You are on page 1of 27

Unang argumento:

Naniniwala ako na may kakayahan ang wikang


Filipino na magamit ito sa pagdadalumat upang
higit na mapayabong ang karunungang Filipino
at Araling Filipino.
“Hanganrin kong ipakita na mas mayaman ang ating wika kaysa
sa banyagang wika dahil mas marami tayong salitang
maitutumbas sa konseptong langyaw” (2003: 84).

Karugtong nito ang paglalagom ng kanyang sanaysay:

“Sa madaling salita, maraming salita tayong maaaring gamitin


para pag-ibahin ang iba’t ibang kahulugan ng iisang salitang
langyaw”(93).

4
 kritika Ang teorya na galing sa literary
 teorya theory o theory ay ang ‚pag-aaral
sa pangkalahatang isyung
 kritisismo
bumabalot sa literatura, sining, at
 Pamumuna kultura, tulad ng papel ng
 Panunuri literatura sa mundo, kung maaari
 kasaysayang ngang matuklasan ang kahulugan
ng isang likhang panliteratura, o
 Pampanitikan
ang relasyon ng literatura sa
 Buwis wika‛
 daigdig
 mundo.
5

Ang teorya ay isang salitang langyaw na inangkop sa
baybay Filipino.

Ngunit kung susundin ang premis ni IRC mas angkop at mas wastong
gamitin ang salitang ‚dalumat‛.
Mula sa etymology ng theory: Gk. theoria ‚contemplation, speculation, a
looking at, things looked at,‛ from theorein ‚to consider, speculate, look at,‛
from theoros ‚spectator,‛ from thea ‚a view‛ + horan ‚to see.‛
‐ “Dalumat” ay kasingkahulugan ng “paglilirip” at
“panghihiraya”.

‐ Sa Ingles na kahulugan, ayon kay


ganito ang ibig sabihin: very deep thought, abstract
conception.

‐ Ginagamit ang salita hindi sa payak na paraan


bagkus sa mataas na antas ng pag-iisip.
7
Ang kahulugan mismo ng panghihiraya ay upang maging malikhain ang
isang palaisip o teorista sa kognitibong konstruksyon ng kabuluhan,
kahulugan at kakanyahan ng salita bilang dalumat.

Kung kaya’t pumapasok dito ang lisensiya ng isang iskolar o teorista na


bumuo ng bagong salita sa dinadalumat na teorya .

8
Ikalawang argumento:

Hindi na bansot ang ating wika, hindi na kulang-


kulang ang ating vocubularyo para sa talastasang
teoretikal.
Ang Pagdalumat-Salita Sa anumang binubuong teorya,
mahalaga at makapangyarihan ang wika.

Bukod sa pagtingin na ang wika ay representasyon ng mundo


ayon sa mga nominalista

Ang wika rin ay isang instrumento na maaaring


makapagpabago ng isipan ng mga tao at sa pagtagal ng
panahon ng kilos ng tao.

10
Mas tatalab ang hamon sa intelektuwalisasyon ng wikang
Filipino kung :

Gagamitin ang wikang ito sa teoretikal o pilosopikal na


larangan ng mga iskolar.

Ibig sabihin nararapat na sa wikang Filipino nag-iisip nang


analitikal at kritikal at sa wikang Filipino ito naipapahayag .

11
‐ 1…..Linawin ang bagong konsepto na nais ipaliwanag ng teorista,

‐ 2…..Ituro ang mga bagong salita, kung mayroon man, na nilikha ng


teorista para maipaliwanag ang kanyang bagong konsepto;

‐ 3…….Ipaliwanag kung ano ang mga bagong palagay na naghahari sa


diskors ng teorista, kung ano samakatwid ang kanyang nais ipalit sa
kababawan

‐ 4……Kung aling mga palagay na kasama sa kababawan ang binabatikos


ng diskors, hindi lamang ng nilalaman nito kundi pati na ang estilo o
estratehiya ng pagsulat nito.
12
Ang salin ng common-sense bilang kababawan

Ang wika ay isang ideolohiya, wika ni IRC (131). Sa tingin ko ito


ang diskurso ng balana. At dahil sinabing nakasahog ang
kababawan sa wika, dahil wika ang kongkretong manifestasyon
nito, magiging kontradiksyon ang pagwaksi sa kababawan o
common sense upang linangin ang wika ng teorya sa wikang
Filipino at pagdadalumat-salita.
‐ Una, ang common-sense, ang balon ng kaalaman at
kamalayan ng mga tao upang sila’y kumilos at
makipagdiskurso sa pang-araw-araw nilang buhay

‐ Ito ang kasangkapan nila sa pag-unawa ng mga ordinaryo at


maski mga komplikadong bagay-bagay sa buhay nila. Dito
nanggagaling ang sumatotal ng makabuluhang pagkilos nila
batay sa nabuong paniniwala at hinuha bunsod ng pagdanas
o karanasan nila.
Ikalawa, ang gusto kong sabihin ay ganito. Mahalaga ang
balanang pananaw dahil nakasandig dito ang
pagdadalumat.

Ika nga’y winiwindang tayo para ang hindi obvious ang


lumabas, kundi ang iba pang maaaring kahulugan. Kung
kaya’t ang function ng pagdadalumat ay hindi para
idikonstrak ang balanang pananaw, kundi bukod pa sana
sa pagkakaroon ng ganitong pananaw, mabuksan ang iba
pang posibilidad ng pag-unawa.
15
Ang lahat ng wika ay may pinagbubukalang ideolohiya. Ang
wika ng teorista/palaisip ay nagpapahiwatig ng posisyon ng
kapangyarihan. Ika nga’y bunga ito ng social capital ayon kay
Bourdieu na taglay ng isang nakapag-aral, titulado, at kahit
paano mataas ang katayuan sa buhay kumpara sa iba

Kung kaya’t dahil dito, natural din na magkaiba talaga ang


kayarian ng wika ng balana at wika ng akademya

16
Tinatawag na dalumat-salita ang paggamit ng wika sa mataas na antas ng
pagteteorya batay sa masusi, masinop, kritikal at analitikal na paggamit
ng mga salitang kumakatawan ng mga ideya at kaalamang nagiging
konsepto sa malalimang pag-uuri’t paggamit nito.
Ilang paraan ng pagdadalumat-salita ng ilang kritiko, teorista, at palaisip
sa iba’t ibang disiplina:
1.Pag-imbento/pagkatha ng mga bagong salita/konsepto: Pilipinolohiya ni Covar,
Pantayong Pananaw ni Zeus Salazar, Pamathalaan ni Consolacion Alaras,
Sarilaysay ni Rosario Torres-Yu.

2.Pagsasalin at pagdagdag ng kahulugan: kritika, anda, at gahum ni IRC, loob at


labas.

3.Pag-aangkop/rekontekstuwalisasyon: Sikolohiyang Pilipino ni Virgilio Enriquez,


kasaysayan bilang ‚salaysay na may saysay‛ at ‚pag-uulat sa sarili‛; Dating bilang
pagdadalumat sa estetikang Filipino ni Lumbera.
Ikatlong argumeto:

Nasa atin mismong kalinangan o kultura, sa


balanang pananaw, at makaFilipinong diskurso sa
tulong ng ating wika ang pagbubukulan ng wika ng
dalumat/teorya natin.
Morpolohiya at Pagdadalumat-salita.

• MORPOLOHIYA
• Isang sangay ng pag-aaral sa linggwistiks. Ayon kina Santiago at Tiangco (1991) pag-
aaral ito sa mga morpema ng isang wika at ng pagsasama-sama ng mga ito upang
makabuo ng salita. Ang bawat salita ay maaaring binubuo ng salitang-ugat at ng mga
panlapi.
• Ang panlapi bilang yunit ng salita ay tinatawag ding ‚di malayang mga morpema‛,
sapagkat walang sariling katuturan ang mga salitang ito kung hindi idudugtong o ilalapi
sa ibang mga yunit salita na tinatawag bilang mga morpema. Santiago at Tiangco
(1991:108)
Halimbawa: mag+ (unlapi, unang yunit morpema) at basa (salitang ugat, ikalawang yunit
morpema).
Ang isang katangian ng dalumat-salita ay hindi ito matatagpuan sa anumang
diksyunaryo, dahil nga sa bagong mga salita-konsepto ito at dahil arbitraryo
itong nilikha ayon sa pangangailangang teoretikal. Sa pagpapakahulugan sa
natural na wika , ibig sabihi’y wikang ginagamit ng nakararami sa komunidad
ng gumagamit (nagwiwika) nito, hinuhugot ang kahulugan sa istruktural-
gramatikal na kaayusan ng salita.
Kultural (Kontextualisasyon at Konseptuwalisasyon) Madalas sabihin ng mga
iskolar na magkatambal ang wika at kalinangan. Sa isang banda, tama ito sa
dahilang binubuhay ng bawat isa ang isa’t isa.

Sa fanksyonal na pagtingin, ang wika ang ginagamit para sa transmisyon ng


kultura, para manatiling buhay ito. Ang wika sa isang kalinangan o kultura ay
kumbensyonal na ginagamit at nauunawaan.
Ang salitang sanghiyang ay hindi nalalayo sa ganitong pagpapalagay.

Sa kultural na kahulugan nito, ang sanghiyang ay isang ritwal-sayaw sa Alfonso,


Cavite. Kilala ito bilang sayaw sa apoy ng mga naninirahang may taimtim na
pagtanaw sa bisa ng mapagkalingang kapangyarihan ng ritmo, ritwal at
paniniwala.
• Ritmo ito dahil sa pisikal na pakikilahok ito ng buong katawan na sinasabayan
ng chant habang nagsasayaw.

• Ritwal ito sa dahilang isinasagawa ito ng isang pamayanan sa ilang


makabuluhang gawain tulad ng pagpapagaling ng sakit, pag-aalay sa Kataas-
taasan, at pakikipagkapatiran.
Pagbabanghay ng salita/konseptong sanghiyang May apat na level na maaaring
dalumatin sa digri ng pagpapakahulugan sa salitang hiyang batay sa iba’t ibang
gamit nito sa isang (a) tipikal, at (b) teoretikal na diskurso:
A. Tipikal na talastasan (kumbensyonal na gamit ng salitang hiyang)

 Unang level: may kinalaman sa relasyong tao at bagay (hal. ‚Hiyang ako sa
shampoo na ‘yan.‛)
 Ikalawang level: relasyon ng tao sa tao (‚Magkahiyang kami , kaya nga’t
magpapakasal na kami sa Mayo?‛) [mula sa varyasyon ng gamit sa Tesauro ni
Panganiban 1973] Teoretikal na diskurso (kinonstrak na gamit sa antas ng
pagteteorya)
24
Ikatlong level: relasyon ng tao sa konsepto, diskurso at praktis (‚Hiyang akong mag-
internet.‛ ‚Hiyang ang mga kapitalista sa diskurso ng globalisasyon.‛)

Ikaapat na level: relasyon ng diskurso sa konsepto, iba pang diskurso, at praktis na


tumatalakay sa isang kabuuan o malakihang pananaw. (‚Magsanghiyang ang
postmodernismo at usapin ng multikulturalismo.‛ ‚Ang sanghiyang ng modernong
kalagayan at praktis ng ICT sa bansa ay madaling nararamdaman ng mga nasa
middle class.‛)

25
Sila naman ang mamimilipit sa pagbigkas ng ating mga salita, at sila naman
ang pagkakamot ng ulo kung paano ito isasalin o kung pananatilihin ba ang
naturang salita.

Kailangan lamang maging malikhain at kritikal tayo sa pagdadalumat, lalong


higit kung nakatapak lagi tayo sa lupa at sa ating tinubuang lupa.

26
SALAMAT!

27

You might also like