You are on page 1of 8

Dalumat sa Filipino

Modyul 6: Pagsulat ng Dalumat-Sanaysay

I. Mga Layunin: Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. Maipaliwanag ang kahalagahan ng wikang Fiipino sa pagdadalumat o pagteteorya.
2. Matukoy nag mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki-pakinabang na sanggunian sa
pagdadalumat at pananaliksik.
3. Malikhain at mapanuring makapag-ambag sa pagpapaliwanag at pagpapalawak ng piling
makabuiluhang konsepto nat teoryang lokal at dayuhan na akma sa konteksto ng komunidad at
bansa.
4. Maisaprkatika at mapaunlad pa ang mga batayang kasanayan sa pananaliksik.
5. Makapagbasa at makapagbuod ng impormasyon, istadistika, datos at iba pa mula sa babasahing
nakasulat sa Filipino sa iba’t ibang larangan.
6. Makapagsalin ng mga artikulo, pananaliksik at iba pa na makapag-aambag sa patuloy na
intelektwalisasyon ng wikang Filipino.
7. Makapagpahayag ng makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at modernong
midyang akma sa kontekstong Pilipino.
8. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at analisis na
akma sa iba’t ibang konteksto.
9. Malinang ang Filipino bilang daluyan ng inter/multidisiplinaring pagdadalumat at pananaliksik na
nakaugat sa realidad ng lipunang Pilipino.
10. Makabuo ng isang sanaysay hinggil sa isang mungkahing rebisyon o ekspansyon ng isang umiiral
na konsepto o teorya o kaya’y isang mungkahing bagong konsepto o teorya na akma sa mga
realidad ng lipunang Pilipino.
11. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling teorya ng mga Pilipino sa iba’t ibang larangan.
12. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pagsasagawa ng
pananaliksik.
13. Mapahalagahan ang dinamikong ugnayan ng teorya at praktika sa pananaliksik.
14. Makpag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng makabuluhan at mataas
na antas ng diskurso na akma at nakaugat sa lipunang Pilipino, bilang wika ng pananaliksik na
nakaayon sa pangangailangan ng komunidad at bansa.
II. Introduksyon

46CourseHero.com on 03-29-2023 23:07:50 GMT -05:00


This study source was downloaded by 100000864169057 from

https://www.coursehero.com/file/114410483/DALUMAT-MODYUL-6docx/
Dalumat sa Filipino

Mula sa naunang pagtalakay, ipinakilala ang “pagdadalumat” bilang panumbas sa gawain ng


pagteteorya, pagbuo ng mga konsepto at mga kaisipan na mailalapat sa pagsusuri ng iba’t ibang
kalagayang panlipunan. Itinatanghal ng gawaing ito ang bisa at kakanyahan ng Filipino sa mataas na
akademiko at pambansang diskurso sa pamamagitan ng iba’t ibnag masinop, kritikal at nalitikal na
gawain ng pagbasa, pagsusuri at pagsasalin ng mga kaalamang lokal at dayuhan. Mula rito, inaasahang
makapag-ambag ang gawaing ito kapakipakinabangang panlipunan, partikular sa karanasang Pilipino na
dumaan sa ilang yugto ng kolonyal at nagpapatuloy sa neokolonyal na dominanteng kaayusan sa lahat
ng aspekto ng pamumuhay at talastasang Filipino.
III. Mga Aralin
Kahulugan ng Dalumat-Sanaysay
Pagtatambal ng dalawang salitang “dalumat” at “sanaysay” ang bumubuo sa salitang dalumat-
sanaysay na kapag pinagsanib ay nakakalikha ng bagong pagpapakahulugan. Sa diksyunaryo -Tesauro
Pilipino-Ingles ni Panganiban (1972), ang “dalumat” ay tumutukoy sa pinakamalalim na kaisipan at
abstraktong pagkokonkonsepto, na kasingkahulugan din ng mga salitang paglilirip at paghihiraya.
Samantala, ang iniaangkop na salitang “sanaysay” naman sa pagpapakahulugan ni Lumbera (2000), ay
tumutukoy sa alinmang akdang prosa na nagbabahagi ng impormasyon, nagpapaliwanag, umaakit na
paniwalaan ang isang panig, tumutuligsa, at umaaliw. Kung pagsasamahin, maaaring mabuo ang
pagpapakahulugan sa dalumat-sanaysay bilang isang gawaing kritikal sa larangan ng pagsulat na
layuning magpaliwanag, magbigay impormasyon, maghapag ng katwiran, tumuligsa at mang-aliw
gamit ang malalim na kaisipan, ideya o konsepto.
Mahalagang idagdag din bilang kahingian sa uri ng sulating ito ang malinaw na tunguhin kung bakit
nagdadalumat na maibubuod sa sumusunod na punto:
1. Patuloy na paglinang at pagpapayaman sa kakanyahan ng wikang Filipino sa proyekto ng
intelektwalisasyon o Filipino sa paglinang ng iba’t ibang disiplina.
2. Makapagmulat at makapagpalalim ng kaalaman, kasanayan, at kamulatan ukol sa pambansa at
makabansang diskurso, at
3. Makapagsulong ng kritikal na larangan at talastasang kapaki-pakinabang sa komunidad at bansa.
 Mahalaga ang nabanggit na karagdagang paglilinaw ukol sa tunguhin ng pagdadalumat upang
maisakatuparan ang isa sa inihahapag ni Rosario Torres-Yu na landas ng Filipino sa pagbuo ng
“Filipinong diskursong pangkalinangan,” aniya:
Ang pakikibaka para itampok ang kaisipang Filipino at ang orihinal dito, at marinig ang
mataginting na tinig ng Filipinong intelektwal na mahigpit na nakaugnay sa kanilang bayan ay
mahalagang sangkap ng mithiing kalayaan ng bayan. Kailangang humupa, lalong mabuti’y mawala,

47CourseHero.com on 03-29-2023 23:07:50 GMT -05:00


This study source was downloaded by 100000864169057 from

https://www.coursehero.com/file/114410483/DALUMAT-MODYUL-6docx/
Dalumat sa Filipino

ang pagdududa ng Filipinong intelektwal sa sarili niyang kaakyahang makabuo ng bago, sarili, at
orihinal, sa wikang nag-uugnay sa kaniya sa kalinanagang bayan. Ang lalong mainam ay kumalat ang
kamalayang ito sa hanay ng mga bago at sumisibol na intelektwal (2005).
 Mula sa ganitong hamon, ang pagsulat ng dalumat-sanaysay ay hindi na lamang simpleng pagtatahi
o paglulubid ng mga salita para sa pagsasanay ng katalasan ng isip at pagbabanghay ng mga
konsepto para sa akademikong layunin. Inililinaw sa puntong ito, ang malalim na ugnayan at
pananagutang salig sa mithiing pagpapalaya ng bayan. Malaya sa dominanteng kontrol ng kaisipan
at pamamaraang Kanluranin. Bagama’t, gumagamit ng mga dayuhang wika at teksto ay ilang
pagkakataon ay hindi isinasantabi ang mga orihinal at sariling pananaw ng mga Pilipinong iskolar.
Gayundin, lagi-laging may malinaw na panig ang iskolasyip batay sa interes ng pambansang
kalinangan at kaunlaran.
Mga Hakbang sa Kritikal na Pagsulat ng Dalumat-Sanaysay
A. Pagninilay sa Tunguhin, Adbokasya at paksa sa Pagdadalumat.
Tulad sa pagsulat ng anumang kritikal na papel at pananaliksik, nagsisimula ang dalumat-sanaysay
sa pagpili ng iskolar o mananaliksik sa kanyang paksang tatalakayin. Mahalagang balikan ang mga
nabanggit na tunguhin o adbokasya sa mga nakaraang talakayan upang magabayan sa panimulang
hakbanging ito. Madalas, lumilinaw ang paksang nakabatay sa tunguhin at adbokasya, kung sisimulang
pagnilayan ang mga napapanahon at kinakaharap na problema sa isang partikular na komunidad,
panahon, at panlipunang karanasang kinasasangkutan ng iskolar at ng kanyang mga kababayan.
Mahalagang nakalubog ang iskolar sa kanyang paksa upang matukoy ang mga pangangailangan nito.
Maaring pannilayan nag mga isyung may kinalaman sa tradisyon at katutubong pamamaraan,
tunggalian sa kinabibilangang sektor, at mga pambansa at pandaigdigang kalagayan. Posible ring paksain
ang mga isyung kaugnay sa uri, kasarian, identidad, at iba pang komplikadong tema ng pagkatao at
pagkamamamayan.
B. Pagpapasya ng Suliranin at Isyung Batayan sa Pagdadalumat
Matapos mapagpasyahan ang paksa, kailangang isagawa ng masinsin at mapanuring pagbabasa ng
mga tekstong lokal at dayuhan na may tuwiran at di-tuwirang kaugnayan sa napiling paksa upang
makita ang mga gap o suliraning magsisilbing pokus ng talakayan at paghanap ng solusyon. Ang
mabisang suliranin na hinubog sa pakjsa ay mararapat lamang hubugin batay sa praktikal at
kongkretong kalagayan. Mahalagang tumtutugon ito sa mga hamon at nakapag-ambag sa tinatahak na
tunguhin at adbokasya ng pagdadalumat.Kailangang makabuo ng pangunahin at pansuportang suliranin
upang mahiomay rin ang paksa sa partikular na mga bahagi. Maaaring banghayin ang suliranin at isyu sa
serye ng mga katanungan ukol sa paksa.

48CourseHero.com on 03-29-2023 23:07:50 GMT -05:00


This study source was downloaded by 100000864169057 from

https://www.coursehero.com/file/114410483/DALUMAT-MODYUL-6docx/
Dalumat sa Filipino

C. Mapanuring Proseso ng Pagbabasa, Pagsasalin at Paglalagom ng mga Ideya.


Magmumula ang pinal na suliranin sa lawak at limitasyon din ng mga magagamit na sanggunian at
kurpos ng teksto kaugnay sa paksa. Kung kaya mahalagang gawain ang pagbabasa para tentatibong
masukat ang posibilidad ng isinusulat. Sa aktwal na proseso ng pagbasa, ilan sa mungkahing isagawa ng
iskolar upang maging mabisang paghahanda ang gawaing ito sa pagsulat ng dalumat-sanaysay:
1. Pagtukoy sa mahahalagang ideya, konsepto o kaisipan/insights ng tekstong binabasa kaugnay sa
iyong paksa o suliraning tuon sa posibleng pagdadalumat.
2. Pagsasalin ng mga natukoy na mahalagang punto ng teksto kung nasa katutubo o dayuhang wika.
Balikan ang mga panuntunan at tagubilin sa pagsasalin ng mga konseptong aangkop sa karanasan o
kontekstong pinagsasalinan.
3. Pagbubuod sa mahalagang mensahe o pangkalahatang punto ng tekstong binasa. Mahalagang
bigyang- pansin din ang mga natukoy na inisyal na makahulugang mga ideya, konsepto o kaisipan;
4. Ikategorya ang nakalap na mahahalagang punto at datos sa pagbasa. Magsisilbing tugon sa mga
suliranin o alinsunod sa mga sub-titulo ng pagtalakay ang padron ng pagkakategorya; at
5. Mahalagang makapili, makapagpasya o makabuo ng sariling lente mula sa mga tekstong binasa.
D. Aktwal na Pagsulat: Pagsasanib ng mga Sangkap sa Pagdadalumat
Sa aktwal na pagsulat, himayin ang pangkalahatang suliranin sa mga partikular na bahagi o sub-
titulo ng paksa. Magsimulang bumuo ng balangkas. Isa-isahin ang mga argumento sa bawat aspekto
o hato ng hinimay na suliranin o sub-titulo. Salimbayang talakayin ang mga argumento at nakalap
na datos gamit ang partikular na lenteng magtatahi at magsisilbing pansipat sa kabuuang
pagdadalumat.
Sa kabuuan, ang dalumat-sanaysay ay dapat din magtaglay ng mahalagang bahagi bilang isang
kritikal na papel:
1. Introduksyon (tatalakayin ang kaligiran ng paksa, isyu, at suliraning inihahayag sa
pagdadalumat)
2. Daloy ng pagtalakay/pagsusuri ( ipinapaliwanag ang lente/konseptong gagamitin,
salimbayang pag-iisa-isa ng mahahalagang punto, pagsusuri ng mga datos at sariling palagay sa
isyu)
3. Kongklusyon (pagtalakay sa mahahalagang kaisipan o mensahe ng sanaysay na naglilinaw sa
tunguhin o adbokasya)
Ilang Halimbawang Lente at Panukalang Paglalapat sa Dalumat-Sanaysay

49CourseHero.com on 03-29-2023 23:07:50 GMT -05:00


This study source was downloaded by 100000864169057 from

https://www.coursehero.com/file/114410483/DALUMAT-MODYUL-6docx/
Dalumat sa Filipino

Bakit mahalagang may tiyak na lente at modelo sa pagsusuri ng isang paksa o suliranin ukol sa
isyu ng kalagayan ng isang lipunan? Tinatawag na lente ang anumang konsepto, pananaw o ideya
na nagsisilbing kritikal na gabay sa pagbibigay-interpretasyon sa mga nakalap na datos at
pananaw ng isang iskolar. Nabubuo at napagpapasyahan ang angkop an lente ng pagsusuri
matapos mahimay nag lahat ng nakalap na datos at pananaw salig sa paksa at suliraning
binibigyang-pansin. Mahalagang sipatin ang mga nabuong lente at pananaw ng ilang iskolar mula sa
iba’t ibang isyu at larangan na magagamit sa mga pangkasalukuyang proyekto ng dalumat-sanaysay.
Sa aklat na Necessary Fictions:Philippine Literature and the Nation, 1946-1980 ni Carlos S. Hau
(2000), panitikan ang naging paksa at salalayan niya upang palitawin ang diskurso ukol sa pagiging
“mahalagang akda.” Ang ganitong konsepto at haka rin sa kabilang banda ay nagmula sa
paniniwala ng may- akda na hinuhubog ng iba’t ibang panlipunang proseso ang akdang panitikan.
Ngunit, kailangang punan ang tanong kung paano makapag-ambag sa lipunang kinasasangkutan
ang mga akdang panitikang ito tungo sa pagbibigay-hugis ng pambansang panitikan at pagkabansa?
Dito iikot ang pagpaksa niya sa iba’t ibang tunggalian sa uri, kasaysayan, kultura at pagkataong
Pilipino. Sa ginawang pagsipat ni hau, binabasag niya nag tradisyonal na pagsusuri sa mga akdang
pampanitikan gamit ang tekstwal na pagsusuri sa sarili nitong limitadong bakuran ng araling
pampanitikan. Binuksan ng aklat ang posibilidad ng malawak na pagsusuri sa akdang pampanitikan
batay sa pagtanggap ng mambabasa, historikal na karanasan, at integrasyon nito sa iba pang
disiplina. Kung ilalapat sa pagdadalumat ang mga ideya ni Hau, maaaring pagnilayan at sikapin din
sagutin ang kanyang tanong o ilapat ang mga multidisiplinal na pamamaraan niya sa pagpapahalaga
o pagtuturo sa panitikan para sa kasalukuyang henerasyon ng mga manunulat at iskolar?
Pagbibigay-kahulugan at pagbanghay sa pinagmulan ng nasyonalismong Pilipino ang naging
paksa sa aklat na Brains of the Nation: Pedro Paterno, TH pardo de Tavera, Isabelo de los Reyes, and
the Production of Modern Knowledge (2012) ni resel Mojares. Ipinakilala ang mga piling Pilipinong
intelektwal ng ika-19 na siglo at nag kanilang sulatin bilang manipesto ng pagkakaroon ng sariling
tradsiyong intelektwal. Gayundin, mahalagang pagnilayan sa aklat ang katutubong pamamaraan ng
kaalaman at ang kontradiksyon sa daynamikongb pakikitungo sa diskurso ng mga Kanluraning
kaalaman ng mga Pilipinong intelektwal para sa interes ng kanilang uring kinabibilangan. Sa
ganitong tensyon, mnaaaring mabuo ang mga bagong paghahaka at repleksyon sa kasalukuyang
papel ng mga Pilipinong intelektwal sa paghamon nila sa neokolonyal na kalakarang umiiral sa
kanilang panahaon.

50CourseHero.com on 03-29-2023 23:07:50 GMT -05:00


This study source was downloaded by 100000864169057 from

https://www.coursehero.com/file/114410483/DALUMAT-MODYUL-6docx/
Dalumat sa Filipino

Pangalan:________________________________ Iskor:__________________
Kurso at Seksyon:_________________________ Petsa:__________________

Pagsusulit sa Modyul 6

Panuto: Tukuyin ang hakbang sa pagsulat ng dalumat-sanaysay batay sa sumusunod na yugto ng mga
gawain sa bawat bilang . Isulat ang titik ng tamang sagot lamang.
a. Pagninilay sa Tunguhin at Adbokasya
b. Pagpapasya sa suliranin at isyu
c. Mapanuring Pagbabasa, Pagsasalin at Paglalagom
d. Aktuwal na Pagsulat ng dalumat-sanaysay
______1. Bahaging isinasapinal ang kaligiran ng pagdadalumat sa introduksyon.
______2. Bahaging pumipili at nagpapasya sa posibilidad ng lenteng gagamitin sa pagsusuri.
______3. Bahaging naglalagom ng mahalagang mensahe o diwa ng binasang teksto kaugnay sa paksa
ng dalumat-sanaysay.
______4. Bahaging naglalagom sa mensahe sa mensahe na nagbibigay- diin sa tunguhin at adbokasya
ng iskolar o mananaliksik sa pagsulat ng dalumat-sanaysay.
______5. Bahaging nangongolekta ng mga sanggunian at korpus na makapagpapalalim sa paksa ng
pagdadalumat.
______6. bahaging tinutukoy ang mga ideya, konsepto at kaisipang nakapaloob sa isang artikulong
magagamit sa pagsusuri.
______7. Bahagi ng paghihimay sa paksa patungo sa iba’t ibang antas ng pagtatanong.
______8. Bahaging pinagnilayan ang posibleng ambag at kapakinabangan ng mga kababayan sa
ginagawang dalumat-sanaysay.
______9. Bahaging inilulugar ng iskolar ang kanyang dalumat-sanaysay batay sa iba’t ibang panlipunang
salik gaya ng uri, kasarian at identidad.
______10. Bahaging salimbayang pinagtatagpo ang datos at pagsusuri gamit ang napiling lente o
paraan ng pagtataya sa mga nakalap na ideya at konsepto.

51CourseHero.com on 03-29-2023 23:07:50 GMT -05:00


This study source was downloaded by 100000864169057 from

https://www.coursehero.com/file/114410483/DALUMAT-MODYUL-6docx/
Dalumat sa Filipino

B. Suriin at sagutan ang mga sumusunod na katanungan batay sa iyong pag-unawa sa binasang
teksto. Gawin ito sa mahabang bond na papel at ilakip sa inyong portfolio para sa Panapos na
Markahan.

1. Ano ang dalumat-sanaysay at kaugnayan nito sa pambansang tunguhin?


2. Paano matatamo ang tinatawag an “Pilipinong Diskursong Pangkalinangan”?
3. Bakit mahalagang sangkap ang tunguhin at adbokasya sa pagdadalumat?
4. Ano-ano ang mga kailangang isaalang-alang sa pagpapasya ng paksa at suliranin sa isusulat na
dalumat-sanaysay?
5. Bakit mahalaga ang pagpili ng lente sa pagdadalumat?
6. Ano ang mahalagang ambag ni Carolyn Hau sa kanyang akdang “Necessary Fictions: Philippine
Literature and the Nation, 1946-1980”? Ipaliwanag

IV. Karagdagang Gawain (Term Major Output)


Pagsulat ng Reaksyong papel ukol sa Rebyu (Individual)
Ikaw ay naimbitahang maging reaktor sa pampublikong porum ng mga nirebyung aklat ukol sa
pagdadalumat sa diwa ng “Nasyonalismong Pilipino.” Sa nasabing pampublikong porum, babasahin mo
ang iyong reaksyon sa binasang rebyu na nagtataglay ng introduksyon, maikling buod, kritika, at
kongklusyon. Inaasahang nakasulat sa bond paper (mahaba) ang iyong reaksyon na may habang
dalawa hanggang tatlong pahinang babasahin sa nasabing porum upang humikayat sa malayang
talakayan ukol sa paksa. Maaaring mamili sa sumusunod na mga artikulo na magsisilbing batayan sa
reaksyong isusulat:
1. Imagined Communities. Reflections on the Origin and Spread of Nationalism.
May-akda: Benedict Anderson
Rebyuwer: Anthony Reid
Makikita nag link sa: https://www.jstor.org/stable/2759245?
seq=1#metadata_info_tab_contents
2. From Globalization to national liberation: Essays of Three Decades.
May-akda: E. San Juan, Jr.
Rebyuwer: Jeffrey Cabusao
Makikita ang link sa: https://muse.jhu.edu/article/378028
3. Pasyon and Revolution: popular Movements in the Philippines, 1840-1900

52CourseHero.com on 03-29-2023 23:07:50 GMT -05:00


This study source was downloaded by 100000864169057 from

https://www.coursehero.com/file/114410483/DALUMAT-MODYUL-6docx/
Dalumat sa Filipino

May-akda: Reynaldo Ileto


Rebyuwer: Milagros Guerrero
Makikita ang link sa:
http://www.philippinestudies.net/files/journals/1/articles1662/public/1662-1659-1PB.pdf

53CourseHero.com on 03-29-2023 23:07:50 GMT -05:00


This study source was downloaded by 100000864169057 from

https://www.coursehero.com/file/114410483/DALUMAT-MODYUL-6docx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like