You are on page 1of 1

Kahalagahan ng Panitikan

1.Lubos nating makikilala ang ating sarili bilang Pilipino at matatalos natin ang minana
nating yaman at talinong taglay nating lahing pinagmulan.
2.Mababatid natin ang kadakilaan at karangalan ng ating mga sariling tradisyon at
kultura, maging ng mga impluwensya sa atin ng ibang bansa na siyang naging
sandigan ng kabihasnang tinatamasa natin ngayun.
3 Higit nating mapapahalagahan ang kadakilaan n gating kasaysayan, lalo na ang
pagpapakasakit ng ating mga ninuno upang tamasainang kalayaan at kapayapaang
pinakikinabangan nain sa kasalukuyan.
4.Mababatid natin ang pagkakatulad at pagkakaiba-iba ng katangian ng panitikan ng
iba-bang rehiyon at matutuhan nating ipagmalaki ang ating pagka-Pilipino.
5.Matutukoy natin ang mga kalakasan at kahinaan ng ating lahi nang sa gayo’y mapag-
ibayo pa ang ating mabuting katangian bilang isang lipi, mapalakas ang ating kahinaan
bilang isang bansa, at maiwasto ang ating pagkakamali bilang isang indibidwal at bilang
isang komunidad.
6. Mapangangalagaan natin ang ating yamang pampanitikan na isa sa
pinakamahalagang yamang panlipi.
7.Mahuhubog natin ang magiging anyo,hugis,nilalaman at katangian ng panitikan sa
kasalukuyan na siya naming magiging saligan ng panitikan sa hinaharap.
8.Malilinang ang atingpagmamalasakit sa ating sariling kultura at maging ang ating
malikhaing pag-iisip na ilan sa mga mahahalagang pangangailangan upang tayo ay
maunlad bilang isang bansa.

SANGGUNIAN:
Palazo M.Z, D.C, et al. Panitikang Pilipino Santiago E.M, A.H Et Al. Panitikang Filipino:
Kasaysayan At Pag-Unlad Pangkolehiyo
Villafuerte, Patriciano V. et al. Panitikang Panrehiyon sa Pilipinas

You might also like