You are on page 1of 46

MGA ISYUNG

PANG-EKONOMIYA

UNEMPLOYMENT
GLOBALISASYON
SUSTAINABLE DEVELOPMENT
 https://www.gannett-cdn.com/presto/2020/04/07/PPHX/ff434999-cf
1e-4e7f-bc54-8812df8ba0ac-GettyImages-172752359.jpg
 https://www.pinoynewbie.com/wp-content/uploads/2018/10/globali
sasyon.jpg
SUBUKAN NATIN
 Ano-anong pang-araw-araw na hamon ang kinahaharap ng isang
taong unemployed? Ipakita ang iyong sagot sa pamamagitan ng
paglalagay ng detalye sa imahe ng tao sa ibaba.
 Maaaring ipakita sa imahe ang iba’t ibang kondisyon o kalagayan ng
tao tulad ng kaniyang pakiramdam (ipakita sa facial expression), pisikal
na kalagayan (ipakita sa mga bahagi ng katawan), o pamumuhay
(ipakita sa background ng tao). Ipaliwanag ang iyong iginuhit.
LAYUNIN
Naipaliliwanag ang mga dahilan ng pagkakaroon ng
unemployment
Natataya ang implikasyon ng unemployment sa
pamumuhay at sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa
Nakabubuo ng mga mungkahi upang malutas ang
sulliranin ng unemployment
ARALIN 1

ANG KAHULUGAN NG UNEMPLOYMENT


KAHULUGAN NG UNEMPLOYMENT
 Ang unemployment ay ang hindi paggamit ng mga salik pang-
ekonomiya tulad ng trabaho, lupa, o puhunan.
 Bunga nito, bumababa ang bilang ng output ng isang bansa na
nagreresulta sa pagbaba ng Gross Domestic Product (GDP) nito.
 Kalakip nito, nahaharap sa mga suliraning pang-ekonomiya ang isang
estado.
 full employment
KAHULUGAN NG UNEMPLOYMENT
Ang isang ekonomiya ay nasa pinakamaunlad na
kalagayan kung mayroon itong full employment.
Ibig sabihin, kung ang lahat ng may gusto at maaaring
magtrabaho, dalubhasa man o hindi, ay may marangal na
hanapbuhay.
Hindi ibig sabihin nito na kapag may suliranin sa
unemployment ang bansa, hindi na maaaring magkaroon
ng full employment.
KAHULUGAN NG UNEMPLOYMENT

Ang konsepto ng unemployment ay madalas na idinidikit o


ikinakapit sa kawalan ng hanapbuhay ng isang
indibiduwal.
KAHULUGAN NG UNEMPLOYMENT
Kapag ang isang
tao ay umalis sa Samantala, kung
kaniyang trabaho siya naman ay
Ang kawalan ng hanapbuhay ay nahahati sa dalawang uri:
nang kusa, ito ay tinanggal sa
angmaituturing
boluntaryo at angna
inbolutaryo.
trabaho, ito ay
boluntaryong inboluntaryo.
unemployment.
KAHULUGAN NG UNEMPLOYMENT

Mahalaga ang pagkakaroon ng trabaho sa isang lipunan


dahil ito ang nagpapalago sa ekonomiya at nagpapagana
ng produksyon.
Gayunpaman, maraming bansa sa mundo ang
nakararanas ng unemployment. Isa na rito ang Pilipinas.
KAHULUGAN NG UNEMPLOYMENT
Unemployment Rate

No. of Unemployed
𝑼𝒏𝒆𝒎𝒑𝒍𝒐𝒚𝒎𝒆𝒏𝒕 𝑹𝒂𝒕𝒆 = X 100
Labor Force
KAHULUGAN NG UNEMPLOYMENT

Unemployment Rate

Bilang ng mga walang trabaho kumpara sa kabuuang bilang


ng labor force ay mahalaga upang matukoy ang bahagdan
ng mga walang trabaho sa isang partikular na estado.
MGA URI NG UNEMPLOYMENT
VOLUNTARY
 Ang voluntary unemployment ay ang kusang loob na
pag-alis ng isang manggagawa mula sa kaniyang trabaho.
Nangyayari ito dahil sa kaniyang sariling pasya o
pangangailangan. Ilan sa mga salik na nakaiimpluwensiya
sa ganitong uri ng unemployment ay ang kakapusan ng
kita o pagnanais ng ibang uri ng trabaho.
MGA URI NG UNEMPLOYMENT
FRICTIONAL
 Ang frictional unemployment ay ang panahon na nasa
pagitan ng kawalan ng trabaho at pagkakaroon ng
trabaho.
 Hindi maituturing na suliranin ang frictional unemployment
sapagkat aktibo pa ring nakikilahok sa labor force ang
mga manggagawa
MGA URI NG UNEMPLOYMENT
 STRUCTURAL
 Ang structural unemployment ay nangyayari kasabay ng
mga pagbabago sa teknolohiya. Sa pag-usbong ng teknolohiya,
napapalitan ang mga manggagawa ng mga makina o
makinarya.
 Kasama rin dito ang proseso ng outsourcing kung saan lumilipat
ng bansa (base of operations) ang mga kumpanya. Halimbawa
nito ang pag-usbong ng industriya ng call center sa Pilipinas.
MGA URI NG UNEMPLOYMENT

CYCLICAL
 Nagkakaroon ng cyclical unemployment kapag ang
industriyang kinabibilangan ng mga manggagawa ay
nakararanas ng buong pagikot ng business cycle.
 Kapag mahina ang industriya, mataas ang antas ng
unemployment.
MGA URI NG UNEMPLOYMENT

Bukod sa mga nabanggit, isa rin ang


imperfect mobility of labor sa mga nakapag-
aambag sa unemployment. Ito ay dalumat na
tumutukoy sa bihirang kakayahan ng mga
manggagawang magpalipat-lipat ng trabaho.
ARALIN 2: MGA IMPLIKASYON
NG UNEMPLOYMENT
MGA IMPLIKASYON NG UNEMPLOYMENT

Bukod sa mga nabanggit, isa rin ang


imperfect mobility of labor sa mga nakapag-
aambag sa unemployment. Ito ay dalumat na
tumutukoy sa bihirang kakayahan ng mga
manggagawang magpalipat-lipat ng trabaho.
TUKUYIN AT LAGYAN NG TSEK (✓) ANG MGA
LARAWANG NAGPAPAKITA NG EPEKTO NG
UNEMPLOYMENT.
Matatandaan mula sa nakaraang aralin na ang
pagkakaroon ng mataas na unemployment rate ay
nangangahulugan na hindi nagagamit ng pamahalaan
nang tama o maayos ang mga likas na yaman, input,
at kakayahan nito para sa produksyon at sa
pagpapanatili ng balanseng takbo ng ekonomiya.
MGA IMPLIKASYON NG UNEMPLOYMENT
MGA EPEKTO SA INDIBIWAL
 Kung walang trabaho o unemployed ang isang indibiduwal, hindi siya
nakalalahok sa mga prosesong pang-ekonomiya at siya ay
nawawalan ng kakayahang makamit ang kaniyang mga
pangangailangan.
 Dahil din sa kawalan ng oportunidad sa paghahanapbuhay, napipilitan
ang ibang indibiduwal na pumasok sa trabaho na may mas
mababang kwalipikasyon kaysa sa kanilang kakayahan.
MGA IMPLIKASYON NG UNEMPLOYMENT
MGA EPEKTO SA INDIBIWAL
Hindi lamang pisyolohikal na suliranin ang dulot ng
unemployment.
Suliraning sikolohikal tulad ng anxiety, stress, at depresyon
Nagdudulot din ang unemployment ng mga negatibong
pananaw sa sarili o kakayahan, tulad na lamang ng pagbaba
ng self-esteem o self-worth ng isang indibiduwal.
MGA EPEKTO SA INDUSTRIYA AT NEGOSYO

Sa kabila ng hindi magagandang epekto ng unemployment


sa mga indibiduwal, tila mas mabuti naman ang epekto nito
para sa mga industriya at negosyo.
Bunga nito, nagkakaroon ng kakayahan ang mga
negosyante na mag-alok ng mas mababang pasahod para
sa isang mas komplikado o teknikal na posisyon dahil alam
ng mga ito na mayroong kompetisyon para sa pagkuha ng
trabaho.
MGA EPEKTO SA PAMAHALAAN AT
ESTADO
 Sa usapin ng pakikipagrelasyon sa iba pang estado, nakaaapekto
rin ang suliranin ng unemployment. Kung mabagal na paglago ng
ekonomiya dahil sa kawalan ng trabaho, ang mga ugnayan o
plano na ibinabalangkas ng estado sa iba pang bansa ay
maaaring hindi matuloy. Halimbawa na lamang, ang isang
malaking negosyo ay pipiliing mag-invest sa isang bansa na may
malakas na kakayahang pang-ekonomiya. Gayundin, ang iba’t
ibang estado ay mahuhumaling na makipagkasundo sa mga
bansa na hindi nahaharap sa mga pang-ekonomiyang suliranin.
ARALIN 3: MGA PARAAN PARA
MALUTAS ANG UNEMPLOYMENT
May iba’t ibang paraan upang matugunan ang
suliranin ng unemployment. Ang lahat ng
paraang ito ay napasasailalim sa dalawang
malawak na konsepto—ang demand side
solution at supply side solution.
MGA PARAAN PARA MALUTAS ANG
UNEMPLOYMENT
ANG DEMAND SIDE SOLUTION
 Ang uri ng solusyong ito ay nakapokus sa kakayahan ng
pamahalaan na magpatupad ng mga polisiya na
makatutugon sa suliranin ng unemployment.
 Samakatuwid, ang solusyong ito ay nakapokus sa pag-
iwas sa recession.
 Recession – pinakamababang antas ng business cycle.
MGA PARAAN PARA MALUTAS ANG
UNEMPLOYMENT

ANG DEMAND SIDE SOLUTION


 Kadalasang ginagamit ang demand side solution sa
tuwing may recession at may cyclical unemployment.
ANG EXPANSIONARY MONETARY POLICY
 Ang madalas na pangunahing solusyon ay ang pagbabawas ng
interest rate upang hikayatin ang mga mamamayan na umutang
sa pamahalaan.
 Ang perang inutang ay magagamit upang may magugol sa
pagpapatakbo ng ekonomiya.
 Sa ganitong paraan, magkakaroon ng demand o pangangailangan
sa mga produkto at serbisyo na magiging dahilan naman upang
magkaroon ng mga panibagong trabaho.
ANG EXPANSIONARY FISCAL POLICY
 Ito ay tumutukoy sa direktang pagmamanipula ng pamahalaan sa
ekonomiya.
 Kapag tumataas ang antas ng unemployment at hindi gumagana
ang expansionary monetary policy (halimbawa, hindi pa rin
gumagastos ang mga mamamayan), ang pamahalaan mismo ang
gumagastos sa pamamagitan ng pagbili ng produkto o serbisyo
upang mas dumami ang pagkakataong makapagtrabaho ang mga
mamamayan.
ANG SUPPLY SIDE SOLUTION

 Ang mga tagasuporta ng supply side solution ay naniniwala na


ang pangunahing paraan upang mabawasan o malutas ang
suliranin ng unemployment ay sa pamamagitan ng pagsasaayos
ng labor market na magkaroon ng mas adaptable na mobility of
labor.
ANG SUPPLY SIDE SOLUTION

Kabilang sa mga hakbang na


iminumungkahi ng supply side solution
ang sumusunod:
ANG SUPPLY SIDE SOLUTION

Pagbibigay ng edukasyon at mga traning program na


naglalayong turuan ang mga manggagawa ng mga
bagong kakayahan na makatutulong sa kanila para
makahanap ng mas maraming trabaho.
Pagbabawas ng kapangyarihan ng mga unyon dahil
nakapagdudulot ang mga ito ng real wage unemployment.
ANG SUPPLY SIDE SOLUTION
Pagbibigay ng subsidiya sa mga negosyo o industriya na
magbibigay ng trabaho sa mga indibidwal na matagal
nang unemployed.
Pagpapabuti ng labor market sa pamamagitan ng
pagbibigay ng flexibility rito; halimbawa na lamang, ang
pagtatanggal ng maximum working hours per week at
pagbubukas ng mga bagong paraan ng pagtatrabaho
(halimbawa: output-based, work from home).
ANG SUPPLY SIDE SOLUTION

Pagta-target ng mga partikular na rehiyon sa bansa kung


saan mataas ang unemployment rate upang doon
magpatupad ng mga programang tutugon sa suliranin ng
kawalan ng trabaho
WAKAS!!!!

You might also like