You are on page 1of 5

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin at suriin ang mga sitwasyon.

Sitwasyon 1. Sinabihan si Ryan ng kaniyang guro na siya ang mamumuno sa kanilang grupo sa
paggawa ng isang video ad para sa kanilang klase. Lingid sa kaniyang kaalaman na may iba na palang
napili ang kaniyang guro na gumawa ng nasabing video ad. Napahiya si Ryan sa kaniyang mga
kaklase at kagrupo. Dapat bang magalit si Ryan sa kaniyang guro dahil pinahiya siya nito? Bakit?
Ipaliwanag.

Sa aking palagay ay hindi sapagkat bilang isang mamumuno at estudyante ay dapat tayong
magtanong sa ating guro sapagkat sila ang nakakaalam kung ano at pano gagawin ang isang bagay.
Maari tayong magtanong sa ating guro kung mayroong hindi na intindihan o di kaya ay may
kakulangan sa iyong nalalamang impormasyon. Sa totoo lamang ay wala naman kasalanan ang guro
sapgkat nagbigay lamang siya ng gagawin at sa ginawang kilos ni ryan ay hindi niya nabigyang halaga
ang mga bagay na dapat niyan gawin bilang isang estudyante na dapat ay kailangan niyang
magtanong sa mga Gawain para sa ganun ay maging maayos ang kanilang gawain

Sitwasyon 2. Nakita at nabasa ni Jovanie ang isang pamamahiyang post ng isang kaklase patungkol
sa isa pang kaklase sa social media. Dahil sa takot na baka madamay sya, hindi niya ito isinumbong sa
kinauukulan. Mapapanagot ba si Jovanie sa kaniyang pananahimik? Bakit? Ipaliwanag.

Oo, sapgkat kung ito ay isang hindi makatarungang post para sa kaklase at ito ay sumisira sa dignidad
ng tao ay dapat lamang niya itong isumbong sapgkat kapakanan ng kaklase niya ang nakataya dito.
May pananagutan si Jovanie dito sapagkat Nakita niya ang pinost ng kaklase na masama sa kaklase at
magdudulot ito ng pagbabayad sa batas ng tao at batas ng diyos, kung hindi niya ito isusumbong
para lamang niya sinabing ok lang ang ganun at parang kampi pa siya sa kanyang kaklaseng bully
kaya dapat ay binigyan niya pagpapahalaga ang kilos na ginagawa niya para sa ganun ay magkaroon
ng makatarungan sa isang sitwasyon.

Sitwasyon 3. Nagbilin kay Normina ang kaniyang ina na sabihan ang kaniyang ate na magluto ng
tanghalian. Biglaang nagyaya ang mga kaibigan niya na mag-ML (Mobile Legends) sila kung kaya
nakalimutan niyang sabihan ang kaniyang ate. May pananagutan ba si Normina sa maaaring
kahinatnan dahil hindi nito nasabi ang ipinagbilin sa kaniya? Ipaliwanag.

Oo, sapgkat nakaapekto ang kilos na kanyang ginawa na kung saan ay paglalaro muna sa kilos na
gagawin sana ng kanyang ate, kaya hindi nagawa ng ate niya na magluto ng tanghalian sapagkat sa
totoo lamang ang may kasalanan ay normina sapagkat mas inunna niya pang ang Mag-ML kaysa
sabihin kung ano ang gagawin ng ate niya upang sa ganun ay may tanghalian sila
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Pag-isipan, pagnilayan at pumili kung alin ang tama sa dalawang
pangungusap. Ipaliwanag

Alin ang tama?

A. Ang kilos ng tao (act of man) ay maaring maging makataong kilos (human act).

B. Ang makataong kilos (human act) ay maaring maging kilos ng tao (act of man)

Paliwanag:

Para ang tama ay ang makataong kilos (human act) ay maaring maging
kilos ng tao (Act of man) sapagkat ang bawat kilos o aksyon na ating
ginagwa ay may kalakip na responsibilidad na dapat nating bigyan ng
pagpapahalaga. Sa kaso ng paghaharap sa makataong aksyon, ang
bigat ng responsibilidad ay batay sa bigat ng kalooban o inisyatiba.
Tinatangkilik sila sa ilalim ng kaalaman at kalayaan. Kung mas mataas
ang antas ng kaalaman o kalayaan, mas mataas o mas mababa ang
antas ng inisyatiba o pagpayag. Kung mataas o mababa ang inisyatiba,
mabigat o magaan ang responsibilidad. Kaya ang bawat makataong
kilos ng tao ay maaring maging kilos ng tao dahil sabi nga lahat ng kilos
ay may kalakip na responsibilidad na dapat nating isipin halimbawa ng
nalang sa pagtulong sa paglilinis sa inyong barangay ito na rin ay isang
kilos ng tao sapagkat maaring hindi kana nag-isip basta ang alam mo ito
ay may mabuting maidudulot.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa iyong nabasa.

1. Ano-ano ang mga kilos na maituturing na makatao at dapat mapanagutan? Ipaliwanag.

Sa ating pang-araw-araw na buhay, mayroon tayong lahat ng uri ng mga nakaraang karanasan
na humubog sa atin sa kung anong uri tayo ng mga nilalang ngayon. Kasama ang iba't ibang
paraan ng pagharap natin sa mga hamon sa buhay. Iba-iba ang ugali natin sa bawat sitwasyon.
Maraming mga pag-uugali ang maaaring ituring na makatao. Ngunit lahat sila ay may isang
bagay, at iyon ay hindi ang manakit ng iba. Lahat ng bagay sa buhay ay resulta ng ating desisyon.
Kailangan lang nitong maging matagumpay at magpakita ng sangkatauhan. Napagtanto natin
minsan na ang pagpili sa paggawa ng mabuti ay mas mabuti dahil hindi ito magbibigay sa atin ng
sakit ng ulo. Ang paggawa ng mabuti para sa kapwa ay maituturing na isang makataong gawain,
dahil ang pakikisalamuha sa kapwa ang siyang pinagmulan at layunin ng lahat ng ito.

2. Sa tatlong uri ng kilos na maituturing na makatao, alin ang karapat-dapat panagutan? Bakit?

Kabilang sa tatlong pagkilos na itinuturing na makatao, ang pagiging kusang-loob ay isang legal
na responsibilidad, dahil ang pagiging kusang-loob ay tumutukoy sa mga pagkilos na may kaalaman
at pahintulot. Ang taong gumawa ng kilos ay ganap na nauunawaan ang kalikasan at mga
kahihinatnan ng kanyang kilos. Ang kilos na ito ay ginagamit ng pag-iisip at likas na hilig. Sapagkat
dito ay may pananagutan kung anong kilos ang iyong ginawa sapagkat gagawa ka lamang ng kilos na
walang iniinisip o pagdedesisyon.

3. Kailan natin matutukoy na ang gawain o kilos ng tao ay hindi makakapanagot sa masamang
epekto ng makataong kilos? Ipaliwanag.

Makikita na ang mga aktibidad o kilos ng isang tao ay hindi maaaring panagutin para sa isang
negatibong resulta kung ito ay hindi rin kanyang kagustuhan. Biktima rin tayo ng mga hindi
inaasahang pangyayari paminsan-minsan. Hindi natin masisisi ang mga bagay sa sinuman. May
mga bagay sa ating buhay na di natin inaasahan at may mga kilos tayong sadyang natural kaya
Nakagawa tayo ng masama. Biktima lamang tayo ng ating isip at kalooban. Ngunit kailangan
parin natin maging mapanagutan sa lahat ng kilos na ating gagawin.
4. Ang layunin ba ng kilos ay batayan din sa paghusga kung ang kilos ay mabuti o hindi mabuti?
Pangatwiranan.

Oo. Ang layunin ng kilos ay nagsisilbi ring pundasyon para sa pagtukoy kung ang aksyon ay
mabuti o negatibo. Sa katunayan, isa sa mga elemento na nakakaimpluwensya sa kinalabasan ng
isang aksyon ay ang layunin nito. Ito ay tumutukoy sa panloob na aksyon na kung saan ay ang
diin ng aksyon. Dito magaganap ang aksyon. Ayon kay Tomas de Aquino, ang mismong gawa ay
hindi masusuri bilang mabuti o nakakapinsala maliban kung ang layunin ng may kagagawan ay
isinasaalang-alang. Mahalagang isaalang-alang ang buong aktibidad, na kinabibilangan ng taong
gumaganap nito. Ang pagsubok para sa ikabubuti ng layunin ay kung iginagalang ng indibidwal
na kumikilos ang dignidad ng kanyang kapwa. Ang mga kilos na ating ginagawa ay may
responsibilidad kaya dito natin nabibgyan ng kasipan na sa bawat kilos ay may kalakip ng Mabuti
o masama sa iyo o sa iyong kapwa.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Mula sa iyong mga natutuhan sa aralin, tapusin ang sinimulang
pangungusap upang mabuo ang Batayang Konsepto.

1. Ano mang uri ng tao ang isang indibiduwal ngayon at kung magiging anong uri siya ng tao sa mga
susunod na araw, ay nakasalalay sa kilos kung anong gagawin niya sa kanyang sarili o sa kapwa nakabatay
dito kung anong pag-uugali ang mayroon siya ngayon at sa susunod kung anong kilos ang kanyang
paiiralin dahil ang kilos ng tao ay lagging may kalakip na responsibilidad na dapat gampanin natin bilang
tao..

2. Anomang kilos, kahit na ito pa ay natural o likas sa atin kung ito ay humantong sa paggamit ng isip o
may kasamang pagpapasya o pagdedesisyon, ito ay _makataong kilos .

3. Ang pananagutan ay nararapat na may kaalaman at kalayaan sa piniling kilos upang masabing na isang
boluntaryong aksyon, ang responsibilidad ay dapat magkaroon ng kaalaman at kalayaan sa napiling
aksyon. Ang kilos o ugali ng paggawa ng boluntaryo o boluntaryong aksyon nang hindi pinangangasiwaan
ng sinuman ay kilala bilang boluntaryong pagkilos. Ito ay isang boluntaryong aksyon na maaaring isagawa
sa privacy ng sariling tahanan o nang walang panghihimasok ng iba. May mga tungkulin ka sa iyong sarili
bilang isang tao na dapat mong gampanan. Ang pagpapaunlad ng iyong sariling mga kakayahan at
kakayahan bilang isang tao ay nagiging bahagi ng iyong pang-araw-araw na gawain kapag natupad mo
nang naaangkop ang iyong mga obligasyon.

You might also like