You are on page 1of 4

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO X

PANTIKAN: Mga Pangarap Kabanata XXIV ng Nobelang


El Filibusterismo

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa : Kabanata XXIV Mga Panagarap El


Filibusterismo

MAHALAGANG KONSEPTO

Ang kamalayan ng Kabataang Pilipino sa mga kaganapan sa kaniyang kapaligiran ay


nabubunsod sa kanya upang mangarap at pagsumikapang abutin ito.

POKUS NA TANONG

Paano makakatulong ang kamalayan sa mga kaganapan sa kapaligiran upang makabuo ng

pangarap?
Gaano kahalaga ang pangarap sa isang indibidwal?

I.

MGA TIYAK NA KASANAYANG PAMPAGKATUTO


A. Natatalakay ang nilalamang nakapaloob sa Kabanata XXIV.
B. Naiisa-isa ang mga sariling pangarap sa buhay ng mga mag-aaral.
C. Nakabubuo ng lyrical na may kauganayan sa pangarap.

II.

PROSESO NG PAGKATUTO
A. Panimula
Pagpaparinig ng awiting may pamagat na Patuloy ang Pangarap

Ano ang kaisipang nakapaloob sa napakinggan?

B. Paglinang ng Talasalitaan
Bigyang kahulugan ang mga salitang nasalungguhitan at gamitin ito sa sariling
pangungusap. Piliin ang kahulugan sa kahon.

Inalala
Matanaw

Nakipagkasundo
Masalimuot

Madalaw
Naisin

1. Nakipagkayari si Isagani kay Paulita na magkikita sila para pag-usapan ang hindi nila
pagkakaunawaan.
2. Hindi man lamang masilip ng Kapitan Heneral ang mga sundalong sugatan.
3. Habang naghihintay si Isagani kay Paulita ay ginunita niya ang nagdaang masasayang
araw nila ng kasintahan.
4. Naging matinik ang kanilang relasyon dahil sa mga taong nakapaligid sa kanila.
5. Ang kanyang pangarap ang nagbibigay sa kanya ng impormasyon para magsumikap sa
buhay.
C. Pagbubuod sa Kabanata Dugtungang Pagbubuod
D. Pagtalakay sa Kabanata
Pagsusuri sa mga pangarap nina Isagani at Paulita sa tulong ng T-chart.

Mga Gabay na Tanong

Ano ang pangarap ni Isagani para sa kanyang sarili at para sa kanyang bayan?

Makabuluhan ba ang kanyang mga panagarap? Pangatwiranan.


Kanino maihahalintulad si Isagani sa kasalukuyang panahon? Si Paulita Gomez?
Bakit?

Ano ang pagkakaiba nina Isagani at Paulita?


Alin sa mga sinabi ni Isagani sa kabanata ang iyong higit na nagustuhan? Bakit?
Paano makakatulong ang kamalayan sa mga kaganapan sa kapaligiran upang

makabuo ng pangarap?
Gaano kahalaga ang pangarap sa isang indibidwal?

E. Pangkatang Gawain

Gawain 1 : Sumulat ng isang tula na may apat na saknong na pumapaksa sa sariling mga

pangarap. Ipakita ito sa klase sa pamamagitan ng Sabayang Pagbigkas.


Gawain 2 : Bumuo ng isang awitin (Jingle Rap) na may paksang paano makakamit ang

isang pangarap.
Gawain 3 : Interpretatibong sayaw gamit ang awiting Tupad na Pangarap
Gawain 4 : Malikhaing Pagbibigay ng marka at puna. (Patalastas)
PAMANTAYAN
KAAYUSAN
KASININGAN
NILALAMAN
PROPS/KAGAMITAN

2
puntos
3
puntos
3
puntos
2
puntos
________________________
10 puntos

F. Sintesis
Ipaliwanag ang kaisipang nakapaloob sa pahayag na nasa loob ng puso :

Ang pangarap ay mananatiling pangarap kung ang pagsasakatuparan nito ay sa iba iaasa
III.

TAKDANG ARALIN
Gumawa ng isang Music Video kauganay sa pangarap sa buhay.

Inihanda ni :
Louise Ann Valena
BSE-FILINO 4-2
Pamantasan ng Lungsod ng Maynila
Binigyang Pansin ni:
Bb. Virginia L. Bigaw
Tagapagsiyasat
Manila Science Highschool
Sinang-ayunan ni:
Gng. Nelita Fuentes HT-III

You might also like