You are on page 1of 8

KAGAWARAN NG EDUKASYON

Mataas na Paaralan ng Manuel G. Araullo


Dibisyon ng Maynila
Daang Taft, Maynila

KAGAWARAN NG FILIPINO

Plano sa
Pagkatuto
(El Filibusterismo Kabanata 1)

Inihanda ni:

Paguagan, Anne Lorraine P.


(Gurong Mag-aaral)

Ipinasa kay:
Gng. Liezl M. Evangelista
(Gurong Tagapagsanay)
10- Aristotle (6:30-7:30) 10-Newton (8:30-9:30)
10- Tolstoi (7:30-8:30) 10- Descartes (9:30-10:30)
10-Aquinas (12:00-1:00)

A. Panitikan: EL FILIBUTERISMO
KABANATA 1 (Sa Ibabaw ng Kubyerta)
Nobela mula sa Pilipinas

B. Gramatika at Retorika: PANGUNGUSAP NA NAGLALAHAD NG OPINYON

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
- Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa nobelang isinulat ng
ating pambansang bayani.

MGA POKUS NA TANONG


Panitikan:
- Mabisa bang paraan ang nobela sa paglalahad ng mga mahahalagang kaalaman at
kamalayang panlipunan sa ating bansa?

MGA BATAYAN SA KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Paglinang ng Talasalitaan
- Naibibigay ang katambal na salita kaugnay ng ginawang pagsasama ng salitang
magkatulad
- Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang matatalinghaga na nakapaloob sa kabanata

Pag-unawa sa Binasa
- Nasusuri ang mga kaisipang lutang sa akda
- Naipaliliwanag ang kabuluhan ng mga kaisipang lutang sa akda kaugnay ng : -
karanasang pansarili - gawaing pangkomunidad - isyung pambansa - pangyayaring
pandaigdig

Pagsulat
- Naisusulat ang pagpapaliwanag ng sariling mga paniniwala at pagpapahalaga kaugnay
ng mga kaisipang namayani sa akda.
LINANGIN

I. MGA TIYAK NA KASANAYAN

a. Naipapaliwanag ang mga kaisipang nakasaad sa mga binasang akda sa pamamagitan


ng pangkatang gawain
b. Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang matatalinghaga na nakapaloob sa kabanata
c. Napalulutang ang mas higit na pinahahalagahang paniniwala at paninidigan sa buhay,
sarili, at sa bayan kaugnay ng akdang binasa

II. PROSESO NG PAGKATUTO

A. Pagganyak

MILLION MONEY ROUND


Mayroong 3 category na naglalaman ng mga tanong. Ang mga tanong na ito ay
may kaakibat na points- 50, 100 at 500 points. Pipili ang bawat pangkat ng category point na
kanilang sasagutan. Paunahan ang bawat pangkat na mag-steal upang sagutin ang isang category
na hindi nasagot ng unang pangkat. Paramihan ng points ang bawat pangkat.

Mga Katanungan:

Unang Kategorya: MADALI


100 puntos
- Pansalok ng tubig at gamit sa pagligo. Sagot: Tabo

200 puntos
-Bansa ng mga kayumanggi at pinag-alayan ng nobelang Noli Me
Tangere at El Filibusterismo Sagot: Pilipinas

500 puntos
-Pang-266 na Papa ng Simbahang Katolika
Sagot: Pope Francis (Jorge Mario Bergoglio)

Ikalawang Kategorya: KATAMTAMAN

100 puntos
-Bansang nanakop sa Pilipinas ng mahigit sa 300 taon
Sagot: Espanya
200 puntos
- Tawag sa ay isang organisasyon na may kakayanan na gumawa at magpatupad ng batas
sa isang nasasakupang teritoryo.
Sagot: Pamahalaan/ Gobyerno
500 puntos
-Sino-sino ang Tatlong Paring Martir na pinugutan ng ulo noong
panahon ng mga Kastila?

Sagot:
GomBurZa- Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora

Ikatlong Kategorya: MAHIRAP

100 puntos
-Tawag sa isang malaking sasakyang pantubig na ginagamit para
sa mga paglalakbay na tawid dagat.
Sagot: Barko/Bapor
200 puntos
-Ibang tawag o taguri sa mga Pilipino ng mga prayle at mga
Ilustrados
Sagot: Indio
500 puntos
Ito ay nobelang isinulat ni Rizal na may titulong Ang Paghahari ng Kasakiman sa
wikang Filipino
Sagot: El Filibusterismo
B. Paglinang ng Talasalitaan

Dagat ng
Kaalaman

Ibibigay ng mga mag-aaral ang kasing kahulugan ng salitang nasa mga barkong
nasa laot. Makikita ang mga kasing kahulugang salita nito sa malaking bapor na ipapaskil ng
guro. Kukuhanin ang salitang kasing kahulugan at isasama sa salitang pumalaot.

Magbubukas ang Bapor Tabo upang ibahagi ang kahulugan ng mga salitang maaaring
nagbigay kalituhan sa mambabasa. Ipares ang salita mula sa Unang Bapor sa salita na kasing
kahulugan nito na nasa mga Bapor na pumapalaot.

UNANG BAPOR
Pinakitunguhan
Hinambalos
Tikin
Tampipi
Makisalamuha

BAPOR SA LAOT

Hinagupit Panggaod ng Bangka Pakisamahan

Sisidlan Makisali
C. Pagtalakay sa Aralin (Amazing RaceCussion)

KABANATA 1

ANG IBABAW NG KUBYERTA

Hahatiin sa tatlong pangkat ang klase. Ang bawat pangkat ay magkakaroon ng mga iaatas
na pier o daungan (istasyon) na naglalaman ng gawain kung saan ay sabay-sabay na sisimulan
ng bawat pangkat ang paggawa sa itinakdang gawain.Sasagutan nila ito at tatalakaying una
bilang isang pangkat. Bibigyan sila ng 5 minuto upang talakayin ito at 5 minuto upang ibahagi
ito sa klase.

UNANG DAONG
(Simbolismo)
o Pumili ng 3 simbolong ginamit sa Kabanata 1 Sa Ibabaw ng Kubyerta.
Ipaliwanag sa klase ang napili simbolismo.
o Sino-sino ang sakay ng Bapor Tabo? Ilarawan.
o Saan maihahalintulad ang Bapor Tabo? Ipaliwanag.

IKALAWANG DAONG
(Katauhan at Pag-uugnay sa Kasalukuyan)
o Ilarawan sa 5-10 salita si Donya Victorina. Sino sa kasalukuyang
panahon si Donya Victorina.
o Sino-sino ang sakay sa ibabaw ng kubyerta. Kilalanin sila.
Tauhan Katangian Sino siya sa lipunan?

o Bakit ilag ang mga prayle kay Simoun?


Ibahagi sa klase.

IKATLONG DAONG
(Pagbibigay Kahulugan sa mga Pahayag)
o Pumili ng isang pahayag sa kabanata. Ipaliwanag kung ano ang nais
iparating ng pahayag na ito sa mga tauhang kausap sa akda at sa mga
mambabasa.
o Kung ikaw ang nasa katayuan ng mga kausap ni Simoun, ano ang iyong
magiging pakahulugan sa suhestiyon na kaniyang binitiwan?
Ibahagi sa klase.
E. Pangkatang Gawain (Itinakda na)

GAWAIN 1: TableauGan!: TABLEAU NG SLOGAN, PAKINGGAN!

Gagawa ng isang slogang panawagan ayon sa kasalukuyang kalagayan ng


bayan na naaayon sa kanilang obserbasyon. Ukol dito, bubuo ng isang tableau ang pangkat na
magpapakita ng mensahe ng slogan na kanilang ginawa. Bibigkasin ang slogan habang naka-
tableau.

GAWAIN 2: NOON AY NGAYON DIN!

Gagawa ng isang iskit ang mga mag-aaral na magpapakita na ang mga


bagay na isinulat ni Rizal sa El Filibusterismo Kabanata 1 ay nagaganap sa kasalukuyan. Pumili
ng isang tagpo sa kabanatang tinalakay ang gagawan ng iskit na nagpapakita na ang noon ay
nangyayari pa rin sa panahon ngayon.

GAWAIN 3: POST NA MAKABULUHAN, KARATULASTASAN!

Kumuha ng isang larawan (maaaring simbolismo) na nagpapakita ng uri ng


pamahalaan o mamamayan mayroon ang ating bayan. Gawan ito ng tulang Dalit ( walong
pantig- apat na taludtod) na naghahayag ng inyong kalooban o damdamin. I-post ito at gawing
caption ang dalit na ginawa. Is-screenshot ito at i-print at gamitin bilang biswal na pantulong sa
pagbabahagi.

RUBRIKS SA PAGGRADO
Dimensyon Napakahusay Mahusay Katamtaman
(9-10 Puntos) (7-8 Puntos) (6)
PAGKAKAISA Aktibong nakilahok Aktibong nakilahok Aktibong Nakilahok
ang lahat ng kasapi ang nakararami ang ilan
KAANGKUPAN at Sapat at Lapat ang Kinakailangan pa ng Hindi gaanong
NILALAMAN mensahe sa pag-iibayo sa nagging malinaw ang
isinagawang kalinawan ng paglalahad ng
pagtatanghal ng mensahe na nais mensahe sa
gawaing ibinigay. iparating sa isinagawang
manunuod. pagtatanghal.
PAGKAMALIKHAIN Lubos na nagpamalas Naging malikhain sa Hindi gaanong
ng pagkamalikhain sa paghahanda nagging malikhain sa
paghahanda paghahanda

e.1 Pagtatanghal
e.2 Pagbibigay marka at pidbak
F. Sintesis

#POTD (Pulot of the Day)

Ibahagi ang mga natutuhan, kamulatan o realisasyon para sa araw na ito.

#POTD (Pulso of the Day)

Nang makilala ko si _(pangalan ng tauhan)_, natutuhan/ napagtanto ko


_________________________________________________________.

III. TAKDA

1. Manuod ng isang balita na may kinalaman sa mga kasalukuyang pangyayari sa


gobyerno/pamahalaan.
2. Magbigay ng iyong opinyon ukol sa napanood na balita.

You might also like