You are on page 1of 4

MALAMASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at


pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kritikal na pagsusuri sa


mga isinagawang critique tungkol sa alinmang akdang pampanitikang Mediterranean.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

I. Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng binasang akda gamit ang mga
ibinigay na tanong. F10PB-1b-c-63
A. Natutukoy ang mensaheng ipinahihiwatig ng akdang pampanitikang tinalakay;
B. Nailalarawan ang katangian ng mga simbolong nabanggit sa akda; at
C. Nakapagsasalaysay ng mga pangyayari sa buhay na may kaugnayan sa nagging
kalagayan ng binasang kuwento.

II. PAKSANG- ARALIN


Paksa: Mensahe ng Butil ng Kape (Parabula)
Sanggunian: Filipino Modyul para sa Mag- aaral, mga pahina 50-51
Patnubay ng Guro, pp. 17-18
Kagamitan: powerpoint presentation, pisara, yeso, mga larawan

III. PAMAMARAAN
A. Paghahanda
1. panalangin
2. pagbati
B. Pagganyak
“Jigsaw Puzzle”

Panuto: Papangkatin ang klase sa tatlong pangkat, bubuin sa pisara ang puzzle.
Matapos mabuo ang larawan, magbibigay ng mga katangiang taglay ng mga
larawan.

1. 2. 3.
C. Paghahawan ng sagabal

1. nilahok - nilagay
2. nagulumihanan - naguluhan
3. ikintal - tandaan
4. suliranin - pagsubok
5. sigalot - alitan
6. nagmamaktol - nayayamot
7. napuna - napansin

D. PAGLALAHAD

1. Ano ang parabula?


2. Ano ang kahalagahan ng parabula bilang bahagi ng panitikan?
3. POPCORN Reading
a. Paghambingin ang butil ng kape sa carrot at itlog nang ang mga ito ay inilahok sa
kumukulong tubig.
b. “Pare-parehong inilahok sa kumukulong tubig subalit iba-iba ang naging
reaksiyon”? Paano mo maiuugnay ang pahayag na ito sa buhay ng tao?
c. Kung ikaw ang anak, paano mo haharapin ang hirap ng buhay?
d. Mabisa ba ang naging representasyon ng ama upang magkaroon ang anak ng
maliwanag na pananaw sa kahirapang kanilang kinakaharap? Patunayan.

E. PAGLALAHAT
1. Ano ang nais ipahiwatig ng maikling kwentong “Mensahe ng Butil ng kape?”
2. Nakatulong ba ito sa iyo upang makilala ang iyong sarili? Sa papaanong paraan?

F. PAGLALAPAT
Pangkatang Gawain:

Mula sa naunang pagpapangkat, ibabahagi ng bawat miyembro ng


pangkat ang mga karanasan na kanilang pinagdaanan upang masabi ng bawat isa
na sila ay naging carrot, itlog o kape. Ibabahagi ang napiling kwento sa harap ng
klase. Gamitin ang grapikong presentasyon sa pagsasalaysay Bibigyan ang bawat
pangkat ng labinlimang minuto bilang paghahanda sa gawain.
AKO
BILANG…

PANGYAYARI PANGYAYARI PANGYAYARI

MENSAHE

IV. PAGTATAYA
A. Panuto: Gamit ang bilang 1-10, ayusin ang mga sumusunod na pangyayari ayon sa
angkop na pagkakasunud- sunod nito. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
(10 puntos)

___ Nilagyan ng ama ang tatlong palayok ng tubig at saka isinalang sa apoy.

___ Ayon pa sa anak, nararamdaman niya na hindi makatarungan ang kaniyang buhay dahil sa
hirap na nararanasan niya.

___ Sa unang palayok, inilagay ng ama ang carrot. Sa pangalawa naman ay mga itlog. Sa
panghuli, butil ng kape ang inilahok.

___ Isang araw narinig ng ama na binabanggit ng kaniyang anak ang hirap at pagod na
nararanasan sa pagsasaka at pagbubungkal ng bukirin.

___ Ngumiti ang anak, kasunod ang tugon – “Ako ay magiging butil ng kape katulad mo mahal
na ama.”

___ Matapos mabalatan ang itlog, napansin niya na buo at matigas na ito dahil sa
pagkakalaga.

___ Nagsimulang magpaliwanag ang ama tungkol sa dinaanang proseso ng tatlo.

___ “Ikaw ba ay magiging carrot, itlog o butil ng kape?”


___ Napansin ng anak na ang carrot ay lumambot. Inutusan naman siya ng ama na kunin ang
itlog at hatiin ito.

___ Sa pagkakataong iyon, tiningnan ng ama ang anak at tinawag niya papunta sa kusina.

V. KASUNDUAN

Basahin ang maikling kwentong mula sa France, “Ang Kwintas” ni Guy de Maupassant at
magdala ng isa sa pinakamahalagang gamit o bagay na pag- aari ninyo.

Inihanda ni:

PRINCESS JASMINE P. BAYUDAN


Guro III

Natunghayan ni:

AGNES G. SORO
Ulong Guro III, Ph. D.

IRENE A. DELA CRUZ


Dalubguro, Filipino

Pinagtibay ni:

NORBERTO M. CALMA
Punong Guro IV

You might also like