You are on page 1of 8

Pagsusuring Basa: Di mo masilip ang langit

May Akda:

Si Benjamin M. Pascual ay ipinanganak sa Lungsod ng Laoag,Ilocos Norte. Unang


nakilala bilang matinik na kuwentista si Pascual bago niya sineryoso ang pagiging isang
nobelista. Nagsimula siyangsumulat noong dekada 1950, sumubok mag-ambag sa
komiks,hanggang hiranging maging staffer ng Liwayway.

Nagwagi sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature ang kaniyang
kwentong “Landas sa Bahaghari” (1965) at “Di Ko Masilip AngLangit” (1981). Nagtamo
naman ng Grand Prize sa Cultural Center of the Philippines ang nobelang “Utos ng
Hari” noong 1975. Unang nailathala sa Liwayway ang "Lalaki sa Dilim‟ sapamagat na
"Shhhh…Ako ang Lalaki sa Dilim‟ (1976).May-akda rin siyang may pamagat na
“Sapalaran, Walang Tanungan” (1997), isang komedya ng pag-iibigan at lingguhang
isineserye ngayon ng Liwayway.

Tinatayang nakatapos ng 13 nanobela si Pascual, na pinakarurok marahil ang Halik


sa Apoy” (1985). Pwedeng sipating autobiograpiko ang naturang akda naumiinog sa
buhay at pakikipagsapalaran ng isang lalakingmanunulat. Naging Filipino section editor
si Pascual sa People’s Journal Tonight noong 1981, at ngayon ay editor sa popular
na Valentine Romances.

Makalipas ang ilang dekadang dibdibang pagsusulat ni Pascual, kinilala ng Unyon


ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) noong 1994 ang natatanging ambag niya sa
pagsusulat ng maikling kwento, dula, at nobela. Sa edad na 69 ay hindi pa rin ito
humihinto sa pagsusulat.

Layunin ng akda:

Ginawa ang akdang 'Di Mo Masilip Ang Langit' upang itama ang pagtrato ng mga
taong nakakataas sa mga taong nakabababa.
Tema:

Pinapakita ang hindi wastong pagtrato sa mahihirap.

Tauhan:

Luding- mabait at mapagmahal na asawa


Asawa ni Luding- nakulong dahilan sa galit niya sa mga taong hindi tumulog sa
kanyang asawa
Mga nars at doctor
Mr. at Mrs. Cajucom

Tagpuan:

Loob ng Kulungan

Pribadong Hospital

Barung-barong

Balangkas ng mga pangyayari:

Ang kuwentong ito ay tumutukoy sa malupit na hagupit ng kahirapan sa


kasalukuyan. Ang kahirapang nagiging ugat ng diskriminasyon sa mga mahihirap.
Mabisa nitong tinatalakay kung ano ang buhay na kinalalagyan ng mga taong
pinagkaitan ng karapatan at pantay na pagtingin mula sa lipunan.

Ang pangunahing tauhan sa kuwentong ito ay si Luding at ang asawa niya na isang
preso. Ang kahirapan ang nagtulak sa kaniya para gumawa ng isang pagkakamali.

Sinunog ng lalaki ang hospital na naging dahilan ng pagkamatay ng kaniyang anak.


Ang hospital na isa siya sa mga gumawa na itinuring niyang isang natatanging obra at
isa sa pinakamakahulugang bagay na nagawa niya sa buhay niya. Napabayaan ang
kaniyang asawa, na nang dahil sa mahirap lamang ito ay hindi agad inasikaso ng mga
nars sa hospital na iyon.

Isa pa sa diskriminasyong nakapaloob sa akdang ito ay ang pagtanggi ng asawa ni


G. Cajucom na tulungang ihatid sa hospital si Luding na noo'y manganganak na
anumng minuto. Marahil, sa iniisip niyang siya ang mananagot kapag may nangyaring
masama kay Luding, ay inihatid na niya ito sa hospital. Nang makarating na sila sa
hospital ay nagmadaling pumunta ang mga nars sa sasakyan ni G. Cajucom ngunit
nang makita na si Luding ang bumaba ay isa-isa na silang nagsilayuan.

Marami sa atin ang humuhusga sa panlabas na kaanyuan ng isang tao. Marami ang
mapangmata at mapangmaliit sa mga mahihirap kung kaya't sa huli, marami ang
nalulugmok sa kahirapan.

Isa sa nakatagong tanong dito ay kung saan kumukuha ng pera si Luding gayong
ayon sa lalaki, ay wala siyang alam na trabaho at walang "alam". Masasaktan lang siya
kung kaniya iyong iisipin.

Sa mga katulad nila, maaari ngang mawalan sila ng tiwala o pananalig sa langit
nang dahil sa mga pinagdaanan nila. Ngunit gayunpaman, hindi dapat tayo mawalan ng
pananalig sa Diyos at isipin natin na, "Hindi maitatama ng isa pang pagkakamali ang
isang pagkakamali."

Kaisipan:

Ang korupsiyon at perwisyo ay mula sa mga taong nakatataas. Hindi maitatama ang
isang pagkakamali ng isa pang pagkakamali

Istilo ng Pagkakasulat:
Istilo ng paglalahad ng may-akda ay panumbalik- isip kung saan inilahad ng may-
akda ang mga
pangyayari sa kasalukuyan hanggang sa paglalahad nito ng mga pangyayari
sa nagdaan niyang karanasan. Ikinuwento ng may- akda ang dahilan ng
pangunahing tauhan kung bakit ito nakulong

Mga Dulog Pampanitikan:

Moralistiko
Ipinakita sa akda ang pagsasawalang bahala ng mga taong nakapaligid sa kanya.
Hindi nila binigyang halaga ang pakiusap ng taong humihingi ng tulong. Ipinakita rin dito
ang hindi magagandang pag-uugali ng mga tauhan gaya ng pang-aapi sa mga
mahihirap.

Sosyolohikal

Ipinakita ang pakikisalamuha ng mahirap sa mayayaman kung saan madalas na


makikitang inaapi ng mayayaman ang mahihirap tulad ng ipinakita sa kwento.

Sikolohikal

Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong ugali


dahil may nag- udyok na mabago o mabuo ito. Tulad ng nangyari sa pangunahing
tauhan dahilan sa pagwawalang bahala ng mga taong hinihingian niya ng tulong
nagkaroon ng pagbabago at hinanakit sa kanyang puso.

Bisang Pampanitikan:

1. Bisa sa isip

“Ang nawala na ay hindi na maibabalik”. Kahit alam na niya na hindi na niya maibabalik
ang namatay niyang anak, gumawa parin siya ng kasalanan na sa huli pinagdusaan
niya. Gayundin sa pagsusuri sa akdang ito. Hindi talaga pantay ang antas ng
pamumuhay sa ating lipunan ngunit kailangan parin nating bigyang pansin at
pahalagahan ang mga taong nangangailangan ng higit na panguna at pagmamalasakit.

2. Bisa sa damdamin

Nakaramdam ako ng pagkalungkot sapagkat hindi man lang siya tinulungan ng mga
taong may kakayahang magpaanak sa kanyang asawa. Nakakalungkot isipin na kung
sino pa ang mga taong nasa mataas na antas ay siya pang walang pagmamalasakit sa
kapwa.

3. Bisa sa Kaasalan

“Hindi maitatama ang isang pagkakamali ng isa pang pagkakamali”. Sa ginawa ng


tauhan sa akda, alam niyang mali ang ginawa sa kanyang asawa ngunit ginantihan niya
pa ito ng mas mali na kaparaanan. Marapat na idinaan niya ito sa isang legal na
pamamaraan.

Ipaliwanag ang Pamagat ng Akda:

Pinamagatan itong ‘Di mo masilip ang langit’ dahil ang magasawa ay hindi man lang
nabigyan ng konting pagmamalasakit o hindi man lang sila inasikaso ng mga doctor at
nars kahit sila’y nahihirapan na. Kumbaga, di man lang sila nakalasap ng kaginhawaan
o langit dahil sa pagtrato sa kanila.
Pagsusuring Basa: Di Mo Masilip Ang Langit

Di Mo Masilip Ang Langit (1981)


-Benjamin Pascual

Tauhan
Asawa ni Luding- nakulong dahil sa galit sa mga taong hindi tumulong sa kanyang
asawa na manganganak
Luding- mabait at mapagmahal na asawa
Mr. & Mrs. Cajucom- tumulong sa mag-asawa
Doktor at Nars

Tema
hindi wastong pagtrato sa mga nakakababa na mga tao.

Tagpuan
Barung-barong
Hospital
Loob ng Kulungan

Buod
Ang kwentong ito ay tungkol sa lalaking nakulong dahil sa isang pagkakamali. Nag dilim
ang kayang paningin at nawala siya sa sariling katinuan nang dahil sa mga doktor at
nars na hindi man lang tumulong mapa-anak ang kanyang buntis na asawa. Dahil sa
galit, sinunog niya ang hospital sa pag-aakalang makakaganti na siya sa mga ito.

Pagsusuri
Uring Pampanitikan
Ang uri ng panitikan na ito ay isang maikling kwento kung saan naglahad at
nagsalaysay ang may akda ng mga pangyayari sa kwento.
Istilo ng Paglalahad
Ang istilo ng paglalahad ng may-akda ay panunumbalik ng isip kung saan inilahad ng
may-akda ang mga pangyayari sa kasalukuyan hanggang sa paglalahad nito ng mga
pangayayari sa nagdaan niyang karanasan. Ikinuwento ang dahilan kung bakit
nakulong ang pangunahing tauhan rito.

Mga Dulog Pampanitikan


Moralistiko
Ipinakita sa akda ang pag-sasawalang bahala ng mga taong nakapaligid sa kanya, hindi
nila binibigyan ng halaga ang pakiusap ng tao na humihingi ng tulong.Ipinapakita rin
dito ang ibang pag-uugali ng mga nakaka-taas sa mahihirap tulad ng pang-aapi rito.
Sosyolohikal
Ipinakita sa akda ang ugnayan ng tao sa kanyang kapwa at suliranin na madalas na
nakikita sa ating lipunan.Ipinapakita rito ang makikisalamuha ng mga mahihirap sa
mayayaman kung saan madalas na makikitang inaapi ng mga mayayaman ang mga
mahihirap tulad ng ipinakita sa kwento.
Sikolohikal
ipinapakita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong pag-uugali
dahil may nag-uudyok na gawin ang isang bagay.Tulad sa nangyari sa kwento, dahilan
sa pag wawalang bahala ng mga taong kanyang hiningian ng tulong, nagkaroon ng
hinanakit sa kanyang puso.
Arketipal
sa dulog pampanitikan na ito ipinakita ang mga simbolismong nakapaloob sa akda na
ito.
Kalabaw- simbolismong Pilipino,katangian na ipinapakita ng pangunahing tauhan sa
pagiging masipag at matiyaga sa trabaho upang masustentuhan ang pangangailangan
ng kanyang pamilya.
Buwaya- ito ay ang mga taong gahaman sa pera at hindi tutulong hangga't walang
kapalit.

Bisang Pampanitikan
Bisa sa Isip
'Ang nawala ay hindi na maibabalik'. Ito ang tumatak sa aking isipan nang matapos ko
itong mabasa, Bagamat alam na niyang hindi na maibabalik ang kanyang anak,
gumawa pa rin siya ng paraan na alam niyang hindi tamang gawin. Kaya sa bandang
huli ay nagsisi siya, At sa aking pagsusuri napag-alaman kong hindi nga pantay ang
pamumuhay sa ating lipunan, ngunit gayunman ay nararapat bigyan natin ng halaga
ang mga taong nangangailangan ng pagmamalasakit at pag-unawa.

a.Bisa sa Damdamin
Matapos kong mabasa ang akdang ito ay nakaramdam din ako ng galit tulad ng
pangunahing tauhan sapagkat,hindi man lang tinulungan ng mga nars at doktor ang
kanyang asawa sa panganganak at hinayaan mamatay ang bata.Nakakalungkot isipin
na kung sino pa ang taong nasa mataas na antas ay siya pang walang pagmamalasakit
sa kanayang kapwa.
b.Bisa sa Kaasalan
'Hindi maitatama ng isang pagkakamali ang isa pang pagkakamali'. Sa ginawa ng
pangunahing tauhan sa akd, alam niyang hindi makatarungan ang ginawa sa kanyang
asawa ngunit mas mali ang naisip niyang paraan. Marapat na idaan nalang sa legal na
pamamaraan at hindi sa maling pamamaraan.

You might also like