtuntong ng isang bata sa kanyang ikalabintatlong taon, nagsisimula


ang matulin at madaliang pagbabago sa kanyang pag-iisip at pag-uugali.
Kung dati ay kuntento na ang isang batang lalaki sa paglalaro, ngayon ay tila
naaakit na siyang tumingin sa kababaihan. Gayundin ang isang batang
babae, nagsisimula na rin siyang kumilos na tulad sa isang ganap na babae.
Sa panig ng kalalakihan, nagiging masilakbo ang kanilang pag-iisip at pag-
uugali, laging tila humaharap sa hamon na susubok sa kanilang katapangan.
Nagiging mapangahas sila sa anumang bagay, waring ipinagwawalambahala
ang panganib, nagkukunwaring hindi nababalisa sa anumang suliranin. Ito
ang panahon kung saan tila naghihimagsik ang isang kabataan, waring di
matanggap ang katotohanang hindi pa siya ganap na lalaki at nagpupuyos
ang kalooban na pasubalian ito sa mundo. Ito ang panahon na ang isang
lalaki ay wala pang napapatunayan sa kanyang sarili at sa iba, kaya
napakalaki ng kanyang kawalan ng seguridad, laging humahanap ng
pagkakataon na ipakita ang kanyang kahalagahan. Sa panig ng kababaihan,
ang isang nagdadalaga ay nagsisimulang iwanan ang daigdig ng mga manika
at laruan, nag-iingat na kumilos nang magaslaw o tila bata. Isa siyang
bulaklak na nagsisimulang mamukadkad.

3. Ano ang pangunahing paksa ng sanaysay?


a. Ang pagbabago sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata
b. Ang mga karanasan na pinagdaraanan ng mga nagdadalaga/nagbibinata.

3
c. Ang damdamin, ng mga nagdadalaga/nagbibinata sa mga pagbabagong
kanilang pinagdaraanan
d. Ang pagkakaiba ng pagbabagong pinagdaraanan ng isang nagdadalaga at
nagbibinata
4. Ano ang pangunahing pagkakaiba na inilarawan sa sanaysay sa pagitan ng
isang nagdadalaga at nagbibinata?
a. Ang nagbibinata ay walang seguridad at ang nagdadalaga ay nakararamdam
ng kalituhan.
b. Ang nagbibinata ay nagiging mapangahas at ang nagdadalaga ay hindi na
naglalaro ng manika at iba pang laruan.
c. Ang nagbibinata ay nagiging masidhi ang pag-iisip at damdamin at ang
nagdadalaga ay nagsisimulang maging pino sa kanilang kilos.
d. Ang nagbibinata ay nagsisimulang maging matapang at ang nagdadalaga ay
nagsisimula nang kumilos na tulad ng isang ganap na babae.
Para sa bilang 5.
Palaging sinasabi ni Rosemarie sa kanyang sarili na hindi siya
perpekto, alam niyang sa bawat pakakamali ay mayroong siyang
matututuhan. Hinahasa ni Stephanie ang kanyang kakayahang suriin at
tayahin ang kanyang sariling mga pagtatanghal bilang isang mang-aawit.
Hindi hinahayaan ni Anthony na talunin ng takot at pag-aalinlangan ang
kanyang kakayahan. Hindi natatakot si Renato na harapin ang anumang
hamon upang ipakita niya ang kanyang talento.

5. Ano ang mahuhubog kung ipagpapatuloy ng bawat isa ang kanyang gawi?
a. Tapang
b. Talento at kakayahan
c. Tiwala sa sarili
d. Positibong pagtingin sa sarili

Aralin MGA ANGKOP AT INAASAHANG KAKAYAHAN

1 AT KILOS SA PANAHON NG
PAGDADALAGA/PAGBIBINATA

4
Madalas mo bang tingnan ang sarili mo sa
salamin nitong mga nagdaang araw? Marahil
napapansin mo na ang malaki mong pagbabago mula
noong ikaw ay nasa mga unang taon mo sa
elementarya. Marami kang ginagawa noon na ayaw mo
nang gawin ngayon. At maging ang mga tao sa iyong
paligid ay napapansin mong nag-iiba na ng kanilang
paraan ng pakikitungo sa iyo.

Nalilito ka na ba? Minsan tinatawag kang bata, minsan naman ay sinasabing


dalaga o binata ka na. Nakalilito talaga. Ikaw ay nasa yugto ng buhay mo na tinatawag
na panahon ng unti-unting pagbabago (transition period) o paglipat mula sa isang yugto
ng buhay patungo sa susunod. Ikaw ngayon ay tumatahak sa yugto ng pagdadalaga o
pagbibinata (adolescence). Upang lubos na makilala ang sarili, napakarami mong
kailangang maunawaan tungkol sa yugtong ito.

Tuklasin

Gawain 1
Panuto: Nakita mo ba ang graphic organizer na nasa ibaba? Kopyahin ang
graphic organizer na ito sa iyong kwaderno sa EsP at isulat sa loob ng mga
parisukat ang iyong mga sagot sa tanong na nasa ibaba.
1. Ano-ano sa palagay mo ang mga pagbabagong nagaganap o napapansin mo sa
iyong sarili?

5
Gawain 2
Panuto: Tingnan at suriin ang mga larawan sa ibaba, at itala sa inyong kuwaderno
sa EsP ang mga positibong pagbabagong napapansin mo
sa iyong sarili ayon sa bawat kategorya sa bawat bilang sa ibaba.
Magtala ng limang pagbabago sa sarili. Sundin ang pormat sa ibaba. Gawin
mong gabay ang halimbawa sa unang kategorya.
A. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relations) sa mga
kasing edad (Pakikipagkapwa)

1. Lalong lumalalim ang pakikipagkaibigan sa mga kapwa babae/lalaki.


2. Ibinabahagi ang ilang mga problema sa mga malapit na kaibigan at hinihingi
ang kanilang opinyon.
3. Nagkakaroon ng interes sa mga katapat na kasarian nagkakaroon ng Crush
4. Iniiwasan ang pakikipag-away.
5. Hindi lang sa paglalaro kasama ang mga kaibigan, maging sa mahahalagang
proyekto sa paaralan.
Ngayon, ikaw naman

6
A. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relations) sa mga kasing
edad (Pakikipagkapwa).

1. _______________________________________________________
2. _______________________________________________________
3. _______________________________________________________
4. _______________________________________________________
5. _______________________________________________________

B. Pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan sa lipunan.

1. ________________________________________________________
2. ________________________________________________________
3. ________________________________________________________
4. ________________________________________________________
5. _______________________________________________________
C. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang pamamahala
nito.

7
1. ________________________________________________________
2. ________________________________________________________
3. ________________________________________________________
4. ________________________________________________________
5. ________________________________________________________

D. Pagnanais at pagtatamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa / sa lipunan.

1. _________________________________________________________
2. _________________________________________________________
3. _________________________________________________________
4. _________________________________________________________
5. _________________________________________________________

E. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya.

8
1. _________________________________________________________
2. _________________________________________________________
3. _________________________________________________________
4. _________________________________________________________
5. _________________________________________________________

Suriin

PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA


Ang sumusunod ay mga palatandaan ng pag-unlad bilang isang nagbibinata/
nagdadalaga. Ang mga ito ay tinatawag na inaasahang kakayahan at kilos. Maaaring
ang iba ay naglalarawan sa iyo o maaaring ang iba naman ay hindi mo dapat gawin.
Mga Palatandaan ng Pag-unlad sa Panahon ng Pagdadalaga/Pagbibinata sa
Iba’t ibang aspekto:
 Nagiging mahusay sa debate at
pakikipagtalakayan
 Mas nakapagmememorya
 Nakapag-iisip ng lohikal tungkol sa mga konsepto
 Nasusundan at nasusuri ang paraan at nilalaman
ng sariling pag-iisip
 Nakagagawa ng mga pagpaplano sa kinabukasan
 Nahihilig sa pagbabasa
Pangkaisipan  Nararamdamang may halaga sa mundo
 Pagiging independente sa mga magulang at
dumadalang na makasama ang pamilya
 Ang tinedyer na lalaki ay karaniwang nag-
aalangang 9 magpakita ng pagtingin o
pagmamahal.
 Karaniwang ayaw sa labis na paghihigpit ng mga
magulang
Panlipunan

 Madalas nag-aalala sa kaniyang pisikal na anyo,


marka sa klase, at pagbabago sa pangangatawan
 Panggagaya sa kilos at estilo ng mga
hinahangaan
 Madalas malalim ang iniisip
 Nagiging mapag-isa sa tahanan

Pandamdamin

 Alam kung ano ang tama at mali


 Pinag-isipang mabuti ang mga pasya sa buhay.
 Pantay ang pakikitungo sa kapwa.
 Madalas may pag-aalala sa kapakanan ng kapwa
 Hindi magsisinungaling

Moral

Balikan ang sumusunod na palatandaan. Sa iyong palagay, alin dito ang


naglalarawan sa iyo? Ang lahat ng mga pagbabagong ito ay kailangan mo upang
makatawid sa susunod na yugto ng buhay, ang pagiging ganap na binata o dalaga.

Pagyamanin

10
Panuto: Ipakilala ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagkumpleto sa nilalaman ng
kahon. Kopyahin ito sa iyong kwaderno sa EsP.

Panunumpa sa Katungkulan Bilang Nagdadalaga at Nagbibinata


Petsa:____________________
Sa Lahat ng Nakababasa at Nakaririnig ,
Ako si _______________, bilang kabataan, maraming inaaasahan sa
akin tulad ng:_________________, _________________, _______________.

Haharapin ko ang mga hamon ng pagbabagong ito bilang isang mag-


aaral sa baitang pito sa pamamagitan ng:____________________,
____________________, _______________________.

Tulungan nawa ako ng Maykapal.

Lagda ng mga Magulang/Guardians


____________________________________
_______________________________________
Pangalan at Pirma Pangalan at Pirma

Isaisip

Gawain 4
Panuto: Kopyahin ang talata at punan ng tamang sagot ang bawat patlang.
Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat sa kwarderno sa EsP.
kamusmusan kakayahan kabataan
kilos nagdadalaga o nagbibinata
mahalaga tao makatutulong
tungkulin maayos lipunan

Bilang isang _____________, maraming mga pagbabagong nagaganap sa iyo.


Ang lahat ng ito ay ____________ para sa iyong patuloy na pag-unlad bilang
_______________. Sa huli, ang lahat ng mga pagbabagong ito ay ____________
upang magampanan mo nang _____________ ang iyong mga tungkulin sa lipunan.
Bahagi ng pag-iwan sa daigdig ng _____________ ang pagsalubong at
pagyakap sa mga _______________ at pananagutang inaasahan sa isang

11
_____________. Ang mga inaasahang _____________ at _____________ ay
maaaring totoo o naglalarawan sa kanila ngunit ang ilan sa mga palatandaang ito ay
hindi nila dapat gawin o ipamalas.

Isagawa

Ngayon, ganap mo nang naunawaan ang mga palatandaan ng pag-unlad sa


panahon ng pagdadalaga/pagbibinata sa iba’t ibang aspekto. Upang mapatunayang
natamo mo na ang mga palatandaan, sasagutin mo ang susunod na gawain.

Gawain 5
Panuto: Itala ang mga palatandaang sa palagay mo’y hindi mo pa tinataglay at
ano ang iyong gagawin upang makamit ang mga ito at mas mapaunlad
pa ang iyong sarili. Kopyahin at isulat ang sagot sa kwarderno sa EsP.
Ang unang bilang ay ginawa na para sa iyo.

Mga Palatandaan ng Pag-unlad na Ang Aking Gagawin Mula Ngayon


Nais Makamit
Halimbawa: Ang aking gagawin mula ngayon,
1. Pakikipag-ugnayan sa mga kailangan na may marami rin akong
kaibigan na mas matanda pa sa akin
nakakatanda
2.
3.
4.
5.
6.

Masaya ako dahil mahusay mong nasagot ang iba’t ibang gawain. Ngayon,
nalaman mo na ang mga pagbabagong nagaganap sa iyong sarili, positibo man o
negatibo. Ano-ano sa palagay mo ang mga dapat mo pang gawin upang mas
mapaunlad ang iyong sarili?
1.____________________________________________________________

12
2.____________________________________________________________
3.____________________________________________________________

Tayahin

Ngayon, tapos ka na sa pagsasagawa ng modyul, suriin natin kung ano ang


iyong natutunan.

Panuto : Suriin at alamin ang mga pagbabagong nagaganap sa bawat sitwasyon.


Piliin ang titik sa loob ng kahon at isulat ang napiling sagot sa iyong kwaderno
sa EsP.

A. Pangkaisipan
B. Panlipunan
C. Pandamdamin
D. Moral

1. Nahihiya na si Ana na makipaglaro ng habulan sa mga kabataang lalaki mula


nang siya ay nasa paaralang sekundarya na.
2. Unti-unti nang nababawasan ang pagiging malikot ni Manuel tuwing siya ay
nakikipag-usap sa mga babae.
3. Nakikinig na si Marie sa mga aral ng pari sa tuwing siya ay nagsisimba ngayon.
4. Noong nasa elementarya pa si Jose ay palagi siyang lumiliban sa klase. Ngayong
nasa sekundarya na siya, naisip niyang kailangan niyang mag-aral nang mabuti
para magkaroon siya ng magandang kinabukasan.
5. Si Jose ay nahihiyang ipakita ang kanyang nararamdaman kay Andra dahil
natatakot siyang mawala ang kanilang pagkakaibigan.
6. Bata pa lang si Joe, mahilig na siyang sumali sa mga programa ng kanilang
barangay, tulad ng pagtatanim at paglilinis.

13
7. Sa kabila ng tagumpay na tinatamasa ni Henry, pinili niyang ilaan ang kanyang
panahon para sa pagtulong sa mga batang lansangan.
8. Sa kabila ng kahirapan na nararanasan ni Roger, nagpupursigi pa rin siya na
makapag-aral upang makamit niya ang kanyang pangarap sa buhay.
9. Bata pa lamang si Marco, mahilig na siyang magbasa ng Bibliya / Koran at umama
sa kanyang mga magulang kapag may ispiritwal na pagtitipon. Palaging tinutukso ni
Roy si Melisa dahil siya ay maliit. Subalit ngayon ay
gusto niyang laging kausap si Melisa.
10. Noong bata pa si Maria, lagi niyang ipinagdadasal na pasalubungan siya ng candy
ng kanyang ama. Subalit ngayon ay ipinagdadasal na niya ang kaligtasan ng
kanyang ama tuwing ito ay umaalis ng bahay.
11. Kapag malakas ang ulan ay laging naliligo sina Rina, Mel at Yna. Subalit ngayon ay
pinagmamasdan na lamang nila ang ulan habang nagkukuwentuhan.
12. Nahihiya na si Fe kapag siya ay pinagagalitan ng kanyang ina lalo na kung
mayroon silang bisita sa kanilang bahay.
13. Noong bata pa si Jomar, palagi lang siyang mapag-isa, hindi lang sa paaralan
kundi pati na rin sa tahanan, subalit noong nagbibinata na mahilig na siyang
pumunta sa kanyang mga kaibigan upang makipagkwentuhan.
14. Sa sampung magkakapatid si Jossy ang pinakamagaling sa debate, palagi nalang
siyang nanalo sa mga paligsahan kaya nga lubos ang paghanga ng kanyang mga
magulang.

Karagdagang Gawain

Panuto: Sumulat ng isang repleksiyon o pagninilay tungkol sa paghahambing ng


iyong sarili noon at ngayon. Gamiting gabay sa pagsulat ang mga tanong sa ibaba.
Isulat ang sagot sa kwaderno sa EsP.
1. Paano mo ihahambing ang iyong sarili noon at sarili ngayon?

14
2. Naibigan mo ba ang mga pagbabago sa iyong sarili bilang
nagdadalaga/nagbibinata? Ipaliwanag.
3. Ano ang ibig sabihin ng mga pagbabagong ito sa iyo bilang isang
nagdadalaga/nagbibinata?
4. Makatutulong ba ang mga pagbabagong ito sa iyo? Sa paanong paraan?
5. May masama bang maidudulot sa iyo ang mga pagbabagong ito? Sa paanong
paraan?
6. Ano-ano ang mga nakatulong sa positibong pagbabago sa iyong buhay?

Rubric para sa Pagsusuri ng Repleksiyon


5- Malinaw ang ipinarating na mensahe ng mga pangungusap sa repleksiyon.
4- Maayos na naisulat ang repleksyon pero may isa hanggang dalawang
pangungusap na hindi malinaw na naiparating,
3- Mayroong mahigit sa tatlong pangungusap na hindi malinaw ang mensahe
at hindi maayos ang pagkakasulat.
2- Mayroong mahigit sa limang pangungusap na hindi maayos ang
pagkakasulat at hindi malinaw ang mensahe.
1- Walang nagawang repleksiyon.

Susi sa Pagwawasto

Subukin-Pre-Test Isaisip Tayahin


Gawaing Blg 3 1. PANLIPUNAN
1. K
1. Nagdadalaga o 2. PANLIPUNAN
2. K
nagbibinata 3. MORAL
3. K
2. Mahalaga 4. PANGKAISIPAN
4. K
3. Tao 5. PANDAMDAMIN
5. K
4. Makatulong 6. PANLIPUNAN
6. O 15
5. Maayos
7. K 7. PANLIPUNAN
6. Kamusmusan
8. K 8. PANGKAISIPAN
Sanggunian

Mga Aklat

Edukasyon sa Pagpapakatao 7, (2012). Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City:


Department of Education

Edukasyon sa Pagpapakatao 7, (2012). Patnubay ng Guro. Pasig City:


Department of Education

Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga I, Modyul 1, ph.11/12

Mula sa Internet

16
Retrieved from DepEd Learning Resource Portal:

http://lrmds.deped.gov.ph/detail/23/5331

http://cpnhs.com/smf/index.php?topic=167.0

Images

https://www.google.com.ph/search?q=infancy&esp

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10

Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang


Cagayan de Oro City, 9000
Telefax: (088) 880 7072
E-mail Address: reiogn10@deped.gov.ph

18

You might also like