You are on page 1of 2

Mid – term Examination

Pagsusulit sa Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan


NAME:
SECTION:

I. TAMA O MALI. PANUTO: Isulat sa unahan ng bilang ang salitang TAMA kung wasto ang
ipinapahayag ng nakasalungguhit na bahagi ng pangungusap. Kung HINDI isulat sa unahan
ng bilang ang salitang MALI at ilagay ang salitang magwawasto sa pahayag nito. (3puntos
bawat isa.)
______1.) Ang SIKOLOHIKAL NA REALISMO ang naglalarawan ng internal na buhay o motibo
ng tao sa pagkilos.
______2.) Ang AMBO ay isang maikling kuwentong isinulat ni Wilfredo Virtusio na tumatalakay
sa katiwalian na siyang dahilan ng paghihirap ng maraming mamamayan.
______3.) Ang nobelang MGA IBONG MANDARAGIT ay likhang sining ni Amado V.
Hernandez.
______4.) Ang PINONG REALISMO ay naglalahad ng pagtitimpi ng kadalisayan at iwinawaksi
ang anumang pagmamalabis at kahindik- hindik na bagay.
______5.) Ang KRITIKAL NA REALISMO (MAHIWAGANG REALISMO) ay ang pinagsanib na
pantasya at katotohanan nang may kamalayan.
______6.) Sa nobelang MAGANDA PA ANG DAIGDIG ni Lazaro Francisco ay naglalahad sa
buhay ni LINO RIVERA na dumanas ng pagdurusa sa sistemang piyudal.
______7.) Ang nobelang Dekada 70’ ay isang nobela na isinatitik ni LUALHATI BAUTISTA.
______8.) Inilalarawan ang gawain ng isang lipunang burgis upang maipamalas ang mga
aspektong may kapangitan at panlulupig nito ay ang panitikang KRITIKAL NA
REALISMO.
______9.) Ang SENTIMENTAL NA REALISMO ay mas optimistiko at inilalagay ang pag-asa sa
damdamin kaysa kaisipan sa paglutas ng pang araw-araw na suliranin.
______10.) Ang SOSYALISTANG REALISMO ay ginabayan ng teoryang SIKOLOHIKAL NA
REALISMO (MARXISMO) sa paglalahad ng kalagayan ng lipunang maaaring
mabago tungo sa pagtatayo ng mga lipunang pinamumunuan ng mga anak pawis.

II. ENUMERASYON. PANUTO: Magbigay ng limang akda ng teoryang Realismo.


1.)
2.)
3.)
4.)
5.)

III. ESSAY. PANUTO: Manaliksik at gumawa ng repleksyon tungkol sa BANGKANG PAPEL na


isinulat ni Genoveva Edroza. (15 puntos)

You might also like