You are on page 1of 15

1

MGA PARAAN SA
PAGTALAKAY SA
PANUNURING
PAMPANITIKAN
DIMENSYON SA PAGTALAKAY SA
MGA AKDANG PAMPANITIKAN
• Panlipunan
• Pangkaisipan
• Pangmoral
• Pang-anyo
• Pang-arketipa
PANLIPUNAN
• Dito’y matamang sinusuri ng mambabasa lalo na ng mga mag-
aaral ng panitikan ang interaksyon ng tao sa tao, ng tao sa
lipunan, sinusuri rin ang interaksyon ng tao sa kaniyang
kapaligiran. Susuriin din dito ang mga suliraning panlipunang
may malaking kaugnayan sa kanyang tagumpay o pagkabigo.
PANLIPUNAN

Halimbawa: Kawalan ng hustisya sa mga mahihirap, pagpanig ng


batas sa mayayaman, pag-agaw ng pribadong korporasyon sa
lupain ng mahihirap.
PANGKAISIPAN
• Dito’y binibigyang-diin ang pakikipaglaban ng tauhan sa
sariling kaisipan. Iniisip niya kung tama ba o mali ang kaniyang
desisyon, ang kanyang gagawin o ginagawa. Kung minsan, pag
di naging matagumpay ang kanyang ginawa, pinipilit niyang
sabihin sa sariling tama naman ang kanyang ginawa.
PANGKAISIPAN

Halimbawa: Pakikipaglaban sa mga taong yumuyurak sa


karapatan.
PANGMORAL
• Ito ay pagtalakay na pampanitikan na ang isinasaalang-alang ay
ang aral, ugali, kilos at panahon. Subalit di lahat ng inaasal ng
nakararami ay sasabihin na nating wasto.
PANGMORAL

Halimbawa, kung noon ay di natin tinatanggap na nasa moral


natin ang pre-marital seks, o live in bago kasal, kahit na karaniwan
na lamang ang mga ito sa ngayon, di pa rin ito katanggap-tanggap
sa batas-moral lalo na sa batas ng Diyos, ito ay mali at kasalanan.
PANGMORAL
• Subalit may mga pagbabago rin namang di lumilinang sa bata ng
moralidad kaya nga’t masasabing may kinalaman ang panahon
sa pagtalakay ng pampanitikang ito.
PANGMORAL
Halimbawa, noon bago makuha ang pag-ibig ng isang dalaga,
dumaraan sa maraming pagsubok ang kalalakihan. Bumibilang siya ng
taon bago makamit ang matamis na oo ng dalagang nililigawan.
Ngayon, ay iba na, wala na ang panunuyo at di na rin nahihirapan
ang binatang pasagutin ng oo ang kadalagahan. Iba noon at ngayon.
PANG-ANYO
• Malimit na ginagamit ito ng mga guro ng panitikan bilang
paraan ng pagpapahalaga sa anomang akdang kanilang nais na
talakayin. Maaaring ito ay tula, kuwento, nobela at iba pa.
PANG-ANYO
• Sa pagtalakay ng tula, kung ito ay tradisyunal, pinag-uusapan
ang sukat, tugma, talinghaga at sining o kariktan. At kung ito ay
makabago, nasusulat sa malayang taludturan at karaniwan ay
wala ring tugma, kakaunti ang tayutay sapagkat salita ang
kadalasang ginagamit.
PANG-ANYO
• Kung maikling kuwento o nobela, mapapansing ang mga
pangyayari ay sunod-sunod kung ang anyo’y tradisyunal. Kung
makabago ang pamamaraan, sinisimulan kaagad sa malapit ng
kasukdulan at pagkatapos ay gumagamit ng mga pagbabalik o
flashback.
PANG-ARKETIPA
• Ito ang paraan ng pagtalakay sa anumang akdang pampanitikian
na kasisinagan ng mga tauhan sa Bibliya, gayundin sa mga
tauhan ng mga klasikong akda ng mga Griyego at Romano at sa
mga akdang popular tulad ng Florante at Laura na akda ni
Francisco Baltazar: ng Sisa, Salome at Elias, Basilio at Crispin
sa akda ni Rizal sa Noli Me Tangere at iba pa.
SALAMAT SA
PAKIKINIG!

You might also like