You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF NUEVA ECIJA
NAMPICUAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Cabawangan, Nampicuan, Nueva Ecija 3116

I. LAYUNIN

A. Nabibigyang-kahulugan ang matatalingha-gang pahayag na ginamit sa binasang


kabanata ng nobela. (F10PT-IVb-c-83)
B. Naisasagawa ang angkop na pagsasatao ng mga tauhan ng nobela. (F10PS-IVi-j-89)
C. Naipapahayag ang mga emosyon hinggil sa mga tagpo na humahamon sa mambabasa.

II. NILALAMAN
A. Paksa : Kabanata XVIII (Mga Kadayaan)
B. Mga Kagamitang Pampagtuturo:
A. Sanggunian
1. IPamana, Norma Cahatol-Mendoza
B. Patnubay ng Guro, pp 126-133

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain

a. Panalangin

b. Pagbati sa klase

c. Pagtsetsek ng atendans

d. Pagbabalik-aral (Kabanata 17: Ang perya sa Quiapo)

Pagpapakita ng Larawan. Tatalakayin mula ang aralin kahapon.

B. Pagganyak 

Pagpapanood ng Video Clip. Susuriin ng mga mag-aaral kung ano ang mayroon sa
napanood. Pagkatapos ay ibabahagi sa klase ang napuna o napansin sa tulong ng Graph sa ibaba.

Mahika Trick
KADAYAAN

C. Paghawan ng Sagabal

Isaayos ang mga titik sa loob ng kahon upang mabuo ang kahulugan ng salitang may
kulay berde na may salungguhit.

1. Malugod na pinaunlakan ni Mr. Leeds ang kahilingan ng kanyang mga panauhin.

nbiagnaypgi

2. Nabasag ang katahimikan nang maamoy ng mga manonood ang alingasaw ng isang
patay.

ainwgs

3. Natuklasan ni Imuthis ang kahindik-hindik na lihim kung pano nakuha ni Smerdis ang
kapangyarihan nang maparaan siya sa Babylonia.

kdasakindasikn-

4. Tinawag ni Imuthis na mamamatay at lapastangan sa Diyos ang mga saserdoteng


gumawa ng kabuhungan sa kanya.

namksaa a
5. Iginugumon ng mga prayle ang bayan sa maling pag-uugali sapagkat hinahayaan
nilang maging mangmang ang mga mamamayan ng kanilang bayan.

giunulbilbo
D. Aktibiti

 Pangkatang Gawain: Sabayang pagbasa / Pangkatang pagbasa, Bawat pangkat ay mga


mga talatang babasahin at ibabahagi nila ito sa pamamagitan ng madamdaming at sa
masining na pagbasa.

Pangkat 1- Unang talaga / bahagi

Pangkat 2 – Ikalawang bahagi

Pangkat 3 – Ikatlong bahagi

Pangkat 4 – Ikaapat na bahagi

E. Analisis

1. Ano ang pagkakahalintulad sa buhay ni Imuthis at ni Ibarra? Isa-isahin.


2. Sinasadya ba o pinagtiyap lamang ng pagkakataon ang pagkakahawig na ito ng buhay ni
Imuthis sa buhay ni Ibarra? Patunayan.

3. Ano ang ibig sabihin ng pandaraya? Bigyang pakahulugan ito. Ano anong mga kadayaan ang
tinutukoy sa kabanatang ito?

4. Bakit naging ganoon ang reaksyon ni Padre Salvi pagkatapos mag salaysay sa buhay si
Imuthis? Ano ang nais ipahiwatig nito?

5. Paano naganap ang pandarayang ginawa ni Mr. Leeds?

F. Abstraksyon

Buod ng Kabanata XVIII (18) – MGA KADAYAAN (El Filibusterismo)

Sa kabanatang ito makikita ang malaking pagkakahawig ng dalawang karakter na sina


Simoun at Mr. Leeds.Bago mag-umpisa ang pagtatanghal ni Mr. Leeds ay siniyasat muna
ni Ben Zayb ang buong bulwagan. Maging ang mga gamit ng Amerikano ay hindi rin
niya pinalampas.

Pilit siyang naghahanap ng salamin, isang bagay na karaniwang ginagamit sa pandaraya


sa mga tanghalan. Wala siyang natagpuan kaya inumpisahan na ang palabas.

Naglabas ng maitim at luma na kaha si Mr.Leeds. Sinabi niya na natagpuan niya ito sa
isang lumang libingan. Pagkatapos niyang sumigaw ng mga salitang banyaga ay kusang
nabuksan ang kaha.

Dito ay tumambad ang isang ulong anyong bangkay na mayroong mahaba at makapal na
buhok. Mula sa kadiliman ay mayroong nagsalita na parang tumatangis at humihingi ng
tulong.

Ang kuwento ng misteryosong boses ay tungkol sa mga mapang-aping prayle at saserdote


noong panahon ni Amasis (isang pinuno sa Ehipto). Dahil sa mga narinig ay kinilabutan
at hinimatay si Padre Salvi.

G. Aplikasyon

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang bawat hinihingi ng sumusunod.

o Anong mahalagang kaisipan ang kumintal sa iyong isipan matapos mabasa ang
kabanatang ito?
o Anong emosyon o damdamin hinggil sa mga tagpo ang nangibabaw sa
kabanatang ito? Talakayin at sipiin ang bahagi ng kabanata na magpapatunay.
o Sa halos lahat ng aspeto ng buhay ng tao ay laganap ang iba’t-ibang uri ng
kadayaan. Paano ito maiiwasan?

IV. Pagtataya

Sa isang buong papel sumulat ng sanaysay hinggil sa mga naging karanasan sa loob ng isang
tanghalan o pagtatanghal. Gawain sa loob ng dalawampung minuto.

Mga Pamantayan sa pagpupuntos


Nilalaman 30%
Paggamit ng angkop na salita 20%
Wastong gramatika 25%
Kalinisan sa paggawa 25%
Kabuuan 100%

V. Takdang Aralin

Magsaliksik ng sagot sa Internet o mga aklat at isulat ang inyong sagot sa isang buong papel.
 Magsaliksik ng kahulugan ng salitang Mitsa.
 At bilang mag-aaral kailan mo masasabi na hindi mo na kaya at suko ka na sa pag-aaral?

Inihanda ni:

DIANA CLAIRE LOPEZ GUTIERREZ


Gurong Nagsasanay

Binigyang pansin ni:

GLADYS C. IÑIGO
Gurong Tagapagsanay

You might also like