You are on page 1of 2

Ang DALUMATFIL ay isang maagawat na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa

kasanayan sa malalim at mapanuring pagbasa, pagsulat, at pananaliksik sa wikang Filipino sa


iba’t ibang larangan, sa konteksto ng kontemporaryong sitwasyon at mga pangangailangan ng
bansa at ng mga mamamayang Pilipino. Partikular na nakatuon ng kursong ito sa makrong kasanayan
pagbasa at pagsulat, gamit ang mga makabuluhang pananaliksik sa wikang Filipino, bilang lunsaran ng
pagpapalawak at pagpapalalim sa kasanayan, kakayahan at kamalayan ng mga estudyante na malikhain
at mapanuring makapagdalumat o “makapag-teorya” sa wikang Filipino, batay sa mga piling lokal at
dayuhang konsept at teorya na akma sa konsepto ng komunidad at bansa. Pre-requisite sa kursong ito
ang pagkuha ng kursong ito ang kumukuha ng mga kursong sa larangan Humanities, Social Sciences at
Communication/HUSOCOM (gaya ng Bachelor in Secondaray Education/BSE Filipino, BSE English, BSE
Chemistry, AB Political Sciene, Communication Arts, Journalism, Legal Management at iba pa.), bukod pa
sa 6 yunit ng batayang GE-Filipino (KOMFIL at FILDS) na kinukuha rin ng mga mag-aaral na ang kurso ay
NON-HUSOCOM.

Inaasahang Matututuhan:

Sa pagtatapos ng kurso, inaaasahang matututuhan ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:

Kaalaman

Maipaliwanag ang kahalagahan ng wikang Filipino sa pagdadalumat o pagteteorya.

Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki-pakinabang na sanggunian sa


pagdadalumat at pananaliksik.

Makapagbasa at makapagbuod ng impormasyon, estadistika, datos atbp. mula sa mga babasahing


nakasulat sa Filipino sa iba’t iba ng larangan.

Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pagsasagawa ng pananaliksik.

Kasanayan

Malikhain at mapanuringmakapag-ambag sa pagpapaliwanag at pagpapalawak ng piling makabuluhang


konsepto at teoryang lokal at

dayuhan na akma sa konteksto ng komunidad at bansa.

Maisapraktika at mapaunlad pa ang mga batayang kasanayan sa pananaliksik.

Makabuo ng isang sanaysay hinggil sa isang mungkahing rebisyon o ekspansyon ng isang umiiral na
konsepto o teorya, o kaya’y isang

mungkahing bagong konsepto o teorya na akam sa mga realidad ng lipunang Pilipino

Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at analisis na akma sa


iba’t ibang konteksto. Malinang ang

Filipino bilang daluyan ng inter/multidisiplinaring pagdadalumat at pananaliksik na nakaugat sa mga


realidad ng lipunang Pilipino.
Makapagsalin ng mga artikulo, pananaliksik atbp. na makapag-aambag sa patuloy na intelektwalisasyon
ng wikang Filipino.

Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng makabuluhan at mataas na antas


ng diskurso na akma at nakaugat sa

lipunang Pilipino, bilang wika ng pananaliksik nanakaayon sa pangangailangan ng komunidad at bansa.

Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at modernong


midyang akma sa kontekstong Pilipino.

Kahalagahan

Mapahalagahan ang dinamikong ugnayan ng teorya at praktika sa pananaliksik.

Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling teorya ng mga Pilipino sa iba’t ibang larangan

Ang DALUMATFIL ay isang maagwat na kursong magpapalawak at magpapalalim sa kasanayan sa malalim


at mapanuring pagbasa, pagsulat, at pananaliksik sa wikang Filipino sa iba't ibang larangan sa konteksto
ng kontemporaryong sitwasyon at mga pangangailangan ng bansa at ng mga mamamayang Pilipino.
Partikular na nakatuon ang kursong ito sa makrokasanayang pagbasa at pagsulat gamit ang mga
makabuluhang pananaliksik sa wikang Filipino bilang lunsaran ng pagpapalawak at pagpapalalim sa
kasanayan, kakayahan at kamalayan ng mga estudyante na malikhain at mapanuring makapagdalumat o
"makapag-teorya" sa wikang Filipino batay sa mga piling lokal at dayuhang konsepto at teorya na akma
sa konteksto ng komunidad at makapagbigay ng masmalalim na kaalaman at saliksik na may kaugnayan
sa pagpapalawak ng kaalaman na may kaugnayan sa (GAD) Gender and Development at (IPS) Indigenuos
People sa bansa. Pre-requisite sa kursong ito ang pagkuha ng kursong Filipino sa Iba't Ibang
Disiplina( FILDIS). Samakatwid, ito ang karagdagang 3 yunit ng GE-Filipino para sa mga kumukuha ng mga
kurso sa larangang Humanities, Social Sciences at Communication/ HUSOCOM (gaya ng Bachelor in
Secondary Education/BSE Filipino, BSE Chemistry, AB Political Science, Communication Arts, Journalism,
Legal Management at iba pa.), bukod pa sa 6 na yunit ng batayang GE-Filipino (KOMFIL at FILDIS) na
kinuluha rin ng mga mag-aaral na ang kurso ay NON-7HUSOCOM.

You might also like