You are on page 1of 3

Akoy Mayroong Isang Ibon

Masasabi na ang maikling kuwento ni Deogracias Rosario ay mayroong


dalawang mundong nagsasalubong at nagbabanggaan. Ang dalawang mundo na nito
ay ang mundo ng romantiko at ang mundo ng social realist. Makikita ito sa maikling
kuwento sa pamamagitan ng pag-ibig na ipinapakita at ibinibigay ng tagapagsalaysay at
sa pagtatagpo ng mga antas sa lipunan.
Inilarawan si Neng bilang isang ibon, isang ibon na nakakalipad kung saan-saan.
Maaaring si Neng ay isang manlalakbay na nakakalipad sa isang eroplano. Nabanggit
na si Neng ay gustong makabalik sa lupang pinanggalingan; hindi siya taga-rito. Si
Neng ay masasabing nasa tuktok ng antas ng lipunan na hindi maabot ng panliligaw ng
isang lalaking nasa baba ng lipunan. Si Neng ay inilarawan na nakalilipad nang mataas
na mataas ang kaniyang mga naaabot. Maaaring siya ay matagumpay sa buhay o
mataas ang pinag-aralan. Nakakahalik siya ng mga bituwin, may kilala si Neng na mga
taong may mga pangalan na nasa pinakatuktok ng lipunan. Gayundin, si neng ay
dumarapo sa ituktok at hindi siya naaabot ng tagapagsalaysay. Sinasabi nito na
magkalayo ang tinatayuan ni Neng at ng tagapagsalaysay sa antas ng lipunan at
imposibleng maabot ng tagapagsalaysay ang antas ni Neng maliban lamang kung si
Neng ang mahulog sa antas ng tagapagsalaysay. Dahili hindi kayang maabot ng
tagapagsalaysay ang antas ni Neng, hinihintay na lamang niya ang oportunidad sa
pagkasawa ni Neng sa kaniyang pagliliwaliw sa mga bagay bagay para balang araw,
ang mataas na lumilipad na ibon ay mapunta na sa kaniyang mga kamay.
Ang romantisismo ay makikita sa papel ng tagapagsalaysay. Sa unang bahagi pa
lamang ay makikita na kung gaano kagusto o kamahal ng tagapagsalaysay si Neng.

Ngunit, oba ang pamamaraan ng kanyang pagsasalaysay tungkol kay Neng, sa punto
na hindi ito halata sa ibang tao. Binibigyan niya ng espesyal na pansin si Neng kung
kayat alam niya ang mga bahagi ng buhay nito. Medyo pinapakita dito na
kinahuhumalinga niya si Neng at hinahanap niya ang na lamang ang tamang
pagkakataon upang siya ay makapagligaw kay Neng. Sinasabi ng tagapagsalaysay na
hindi niya kayang abutin si Neng kaya sa isip nalang niya siya minamahal. Sa kaniyang
isip ay naging maamo si Neng sa kaniya. Balang araw, ang ibong mailap na iyan at
mataas lilipad ay mahuhulog din sa aking kamay." Sa tingin ng tagapagsalaysay ay
lahat ng bagay ay susunod sa kanyang plano. Lumilipad si Neng patungo sa malayo
ngunit bumabalik siya. Mayroong tumatali kay Neng sa kaniya. Babalik at babalik si
Neng sa kaniyang kulungan sa kaliwang dibdib ng tagapagsalaysay at ang kanyang
puso. At masaya dito ang tagapagsalaysay dahil dito niya nakakapiling si Neng.

Ang paulit-ulit na imahe na nakikita natin sa kwento ang imahe ng ibon na nagbibigay
lakas sa kabuuang imahe ng romantiko. Makikita rin ang pagiging romantiko sa malinaw
na pagkahiwatig ng damdamin ng tagapagsalaysay kay Neng na naging susi sa
kalinawagan. Nakikita ang pag-apaw emosyon at damdamin niya para kay Neng. Si
Neng ay isang ibong mataas ang lipad, ito ay nagpapakita ng pagkaiba sa
pinagkatatayuan ng tagapagsalaysay at ni Neng. Marahil si Neng ay kayang maabot
ang mataas na mga bituin habang ang tagapagsalaysay ang hanggang lupa lamang.
Sa paghangad ng tagapagsalaysay ay nagpapakita ito ng mga antas ng lipunan. Ang
hindi pagkakaparehong ito ay maaring dahilan din sa paghahangad. Ang paghahangad
din pagkatapos mawala ni Neng sa buhay ay isang makikitang aspekto ng romantiko.

Ang lahat ng ito ay nagpapahiwatig sa isang kuwentong nagpapakita ng halong


romantiko at ng social commentary. Pinagsama ang parehong ito sa isang konkretong
kwento na maraming mensaheng pinapahiwatig.

You might also like