Professional Documents
Culture Documents
Kaalaman
1. Maipaliwanag ang ugnayan ng mga function ng wikang Filipino bilang wikang pambansa, wika ng bayan, at wika
ng pananaliksik na nakaugat sa pangangailangan ng sambayanan.
2. Maisa-isa ang mga suliraning lokal at nasyonal ng komunidad na kinabibilangan.
3. Makapagmungkahi ng mga solusyon sa mga pangunahing suliraning panlipunan sa mga komunidad at sa buong
bansa, batay sa pananaliksik.
Kasanayan
Halagahan
1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling teorya ng mga Pilipino sa iba’t ibang larangan.
2. Malinang ang adhikaing makibahagi sa pagbabagong panlipunan.
3. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pagsasagawa ng pananaliksik.
4. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng makabuluhan at mataas na antas ng
diskurso na akma at nakaugat sa lipunang Pilipino, bilang wika ng pananaliksik na nakaayon sa pangangailangan
ng komunidad at bansa.
Pagsipat sa mga Nagawang Pananaliksik sa Larang ng Wika Noong 1996-2007
Tungo sa Pagbuo ng Agenda sa Pananaliksik
Jovy M. Peregrino
Layunin
Pangkalahatang layunin ng papel na ito ang makabuo ng isang komprehensibong agenda sa pananaliksik pangwika.
Mga espesipikong layunin:
1. Matasa ang direksiyon ng mga pananaliksik pangwika na ginawa ng mga guro at mga gradwadong estudyante ng
DFPP sa loob ng sampung taon;
2. Makapagmungkahi ng direksiyon ng pananaliksik pangwika na nakabase at nakaangkla sa bisyon-misyon ng KAL at
DFPP;
3. Malaman ang mga espesipikong dominyo ng pananaliksik na maaring pagtuunan ng pag-aaral ng mga guro at
estudyante;
4. Makapagmungkahi ng mga kongkretong estratehiya upang maging suporta sa mga gawaing pananaliksik ng KAL at
DFPP.
Metodolohiya
Kinalap mula sa Graduate Studies Office (GSO) ang mga M.A. thesis at Ph.D. dissertation ng mga guro at
gradwadong estudyante ng KAL na may kinalaman sa mga pag-aaral sa wikang Filipino mula Akademikong Taon
1996-2007. Tinipon ang mga listahan, kopya, at abstrak ng mga ginawang pananaliksik ng mga guro sa DFPP hinggil
sa larangan ng wika sa pamamagitan ng mga nakalimbag nilang pananaliksik at mga hindi nakalimbag na manuskrito.
Sinangguni ang mga curriculum vitae na naglalaman ng listahan ng mga pananaliksik ng mga guro sa DFPP.
Binasa at sinuri ang mga titulo, abstrak, at mga bahagi ng thesis at dissertation upang makita ang tuon, layon,
pagdulog o lapit, at ambag ng pananaliksik sa larangan ng wika.
Sa pamamagitan ng pagkakategorisa ng mga pananaliksik ayon sa espesipikong dominyo o saklaw ng wika,
makikita ang tinutungo ng mga ginawang pag-aaral. Mula sa mga pahayag sa kani-kanilang mga abstrak maaaring
gumawa ng listahan ng mga ambag at pagdulog ng pagnanaliksik. Sa pagkakategorisa ng mga pananaliksik ayon sa
kinabibilangan nitong dominyo, masasalamin ang dami o hindi kaya’y kadahupan ng mga kailangan pang isagawang
pananaliksik para sa partikular na dominyo o saklaw ng mga pag- aaral at pananaliksik sa wika. Sinangguni rin ang
mahahalagang dokumento ng DFPP upang magbigay-linaw sa historikal na perspektiba ng pananaliksik pangwika ng
departamento.
Malinaw ang pahayag ng KAL sa bisyon-misyon nito na makamit ang pinakamataas na pamantayan ng
akademikong integridad at kahusayansasiningatkalinangan. Isinusulongng KALangmalikhain, mapanuri, at
mapagbagong kalinangan na may oryentasyong makabayan at makatao. Itinatampok din nito ang paglilingkod na
nauukol sa mithiing Filipino sa pamamagitan ng pagtuturo, saliksik/ malikhaing gawain, at ugnayang bayan. Sa
bisyon-misyong ito ng KAL masasalamin ang halaga at pangangailangang maisakatuparan ng kolehiyo ang
pangunguna sa pananaliksik hinggil sa sining at kalinangan.
Mula sa ganitong pagtanaw at adhikain ng KAL naipapahayag ng DFPP ang bisyon-misyon at layunin nitong
maitampok ang paggamit ng wikang Filipino bilang pangunahing wika sa lahat ng antas at larangan sa Filipinas at
kinikilalang isang pangunahing wikang pandaigdig. Magaganap ang bisyong ito sa pamamagitan ng puspusang
pananaliksik hinggil sa wika bilang disiplina at gamit na wikang pang-akademiko at pambayan.
Umaayon sa bisyon ng KAL ang misyon ng DFPP na magtaguyod ng isang matatag na makinarya o
estruktura na magpapahusay sa pagtuturo at titiyak sa paglaganap ng Filipino at mga wika sa Filipinas, panitikan ng
Filipinas, malikhaing pagsulat, araling Filipino, at araling Rizal sa antas pambansa at internasyonal. Pangunahing
misyon din ng DFPP ang magsagawa ng mga pananaliksik at lumikha ng mga akda na tutulong sa patuloy na
pagpapaunlad ng Filipino at mga wika sa Filipinas, panitikan ng Filipinas, araling Filipino, malikhaing pagsulat, at
araling Rizal.
Mula sa mga pananaliksik na magagawa ng DFPP ay misyon din nitong regular na mailathala ang mga
napapanahong publikasyon sa Filipino at mga wika sa Filipinas, sa panitikan ng Filipinas, sa araling Rizal, sa
araling Filipino, at sa malikhaing pagsulat. Nangunguna ang DFPP sa paglulunsad ng mga programa o gawaing
kaugnay ng mga larang sa wikang Filipino at mga wika sa Filipinas, panitikan ng Filipinas, malikhaing pagsulat,
araling Filipino at araling Rizal. Bukod sa paglulunsad ng mga programa, aktibo rin ang DFPP sa pakikilahok sa
pagpapatatag ng kilusan sa wikang Filipino at mga wika sa Filipinas, panitikan ng Filipinas, araling Filipino, araling
Rizal, at malikhaing pagsulat.
Malinaw ang misyon ng DFPP hinggil sa papel nito sa pagtuturo at pananaliksik. Mula sa layunin nitong
mapaunlad ang wikang Pambansa at mga wika sa Filipinas sa pamamagitan ng mga pananaliksik sa panitikan at iba’t
ibang etnolingguwistikong grupo ay nakakapag-ambag ito sa pagbuo ng pambansang panitikan at kultura.
Naipapalaganap ang panitikang Filipino sa pamamagitan ng pag-aaral, pananaliksik, at pagsulat ng mga malikhaing
akda sa Filipino at mga wika sa Filipinas.
Malinaw din sa DFPP, bilang nangungunang departamento sa usapin ng wikang Filipino, ang mga estratehiya nito
upang maisakatuparan ang bisyon-misyon. Bukod sa parerebisa ng mga kurikulum o mga kurso sa Filipino at mga
wika sa Filipinas, panitikan ng Filipinas, malikhaing pagsulat, araling Filipino at araling Rizal upang tumugon sa
pagbabago ng lipunan, bahagi ng estratehiya ng DFPP ang pagbuo ng isang komprehensibong agenda sa pananaliksik
tungo sa paggamit ng Filipino at mga wika sa Filipinas. Kasama sa estratehiya ng DFPP ang agarang paglalathala ng
mga pananaliksik upang agaran itong maipakalat, masuri, at masundan ng iba pang pananaliksik at higit sa lahat ay
makatulong sa pagtuturo ng larangan ng wika. Ang mga pananaliksik na ito ay itinatampok bilang mahahalaga at
makabuluhang mga papel na binabasa at tinatalakay sa mga pambansang kumperensiya, workshop, at kongreso
hinggil sa larang ng wika. Malaki ang naitutulong ng network ng DFPP upang mapalawak ang pagtataguyod at
pananaliksik sa wika.
Nagsisilbing giya ang malinaw na pahayag ng KAL at DFPP sa mga bisyon, misyon, layunin, at estratehiya
nito para sa buong kolehiyo at DFPP upang maging angkop, at magkaroon ng direksiyon, ang mga isinasagawang
pananaliksik ng kolehiyo at DFPP na nagiging pundasyon ng mga kaalamang itinuturo para sa pagkamit ng
akademikong kahusayan.
Isa sa limang larang ng DFPP ang wika. Kabilang sa limang ito ang larang ng panitikan, malikhaing pagsulat, araling
Filipino, at araling Rizal. Pinagtuunan ng papel na ito ang larang ng wika at mga saklaw nito na pinagmumulan ng
mga pananaliksik na nabuo at binubuo para sa pagpapayabong ng wikang Filipino bilang larang.
Sa pagkakatatag ng DFPP noong 1966 bilang yunit ng unibersidad na tutugon at mangangasiwa sa pagpapalaganap,
pagpapaunlad, pagtuturo, at pag-aaral sa wikang Filipino at sa mga wika ng Filipinas, hindi na matatawaran ang
malayong narating at naiaambag ng DFPP sa pagpapaunlad ng wikang Filipino. Pinangunahan nito ang pagbabago
sa sosyolingguwistikong batayan ng wikang pambansa na tinatawag na Filipino. Kasabay nito ang ginawang
pagbabago ng pangalan ng departamento at ginawang Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas at maging
ng mga kurso nito mula Pilipino tungong Filipino simula 1974. Ang departamento rin ang unang nagturo ng
modernong alpabeto at ortograpiya ng Filipino. Sa constitutional convention (concon) ng 1973 naipakilala ng mga
guro ng DFPP ang Filipino bilang wikang pambansang multilingguwal ang basehan. Ganito rin ang ginawa ng DFPP
sa mga komisyoner ng concon ng 1986 kung kaya’t nakasaad sa konstitusyon na ang wikang Filipino ang dapat na
maging wikang pambansa ng Filipinas at itadhana ito bilang opisyal na wika ng pagtuturo. Ang mga guro din ng
DFPP ang nagmungkahi at nag- impluwensiya sa pagtatatag ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) para sa
Filipinas at Sentro ng Wikang Filipino para sa UP (Ramos 1998, 1).
May tatlong bahagi ang pambansang patakaran hinggil sa wikang pambansa sa Konstitusyong 1987. Una,
kinikilala ng Konstitusyon na Filipino ang wikang pambansa ng Filipinas ayon sa Artikulo 14 seksiyon 6—ang
pambansang wika ng Filipinas ay Filipino. Ikalawa, itinatadhana nito ang wikang Filipino bilang opisyal na wika sa
komunikasyon at pagtuturo ayon artikulo 14 seksiyon 7—para sa komunikasyon at pagtuturo, ang mga opisyal na
wika sa Filipinas ay Filipino, hangga’t walang itinatadhanan ang batas, Ingles. Ikatlo, inaatasan nito ang gobyerno na
gumawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad nito—habang ito’y nabubuo, patuloy itong pauunlarin at
payayamanin batay sa mga umiiral na wika sa Filipinas at iba pang wika; alinsunod sa mga probisyon ng batas at
kung mamarapatin ng konggreso, gagawa ng hakbang ang gobyerno upang simulan at itaguyod ang paggamit ng
Filipino bilang wika ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistema ng edukasyon (Sentro ng
Wikang Filipino 1996, 91).
Sa pagsisikap ng DFPP, napalawak ang pag-aaral sa wikang Filipino mula sa pagkatuto at pagtuturo nito
bilang wika tungo sa pag-aaral dito. Ang mahalaga sa DFPP kaugnay ng programa sa wika ay ang pagpapaunlad ng
disiplinang Filipino sa pamamagitan ng pagtuturo, pananalisksik, iskolarsip, at mga serbisyong pangwika. Nilinaw din
ng DFPP ang mga akademikong teritoryalidad nito, ang pagkilala at pagtiyak sa mga saklaw sa wikang Filipino pati
na ang mga kursong dapat saklawin nito (Ramos 1998, 2).
Apat ang area sa larang ng wikang Filipino. Kabilang dito ang area ng estruktura ng wikang Filipino, area ng
pagpaplanong pangwika, area ng pagsasalin, at area ng leksikograpiya. May ilan ding mga asignatura na may
kinalaman sa korelasyon ng wikang Filipino sa kultura at lipunan. Masasabing ang area lamang ng pagpaplanong
pangwika, estruktura, at pagsasalin ang tatlong linang at maituturing na talagang area ng larang ng wika. Bagamat
umiiral ang pag-aaral sa leksikograpiya, nananatili pa rin itong mga asignatura lamang o maituturing na sub-area ng
estruktura. Ang tatlong area na ito na isinusulong ng DFPP ay inaprobahan noong 1985. Bagama’t nakikita ng mga
guro ang tila hiwa-hiwalay na tunguhin ng mga area, iminungkahi ni Dr. Ramos ang paggamit ng transdisciplinal na
lapit sa mga programang ito na magbibigay ng integrasyon sa mga kurso at sub-area upang maipakita ang kabuluhan
nito sa pamamagitan ng pagpapalawak ng teoretikal at praktikal na saligan nito (Larangan ng Wika DFPP 1999, 1).
wikang Filipino. Kabilang sa area na ito ang pag-aaral at pananaliksik sa mga grammar
ng iba’t ibang wika sa
Filipinas. Itinuturo at pinag-aaralan dito ang mga usapin sa pagsusuring gramatikal sa ponolohiya, morpolohiya,
syntax, at maging ang semantics ng wika. Kabilang sa area na ito ang mga asignaturang Filipino 1 at Filipino 2 para sa
mga dayuhang nag-aaral ng grammar o estruktura ng wikang Filipino. Kabilang din dito ang pag-aaral sa balangkas
ng wikang pambansa, sarbey ng mga akdang panggrammar ng mga wika sa Filipinas, at mga perspektiba at tunguhin
sa pag-aanalisa ng estrukturang lingguwistika ng wikang Pambansa. Pinag-aaralan din sa area na ito ang kasaysayan
ng pag-aaral ng mga grammar ng wikang Pambansa, maunlad na grammar, pag-aaral at pagsusuri sa mga gramatika
ng mga wika sa Filipinas na sinulat mula noong panahon ng pananakop ng Kastila at Amerikano hanggang sa
kasalukuyan, pagsusuri ng estruktura ng Filipino, ang mga gramatikang Tagalog bago ang 1900, at pagsusuri ng
syntax at semantics ng Filipino.1
Sa area ng pagsasalin naman pinag-aaralan ang kahalagahan ng pagsasalin sa pagpapaunlad ng wikang pambansa at
ang papel ng area na ito sa pagpapayabong ng Filipino sa akademikong gawain. Dito pinapayabong ang korelasyon ng
wika at kultura. Nilalayon sa programang ito na mapalawak, masanay, at magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga
estudyante sa mga prinsipyo ng pagsasalin, pananaliksik sa area na ito, pagsusuri ng mga salin, at higit sa lahat ay ang
mismong pagsasalin. Pinagtutuunan ng pansin sa area na ito ang mga konsepto, metodo at mga suliranin sa
pagsasalin, mga pagsasanay at aplikasyon sa pagsasalin, pag-aaral ng mga pagsasalin sa Filipinas mula sa panahon ng
pananakop ng Kastila at Amerikano hanggang sa kasalukuyan, at mga lapit sa pagsasaling pampanitikan na sinusuri
ang mga ginagamit na batayan at pamamaraan sa pagsasalin ng mga akdang pampanitikan. Kabilang din sa area na ito
ang pag-aaral sa mga lapit sa pagsasaling teknikal na nagsusuri sa mga ginamit na batayan at pamamaraan sa
pagsasalin ng mga akdang teknikal, diskurso at pagsasalin sa akademya, siyensiya at teknolohiya, kabilang dito ang
teorya at praktis sa pagsasalin ng mga akdang siyentipiko at espesyal na pagsasalin. 2
Sa area naman ng pagpaplanong pangwika pinag-aaralan ang mga teorya, modelo, at kasaysayan ng pagpaplano sa
wika sa Filipinas kasama na ang mga karanasan o sitwasyon sa pagpaplano ng wika sa ibang bansa. Kabilang sa area
na ito ang pagsusuri sa pinagdaanang sitwasyong pangwika ng Filipinas na nagbibigay-linaw sa tatahaking
pagpaplanong pangwika ng bansa. Mayroon ding pag-aaral sa area na ito hinggil sa komparatibong pagpaplanong
pangwika upang makita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga karanasan ng iba’t ibang bansa hinggil sa kanilang
mga suliraning pangwika na maaring maiugnay sa karanasan ng Filipinas. Ipinaliwanag ni Dr. Pamela C. Constantino
na ang pagpaplanong pangwika bilang larang akademiko ay kabilang sa larang ng sosyolingguwistiks. Ang
sosyolingguwistiks ay kabilang sa larang sa applied linguistics na nabuo noong dekada 40 bunga ng pagpapaunlad ng
repleksiyonistang kaisipan na nagsasabing ang wika ay repleksiyon ng lipunan (Constantino 2007, 1).
Dahil sa pag-unlad ng larang na ito noong dekada 60, ang pagpaplanong pangwika sa DFPP ay nakabuo ng mga
pananaliksik na nakakatulong sa tuluyang pagtuturo nito sa mga estudyanteng di-gradwado hanggang sa doktorado.
Bagamat tatlo lamang ang asignaturang may pangalang “pagpaplanong pangwika” tulad ng Filipino 245, 345, at 350
ay masasabi namang sa area na ito makikita ang maraming pananalisksik na nagawa sa larang ng wika. Makikita sa
susunod na bahagi ng papel ang mga pananaliksik na ginawa sa area na ito.
Bukod sa tatlong nabanggit na pag-aaral, nakita rin ng kaguruan ng DFPP ang pangangailangan sa higit pang
pagpapalawak at pagpapalalim ng disiplinang Filipino upang makatugon sa mga pagbabago at pag-unlad ng panahon.
Mula sa pagdaraos ng isang departmental planning workshop noong 1998, pinalawak ng larang ng wika ang tatlong
area na nabanggit sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga area na rehiyonal na wika, pragmatics ng Filipino, at
internasyonal na Filipino (Legaspi at Enriquez 1999, 1).
Bahagi ng larang ang pagtuturo ng Filipino 10.1 at Filipino 10.2 bilang mga asignaturang para sa mga
rehiyonal na wika tulad ng Ilokano, Cebuano, Hiligaynon, Kapampangan, at Bikolano. Pinahahalagahan ng larang
ang mga asignaturang nabanggit upang makatulong ito sa lalong pagpapayabong ng wikang pambansa at rehiyunal na
kultura. Nakapagbibigay ito ng batayang kasanaysan sa mga wika sa Filipinas sa pagsasalita, pagsulat at pagbasa.
Itinatampok dito ang pagtuturo ng mga rehiyonal na lingua franca (Adeva et.al. 1999, 2).
Sa area naman ng pragmatics nabibilang ang mga asignaturang Filipino 40 (dating Filipino 125). Dito pinag-
aaralan ang ugnayan ng wika, kultura, at lipunan, ang gamit at kahalagahan ng wika sa komunikasyon at gawaing
pang-araw- araw at akademiko. Sa sabjek na ito rin pinag-uugnay ang wika sa ideolohiya, politika, kapangyarihan,
kontrol, usaping gender/ kasarian, mass media, relihiyon, edukasyon, elitismo, showbiz, at isport. Bahagi rin ng
pramatics ang Filipino 195 na nagtatalakay at nag-aaral naman ng sikolohiya ng wikang pambansa. Filipino 128
naman ang sabjek na inaaral ang mga natatanging diskurso sa wika na iniuugnay ang wika at tinitingnan sa area na ito
ang gamit ng wika sa lipunan at kulturang Filipino. Sinusuri, pinag-aaralan, at ginagawan ng pananaliksik sa area na
ito ang pagkakaroon ng baryedad at proseso ng pagbabago (variety at variation) ng wikang Filipino. Pumapaloob din
dito ang pag-aaral ng mga natatanging suliraning pangwika tulad ng wika at diskurso sa konsepto ng gender, mga
diskurso sa wika at etnisidad, elektronikong komunikasyon sa wika, at wika, pagkatuto at edukasyon. Mapapansin sa
huling bahagi ng papel na ito ang kasaganahan ng mga pananaliksik na ginawa sa area na ito.
May umiiral na Filipino 1 at Filipino 2 para sa internasyonal na mag-aaral ng Filipino. Kinikilala ng larangan
ng wika ang dagdag na area na ito dahil kasama ito sa misyon ng DFPP na mapatatag ang Filipino bilang wikang
pandaigdig. Bukod dito, may mga umusbong at nagawang pananaliksik ang mga estudyante at mga guro sa wika na
tumatalakay sa area na
ito. Ang area na ito ay maaaring makatulong at pagmulan ng mga pananaliksik sa wika.
Lumalabas na pito ang area na nakatala sa larang ng wika ng DFPP. Ang pitong area na ito (estruktura,
pagsasalin, pagpaplanong pangwika, leksikograpiya, rehiyonal na wika, pragmatics ng Filipino, at internasyonal na
Filipino) ang sumasalamin sa wikang Filipino bilang isang larang na maaring paghanguan ng akademikong paksa at
intelektuwal na gawain tulad ng pananaliksik. Ito ang mga area na mapaghahanguan ng karunungan at kasanayang
pangwika na nagpapaunlad sa kultura at lipunan ng bansa. Dahil sa mga area na ito, tatangkilikin ang Filipino bilang
disiplina.
Lumalabas sa mga datos na nahahati ang mga ito sa dalawang kaparaanan ng pagkakabuo. Una,
nabubuo ang pananaliksik dahil ito ay isang kailanganin upang makapagtapos ng M.A. o Ph.D sa kolehiyo. Ikalawa,
nakagagawa ng pananaliksik ang mga guro dahil sa kanilang personal na pagsisikhay na mabuo ang isang pag-aaral na
umaayon sa kanilang larangang kinabibilangan at interes sa partikular na paksang pangwika.
Naikategorisa rin ang mga pananaliksik na nakalap ayon sa area ng larang ng wika. Narito ang buod ng mga
datos :
May siyam (9) na tesis at disertasyon ang nagawa at naisulat hinggil sa pagpaplanong pangwika at labingsiyam (19)
na indibidwal na pananaliksik naman hinggil dito. Sa loob ng sampung taon, dalawampu’t walong (28) pananaliksik
ang nagawa at naisulat hinggil sa area ng pagpaplanong pangwika at lumalabas na dalawampu’t pitong (27) porsiyento
ng kabuuang pananaliksik ay nasa pagpaplanong pangwika. Tinalakay sa mga pananaliksik na ito ang kros-kultural na
pagpaplanong pangwika, institusyonal na pagpaplanong pangwika ng Polytechnic University of the Philippines
(PUP), University of Asia and the Pacific (UAP), Mindanao State University (MSU), Iligan Institute of Technology
(IIT), Central Mindanao University (CMU), Bukidnon State College (BCU), Xavier University, Ateneo de Cagayan,
St. Michael College, Immaculate Concepcion College, La Salle, Cagayan Capitol College, Misamis University, Iligan
Medical Center College, Commission on Higher Education (CHED), UP Los Baños (UPLB), Cultural Center of the
Philippines (CCP), at Language Education Council (LEDCO). May pag-aaral din hinggil sa politika at pagpaplanong
pangwika at ang ebalwasyon sa pagpaplanong pangwika.
Ginamit sa mga pag-aaral na ito ang mga historikal- komparatibong lapit, sosyokultural na lapit, eklektikong
lapit sa elaborasyon, deskriptibo at historikal na sarbey, at historikal na lapit. Kapansin-pansin na marami ang
nagsagawa ng pag-aaral sa institusyonal na pagpaplanong pangwika.
Kilala sa larangang ito ng pananaliksik sina Pamela Constantino (1991), Lydia Liwanag (1996), Vina Paz
(1998),
Aura Abierra (1999), Jesus Ramos (2000), Victoria Rio (2001), Vivencio Talegon (2003), Mary Joy Banawa (2005),
Raymon Agapito (2006), Melania Abad (1999), at Jaine Tarun (2007).
Sampung (10) pananaliksik naman ang nakatala sa gradwadong opisina bilang mga M.A. tesis o Ph.D.
disertasyon at may walong (8) indibidwal na pananaliksik ang nagawa ng mga guro hinggil sa Pagsasalin. Lumalabas
na labingwalo (18) ang pananaliksik hinggil sa pagsasalin o labingwalong (18) porsiyento ng kabuuang pananaliksik
ang nagawa hinggil sa area na ito. Tinalakay naman ng mga pananaliksik na ito ang mga prinsipyo, estratehiya, at
proseso ng pagsasalin. Ipinakita rin ang mga kaparaanan ng literal at dinamikong pagsasalin. Bahagi rin ng
pananaliksik ang pagsasalin tungo sa modernisasyon ng wika. May mga pag-aaral ding ginawa hinggil sa mga modelo
ng pagsasalin, pagsusuri sa mga salitang salin, malayang pagsasalin, pagsasalin tungo sa pagpaplanong pangwika,
teknikal na pagsasalin, proseso ng pagsasalin sa telenobela, pagsasalin sa pag- unlad ng panitikan, pagsasalin sa pag-
unawa sa kultura, at pagsusuri sa proseso ng pagsasalin gamit ang pragmatics.
Ginamit sa mga pag-aaral at pananaliksik na ito ang mga lapit na deskriptibo, literal na pagsasalin,
modipikadong literal na pagsasalin, pragmatikong lapit, komparatibong lapit, dinamikong pagtutumbas, kontekstuwal
na lapit, deskriptibong proseso ng pagsasalin mula source language tungong target language sa usaping kultural,
lingguwistiko, at tekstuwal. Ginamitan din ang pag-aaral ng textual analysis, pagsasaling kultural, sosyo-kultural, at
malayang salin.
Kilala sa larangang ito ng pananaliksik sina Nilo Ocampo (2002), Lilia Antonio (2003), Rosario Alonzo
(1997), Efren Abueg (2000), Rho Young Chul (2001), Rosario Baria (2002), Lourdes Concepcion (2002), Perlita
Manalili (2004), Florentino Iniego (2005), Leonisa Impil (2005), Edna Iringan (2006), Eduardo Lapiz (2006),
Rosalinda Mendigo (2007), at Wifreda Legaspi (1999) at Melecio Fabros III (2006).
Walo (8) ang pananaliksik na naikategorisa sa area na ito mula sa mga M.A. tesis at Ph.D. disertasyon at
dalawampu’t limang (25) pag-aaral at pananaliksik naman ang naitala mula sa personal na pananaliksik. Lumalabas na
tatlompu’t tatlong (33) pananaliksik ang naisulat o tatlumpu’t dalawang (32) porsiyento ng pananaliksik ay hinggil sa
area ng pragmatics. Bahagi ng pananaliksik sa area na ito ang mga pag-aaral sa ugnayan at gamit ng wika sa
relihiyon, edukasyon, ideolohiya, sistema ng panghihiram sa tabloid, wika at text messaging, gamit ng wika sa
pagtuturo sa University of Sto. Tomas (UST), Philippine Christian University (PCU), Far Eastern University (FEU),
Philippine Normal University (PNU), Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM), at ugnayan ng wika at mga
pagdinig sa barangay. Bahagi rin dito ang pananaliksik hinggil sa ugnayan ng wika at kaluluwa ng tao, wika, at
sikolohiya tulad ng wika ng pagmumura at iba pang mga sitwasyong pangkomunikasyon.
Limang (5) pananaliksik naman ang naikategorisa sa area na ito mula sa mga M.A. tesis at Ph.D. disertasyon
at limang (5) pag-aaral at pananaliksik naman ang naitala mula sa personal na pananaliksik. Lumalabas na sampung
(10) pananaliksik ang naisulat o sampung (10) porsiyento ng pananaliksik ay hinggil sa area ng estruktura.
Kabilang sa area na ito ang mga pag-aaral at pananaliksik nina Enedina Villegas (1997), Althea Enriquez (2004),
Theresa Manansala (1999), Teresita Semorlan (2001), Corazon Javier del Rosario (2005), Wilfreda Legaspi (2001),
Jesus Ramos (1996), at Vina Paz (2005).
Kabilang sa mga pag-aaral at pananaliksik na nagawa sa area na ito ang transdisciplinal, deskriptibo, at
pragmatik na pagsusuri. May mga pag-aaral din sa pagsusuri ng ortograpiya, panghihiram, morpolohiya, leksikon, at
syntax. Kabilang dito ang pananaliksik sa baryedad ng Filipino sa Zamboanga, pagsusuri sa estruktura ng
codeswitching, panghihiram sa mga textbook na pangkolehiyo sa likas agham, agham panlipunan at math,
pedagogical na grammar ng Filipinas at sarbey ng mga grammar ng Tagalog. May pananaliksik din tungkol sa
paglalapi sa komprehensiyon ng wika, pagsusuri sa mga Existential Locational Prepositional Possessive (ELPP) na
pangugusap, pagtuturo ng gramatikal na Filipino sa mga banyaga (diin sa guro at sa verb), aralin sa estrukturang
Filipino (synchronic at diachronic na pagdulog sa wikang pambansa), isang pagsusuri sa mga Hispanisadong salita sa
Filipino, at pag-aaral tungo sa functional na alpabeto at ortograpiyang Filipino.
Deskriptibo, synchronic at diachronic na lapit ang nagamit sa halos lahat ng mga pag-aaral na nabanggit.
Maituturing na ang larangang ito ay isang napakateknikal na area ng pag-aaral. Sinisipat ng larangang ito ang
teknikalidad ng mga ugnayan ng tunog, morpema, at syntax na kung saan nasusuri ang mga korelasyon ng mga ito sa
pagbuo ng mga alituntuning pangwika.
Dalawa lamang (o dalawang porsiyento) ang nakatalang nagawang pananaliksik hinggil sa area na
leksikograpiya sa nakalipas na sampung taon. Pinag-aralan sa M.A. tesis ni Mary Jane Reblando (2004) ang Filipino
sa masaklaw na edukasyon tungo sa pagbuo ng diksiyonaryo sa komunikasyon. Ang Ph.D. disertasyon naman ni
Ruby Alcantara (2003) ay tungkol sa modelo sa pagbuo ng isang functional na disksiyonaryong Filipino-Hiligaynon.
Parehong gumamit ang dalawang pag-aaral ng experimental-functional na lapit.
Apat (o apat na porsiyento) ang naitalang pananaliksik hinggil sa ugnayan ng sikolohiya at wika. Kilala si Dr.
Lilia Antonio bilang dalubhasa sa usapin ng sikolohiya ng wikang pambansa. Gumawa siya ng pananaliksik sa
sikolohiya ng wikang Filipino at mga pananaliksik sa sikolohiya ng wika. Sinulat naman ni Pamela Constantino ang
sense of humor ng mga Filipino at ang mga salitang mapang-aglahi. Ginamitan ang pananaliksik na ito ng sikolohikal
na lapit.
Pitong pananaliksik naman ang naitala mula sa mga indibidwal na pagsisikhay ng mga guro para sa usapin
ng baryedad ng wika. Kabilang dito ang akademikong baryedad ng wikang Filipino ni Vina Paz, wika ng text
messaging ni Jovy Peregrino, baryedad at proseso ng pagbabago ng Wika (kasaysayan, teorya at praktis), pluralidad
tungo sa identidad, ang baryedad ng wikang Filipino sa pagbuo ng wika at kamalayang Filipino, lengguwaheng pinoy
sa bilyar, diyalekto, register, jargon, at gobbledygook tungo sa komunikasyon at pagbubuklod sa wikang pambansa na
sinulat naman ni Pamela Constantino. Lumalabas na pitong porsiyento ang mga pananaliksik na nabuo sa usapin ng
baryedad ng wika.
Sadyang ihiniwalay ang sikolohiya ng wika at ang usapin ng baryedad ng wika sa mga naunang area bagamat
may kaugnayan ito sa pagpaplanong pangwika, pagsasalin, pragmatics, estruktura, at leksikograpiya. Ito ay sa
dahilang ang pananaliksiksik sa sikolohiya ng wika ay may tiyak na kaparaanan at pagtalakay sa wika na nakapokus
sa pag-aaral ng pag-iisip at pagkilos ng tao. Bagamat ang baryedad ng wika ay maaring maihanay o maisama sa area
ng pragmatics, may pagkakataon naman na ang pagtalakay sa baryedad ay maaring maging estruktural.
“Pagpaplanong Pangwika”
Makikita rin sa bar graph sa ibaba ang ungos ng area ng pragmatics bilang pinakamataas na porsiyento ng
nagawang pananaliksik.
Ang mga nagawang pananaliksik sa area ng pagpaplanong pangwika ay karamihang komparatibo at kros-
kultural at institusyonal na mga pananaliksik. Makikita rin sa mga ito ang dokumentasyon lamang ng mga produktong
akademiko tulad ng paglilista, tesis, at disertasyon. Hindi pa mayaman sa teoretikal na antas ang mga pananaliksik sa
pagpaplanong pangwika. Mula sa datos, masasabing sa usapin ng kasaysayan ay hindi pa ganoong kalaliman ang mga
pananaliksik. Halos walang nagawang pag-aaral sa proseso at aplikasyon maging sa ebalwasyon sa pagpaplanong
pangwika. Kumbaga sa mga metodo at lapit na ipinaliliwanag ni Dr. Pamela C. Constantino sa kanyang papel sa
agenda sa pananaliksik sa disiplinang Filipino, kapos pa ang pananaliksik sa pagpaplanong pangwika sa mga lapit na
disiplinal, multidisiplinal, at transdisiplinal.
Ang mga nagawang pananaliksik naman sa area ng pagsasalin ay nakatuon sa mga prinsipyo, estratehiya,
proseso, literal na pagsasalin, modernisasyon, modelo ng pagsasalin, at teknikal na pagsasalin. Ginamitan ang mga ito
ng mga lapit na deskriptibo, pragmatik, komparatibo, at kontekstuwal. Nangangailangan pa ang area na ito ng mga
pananaliksik sa pagteteorya sa pagsasalin. Gayumpaman, mayaman ang area na ito sa pananaliksik na may kinalaman
sa aplikasyon, proseso, at kasaysayan.
Sa area naman ng estruktura, deskriptibo at komparatibo ang karamihan sa mga nagawang pananaliksik.
Mayroon din namang pagsusuri sa ortograpiya, morpolohiya, leksikon at syntax ngunit dahil sa kakaunti ang mga
pag-aaral at pananaliksik sa area na ito, halos walang pananaliksik hinggil sa pagteteorya sa pag-aaral ng estruktura.
Hindi pa rin nakagagawa ng pananaliksik hinggil sa mga isyung pinalulutang ni Dr. Jonathan Malicsi hinggil sa
makabagong grammar o syntax ng Filipino sa anyong pasalita.3 Ang binabanggit na pagteteorya dito ay nagmumula
sa mga paglalarawan ng grammar.
Sa area ng leksikograpiya pinakakaunti ang nagawang pag- aaral o pananaliksik. Halos hindi napagtuunan ng
departamento ang area na ito sa kabila ng pagkilala rito bilang opisyal na area. Dalawang porsiyento lamang ng
kabuuang pananaliksik sa loob ng sampung taon ang nagawa sa area na ito. Walang nagawang pag- aaral sa
kasaysayan nito at pagbuo ng teorya sa area na ito.
Bagama’t masasabing may kanya-kanyang tinatahak na landas ang mga area ng pananaliksik sa wika,
marami pa ring dapat na gawan ng mahahalagang pananaliksik at pag-aaral sa bawat area. Patuloy ang
pagpapayabong at pagpapayaman sa bawat area na ito upang maging mas malawak ang mga pananaliksik na
nagpapatingkad sa mga kaalamang dapat maiambag ng pananaliksik pangwika. Mahalagang mailatag sa papel na ito
ang mga panukala sa pagpapayabong ng pagnanaliksik na pangwika.
Makikita sa mga graph ang pagkakahati-hati ng porsiyento ng pananaliksik na nagawa sa pagtatamo ng M.A.
at Ph.D. sa DFPP
Ipinakikita ng mga graph sa itaas na pinakamaraming pananaliksik ang nagawa sa area ng pagsasalin at
sinusundan lamang ito ng area ng pagpaplanong pangwika. Pumapangatlo lamang ang pananaliksik sa
pragmatics. Kakaunti talaga ang pananaliksik sa estruktura at leksikograpiya.
Sa pulong na ginawa ng larang ng wika noong Oktubre 24, 2007 na dinaluhan nina Dr. Nilo S. Ocampo, Prop. Aura
Abiera, Prop. Vina P. Paz, Dr. Jovy M. Peregrino, Dr. Pamela C. Constantino at Prop. Melecio Fabros III, nabuo ang
isang agenda sa pananaliksik pangwika. Kasama sa mga nag-ambag ang iba pang mga guro sa wika na nagpadala ng
kanilang mga ulat hinggil sa kanilang mga nagawang pananaliksik na pinagbasehan ng nabuong agenda.
Sa usapin ng sikolohiya ng wikang Filipino, dapat gumawa ng pag-aaral sa aspektong kognitibo ng wikang
pambansa.
Kinikilala rin ng larang ng wika ang Filipino bilang internasyonal na wikang itinuturo bilang dayuhang wika
at nagagamit sa kani-kanilang bansa bilang wika ng komunikasyon. Nararapat na makagawa ng pananaliksik sa
internasyonal na Filipino sa usapin ng sumusunod:
Marami pang dapat gawin at isaalang-alang sa pagpapahusay ng pananaliksik sa larang ng wika. Ang mga
nagawa nang pananaliksik na pangwika ay nagsisilbing palagiang pundasyon at gabay upang makita kung ano pang
dominyo ng pananaliksik na pangwika ang nararapat na pagtuunan ng pansin.
Mahalagang makita ang papel ng mga pananaliksik na ito sa pagtuturo ng wika. Kaya may malaking papel
ang mga umiiral na asignaturang itinuturo ng larang ng wika sa antas di-gradwado at antas gradwado upang makabuo
ng malinaw na tunguhin at prayoritisasyon ng mga gagawing pag-aaral at pananaliksik. Sa bawat area, dapat isaalang-
alang ang mga sumusunod :
Malaki ang papel ng apat na ito upang lalong magabayan ang mga gagawin pang pananaliksik. Sa pag-uugnayan ng
mga nagawang pananaliksik at mga nailathalang pananaliksik makikita ang mga kakulangan at kalakasan ng
produksiyon ng kaalaman. Mula sa mga lathalain makikita ang kasaganahan at kadahupan ng mga babasahing
pananaliksik sa partikular na area ng wika. Nakatutulong naman ang mga lathalain sa pagpapahusay ng estratehiya ng
pagtuturo ng bawat guro na nagiging isang malaking salik upang magamit sa pagmamarket ng kurso sa mga
estudyante ng unibersidad.
Sa pamamagitan lamang ng mga naipasang M.A. tesis at Ph.D. disertasyon at kakaunting pinaglalaban-
labanan pang mga professorial chair grant nagmumula ang mga pananaliksik. Nararapat lamang na isaayos ang mga
pinagagawang pananaliksik sa mga tesis at disertasyon sa usapin ng pagpapayo sa mga advisee, at pagsasaalang-alang
sa agenda ng pananaliksik. Mainam din na magkaroon ng maliliit na agenda sa bawat area bukod sa pangkabuuang
agenda sa larang ng wika.
Dapat madagdagan ang mga professorial chair grant na pangwika. Ipagpatuloy ang ginagawang
pamamahagi ng mga research grant sa mga junior faculty gayundin ang mga grant para sa mga senior. Dapat ay may
nakalaang pondo para sa mga nagtapos ng
M.A. at Ph.D. upang makagawa muli sila ng mga karugtong o kaugnay na pananaliksik mula sa kanilang mga
naunang pananaliksik. Dapat tumulong din at magkaroon ng malinaw na programa sa usaping pampinansiyang
suporta ang opisina ng dekano sa panugunguna ng katuwang na dekano sa pananaliksik at publikasyon. Kasama sa
programang ito ang palagiang koordinasyon sa pagitan ng mga larang sa iba pang larang ng kolehiyo upang mas
maging malawak ang sakop ng agenda sa pananaliksik at maiwasan ang pag-uulit ng mga pag-aaral.
Kailangan ang konsultasyon at pakikipag-ugnayan ng DFPP sa SWF hinggil sa binuo nitong agenda sa
saliksik-wika. Bagamat aktibong kasama ang mga guro ng DFPP sa proyekto ng SWF sa mga pananaliksik, kailangan
pa rin ang maayos na koordinasyon ng dalawang opisina upang magkomplement ang mga pananaliksik na isasagawa.
Maaring yumabong ang programa sa pananaliksik sa pamamagitan ng mga venue sa talakayan tulad ng
kapihan at baliktaktakan. Dapat na patuloy na suportahan ang mga kolokyum at pagkakalendaryo ng mga ito upang
maging venue ng presentasyon ng mga pananaliksik at maging inspirasyon mismo ng pagbuo ng mga bagong
pananaliksik hinggil sa mga paksang tinalakay. Mula sa mga gawaing pang-advocacy maaring matukoy ang mga
pagkilos at proseso ng pagtugon dito na maaaring magawan at paghanguan ng mga paksa sa pananalisksik. Ito ay sa
dahilang ang pagtataguyod sa wika ay hindi maihihiwalay sa pag-aaral ng Filipino na resulta ng pinagdaanang
kasaysayan ng wikang pambansa at ng kasalukuyang estado ng Filipino sa lipunang Filipino. Maaring pagmulan ng
pananaliksik ang sumusunod:
• Kolok-fil – kolokyum Filipino na nagtatalakayan at nagbabahaginan hindi lamang ang mga guro sa
wika, kundi maging ang mga estudyante kahit na iyong hindi nagpapakadalubhasa sa Filipino
• Kapihan-wika – malayang talakayan ng mga guro at eksperto sa wika
• Glosari-fil – pagbuo ng glosari ng mga termino sa wika, panitikan, araling Filipino, at
administrasyon; maaring makatulong ito sa pagpapahusay ng pagsulat at pananaliksik sa Filipino
• Advoka-fil – mga posisyong papel na may kinalaman sa pagkikibaka para sa at pagtataguyod sa
wika; makakahango rito ng malinaw na agenda ng pananaliksik hinggil sa pagpapatatag ng Filipino
sa iba’t ibang usaping panlipunan. 6
Inirerekomendang magsagawa ng ebalwasyon at tasahin ang bawat area sa larang ng wika. Ibig sabihin, makikita ang
yaman at lalim ng mga pananaliksik sa bawat area kung naipakikita nito ang kasaysayan, yaman sa teorya, hindi
lamang deskripsiyon sa proseso kundi pagsusuri dito, at mayamang pag-aaral sa aplikasyon ng area na ito sa
akademya at lipunan. Ito ang nagsisilbing sukatan ng lawak at lalim ng mga nagawang pag-aaral sa bawat area.
Iminumungkahi sa bawat pinuno ng area sa larang ng wika na magpatupad ng isang masusing pagtatasa sa mga
pananaliksik pangkasaysayan, panteorya, pamproseso, at pang-aplikasyon upang masukat ang kasalukuyang antas,
lawak, at lalim ng mga pananaliksik sa area na iyon. Maari itong maging gabay sa paglilinaw ng agenda sa
pananaliksik pangwika.
Iminumungkahi ring matasa ang ugnayan ng mga area sa kabuuang programa ng wika. Ilan sa mga dapat
pag-isipan ay ang bilang ng asignaturang itinuturo sa ilalim ng partikular na area o kaya nama’y ang bilang ng degree
sa antas di-gradwado at gradwado. Sa mga asignaturang itinuturo mailuluwal ang mga paksa ng pananaliksik upang
magamit ang magiging resulta nito sa pagtuturo.
Dapat bumuo ng asignaturang tumatalakay sa pragmatics ng wika sa antas di-gradwado at gradwado. Maari
itong tawaging Filipino 130, Filipino 230 at Filipino 330 bilang mga asignaturang nagtuturo ng teorya, proseso, at
aplikasyon ng konseptong pragmatiko sa usapin ng wika sa pangkalahatan at wikang Filipino sa partikular na maaring
maging elektiba ng ibang mga estudyante sa buong Diliman.
Nararapat ding maging malay sa tuon ng mga pag-aaral ng mga saklaw o larang ng wika kung ang mga pag-
aaral ba ay puro deskriptibo lamang o tumutuon sa pagbuo ng teorya. Mahalagang isaalang-alang dito ang malinaw na
perspektiba sa pananaliksik ng antas di-gradwado at gradwado. Ibig sabihin, ang mga BA tesis ay hindi dapat
hinahanapan ng ambag na teorya. Ang M.A. tesis naman ay dapat nagpapakita ng mas malalim na pagsusuri at
pagkabatid sa paksang pinag-aaralan gamit ang mga teoretikal at konseptuwal na mga giya o balangkas. Samantalang
sa Ph.D. disertasyon ay nararapat na makapag-ambag ng teorya sa disiplina o area na kinabibilangan ng pag-aaral
bilang dalubhasa sa partikular na larang o area.
VI. PAGLALAGOM
Malaki ang papel ng isang komprehensibong pagtatasa at muling pagsipat sa mga nagawang pananaliksik
pangwika ng DFPP mula 1996-2007. Mula dito muling napag-aaralan ang mga ginawang pananaliksik upang
magbigay ng giya sa mga nararapat pang gawan ng pananaliksik. Ang mga pananaliksik na ito ay hindi dapat lumayo
o lumihis sa itinatadhana at ipinahahayag na bisyon-misyon ng DFPP. Ang mga pananaliksik na ginagawa at plano
pang gawin ay dapat makatulong sa pagpapanatili, pagpapaunlad, at intelektuwalisasyon ng wika sa kabila ng mga
epekto ng globalisasyon.
Sa kabilang banda, ang pinakamaraming nagawang pananaliksik sa pragmatics ay nasa indibidwal na pagsisikhay ng
mga mananalisksik. Dahil hindi kabilang sa pagkamit ng digri ang area ng rehiyonal na wika, nagiging asignatura na
lamang ito at hindi na nagagawan ng pananaliksik. Lumilitaw dito ang papel ng pagiging kailanganin ng mga M.A.
tesis at Ph.D. disertasyon upang makabuo ng mga pananaliksik sa partikular na area lalo na sa mga teknikal na area
tulad ng estruktura. Masasabing napakaraming pananaliksik sa pragmatics dahil na rin sa lawak ng dominyo nito na
maaring pagkunan ng paksa sa pananaliksik na pangwika.
Dahil dito nararapat lamang na regular na binabalikan ang mga agenda sa pananaliksik upang patuloy na
makita ang mga aspektong dapat gawan ng pananaliksik at nang sa gayon ay mas madaling matugunan ang mga area
ng disiplinang napapabayaan.
Dahil malawak ang bisyon-misyon ng kolehiyo at DFPP, lahat ng gawaing pananaliksik ay pumapasok sa
bisyon-misyon na ito. Ang mahalagang ambag ng CAL-CASAF Research Grant na ito ay ang pagsisinop at
pagmamapa ng mga nagawa nang pananaliksik. Bukod sa ambag ng papel na ito para sa malinaw na agenda sa
pananaliksik na pangwika, kinikilala ng pag-aaral na ito na marami na ang nagawang pananaliksik sa iba’t ibang area
ng wika sa labas ng DFPP. Ngunit nararapat din na malinaw na makapagtasa at makapagmapa ang DFPP ng ambag
nitong pananaliksik sa larangan ng wika. Maaring maipamulat ng hakbang na ito ang dami o kadahupan ng mga
produkto pananaliksik ng DFPP kumpara sa mga pananaliksik sa labas nito. Dito makikita ang halaga ng pakikipag-
ugnayan ng DFPP sa iba pang mga grupo o institusyong
nagtataguyod sa wika at gumagawa ng mga pananaliksik pangwika upang magkasamang mabuo at matasa ang mga
nagawa at gagawin pang mga pananaliksik sa wika.
Mula sa papel na ito maaring mahinuha ang ugnayan ng mga pananaliksik na isinasagawa ng DFPP sa
kurikulum na pangwika nito. Kabilang dito ang pag-uugnay ng mga pananaliksik sa mga asignaturang itinuturo at
kabilang sa kurikulum. Bukod dito, ang pagmamapa ng mga nagawang pananaliksik at pagbuo ng agenda sa
pananaliksik mula dito ay maaring makapagpakita ng ugnayan ng agenda sa pagkadalubhasa ng mga guro sa wika,
interes ng mga guro sa wika, at bilang o dami ng mga guro na maaring maasahang gumawa at manguna sa partikular
na pananaliksik mula sa agendang ito.
Ang agenda sa pananaliksik pangwika ay dapat maging salamin ng yaman, lalim, at lawak ng sakop ng pag-
aaral at pananaliksik sa wikang Filipino bilang pangunahing wika sa pananaliksik sa lahat ng antas at larangan sa
Filipinas na magiging muog ng pagyabong ng oryentasyon at kaalamang Filipino.
Ang Proseso ng Transkripsiyon ng mga inskripsyon sa mga Batao ng Ticao
Ramon Guillermo
Introduksiyon
Simula ng taong 2011 nang lumikha ng kontrobersiya sa akademya at sa popular na imahinasyon ang
pagkakabunyag ng dalawang batong may inskripsiyon sa isla ng Ticao, munisipalidad ng Monreal, Masbate
(Larawan 1). Nahukay ang mga ito ng mga mag-aaral ng Rizal Elementary School sa lugar na iyon noon pang taong
2000 at mula noon diumano ay nakapatong lamang ang mas malaki sa dalawang bato sa bungad ng isang klasrum
at ginagamit bilang pangkaskas ng putik sa mga tsinelas. Abril ng taong 2010 na lamang naisipan ng bagong
prinsipal na si Virgie Espares Almodal na maaaring saksi ang mga batong ito sa paggamit ng sinaunang sistema ng
pagsusulat ng kanilang ‘mga ninuno’ sa isla ng Ticao (Larawan 2). Inatasan niya ang ilang mag-aaral na linisin ang
mga bato, ngunit dahil gumamit ang mga bata ng mga matalas na pirasong bakal upang ‘palinawin’ ang mga simbolo,
lumikha ito ng problema sa pagbasa ng mga inskripsiyon. Ineksibit ang mga bato sa harapan ng paaralan ng ilang
linggo ngunit ipinatago rin nang mangamba ang ilang miyembro ng komunidad na baka manakaw o mawaglit ang
mga ito. Ang mas malaki sa dalawang bato ay isang halos hugis tatsulok na may tinatayang sukat na 57 cm pahaba,
44 cm pahalang at may kapal na 11 cm na may bigat na mga 30 kilo. May mga dimensiyon naman ang maliit na bato
ng 20 x 18 cm at may kapal na 6 cm (Guillermo, 2011).
Kinontak ng isang kamag-anak na nakatira sa Ticao si Prop. Francisco Datar, tubong Magallanes, Sorsogon, at guro sa
Departamento ng Antropolohiya sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, upang tanungin kung interesado siyang tingnan ang mga
bato. Nagsagawa ng preliminaryong survey si Datar at ipinaalam sa Pambansang Museo ang hinggil sa mga bato. Binuo niya
bilang lider ang U.P. Ticao, Masbate Anthropological Project Team na kinabibilangan nina Ricardo Nolasco (Depto. ng
Linggwistika, U.P. Diliman), Arnold Azurin (U.P. Archaeological Studies Program), Ramon Guillermo (Depto. ng Filipino at
Panitikan ng Pilipinas, U.P. Diliman), May Anne Mata (Depto. ng Matematika, Pisika at Agham Kompyuter, U.P. Mindanao) at
Myfel Joseph Paluga (Depto. ng Agham Panlipunan, U.P. Mindanao). Pagkaraan ay sumali na rin sa grupo si Maricor Soriano at
ang kanyang 3D imaging team (National Institute of Physics, College of Science, U.P. Diliman). Naglunsad ang grupo, sa ilalim
ng pamumuno ni Datar, ng isang serye ng fieldwork sa isla mismo na ang pinakauna ay naganap noong Hunyo 2011.
Nagsagawa ng maraming interbyu upang maihambing at masuri ang mga pahayag ng mga indibidwal na direktang naging
bahagi ng pagkakatuklas sa mga bato. Gumawa ng masinsinang ‘pagmamapang arkeolohikal’ si Paluga sa area na
sinasabing pinaghukayan ng mga bato upang maghanap ng mga bakás ng dating mga tirahan. Walang napalitaw ang fieldwork
na anumang ebidensiyang prima facie na ang mga batong ito na may inskripsiyon ay mga gawa-gawa lamang o panloloko (hoax)
ng sinuman. Gayumpaman, lumilitaw ang usapin ng posibleng mga petsa ng pagkakagawa ng mga inskripsiyon.
Kasalukuyang nasa pag-iingat na ng Pambansang Museo ang mga ‘Bato ng Ticao.’ Naglunsad din ng patuloy na paghuhukay
arkeolohikal ang Pambansang Museo ngunit wala pang lumalabas hanggang sa ngayon na bagong kaalaman na maaaring may
kinalaman sa pagbabasa ng mga inskripsiyon.
Laganap ang mga batong may inskripsiyon sa mga lumang kabihasnan ng Timog Silangang Asya sa Malaysia at
Indonesia (Coedès, 1930). Tinatayang isa sa pinakamatandang inskripsiyon sa Indonesia ang ‘Prasasti Ciaruteun’ (Inskripsiyon
ng Ciaruteun) na natuklasan taong 1863 sa Bogor sa pulo ng Java, na nagtataglay ng inskripsiyon sa wikang Sanskrit sa mga
letrang Pallava at ‘bakás’ ng dalawang paa ni Vishnu (Karsono, 2008). Ang ‘Batu Bersurat Terengganu’ (Bato ng Terengganu
na may Sulat) na sinulat sa Jawi (Arabikong alpabeto na inangkop sa pagsulat ng wikang Malay) ay naglalaman naman ng
sinasabing pinakalumang tekstong nakasulat sa wikang Malay (ca. 1303) (Collins, 2005). Ang mga binansagang ‘Batong Ticao’
ang masasabing pinakaunang mga batong natuklasan sa Filipinas na may malinaw na nakaukit na sulating baybayin.
Gayumpaman, tila anomalya ang pagkakasulat ng baybayin sa bato sapagkat maituturing itong kahanay at nasa parehong saray-
pampanahon (time layer) ng mga sistema ng pagsusulat sa Indonesia tulad ng Surat Bugis at Surat Batak na walang naiwang
halimbawang nakasulat sa bato o metal (Kozok, 2009, p. 67; MacKnight, 2001, p. 142).
Dulot ng labis na problematikong sirkunstansiya ng pagkakatuklas sa mga batong may inskripsiyon, dapat ulit-uliting
idiin na nararapat lamang na maging napakaingat sa paglapit sa usapin ng awtentisidad ng mga ito. Mababanggit na lamang
dito ang kaso ng Kensington Runestone, isang tablang bato na natuklasan noong 1898 sa Minnesota, USA ng isang
magsasakang tubong-Sweden na si Olof Ohmann na may mga sulating ‘rune.’ Napapatunayan daw ng naturang inskripsiyon na
may mga biyaheng ‘pre-Columbus’ ang mga taga-Scandinavia patungong Amerika. Agarang pinuna ng mga espesyalista ng
mga sinaunang wika at sistema ng pagsusulat ng Scandinavia ang bokabularyo ng inskripsiyon at hugis ng mga simbolo na tila
hindi angkop sa ibinalangkas na petsang ika-14 na dantaon. Sa kasalukuyan ay kumikiling ang konsensus na isa itong
inskripsiyong ginawa noong ika-19 na dantaon. Gayumpaman ay misteryo pa ang kabuuang mga sirkunstansiya (Staaf & Ahlen,
2003, p. 8). Nararapat lamang panatilihin ang matatag na iskeptisismo kaharap ng awtentisidad o pagpepetsa ng mga Batong
Ticao. Kahalintulad ito ng kaso ng dalawang pinakakilalang artifakt na may mga sulatin na natuklasan sa Filipinas. Halimbawa
ay hindi talaga masisigurado ang awtentisidad ng tinatawag na ‘Calatagan Pot’ hangga’t hindi matiyak ang petsa nito sa
pamamagitan ng mas siyentipikong mga pamamaraan (Francisco, 1973; Guillermo & Paluga, 2011). Maging ang ‘Laguna
Copperplate Inscription’ (LCI) ay kinukuwestiyon hinggil sa kung ito nga ba ay talagang isinulat sa kapuluang ito o kung nadala
lang ito dito mula Indonesia (Postma, 1993).
Ang papel na ito ay kumakatawan sa ulat ng may-akda hinggil sa ‘transkripsiyon’ ng mga inskripsiyon ng mga Bato
ng Ticao. Bunga ng kolektibong pagsisikap, nabuo ang transkripsiyon sa pamamagitan ng sama-sama at masinsinang
interdisiplinaryong kolaborasyon ng mga miyembro ng U.P. Ticao, Masbate Anthropological Project Team. Unang binasa ito ng
may-akda sa “1st Philippine Conference on the ‘Baybayin’ Stones of Ticao, Masbate” na ginanap sa mismong isla ng Ticao
noong Agosto 5-6, 2011. (Maida-download ang proceedings sa http://batongticao.blogspot.com/p/program.html)
Ang Transkripsiyon ng mga Bato ng Ticao
1.2 Ang mga Larawan 4a, 4b at 4c ay mga pagtatangkang maisaayos sa paraang mas madaling
mabasa ang mga linya ng inskripsiyon ng BT1a, BT1b at BT2. Ang BT1a ay may pitong (7)
linya, ang BT1b ay mayroong sampu (10), at ang BT2 ay may tatlo (3) lamang. Ang
pinakamahabang linya ng inskripsiyon sa BT1a ay ang linya 2 na may labindalawang (12)
simbolo. Ang pinakamahabang linya naman ng BT1b ay ang linya 2 rin na may labing-apat
(14) na simbolo. Tila walang pattern sa bilang ng simbolo (o mga pantig) sa bawat linya ng
BT1a at BT1b.
Larawan 4a: Pagsasaayos ng BT1a (dot: hinihinuhang espasyo)
1.1. Kapansin-pansin ang e/i EE bilang pinakamadalas lumitaw (10x) na simbolo sa BT1b.
Tatlong beses lamang lumitaw ang e/i sa BT1a. Ang ikalawang pinakamadalas lumitaw
na simbolo sa BT1b, ang nga (N),na lumitaw nang pitong beses (at may markang
diakritikal sa ibaba sa limang pagkakataon), ay hindi lumitaw sa BT1a at BT2.
(ayon sa paglitaw)
1.1. Maaaring mahinuha ang pagkakaroon ng espasyo sa pagitan ng mga salita sa mga
inskripsiyon ng BT1a at BT1b. Sinikap tiyakin ang mga espasyong ito sa pamamagitan
ng tuwirang nakikitang ‘agwat’ at sa pamamagitan ng pagsukat. Sa pangkalahatan ay
maaaring itakda bilang ‘espasyo’ sa pagitan ng mga salita ang mga sukat sa pagitan ng
mga simbolo na mahigit sa distansiyang mean ng mga simbolo sa BT1a at BT1b. May
hinihinuhang 35 na espasyo sa BT1b at 19 sa BT1a (Talahanayan 2a at 2b). Hindi pa
gaanong malinaw kung may mga espasyo sa BT2 (Talahanayan 2c). Napakalaki ng
maitutulong ng pagkakaroon ng espasyo sa pagitan ng mga salita sa anumang
pagsisikap na mabasa ang inskripsiyon dahil maipapakita nito ang mga boundary sa
pagitan ng mga posible o hinihinuhang salita.
Talahanayan 2a, 2b at 2c.
Sukat sa pagitan ng mga simbolo ng BT1a, BT1b at BT2 (cm)
2a
an y
alahana
T
Mean:
1.3480
Mean:
0.53
Talahanayan 2b at 2c
1.6 Hindi kumpleto ang BT1a, BT1b at BT2 sa lahat ng mga simbolo ng
baybayin: nagkukulang ang BT1a ng nga, pa at wa; nagkukulang ang BT1b
ng wa; at ang BT2 naman, bilang pinakamaikiling teksto ay nagkukulang
ng e/i, ga, pa, sa, wa at ya. Hindi makikita ang wa (W) sa alinman sa tatlong
teksto. Hindi sa gayon masasabing kumpletong set ng silabaryo ang
pinagsama-samang simbolo ng BT1 at BT2.
2.1. Ilang tala sa mga simbolong ya, la at na. Kaagad mapupuna na magkaiba ang
simbolong ya sa BT1a at BT1b. Nakabuká ang lawit sa kanan sa BT1a (BT1a.3.8;
BT1a.6.6) samantalang nakasara ang lawit sa BT1b (BT1b.2.11; BT1b.3.5; BT1b.4.3;
BT1b.4.6; BT1b.4.8). Bilang tangkang paliwanag ay mapapansin sa Doctrina
Christiana ang pagpapalit-palit ng dalawang uri ng ya na ito kahit sa parehong mga
pahina (Larawan 5). Mahihinuna rito na walang pagkakaiba ang dalawang uring ya na
ito sa usapin ng pagbigkas. Ngunit nakapagtataka pa rin kung bakit iisang uri ng ya
lamang ang makikita sa magkabilang panig at hindi ipinaghalo-halo ang mga ito.
3.1. Ang mga kudlit. Ang mga markang diakritikal sa ilalim ng ilang simbolo sa BT1b
at BT2 (Larawan 6) ay may hugis krus (+) (tulad ng inimbentong markang virama ni
Lopez [1620]) ngunit maaari ring binubuo lamang ng dalawang linyang nagtatagpo sa
isang kanto sa kanang itaas (¬) at hindi talaga tumutuloy sa pagiging krus (BT1b.1.10;
BT1b.5.5; BT1b.7.5). Kailangang suriin nang masinsinan kung virama nga ito o kudlit
lamang itong nagbibigay ng halagang patinig na o/u na karugtong ng simbolo (nga:
BT1b.1.4; BT1b.1.10; BT1b.5.3; BT1b.5.5; BT1b.7.5. ya: BT1b.2.11; BT1b.4.3. ma:
BT1b.5.1. na: BT2.1.5).
Larawan 6: Ang mga markang diakritikal ng BT1b at BT2
3.1 Mapapansin din ang pagkakaroon ng tila malatuldok o maikling linyang marka sa
ibabaw (BT1a.3.7) at ilalim (BT1b.6.7; BT1b.8.1) ng ilang simbolo sa BT1a at
BT1b (Larawan 7). Kailangan pang malaman kung may kahulugan ang mga ito o
mga gurlis o likás na marka lamang sa ibabaw ng bato.
BT1a
1 a na ta * o/u ga * ba ta ha la * na
1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 1.7 1.8 1.9 1.10
2 na? * da ta * a na ba * e/i ha la * e/i ha la
2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 2.6 2.7 2.8 2.9 2.10 2.1 2.12
1
3 la? * ka * sa ga * na * ba ha ya * na
3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 3.6 3.7 3.8 3.9
4 ? la * a na ma * e/i ha * na
4.1 4.2 4.3 4.4 4.5 4.6 4.7 4.8
5 na * ma la * o/u ta * a ka na
5.1 5.2 5.3 5.4 5.5 5.6 5.7 5.8
6 la ha * ka la na ya
6.1 6.2 6.3 6.4 6.5 6.6
7 a na ma
7.1 7.2 7.3
5.1
BT
2
1 ta ha ma na nx
1.1 1.2 1.3 1.4 1.5
2 na ba la o/u da
2.1 2.2 2.3 2.4 2.5
3 na ka ta a na ?
3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 3.6
* : hinihinuhang simbolo
?: di tiyak na simbolo
x: di tiyak na katapusan/dulo
Pero bago ang lahat ay kailangang talakayin ang usapin ng posibleng wika ng mga
inskripsiyong ito. Batay sa heograpikal at rehiyonal na lokasyon ng pinakasimpleng
haypotesis (na maaaring lumabas na hindi tama) hinggil sa mga wika nito ay maaari itong
maging Bikolnon (sa malawak na henerikong
pakahulugan), Bisaya (sa henerikong pakahulugan), Masbateño (wikang nasa gitna ng Bisaya at
Bikolnon) o Ticaonon (ang lokal na wika ng isla). Dahil ang pinakamaraming nakalathalang
sangguniang pangwika ay hinggil sa mga wikang Bisaya at Bikolnon, maaaring simulan ng
mananaliksik ang pag-testing o probe sa dalawang lengguwaheng ito. Kung magsisimula sa
dalawang henerikong lengguwaheng ito, ang susunod na hakbang ay ang paghahanap ng mga
sequence (o pagkakasunod-sunod) ng mga pantig na nasa mga inskripsiyon sa mga
diksiyonaryo. Isasaisantabi muna sa mga salitang nasa diksiyonaryo ang mga independiyenteng
katinig dulot ng katangian ng baybayin na hindi ito isinusulat. Hindi rin muna isasaalang-alang
dito ang usaping gramatikal (maliban sa morpolohiya). Halos magagawa ang paghahanap
ng mga sequence sa pamamarang awtomatiko kung ginagawa sa pamamaraang may tulong
ng computer. Pagkaraan ng ganitong sistema ng pagsubok sa mga diksiyonaryo ay matutukoy
ang ‘pinakaproduktibong’ wika, kung saan pinakamatagumpay ang pattern matching. Isa
lamang itong pang-estadistikang resulta na wala pang ganap na katiyakan. Ngunit mahihinuha
na kung napakataas ng pagkakatugma ng mga sequence (isang pambihirang bagay sa punto de
bista ng textual statistics) ay may malakas na kandideyt na para sa partikular na lengguwahe ng
inskripsiyon. Ang pinipiling idinadagdag na mga independiyenteng katinig sa proseso ng
pagbasa ng inskripsiyon ay dulot at resulta nitong proseso ng paghananap ng pagtugma ng mga
sequence at hindi masasabing arbitraryong bagay lamang.
4) “i-ba” (2x: BT1b.2.3, BT1b.2.4; BT1b.6.9, BT1b.6.10): ‘iba,’ ibang anyo ng ‘uban’ na
nangangahulugang ‘kasama’ (companion) (Wolff, 1972).
7.3. BT2.
(Tila malapit nang makabuo ng isang masinsin at sistematikong pagbasa si Myfel Paluga
[e-mail sa may-akda, Hulyo 2, 2011] ng inskripsiyon sa BT2 kaya nararapat munang
abangan ang paglalathala niya ng kaniyang mga resulta.)
7.5 Kung ang mga malakrus na kudlit sa BT1b at BT2 ay mga kudlit nga na
nagtatakda ng patinig na o/u (dahil laging nasa ibaba), masasabing magiging
tuwiran na lamang ang pagbabasa nito (kahit pa nakapagtataka na walang
makitang mga kudlit sa itaas). Ang kakaharapin na lamang sa ganitong kaso ay ang
matindi ring problema ng sistemang baybayin ng pagdaragdag ng mga independiyenteng
katinig ayon sa interpretasyon. Papasok na rin dito ang usapin ng pagkilala o hindi sa
mga agwat sa pagitan ng ilang simbolo bilang espasyo sa pagitan ng mga salita. Kung
hindi ituturing na espasyo ang mga ito ay kakaharapin ng nagtatangkang magbasa ng
inskripsiyon ang isa pang malaking problema ng kumbensiyonal na baybaying
inskripsiyon na walang espasyo sa pagitan ng mga salita.
7.6 Pinakamainam sana para sa pagbabasa ng BT1b at BT2 kung ang mga
kudlit ay mga virama na ginamit sa paraang konsistent. Kung ganito ang
kaso ay diretso lamang at walang kumplikasyon ang proseso ng
pagbabasa ng mga salita sa inskripsiyon. Ngunit kung sakaling virama
nga ang mga ito ngunit hindi konsistent ang paggamit (ibig sabihin, may
mga katinig na independiyenteng hindi isinulat) tulad ng makikita sa ilang
mungkahing salita sa itaas, mangangahulugan ito na maliban sa mga
hayag na independiyenteng katinig na kinakatawan ng mga simbolong
may virama ay kinakailangan pang manghinuha ng iba pang mga
independiyenteng katinig na hindi sinulat tulad ng ginagawa sa orihinal na
sistemang baybayin.
7.7 Dagdag pa, kung virama nga ang mga malakrus na kudlit, labis
namang magiging kataka-taka na walang mga kumbensiyonal na kudlit
na nagtatakda ng patinig na o/u (sa ibaba) at e/i (sa itaas) ng mga simbolo.
Lahat lamang ng kakabit na patinig ay magiging “a.” Posible ba ito sa
ganitong kahahabang teksto tulad ng BT1a at BT1b na ang lahat ng
katinig ng mga pantig ay nakakabit lamang sa tunog na “a”? Maaaring
magbuo ng haypotesis sa ganitong kaso na hindi isinulat ng umukit ng
mga simbolo ang kumbensiyonal na mga kudlit na kailangang mahinuha o
mahulaan ng magbabasa (e-mail sa may-akda, Jean-Paul Potet,
Nobyembre 30, 2011).
7.8 Kung hindi konsistent ang paggamit ng virama at hindi rin nakasulat ang kudlit na
nagtatakda ng katapusang o/u at e/i ay mapapalaot ang nagtatangkang magbasa ng
tekstong ito sa isang lalo pang kumplikadong proseso kaysa sa pagbabasa ng orihinal na
sistemang baybayin na walang virama at walang mga espasyo sa pagitan ng mga salita.
Ito ang masasabing worst case scenario sa lahat. Maitatanong din kung paano nangyari
ang ganitong labis na paglabag sa mga karaniwang alituntunin ng pagsusulat sa
baybayin. Ito ba ay bunga ng ignoransya ng nagsulat sa wastong paggamit ng
baybayin? O ito ba ay isinadya upang maging mas mahirap ang pagbabasa ng naturang
mga inskripsiyon? Pananda ba ang ganitong mga paglihis sa normal na alituntunin ng
baybayin ng kwestyonableng awtentisidad ng mga Batong Ticao? Maaari kayang
mapatunayan ang awtentisidad o kawalan nito ng mga Batong Ticao sa pamamagitan ng
pag-aaral ng paraan ng pagkakasulat ng mga simbolo? Nangangailangan pa ang mga
tanong na ito ng mas malalim na imbestigasyon.
Konklusyon
Sa kabila ng pinakamatinding pagsisikap ay maaaring mangyari na wala pa ring
katanggap-tanggap na pagbasang lilitaw sa hinaharap na umaaayon sa lahat ng pamantayan na
nailatag sa artikulong ito. Posible ring hindi kailanman matitiyak ang awtentisidad o pagpepetsa
ng mga ito ayon sa kasiyahan ng lahat. Maaaring maging kapalaran nito ang katulad ng
‘Calatagan Pot’ na pinaliligiran ng walang katapusan at hindi maubos na tanong. Gayumpaman,
sinikap ng papel na itong mailatag ang ilang batayan sa pagbasa at pag-analisa ng mga Bato ng
Ticao na may isang antas ng katatagang siyentipiko. Malayo pa ang lalakbayin mula rito, ngunit
ito sana ay magpatuloy sa landas ng metodolohiyang rasyonal, ebidensyang masinsinan at
mabungang debateng intelektuwal.
“Samantalang may isang panginoong may kapital/ ang nagdiwang at nagdaos ng hapunan at kabilang sa
hapag ng panauhing pandangal / ang tanyag at ang banal sa ating lipunan/halos ang bawat isa’y
makapangyariha’t matagumpay/ dahilan sa isang taglay na katangian / ang matibay na loob na magsawang
mabusog / habang may nangangatog sa hapdi ng tiyan.” Ganitong-ganito ang kalagayan sa pagitan ng mga
manggagawang kontraktuwal sa ating lipunan at sa mga kapitalistang nagkakamal ng yaman mula sa lakas-
paggawa ng manggagawa. Kung mas marami sana ang gagamit ng kantang “Bahay” at “Manggagawa” sa mga
guro ng paaralan ay mas mailalapit nila ang reyalidad sa kanilang mga estudyanteng ipinaghehele ng eskapismo
mula sa pinagkakaabalahan nilang social network. Ang awiting “Dam” naman ay naglalaman ng protesta sa
mga development projects ng gobyerno na nagwawasak sa kapaligiran at sa pamumuhay ng mga katutubo. Sa
ngalan ng huwad na kaunlaran / Ang bayan ay sa utang nadiin / At ito na ang kabayaran /Ang kanunununuang
lupain / Ang mga eksperto'y nagsasaya / At nagpupuri at sumasamba / Sa wangis ng diyus-diyosan nila / Ang
dambuhalang dam. Taong 1989 nalikha ang awit na halaw sa pakikipaglaban ng mga katutubo sa Cordillera na
tumutol sa pagtatayo ng Chico Dam. Noong Abril 24, 1980 ay nagbuwis ng buhay si Macliing Dulag, isang
lider ng mga katutubong Kalinga na pinaslang ng mga militar dahil sa pagtutol nito sa Chico Dam na wawasak
sa kalikasan at sa kanilang pamumuhay. Napigil ang pagtatayo ng dam at ang kamatayan ni Macliing Dulag ay
naging simbolismo ng kabayanihan at ngayon ay ipinagdiriwang bilang “Araw ng Cordillera”. Ang kantang
“Dam” ni Gary Granada ay hindi lamang awit na nagpapakita ng pagmamahal sa bayan kundi awit rin na
nagpapakita ng pagmamahal sa kalikasan.
Hanggang ngayon, ang mensahe ng awit ay patuloy pa ring nanunumbat habang walang pakundangan
rin ang pagwasak sa kapaligiran kapalit ng kaunlaran. Maiuugnay naman sa kalagayan ng mga manggagawa
ang nilalaman ng kantang “Hatinggabi sa Picket line” na literal na tumatalakay sa mga manggagawang
nagwewelga.
Nagpapakita ng realismo ang refrain ng awit na may linyang “Hangga’t manggagawa’y nakagapos / ang
welga’y hindi matatapos/ hangga’t naghahari ang pera’t baril / ng mga uring naniniil” at nagpaaalala sa
pinaslang na labor leader ng Nestle na si Diosdado Fortuna noong Setyembre 22, 2005 at sa pakikibaka ng mga
manggagawa ng Philippine Airlines noong Setyembre 30, 2011. Ang mga ganitong tema ng awit ay mainam na
gamitin upang mamulat ang mga estudyante hinggil sa kalagayan ng mga manggagawa sa Pilipinas at hindi
nalalayo sa mga akdang pampanitikan na matatagpuan sa mga panghayskul na aklat sa Filipino tulad ng
kuwentong “Aklasan” ni Brigido Batungbakal, “Ang Dyanitor” ni Aurelia Vicente at “Gutom” ni Clodualdo del
Mundo. Ang mga kuwentong ito, tulad ng mga awit ni Gary Granada ay repleksyong ng kalagayan ng mga
mahihirap nating kababayan sa lipunan na dapat magkaroon ng puwang sa mga talakayan sa klase sa hayskul
man o sa kolehiyo.
Ang mga awiting “EDSA” at “Kanser” ay kapwa inilabas ni Gary Granada noong 1989 at kasama sa
album na “Ugat: Pagsamba at Pakikibaka Vol. 2” na isa sa pinakamatapang na album na kanyang inilabas. Ang
liriko ng “EDSA” ay pagtuligsa sa kawalan ng pagbabago pagkatapos na mapatalsik si Marcos at mailuklok sa
puwesto si Pangulong Cory Aquino. Ayon sa awit, “Ang EDSA’y tulad ng paglaya natin sa mga Kastila/ sa
halagang dalawampung milyong dolyar/ sa anyo ng demokrasya ay angkop at kasyang-kasya/ ang base militar
at sandatang nukleyar.” Malinaw na ginamit ni Gary Granada ang kasaysayan para maikumpara sa Treaty of
Paris noong 1898 ang EDSA Revolution noong 1986 na ayon sa awit ay simbolismo ng huwad na kalayaan. Sa
panitikan, ganito rin ang tema ng kuwentong “Ugat” ni Genoveva Edroza Matute kung saan ang pangunahing
karakter na si Lolo Tasio ay nais nang umalis ng Pilipinas nang mapagtanto niya na wala namang naganap na
pagbabago sa kalagayan ng bansa pagkatapos ng EDSA Revolution. Samantala, ang kantang “Kanser” naman
ay tumatalakay sa sakit ng lipunan partikular sa pagsasamantala ng mga mayayaman sa mahihirap na ang
salosyon ay “totoong rebolusyon”. Lumilitaw na ang awit ay bahagi rin ng pagtuligsa sa huwad na kalayaang
natamo ng sambayanan matapos na mapatalsik ang diktaturya ni Marcos.
Ang awiting “Pablong Propitaryo” ay sinulat ng Palanca awardee na si Tom Agulto ngunit nilapatan ng
musika at inawit ni Gary Granada. Tinalakay sa awit ang abusadong panginoong maylupa, pulitiko at propitaryo
na si Pablo. Kagaya sa Kabanata IV ng “El Filibusterismo” kung saan pinaslang ang paring si Padre Clemente
na kumamkam ng lupa ni Kabesang Tales, binaril rin at napatay ang mapagsamantalang si Pablong Propitaryo:
“Tingga ay naglagos sa dibdib, sa utak/ sinong walang puso kaya ang umutas?” Ang ganitong eksena ay
nagtataglay ng element ng Marxismo kung saan ang dahas ang tanging solusyon upang wakasan ang
pagsasamantala. Ganito ring solusyon ang ginamit ni Efren Abueg sa kanyang kuwentong “Ang Kamatayan ni
Tiyo Samuel” kung saan ang balisong ni Felipe ang kumitil sa mapagsamantalang si Tiyo Samuel. Sa konteksto
ng lipunang Pilipino, nananatiling pinakamatandang kilusan sa Asya ang armadong pakikibaka ng New Peoples
Army sapagkat tanging dahas lang ang pinaniniwalaang nalalabing paraan sa mga magsasaka at mahihirap
nating kababayan na kasapi nito.
Satiriko naman ang kantang “O Kay Sarap” at “Holdap” na parehong tumatalakay sa kalagayan ng
pamahaalaan. “Hindi tumatanggap ng lagay ang mga pulis/ Ang record ng ating militar, kay linis-linis/ kay bilis
pa ng serbisyo ng pamahalaan/ walang under the table dito sa ating bayan”, ang tila nakalolokong paglalarawan
sa Pilipinas. Ito ay kabaligtaran ng kalagayan ng bansa at isa lamang ilusyon lalo pa at patuloy ang katiwalian
sa PNP at ang mga militar ang inaakusang nasa likod ng pagdukot sa aktibistang sina Jonas Burgos, Karen
Empeno at Shirlyn Cadapan. Laganap pa rin ang sistemang lagay na siyang isa sa pangunahing ugat ng
korapsyon. Ang liriko naman ng kantang “Holdap” ay may linyang “Nanakawan na at naholdap si Juan/ ngunit
ang nagnakaw pa nasa pamahalaan” na patama ni Gary Granada sa mga pulitikong nasangkot sa katiwalian
subalit patuloy na nagwawagi sa eleksyon. Ang ganitong mga tema ng awit, kung palaging maririnig ng mga
ordinaryong tao ay magtutulak sa kanilang mag-isip at maging mapanuri sa nagaganap sa lipunan. Sa paaralan
naman, ang pagsusuri sa liriko ng mga awit na tulad ng “Holdap” at “O Kay Sarap” ng mga estudyante ay
magpapatalas sa kanilang pag-iisip at magpapahusay ng kakayahan nilang mangatwiran sa pagpapaliwanag ng
mensahe. Higit sa lahat, makatutulong ang mga ganitong awit upang mamulat ang mga kabataan sa mga isyung
panlipunan na tuwiran at hindi tuwirang nakaaapekto sa kanilang pamumuhay.
Kung ang islogan ng gobyerno ni Gloria Macapagal Arroyo ay ‘strong republic” at kung ang kay
Pangulong Benigno Aquino III naman ay “daang matuwid”, ginamit rin ni Gary Granada ang musika upang
batikusin ang islogan ni dating pangulong Fidel Valdez Ramos na Philippines 2000 sa awit na gayon din ang
pamagat. Sa liriko ng kantang “Philippines 2000” ay inilahad ni Gary Granada ang linyang “Gutom ay huwag
intindihn/ sakit ay huwag indahin/ manalig ka sa gobyerno/ brown-out, demolition, basura at inflation/ tiyaga at
konti pang sakripisyo/ magtiis sa sahod, ilang taon na lang/ eto na ang NIChood, isang igkas na lang/ welcome
to the future: Philippines 2000!” Future ang salitang ginamit sapagkat 1996 nang isulat ang awit subalit natapos
ang termino ni FVR ngunit nanatiling pangako ang kanyang islogan. Walang ipinagkaiba ang islogan ni GMA
na “strong republic” sa islogan ni FVR na magiging “newly industrialized country” na ang Pilipinas pagkatapos
ng taong 2000. Dahil dito, magagamit rin ang kantang “Philippines 2000” upang suriin naman ang katotohanan
o kasinungalingan sa pangakong “tuwid na daan” ng kasalukuyang pamahalaan.
Ang awiting “Values Education” ang pinakamatapang na awit na nilikha ni Gary Granada bilang
protesta sa dayaan sa halalan noong taong 2004. Sa genre na reggae at kasama ang tinig nina Noel Cabangon,
Cooky Chua at Popong Landero, masarap pakinggan ang awit at may liriko na “ Huwad na eleksyon kick-back
at kumisyon/ Suhol, lagay, Graft and corruption/ Ano ang solusyon , ang sabi ng leksyon/ Ika’y ay values
education huwag kang mandadaya/ Huwag kang magsinungaling, ang mga panata/ At pangako’y tuparin/
Huwag kang manggugulang/ Huwag kang magsasamantala/ Huwag kang manlalamang ng iyong kapwa/ Gloria
Huwag kang manggu-Gloria!”. Ginamit ng awit na metonomiya ang pangalang “Gloria” bilang katumbas ng
pandaraya at siyempre, hindi pinatugtog sa mga radyo ang awit kundi sa mga kilos-protesta laban sa rehimen ni
Gloria Macapagal Arroyo. Ang huling bahagi ng awit ay nagbibigay ng payo sa mga nakikinig na matuto sa
kasaysayan ng ating bayan sa pamamagitan ng lirikong “Ang pahalagahan/ Kailangan ng bayan/ Bahay,
pagkain, kalusugan/ Makapag-aral, trabahong marangal/ Hustisya at kapayapaan / Ngunit inuuna ng gobyerno
ang utang/ Pinatitindi pa ang logging, mining, at digmaan/ Dahil di malaya sa dikta ng dayuhan/ Lalong
lumalala ang kahirapan/ Gloria! Huwag kang manggu-Gloria/ Huwag kang mang- e-Erap, Ramos, Cory
Marcos, Gloria, Huwag kang manggu-Gloria!”. Batay sa awit, walang ipinagkaiba ang gobyerno ni GMA sa
mga nakaraang adiministrasyon sapagkat hindi nito natugunan ang mga pangunahing serbisyong kailangan ng
bayan at sa halip ay inuna pa ang pagbabayad ng utang sa IMF-WB at ang paglalala ng problema sa logging,
mining at digmaan na nagaganap pa rin sa kasalukuyan.
Bago pa nilikha ni Gary Granada ang kantang “Values Education” ay may nauna na siyang awit na
nilikha noong 2001 na ang pamagat ay “Mga Kanta ni Goryo” at kinatatampukan ng mga tono ng mga
pangunahing traditional songs sa Pilipinas gaya ng “Atin Cu Pung Singsing,” “Pamulinawen,” “Sarung Banggi”
at marami pang iba. Ang nakatutuwa sa liriko ng awit ay ang paglalahad ni Gary Granada ng mga pangunahing
isyung panlipunan sa paraang nakatatawa (novelty) at nakaaaliw. Ang mga tinuligsa sa awit ay ang “bangkang
papel” ni GMA, money laundering ni Ping Lacson, ang mga nawawalang load sa kompanyang Smart, Globe at
Sun, ang sabwatan ng mga militar at Abu Sayaff at ang mga pangakong hindi natutupad sa pamahalaan ni GMA
matapos na patalsikin sa pagkapangulo si Joseph Estrada noong taong 2001. Narito ang bahagi ng liriko ng awit
sa tono ng kantang “Bakya Mo Neneng”: “ SONA ni Gloria bongga at madrama/Ngunit may bakas pa ng mga
dating SONA/ Parang kamukhang SONA ni Cory/At SONA ni Ramos at SONA ni Estrada/ Ang ganda-ganda
Ng SONA ni Gloria/ Ng SONA ni Cory at ni Ramos at Estrada/ Di naman kaya ang SONA ni Gloria/ Ay
kanyang kinopya sa SONA ng tatay niya!”. Ibig sabihin, iba’t iba man ang naging pangulo ng bansa magmula
1986 hanggang 2001 ay wala namang nagbago sa kalagayan ng bansa. “Paulit- ulit ang kwento/ Papalit-palit ng
tao/ Pare-parehong gobyerno / Mamamaya’y ginagantso/ Manggagawa’t magbubukid/ Kinakapos, nagigipit/
Kinikita nila ay kay liit-liit/ Samantalang si gobernor/Si congressman at senador/ Yumayaman by serving the
poor!” ang dagdag pa ng awit nagpapakitang wala naman talagang naging pagbabago sa bansa kahit pa
dalawang beses na naganap ang EDSA Revolution. Nagbago lamang ang mga pangalan ng mga pinuno subalit
nanatiling baon sa kahirapan ang sambayanang Pilipino.
Hindi rin nalalayo ang isinasaad ng kantang “Dahil sa Hirap ng Buhay” na naglalahad naman ng mga
suliranin ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) na napipilitang umalis ng bansa upang bigyan ng
magandang buhay ang kanilang pamilya subalit kung minsan ay napapahamak lamang tulad ng sinapit ni Flor
Contemplacion noong Marso17, 1995 na nabitay sa Singapore. Malungkot ang katotohanang sinabi ng liriko ng
awit: “Habang karamihan ay aba/ ang mayama’y yumayaman pa/ Dahil sa hirap ng buhay”.
Subalit hindi naman lahat ng nalikhang kanta ni Gary Granada ay nagpapakita ng pagtuligsa sa
pamahalaan. Ang kantang “Sinisintang Bayan” na inawit ni Bayang Barrios at ang “Tagumpay Nating Lahat”
na pinasikat ni Lea Salonga ay nagpapakita ng nasyonalismo at pagbibigay puri sa lahing Pilipino. “Taglay ko
ang hiwaga ng Silangan /At saan mang bayan o lungsod/ Maging Timog, Hilaga at Kanluran/ Ang Pilipino ay
namumukod/ Sama-sama nating abutin/ Pinakamatayog na bituin /At ang aking tagumpay/ Tagumpay ng aking
lahi/ Tagumpay ng aking lipi/ Ang tanging minimithi at hinahangad/ Hangad ko'y tagumpay nating lahat!” ang
positibong mensahe ng kantang “Tagumpay Nating Lahat”. Hango naman sa Cebuanong awit na “Buhi sa
Kanunay” ang melodiya ng “Sinisintang Bayan” na nagsisilbing panawagan sa mga Pilipino: “Sa lupang
sagana/ Aba ang karamihan/ Kung kaya kasama/ Ng buong sambayanan/ Sa digmang payapa/At digmang
digmaan/Ilulunsad, iluluwal/ Ang maunlad na bayang may dangal. Nasa pagkilos ng sambayanan ang paglikha
ng isang lipunang maunlad at marangal. Ang ganitong mga liriko ay hindi matatagpuan sa alinmang
komposisyon ni Ryan Cayabyab, Rey Valera at kahit ng mga iniidolong tulad nina Ely Buendia, Bamboo o
Rico Blanco. Pinatatag nito ang posisyon ng mananaliksik na talagang dapat pag-aralan ang mga awit ni Gary
Granada bilang yaman ng ating panitikan, musika at kultura. Kahit si Freddie Aguilar na nakilala sa kantang
“Anak” , “Ipaglalaban Ko”, “Bayan Ko” at maging si “Florante de Leon” na lumikha ng mga awit gaya
ng“Ako’y Pinoy”, “Handog” at “Upuan” ay kukulangin kapag ikinumpara ang kanilang mga nalikhang kanta sa
lawak at dami ng mga awiting makabayan na nalikha ni Gary Granada.
Varayti ng Wika sa Pinoy Indi: Isang Mungkahing Balangkas Pedagohiyang
Kritikal Tungo sa Pagsasabansa ng Akademya at Sining’
ni Jonathan Geronimo
Simula’t sapul nang maisilang ang konsepto ng alternatibong pelikula sa laylayan ng pelikulang komersiyal sa
kalagitnaan ng dekada ’70, kakambal na nito ang pagpapakahulugan ng pagbalikwas sa sistema ng naglalakihang
istudyo ng Lebran, Premiere Productions, Sampaguita at LVN. Hanggang sa tuluyang nagkahugis ang pormulang
‘avant-grande’ sa pagsasapelikula, na tumutukoy sa tuluyang pagbukod ng likhang pelikula sa pagiging komersiyal nito.
Pinangunahan nito (avant-grande sa pelikula) ang modernistikong kilusan ng mga filmmaker sa pagtuklas ng sari-saring
posibilidad sa midyum ng pelikula na kaiba sa kumbensyon ng pelikulang komersiyal. (De Ocampo 17). Naipamalas sa
pormulasyon ng ideyang avant- grande sa pelikula ang maagang pagkamulat sa limitadong potensyal ng midyum
pampelikula. Napabantog ang baguhang pangalan na Kidlat Tahimik sa pelikulang Mababangong Bangungot
(Perfumed Nightmares) noong 1977 na lumikha ng ingay lalo nang magwagi ng International Critic’s Prize sa Berlin
Film Festival.
Dumaluyong ang kanluraning estetika ng ideyang art film at naibandila ang eksperimental, abstrakto at
malaswang tipo ng panoorin upang mapagtakpan at pansamantalang makalimutan ang mga panlipunang kapansanan at
pambansang paniniil. Sa panahong iyon na ambisyosong itinatayo ng diktaduryang rehimen ang kanyang “Bagong
Lipunan”. Itinayo ang Experimental Cinema of the Philippines (ECP) ng diktaduryang Marcos noong 1982 upang hindi
lubusang malantad ang panunupil nito. Nagpondo ito ng mga pelikulang de-kalidad, at mga obrang ibinunga ay gamit
na pantapal sa mga pilat ng panunupil sa industriya. (“Ang Pelikula sa Lipunang Filipino” Lumbera 59). Pinasimulan ng
ECP ang pagtatayo ng mga arkibong pampelikula para sa lokal na industriya, naipakilala ang sensura sa porma ng “film
rating” at itinaguyod ang alternatibong pelikula.
Naipamana ng ECP ang mga obrang Oro Plata Mata (1982) ni Peque Gallaga, Himala (1982) ni
Ishamael Bernal, Misteryo sa Tuwa (1984) ni Abbo de la Cruz at Soltero (1984) ni Pio de Castro III.
Nagpanibagong-hubog sa porma at paghahain ng bagong panlasang pang-estetika ang mga pelikula na
nagbihis naman sa katawagang “alternatibo” na sinasabing malaki ang naging igpaw sa larangan ng
kasiningan kung ihahalintulad sa pelikulang komersiyal (Reyes 8).
Sa pamamayani ng mga kalakarang virtual gaya ng internet at iba pang teknolohiyang digital kasabay ng pagtindi
ng mga sensitibong isyung panlipunan na naging potensyal na paksa ng mga baguhang filmmaker, penomenal na
sumulpot ang mga festival sa lokal at internasyunal na arena na nagtakda ng bagong pamantayan sa pagsasapelikula na
tinawag na “independent films” at naideklara na gintong panahon ng alternatibong pelikula ang dekada ‘90. Tumataas
taon-taon ang pampublikong interes sa indie film lalo sa hanay ng gitnang- uring mamamayan at mga akademista na
pangunahing tumatangkilik batay sa prinsipyo ng popularidad at petiburges. Pinanday ang bagong mukha ng
independent filmmaking sa imbitasyon ng mga kapitalista na sinakyan ang init ng gitnang-uring aspirasyon para sa
pangako ng kalayaan sa kapwa porma at nilalaman na bumabaklas sa karaniwang tipo ng komersyalisadong pelikula ng
mainstream. Itinatag ang Cinemalaya Film Festival noong 2005 na may ganitong deklarasyon: “Cinemalaya Philippine
Independent Film Festival is a film competition and festival that aims to encourage the creation of new cinematic works
by Filipino filmmakers – works that boldly articulate and freely interpret the Filipino experience with fresh insight and
artistic integrity…” (2009) Kapansin- pansin na taon-taon ay matagumpay na nakapagpapamalas ng varyasyon ng
panlasang artistiko ang mga lahok na pelikula sa nasabing festival. Ngunit, ang pinakamalaking hamon dito na
makatakas sa anino ng kapitalistang pamantayan at pangako ng mapagpalayang oryentasyon ng progresibong sipat sa
lipunan ay higit pang pinababaw ng abstraksyon at binigo ang manonood sa aliw ng pagtakas/eskapismo. Sinang-
ayunan ang ganitong ideya ng huwad na kalayaan sa espasyo ng Pinoy indie sa nosyon ng artikulong “Politikal na
Filmmaking,”na ang tunay na indie filmmaking ay hindi umaasa sa film festival circuit at basbas ng institusyong
kultural para makagawa ng pelikula, ang politikal na kolektibong pampelikula ang nagpapaiba sa moda ng produksyon
at resepsyon ng pelikula (Tolentino, 2009). Sa obserbasyon naman sa artikulong “Mula Indio Hanggang Indie:
Kakaibang Kaindiehan ni Eulalio R. Guieb, Jr., bihirang makapanood ng indie films na may malinaw, lapat-sa-lupa at
alternatibong kamalayang politikal kung kaya’t masasabi na hindi alternatibo ang diskurso ng kalakhan sa
binabansagang pelikulang indie (2011). Bagaman sang-ayon kina Tolentino at Guieb na hindi pa natatamo ang ganap na
paglaya ng indie film sa bansa, masasabing may pagsusumikap naman itong umigpaw sa ilang katangiang kinasanayan
sa mainstream. Ang bahagyang paglaya sa porma at nilalaman na idinidikta ng mga kapitalistang produksyon at
hayagang pagsipat ng lente sa aktwal na kalagayang panlipunan ay ilan lamang sa matingkad na pagtatangka sa
kalakaran ng Pinoy indie film na bumaklas sa tradisyon ng mainstream. Sa ganitong pagdodokumento ng awtentikong
materyal na hango sa aktwal na panlipunang set-ap, nabubuksan ang panibagong potensyal ng kalakarang ito sa anggulo
ng pag- aambag ng mga Pinoy indie film sa pagsusulong ng wikang Filipino. Ang pagkukulang na malalimang busisiin
ang politikal na konteksto sa kasalukuyang Pinoy indie film ay maaaring pansamantalang punan ng kritikal na pagsusuri
ng mga manonood sa ibang potensyal na perspektiba nito. Ang wika bilang diskurso ng lipunang Pilipino at matingkad
na gamit sa Pinoy indie film ay posibleng makatugon sa kahingiang ito. Binigyang-diin ni Jose, ang wika ay isa lamang
sa mga instrumentong ginagamit sa pagpapalaya. Ibigsabihin ang malayang gamit ng Filipino sa pelikula ay munting
ambag lamang sa matagalang adhikain ng pagpapalaya (56).
Ngunit gaya ng ibinubukas na posibilidad ng pahayag na ito, sinasabing maaaring magsisilbing instrumento ang
wikang Filipino sa nasyunalisasyon/pagsasabansa ng mahahalagang larangang pambansa na panimulang hakbang sa
malaong katuparan ng kahingiang politikal sa kalakaran ng paglikha ng indie film sa bansa. Ang pagsasabansa bilang
panawagang ibalik ang kapangyarihan sa sambayanan sa pamamagitan ng nasyunalistang larangan ng politika,
ekonomiya at kultura ay mahalagang mekanismo sa pagtatamo ng isang tunay na malayang lipunan para sa lahat.
Kung lalagumin ang naging depenisyon ng Pinoy indie sa kasaysayan, makikita na nakaugat sa hangarin ng
paglaya ang panig ng mga manlilikha nito. Paglaya sa dikta ng malalaking produksyong komersyal, paglaya sa
kumbensyunal na porma ng paglalahad at paglaya para sa indibidwalistikong ekspresyon. Bagaman katotohanang
hindi tahasang tinutugon ng umiiral na kalakarang ito ang hamon at tunguhing maging alternatibo tungo sa
kolektibong identidad na mapagpalaya, may pagtatangka namang magluwal ito ng ilang panimulang potensyal. Sa
ganitong mga kabatiran ukol sa depekto ng isang lumalaganap na kalakarang pangkultura sa bansa, mahalaga ang
papel na ginagampanan ng akademya sa pangunguna ng mga mapanuring guro na makapagtasa sa itinatakbo ng
namamayaning kilusang pansining. Ang kapwa guro at sining na may malaking impluwensya sa pagpanday ng
makabayang kamalayan ng ating mga mag-aaral. Sa ating pagiging malikhain at mapanuring pag- iisip, magagawa
nating balangkasin ang mga kahinaan ng isang materyal upang bumuo ng positibong silbi at makabuluhang gamit sa
ating krusada para sa pagsasabansa- ang panimulang manipestasyon sa sumusulong na wikang Filipino at
pambansang identidad sa larangan ng Pinoy indie na munting binhi sa pagsibol ng pambansang pagpapalaya.
Malalim ang relatibong ugnayan ng edukasyon at pelikula bilang makapangyarihang larangan sa paghubog ng
kaisipan ng mga mamamayan ng isang bansa. Ayon na rin kay Remollino, “Education is one of the most powerful tools
for the molding of minds.” (9) Maaaring sabihin na may malaking epekto ang mapagpalayang edukasyon sa paglikha ng
mapagpalayang pelikula. Hindi maitatanggi na kapwa nagtataglay ng pananaw sa paghubog ng pambansang kasaysayan
ng isang lahi ang pelikula at edukasyon sa katangian ng akademya. Binigyang-kahulugan ang pelikula ni Lumbera na
isang kulturang nagtataglay ng salik na minsa’y makabayan at kung minsan nama’y kolonyal samantala, ang akademya
ay itinuturing na isa sa makapangyarihang pwersa na nagtatatak sa pelikulang Filipino (“Ang Pelikula sa Lipunang
Filipino” 62). Kung susuriin ang inihahatag na ugnayan ni Lumbera, mababalangkas ang ideya na ang edukasyon at
pelikula ay nagtataglay ng pananaw na kapwa hinubog sa pangkasaysayang danas nito, mula sa panahon ng
kolonyalismo hanggang sa kasalukuyang kalakaran ng neoliberalismo at panliligalig ng globalisasyon. Sa ganitong
kaayusan mapatutunayan ang obserbasyon ni Rolando Tolentino, integral ang kolonialisasyon ng Pilipinas sa
transformasyon ng tunguhin ng pelikula [maging ng akademya]. (2010) Sa patuloy na siklong ito ng pakikipagtunggali
ng pelikula at akademya sa kolonyal na kamalayan at adhikain ng nyutralisasyon nito, mahigpitna
maimumungkahi ang pagsasanib ng dalawang larangan sa pagsusulong ng kolektibong tunguhing pambansa higit sa
aspekto ng pagsusulong ng pagsasabansa bilang pangunahing hakbang at ambag sa matalagang proseso ng pagpapalaya
sa indie film sa bansa at lipunang Pilipino sa kalakhan.
Nilalayon ng pambansang kurikulum sa Filipino sa buong kapuluan ang pagtuturo ng wika sa paglinang ng
kakayahang pangkomunikatibo upang magamit sa realidad at pagtatamo ng pambansang kamalayan. Gayundin,
inaasahan ang kalinangan ng mga makrong kasanayan kabilang ang panonood na nagmumungkahi ng mga klasiko at
alternatibong pelikula bilang batayan sa kritikal na pagsusuri at pagpapahalagang pangkultura. Bagaman, may
malinaw na layunin ang kurikulum ay hindi naman maitatanggi ang malawak na pagkakanya- kanya sa
implementasyon at walang malinaw na tunguhing pambansa. Batay na rin sa pagususri ni Lumbera: “Ang
Akademya, bagama(t)n namamalayan ang pag-iral nito sa mga institusyon ng mataas na edukasyon, ay walang tinig
at walang iisang tunguhin” (“Ang Pelikula sa Lipunang Pilipino” 62). Kung mapagsasanib ang dalawang disiplina sa
akademya ay epektibo nitong mapapalakas ang identidad ng pagiging Pilipinong mag-aaral at proyekto ng
pagsasabansa ng mga indie film na umaayon sa diktum ng pagiging malaya at mapagpalaya sa karanasang Pilipino.
Hindi na bagong materyal sa pagtuturo ng Araling Filipino ang pelikula, ngunit sa aking obserbasyon at
karanasan ay marami pa ring alinlangan at reserbasyon ang mga guro na gamitin ang indie film kapalit ng
tradisyunal na censored at komersyalisadong mainstream. Gayundin, may kababawan pang ginagamit ang pelikula
sa bukod na gawain ng tematikong pagsusuri, pagbubuod ng pangyayari at repleksyon sa mensahe. Samantalang
bihirang magamit ang sining sa pagtuturo ng mga konsepto ukol sa wika, kung mayroon man, nakatali lamang sa
teknikal na pagkakagamit ng wika sa pelikula at kaantasan nito. Kailangang lutasin ang ganitong mababaw na
pagbubukod ng papel ng sining pelikula sa pagsusulong ng wika at pagkabansa sa pagtuturo, “…nararapat lamang
na ang nalilikhang kultura at panitikan [gaya ng pelikula] ng mga kilusan, grupo at indibidwal na mapagbago at
mapagbalikwas sa ating lipunan ay magkapuwang din sa mga silid ng akademya at iskwelahan” (Atienza at Tangco
265)
Kaalinsabay ng paglalatag sa prinsipyo ng Pinoy indie at pagpapalitaw ng realistikong naratibo at lunan nito,
nagagawang pataasin ang eksperimental na dating/impact ng isang indie film na magbubukas sa posibilidad ng sari-
saring estilo at pagdodokumento ng awtentikong lipunan na papanig sa makapangyarihang wika na magpapalitaw sa
kolektibong danas, sosyolinggwistikong pananaw at politikal na potensyal sa panlipunang diskurso. Malinaw sa
ganitong estado ng paggamit ng wika sa kalakarang indie ang pagsulpot ng iba-ibang teknik sa pagtuturo ng mga aralin
na may kaugnayan sa diskurso at komunikasyong Filipino, gaya ng pagsusuri sa mga varayti ng wika sa awtentikong
sitwasyong panlipunan na itinatampok sa Pinoy indie. Ipinaliwanag ni Constantino, “ang wika ay isang panlipunang
penomenon. Ibig sabihin, nililinaw na mahalaga ito hindi lamang sa indibidwal kundi lalo na sa lipunang kanyang
kinabibilangan” (61). Sa ganyang paglalahad, nililinaw ang kahalagahan ng awtentikong biswalisasyon ng mag-aaral sa
realistikong papel ng wika at indibidwal nitong tungkulin bilang entidad ng lipunan. Mahalaga ang malinaw na
pagsasalin ng akademikong konsepto ng varayti ng wika sa proseso ng reyalisasyon sa mga ideya at teorya na posibleng
mag-udyok sa makabuluhang partisipasyon nito sa lipunang kanyang nasasaksihan sa iskrin. Ang talakayan sa
mahahalagang konsepto, dimensyon at teorya sa pag-aaral ng mga varayti ng wika sa Filipino ay epektibong
maisasagawa sa tulong ng materyal na Pinoy indie na kalakhang ginagamit ang wika sa naturalistikong paraan at
lumilinang hindi lamang sa kakayahang komunikatibo bagkus kasabay na pinalalakas ang kritikal na pag-iisip at
pagpapahalaga sa kultura at lipunan.
Tinatalakay sa itaas ang mungkahing balangkas sa paggamit ng indie film sa pagtuturo ng varayti ng wika at diskursong
panlipunan na magkasabay na tinatalakay sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Inilalatag sa ganitong konsepto ang
magkasanib na pagpapalakas ng akademiko at panlipunang kamalayan ng mga mag-aaral na magreresulta sa malikhaing
paglalapat ng adhikaing pagsasabansa ng akademya at sining. Bago isagawa ang aktwal na pagtuturo, masinop na
isagawa ang pagpili ng pelikulang gagamitin batay sa mga sumusunod na pamantayan: 1) Angkop na nagtataglay ang
materyal ng naturalistikong pagdodokumento sa paggamit ng wika; 2) may potensyal na mapalitaw ang mga varayti at
varyasyon ng wika at mapatingkad ang mga teorya nito; 3) nagtataglay ng temang may kaugnayang panlipunan; 4) may
katangiang maging alternatibo o kahit may pagtatangka sa tipo ang pelikula na sumasalamin sa pambansang kalagayan
at kamalayang mapagpalaya.
Sa pagpapakahulugan ni Valerio, ang tunay na alternatibong pelikula ay isang sandata sa paglaya mula sa
kanluraning gahum (15). Sa ganitong pananaw, marapat na sipatin at suriin na ang pagiging malaya ng isang pelikula ay
hindi lamang nakakulong sa kuwadradong paninindigan nitong bumaklas sa komersyalisadong dikta ng
mainstream, hindi rin natatapos sa abanteng persepsyon sa kumbensyon at elemento ng estetika sa paglikha, bagkus ang
pagiging malaya sa konteksto ng indie film ay ang pagbuo nito ng katutubong panlasa na nakasalig sa itinatakbo ng
pambansang kultura, politika at ekonomiyang nagpapabagsak sa kanluraning
dominasyon/paghahari.
Sari-saring karakterisasyon ng wikang Filipino ang itinatanghal sa mga Pinoy indie na may nakapaloob na
rasyunal sa pagtatampok ng realidad at politisasyon ng pagkakagamit nito sa layunin ng malayang diskurso at sentral na
paghahatid ng kabuluhan at buhay sa naturalistikong pagsasapelikula.
Batay sa mga itinakdang pamantayan, napili ang pelikulang Tribu (2007) na maging pokus na pagsusuri gamit
ang mungkahing balangkas sa pagtuturo na inilatag sa papel na ito. Ang pelikulang Tribu ni Jim Libiran na naging
lahok at itinanghal na Pinakamahusay na Pelikula sa Cinemalaya noong 2007 ay kinilala dahil na rin sa pagtatangka
nitong maging matapat at masinop sa realistikong paglalarawan sa mga posibilidad ng aktwal na kalakaran ng partikular
na lipunang itinatampok nito. Tinatalakay sa pelikula ang panlipunang tema ukol matingkad na imahe ng mga
kabataang Tondo na nasasangkot sa pagkakabuo ng mga ‘gang’ bilang subkulturang konsepto ng kapatiran, bisyo, gawi
at kapangyarihan sa teritoryo. Sentrong tampok sa pelikula ang kuwento ng mga kabataang kasapi ng tatlong
malalaking gang sa Tondo (ang SDT, Touch Angel at Diablo San Romano). Ang kanilang namamayaning kultura sa
gilid-gilid na eskinita ang nagsisilbing kanlungan ng kanilang pagkakaisa (sa pamamagitan ng sining ng rap, inuman,
droga, ritwal sa rekrutment, seks at paggawa ng sandata). Mga eskinita rin na kung minsa’y madugong pandayan ng
kanilang tibay at tapang na sinusukat ng pamantayang pumatay at mamatay para pangalagaan ang bawat kasapi ng
grupo. Tinangkang isabuhay sa pelikula ang loob at labas ng pagkataong nabubuo sa isang kasapi ng gang bilang
kapatid ng grupong kinabibilangan at ordinaryong kasapi ng kanyang pamilya at lipunan sa kabuuan. Sa pagkamatay ni
Totoy Turat na kasapi ng SDT gang at ang paghahangad ng grupo nito ng hustisya sa pamamagitan ng isang madugong
rambol, nangyari ang pinakamasidhing yugto ng pelikula na naglalagom sa katwiran at kabuluhan ng tunay na kapatiran
na walang iwanan, matira ang matibay, patay kung patay. Sa kabuuan, ang pelikula sa tipo ng pinagsanib na
dokumentaryong sosyal at teknolohiyang digital, mabisang nailatag at natamo ang pangako ng pelikula na ihatid tayo sa
dilim, ingay, gulo, panulaan, karahasan at depresibong katayuan ng Tondo na kinakatawan din ng kawalang
katarungang lipunan sa kabuuan.
Ang talahanayan sa itaas ay lagom ng isinagawang pagsusuri gamit ang mungkahing balangkas sa pagtuturo ng varayti
ng wika at diskursong panlipunan gamit ang indie film. Sa unang kolum, inilalahad ang mga piling makabuluhang
dayalogo at sitwasyon na sinipi at hinalaw mula sa pelikulang Tribu upang maging batayan at katibayan sa pagsusuri. Sa
ikalawang kolum naman, inilalahad ang mahahalagang konsepto, uri, dimensyon at teorya ng varayti ng wika na matingkad
na matatagpuan sa mga napiling dayalogo at konteksto ng pagkakagamit sa sitwasyon. Samantala, sa ikatlong kolum
naman matatagpuan ang panlipunang dikurso na masusuri sa mga napiling dayalogo na may kolum/impact sa tatlong
mahahalagang aspektong kultural, politikal at ekonomikal.
Masusuri na ang idyolek bilang uri ng varayti ang pinakamadalas na taglay ng mga dayalogo, ang paraan ng
paggamit ng mga tauhan sa wika ay may varyasyong bunga ng kanilang personal at tipikal na pagkakabuo ng
pahayag na nagpapagaan sa mensahe at kahulugang nakabatay sa konteksto. Ang ganitong gaan ay mababanghay sa
anyo halimbawa ng paggamit ng Taglish na code switching (D1, pa-virgin effect) at mixed switching (D5, album na
puro naman bwak). Mabisa ring nagamit ang matulaing paraan bilang kakayanhang personal sa wika sa pagsasalin
ng intensipikadong kahulugan (D3) at kumbersasyunal na paraan na maraming pagkakataong ginamit para sa
karaniwang pagkakabuo ng mga pahayag alinsunod sa sitwasyong kaswal (D4, D6, D7 at D10).
Kapansin-pansin din ang varayti ng wika sa mga dayalogo ng pelikula na impluwensya ng panlipunang
salik at diskurso ng pagpapahayag na ginamit. Sa ilang sitwasyon, mapapansin ang konsepto ng sosyolek na
binibigyang-kahulugan bilang varayti ng wikang nakabatay sa lipunang ginagalawan at istatus na kaugnay sa edad,
interes, pinag-aralan at iba pa. Mapapansin halimbawa ang pagpili ng salitang abaniko sa halip na pamaypay, at
telenobela imbes na teleserye para sa may katandaang empleyado na pinagmulan ng pahayag (D2), ang ispesyal na
lingo gaya ng salitang ‘bwak’ na may kahulugang ‘walang kwenta’ batay sa konteksto ng gumamit. Ang
pagmumura bilang sangkap ng ekspresyon (D7 at D10) ay nagsisilbing identidad sa pamamaraan ng wika ng
kinabibilangang pangkat. Samantala, ang moda na nagpapaiba sa pahayag batay sa paraang pasalita at pasulat ay
madalas ding masusuri sa mga dayalogo. Kapansin-pansin ang maluwag na paraan ng paggamit ng mga pasalitang
pahayag na walang isinasaalang-alang na kawastuhan sa pagbaybay (D4, pammatrikula) at istruktura (D3, ito’y ay at
buong pahayag ng D8). Malayong-malayo ang pagkakabuo ng pasalitang pahayag na D3, D4 at D8 sa pasalitang
pagpapahayag ng isinulat na awit na may kaunting pagsasaalang-alang sa tuntuning gramatikal (D9) dahil may
panahon ng paghahanda sa pagbuo nito.
Angkop naman ang impormal na estilo at gamit ng wika sa karamihan sa mga sitwasyon gaya ng eksena ng
initiation (D1), usapan sa hapagkainan (D6) at impormal na pagpupulong ng gang (D10). Gayundin ang standard na
gamit ng wikang Filipino sa awitin ay sapat lamang sa layuning pang-estetika at masining na pagpapahayag ng
nararamdaman.
Mapatutunayan sa mga naitalang uri ng varayti ang katangian ng dimensyong sosyal, ang pagkakalikha ng mga
varayti ng wika sa mga pahayag ay masusuring bunga ng impluwensiya ng seting na lungsod, wikang urban at mga
sitwasyong nalinang sa isang umiiral na kalagayang panlipunan sa pelikula, na detalyado pang tatalakayin sa mga
susunod na pahina.
Malaki ang potensyal na matalakay ang mahahalagang teorya ng varyasyon sa napiling pelikulang indie na
Tribu. Mababalangkas ang pananaw ni Sapir ng sosyolinggwistiks sa mga pahayag na gumagamit ng wika bilang
instrumento ng sosyalisasyon at mga relasyong sosyal sa umiiral na lipunan. Naitanghal sa pelikula ang ugnayang
panlipunan sa pagitan ng empleyado ng Meralco at mga nagrereklamong residente (D2), matandang tindero sa suking
mangungutang sa kanyang tindahan (D3) at usapan sa pagitan ng mga kasapi ng isang pamilya (D6). Pinatutunayan
naman ang nosyon ni Saussure na ang wika ay umiiral lamang kung nasa loob ng isang kolektibo sa mga sitwasyong
pangwika tulad ng pagmumura bilang panandang pangkultura sa gawi ng pangkat (D7), pagpapakita ng pakikiisa mula
sa labas ng pangkat (D8) at pagpapakahulugan sa ideya ng kapatiran sa loob ng umiiral na pangkat (D10).
Masusuri naman ang dalawang tipo ng linggwistikong pagtanggap sa Teorya ng Akomodasyon ni Giles sa
paglilkha ng mga salitang sarili gaya ng ‘bwak’ (D5) at paraan ng pagpapangalan na ‘Turat’ (D7), na kapwa
nagpapakita ng indikasyon ng pagbukod at paglikha ng sariling identidad sa wika labas sa umiiral na istandard na
kaayusang panlipunan na tinatawag ding Linguistic Divergence. Sa kabilang banda, masusuri rin sa mga tinukoy na
halimbawa ang tipo ng Linguistic Convergence na nagpapamalas naman ng pakikiisa at pakikilahok sa paraan ng
pagwiwika ng umiiral na subculture ng gang at nagkakaunawaan sa isang tiyak na pagpapakahulugan ng
pakiramdam (D9). Pinatutunayan naman ang teorya ng Variability Concept sa paniniwalang penomenon ang
pagkakaiba-iba ng wika sa mga pahayag na umuusbong bunga ng kumbersasyunal at espontanyong paraan sa
karaniwang pakikipag- usap (D1). Gayundin, masusuri ang ideya ng teoryang ito sa katwirang pantay-pantay lang
ang paggamit ng wika at hindi ito nakabatay sa antas ng pamumuhay gaya ng pormalisado at masining na paggamit
ng wika sa awit at rap ng isang gang sa pelikula (D9). Bagamat ipinalalagay na sa ilang pagkakataon ay may
tendesiyang makaapekto ang antas ng pagtatamo ng pormal na edukasyon sa kalidad ng paggamit ng istandard na
wika, at mapapansinin ang kawalang kabihasaan halimbawa sa tamang pagbaybay ng salita gaya ng salitang
‘pammatrikula’ (D4).
May matinding impact/dating ang ginamit na iba’t ibang varayti ng wika sa sinuring pelikula upang
makapagpalitaw ng mga panlipunang diskurso sa aspektong kultural, politikal at ekonomikal. Naitanghal sa pelikula
ang wika sa pagpapakilala ng umiiral na kultura sa loob ng kalakaran ng gang bilang isang subkulturang isinasantabi,
politikal na argumento sa panlipunang imahe at ekonomikal na implikasyon sa kalagayan ng Tondo at lipunang
Pilipino sa kabuuan. Wika ang ginamit na kasangkapan para ilantad ang mga isyung pangkultura at pampolitika sa
pelikula bilang lente ng lipunan, halimbawa, ang de-kahong pagtingin sa babaeng kasapi ng gang sa laylayan ng
pamantayan nitong patriyarkal ay nabubukas sa pagsasamantala ng katawan (D1). Ang politikal na komentaryo ng mga
freestyle rapper ukol sa pamantayan ng musika sa pagkakatanikala nito sa komersyalisadong sistema ng kontrata at
oryentasyon ng walang kalidad na album sa mainstream (D5). Matingkad ding binigyang-diin ang pagbura ng
kasalukuyang henerasyon sa kahalagahan ng pamilya at ang simpleng hapagkainan bilang pagwiwika sa makabuluhang
konsepto ng pagsasama-sama ng mga kasapi nito (D6). Ang paulit-ulit na pagmumura bilang ritwal ay nagtatampok ng
kultural na pagsasanib ng loob at labas na impluwensya at nagsisilbing politikal na indibidwalistikong ekspresyon tungo
sa kolektibong identidad, sa diwa man ng nagkakaisang kapatiran (D10) o sama-samang paghahangad ng hustisya (D7).
Ginamit din ang wika bilang aparato sa kultura ng pakikipag- alyansa (D8) at pagpapahayag ng aspirasyon sa ideyal na
pag-ibig at pangarap na kinabukasan (D9). Politikal rin ang bagaheng mensahe ng sarkastikong pagtula bilang
kritisismo sa ekonomikong pormula ng pangungutang (D3), sa konteksto man ng taga-Tondo na sa ‘pagpag’ nabubuhay
o sa walang pagsulong na bayang kontrol ng malalaking ahensyang multilateral sa kabuuan. Mababalangkas din ang
itinatampok na prinsipyo ng katwiran at katarungan sa pananaw ng mga kasapi ng gang (D10), ang paglalapat ng
katapangan, pagsandig sa sarili at kapasyahang ilagay ang katarungan sa sariling mga kamay ay produkto lamang ng
kawalang-tiwala sa manhid at bulag na mga institusyon ng estado na dapat magpatupad sa katarungang panlahat. May
implikasyong ekonomiko ang pagdikurso sa wikang ginamit sa pelikula. Tinatalakay halimbawa ang pangunahing
suliranin sa hindi pagtatamo ng edukasyon na batayang karapatan ng bawat kabataan at nagreresulta ng mga
misedukadong mamamayan (D4). Ang pagtataglay ng kapangyarihan ng isang empleyado ng Meralco laban sa mga
nagrereklamong residente ay representasyonal na tunggaliang sosyo-ekonomiko rin, sa pagitan ng mga kapitalistang
nanggigipit at mamamayang patuloy na nagtitiis sa bulok na serbisyo. Ngunit, matutunghayan sa pelikula na hindi
laging matiisin ang mamamayan at hindi laging nasa kapitalista ang kapangyarihan, ang ipinakitang pag-iingay ng mga
residente sa anyo ng reklamo ay isang yugto ng pagkibo at potensyal ng subersyon laban sa nagsasamantala sa kanila.
Inihain ni Valeriano, isang makabayang kritiko ng sining sa komunikasyon ang kanyang mga punto
ukol sa katangiang dapat taglayin ng isang tunay na makabayan at malayang pelikulang Pilipino na
inaasahan sa mga makabagong filmmaker na may hipo ng pagsasabansa: (a) Ang produksyon ay malaya sa
komersyalismong gawi; (b) diretsahan man o hindi, tinatalakay o ipinakikita ng pelikula ang masamang
epekto ng globalisasyon, imperyalismo at kaisipang kolonyal; at (c) higit sa lahat, ang pelikulang alternatibo
ay isang instrumento tungo sa dekolonisasyon ng ating kamalayan (15). Tunay nga na isang aspekto lamang
ng adhikaing pagsasabansa at pagpapalaya ng lipunan ang kilusan sa pagsusulong wikang Filipino sa Pinoy
indie, ngunit ang panimulang igpaw na ito ay may malaking ambag sa tinutukoy na dekolonisasyon ng
kamalayan. Gayundin, kung progresibong hihimayin sa silid-aralan ay potensyal na lilikha ito ng malalim na
ugnayang sosyal na magbubunsod ng pagpapakilos sa Pilipinong mag-aaral at sambayanan. Malaki ang
maitutulong ng patuloy na inbensyon ng mga pedagohiyang kritikal sa mga aralin sa wika at komunikasyon
na nagsasangkot sa gawain ng pagpapahalagang kultural gaya ng pelikula, na magkasabay na nililinang ang
mga inaasahang kasanayan at malalim na pag-unawa para sa pagtatamo ng makabayang paninindigan.
Inilahad naman ni Jose, “Napalaki ng magagawa ng akademya sa pagpapaunlad ng Filipino bilang wika ng
pagpapalaya, unang-una sa paghubog ng mga bagong tagapagpalaya ng bayan; pangalawa, sa paggamit nito
sa pagtuturo…” (59). Samantala, ipinalalagay din niya na kinakailangan ang pagpapaunlad sa iba pang
larangan para magkaroon ito ng kaganapan. Kaugnay rin nito ang dilema sa kilusang pagpapalaya sa
industriya ng pelikula na ihinatag ng Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan na si Bienvenido Lumbera
sa pagsasabing “Isa lamang anyong pangkultura ang pelikula, at kung mag-isa lamang ito, wala itong
kakayahang magbunsod ng pagpapalaya. Nakaugnay dapat ang mapagpalayang pelikula sa isang kilusang
magdadala nito sa hanay ng nakraraming mamamayan” (“Pelikula bilang Mapagpalaya” 83).
Mapaghihinuha sa tinatakalay na kondisyon nina Jose at Lumbera ang pangangailangan ng pagsasanib-
pwersa ng dalawang larangang panlipunan upang mapalakas ang kilusan para sa adhikaing pagsasabansa na
daan sa pambansang pagpapalaya. Kinakailangang magkasabay na mapalakas ng guro ang kanyang
identidad hindi lamang bilang kritiko ng pambansang kultura at intelektwal na akademista kundi dapat
niyang taglayin ang pagiging progresibong mamamayan at makabayang Pilipino na tagapagsiwalat ng tunay
na kalagayang panlipunan at kasaysayang Pilipino na nakikisangkot sa adyenda ng pagpapalaya sa ganid na
sistema ng kapitalismo, bumabalikwas sa pambansang pagsasamantala at tumututol sa dikta ng
imperyalismo at kanluraning ideya. Sa ganyan, ang pagiging artista at guro ng bayan.
KASAYSAYAN NG CYBERSPACE, KASAYSAYAN SA CYBERSPACE: PANIMULANG PAGTANAW
SA KARANASANG PILIPINO
I. PANIMULA
Ilang taon pa lamang ang nakalilipas, kapag may takdang aralin o pananaliksik na ukol sa kasaysayan, ang unang
pinupuntahan ng mga estudyante ay ang bolyum-bolyum na ensiklopidya sa mga aklatan o tahanan. Sa panahon ng
bagong milenyo, ang unang pupuntahan ng estudyante ay ang harapan ng kompyuter, at sa isang click lang, maaari na
niyang makuha ang impormasyon na hinahanap sa malawak na pook ng cyberspace.
Titingnan ng pag-aaral ang naging pag-unlad ng internet sa Pilipinas mula nang magsimula ito noong Dekada 1990,
hanggang sa paglipana ng mga personal na blog at demokratisasyon ng pagbabahagi ng kaalaman dito isang dekada
lamang ang makakaraan.
Bibigyang diin sa pamamagitan ng Kapanahong Kasaysayan, ang kahalagahan ng cyberspace bilang salamin ng
kaisipan ng mga mamamayan, lalo na ng mga kabataan, at bilang mayaman na batis ng kasaysayan ng ating panahon.
Ipapakita rin ang cyberspace bilang sisidlan ng mga salaysay (narratives) ng nakaraan ng mga Pilipino at ang bisa at
limitasyon nito sa pag-aaral, pananaliksik, at pagtuturo ng kasaysayan.
Sa panimulang pagtanaw na ito, makikita sa kasaysayan ng cyberspace at ng kasaysayan sa cyberspace ang katotohanan
na ang kasaysayan ay para sa lahat. Gayundin ang katotohanan na ang lahat, kapwa ang mga dalubhasa, may hilig,
interes, at estudyante ng kasaysayan, ay may pagkakataong makibahagi sa pagsusulat at paglikha ng kasaysayan.
Makikita rin na maaaring maiintindihan ang batayang kultural ng cyberspace sa Pilipinas kung titingnan ito sa ating
sariling konsepto ng Kapwa at Kapatiran, tungo sa tunay na Talastasang Bayan, at pagbubuo ng Sambayanang Pilipino
sa loob at labas ng sangkapuluang ito. Gamitin ng lubos ang magagandang dulot nito sa talastasan subalit maingat pa rin
sa mga panganib na dala- dala nito.i
ii
II. CYBERSPACE SA KAPANAHONG KASAYSAYAN
Ayon sa pangulo ng UP Lipunang Pangkasaysayan na si Ayshia F. Kunting sa aming pakikipagtalastasan, ang pag-aaral
ng kasaysayan ng cyberspace at kasaysayan sa cyberspace ay kamangha-mangha, “It’s the thing of the present, don’t
know how to say it... Ü” Ngunit kung ang cyberspace ay isang penomena ngayon, paano ito magagamit bilang batis ng
kasaysayan ng kasalukuyan at mentalidad ng mamamayan sa mga pangyayari ngayon?
Para sa tradisyunal na historia, kailangan ng maraming taon na distansya sa mga pangyayari para mas obhektibong
matingnan ito. Maaaring emosyonal pa ang magiging salaysay na mabubuo.
Subalit, kung iisipin, kailan pa ito maisusulat, kung hindi na maaaring magsalita sa hukay nila ang mga nakilahok at
nakaranas ng mga pangyayari? Kapag nabubulok na ang mga batis o magsara na ang mga internet sayt? Nakita kong
gintong pagkakataon pa rin na marami sa mga salaysay na ito ay makakalap pa at ang mga nakilahok at nakikilahok sa
pagbubuo ng internet at mga diskurso nito ay buhay pa rin at maaari pang magkwento.
Ayon na rin kay Benedetto Croce, “All history is contemporary history” (Croce 1937, 2000, 8). Ibig sabihin, lahat ng
mga salaysay tungkol sa nakaraan, gaano man kalaki ang distansya ng mga pangyayari mula sa nakaraan, ay apektado
ng mga pananaw sa panahon ng historyador.
Ginamit sa pag-aaral na ito ang metodolohiya ng Kapanahong Kasaysayan iii, na kaiba sa “Contemporary
History” at “Investigative Journalism” ng Kanluranin. Pahapyaw itong binanggit ni Zeus A. Salazar sa
kanyang aklat na Pangulong Erap: Biograpiyang Sosyopulitikal at Pangkalinangan ni Joseph Ejercito
Estrada (Z. Salazar 2005, v).
Ang Kapanahong Kasaysayan ay kaiba sa Contemporary History sapagkat ang huli ay mula sa pangangailangan ng
pagsasapanahon ng Kasaysayan ng Europa. Ang salitang Contemporary ay nagmula sa salitang Latin na com tempore o
com temporis, na ang ibig sabihin ay “nabibilang sa parehong panahon, nabubuhay o nangyayari sa parehong panahon, o
nasa parehong edad” (Mayer). Ayon kay Dr. Salazar, isang Pilipinong iskolar na nag-aral at nagturo sa Unibersidad ng
Paris I sa Sorbonne, nagkaroon ng Contemporary History sa Kasaysayan sapagkat humaba na nang humaba ang Modern
History (Renaissance, Enlightenment, at ang rebolusyong Pranses) na sumunod sa Medieval o Dark Ages. Iba-iba ang
sinasabi ng iba’t ibang historyador kung kailan nagsimula ang Contemporary History. May nagsasabi na ito ay nagsimula
sa pagtatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig (1918). Ayon kay Geoffrey Barraclough sa “The Nature of Contemporary
History,” ito ay nagsimula noong magretiro si Otto Von Bismarck bilang Unang Chancellor ng nagkakaisang Alemanya
noong 1890 (Barraclough 1967, 10, 15). Sa anumang kaso, hindi ito maaaring iangkop sa Kasaysayan ng Pilipinas,
bagama’t sa maraming iskolar sa Pilipinas, ginagawa nila itong pantukoy sa ating panahon mula nang matapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Pilipinas noong 1945.
Ang Kapanahong Kasaysayan ay kaiba sa Investigative Journalism sapagkat ang huli, bagama’t nagsasaliksik ukol sa
kasalukuyang mga pangyayari at isyu, hindi nito inilalagay ang kanilang paksa sa mas malawak na daloy ng Kasaysayan
at kapaligiran ng bansa. Iba ang saysay nito sa kasaysayan sapagkat ang mga napapaksa lamang sa investigative
journalism ay yaong mga isyung maiinit o interesante sa pangkasalukuyang panahon, nararapat pa nga na ito’y human
interest story, o mas mainam kung ekplosibo na tila isang exposé, upang makabenta ng peyodiko, o pakinggan at
panoorin ng tao. Iba rin ang metodo ng investigative journalism sa metodong pangkasaysayan sapagkat sa una, matapos
magtanong sa iilan ay maaari nang iulat ito.
Sa pag-aaral na ito, ang Kapanahong Kasaysayan ay isang metodolohiya kaysa isang pantukoy sa isang partikular na
panahon.iv Sa Kapanahong Kasaysayan, ang mananalaysay o historyador at ang sinasalaysayan ay bahagi ng paksa o
kasaysayang isinasalaysay. Halimbawa ng mga historyador na nagsalaysay ukol sa mga bagay na kanilang nakita sa
kanilang mga kapanahon ay sina Herodotus, Thucydides, Xenophon, at Polybius. v Samakatuwid, hindi nakakahon ang
Kapanahong Kasaysayan sa isang partikular na panahon.
Dahil sa kaunting distansya ng Kapanahong Kasaysayan sa sinasaysay nitong pangyayari, hindi itinatanggi ang bias,
ngunit ito ay nalilimita dahil sa metodong pangkasaysayan na ginagamit (pagsusuri at pag-uugnay ng mga batis, pag-uuri
nito bilang mga primarya at sekundaryang batis). At dahil kapanahon nga ang salaysay ng pangyayari, marami ang
maaaring magbigay ng paglilinaw o magwasto sa salaysay mula sa mga nabubuhay pang nakilahok sa nasabing
pangyayari. Kaya naman nararapat na ihanda ng historyador ng kapanahong kasaysayan sa kanyang sanaysay ang mga
sagot sa mga maaaring itanong sa kanya ng ibang historyador o ng ibang pananaw.
Sa diwa ng Bagong Kasaysayan, hindi rin dapat matali sa pagtingin sa nakasulat na dokumento, tulad ng tradisyunal na
historia, ang Kapanahong Kasaysayan. Dahil sa pagnanais ng Kapanahong Kasaysayan na isalaysay ang pinakabuong
karanasan ng mamamayan hangga’t maaari, mahalagang pagsama-samahin ang mga metodo ng mga kaugnay na
disiplina sa Agham Panlipunan tulad ng Sosyolohiya at Antropolohiya upang mabigyan ng pansin hindi lamang ang mga
pangyayari, kundi ang pamumuhay, kaisipan at kalinangan na nakapalibot sa pangyayari. Ayon sa historyador na si Atoy
M. Navarro:
Ipinaliwanag ng historyador na si Nancy Kimuell-Gabriel ang pagkakaroon ng multi- disiplinaryong lapit ng Bagong
Kasaysayan:
Liban pa sa dokumento at mga pasalitang mga salaysay, kailangan ding harapin ng isang nagsasaysay ng Kapanahong
Kasaysayan ang iba’t ibang mga bagong anyo ng batis tulad ng mga larawan; gawang-sining; brodkast sa radyo; audio-
biswal na mga presentasyon tulad ng mga raw footages, dokumentaryo at pelikula; at cyberspace, at ituring ang mga ito
bilang bahagi ng literatura. Ang pagkilatis sa mga ito ay tulad din ng pagkilatis sa mga dokumento at pasalitang
salaysay. Malaki ang maitutulong ng mga ito upang lalong maging dinamiko, makabuluhan at buhay ang salaysay.
At bagama’t ang Kapanahong Kasaysayan ay nagsasaysay tungkol sa mga kasalukuyang pangyayari sa panahong
isinusulat, naikokonekta niya ito sa mas malawak na pambansang heograpiya, opinyon at epektong pambansa, sapagkat
gagap ng historyador ang pangkalahatang daloy ng kasaysayan. Sa madaling salita, ang Kapanahong Kasaysayan ay
“salaysay na may saysay sa mga kapanahon na nakapaloob sa isang mas malawakan at matagalang kasaysayan bilang
kamalayang pangkalinangan.” (Z. Salazar, 11 Hulyo 2007)
Samakatuwid, ang ipinapadamang saysay sa atin ng metodong ng Kapanahong Kasaysayan ay ito: Iginigiit nito na ang
indibidwal at ang Bayan na sinasalaysayan ay bahagi ng Kasaysayang binubuo.
Sa aking pakikipagtalastasan kay Dr. Salazar kanyang sinabi ukol sa malaking papel ng
Cyberspace sa Kapanahong Kasaysayan:
Sa iba’t ibang disiplina, tulad ng sikolohiya, sosyolohiya at antropolohiya, may mga nagsasaliksik na ukol sa
karanasang Pilipino sa Cyberspace. Batay sa aklat ng mga abstracts ng katatapos pa lamang na International
Conference on Philippine Studies (ICOPHIL) nitong 23-26 Hulyo 2008 sa PSSC, Lungsod Quezon, Pilipinas, lima sa
mahigit 200 papel na binasa ay may paksang kaugnay ng cyberspace. Kabilang na ang papel ng antropolohistang si
Prop. Raul Pertierra na masasabing isa sa mga pinakaproduktibo sa larangang ito ng Araling Pilipino (Pertierra 2008).
Ilan pa sa mga Pilipinong iskolar na naging tagapanguna ng pag-aaral ng Cyberspace sa kanilang mga larangan ay si Dr.
Isagani Cruz (Wikang Filipino), at Prop. Cherrie Joy Billedo (Sikolohiya).
Ayon sa ilang kritiko ng disiplina, laging nahuhuli ang Kasaysayan. Nagsusulat at nagsasaliksik lamang ng mga bagay
kung kailan matanda, ulyanin o patay na ang mga nakilahok, o nabubulok, o nawala na ang mga batis. Ngunit, hindi
pahuhuli ang Bagong Kasaysayan sapagkat nakikita nito ang cyberspace bilang salamin ng kaisipan ng mga
mamamayan, lalo na ng mga kabataan, at bilang mayaman na batis ng kasaysayan ng ating panahon. Ang Bagong
Kasaysayan din ang may multi-disiplinaryong metodolohiya na handa sa pagpapakahulugan sa Kasaysayan ng
Cyberspace at Kasaysayan sa Cyberspace.
Ang kasaysayan ng internet sa daigdig ay hinubog ng mga pwersang pangkasaysayan. Ang tagapanguna ng internet, ang
ARPANET, ay nilikha noong 1966 ng Advanced Research Projects Agency (ARPA) ng Departamento ng Tanggulang
bansa ng Estados Unidos, upang mapagbuklod ang mga mananaliksik sa iba’t ibang institusyong Amerikano sa
konteksto ng Cold War (Abbate 1999). Matapos ang dalawang dekada, naluma na ang ARPANET sa pagdami ng
gumagamit nito. Ngunit noon lamang 1989 iminungkahi ng Ingles na si Sir Tim Berners–Lee ng European Laboratory
for Particle Physics (CERN, Geneva) na ilabas mula sa mga akademiko at pamahalaan tungo sa malaganap na paggamit
ang internet sa pamamagitan ng World Wide Web na unang lumabas noong tag-init ng 1991. Siya ang nagdalumat ng
coding system na naging wika ng web, ang HTML (HyperText Mark-up Language); ang paraan ng pagbibigay ng
address sa bawat websayt, ang URL (Universal Resource Locator); at ang pamamaraan upang mai-ugnay sa iba’t ibang
kompyuter na naka-internet, ang HTTP (HyperText Transfer Protocol) Patuloy siyang nakibaka upang maging libre para
sa lahat ang teknolohiyang kanyang nilikha (Quittner 1999).
Gayundin, masasabing ang pagsisimula ng internet sa Pilipinas ay produkto ng mga makasaysayang pagbabago sa
lipunan. Si Dr. William Torres, na teknikal na tagapayo ng COMELEC sa pagbibilang ng boto sa pamamagitan ng mga
kompyuter noong Snap Elections nang 1986, ay isa sa mga nag-walk-out nang makita niyang dinadaya ang mga bilang
ng boto. Ayon sa kanya, ang People Power na nagpatalsik sa diktadura ni Marcos at ang democratic space sa
Pamahalaang Aquino ang nagbigay daan na muling magtulong ang pamahalaan at pribadong sektor na nagbigay daan sa
mahabang proseso ng pag-unlad at pagsilang ng internet noong 1994 (Torres 2006).
Bandang 1986 rin, pinagana nina Efren Tercias and James Chua ng Wordtext Systems ang pinakaunang FidoNet BBS,
"STAR BBS," ang tagapanguna ng internet sa Pilipinas. Nagkaroon din noong Agosto ng pinakaunang paggamit sa
publiko ng tinatawag na First-Fil RBBS. Pagkalipas ng isang taon, isa nang network ang itinatag, ang First Philippine
BBS network na batay sa mga FidoNet protocol. Binuo rin ang Philippine FidoNet Exchange ng ilang BBS sa
Kalakhang Maynila (Smbea 1999a).
1987 rin nang likhain ni Pang. Aquino ang National Information Technology Council na mangangasiwa ng pananaliksik
sa pag-unlad ng Information Technology (IT) sa buong bansa Pinamunuan ito ni Dr. William Torres na pinagbuklod
ang pamahalaan at ang pribadong sektor sa konsultasyon. Noong maagang Dekada 1990, bilang direktor ng National
Computer Center, tumungo siya sa Department of State ng Estados Unidos upang tingnan kung paano madadala sa
Pilipinas ang teknolohiya. Kasabay ng pagsisimula ng pagpapalaganap ng internet sa komersyo (Torres 2006). Sa mga
gumagamit ng FidoNet, naikonekta na ilang malalaking negosyo at nagkaroon ng e-mail (Smbea 1999a). Napakamahal
ng teknolohiyang ito sa mga panahong iyon dahil pinapadaan sa isang dayuhang server at gumagamit ng long distance
calls (Torres 2006, Smbea 1999b).
Mahalagang taon ang 1993 nang pinulong ng Department of Science and Technology (DOST) ang mga kinatawan ng
mga malalaking pamantasan sa Pilipinas tulad ng Pamantasang Ateneo de Manila (ADMU), Pamantsang De La Salle
(DLSU) at ang Unibersidad ng Pilipinas (UP Diliman at UP Los Baños) bilang Technical Committee noong Hunyo.
Makalipas lamang ang isang buwan, limitadong naiugnay ang mga pamantasang ito sa Victoria University of
Technology (Australia) mula sa ADMU sa pamamagitan ng Philnet Project (Smbea 1999a).
Noong Marso 1994, ang UPD, ADMU, DLSU at ang Unibersidad ng San Carlos (USC) sa Cebu ay naging bahagi ng
network na unang nakonekta sa internet sa pamamagitan ng CISCO 7000 sa Makati. Noong 29 Marso 1994, ang
pinakaunang link ng Pilipinas sa internet sa Unang Pandaigdigang E-mail Conference sa USC Cebu. Isinilang na ang
internet sa Pilipinas! (Smbea 1999a)
Sa paglaon, magiging bahagi ng PHnet ang Advanced Science and Technology Institute (ASTI), Asian Development
Bank (ADB), Unibersidad ng Sto. Tomas (UST) noong Abril 1994; UPLB at DOST noong Mayo 1994; Industrial
Research Foundation (IRF), Philippine Network Foundation, Inc. (PFI), Saint Louis University sa Baguio (SLU) at
Xavier University (XU) noong Oktubre 1994; ang Mindanao State University (MSU), International Rice Research
Institute (IRRI), Asian Institute of Management (AIM), at PDX noong Hunyo 1995 (Smbea 1999a).
13 ng Abril 1994 nang isulat ang PHnet Basic Principles at ang Internet Code of Conduct. Makalipas ang halos isang
taon lamang, Marso 1995, nang malagdaan ang Public Telecommunications Act of the Philippines (Republic Act 7925),
na nagpapahintulot sa mga kumpanyang telecom na mag-alok ng serbisyo nang hindi na kailangan ang prankisa mula sa
Kongreso (Smbea 1999a). Naging tagapanguna ng Cyberspace sa Senado ng Pilipinas ay si Sen. Ramon “Jun” B.
Magsaysay, Jr. na pinagtuunan ang IT at E-commerce bilang bahagi ng kanyang legislative agenda. Naging akda siya ng
Cybercrime Act at ng batas na nagpapsok sa Computer Literacy bilang bahagi ng pinag-aaralan sa primarya at
sekundaryang edukasyon (Senate).
Hunyo 1994 nang itatag ni Dr. William Torres ang pinakaunang Internet Service Provider (ISP), ang Mosaic
Communications (Mozcom). Itinuturing ng marami si Dr. Torres bilang isa sa dalawang “Ama ng Internet sa Pilipinas”
kasama ang Administrador ng PHnet Phase II na si Dr. Rodolofo Villarica (Smbea 1998b) (Ayon pa si isang artikulo, si
Dr. Torres ang Lolo ng Internet sa Pilipinas—Villafania 2004). Instrumental din sa pagtatag ng Internet ang Kalihim ng
DOST sa mga panahong ito na si G. William Padolina.
Mula Hunyo hanggang Agosto 1995, itinatag ang iba pang mga ISP tulad ng IBM Philippines, Globe Telecom's G-Net,
Infocom's Sequel.Net, Iphil Communications, at Tridel Net. Sa mga panahong ito itinatag din ang mga Commercial
Online services tulad ng Virtual Asia at Cybernet Live, na kinalaunan ay naging mga ISP rin. Mga bandang 1996,
papasok ang mga dayuhang ISP tulad ng Asia Online (nakabase sa Hongkong) at Pacific Internet (nakabase sa
Singapura) na nakabili Philworld; Nagsama ang Bayantel at Sky Internet upang ibahagi ang United Network Access
(UNA); at nabuo ang Philippine Internet Services Organization (PISO) (Smbea 1999a).
Hunyo ng 1996, konektado na sa Cisco 7000 sa Makati ang mga lungsod ng Cebu, Zamboanga, Sorsogon, Davao,
Bacolod, Legaspi, Naga. Sa mga huling bahagi ng taong ito, itinatag ang Philippine Internet Exchange (PHIX).
Pagdating ng 1997, ayon sa The International Data Corporation (IDC), tinatayang mayroon nang 85,000 ang gumagamit
ng internet sa Pilipinas, at sa Agosto ng taon ding iyon, mayroon nang 1,090 PH Domains. Ang mga malalaking
network ng medyang pambalana tulad ng ABS-CBN (ABS-CBN Interactive Web Site) at GMA (GMANetwork.com)
at mga pahayagan tulad ng Businessworld Online, Manila Bulletin, Philippine Star, Manila Times at Philippine Daily
Inquirer ay nasa internet na rin. Nagkaroon din ng bagong porma ng medya, ang cybermags tulad ng 1969, Internet
World Philippines, The Web Philippines at Link. Itinatag rin ang Philippine Network Information Center/Infrastructure
Consortium (PHNIC), Philippine Computer Emergency Response Team (CERT-PH), at mga grupo ng mga gumagamit
ng internet tulad ng PhilJUG (java) , PhilPlug (Linux), ISiP (Internet Society of the Philippines), at APRICOT (Asia-
Pacific Region Internet Conference on Operating Technology). Noong Disyembre ng 1998, inilunsad ang pinakaunang
Philippine Webby Awards (Smbea 1999a).
Mula noon, naging mabilis na ang pag-unlad ng internet sa Pilipinas. Ayon sa Wikipinoy of the Year 2007 para sa
Science and Technology na si Yuga, sa taong 2000, tinataya ng Internet World Stats sa 2 Milyon na ang gumagamit ng
internet sa Pilipinas. Sa taong 2005, lolobo ito sa 7.82 Milyon (Yuga 2006).
Sa pagsisimula ng Dekada 2000, winakasan ang deka-dekadang tradisyon ng pila sa pagpapatala sa Unibersidad ng
Pilipinas nang ipakilala nito ang Computerized Registration System o CRS. Sinimulan din itong gamitin upang
magpahayag ang iba’t ibang pulitikal na pormasyon at mga nakikibaka na kadalasan ay hindi nagbibigyan ng pansin sa
komersyal na medya. Naging pantapat din ito sa bahagyang pagsupil sa komersyal na media ng pamahalaang Estrada
at nagamit din noong EDSA 2 noong 2001 (PCIJ 2001). Ayon sa isang Pilipinong estudyante sa Australia na si Natasha
Ria Cruz, makikita rin ang kapangyarihan ng Cyberspace upang isulong ang mga magagandang hangarin, maging ang
mga hindi kagandahan:
Real-world issues, movements, and institutions have also taken on different forms. The
rise in the number of cases of cyber bullying suggests that bullying is no longer confined
within the walls of a school. Political activism and petition signing have also taken on an
online presence. Tertiary institutions now offer online programs where you could get a
university degree without stepping on campus. Even terrorist groups have used the
Internet as a source of publicity, recruitment and maintaining a global network (N. Cruz
2008).
Isang taon matapos ilunsad ang Friendster, ang isa sa pinakaunang social networking site sa daigdig, ay bumulusok
pababa ang popularidad nito sa America. Sa kwento ni Chris Lunt, ang Direktor ng Inhenyeriya ng Friendster, sa PBS:
Lunt wondered why Friendster’s web traffic was spiking in the middle of the night, and
noticed that the traffic was coming from the Philippines. According to Inc., he worked
backwards, looking for “patient zero,” the first American who linked to a Filipino, and
found Carmen Leilani De Jesus, a marketing consultant and hypnotherapist in San
Francisco. She connected to dozens of Filipinos, and eventually more than half the site’s
traffic was from Southeast Asia. (Maderazo 2007)
Naging “Friendster Capital of the World” ang Pilipinas. Ayon kay David Jones, Pangalawang Pangulo para sa Global
Marketing ng Friendster, “the biggest percentage of (their site's) users is from the Philippines, clocking in with 39
percent of the site's traffic.” Wika niya, noong Marso 2008 lamang, pumalo sa 13.2 Milyon ang mga unique visitors ng
kanilang sayt, 13.2 Milyon mula dito ay nagmula sa Pilipinas (T. Salazar 2008). Maging ang Multiply ay dinominahan
na rin ng mga Pilipino. Ayon sa Pangulo at Tagapagtatag nito na si Peter Pezaris, 300 Milyong page views sa bawat
buwan, o tinatayang ikatlo (39%) sa isang bilyong page views na natatanggap ng multiply, ay mula sa mga Pilipino sa
iba’t ibang bahagi ng mundo. Mas mataas pa sa Estados Unidos kung saan nakabase ito (Dizon 2008). Ang Multiply
ang ika-limang pinakamalaking sayt na pinupuntahan ng mga Pilipino, na may tinatayang 2 Milyong gumagamit sa
bawat buwan (Gonzales 2007).
Sa isang 2008 na pag-aaral ng Universal McCann, ang Pilipinas ay ipinroklama bilang “ the social networking capital
of the world,” 83 % na mga tinanong na Pilipino ang nagsabing bahagi sila ng social network (Universal McCann 2008).
Tayo rin ang pinakamaraming mag-upload ng mga larawan at manonood ng bidyo, habang pumapangalawa naman tayo
sa bilang ng mga mambabasa ng blog at naglalagay ng bidyo (Liao 2008). Sa 7.9 Milyong gumagamit ng internet sa
Pilipinas, 6.9 Milyon ang nagsasabing bumibisita sila sa isang social networking site ng kahit isang beses isang buwan
(Yazon 2007). Ang popularidad ng mga ito ay lubos na magagamit sa Halalang Senatoryal ng 2007 kung saan maraming
pulitiko ay sinamantala ang pagkakataoan at gumamit ng Friendster, Mulitiply at MySpace upang magpalawak ng
exposure.
Anumang ang bilang, hindi mapagkakaila na sa kabila ng medyo mataas pa rin ang presyo ng internet, hindi na lamang
nalilimita sa mayayamang Pilipino ang paggamit nito (Sa kabila nang mayorya pa rin ng gumagamit nito ay ang mga
maykaya). Lumaganap na ito lalo sa mga nag- aaral na nagnanais makipag-ugnay at kumuha ng impormasyon. Nito
lamang isang linggo, 19 Agosto 2008, Martes, sa isang maliit na internet shop sa Krus na Ligas, Diliman, Lungsod
Quezon nakasabay ko ang napakaraming mga kabataan na elementarya na gumagamit ng Friendster. Sa kanilang
kasuotan, makikita mong hindi naman ganoon karami ang kanilang pera, ngunit nandun sila, nakikipagtalastasan sa mga
kaibigan. Noon lamang 24 Agosto, Linggo, nang magpunta ako sa Banahaw, sinabi sa akin ng aking kaibigan doon na
nakita niya ang aking blog na kanyang ikinagulat.
Ipinapakita ng karanasang Pilipino ng Cyberspace ang demokratisasyon ng pagbabahagi ng kaalaman at talastasan, lalo
na sa mga kabataan. Ilang taon lamang ang nakakaraan, dominado ng komersyal na medya at palimbagan ang
pagkalat ng impormasyon, at dahil sa maliit na oras na binibigay sa mga isyu, hindi napapalalim ang mga ito. Ngunit
ngayon, ang kahit na sinong mamamayan ay maaaring magpahayag ng sariling pananaw at kaalalaman at may
pagkakataon ang lahat na mabasa ito. Sa katunayan, maraming bahay-dagitab at fora ang nagtatangkang magpalalim ng
gagap sa mga isyu, lalo na sa kasaysayan (Tatalakayin sa susunod a bahagi).
Ano ba ang meron sa ating kultura at kasaysayan at naging popular sa atin ang Cyberspace?
Ayon sa pangulo ng Multiply na si Pezaris, ito ay dahil sa malakas na diin natin sa pamilya at samahan (Dizon 2008).
Ayon sa pananaw ni Leilani de Jesus, ang Amerikanong unang nagpakilala ng Friendster sa mga Pilipino, na mababasa
sa PBS:
“I personally think that Friendster took off in the Philippines because that’s a culture
where friendship and ‘who you know’ is sometimes a more valuable currency than
money,” she wrote on her blog. “Basically everyone has an ‘uncle’ or a ‘friend’ or a
‘relative’ who can help you get what you need based on nepotism, favoritism, friendship,
etc., because not everyone has money. ‘But if you do me a favor, I’ll owe you a favor.’
This is why friendship is important, and why a platform like Friendster, which was a
‘friend-collecting’ service, took off so rapidly in the Philippine culture.” (Maderazo
2007)
Bagama’t may punto, tila binigyang diin ang negatibong aspekto ng kulturang Pilipino. Maaaring mapalalim ang
pananaw kung ibabatay natin ang pagtasa batay sa ating sariling kasaysayan at kultura.
Sa isang naunang pag-aaral (Chua 2007b), naging karagdagan ni Prop. Vicente Villan bilang komento na kailangang
ugatin pa ang pagkahilig natin sa Cyberspace sa mga sinaunang mga pasalitang tradisyon ng ating mga ninuno (Villan
20 Nobyembre 2007). Kung paghahambingin ang dalawa, makikita na bagama’t ang mga blog ay nakasulat, tila may
elemento pa rin ito ng pasalitang tradisyon at pinasa-pasang kwento—walang pag-aalala sa porma at paggamit ng wika
na tulad sa mga nakasulat na dokumento.
Sa nakalipas na tatlong dekada, nakita natin ang paggamit sa mga ganitong impormal na uri ng batis sa pagbakas ng
nakaraan na sinimulan nina Zeus Salazar, Reynaldo Ileto, Teresita Maceda at iba pa. At lumaganap lalo sa Agham
Panlipunang Pilipino (Pantayong Pananaw, Sikolohiyang Pilipino, Pilipinolohiya) na nagbibigay ng diin sa bawat
ordinaryong mamamayan bilang sisidlan ng kalinangan, kung gayon, ang Kasaysayan ay hindi na lamang dapat mapako
sa kasaysayan ng mga pinuno at pangulo. Dalawa lamang sa mga halimbawa ng pagtatangkang gawin ito ukol sa
cyberspace: Ang pananaw ng kabataan ukol sa historiograpiya ng Pantayong Pananaw ay aking tinangkang repasuhin
batay sa mga sinusulat sa internet (Chua 2007b), at si Dr. Salazar naman ay ginagamit ang mga sulating erotica sa
internet upang ipakita na nagpapatuloy pa rin ang kamalayan sa mga sinaunang konspeto ng Libog, Buhay at Ginhawa.
Sa aming pag-uusap sa Bundok Banahaw nitong nakaraang 24 Agosto 2008, iminungkahi ni Prop. Villan ang isang
pagtatangka na ang mga pag-aaral ng cyberspace sa Pilipinas ay dapat pag-ugnayin sa antropolohikal na batayan, para
makita ang solid na grounding. Sa kanyang pagpapalawak ng konsepto ng KAPWA ni Virgilio Enriquez, binigyan niya
ng historikal na batayan ang konsepto batay sa kanyang mga pananaliksik para sa kanyang disertasyong doktoral ukol sa
Kabisayaan:
Kita mo yung mga pulitiko sumasabay sila sa internet. Maraming anggulo yan socialization,
anthroplogically pag sinuri mo ang socialization, kapag nag-usap tayo, pinag-usapan natin ang ating
pagiging tao at pagkatao, anthropological basis ng pakikipag-ugnayan sa Cyberspace.....
Pagiging tao, pag-uusapan niyo dyan ang pisikal na bagay, biological yan e, “maganda ka” Bahagi ng
ekspresyon ng pagiging tao. Kasi ang pagkatao, yan na yung may kinalaman sa identity, culture,
history. ...Tapos kapag pinag-usapan mo na yung culture, society,and history, kakapain mo na ang
sikolohiya. Kaya makikita mo na, papasok ka na hindi ka lang basta nagpapahayag, hindi ka lang basta
nagkukuwento, kasi yung pagkukwento, pag-uusap niyo, pakikipag-kapwa yun. Culture yun. Tapos
siya rin, ganoon din ang ginagawa sa iyo, kasi ang objective natin sa usapin ng pakikipag-kapwa ay
magbubukas ako ng aking loob, para magbukas ka rin ng iyong loob para magkakaroon kayo ng
puwang sa isa’t isa.
Maunlad yung sikolohiya natin ng pakikipagkapwa, kaya kinukwento mo. Bahagi yun ng pakikipag-
ugnay, inaabot mo yung, kinakapa mo, inaabot mo, yung loob ng iba. Bahagi ng pagbubukas ng loob
yung pagkukwento. Para ’pag nagkwento ka, magbubukas din siya ng loob mo, para maging bahagi
kayo ng isang loob. Pag magkaloob na kayong dalawa, mayroon na kayong batayan sa kaisahan.
Nagpapagaan kasi yan ng loob, usapin ng ginhawa, kagaanan ng kalooban, na- eexpress mo.
Usapin ng pakikipagkapwa, pakikipagkwento at usapin din ng ginhawa, kasi gumagaan ang loob mo
dahil sa kanya.
Tapos, usapin din ng gahum (kapangyarihan), kasi pag may kausap ka na, mayroon ka ng kapanalig,
kagaanan mo ng loob Dahil pareho ang inyong loob,
pareho na kayo ng pakiramdam, kasi nadama mo na, yung pandama, nalasahan mo na ba, na ito yung
gusto niya, ito yung gusto ko. May link na kayo sa isa’t isa. Tapos maging bahagi yun ng relasyon niyo
bilang magkapwa tao at ang next level ng pakikipagkapwa tao ay yung pagiging matalik na
magkaibigan.
Kapag nagpahayag ka ng damdamin mo, hindi lang basta nagre-release ka ng sentimiyento mo, kundi
kino-convince mo din yan na maging kapanalig mo. Kapag naging kapanalig mo na siya, o katalastas
mo na siya, dun na papasok yung mas mataas na lebel na ang tawag sa Bisaya pakiki-ugyon, pakikiisa.
Papasok na ang pakikiisa. Pag magkadamdamin na kayo, may pakikiisa. Pag may pakikiisa, may pag-
aalay na ng buhay, mas mataas ng lebel ang tawag ng Bisaya ’dun pag- unong. Kasi kapanalig na kita,
pareho na tayo ng bituka, mag-aalayan tayo ng buhay sa isa’t isa. Kasi pareho lang tayo ng bituka,
pareho na tayo ng kolooban, ideolohiya, pananaw, kahit may mga bagay na akin, binibigay ko sa iyo,
yung sa iyo, binibigay mo sa akin So ibig sabihin, magiging kapanalig mo na rin siya at
magiging kakampi. Hanggang hahantong iyon sa kapatiran, ang tawag ng mga Bisaya, pakikipag-
anghud.
Yan ang batayan ng pagbubuo ng bayan, proyekto ng Cyberspace bahagi ng pagbubuo ng bayan
(Villan 24 Agosto 2008).
Kung hindi naging hadlang ang karagatan at mga ilog sa sinaunang mga bayan, bagkus ay ginamit pa ito upang lalong
mapatibay ang pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng kulturang maritima, pakikipagkalakalan at pakikipag-sandugo,
hindi kaya maaaring ang cyberspace ang magbuklod sa maraming Pilipino, hindi lamang sa sangkapuluang ito kundi
maging sa ibang bansa, batay sa kapatiran sa Inang Bayan? Makikitang halimbawa sa pag-aaral ni Judith Balares-
Salamat ukol sa mga Bikolano sa Estados Unidos na sa pamamagitan ng cyberspace ay nag-uugat sa Kabikulan (Salamat
2008), na nagiging bahagi pa rin sa Talastasang Bayan ang diaspora sa pamamagitan ng teknolohiyang ito.
Kung may pag-unlad at pagyaman na nagaganap sa Pilipinas, masasabing isa na ang cyberspace
at ang kulturang tinatagalay nito sa mga ito.
Ngunit sa kabila ng mungkahing pagtingin na ito sa pakikipagkapwa at pagkakaisa sa internet, hindi pa rin dapat
isawalang-bahala ang paggamit ng mga may makasariling interes at masasamang loob sa Cyberspace para sa
panlilinlang. Nang unang basahin ang papel na ito sa Ika-17 na Pambansang Kumperensya ng UP LIKAS na may
temang “Makabagong Umalohokan: Ugnayan ng Kasaysayan at Mass Media,” noong umaga ng ika-27 ng Agosto, 2008,
NISMED Auditorium, UP Diliman, Lungsod Quezon, nagbigay ng kritisismo at mungkahi ang historyador na si Atoy
Navarro sa maaari pang pagtuunan ng Kapanahong Kasaysayan sa Cyberspace:
Una binabati ko si Xiao dahil sa larangan ng Kasaysayan, si Xiao ang unang sumulat sa
Cyberspace at sa Internet Bagamat malakas yung pag-idealize natin
sa internet at sa Cyberspace kailangan ding maging maingat talaga. Kahit halimbawa yung ginamit ni
Prop. Chua na idea ng pakikipagkapwa, na ang internet ay daan para sa pakikipagkapwa. Pero sa
internet din maraming naloloko, maraming nagiging biktima sa internet. May diskurso din yan ng iba
yung harapan, sa internet, halimbawa sa chat na hindi ka nakikita. So mayroon ding
pagbabalatkayo na pwedeng mangyari na maaring labag sa idea natin ng pakikipagkapwa.
The same way na binanggit ni Prop. Chua na maaaring paraan ang Cyberspace sa
pagbubuo ng bansa, pero para din siya sa pagde-deconstruct ng bansa. Yun nga, mahirap
na masyadong i-idealized yung Cyberspace at internet, dahil mapanganib din siya. ...kasi
kung titingnan natin, minority yung developing countries sa discourse ng internet.
Particularly, information is mostly in English— European/American perspective.
Mayroon tayong mga areas na linamangan, Friendster, Multiply, ok yan. Andyan,
Tagalog, and then yung iba’t ibang wika sa Pilipinas, pero sa pangkalahatan pa rin,
mapanganib pa rin yung Cyberspace at Internet.
So, yun lang, pwede siyang daan sa pakikipagkapwa, pagbubukas ng loob, pero pwede rin siyang
paraan para sa pagbabalatkayo, panloloko. Pwede siyang paraan sa pagbubuo ng bayan, pagbubuo
ng bansa, pero paraan din siya para i- deconstruct, lalo pang paghati-hatiin, pag-away-awayin ang mga
Pilipino... (Navarro 27 Agosto 2008)
Ngunit ayon kay Navarro, may napakagandang makikita sa talastasan ukol sa Kasaysayan sa Cyberspace:
...Sa academic discourse, mas mabilis ang internet at Cyberspace. Ang daming pagdedebate tungkol sa
mga akademikong mga usapin sa internet at academics yung nagde-debate. Samantalang kung
hihintayin mong lumabas yung jornal, yung sagot nung isang historyador doon sa sinabi nung isang
historyador, aabutin ng taon-taon. Samantalang sa internet, nagsulat si Salazar, hindi ka agree,
babanatan mo kaagad. Pwede kayong magtalo-talo doon. At nababasa niyong lahat kung ano ang
points of differences ninyo, ano yung pagtatagpo ninyo. Isa ring positive yun ng internet sa
Cyberspace sa larangan ng Kasaysayan... (Navarro 27 Agosto 2008)
Ang cyberspace ay hindi lamang naglalaman ng kaisipan at karanasan ng bayan, isa rin itong sisidlan ng mga salaysay
(narratives) ng nakaraan ng mga Pilipino.
Mayaman ito sa batis at materyales. Sa katunayan, marami sa mga mapanghawing-landas na artikulo ukol sa mga
pinakabagong iskolarsyip mula sa mga pinagpipitaganang jornal sa Kanluran ay maaari nang makita sa Journal
Storage: The Scholarly Journal Archive (http://www.jstor.org na sa kasamaang palad ay may bayad) at iba pang bahay-
dagitab. Sa katunayan, nagsimulang isadagitab (digitize) ng JSTOR ang mga artikulo ng jornal simula pa noong
1995 (Schonfeld 2003). Maganda ito sapagkat marami sa mga aklatan sa Pilipinas, ay hindi naa-update ang mga jornal.
Sa kabila nito, mas maraming artikulo kaugnay ng mga teorya at bagong tuklas ukol sa kasaysayan ng Pilipinas ang
hindi pa matatagpuan sa internet.
Sa kabila nito, marami-rami na ring materyales ukol sa kasaysayan at mga pangyayari sa Pilipinas ang matatagpuan sa
cyberspace at mainam na gamitin. Ang listahan sa ibaba ay ilan lamang sa mga bahay-dagitab na maaaring magamit sa
pag-aaral at pananaliksik ng kasaysayan:
Tinipon at isinalin sa Tagalog upang huwag antukin ang mga bumabasa. Isa pang dahilan,
upang maiba naman at marami nang Philippine history na nakasulat sa English. Panghuli,
upang maunawaan ng mga walang pambili ng bagong aklat o hindi bihasa sa English o sa
Espanyol ang mga mali at kulang-kulang na itinuro sa paaralan (Laput 2007).
Ang mga bahay-dagitab para sa partikular na mga paksa sa Kasaysayan ng Pilipinas. Ilan lamang
sa mga halimbawa nito ang José Rizal Website ng José Rizal University
(http://www.joserizal.ph), The Diaries of José Rizal ni Pupu Platter
(http://rizaldiaries.blogspot.com), Bonifacio Papers ni Pupu Platter
(http://bonifaciopapers.blogspot.com), Katipunan: Documents and Studies ni Jim Richardson
(http://kasaysayan-kkk.info); The Philippine-American War, 1899-1902 ni Arnaldo Dumindin
(http://www.freewebs.com/philippineamericanwar), Corregi-dor, 503, Heritage Batallion
(http://corregidor.org), Tribute to Ninoy ni Arnold Barredo (http://www.tributetoninoy.tk),
Marcos Foundation
(http://marcospresidentialcenter.com), The 1986 EDSA Revolution Website ng Thinkquest Team
(http://library.thinkquest.org/15816) at maraming marami pang iba. Maaari ring bisitahin ang
ilang blog tulad ng Punditry, Politics, History, Commentary ni Manolo Quezon
(http://www.quezon.ph), Philippine Commentary ni Dean Jorge Bocobo
(http://philippinecommentary.blogspot.com), at ang Filipino Librarian ni Vernon R. Totanes
(http://filipinolibrarian.blogspot.com) para sa kanilang madalas na pagbabalik- tanaw sa
nakaraan.
Ang mga bahay-dagitab ng mga peryodiko, magazin, at istasyon ng telebisyon, halimbawa ang
Philippine Daily Inquirer (http://www.inquirer.net), Time Magazine (http://www. time.com),
Cable News Network (http://www.cnn.com), at iba pa, ay mainam rin sa pananaliksik ukol sa
mga pangyayari nitong nakaraang siglo at maging sa mga maiinit na isyu. Mayroon silang
artsibo o sinupan (archive) na maaaring kuhanan ng mga nakaraang artikulo o balita. Maaari
nitong bawasan ang hirap ng pananaliksik sa maalikabok na artsibo o malabong mga microfilm
reel. Mayroon ding mga historyador, tulad ni Ambeth Ocampo, ang nagsusulat ng mga kolum sa
mga peryodiko at mababasa ang mga ito sa web.
pinapaunlad ng talastasan ng mga mas nakababatang historyador tungo sa isang tunay na maka-Pilipinong
pananaw (Chua 2007b).
Subalit hindi lahat ng materyales dito ay maaaring gamitin bilang batis basta-basta. Kailangang maging mapanuri
at magtanong: (1) Ang impormasyon ba ay magagamit sa paksa na hinahanap?
(2) Ang impormasyon ba ay nagmula sa isang batis o eksperto na may kredibilidad? Maaaring gamitan ito ng
kritikang panlabas at kritikang panloob na metodong pangkasaysayan:
Sa mga nakasulat na batis maaaring hanapin ang petsa, kapaligiran, at may-akda sa mismong
dokumento. Kung luma na ang mga nakasulat na batis, maaaring hanguin ang petsa, kapaligiran, at
may-akda sa pamamagitan ng mga pag-aaral at pagsusuri ng papel, tinta, estilo ng sulat-kamay at
pagsusulat, kataga, pananalita at wikang ginamit, at mga katangian, kaugalian, at tinukoy sa mismong
dokumento...
Higit na mahirap tiyakin ang petsa, kapaligiran at may-likha ng mga di-nakasulat na batis.
Dito, kadalasan nangangailangan ng mga katulong na disiplina sa larangan ng agham
pangkalikasan o syensya natural at teknolohiya upang maitakda ang pinanggalingan ng
mga di-nakasulat na batis...
Matapos ito, dumadaan sa pagwawasto ng batis o restitusyon upang maipanumbalik ito sa orihinal.
Dito hinahanap ang mga pagkakamali batay sa pangkalahatang kapookan at konteksto ng mga batis na
maaaring mapanumbalik at maiwasto. Maaari ring idagdag ang mga karagdagang tala hinggil sa
kapookan at konteksto na hindi nakasisira sa kabuuang kalikasan at katangian ng mga batis...
Liban pa dito, sa kabila ng globalisasyon, kailangan pa ring maging mulat ang mag-aaral ng kasaysayan sa pook at
kultura na pinanggalingan ng batis sapagkat ito ay nagtataglay ng bagahe o bias ng taong sumulat. Marami sa mga
maling persepsyon ukol sa ating sarili bilang mga Pilipino ay nagmula sa mga primaryang batis na makadayuhan ang
pananaw. Marami sa mga batis na ito ay siya ring mga batis na matatagpuan ngayon sa internet. Maging ang mga
peryodiko ay may pananaw na taglay, halimbawa, dapat mulat ang mag-aaral na isinusulong ng CNN at iba pang mga
ahensya ang interes ng Kanluran.
Kailangan ding wastong banggitin ang mga batis mula sa cyberspace. Nang lumaganap ang paggamit ng internet, naging
mas madali ang pangongopya (plagiarism) dahil sa madaling mag- copy and paste ng mga akda. Kaya naman, masasabi
ring ang mga gurong masigasig ay madaling makadama kung ang isang akda ay kinopya lamang sa internet. At dahil
sa search engine, mas madali itong matunton.
Para sa mga guro sa kasaysayan, ang cyberspace ay mainam din gamitin upang lalong bigyang- sigla ang pagtuturo.
Maaaring gumawa ng bahay-dagitab kung saan mailalagay ng guro ang iba’t ibang larawan, babasahin, maging mga
audio at video file para madaling maabot ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng chat at fora, maaaring
makipagtalastasan ng opinyon sa mga paksa sa kasaysayan maging sa labas ng mga klasrum. Maging malikhain at
gamitin ng mahusay ang mga teknolohiyang ito.
Sinasabing maganda ang hinaharap ng pag-aaral, pananaliksik, at pagtuturo ng kasaysayan sa cyberspace. Ibinandila ng
pabalat ng Newsweek nitong nakaraang 26 Nobyembre 2007 na “Books Aren’t Dead (They’re Just Going Digital): Five
Centuries After Gutenberg, Amazon’s Jeff Bezos is Betting That The Future of Reading is Just A Click Away.” Winika
ni Bezos, nagtatag ng pinakamalaking bilihan ng aklat sa cyberspace, nang kanyang ilunsad ang produktong Kindle,
“The vision is that you should be able to get any book –– not just any book in print, but any book that’s ever been in
print –– on the Kindle, in less than a minute” (Steven 2007, 58)
Anupaman, sa mga seryosong guro, mag-aaral, at mananaliksik ng kasaysayan, ang internet ay tuntungan lamang o
isang paraan upang mapayaman ang pag-aaral. Ito ay hindi ang tanging mapaghahanguan ng batis. Kailangan itong
samahan ng masinop na pananaliksik sa mga aklatan at arkibo para sa patuloy na pagpapalalim ng pagpapakahulugan
ng kasaysayan.
I. PAGLALAGOM
Sa panimulang pagtanaw na ito, makikita sa kasaysayan ng cyberspace at ng kasaysayan sa cyberspace ang katotohanan
na ang kasaysayan ay para sa lahat. Gayundin ang katotohanan na ang lahat, kapwa ang mga dalubhasa, may hilig,
interes, at estudyante ng kasaysayan, ay may pagkakataong makibahagi sa pagsusulat at paglikha ng kasaysayan.
Makikita rin na maaaring maiintindihan ang batayang kultural ng cyberspace sa Pilipinas kung titingnan ito sa ating
sariling konsepto ng Kapwa at Kapatiran, tungo sa tunay na Talastasang Bayan, at pagbubuo ng Sambayanang Pilipino
sa loob at labas ng sangkapuluang ito. Gamitin ng lubos ang magagandang dulot nito sa talastasan subalit maingat pa rin
sa mga panganib na dala- dala nito.viii
Pagsasanay
TUKLAS-DUNONG
1. Pagsipat sa mga Nagawang Pananaliksik sa Larang ng Wika noong 1996-2007 Tungo sa Pagbuo
ng Isang Agenda sa Pananaliksik’ ni J. Peregrino
2. Ang proseso ng transkripsiyon ng mga inskripsiyon sa mga Bato ng Ticao’ ni R. Guillermo
3. Musika at Krisis: Kung Papaano Umawit nang Matipid si Juan de la Cruz’ ni E. Carandang II
4. Ang Mga Liriko ni Gary Granada Bilang Repleksyon ng Pulitika, Nasyonalismo at Kalagayan ng
Bansa’ ni J. Malabanan
5. Varayti ng Wika sa Pinoy Indi: Isang Mungkahing Balangkas Pedagohiyang Kritikal Tungo sa
Pagsasabansa ng Akademya at Sining’ ni J. Geronimo
6. Kasaysayan sa Cyberspace: Panimulang Pagtanaw sa Karanasang Pilipino’ ni M. Chua
PINAL NA KAHINGIAN