You are on page 1of 11

Panitikan

Ponciano Pineda

 Katipunan ng magaganda, mararangal, masisining


at madamdaming kaisipang nagpapahayang ng
mga karanasan at lunggati ng isang lahi.
 Hindi rin dawmaituturing na panitikan ang mga
sulating nagpaparumi ng isipan at damdamin.
Maria Ramos
Lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan.
Kung lilingunin natin ang kasaysayan masasabi natin na lakas
na nagpapakilos sa tao ang panitikan.
Matapos mabasa ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo,
nagsikilos sila upang makamtan ang kanilang minimithi.
Nahikayat ang bawat Pilipinong may pag-ibig sa kanilang
bayan na mag-isip na magtanggol at humantong sa
pagtatagumpay!
Simplicio Bisa, 1987

• Ang Panitikan salamin ng Lahi. Nasisinag


ang mga karansan ng bansa ang mga
kaugalian, paniniwala, tradisyon at
pangarap ng isang lahi.
G.K.R Pineda at T.C. Ongoco, 1972

• Ang Panitikan ay kapatid na babae ng kasaysayan.


• Ang Panitikan, tulad ng kasaysayan, ito ay nagtataglay ng
mga ulat ukol sa mga naganap sa isang lahi at mga isip na
dakila at marangal na lahing ito.
• Nagkakaiba iba lamang ang pagpapahayag ng dalawa.
• Ang kasaysayan ay tuluyan at naglalarawan ng hubad sa
katotohanan samantalang ang panitikan ay nagaganyakan
ng magagarang damit ng pagpapahayag at nakukulayan
ng malikhaing guniguni ng may-akda.
Lydia Fer Gonzales et. Al 1992

Ang panitikan ay nagpapahayag na


kipapapalooban ng katotohanan at
nagpapahayag sa paraang nagpaparanas sa
bumabasa ng kaisipan ng manunulat.
Sa panitikan nakakatalamitam ng isipan ng
mambabasa ang isipan ng manunulat ng iba’t
ibang panahon ng iba’t ibang bansa.
Jose Arrognate 1983

• Talaan ito ng buhay sapagkat ditto nailalahad ng tao ang knayang isipan at
damdamin.
• Sapagkat dito nailalarawan nang tapat, tunay at totoo ang kanyang mga
kaugalian, saloobin, at paniniwala
• Sapagkat dito nangangatwiran ang karanasan-pakikibaka, pagkatakot,
pagkabigo, pagtatagumpay, pakikiayon, pagsusuwail, pag-iisa.
• Sapagkat dito napuppuna niya, nasusuri, napapahalagahan ang
katotohanan, kagandahan , ditto nakikita ang mga pangarap, malalayong
pag-asa.
• Sa kabuuan, ang kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng kanyang daigdig,
ang daigdig nna kanayang kinabibilangan at pinapangarap ay malikhain
niyang naisisiwalat sa talaang ito na tinatatawag na panitikan.
Manus (2009)

 Ang panitikan ay nakabatay sa karanasan ng isang


tao at ito rin ay salamin ng kultura at tradisyon. Sa
isang akda ay nakagaganyak panoorin ang isang
palabras sa pekiua o telebisyon.
 Ang pagpapahayag sa damdamin sa, maikling
kwento, tula, sanaysay, dula at iba pang uri na
popular na literatura na maaring sa pamamagitan ng
pag-ibig, kalungkutan, galit, kaligayahan at
paghihiganti.
ayon kay Villafuerte

• Sa panitikan din naipapakita ang opresyon sa


kababaihan, lumitaw ang feminism dahil na rin sa
paniniwala na ang panitikan ay nasa kamay ng
kalalakihang manunulat na sa kanilang mga akda ay
naglalarawan sa babae bilang mahina, marupok,
tanga, emosyunal at pantahan. Kung kaya may mga
ilang feministang akda ang ginawa at pinasimulan
nina Genoveva Edroza Matute, Ruth Elynia
Mabanglo, Joi Barrios, Lualhati Bautista at iba pa.
Malabanan, 2008

• Naging behikulo rin ng mga kapitalismo ang


kababaihan na ginagamit bilang sex object sa
panitikan, awit, peliula, patalastas at iba pang anyo
ng mass media.
• Ang naging kasagutan ng National Commission on
the Role of the Filipino Women sa implementasyon
ng Beijing Platfotm for Action at binuo ng isang
walang diskriminasyong edukasyon at pagsasanay.
• Dahil dito, Ang Kagawaran ng Edukasyon ay
gumawa ng modelong panturo na isama ang mga
isyung kasarian sa Basic Education Curriculum (BEC)
sa elementarya at sekondarya. Ang isyung kasarian
ay nakapaloob sa limang larangan ng pagkatuto sa
2002 Resvised Basisc Education Curriculum lalo na sa
Filipino at Makabayan.

You might also like