You are on page 1of 5

Mga Organisasyong Nagtataguyod sa Panitikang Pambata

Tomas Arejola Foundation (Bicol)


Tinatawag na Premio Tomas Arejola para sa Literaturang Bikolnon ang
patimpalak sa literatura sa Kabikulan. Isa sa kategorya ang Kuwentong pambata
at isang yugo ng dula para sa bata.

Adarna House
Isa ang Adarna House sa mga limbagan ng Aklat Pambata sa Pilipinas. Kinilala
rin sila bilang isang institusyong nagtutulak ng kahalagahan ng panitin=kang
pambata sa bansa. Nagpapatimpalak ang publikasyon upang magbukas ng pinto
sa mga bagong manunulat na nagpapahalaga sa Panitikang Pambata sa
PIlipinas.

Lampara Books
Taong 2011, nagpatimpalak ang Lampara Book (Lampara Books Children Story
Writing Contest) na ginamit bilang manuskito na ilalahala sa picture book o
illustrated book. Isa rin ang Lampara Book sa mga publikasyong patuloy na nagiimprenta ng mga librong pambata. Binuksan ang bagong edisyon ng Lampara
Books na tinawag na Mga Premyadong Kuwento itinampok ang mga kwentong
nanalo sa Palanca, Philippine Board on Books for Young People (PBBY), at ng
Catholic Mass Media Award (CMMA).

Kuwentista ng mga Tsikiting (KUTING)


Isang orgisasyon ng mga tagapagtaguyod ng mga kwentong pambata sa bansa.
Isa sa mga pangulo ng organisasyon si Glenda Boris na kilalang manunulat rin
ng mga kwentong pambata na inilalathala sa Pilipinas.

Carlos Palanca Memorial Awards


Isa mga tanyag na patimpalak sa pagsulat ng obrang pampanitikan sa bansa. Isa
sa tahanan ng mga panitikang pambata. Lunsaran ang Palanca ng mga
kuwentong kinilala at ginagamit sa kurikulum para sa mga bata. Taong 2015,
nagkamit si Manuelita Cabrera ng unang parangal sa pagsulat ng maikling
kwentong pambata sa akda niyang Sulat sa Birhen.

Pinakamagandang pangyayari sa larangan ng paggawad ay ang National


Childrens Book Award na nagdeklara ng mga unang nagwagi noong 2010. Ang
mga unang nagwagi ay ang Araw sa Palengke, kuwento ni May Tobias-Papa,
guhit ni Isabel Roxas (Adarna House) na pumapaksa sa karanasan ng bata sa
lingguhang pamamalengke; Tuwing Sabado, kuwento ni Russell Molina, guhit ni
Sergio Bumatay III (Lampara) na pumapaksa sa ugnayan ng bata sa kanyang
amang nasa bilangguan; Can We Live on Mars? A Book About Space, ni Gidget
Roceles-Jimenez, guhit ni Bru (Adarna House) na isang non-fiction na aklat
pambata ukol sa outer space na tinalakay sa pananaw ng isang Pilipino; TaguTaguan: A Counting Book in Filipino na isinulat at iginuhit ni Jomike Tejido
(Tahanan) na isang aklat ng pagbibilang na nasa anyong berso at itinatampok

ang mga karaniwang kulisap sa bakuran; Lub-Dub, Lub-Dub, kuwento ni Russell


Molina, guhit ni Jomike Tejido (Bookmark at Ramon Magsaysay Award
Foundation) na isang kuwentong nagpapakilala sa kadakilaan ng pediatrician na
si Dr. Fe del Mundo; at Just Add Dirt, kuwento ni Becky Bravo, guhit ni Jason
Moss (Adarna) na masisteng kuwentong tumatalakay sa takot at katamaran ng
bata na maligo at linisin ang sariling katawan. Kinilala ang mga nasabing
premyadong aklat bilang mga Best Reads sa taong 2010. Itinaguyod ng National
Book Development Board at ng PBBY ang nasabing gawad na kumikilala hindi
lamang sa mahusay na pagkakasulat kundi sa mahusay na ilustrasyon,
pagdidisenyo ng aklat, at maging sa produksiyon ng aklat para sa mga bata.
Natatangi ang gawad na ito, kumpara sa iba pang patimpalak, dahil ang buong
nalathalang aklat ang kinikilatis at pinahahalagahan. Magandang balita rin ito sa
mga manlilikha at tagapaglathala dahil nabibigyang-pokus na ang mga aklat
pambata sa isang pambansang gawad, na hindi natugunan ng itinigil na
kategorya ng Pinakamahusay na Aklat Pambata sa National Book Award ng
Manila Critics Circle. Matatandaan ang hinaing ng mga manunulat sa nasabing
gawad na nagparatang sa kulang sa orihinalidad ang mga aklat pambata sa
isang taon, bagamat napakarami <itto< aklat na nalathala at karapat-dapat
makilala ang kahusayan. Dahil <itto, kapansin-pansin ang motibasyon ng
bagong gawad sa paglikha ng mga mabubuting aklat pambata na lihis sa
pormula, kinasanayan, at komersiyal na mga uri. Nagkakaroon ng prestige
project ang ilang tagapaglathala, ibig sabihin, naglalathala sila ng mga aklat na
bagamat hindi gaanong bebenta o mapagkakakitaan, maipagmamalaki naman

sa nilalaman, ilustrasyon, at produksiyon. Halimbawa nito ay ang limited edition


at hardbound na tatlong antolohiya ng modernong alamat ni Segundo Matias,
mga guhit nina Sergio Bumatay III, Ibarra Crisostomo, Jomike Tejido, at Arnel
Mirasol (2011).

Mga Manunulat sa Panitikang Pambata

Mga Manunulat
Genoveva Edrosa-Matute
Rufino Alejandro
Genaro Cruz
Manuelita Contreras-Cabrera
Salvador T. Biglaen
Corazon L. Santos
Augie Rivera

Akda
O Sintang Lupa
Sa Hardin ng mga Tula
How Fire Going to School?
Sulat sa Birhen
Ang Alamat ng Gulugod Baka
Ang Hiling sa Punso
Ang Alamat ng ampalaya

Inihanda ni:
Paguagan, Anne Lorraine P.
IV-5 BSE Filipino
Mga

Sanggunian:

__________.2015.http://www.palancaawards.com.ph/Testing3/uncategorized/win
ners-for-2015-65th-carlos-palanca-memorial-awards/, Hulyo 4, 2016

ICDL FOUNDATION. 2013. ____________.


http://www.childrenslibrary.org/icdl/BookPreview?
bookid=rivsidi_00370042&tab=creator1089&route=text&lang=Filipino&msg=&ilan
g=Filipino, Hulyo 4, 2016

Princess Cabili. 2014. https://prezi.com/8-_fsafdo1mu/kasaysayan-ng-panitikangpambata/ . Hulyo 4, 2016

You might also like