You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Filipino I0

EL FILIBUSTERISMO
Inihanda ni: Bb. Phobie V. Silverio
PETSA:_________________________
I. LAYUNIN:

Sa katapusan ng klase, inaasahan ang 95 bahagdan ng mga mag-aaral ay:


a. Natutukoy ang mga mahahalagang kaisipan na napapaloob sa akda.
b. Naipapahayag ang mga emosyon hinggil sa mga tagpo na humahamon sa mambabasa.
c. Nakasusulat ng isang maikling sanaysay hinggil sa karanasan sa pagtatanghal.
I. Paksang Aralin
“Kabanata 18: Ang Mga Kadayaan” ng El Filibusterismo
Kagamitang Panturo: Visual Aids at mga Larawan
II. Pamamaraan
1. Pamagat
Pipili ng tatlong mag-aaral upang buuin ang pamagat ng kabanata.
Ito ay bubuin sa loob lamang ng dalawang (2) minuto
YKM AAA DANA
AAAA KMDA KAMA
GADN YAGN YAG
Mula sa pamagat ng nabuo, ano ang mahihinuha sa kaganapan sa kabanatang ito?

Larawan
Pagpapaskil ng larawan sa pisara.
Mula sa nakapaskil ay magbibigay ng maikling paglalarawan ang mga mag-aaral batay sa kanilang nakikita.

2. Talasalitaan
Gamit ang Word Map ibigay ang kahulugan, kasalungat, iguhit at gamitin sa payak na
pangungusap ang salitang ESPINGHE.

Larawan

Kahulugan Kasalungat

Pangungusap Pangungusap
ESPINGHE

Pangungusap
3. Buod
Iisa isahin ang mga bahagi ng maikling kwento sa pagtalakay sa buod.

KASUKDULAN

. TUNGGALIAN

SULIRANIN KAKALASAN

SAGLIT NA KASIGLAHAN
WAKAS

Kakalasan
PANIMULA

4. Talakayan

1. Ano ano ang pagkakahalintulad sa buhay ni Imutis at ni Ibarra? Isa isahin.


2. Sinasadya ba o pinagtiyap lamang ng pagkakataon ang pagkakahawig na ito ng buhay ni Imutis
sa buhay ni Ibarra? Patunayan.
3. Ano ang ibig sabihin ng pandaraya? Bigyang pakahulugan ito. Ano anong mga kadayaan ang
tinutukoy sa kabanatang ito?
4. Ano ang ipinapahiwatig ng naging reaksyon ni Padre Salvi pagkatapos halos ng salaysay sa
buhay ni Imutis?
5. Ipaliwanag kung paano nagaganapa ang pandarayang ginawa ni Mr. Leeds?

Bisa sa Isip
Anong mahahalagang kaisipan ang kumintal sa iyong isipan matapos mabasa ang kabanatang ito?
Bisa sa Damdamin
Anong emosyon o damdamin hinggil sa mga tagpo ang nangibabaw sa kabanatong ito?
Talakayin at sipiin ang bahagi ng kabanata na magpapatunay.
Bisa Lipunan
Sa halos lahat ng aspeto ng buhay ng mga tao ay laganap ang iba’t ibang uri ng kadayaan. Paano ito
masusugpo?
III. Ebalwasyon

Sa isang buong papel sumulat ng isang sanaysay hinggil sa mga naging karanasan sa loob ng
isang tanghalan o pagtatanghal. Gawain sa loob ng dalawangpung (20)
minuto.

Mga pamantayan
Nilalaman 30%
Paggamit ng angkop na salita 20%
Wastong gramatika 25%
Kalinisan sa paggawa 25%

IV. Takdang Aralin


Basahin at unawain ang Kabanata 19

You might also like