You are on page 1of 25

Edukasyon sa

Pagpapakatao
Ikalawang Markahan–Modyul 5
Kalayaan

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan–Modyul 5
Kalayaan

This instructional material was collaboratively developed and reviewed by


educators from public schools. We encourage teachers and other education
stakeholders to email their feedback, comments, and recommendations to the
Department of Education at action@ deped.gov.ph.

We value your feedback and recommendations.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Edukasyon sa Pagpapakatao – Baitang 7
Alternative Delivery Mode

Ikalawang Markahan – Modyul 5: Kalayaan


Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Development Team of the Module


Author/s: Gina P. Tillo
Reviewers: Emma B. Cabibil, Lydia D. Malabas, Jemeris D. Tubigon, Ailen C. Brioso, Rochelle J.
Anino
Illustrator and Layout Artist: Pearl Mhar D. Pargan, Samuel D. Bugahod, Sunnyboy L. Ibarra

Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Asst. Regional Director
Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent
Myra P. Mebato,PhD, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD

Members Neil A. Improgo, EPS-LRMS


Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief
Rey D. Tabil, EPS - EsP
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Edna Alona B. Duhaylungsod, EdD, Principal II/District In-charge
Mylene G. Labastilla, EdD, Principal II/District In-charge
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Misamis Occidental
Office Address: Osilao St., Poblacion I, Oroquieta City, Misamis Occidental
Contact Number: (088) 531-1872 / 0977 – 8062187
E-mail Address: deped_misocc@yahoo.com
Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul 5 ukol sa Kalayaan.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong natutuhan mo
mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!
Talaan ng Nilalaman

Alamin ---------------- 1

Subukin ---------------- 2

Balikan ---------------- 5

Tuklasin ---------------- 6

Suriin ---------------- 7

Pagyamanin ---------------- 9

Isaisip ---------------- 11

Isagawa ---------------- 12

Tayahin ---------------- 13

Karagdagang Gawain ---------------- 16

Susi sa Pagwawasto ---------------- 17

Sanggunian ---------------- 18
Modyul 5 Kalayaan

Alamin

“Galit ako!” Gusto kong sumigaw at manuntok. “Walang


makapipigil sa akin dahil may kalayaan akong gawin ito!”

Tama! Malaya mong gawin ang mga bagay


na ito. Subalit ang tanong, ano ang maaring
kahinatnan sa iyong gagawin? Pagkatapos gawin,
may pananagutan ka bang haharapin?

Ano ang inaasahan mong maipapamalas?


Ikaw ay isang natatanging nilikha. Ikaw ay
may isip, damdamin at kilos-loob na malayang
gumawa sa sariling kagustuhan at kapasyahan
(desisyon).
Hindi ka” manikang de susi” na gumagalaw at sumusunod ayon
sa gusto at dikta ng humahawak sa iyo. Malaya kang kumilos, mag-isip at
magdesisyon para sa iyong sarili. Paano mo gagamitin ang ipinagkaloob na
kalayaan para hubugin ang iyong pagkatao?
Isang mahalagang biyaya kasunod ng buhay na ipinagkaloob sa
tao ay biyaya ng kalayaan upang pamahalaan ang buhay na ito. Malaking
hamon sa iyo ang pag-unawa sa tunay na kahulugan ng kalayaan.
Sa susunod na bahagi ng modyul na ito, unawain mo ang tunay na
kahulugan ng kalayaan. Inaasahang maipapakita mo ang mga sumusunod na
kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
a. Nakilala ang mga indikasyon/palatandaan ng pagkakaroon ng kawalan ng
kalayaan. (EsP7PT-11e-7.1)
b. Nasusuri kung nakikita sa mga gawi ng kabataan ang kalayaan.
(EsP7PT-11e-7.2)

1
Subukin

Paunang Pagtataya
A. Suriin ang mga sumusunod na kilos. Lagyan ng tsek (√) kung ito’y
nagpapakita ng kalayaan at ekis (×) kung may kawalan ng kalayaan.
Isulat ang sagot sa dyornal notbuk.
1. Sumali sa patimpalak ng awit si Rosel upang maipakita
niya ang kanyang talento.
2. Papasok na sana si Mario sa silid-aralan nang sabihin ng
kanyang kaibigan na maglaro ng online games sa
computer shop at ililibre siya nito. Naisip ni Mario na
pagkakataon na niya iyon para makapaglaro nang libre.
3. Nakapulot ng pitaka si Eron sa daan na may lamang pera
at ID. Natutuwa siya dahil makabibili na siya ng bagong
cellphone. Subalit nakita sa ID ang numero ng telepono
ng may-ari. Sa halip na itago niya ang pera, tinawagan
niya ang may-ari.
4. Nakita ni Maricel na kinuha ng kanyang matalik na
kaibigan ang pera sa bag ng kanyang guro. Subalit hindi
niya ito maipagtatapat sa kanyang guro, baka ibabagsak
ang kanyang kaibigan at hihinto ito sa pag-aaral. Kaya
minabuti niyang manahimik na lamang.
5. Pinakopya ni Lito ang kanyang kaklase dahil naawa siya
na walang sagot sa kanilang pasulit dahil laging
nakababad sa computer shop.
B. Piliin ang titik na may tamang sagot sa mga sumusunod na pahayag.
Isulat sa dyornal notbuk.
6. Ayon kay Esther Esteban (1990) ang kalayaan ng tao ay nakabatay sa
pagsunod sa Likas na Batas-Moral. Ano ang ibig sabihin nito?
a. Sumusunod tayo sa batas para maging malaya.
b. Nakatakda ang kalayaan sa batas-moral.
c. Ang kalayaan ay nakabatay sa pagsunod ng batas-moral.
d. Ang kalayaan ay nasa batas-moral.

2
7. Ano ang kakambal ng kalayaan?
a. pagnanais c. pasusumikap
b. pananagutan d. paghahangad
8. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?
a. Hindi makatulog nang maayos si Ronald kung hindi siya makainom ng
alak.
b. Sa sobrang takot ni Dulce sa ina, hindi niya masabi ang kanyang mga
hinanakit.
c. Hindi mapakali sa kanyang upuan si Matilde dahil nakokonsensya siya
sa kanyang ginawa.
d. Nag-eensayo si Febe para mahasa ang kanyang talento.
9. Ang kalayaan ng tao ay nakasalalay sa kanyang
a. konsensya c. kilos-loob
b. dignidad d. moralidad
10. Paano malalaman kung napanagutan ang paggamit ng kalayaan?
a. Nagagawa ang gusto at nais mo.
b. Natutugunan ang iyong pangangailangan.
c. Nakahanda kang harapin ang kahinatnan ng iyong pagpapasiya.
d. Nagagawa mong salungatin ang batas-moral.
11. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang lumalabag sa batas-moral?
a. pakikihalubilo sa iba
b. pakikipagrelasyon sa may asawa
c. pakikipagkaibigan sa kapwa
d. pakikipag-usap sa mga kakilala
12. Ano ang mensahe ng tekstong nasa loob ng kahon?
Hindi tunay na malaya ang tao kapag wala siyang kakayahang
magmalasakit sa iba at nakakulong lamang siya sa pansariling interes.
a. Ang tunay na kalayaan ay para sa pansariling interes.
b. Tunay na malaya ang tao kung iniisip niya ang pansariling interes.
c. Tunay na malaya ang tao kung napilitan siyang gumawa para sa iba.
d. Tunay na malaya ang tao kung may kakayahan siyang gumawa ng
mabuti para sa sarili at sa kapwa.

3
13. Ano ang ugaling ipinakita ng tao sa pahayag na “Nakakulong ka sa
pansarili mong interes"?
a. mahabagin c. matapang
b. magiliw d. makasarili
14. Ano ang nagbibigay direksyon sa kalayaan?
a. isip c. batas-moral
b. puso d. dignidad
15. Ano ang kasalungat ng kalayaan?
a. pagtakas c. pagkakulong
b. pag-aalpas d. pagkawala

4
Balikan

Sa nakaraang modyul natutunan mo ang mabuti at masama batay sa sinabi ng


konsensiya. Ang tao ay biniyayaan ng kakayahan na kumilala ng mabuti at masama.
Ang kakayahang ito ay tinatawag na konsensiya. Sa tulong ng konsensiya nakilala
ng tao na may bagay siyang ginawa o hindi ginawa.
Ang Likas na Batas-Moral ay ibinigay sa tao noong siya ay likhain. Sa
pamamagitan ng batas na ito ang tao ay may kakayahang makilala ang
mabuti at masama.
Subukang balikan ang natutunan mo tungkol sa konsensya sa
pamamagitan ng pagsagot sa Gawain 1.
Gawain 1
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang mga salitang may kaugnayan sa
konsensya. Gawin ang ilustrasyong nasa ibaba at isulat sa dyornal notbuk.

mabuti nagawa
mayaman masama
hindi nagawa mahirap

Konsensya

5
Tuklasin

Ayon sa alamat ng mga Arabo, ang Genie ay may


kakayahang magbigay ng tatlong kahilingan sa sinumang
makapagpapalaya sa kanya mula sa pagkakakulong sa
lampara.
Halimbawa:
Ikaw ang nakapulot sa lampara at nagpalaya sa higanteng nakakulong
sa loob. Ano-ano ang tatlong kahilingan ang nais mong matupad? Bakit?
Gawain 2:
A. Isulat sa loob ng “Speech Balloon” ang iyong mga kahilingan at isulat
sa patlang kung bakit. Gayahin ang ilustrasyon sa dyornal notbuk.

Bakit?
_______________________________
_____________________________

Bakit?
_______________________________
_____________________________

Bakit?
________________________________
____________________________

B. Kung sakaling walang “magic” mula kay Genie, may pagkakataon kaya

na matupad ang iyong kahilingan? Lagyan ng tsek (√) ang kahon.

6
C. Sa pamamagitan ng “story frame” itala sa Hanay A ang mga gagawin para
matupad ang mga hiling mo. Sa Hanay B naman ang mga maaaring sagabal
o dahilan na hindi matupad ang nais mo.

Suriin

Malaking hamon ba sa iyo ang pag-unawa sa tunay na kahulugan ng


kalayaang ipinagkaloob sa tao? Sa susunod na bahagi ng modyul unawain ang
tunay na kahulugan ng kalayaang taglay mo.
Kalayaan
Ilan sa mga kabataan ay napaisip na ang pagkakaroon ng kalayaan ay
nangangahulugang magagawa nila ang lahat na gusto at nais mangyari sa
buhay. Maging mayaman, malusog, magkaroon ng masaya at masaganang
buhay at iba pa. Subalit, ayon kay Joseph de Torre, ang tao ay walang
kakayahang gawin palagi ang anomang kanyang naisin. Kung ganoon, ano nga
ba ang kalayaang tinutukoy ng tao?
Totoong pinagkaloob ang Kalayaan sa tao subalit mayroon itong
limitasyon. Maaaring gawin mo ang isang bagay ngunit hindi ka malaya sa
pagharap ng kahihinatnan ng iyong pinipiling desisyon.

7
Binigyang kahulugan ni Santo Tomas de Aquino ang kalayaan bilang
“Katangian ng kilos-loob na itinakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa kanyang
maaaring hantungan at ang paraan upang makamit ito”.
Nangangahulugan ito na malaya anag taong gamitin ang kanyang
kilos-loob upang pumili ng partikular na bagay at kilos. Ang tao ang nagtatakda
ng kanyang kilos para sa kanyang sarili. Walang anomang pwersa sa labas ng
tao ang maaring magtakda para sa kanya. Maari siyang mahikayat, maganyak o
maakit pero hindi maaaring pwersahin o pilitin. Hindi sakop ng kanyang kalayaan
ang likhain ang kahinatnan ng kanyang piniling kilos.
Halimbawa:
Malaya ang isang mag-aaral na makisama sa mga kaibigang
maglakwatsa sa halip na pumasok sa paaralan. Subalit ang kalayaang ito ay
hindi nangangahulugang piliin niya ang kahinatnan ng pinipiling kilos. Hindi
maaring piliin niya na magkaroon ng mataas na grado. Kung ang naging bunga
ng iyong pakikipagbarkada at paglalakwatsa ay pagkabagsak mo sa mga
signatura, hindi mo ito pwedeng takasan: You have to pay the price.
Pananagutan mo ang kahinatnan o consequences ng iyong ginawa, ibig sabihin
ang kalayaan ay hindi lubos, ito ay may limitasyon. Ang limitasyon ay itinakda ng
Likas na Batas-Moral.
Ipinaliwanag ni Sr. Felicidad C. Lipio ang kaugnayan ng kalayaan sa
batas na ito katulad ng kaugnayan ng dalampasigan ng baybay-dagat. Ang
dalampasigan ang nagbibigay hugis sa tubig at siyang nagbibigay hangganan
nito. Gayundin ang likas na Batas-Moral ang nagbibigay hugis sa paggamit ng
tunay na kalayaan at nagtatakda ng hangganan nito. Kung gayun ang Batas-
Moral ay isang alintuntunin na kailangang sundin na nagbibigay hugis at
direksyon sa Kalayaan.
Ayon kay Ester Esteban 1990 ang konsepto ng kalayaan ay
nangangahulugang gumagawa o nakakayang gawin ng tao ang nararapat upang
makamit ang pinakamataas at pinakadakilang layunin ng kanyang pagkatao.
Malaya ang tao na linangin at paunlarin ang sarili nito. Kailangang isaisip na ang
kalayaang natatamasa ay kakambal nito ang pananagutan. Paano malaman
kung naging mapanagutan ang paggamit mo ng kalayaan?
Narito ang mga palatandaan ayon kay Esteban (1990):

8
1. Kung naisaalang-alang mo ang kabutihang pansarili (Personal Good)
at kabutihang panlahat (Common Good) upang malampasan ang mga
balakid (hindrances) sa pag-unlad ng ating pagkatao.
2. Kung handa mong harapin ang anomang kahinatnan ng pagpapasyang
ginawa. Ang bawat kilos ay may katumbas na epekto, mabuti man o
masama.
3. Kung ang iyong pagkilos ay hindi labag o salungat sa likas na Batas-
Moral nakasaad sa mga batas na ito ang mga dapat gawin at di dapat
gawin ng tao.
Bagamat may kalayaang pumili ang tao dahil sa kanyang kilos-loob at ang
tao ay may kamalayan (awareness), kaya’t siya ay may kakayahang suriin at piliin ang
nararapat.
Halimbawa:
Gusto mong manood ng mga palabas sa “Youtube” sa
cellphone mo. Ang iyong nabuksang link ay may nakasulat na babala na
“For Adults Only”. Ang iyong kilos-loob ay malayang pumili. Maaaring
nanaisin mong manood at balewalain ang babala. Maari ring hindi mo
panoorin at maghanap ka ng ibang link na may maganda at
makabuluhang palabas. Walang maaaring magtanggol ng panloob na
kalayaan ng tao. Hindi ito maipagkakait, makukuha o maalis sa kanya.
Ang Kalayaan ng kilos-loob ay bahagi ng ating ispiritwal na
aspeto ng ating pagkatao. Bigay ito sa Diyos upang malaya mong hubugin ang iyong
pagkao. Mahalaga na magkaroon ka ng matibay na relasyon sa ating Panginoong Diyos.
Upang maingat sa paggamit ng Kalayaan.

Pagyamanin

Nawa’y maging malinaw sa iyo ang tamang paraan ng paggamit sa


kalayaang ipinagkaloob ng Diyos sa iyo. Bilang pagsukat sa nalaman mong konsepto
gawin mo ang nasa ibaba.
Gawain 3
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na larawan. Ilagay sa Hanay A kung ito ay
nagpapakita ng kalayaan at sa Hanay B kung walang Kalayaan. Isulat lamang
ang titik na katumbas nito. Isulat ang sagot sa dyornal notbuk.

9
Hanay A Hanay B
Nagpapakita ng Kalayaan Nagpapakita ng Pagkawalang
Kalayaan

A. pag –eensayo sa nakahiligang isports B. nakipaglalaro sa aso

C. pakikipaglaro sa mga kaibigan D. pag-aalaga sa nakababatang


kapatid

10
E. pamilyang namamasyal F. pagtatrabaho sa murang
edad

G. nag-aaral sa leksyon H. pangbubully sa mga kapwa


bata

Ang buhay ay isang biyaya na ibinigay ng Diyos sa tao. Kasamang ipinagkaloob


sa
\ tao ang biyaya ng kalayaan upang maalagaan ng tao ang buhay tungo sa mabuting
landas. Isang malaking hamon ng tao na pangalagaan ang kalayaang tinatamasa.

Isaisip

Hangad kong maging matalino at maingat ka sa paggamit ng


kalayaan sa pagtahak mo sa landas na iyong patutunguhan.
Gawain 4
Panuto A: Batay sa Gawain 3, sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat
ang sagot sa dyornal notbuk.
1. Bakit mo nasabi na may kalayaan ang mga larawang itinala sa Hanay A?
2. Bakit mo nasabi na walang kalayaan ang itinala sa Hanay B?

11
Panuto B: Sumulat ng maikling repleksyon o pagninilay sa inyong dyornal
notbuk tungkol sa naunawaan mong kahulugan sa kalayaan sa pamamagitan
ng pagkompleto sa talata.

Para sa akin ang kalayaan ay_____________________________________


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Isagawa

Pagsasabuhay
"Kung hangin ang itatanim bagyo rin ang aanihin". Ito ay ilan lang sa
mga kasabihang nagpapaalala sa iyo na kapag ginagamit sa maling paraan
ang kalayaan, maaring magkaroon ito ng masamang kahihinatnan.
Sa bahaging ito, ilapat mo ang mga natutunan na konsepto tungkol sa
kalayaan sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Gawain 5
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung ano ang
maaaring epekto o kahinatnan nito. Ang unang sitwasyon ay gabay mo bilang
halimbawa. Isulat ang sagot sa dyornal notbuk.

Sitwasyon Maaring Epektong Kahihinatnan


1. Kapag lagi akong lumiban sa - Wala akong natutunan sa klase.
klase. - Babagsak ako sa aking mga
asignatura.
2. Kapag masunurin ako sa aking
mga magulang.
3. Kapag maaga akong makipag-
nobyo o nobya.
4. Kapag nambubully ako ng aking
kaklase.

12
Tayahin

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sumusunod na pahayag sa


dyornal notbuk.
1. Ang kakambal ng kalayaan ay
a. pagnanais c. pagsusumikap
b. pananagutan d. paghahangad
2. Ano ang ibig sabihin ni Esther Esteban (1990) na ang kalayaan ng tao
ay nakabatay sa pagsunod sa Likas na Batas-Moral?
a. Sumusunod tayo sa batas para maging malaya.
b. Nakatakda ang kalayaan sa Batas-Moral.
c. Ang kalayaan ay nakabatay sa pagsunod ng Batas-Moral.
d. Ang kalayaan ay nasa Batas-Moral.
3. Nakasalalay ang kalayaan ng tao sa kanyang
a. puso c. kilos-loob
b. isip d. moralidad
4. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?
a. Hindi makatulog nang maayos si Ronald kung hindi siya makainom
ng alak.
b. Sa sobrang takot ni Dulce sa ina, hindi niya masasabi ang kanyang
mga hinanakit.
c. Hindi mapakali sa kanyang upuan si Matilde dahil nakokonsensya
siya sa kanyang ginagawa.
d. Nag-eensayo si Febe para mahasa ang kanyang talento.
5. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang lumalabag sa Batas-Moral?
a. pakikihalubilo sa iba
b. pakikipagrelasyon sa may asawa
c. pakikipagkaibigan sa kapwa
d. pakikipag-usap sa mga kakilala

13
6. Paano mo malalaman kung napanagutan mo ang paggamit ng
kalayaan?
a. Nagagawa ang gusto at nais mo.
b. Natutugunan ang iyong pangangailangan.
c. Nakahanda kang harapin ang kahinatnan ng iyong pagpapasiya.
d. Nagagawa mong salungatin ang Batas-Moral.
7. Ang nagbibigay direksyon ng kalayaan ay
a. isip c. Batas-Moral
b. puso d. dignidad
8. Alin sa mga salita sa ibaba ang kasalungat ng kalayaan?
a. pagtakas c. pagkakulong
b. pag-aalpas d. pagkawala
9. “Nakakulong ka sa pansarili mong interes”. Anong ugali ang ipinakita
ng tao sa pahayag na ito?
a. mahabagin c. matapang
b. magiliw d. makasarili
10. Ano ang mensahe sa tekstong ito?
Hindi tunay na malaya ang tao kapag wala siyang kakayahang
magmamalasakit sa iba at nakakulong lamang siya sa pansariling interes
a. Ang tunay na kalayaan ay para sa pansariling interes.
b. Tunay na malaya ang tao kung iniisip niya ang pansariling interes.
c. Tunay na malaya ang tao kung napilitan siyang gumawa para sa
iba.
d. Tunay na malaya ang tao kung may kakayahan siyang gumawa ng
mabuti para sa sarili at sa kapwa.
11. Ang batayan sa pagkilos ng tama at mali ay likas na
a. kakayahan c. Batas-Moral
b. katalinuhan d. desisyon
12. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng kawalan ng kalayaan?
a. paggamit ng kakayahan at talento
b. pag-aaral ng leksyon
c. paghahanapbuhay sa murang edad
d. pakikipaglaro sa alagang aso

14
13. Anong sitwasyon sa ibaba ang hindi nagpapakita ng kalayaan?
a. pagtitimpi sa galit
b. pag-eensayo sa nakahiligang laro
c. pag-aalaga sa nakababatang kapatid
d. pangangamba sa epekto ng CoViD-19
14. “Ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti”. Ang
pangungusap ay
a. Tama, dahil likas sa tao ang kabutihan.
b. Tama, dahil ang tunay na kalayaan ay mapanagutan kaya’t
inaasahan ito ay gagamitin sa paggawa nang naaayon sa
kabutihan.
c. Mali, dahil ang tunay na kalayaan ay ang paggawa ng mabuti ayon
sa paghusga ng tao.
d. Mali, dahil ang magkakaroon lamang ng kabuluhan ang kalayaan
kung malayang magagawa ng tao ang mabuti at masama.
15. Ang Kalayaan ng kilos-loob ay bahagi ng ating
aspetong______________.
a. pisikal c. emosyonal
b. ispiritwal d. pinansyal

15
Karagdagang Gawain

Binabati kita sa matagumpay mong paglalakbay sa modyul 5. Narito


ang karagdagang gawain na lalong makatutulong sa iyong pag-uunawa
tungkol sa konsepto ng kalayaan.
Gawain 6
Panuto: Sa pamamagitan ng graphic organizer, isulat sa bilog ang mga
salitang may kaugnayan sa kalayaan. Piliin sa loob ng kahon ang mga salita.
Gawin sa dyornal notbuk ang ilustrasyong nasa ibaba.

kilos-loob kapaligiran kakayahan

pananagutan kasabihan katarungan

limitasyon kahinatnan kamalayan

Kilos-loob
Halimbawa:

KALAYAAN

16
Susi sa Pagwawasto

Paunang Pagtataya Tayahin

17
Sanggunian

Aklat

Department of Education Grade 7 Learner’s Material

Online

Hinango noong May 17 2020


https://4.bp.blogspot.com/-
dT73nnq9cUM/WlcWzM5EFII/AAFc/mqlkURHBIJ4W5v7PEOjNgqZdVadu49RIQ
CLcBGAs/s1600/Capture.PNG

http://education976.rssing.com/chan-15192272/all_p1.html/

http://richeanne.blogspot.com/2015/03/10-uri-ng-kaibigan-na-makikilala-mo-
sa.html?m=1

18
Parasa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10

Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang


Cagayan de Oro City, 9000
Telefax: (088) 880 7072
E-mail Address: reiogn10@deped.govph
19

You might also like