You are on page 1of 42

INTRODUKSIYON SA

PANANALIKSIK
PAMANTAYANG
PANGNILALAMAN :
Nauunawaan ang may masusing
pagsasaalang-alang ang mga
lingguwistiko at kultural na katangian at
pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino at
mga sitwasyon ng paggamit ng wika dito.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP :
Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik
sa mga penomenang kultural at panlipunan sa
bansa
PAMANTAYANG
PANGNILALAMAN :
Nauunawaan ang may masusing
pagsasaalang-alang ang mga
lingguwistiko at kultural na katangian at
pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino at
mga sitwasyon ng paggamit ng wika dito.

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

• Nasusuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang


Pilipino
• Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang
pananaliksik
• Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang
kultural at panlipunan sa bansa
POKUS NA TANONG:

• Bakit mahalagang malinang ang


ang kasanayan sa pagsulat ng
sulating pananaliksik? Sa ano-
anong pagkakataon nagagamit
ang kakayahang ito?
INTRODUKSIYON
SA
PANANALIKSIK
⮚Isang disiplina

⮚May malaking papel na


ginagampanan sa pag-unlad ng
komunidad, kalakalan, edukasyon,
pulitika at iba pa.

⮚Nakatutulong ang resulta ng


pananaliksik sa pagbabago ng sistema
ng isang kalakaran.
KAHULUGAN/KATUTURAN

⮚Ayon kay Aquino (1974) ang


pananaliksik ay maingat at sistema-
tikong paghahanap ng kaukulang
impormasyon o datos sa tiyak na
paksang pag-aaralan.
KAHULUGAN/KATUTURAN

⮚Sina Treece at Treece (1977) ay


nagbigay ng puna na ang
pananaliksik ay isang pagtatangkang
makahanap ng mga solusyon sa
mga suliranin. Ito ay tinipong datos
sa kontroladong sitwasyon para sa
pagpapaliwanag at pagbibigay ng
prediksyon.
KAHULUGAN/KATUTURAN

⮚Isang makaagham na pagkuha at


pangangalap ng mga tala upang
malutas ang isang suliranin.
KAHULUGAN/KATUTURA
N
⮚Sina Atienza at iba pa (1996) ng
Unibersidad ng Pilipinas ay bumuo ng
isang praktikal na depinisyon ng
pananaliksik. Ayon sa kanila, ang
pananaliksik ay ang maingat,
sistematiko, mapanuri at kritikal na
pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa
isang bagay, konsepto, kagawian,
problema, isyu o aspekto ng kultura at
lipunan.
TUNGKULIN
AT
RESPONSIBILIDAD
NG
ISANG
MANANALIKSIK
KATANGIAN NG
MANANALIKSIK

masigasig

masinop
KATANGIAN NG
MANANALIKSIK

masistema

mapamaraan
KATANGIAN NG
MANANALIKSIK

magaling
magsiyasat

may
pananagutan
KATANGIAN
NG
ISANG
PA N A N A L I K S I K
KATANGIAN NG
PANANALIKSIK

sistematiko

emperikal
KATANGIAN NG
PANANALIKSIK

pagsusuri

obhektibo,
walang
kinikilingan at
lohikal
KATANGIAN NG
PANANALIKSIK

ginagamitan
ng hipotesis
MGA HAKBANG
SA
PANANALIKSIK
MGA HAKBANG SA PANANALIKSIK
1. Pagpili ng tamang paksa
• isinasaalang-alang ang interes ng
mananaliksik.
• napapanahon
• makabuluhan at kailangan ng
mananaliksik nito o higit ng malaking
kliyente- ang lipunan o ang bansa sa
kabuoan.
MGA HAKBANG SA PANANALIKSIK
2. Pagbuo ng Pahayag ng Tesis
Ito ang pahayag na magsasaad ng
posisyong sasagutin o patutunayan ng
bubuoing pananaliksik.

▪ Ano ang lalayunin sa pananaliksik?


▪ Sino ang mambabasa?
▪ Ano-anong kagamitan o sanggunian
na kakailanganin?
MGA HAKBANG SA PANANALIKSIK
2. Pagbuo ng Pahayag ng Tesis
Ito ang pahayag na magsasaad ng
posisyong sasagutin o patutunayan ng
bubuoing pananaliksik.

(Basahin ang mga gabay na tanong).


Halimbawa:
Mga Salik na Nakaaapekto sa
Pagpili ng mga Mag-aaral ng Strand
sa Senior High School
3. Paghahanda ng Pansamantalang
Bibliyograpiya
▪ aklat
▪ magasin
▪ dyornal at iba pang mapagkukunan
ng datos
▪ Maaari makakuha ng mga datos
mula sa internet subalit, marami rin
ang kaduda-duda at minsa’y walang
katotohanan.
MGA HAKBANG SA PANANALIKSIK
3. Paghahanda ng Pansamantalang
Bibliyograpiya (3” x 5” na index
card)
Pangalan ng Awtor
Pamagat ng kanyang isinulat
Impormasyon ukol sa pagkakalathala
⮚Mga naglimbag
⮚Lugar at taon ng pagkakalimbag
⮚Pamagat ng aklat
Ilang mahahalagang tala ukol sa
nilalaman
4. Paghahanda ng Tentatibong
Balangkas

▪ Nagbibigay direksyon sa
pagsasaayos ng iyong mga ideya at
pagtukoy kung ano-anong materyal
ang kailangang hanapin.
▪ Maaaring gamitin ang iyong
inihandang card ngbibliyograpiya
upang maging gabay sa pagbuo mo
ng bibliyograpiya.
5. Pangangalap ng mga kinakailangang
datos at materyal.
Pagbabasa sa mga nilalaman ng aklat,
magasin at dyornal na binanggit sa
bibliyograpfi. Pinagpapasyahan ng
mananaliksik kung alin sa mga datos na
ito ang mahalagang makuha at
maisama sa gagawing pag-uulat.
6. Pag-oorganisa ng nilalaman batay
sa balangkas.

Aayusin ng mga mananaliksik ang


nakalap na datos ayon sa uri ng
paglalahad o batayang gagamitin sa
ulat.
7. Pagsulat ng Pananaliksik
Maayos na isinasagawa ang pasulat na
ulat batay sa mga naunang ginawang
preparasyon ngmananaliksik.
Kadalasan ito ay inaabot ng isa o higit
pang linggo depende sa uri ng
pananaliksik na isasagawa.
8. Pagrerebisa ng papel
Dumaraan ang unang draft ng isinulat
sa masusing editing upang matiyak
na may kawastuan sa paggamit ng
wika at istilo.

9. Pagsulat ng pinal na papel.


INTRODUKSIYON SA
PANANALIKSIK
Performance Task

INTRODUKSIYON
SA
PANANALIKSIK
Pamantayan sa Pagganap:
Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik
sa mga penomenang kultural at panlipunan sa
bansa.
Gabay sa Pagbuo:

1. Ang klase ay hahatiin sa 7 pangkat. Ang bawat


pangkat ay mag-iisip ng paksa na maaaring maging
pokus ng panimulang pananaliksik. (Halimbawa:
online learning)
2. Ang bawat pangkat ay pagpaplanuhan ang mga
maaaring isagawang hakbang sa panimulang
pananaliksik
3. Mangalap/manaliksik ng mga 5 pataas
na sangguniang magagamit sa pagbuo ng
panimula/introduksiyon

4. Sa paglalahad, sundin ang balangkas


sa ibaba para sa mga bahagi ng bubuoing
ulat:
Pahayag ng Tesis:

I. Panimula
▪ ipakilala ang paksa sa tulong ng impormasyong nakalap mula
sa nakuhang mapagkakatiwalaang sanggunian
▪ sa huling bahagi ilahad ang layunin sa pananaliksik

II. Kahalagahan ng magiging Pag-aaral


III. Saklaw at Limitasyon ng magiging Pag-aaral
IV. Magiging Paraan sa Pangangalap ng Datos – talakayin sa
bahaging ito ang nabuong plano kung paano mangangalap ng
datos ang pangkat kung ito ay isasagawa na
V. Mga Sanggunian (APA Format)
Pagsulat ng Sanggunian
⮚ Gamitin ang (American Psychological
Association) APA

Para sa mga Aklat


Apelido ng Awtor, Pangalan ng Awtor.
(Taon ng Paglilimbag) Pamagat.
Lungsod ng Tagapaglimbag:
Tagapaglimbag.
Pagsulat ng Sanggunian

⮚ Para sa mga Artikulo sa Pahayagan


o Magasin

Apelido ng Awtor, Pangalan ng Awtor.


(Taon ng Paglilimbag) Pamagat ng
Artikulo. Pamagat ng pahayagan o
magasin, Paglilimbag #. (Isyu #),
pahina #.
Pagsulat ng Sanggunian

⮚ Para sa Kagamitang Mula sa


Internet

Awtor. (Petsa ng Publikasyon)


“Pamagat ng Artikulo o Dokumento.”
Pamagat ng Publikasyon. Petsa kung
kailan sinipi o ginamit mula sa buong
web address sa http://.
MGA SANGGUNIAN
(HALIMBAWA)
Dayag, A. et al (2016). Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino. Phoenix Publishing House. Quezon Ave., Quezon
City.

Gonzales, E. (2019). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.


Golden Cronica Publishing Inc. Novaliches, Quezon City.

Gonzalo Jr., R. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino. Mindshapers Co., Inc. Intramuros, Manila.

Talegon Jr., V. (2016). Daloy ng Wika: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino. Brilliant Creations Publishing Inc. Novaliches, Quezon City.

Valverde, O. et al (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino para sa Baitang 11. Mindshapers Co., Inc. Intramuros, Manila.

You might also like