You are on page 1of 9

HALINA’T

TUMAYO!
PANITIKAN:
Ako Po’y Pitong Taong
Gulang
(Dagli mula sa Rehiyon ng
Isa sa mga Isla ng
Caribbean)
ANO BA ANG
DAGLI?
DAGLI
 Ayon sa katuturang ibinigay ni
Arrogante (2007) ay ang mga
sitwasyong may mga nasasangkot na
tauhan ngunit walang aksiyong
umuunlad, gahol sa banghay, mga
paglalarawan lamang.
 Ito ay isang salaysay na lantaran at
walang-timping nangangaral,
namumuna, nanunudyo, o kaya’y
nagpapasaring.
DAGLI
 Napagkakamalang katumbas ng
flash fiction o sudden fiction sa
Ingles.
 Ayon kay Dr. Reuel Molina Aguila,
naunang nagkaroon ng dagli sa
Pilipinas (1990s) bago pa man
nagkaroon ng katawagang Flash
Fiction na umusbong noong 1990.
DAGLI
 Sa kasalukuyang panahon, ang
dagli ang nauusong estilo ng
maikling kuwento.
 Mga kuwentong pawang sitwasyon
lamang, plotless wika nga sa Ingles.
 Ngunit kakaiba ang tema sa mga
naunang dagli na nangangaral at
nanunuligsa, itong bago ay hindi
lagi.
DAGLI
 Lumabas ang antolohiyang ‘Mga
kuwentong Paspasan” na
pinamatnugutan ni Vicente Garcia
Grayon noong 2007.
 Si Eros Atalia naman ay naglathala
ng kanyang aklat na pinamagatang
“Wag Lang Di Makaraos” (100 Dagli
Mga Kuwentong Pasaway, Paaway at
Pamatay) taong 2011.
 Ayon kay Bienvenido Lumbera,
Pambansang Alagad ng Sining “Ang
dagli sa panulat ni Eros Atalia ay may
iba-ibang anyo at pakay.
Nagpapatawa, nanggugulat,
nakasusugat, parang bato-bato sa
langit, ang tamaa’y lihim na ginagalit.
Kung lilingunin ang kasaysayan na
dagli bilang anyong pampanitikan,
makikitang bago ang hipo ni Eros sa
anyong noong namalasak sa mga
diyaryo mga unang taon ng Siglo 20”.
NAGBIGAY NG MUNGKAHING PARAAN SI
ALITA SA PAGSUSULAT NG DAGLI
1. Magbigay tuon lamang sa isa:
tauhan, banghay, tunggalian,
diyalogo, paglalarawan ng matinding
damdamin o tagpo.
2. Magsimula lagi sa aksyon
3. Sikaping magkaroon ng twist o
punchline sa dulo.
4. Magpakita ng kuwento.
5. Gawing double blade ang pamagat.

You might also like