Professional Documents
Culture Documents
I.
PANIMULA
Ang maikling kwento ay isang madulang pangyayari na ang pinapaksa ay ang
buhay at may isang pangunahing tauhang may isang mahalagang suliraning nilulutas.
Ito ay maikli lamang ngunit mabisang naipadarama ang damdamin at may kaisipan o
mensahe na iniiwan sa mga mambabasa. Isang kaisipan na kung ating susuriing
mabuti ay maariing kapulutan ng aral at maaring isabuhay.
Sa pamamagitan ng maikling kwento, naipapakita ang katotohanan ng buhay,
ang maganda at hindi maganda na mga pangyayari sa mga mambabasa. Naipapakita
kung paano lutasin ng tauhan ang mga suliranin ng buong tatag at husay.
Elemento ng Maikling Kwento
a.
b.
c.
d.
e.
f.
II.
kaya sa trapik at baha ay agad siyang pumapalya. Kinaiinisan ng mga tao dahil
madalas siyang tumirik.
2. Mang Paking Amo ni Butirik. May-ari ng tatlong dyip na sina Butirik, Asultan, at
Pulahero. Masayahin, mabait at mahinahon na tao.
3. Asultan at Pulahero Mga bagong dyip na kasama ni Butirik. Puno sila ng
dekorasyon. Pareho silang mabilis tumakbo kaya tuwang-tuwa ang drayber na
nagmamaneho sa kanila.
4. Aling Pitpit Ang ibon na sumaway kay Butirik dahil nagigising ang kanyang
inakay sa pag-iyak ni Butirik. Ang nagsabing babalik din si Butirik sa lupa dahil
doon siya nababagay.
5. Ulap nagalit kay Butirik dahi pinaiitim sila ng usok nito.
6. Mga Ibon umiwas kay Butirik dagil natakot silang baka ito ay isang malaking
ibon.
7. Eroplano Ang nagpreno dahil muntik na siyang sumalpok sa likod ni Butirik.
8. Kidlat Umikot kay Butirik at tinanong kung ano ang dyip.
9. Kulog Dumagundong at tinanong si Butirik kung bakit nasa langit siya.
10.
Ulan Ang nagbabala kay Butirik na hindi siya tatagal sa langit.
11.
Araw Ang nag-utos kay Butirik na umuwi na siya.
12.
Bahaghari Ang nag-alok kay Butirik na ihahatid siya pabalik sa lupa.
13.
Bituin ang nagsabi kay Butirik na siya ay nasa kalawakan.
14.
Buwan nainsulto dahil sa sinabi ni Butirik na baku-bako ang kanyang
mukha.
15.
Alon Nabingi dahil biglang pagbulusok ni Butirik.
16.
Oktupus Ang pumulupot kay Butirik at nagbuga ng maitim na tinta.
17.
Pating Nabungian ng ngipin dahil sa pagkagat kay Butirik.
18.
Barko May nakakalat na mga kayamanan at alahas sa baul sa loob nito.
Punung-pno ng kalawang ang katawan ng barko. Nabubulok na ang loob at labas
ng katawan nito. Matagal ng lubog ang sasakyang ito.
19.
Balyena Nakasalamin at humarang sa dadaanan ni Butirik. Hindi siya
makapaniwala na may dyip sa dagat kaya siya humalakhak.
20.
Mekaniko ang nag-ayos sa makina ni Butirik.
At iba pang mga tauhan: Mga Tao, Mga Drayber, Mga Dyip, Maliliit na Bituin,
Mga Planeta, Mga Isda at Kometa.
B. TAGPUAN
Garahe Ito ang lugar kung saan madalas ay narito si Butirik . Dito niya naalala ang
mga tao na naiinis sa kanya. Dito siya naiinggit kina Asultan at Pulahero dahil sila ay
mga bagong dyip samantalang siya ay luma na.
Kalye Dito siya lagi ng naiipit sa trapik at madalas tumirik. Dito rin niya narinig na
dapat ay sinidihan na lang siya o kaya ay ipagbili sa mga magbabakal. Narining rin
niya ang sabi-sabi na ipagbibili na siya. Iniwan siya ni Mang Paking para sumundo ng
mekaniko. Umiyak siya. Dito niya nakilala si Aling Pipit at pinayuhan siya ng huwag
maglayas at sinabi nitong doon din siya babalik.
Langit Ito ang lugar na gusto niyang puntahan. Ito ang napuntahan niya dahil sa bilis
ng kanyang lipad. Dito ay ginawa niya ang lahat ng nais niya. Nakilala niya at
nakausap sina Ulap, Ibon, Kidlat, Kulog, Ulan at Araw ngunit ayaw siyang patirahin
doon.
Kalawakan Ito ang pangalawang lugar na kanyang napuntahan. Nakakita siya dito ng
mga bolang kumikislap na nakakalat sa dilim ng walang katapusan. Nakilala niya rito
ang buwan ngunit nagalit ito sa kanya. Pinaalis siya ng mga bituin, ng buwan, ng
C. BANGHAY
1. Laging nakasimangot si Butirik dahil hindi naalis sa kanyang isip na siya ang
pinakakawawang dyip, pangit siya at walang pumapansin sa kanya Naiingit siya kina
Asultan at Pulahero dahil ito ay mga bagong dyip. Kinaiinisan siya ng mga tao dahil
madalas siyang tumirik kaya pinagsusungitan niya ito ng lalo Ang nais lamang niya ay
makaalis sa lugar na iyon.
2. Isang araw ay masayang dumating si Mang Paking, ang kanyang amo at sinabi na nito
sa kanya na may sorpresa ito sa kanya. Inayos niya ang kanyang takbo ngunit uminit
ang kanyang dulo dahil sa sobrang trapik kaya tumirik siya. Mayamaya narinig niya ang
mga drayber at sinabi ng mga itong ipagbili na lang siya o kaya ay sindihan na lang.
Sinabi ng amo niya na may pagdadalhan na sa kanya. Narinig niya ang tsismis na
ipagbibili na siya kaya umiyak siya ng umiyak.
3. Sinaway siya ni Aling Pipit dahil nagising ang kanyang mga inakay. Sinabi niya sa ibon
na lalayas na siya at pinayuhan siya nito na huwag iyong gawin. Sinabi rin nitong kahit
saan man siya pumunta ay babalik din siya doon. Sinabi niyang hinding hindi siya
babalik. At pumikit siya para mag-isip. Iniisip niya kung paano magkapakpak at
makalipad. Maya-maya ay naramdaman niyang nagkakapakpak na siya at umaangat
na siya sa lupa. Lumilipad na si Butirik.
4. Sa taas ng kanyang paglipad nakarating siya sa langit. Doon ginawa niya ang lahat ng
kanyang maisip. Pero nagalit ang mga ulap dahil sa usok na nagmumula sa kanya.
Sinabi niyang doon na siya titira ngunit hindi pumayag ang ulap, ang mga ibon, ang
kidlat, ang kulog, ang ulan at ang araw.
5. Lumipad siya ng lumipad hanggang sa marating ang kalwakan. Nakilala niya ang
buwan ngunit nagalit ito sa kanya dahil sa sinabi niyang baku-bako ang mukha nito.
Pinaaalis din siya ng buwan, ng mga bituin, ng bulalakaw, ng mga planeta at ng araw.
Maya-maya ay winalis siya ng gintong buntot ng kometa. Nawalan siya ng panimbang
at mabilis na nahulog.
6. Ayaw niya pang bumalik sa lupa kaya pumunta siya sa dagat. Nabingi ang alon sa bilis
ng kanyang pagbulusok. Pinaalis na naman siya ng mga isda, ng oktupus at ng pating.
Nabungian ng ngipin ang pating dahil sa tigas ng dyip. Mabilis siyang sumisid pailalim
at nakakita siya ng barko. Puno ng kayamanan at ng alahas ang barko. Nangalawang
na ito, marahil ay matagal na itong lumubog. Nag-iisa na siya sa lugar na iyon.
Naramdaman niya ang lungkot ng pag-iisa. Nagpasya siyang bumalik na sa lupa.
E. SIMBOLO
1. Dyip ang sinisimbolo ng dyip na si Butirik ay ang mga tao na mainggitin, mayabang
at tamad.
2. Aling Pitpit ang sinisimbolo ni Aling Pitpit ay ang isang kaibigan na nagpapaalala ng
tama at nararapat gawin.
3. Kangit ang sinisimbolo ng langit ay ang katayuan sa buhay. Kahit na mayaman ka na
maaring hindi ka pa rin masaya sa tinatamasa mong luho.
4. Ulap ang sinisimbolo ng ulap ay ang mga taong natatapakan mo dahil sa pagnanais
mong makamtan ang iyong nais.
5. Mga Ibon, Ulan, Eroplano, Kidlat, Kulog, Bahaghari at Araw ang sinisimbolo ng mga
ito ay ang mga taong nagpapaalaala sa iyo ng hindi ka nababagay sa lugar nila o sa
mundo nila.
6. Buwan ang sinisimbolo ng buwan ay ang taong nilalait mo at hinahamak dahil sa
kanyang mukha.
7. Mga Bituin, Mga Planeta, Bulalakaw at Kometa ang sinisimbolo ng mga ito ay ang
mga taong nagkakagulo dahil sa iyo.
8. Mga Isda, Oktupus, Pating ang sinisimbolo ng mga ito ay ang pagtutulungan upang
maipagtanggol ang mga sarili sa kalaban.
9. Dagat ang sinisimbolo nito ay katahimikan.
10.
Barko ang sinisimbolo nito ay ang kalungkutan ng pag-iisa.
F. MGA MAGAGANDANG PAHAYAG SA KWENTO
1. Magiging katulad ba ako ng barkong ito?
Isang tanong na napakahirap sagutin. Gugustuhin mo nga bang matulad sa
barko sa kwento na nag-iisa, malungkot dahil walang karamay.
2. Hindi pala pwedeng tumakas. Kailangang harapin ko silang lahat.
PAGSUSURING PANGKAISIPAN
Ang kwento ay napakaganda. Maayos ang pagkakasunud-sunod ng mga
pangyayari. May nakatutuwang bahagi. At higit sa lahat kapupulutan ng aral.
Ang paborito kong bahagi sa kwento ay nang ma-realize ni Butirik na hindi pala
pwedeng tumakas at kailangan niyang harapin lahat dahil ito ay tanda ng
katapangan. Kahit anong gawin mo hinding-hindi mo matatakasan ang iyong
problema.