You are on page 1of 25

 Bakit may pananagutan ang tao sa

kahihinatnanng kanyangkilos?
 Bakit nakakaapekto ang kamangmangan,
masidhing damdamin, takot, karahasan, at
gawi sa panananagutan ng tao sa
kahihinatnanng kanyangkilos?
 Ayon kay Agapay, anumang uri ng tao
ang isang indibidwal ngayon at kung
magiging anong uri siya ng tao sa mga
susunod na araw, ay nakasalalay sa uri
ng kilos na kanyang ginagawa ngayon at
gagawin sa mga nalalabing araw ng
kanyang buhay.
 Dahil sa isip at kilos-loob ng tao, kasabay ang iba
pang katulad ng kanyang taglay tulad ng
kalayaan, siya ay may kapangyarihan na kumilos
ayon sa kanyang nais at ayon sa katwiran.
 Ang kilos ang nagpapatunay kung ang isang tao
ay may kontrol at panaangutan sa sarili.
Kilos ng tao (Acts of
Man)
Makataong Kilos (HumanActs)
 Ang kilos ng tao ay may mga kilos na nagaganap sa
tao. Ito ay likas sa tao o ayon sa kanyang kalikasan
bilang tao at hindi ginagamitan ng isip atkilos-loob.
 Ang kilos na ito ay masasabing walang aspekto ng
pagiging mabuti o masama – kaya walang
pananagutan ang tao kung naisagawa ang isang
kilos.
 Ang mga bayolohikal at pisyolohikal na
kilos na nagaganap sa tao tulad ng
paghinga, pagtibok ng puso, pagkurap ng
mata, pagkaramdam ng sakit mula sa
sugat, paghikad at iba pa.
 Ito naman ay kilos na isinasagawa ng tao nang may
kaalaman, malaya, atkusa.
 Ang kilos na ito ay resulta ng kaalaman, ginagamitan
ng isip at kilos-loob kaya’t may pananagutan ang tao
sa pagsagawa nito.
 Karaniwang tinatawag itong kilos na niloob, sinadya at
kinusa sapagkat isinasagawa ito ng tao sa panahon
na siya ay responsible, alam niya ang kanang
ginagawa at ninais niyang gawin ang kilos na ito.
 Ang makataong kilos ay kilos na malayang pinili
mula sa paghuhusga at pagsusuri ngkonsensya.
 Pananagutan ng taong nagsagawa ng makataong
kilos ang bunga ng kanyang pinilingkilos.
 Kung mabuti ang kilos, itoay katanggap-tanggap.
At kung masama ang kilos, ito naman ay kahiya-
hiya at dapat pagsisihan.
 Kusang-loob
 DiKusang-loob
 Walang Kusang-loob
 Ito ang kilos na may kaaalman at pagsang
–ayon. Ang gumagawa ng kilos aymay
lubos na pagkaunawa sa kalikasan at
kahihinatnan nito.
 Dito ay may paggamit ng kaalaman ngunit
kulang angpagsang-aon.
 Makikita ito sa kilos na hindi isinasagawa
bagaman may kaalaman sa gawain na
dapat isakatuparan.
 Dito ang tao ay walang kaalaman kaya’t walang
pagsang-ayon sa kilos.
 Ang kilos na ito ay hindi pananagutan ng tao
dahil hindi niya alam kaya’t walangpagkukusa.
 Makikita sa layunin ng isang makataong kilos kung ito
ay masama o mabuti. Dito mapapatunayan kung bakit
ginawaonilayon ang isang bagay.
 Ayon kay Aristotle, ang kilos o gawa ay hindi agad
nahuhusgahan kung masam o mabuti.
 Ang pagiging mabuti o masama nito ay nakasalalay sa
intensyon kung bakit ginawa ang isang bagay.
 Ayon kay Santo Tomas, hindi lahat ng kilos ay
obligado. Ang isang gawa o kilos ay obligado
lamang kung ang hindi pagtuloy sa paggawa nito
ay may masamangmangyayari.
 Dapat piliin ng tao ang mas mataas nakabutihan
– ang kabutihan ng sarili at ng iba, patungo sa
pinakamataas nalayunin.
 Ang makataong kilos ay maaaring mabawasan o
kaya ay mauwi sa pagiging isang ordinaryong
kilos dahil sa mga salik na nakaaapekto rito.
 Ito ay tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na
dapat taglay ng tao.
 ito ay may dalawang uri: nadaraig (vincible) at hindi
nadaraig (invincible).
 Ang kamangmangan na nadaraig ay ang kawalan ng
kaalaman sa isang gawain subalit may pagkakataon na
maaaring itama kung gagawa ng paraan upang malaman
at matuklasanito.
 Ito ay ang dikta ng bodily appetites, pagkiling sa isang
bagay o kilos o damdamin.
 Maituturing ito na paglaban sa masidhing damdamin sa isip-
para bang ang pangangailangan ng masidhing damdamin ay
mas matimbang kaysa sa dikta ng isip.
 Ito ay ang malakas na utos ng senses of appetite na abutin
ang kanyang layunin.
 Tumutukoy ito sa pasidhinh pag-asam o paghahangad na
makaranas ng kaligayahan o kasarapan at pag-iwas sa mga
bagay na nagdudulot ng paghihirap o sakit.
 Ang masidhing damdamin o passion ay normal na
damdamin subalit ang tao ay may pananagutan
upang pangasiwaan ang kanyang emosyon at
damdamin dahil kung hindi, ang mga emosyon at
damdaming ito ang mangangasiwa sa tao.
 Ang paghubog ng mga positibong damdamin at
maays na pagtanggap sa mg alimitasyon sa
buhay ay isan gdaan upang mapangasiwaan ang
damdamin.
 Ang masidhing damdamin ay maaaring nauuna o
kaya’y nahuhuli.
 Ang nauuna ay damdamin na nadarama o
napupukaw kahut hindi niloob o sinadya. Ito ay
umiiral bago pap man gawin ang isang kilos. Ang
kilos sa ilalim ng damdaming itoo ay hindi malaya
kaya ito ay kilos ng tao o act of man.
 Ang nahuhuli naman ay damdaming sinasadyang
mapukaw at inalagaan kaya ang kilos ay sinadya,
niloob, atmaypagkukusa.
 Bago pa isagawa ang kilos ay dapat na
magkaroon ng panahon upang labanan nang mas
mataas na antas na kakayahan – ang isip – upang
mawala ang sidhi ng damdamin.
 Ang pagkatakot ay isa sa mga halimbawa ng masidhing
silakbo ng damdamin. Ito ay pagkabagabag ng isip ng
tao na humaharap sa anumang uri ng pagbabanta sa
kanyang buhay o mga mahal sa buhay.
 Tumutukoy din ito sa pagpataw ng pwersa gaya ng
pananakit o pagpapahirap sa gawain ng isang tao ang
kilos na labag sa kanang kalooban.
 Ito ay ang pagkakaroon ng panlabas na pwersa
upang pilitin ang isang tao na gawin ang isang
bagay na labag sa kanyang kilos-loob at
pagkukusa.
 Ito ay maaaring gawin ng isang taong may
malakas naimpluwensiya.
 Ito ang mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at
naging bahagi na ng isang sistema ng buhay sa
araw-araw.
 Ito ang mga bagay na nakasanayan na gawin
 Ang gawi ay hindi kailanman nakapagpapawala
ng kapanagutan sa kahihinatnan ng makataong
kilos.
 Maraming gawa o kilos ang tinatanggap na ng lipunan
dahil sa mga ito ay may bahagi na pang-araw-araw na
gawaing mgatao.
 Bilang bahagi ng sistema, may posibilidad na ituring ang
mga ito na katanggap-tanggap na kilos na noong una ay
hindi naman.
 Nangangahulugan na may maliit at malaking pananagutan
para sa mga maliliit at malalaking bagay na nagawa.

You might also like