You are on page 1of 8

Baliwag Polytechnic College

Dalubhasaan Kong Mahal

1nd Semester
A.Y. 2020 – 2021
PRELIMINARY EXAMINATION
SosLit

Pangalan: ____________________________ Instraktor: _________________________

Antas at Seksyon: ____________________ Puntos: ___________

Panuto: Gumawa ng reaksyong papel na tumatalakay sa kasalukuyang sitwasyon ng Panitikang

Filipino. Mag silbing gabay sa pag-gawa ang Analitikal na Rubrik. ( 20 puntos )

Checkbrik sa Pagsulat ng Reaksyong Papel

PAMANTAYAN Katangian (4 puntos) 4 3 2 1

MASAKLAW NA Sapat ang sakop na mga impormasyong
NILALAMAN (pangkasaysayan, kultural, pang-ekonomiya
at panturismo)
PAGKAMA- LIKHAIN Orihinal ang pagkakasulat sa teksto dahil
gumamit ng iba’t ibang matatalinhaga at
malikhaing pagpapahayag, mapang-akit ang
panimula’t wakas, at nagsanib ng mga
tekstong hinalaw mula sa mga panitikan ng
itinatampok na kaisipan.
KAPAKIPAKINABANG NA Makabuluhan at praktikal para sa lahat ang
AGENDA mga inimumungkahing idealismo sapagkat
pangmatagalan ito sa kamalayan ng madla.
MABISANG Malinaw ang ginawang paglalahad at
PAGPAPAHAYAG paglalarawan sa iba’t ibang impormasyon
kaugnay ng itinatampok. May kaisahan ang
daloy ng mga pahayag sa kabuuan ng teksto.
GAMIT NG WIKA Mahusay ang pagkakasulat dahil sinusunod
ang mga alintuntuning panggramatika
(baybay, bantas, gamit ng salita,
pangungusap) sa lahat ng pagkakataon.
PAPEL-REAKSYON

______________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

II. Sumulat ng maikling sanaysay hinggil sa binasang akda. Mag silbing gabay yung checkbrik sa
itaas.
II. Sumulat ng maikling sanaysay hinggil sa babasahing akdang pampanitikan. Magsilbing
gabay yung checkbrik sa itaas. ( 20 puntos )

Panitikang Panrehiyon, Panitikang Pambansa: Magkabukod at Magkanugtong

Isang problematikong humihingi ng maagap at masusing pagsusuri ang relasyon ng

panitikang panrehiyon at panitikang pambansa. Sa nagdaang ilang panahon ng pananaliksik,
pagsusuri at pagtuturo ng panitikan ng Pilipinas, may mga akdang nasimulang ituring na
nakaposisyon sa sentro at, samakatwid, iginagalang bilang mga obrang kumakatawan sa
pinakamahuhusay at pinaka-makabuluhang halimbawa ng mga nasulat ng mga Filipino. Sa
diskursong pangkritisismo ng àting panahon, ang nasabing mga akda ang siyang bumubuo sa
"kanon" ng panitikan ng Pilipinas.
Atin munang ipaloob ang salita sa mga panipi. Kailangan pa kasing suriin kung wasto nga bang
tawaging "kanon" ang kalipunan ng mga akdang nabanggit. Tandaan lamang natin na ang mga
akda at ang kanilang mga awtor ay napatanyag sa pamamagitan ng Sistema ng edukasyon sa
ating matataas na paaralan at kolehiyo. Ilang henerasyon ng mga teksbuk para sa pag-aaral ng
mga akdang Filipino ang pauit-ulit na nagtampok sa mga manunulat na katulad nina Francisco
Baltazar, Lope K. Santos, Valeriano Hernandez Peña, Fernando Ma. Guerrero, Jose Garcia Villa,
at Paz Marquez Benitez sa mga nauna), at Alejandro G. Abadilla, Macario Pineda, Arturo B.
Rotor, Manuel E. Arguilla, Jesus Balmori at Amado V. Hernandez (ilan sa mga sumunod). Sa
ganyari kasimpieng proseso, nagsimulang mabuo ang matatawag nating "kanon." Ngayoy
kailangan na nating balikan ang mga batayan kung bakit ang mga manunulat na ito ang
napatampok sa "kanon" at hindi ang iba, kung bakit tatlong panitikan lamang (Tagalog, Ingles at
Espanyol) ang may kinatawan sa "kanong" yan. Ang lalong maHalagang tanong para sa okasyon
ay kung bakit hindi nakapasok sa "kanon" ang mga awtor na sa wikang rehiyonal nagsulat. Ang
naiwang impresyon tuloy sa ilang henerasyon ng mga estudyante ay walang puwang sa "kanon"
para sa mga manunulat sa mga rehiyonal na wika.

Ang kanon" na inilarawan sa itaas, sa kapangyarihan ng Sistema ng edukasyon at sa bisa

ng pag-uulit, ay itinuturing na siya mismong "Panitikang Pambansa." Isang katiwalian ang
ganyan dahil marami pang awtor mula sa iba-ibang panitikang panrehiyon ang naiwan sa labas
ng "kanon." Bago maikapit ang katangiang "pambansa" sa panitikang binubuo ng mga akdang
kabilang sa kasalukuyang "kanon," kailangan nitong sumalamin sa kabuuan ng mga akdang likha
ng mga Filipinong mula sa iba't ibang panahon at wika.

Saksi ang maraming manunulat at guro sa realidad na pumipigil sa madaliang pagpasok

ng mga akda mula sa mga rehiyon. Hanggang ngayon na marami nang mulat na sa kahalagahan
ng panitikang panrehiyon, ay mabagal pa rin ang pagpasok ng mga manunulat na panrehiyon sa
mga teksbuk na ginagamit sa mga paaralan. Dapat alalahanin na nito ha lamang dekada 80
naging malaganap sa akademya sa sentro (Kamaynilaan) ang kamalayang nagpapahalaga sa mga
akdang nasusulat sa mga wikang Filipinong bukod sa Tagalog. Nasimulan na ang masigasig na
pagtitipon sa mga akdang bernakular sa mga institusyong tulad ng Cebuano Studies Center,
Visayan Studies Center, at iba pa. Subalit ilan pa rin ang mga kritikong humilitaw na may sapat
nang kasanayan sa pag-uuri-uri at pagsusuri sa mga akdang natipon, sa dahilang ang mga iskolar,
na siyang may pagsapol sa kasaysayan at kontekstong panlipunan, ay hindi lagging handang
gumanap sa tungkulin ng kritiko.

Napag-ukulan ko ng paglilimi sa unang pagkakataon ang relasyong panrehiyon-

pambansa sa panitikan, nang maging bahagi ako ng pagsisikap na linawin para sa CCP Writing
Grants Program ang pagkakaiba ng wikang Tagalog sa wikang Filipino. Nagsimula iyon sa
pagtatanong: Ang pagkaka ba ng Tagalog sa Flipino ay usapin lamang ng bokabularyong
hiniram o ng istraktyur ng wika? Natuklasan kong ang pagkakaiba ay usapin din ng kulturang
pinag-ugatan ng wika, dahil panitikang panrehiyon ang panitikang Tagalog, na sa isang paglihis
ng kasaysayan ay itinuring na ring "panitikang pambansa."

Bunga ng ganoong pagkatuklas, naging panawagan ng isa kong maikling sanay say ang
"Ibalik sa rehiyon ang panitikang Tagalog." Sa isang bahagi ng nasabing sanaysay, ganito ang
sinabi ko tungkol sa "panrehiyon" at "pambansa": Hindi ko layunin na pagsalungatin ang
*panrehiyon" at "pambansa. " Nais ko lamang igüt ang nawala sa panitikang Tagalog nang
nadamay ito sa usaping pangwika nang maging batayan ngwikang pambansa ang uikang
Tagalog. Impartante sa palagay ko na pag-ukulan ng pansirn ng manunulat unang-una ang mga
realidad na tuwirang nauugnayan niya, nang sa ganoon ay makaikha siya ng daigdig sa akda na
hitik sa mga katunayang siyang nagpapasigla sa pagsasalaysay at sa pagtula. Sa maikling salita,
ang "panrehiyon ay siyang batayang daigdig ng manlilikha, at kung maging pambansa man siya
ay sa dahilang ang kanyang mga katangiang panrehiyon' ay nagsilbing tuntungan tungo sa higit
na malauwak.na daigdig sa labas ng rehiyon.

Sa kasaysayan ng pagbubuo ng Wikang Pambansa, isinabatas na ang wikang Tagalog ay

gawing batayan ng wikang palalaganapin sa lahat ng Filipino. Ibinunga nito ang paggamit sa
mga akdang Tagalog bilang batayang babasahin sa panimulang pag-aaral ng wikang pambansa.
Sa kalaunan, lumabo ang linyang naghihiwalay sa panitikang Tagalog bilang panitikang
panrehiyon sa panitikang itatanghal bilang "panitikang pambansa." Hindi maitatangging
kaburaraan ang pinagmulan ng paglabo, kung kanino at bakit ay hindi na muna natin tatalakayin
dito. Ang importante ay muling iukit ang linyang nagtatampok sa pagkakaiba ng "panrehiyon" at
"pambansa."

Sa loob ng panahong ang panitikang Tagalog ay halos nagging katumbas ng panitikang

pambansa, ang mga panitikang panrehiyon na pinangungunahan ng Sebuwano, Ilonggo at Ihuko,
ay nabuhay at umunlad nang may bahagyang kaugnayan lamang sa panitikang sinusulat sa sentro
ng bansa.
Ang "bahagyang kaugnayan" ay makikita sa limitadong relasyon ng tatlong prinsipal na
panitikang rehiyonal-Sebuwano, Hiligaynon at Iluko-sa panitikang Tagalog na nakapalaman sa
Liuwayway. Dahil ang Bisaya, Hiligaynon at Bannauag ay mga publikasyong "kapatid" ng
Liwayuway, may panahon na dinala ng mga ito ang mga salin sa Sebuwano, Ilonggo at Iluko ng
mga akdang Tagalog. Ang ganitong isang-patunguhang relasyon ay hindi nagbunga ng palitan ng
bias na siya sanang nagaganap tuwing may makabuluhang pagtatagpo ang panitikang rehiyonal
at ang panitikang pambansa.

Bagamat hindi maitatangging mahalaga ang pagsasalin sa wikang rehiyonal ng mga

akdang Tagalog sa Liwayway, ang relasyong hinahanap natin sa pagitan ng panrehiyon at
pambansa ay relasyong diyalektikal. Ibig sabihin, nais nating iwasan ang relasyong malakas
mahina sa pagsasalin ng mga akda, na siyang nasasaksihan kapag ang pambansa ay itinuring na
may "pribilehiyo" kayat siyang dapat mangibabaw. Kapwa may sariling natatanging bisa ang
panrehiyon at pambansa, at malaking pakinabang para sa isa't isa kung magkakasalinan ng bisa
ang dalawang entidad.

Ano ba ang prinsipal na bisa ng panitikang panrehiyon? Iyon ay ang panloob na

paninging nagpapalalim at nagpapatibay sapag ugat ng mga akda sa tradisyonal na kultura ng
rehiyon. Ano naman ang prinsipal na bisa ng panitikang pambansa? Iyon ay ang paiabas na
paninging nakabukas sa ibang kultura, katutubo man at dayuhan, na nagpapalawak sa repertoryo
ng kaisipan at pamamaraan na magagamit ng manunulat. Sa palitan ng bisa ng dalawang panig,
nagiging mabulas at matago ang paglikha ng mga manunulat; kayang abutin, arukin at namnamin
ang mga akdang panrehiyon ng tagalabas, at ang kaibang pananaw ng tagalabas at ang
mgamalikhaing inobasyong galing sa ibang panitikan ay nakapag- papasigla sa paglitaw ng bago
sa panitikang panrehiyon.

Ang diyalektikang magbubunga ng palitan ng bisang minimithi natin ay nagpapatampok

sa mahigpit na pangangailangan para sa puspusang pagsasagawa ng pagsasalin. Sa mga darating
na panahon, gawaing humihingi ng pondo, talino at suporta ng mga institusyon ang pagsasalin ng
panitikang panrehiyon sa wikang Filipino. At kasabay ng puspusang pagsasalin, inaasahan nating
magiging puspusan din ang paglalatag ng kasaysayan at konteksto ng iba ibang panitikang
panrehiyon, at ang pagsusuri sa mga sentral na obra mula sa iba-ibang rehiyon.

Hanggat ang mga panitikang panrehiyon ay hindi pa nasisinop ng mga iskolar at kritiko,
nakabimbin ang pagbubuo ng tunay at awtentikong kanon, at hindi pa rin tayo handa para pag-
usapan nang may bahagyang katiyakan ang tinatawag nating Pambansang Panitikan.
MAIKLING SANAYSAY

_____________________________________
III. Sagutin ang mga katanungan hinggil sa babasahing maikling sanaysay. (2 puntos bawat isa)

Kahirapan sa Pilipinas

Akda ni Ghie

Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat na problema ng ating bansa. Madalas nating sisihin ang
maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga
Pilipino na tamad?

Sabi nga nila, "Katamaran ay katumbas ng Kahirapan". Tama sila, at tama rin naman ang mga
taong nagsasabing nasa gobyerno ang pagkakamali. Sinasabi ng karamihan, kaya sila naghihirap
ay sa kadahilanang wala silang trabaho, pero ang totoo, maraming trabahong nakalaan, mapili
lang talaga ang mga Pilipino. Pero hindi rin natin sila masisisi, mas pipiliin pa nilang maupo na
lang sa isang tabi at manghingi ng limos kaysa magpakapagod sa napakabigat na trabaho at
kumita ng isang daang piso sa isang araw. Pero sa kadahilanang ito, pinapakita lang natin na tayo
ay tamad, pinakadahilan ng kahirapan.

Pangalawa sa mga dahilan ay ang maling gawain ng mga pinuno ng ating bansa, ang pagbubulsa
sa kaban ng bayan. Ang mga pondo na para sa pagpapaunlad ng buhay ng mga mahihirap ay
ginagamit ng mga pulitiko para sa sarili nilang interes. Sapat ang sweldo ng mga pinuno ng ating
bansa, ang totoo ay sobra-sobra pa ito para bumuhay ng isang pamilya, pero patuloy pa rin sila sa
maling gawain nila.

Kamakailan lang ay sinabi na umaangat na ang ekonomiya ng ating bansa, pero wala kahit isa
ang nakaramdam nito. Kailangan pa ring pumila ng matagal para lang makabili ng NFA Rice,
mataas pa rin singil sa gasolina, sa kuryente at halos sa lahat ng bilihin, hindi kasya ang sweldo
ng isang empleyado lamang.

Dahil sa maling gawain ng mga pulitiko, mga simpleng mamamayan ang naaapektuhan, dahil
mas pinipili nilang ibulsa ang malaking ponding pangkahirapan kaysa idagdag sa sweldo ng mga
empleyado, isang malaking kamalian sa parte ng mga pinuno.

Pangatlo sa mga kadahilanan ay ang pagiging iresponsable ng mga Pilipino, o ang kawalan ng
paninindigan. Kung magiging responsible lamang ang mga magulang ng mga batang kalye ay
malamang walang pakalat-kalat na bata ngayon sa lansangan, walang uhuging bata na
nanghihingi na limos, at walang kaawa-awang mga mukha ng mga gutom na bata ang makikita
natin.

Kung pinag-aaral lamang sila ng kanilang magulang, malamang ay magkakaroon sila ng

magandang kinabukasan. Bumabalik nanaman dito ang kadahilanang wala silang trabaho, pero
may mga programa ang ating pamahalaan, maging ang local, para sa libreng pag-aaral, pero
mukhang hindi nauubusan ng dahilan ang Pilipino kung bakit hindi sila nakaka-pagaral, at
ibabalik nanaman ang sisi sa gobyerno.
Ang katotohanan ay tayo mismo ang dahilan ng ating paghihirap, tayong mga mamamayan ng
bansa natin. Kung sisimulan natin ang pagbabago sa sarili natin, malamang ay mababagao rin
natin ang antas ng ating pamumuhay, pinuno ka man o simpleng mamamayan ay dapat magbago
para sa ikauunlad nating lahat.

1. Paano inilahad ang suliranin?

2. Paano nakaapekto ang suliranin sa kabuuan ng sanaysay?

3. Ano ang nais ibunyag ng manunulat sa sanaysay na “ kahirapan sa Pilipinas” ?

4. Anong tunggalian mayroon sa sanaysay?

5. Aling bahagi ng sana ysay ang tumatak sayo?

You might also like