You are on page 1of 6

ANG MGA ELEMENTO NG TULA

ANG DALAWANG KALAGAYAN NG MGA ELEMENTO NG TULA


1. Sa nilalaman na siyang magpapalutang sa kahulugan ng tula
2. Sa pangkayariang tunog na siya naming mulaan ng tono ng tula

Ang mga elementong pangkahulugan ng nilalaman

Nakasalalay sa mga uri ng ginagamit na mga salita ang madaling pag intindi sa
saysay ng nilalaman ng akda, at ito ay ang mga sumusunod:

Sa etimolohiya ang orihinal na salitang pinagmulan, madaling makita ang literal na


kahulugan ng salita. Kadalasan nang sa diksyunaryo ito natatagpuan. Ang salitang
binakayan halimbawa na ang kahulugan ay pinaglabanan ay maaaring ugatin sa
salitang TagalogCavite na baka, isang deklarasyon ng pakikipaglaban, o bakay, isang
pagbabantay o pag eespiya. Samantalang, sa Bikol Albay na salita ang bakay ay
isang pagsugod o pagtugis.

Sa mga terminong teknikal na karaniwang naaasimila ng lengua franca ay


nahihinuha rin ang kahulugan ng nilalaman, datapwat, kinakailangan din ang
kaalaman sa partikular na larangang kinabibilangan ng salita para lubos na
maunawaan. Sa musika, halimbawa, karaniwan ang salitang boses, pero pag ginamit
na ang mezzo, soprano, kompositor lang o isang dalubhasa rito ang magiging
familyar.

Sa patambis o idioma mapapartikular ang pekyulyaridad ng isang lenggwahe.


Halimbaway Tindig-araw nay di pa luto. Sa Kamaynilaan itoy di naririnig peri sa
Imus, Cavite, itoy familyar.

Sa lalawiganin o probinsyalismo o sa diyalekto malalamang tipikal ang salita sa isang


bahagi ng lugar. Gaya ng mga sumusunod: lakayo-payaso; damdamin - sama ng loob;
boret-boret-monte (isang uri ng sugal); tiburin kalesa; tapakalo tapal sa harap at
likod ng salawal. Karaniwan lamang ito sa Imus, Cavite.

Sa mga bagong likhang salita gaya ng salitang jaguar na ginawa pang pamagat ng
pelikula ni Lino Brocka ay isang Ingles Amerikano na nangamgahulugan ng isang uri
ng mabangis na hayop na karniborus mula sa pamilya ng mga pusa, ngunit dito sa
Pilipinas, ang kahulugan nito ay guwardya na binaliktad lamang. May kaugnayan din
marahil sa guwardyang Gestapo noon sa Alemanya na jaguar din ang tawag. Sa
pamamagitan ng mga pagbabago ng kahulugan at anyo ng salita lumalawak ang
kahulugan nito.

Madalas din makabuo ng bagong salita sa pamamagitan ng pagsasama ng dalawang


salitang magkaiba ng kahulugan at bumubuo ng ikatlo o gaya ng likhang salita ni G.
Nazario Bas ng Liwayway Publication ng kandilaw na ang ibig sabihin ay ilaw ng kandila.

Sa mga alusyon ng isang di tuwirang pagtukoy sa pangalan ng tao, lugar, hayop,


pangyayari at sipi na kilala sa ibat ibang partikular na larangan tulad ng Bibliya,
Mitolohiya, Literatura, Kasaysayan, atb., napapalawak lalo at napapalalim ang
kahulugan at asosasyon ng nilalaman. Arketipo kung tawagin ito sa Kritisismo.
Halimbawa: Adan, Parnaso, Tsumani sa Ormoc, Silid Kong Sarili at Iba pa.

Konotasyon ang tawag sa maugnaying kahulugan o inaasosasyong kaisipan na


kabaligtaran ng denotasyon na walang iba kundi ang talasalitaang kahulugan o
kahulugang literal na mula sa diksyunaryo. Kapag ginamit ang salitang ina halimbawa,
positibo ang ibinibigay na impresyon, bukod sa mga katangiang mabait, mapagmahal,
matiisin, atb., kontra sa madrasta na negatibo o sa tiya na limitado.

Ang larawang - diwa

Imagery kung tawagin ito sa Ingles. Ito ang mga nabubuong larawan o imahen sa
isipan na nililikha ng guniguni ng mga mambabasa. Mula ito sa mga mapapandamang
pahayag. Yaong mga pananalitang nagpapahiwatig ng galaw o kilos, temperatura, tekstura,
kulay, amoy, lasa at sa mga kapangyarihang pangkalikasan sa katha.

Ang balarila o gramar

Kung paanong ang mga salita, mga ideya ay napag-uugnay ugnay sa isat isa at
napagsusunod sunod sa pagsulat ay gawa ng kaalaman sa linggwistika o grammar. Subalit
ang mga makata ay may kakaibang kalayaang bumago sa mga nakaugaliang kaayusan ng
mga pangungusap para sa kapakanang magkaroon ng kaibang efekto ang katha. Kung
tawagin nila itoy lisensyang pampoesya o poetic license. Sa halip na isimple o inatural ang
ayo, tinataliwas nila sa pamamagitan ng mga teknikong pansining gaya ng pagsasa-montage
o paghahalu halong parang walang kawawang pagsasalansan ng mga ideya, at
pagdidisforma o distorsyon ng imahen.

ANG MGA TAYUTAY


Tayutay ang tawag sa paggamit ng matatalinghagang pagpapahayag. Nagmumula ito
sa isang inspiradong imahinasyon na sa tulong ng kasanayan sa pagsasalita, pagbabasa at
pagsusulat, kahit di na isipin pa, kusa itong pumipilantik sa dila o isipan.
Mapanghamong isip ang tayutay. Kailangan kasing unawain itong mabuti para
mahiwatigan agad ang diwang di tuwirang tinutukoy. Sa pagbabasa ng mga tula ay may
kasabihang Basahin sa pagitan ng mga taludtod, para maunawaan ang mga sinasabi. Kung
baga sa pakikipag usap, pakinggan ang hindi sinasabi at naroon ang tunay na kahulugan.

Ang mga uri ng tayutay


SIMILE O PAGTUTULAD

Pinakamadaling uri ito dahil kagyat na nakikila sa mga salita o parilalang


ginagamit tulad ng parang, wangis, animo, gaya, tila, mistula, atb. Itoy
paghahambing ng dalawang magkaiba o di magkauring bagay, tao, kaisipan,
pangyayari, atb. Sa hayagang pamamaraan.

HALIMBAWA:
1. Kabagut-bagot maging tao lamang sa kahariang Babel tulad ng isang anghel
naghangad na maging Diyos sa Impyerno itinakwil.
2. Balahibuhing parang labong ang mga braso niyat binti.
METAFORA O PAGWAWANGIS

Paghahambing din ito gaya ng pagtutulad, nagkakaiba lamang sa hindi na nito


paggamit ng mga salita o pariralang pantulad sapagkat direkta nang
ipinaaangkin ang katangian ng tinutularan. Isa rin ito sa mga pinakagamiting uri.

HALIMBAWA:
1. Ang musika ay hagdan ng kaluluwa paakyat sa langit.
2. Tinik sa lalamunan ko ang katahimikan mo.
PERSONIFIKASYON O PAGBIBIGAY-KATAUHAN

Ginagamit ito para bigyang buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao


talino, gawi, kilos, ang mga bagay na likas na walang buhay. Ito ay
naisasakatuparan sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos
tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang diwa.

HALIMBAWA:
1. Humihinga pagsapit ng takipsilim ang gabi. Bumubulong ng libong himutok.
2. Sa paglakad sa buwan magbabago nang lahat ang takbo ng panahon.
3. Magmaktol man ang pag ibig kung hindi bibigyang pansin tiyak magtitigil
din.
APOSTROFE O PAGTAWAG

Isang anyo ito ng panawagan o pakiusap sa isang taong hindi kaharap, nasa
malayo o kayay patay na. Gayundin sa mga kaisipan o mga bagay na
binibigyang katauhan na parang kaharap na kinakausap. Narito ang mga
halimbawa ni Jose Rizal.

HALIMBAWA:
1. Ano ka ba, O kabaitan? Ikaw bay isang pangalang walang kabuluhan lakas ng
kaloobang lumalaban sa mga katutubong damdamin?
2. Bukas ay iiwan naming ang Mediterano at papasok sa Kanal, Paalam, Europa!
PAGTATANONG

ang paraang ito ay higit na mabisa at makapangyarihan kaysa karaniwang


pagpapahayag - FEDERICO B. SEBASTIAN
hindi nalalaman ng nagsasalita ang kasagutan - RUFINO ALEJANDRO

Sa pamamagitan ng pagtatanong nailalahad ang katanungan at kapamiliang


kasagutan kung matatanggap o hindi ang isang bagay.

HALIMBAWA:
a. saan?

b. itinulad kita sa

saan nangaroon

santa dinambana

ang mga Al Perez

sinamba . . .

kahapon at di
pamamayani ang

anot bumaba ka
sa altar ng aking

katahimikang nayon?

tiwala?

EKSIHERASYON O PAGMAMALABIS O IPERBOLE

Itoy isang lagpas lagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kaukulan ng isang


tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o
katayuan.

HALIMBAWA:
1. Muntik na akong matupok sa taas ng lagnat ko.
2. Sa sobrang problema namuting lahat ng buhok niya.
PAG UYAM o IRONYA

Sa tila namumuring pananalita pinaloloob o pinahihiwatig ang paglibak,


pagtudyo o pagkutya. Nararamdaman ang tunay na kahulugan nito sa diin ng
pagsasalita at ekspresyon ng mukha ng nagsasabi.

HALIMBAWA:
1. Mahusay talagang magpalaki ng anak iyang mga magulang mo! Nakaka-absent
ka na sa klase, nasasagut sagot mo pa sila.
2. Bilib ako sa tibay ng panlasa mo. Ang hindi ko masikmura nalulunok mo.
PAGSUSUKDOL o KLAYMAKS

Ditoy pataas na pinagsusunod sunod ang kahalagahan ng mga salita o


kaisipan mula pinakamababang antas hanggang pinakamataas.

HALIMBAWA:
1. Pasaan na sa pagkakabugbog ang mga ulap sa alapaapan, duguan na sa
pagkakadumog ng mga alon ang dalampasigan, sumambulat na sa
pagpuputukan ang mga dahon sa lansangan.

2. O nakapaninindig balahibo ang tengang kaligkig!


O nakapambubuntung hininga ang saglit na kulog!
O nakapamimikit mata ang bingit ng bangin!
ANTIKLAYMAKS

Kabaliktaran ito ng nauuna. Sa halip na pataas, dito naman ay pababa ang


pagsunod sunod ng kaisipan, mulang panlahat hanggang ispisifik.

HALIMBAWA: (hango sa Pagsilang: Pag iisa ni B.S. Medina)


1. Ikawy sisilang, Sapagkat alam mo nadarama mo, masasalat mo
2. Ngunit kailangan mo ng katambal: kailangan mo ng katulong, kawaksi, kaisa.
PAGDARAMDAM

nagsasaad ito ng matitinding damdamin, pagsisisi, panghihinayang,


pagkalungkot, pagkapoot, kawalan, kabiguan, panaghoy, atb. Hindi iniiwasan
dito ang tandang padamdam.

HALIMBAWA:
1. Hay! Handog na walang kasintarik! Lugod ng dilang nakalawit!
2. Ay! Gaanong pagpapasakit para sa isang kabutihang madaling mawala!
Talaarawan at mga Alaala ni Jose Rizal
PAGTATAMBIS o OKSIMORON

Pinagsama-sama o pinag-uugnay rito ang dalawang bagay na magkasalungat


nang mangibabaw lalo ang katangiang ipinahahayag.

HALIMBAWA:
1. Paroot parito, papanik-panaog, lalakad-hihinto, tatayo-uupo. Ang pagkainip ay
walang kasing balintino.
2. Ang bayan ko ay lakas sa hina ang humingit-kumulang na laya. Salamat at Akoy
Pilipino ni Jose M. Buhain.
PAGSALUNGAT o ANTITESIS o EPIGRAM

Gaya ng pagtatambis, pinasasama rito ang magkasalungat na salita o kaisipan,


nagkakaiba lamang sa paglalaban ng magkasalungat sa halip na pinag-uugnay.

HALIMBAWA:
1. Lagi mong tandaan hindi lahat ng kaligayahan ay natatamo sa tagumpay dahil
may tagumpay din sa kabiguan.
2. Layo ay lapit ng budhit isip. Jose M. Buhain.
PAGPAPALIT SAKLAW O SENEKDOKE
May dalawang paraan ng pagbuo ng tayutay na ito:
a. PAGBABAHAGI bahagi lamang ang binabanggit ay nababatid na ang isinasaad
ng kabuuan.
HALIMBAWA:
1. Ayoko nang makita ang mukha mo sa pamamahay na ito.
2. Ama ko sa iyong kamay inihahabilin ko ang aking kaluluwa.
b. PATUKOY kinatawan lamang ang tinutukoy upang mabatid ang kabuuan.

1. Wala nang ibang magkakanulo pa sa bayan kundi ang isang Makabebe


lamang.
2. Ang mga Herodes noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang
pinakamayayaman sa buong Asya sa kasalukuyan at tila magiging Paladin
pa ng Pilipino.
PAGPAPALIT TAWAG o METONIMYA

Sa paraang ito ang pangalan ng isang bagay na tinutukoy ay hinahalinhan o


pinapalitan ng ibang katawagan, pero ang pinapalit ay may kaugnayan sa
pinalitan.

HALIMBAWA:
1. Malakas na dagok sa kanyang dibdib ang pagkamatay ng kanyang asawat anak
sa Ormac Tidal Wave.
2. Nagiging pulahan na ang iba nating kababayan.
PAGLILIPAT-WIKA o TRANSFERRED EPITHETS

Tulad sa pagbibigay katauhan na pinagsasabagay ang mga katangiang


pantao, ngunit, sa halip na pandiwa ang ginagamit ay mga pang uri, mga
pang-uring tanging sa tao lamang ginagamit.

HALIMBAWA:
1. Kay hinhin ng tubig sa batis.
2. Mahihiyaing mata subukin mong mangusap sa akin.

PAGTANGGI o PARELEPSIS o LITOSIS

Hindi ang pangunahing hudyat nitong salita na sa akala ay isang pagsalungat,


pagpipigil o di-pagsang-ayon, ngunit itoy pakunwari lamang, isang kabaliktaran,
sapagkat ang paghindi ay sadyang nagpapahiwatig ng pagtulot.

HALIMBAWA:
1. Hindi sa pinangungunahan kita, pero malaki ka na, sana naman ay tigilan mo na
ang pagbabarkada.
2. Hindi naman sa minamaliit ko ang kakayahan mo, kaya lamang ay bihira na ang
nagtatagumpay na hindi nakapag-aral.
PAGSASALAYSAY o PROSOPOPOEIA o VISION

Itoy isang nasa pangkasalukuyang (ngayon lamang akalang nagaganap


habang isinasalaysay) pagkukuwento ng mga nagdaan na o hindi pa man
dumarating na mga pangyayari. Natural, ang mga pandiwang ginagamit dito ay
pawing nasa aspektong pangkasalukuyan o imperfektibo.

HALIMBAWA:
1. Bukas ay Biyernes na naman pala. Nakikinita ko na si Kikay sa kanyang asul na
bestida. Nag aabang. Lumilinga ling sa kinakatayuan. Pinipihong may
susundo sa kanya.
PAGBIBIGAY ARAL (Parabola, Pabula o Alegorya)

Isang makalumang anyo ito ng pagtatalinghaga. Isang uri ng paglalahad na


hanggang ngayon ay mabisa pa rin naman. Di tuwiran itong nangangaral,
mas-matatanda o masakabataan. Ang paraang ito noong rehimeng Marcos ay
mabisang-mabisa sa mga pitak ni Ninez Cacho Olivares, sa pagbubunyag ng
mga katiwaliang nagaganap sa pamahalaan.

HALIMBAWA:

a. Sa parabola Ang manghahasik at Ang Sampung Birhen.


b. Sa pabula Ang Unggoy at ang Matsing at Ang Palakang Nangarap Maging
Malaking Baka.
c. Sa Alegorya Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal ay batbat
nito.
PAGLUMANAY o EUFEMISMO

Paraan itong pawing mga piling-pili, mabubuti at magagaang pananalita, ang


ginagamit sa mahinahong pagsasabi, sa gayon, maaya at bukal sa kalooban
itong matanggap ng pagsasabihan. Tuloy ang makasakit ng damdamin ay
naiiwasan; ang makapagpatupad ng utos ay namamadali ng walang anumang
reklamo o pagtutol, walang bigat ng katawan o sakit sa loob; ang pagkabigla,
pagkatakot, at pag iinit ng ulo sa katotohanan o pangyayari ay mahinahong
nadadala sa dibdib. Kaya naman pinakaiingatan at pinalalambot nang husto ang
pagsasabi nito.

HALIMBAWA:
a. Masarap ang patis. Tamang tama sa nilaga mo, Pacing (pangalan ng katulong).
Sa palagay ko mas sasarap pa ito kung malapit dito ang patis.

You might also like