You are on page 1of 8

LAGUMANG PAGSUSULIT

ARALING PANLIPUNAN 10 - MGA KONTEMPORARYONG ISYU


Taong Pampanuruan 2022-2023

I. Piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang.

1. Ito ay tumutukoy sa pangmalawakang integrasyon o pagsasanib ng iba’t ibang prosesong


pandaigdig.
A. Globalisasyon B. Transisyon C. Migrasyon D. Urbanisasyon
2. Anong pangyayari ang lubos na nagpapabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?
A. Ekonomiya B. Globalisasyon C. Migrasyon D. Paggawa
3. Maaaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito?
A. Ekonomikal B. Sikolohikal C. Sosyo-kultural D. Teknolohikal
4. Ang mga bansang miyembro ng ASEAN ay nabigyan ng pagkakataong mapabilis ang pagangat
ng kanilang ekonomiya. Pinapaigting ang koordinasyon ng bawat bansang kaanib
upang higit na maayos ang _________.
A. edukasyon, pamumuhunan at isports
B. pamumuhunan, pagkakaibigan at pananampalataya
C. pamumuhunan, kalakalan at pagtutulungang politika
D. pamumuhunan, pagpapayaman at pagtutulungang politikal
5. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na “binago ng globalisasyon
ang lugar ng trabaho ng mga manggagawang Pilipino?”
A. Pag-angat ng kalidad ng manggagawang Pilipino.
B. Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas.
C. Paggamit ng mga Automated Teller Machine (ATM).
6. Pagdagsa ng mga dayuhang namumuhunan sa buong bansa sa pagdagsa ng mga dayuhang
mamumuhunan sa bansa bunsod ng globalisasyon, ipinatupad nila ang mura at kakayahang
umangkop sa paggawa sa bansa na nakaapekto sa kalagayan ng mga manggagawang Pilipino.
Alin sa mga pahayag ang dahilan ng paglaganap nito sa bansa?
A. Maipantay ang suweldo ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.
B. Makabuo pa ng maraming trabaho para sa mga manggagawang Pilipino.
C. Pag-iwas ng mga mamumuhunan sa krisis dulot ng labis ng produksiyon sa iba’t ibang
krisis.
D. Maibaba ang presyo sa mga produktong iluluwas na gawa sa bansa sa pandaigdigang
kalakalan.
7. Bakit maituturing na isyung panlipunan ang globalisasyon?
A. Patuloy nitong binabago ang kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan.
B. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at politikal na aspekto.
C. Naaapektuhan nito ang mga maliliit na industriya at mas higit na pinauunlad ang mga
malalaking industriya.
D. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga “perennial”
na institusyon na matagal nang naitatag
8. Batay sa kasunod na dayagram, ano ang ipinahihiwatig nito?

A. Magkakaugnay ang ekonomiya, politika at sosyo-kultural sa pamumuhay ng tao.


B. Saklaw ng globalisasyon ang aspektong ekonomikal, politikal at kultural.
C. Globalisasyon ang sentro ng pamumuhay ng tao.
D. Globalisasyon ang susi sa suliranin ng lipunan
9. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa isang paraan ng mga kapitalista o mamumuhunan upang
palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ngmababang
pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa?
A. Business Process Outsourcing C. mura at flexible labor
B. Subcontracting D. job mismatch
10. Ilan sa mga MNCs at TNCs na pag-aari ng mga Pilipino ay nakarating sa iba’t ibang panig ng
mundo. Alin sa sumusunod ang hindi pag-aari ng Pilipino?
A. Jolibee B. McDonalds C. San Miguel Corporation D. Unilab
11. Ang kompanyang ABC ay kukuha ng serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang bayad
na siyang gagawa ng mga serbisyong kailangan upang maisakatuparan ang inaasahang
kalabasan ng negosyo. Ano ang tawag dito?
A. fair trade B. outsourcing C. pagtulong sa bottom billion D. subsidy
12. Ang sumusunod ay manipestasyon ng globalisasyon sa anyong teknolohikal at sosyokultural
maliban sa isa. Alin dito?
A. E-commerce C. paggamit ng mobile phones
B. pagsunod sa KPop culture D. pagpapatayo ng JICA building
13. Isang paraan ng mga kapitalista upang palakihin ang kanilang kita ay sa pamamagitan ng mura
at flexible labor. Paano nila isinasagawa ang paraang ito?
A. mababang pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa
B. mataas na pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa
C. mababang pagpapasahod pero may ekstensiyon ang paggawa
D. mataas na pagpapasahod pero may ekstensiyon ang paggawa
14. Ano ang pinakaangkop na paglalahad sa integrasyon ng mga bansa dahil sa globalisasyon?
A. mabilis na ugnayan ng mga bansa
B. paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig
C. mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga bantang magdudulot ng pinsala
D. nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon ang mga bansa
15. Isa sa perspektibo o pananaw sa globalisasyon ay ang paniniwalang ito ay taal o nakaugat na sa
bawat isa. Ano ang totoo sa pananaw na ito?
A. Ang pananaig ng kapitalismo bilang isang sistemang pang-ekonomiya.
B. May tiyak na pinagmulan ang globalisasyon at ito ay makikita sa pag-unlad ng tao.
C. Ang paghahangad ng tao sa maayos na pamumuhay na nagtulak sa kanyang makipagkalakalan.
D. Maraming “globalisasyon” na ang dumaan sa mga nakalipas na panahon at ang
kasalukuyan ay makabago na
16. Ang globalisayon ay nagdulot ng maraming suliranin sa paggawa. Alin sa sumusunod ang
HINDI kabilang?
A. Demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa na globally standard.
B. Mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa
pandaigidigang pamilihan.
C. Ang palagiang pangingibang bansa ng mga artista para magbakasyon o umiwas sa mga intriga
na ipinupukol sa kanila ng mga taong galit sa kanila.
D. Binago ng globalisasyon ang pook pagawaan at mga salik ng produksiyon tulad ng pagpasok ng
iba’t ibang gadget, computer/IT programs, complex machines at iba pang makabagong kagamitan
sa paggawa.
17. Sa pagdagsa ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa bunsod ng globalisayon ipinatupad nila
ang mura at flexible labor sa bansa na nakaapekto sa kalagayan ng mga manggagawang Pilipino.
Alin sa mga pahayag ang dahilan ng paglaganap nito sa bansa?
A. Maipantay ang sweldo ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.
B. Makabuo pa ng maraming trabaho para sa mga manggagawang Pilipino.
C. Pag-iwas ng mga mamumuhunan sa krisis dulot ng labis na produksiyon sa iba’t ibang krisis.
D. Maibaba ang presyo sa mga produktong iluluwas na gawa sa bansa sa
pandaigdigang kalakalan.
18. Bakit nahikayat ang mga namumuhunan na pumasok sa bansa na nagdulot naman ng iba’t
ibang isyu sa paggawa?
A. Marami silang kamag-anak dito sa Pilipinas.
B. Nais ng pangulo na magkaroon ng negosyo ang lahat ng Pilipino.
C. Masyadong maluwag ang gobyerno natin sa mga dayuhang namumuhunan sa bansa.
D. Mabilis na pagdating at paglabas ng mga puhunan ng mga dayuhang namumuhunan na mas
nagpatingkad ng kompetisyon sa hanay ng mga dayuhang kompanya at korporasyon sa bansa.
19. Isa sa mga kinakaharap na isyu sa paggawa sa Pilipinas ay ang pag-iral ng sistema ng mura at
flexible labor. Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa konsepto ng mura at flexible
labor?
A. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na bigyan ng kalayaan ang mga manggagawa sa pagpili ng
kanilang magiging posisyon sa kompanya.
B. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na ipantay ang kanilang kinikita at tinutubo sa
pagpapatupad ng malaking pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
C. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa
pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng
mga manggagawa.
D. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa
pamamagitan ng pagpapatupad ng malaking pasahod at pagpapahaba sa panahon ng paggawa
ng mga manggagawa.
20. Ang pagpasok ng Pilipinas sa mga usapin at kasunduan sa mga pandaigdigang institusyong
pinansyal tulad ng IMF-WB at WTO ay lalong nagpahina sa kita ng mga lokal na magsasaka. Alin
sa sumusunod na pahayag ang sumusuporta dito?
A. Ang mga produktong agrikultural ay malayang naiaangkat sa ibang bansa.
B. Ang mga dayuhang produktong agrikultural ay malayang naibebenta sa mga lokal na pamilihan sa
mababang halaga.
C. Ang mga lokal na de-kalidad na produkto tulad ng mangga at saging ay itinatanim at nakalaan
lamang para sa ibang bansa.
D. Ang mga lupaing mainam na taniman ay sumasailalim sa land conversion at
pinatatayuan ng iba’t ibang dayuhang industriya.
21. Isa sa mga isyung kinakaharap ng bansa sa paggawa kaugnay ng paglaki ng unemployment at
underemployment ay ang paglaki ng job-mismatch? Bakit ito nangyayari?
A. Dahil sa kakulangan sa iba’t ibang kasanayan ng mga manggagawang Pilipino
B. Ang mga kursong pinili ng mga mag-aaral ay taliwas sa kanilang interes at kakayahan.
C. Dahil sa kulang ang kaalaman ng mga nagtapos sa kolehiyo batay sa itinakda ng
kompanya.
D. Hindi makasabay ang mga nakapagtapos ng kolehiyo sa dapat na kasanayan at
kakayahan na kailangan ng kompanya.
22. Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang suliranin tulad ng paglitaw
ng iba’t ibang anyo ng kontraktuwalisayon. Paano madaling naipataw ng mga kapitalista ang
patakarang ito?
A. Sa pamamagitan ng kasunduan ng mga bansa sa pandaigdigang kalakalan
B. Binigay ito na probisyon ng pandaigdigang institusyon pinansyal sa Pilipinas.
C. Sa pamamagitan ng mga probisyon ng batas sa pamumuhunan, kalakalan, at batas paggawa.
D. Sa pamamagitan ng kasunduan ng mga kapitalista at mga collective bargaining unit.
23. Ayon sa ulat ng International Labor Organization (ILO) noong 1992 at 1997, mas dumarami ang
bilang ng na-eempleyo sa bansa bilang kaswal o kontrakwal kaysa sa permanente bunsod ng
mga polisiya tungkol sa flexible working arrangement ng pamahalaan sa mga pribadong
kompanya sa hanay ng sekto ng serbisyo, sub-sektor nito at ng mga TNC’s. Ano ang iyong
mahihinuha sa ulat na ito?
A. Ito ay bunsod ng mataas na pamantayan ng mga dayuhang kompanya sa pagpili ng mga
manggagawa upang maging regular.
B. Ito ay bunsod mahigpit na patakaran ng pamahalaan sa mga dayuhang kompanya sa Pilipinas
kaya’t mura at flexible ang paggawa sa bansa.
C. Ito ay bunsod ng matinding pangangailangan ng trabaho sa bansa kaya’t kahit mura at flexible
labor ay hinayaan ng pamahalaan na magpatupad ang mga pribadong kompanya nag awing
kaswal ang mga manggagawang Pilipino.
D. Ito ay bunsod ng pinaluwag na mga patakaran ng pamahalaan kagaya ng pagpayag sa iskemang
subcontracting at tax incentives upang makahikayat ng mas maraming dayuhang kompanya na
magtayo ng mga negosyo at serbisyo sa bansa.
24. Alin sa sumusunod ang HINDI naging epekto ng paglaganap ng pandemiyang COVID-19?
A. Paglaganap ng turismo sa bansa.
B. Pagbaba ng Gross Domestic Product growth at pagtaas ng budget deficit.
C. Patuloy na pagtaas ng tanto ng kawalan ng empleyo sa iba’t ibang panig ng daigdig na
nakaapekto nang lubos sa ekonomiyang pambansa.
D. Pansamantalang itinigil ang pasukan ng mga paaralan upang mapangalagaan ang mga mag-
aaral sa lumalalang pagdami ng mga nahahawa sa sakit na ito.
25. Isa sa mga naidulot ng globalisasyon ay pagtaas ng demand ng bansa para sa iba’t ibang
kasanayan sa paggawa na globally standard. Paano ito tinutugunan ng ating bansa?
A. Pagdaragdag ng sampung taon sa basic education ng mga mag-aaral
B. Pagtatayo ng mga paaralan na maglilinang sa mag-aaral upang maging globally competitive.
C. Pagdaragdag ng mga asignatura sa sekondarya na may kinalaman sa kalakalan at
pagmamanupaktura.
D. Pagdaragdag ng dalawang taon sa basic education at lilinangin sa mga magaaral ang mga
kasanayan na pang ika-21 siglo upang sila ay maging globally
competitive.
Para sa bilang 26-27, gamitin ang chart na makikita sa ibaba.
26. Sa taong 2019, alin sa sumusunod na sektor ang may pinakamaliit na bilang ng
naempleyo?
A. Agrikultura B. Industriya C. Serbisyo D. Lahat ng nabanggit
27. Sa taong 2018, anong sektor ang may pinakamataas na bilang ng naempleyo?
A. Agrikultura B. Industriya C. Serbisyo D. Lahat ng nabanggit
28. Ang sakit o virus na nagmula sa Wuhan, China ay kumakalat maliban ______________.
A. sa pamamagitan ng isang metrong distansya sa mga taong may sintomas ng sakit na ito.
B. sa pamamagitan ng pag-ubo o pagbahing ng isang taong may sakit na ito na hindi nakasuot ng
facemask.
C. sa pamamagitan ng malapitang pakikisalamuha sa taong may sakit na ito na walang suot na
facemask.
D. sa pamamagitan ng pagsagap ng mga maliliit na talsik ng laway mula sa pagsasalita ng taong
positibo sa sakit na ito.
29. Ano ang migrasyon?
A. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar.
B. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dahil sa kaguluhan ng mga mamamayan
C. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi inaasahang pangyayari sa lugar
na pinagmulan.
D. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo
sa isang lugar pansamantala man o permanente.
30. Anong bansa ang may pinamakaraming migranteng Pilipino?
A. Canada B. Malaysia C. Saudi Arabia D. United States of America
31. Sino ang pangunahing naaapektuhan kapag nangibang-bansa ang parehong mga
magulang?
A. Mga anak B. kapitbahay C. kamag-anak D. alagang hayop
32. Ano ang katuturan ng akronim na OWWA?
A. Overseas Workers Welfare for All C. Overseas Workers Welfare Administration
B. Overseas Workers Welfare Authority D. Overseas Welfare of Workers Administration
33. Anong suliranin ang tumutukoy sa kondisyon ng tao kung saan mayroon siyang kakulangan sa
mga pangunahing pangangailangan na nag-uudyok sa kanya upang mandarayuhan?
A. Kahirapan B. Katiwalian C. Polusyon D. Prostitusyon
34. Ano ang maaaring maging epekto kapag nagdagsaan ang mga tao sa mga lungsod?
A. Paglobo ng populasyon sa mga lungsod
B. Pagbaba ng populasyon sa mga lungsod
C. Pananatili ng populasyon sa mga lungsod
D. Pagdomina ng mga taga-probinsiya sa mga lungsod
35. Sino ang mga binansagang “economic migrants”?
A. Iyong mga naiwang miyembro ng pamilya ng mga OFWs.
B. Iyong mga tumakas mula sa kanilang bansa dahil sa matinding karahasan o di kaya ay kaguluhan
C. Iyong mga naghahanap ng mas magandang pagkakataon upang mapaunlad ang kanilang
kabuhayan.
D. Iyong mga eksperto na mas piniling mangibang-bansa dahil sa kawalan ng oportunidad sa
bansang pinagmulan
36. Ang mga Ilocano ang may pinakamalaking bilang ng migrante sa Hawaii – karamihan sa
kanila ay pinetisyon ng mga unang Ilocano na nanirahan doon. Anong dahilan ng migrasyon
ang inilalarawan dito?
A. Paglayo o pag-iwas sa kalamidad
B. Panghihikayat ng mga kamag-anak
C. Pagnanais na makaahon mula sa kahirapan
D. Paghahanap ng payapa at ligtas na lugar na matitirhan
37. Alin sa mga sumusunod na kalagayan ang di-mabuting bunga ng migrasyon sa mga papaunlad
na bansa gaya ng Pilipinas?
A. Brain Drain B. Economic Migration C. Integration D. Multiculturalism
38. Ano ang maaaring maging negatibong epekto sa mga anak kung ang parehong magulang ay
nasa ibang bansa?
A. Ang mga anak ay maaaring mapariwara dahil sa kawalan ng oras ng mga magulang.
B. Ang mga anak ay makapagtatapos ng pag-aaral dahil sapat ang pangangailangang
pinansiyal.
C. Mapahahalagahan ng mga anak ang lahat ng sakripisyo ng kanilang mga magulang para sa
kanila.
D. Masisiguro ang magandang kinabukasan ng mga anak dahil sa pagsusumikap ng mga magulang
na nasa ibang bansa.
39. Alin sa sumusunod ang maaaring maranasan ng ating mga kababayan sa kanilang
pagtatrabaho sa ibang bansa?
A. Diskriminasyon B.Sexual exploitation C. Parehong A at B D. Wala sa A at B
40. Lahat ng sumusunod ay dahilan ng pangingibang-bansa ng mga Pilipino maliban sa isa.
Alin dito ang hindi kabilang?
A. Kawalan ng oportunidad sa Pilipinas.
B. Maki-uso sa mga kakilalang nangibang-bansa.
C. Manirahan kasama ang mga mahal sa buhay sa ibang bansa.
D. Mas magandang trabaho at mas mataas na sahod sa ibang bansa.
41. Mababa lamang ang tinapos ni Maria kaya napilitan siyang mamasukan bilang isang domestic
helper sa Singapore. Ito ay bunsod ng kadahilanang wala siyang mapasukang trabaho sa
Pilipinas dahil sa mababang kwalipikasyon. Alin sa mga dahilan ng migrasyon ang naglalarawan
sa kalagayan ni Maria?
A. Pumunta sa bansa o lugar na pinapangarap.
B. Makaranas ng pamumuhay sa lungsod o sa mga urban areas.
C. Panghihikayat ng mga kamag-anak na matagal ng naninirahan sa ibang bansa.
D. Magkaroon ng trabaho dahil walang mapasukang trabaho sa bansang pinagmulan.
42. Daan-daang pamilya ang nasa gymnasium ng lungsod dahil sa pinangangambahang pag-
landfall ng Bagyong Domeng sa loob ng 48 oras. Alin sa sumusunod ang inilalarawang dahilan ng
migrasyon sa ibinigay na sitwasyon?
A. Lumayo o umiwas sa kalamidad.
B. Pumunta sa bansa o lugar na pinapangarap.
C. Magandang oportunidad gaya ng kabuhayan at kita.
D. Makaranas ng pamumuhay sa lungsod o urban areas.
43. Kamakailan ay naging laman ng pandaigdigang balita ang paglusob ng mga makakaliwang grupo
sa lungsod ng Marawi. Ano ang ugnayan ng paglusob ng mga grupong ito sa migrasyon?
A. Ang mga tao ay umiiwas sa kalamidad kaya nangyayari ang migrasyon.
B. Ang mga tao ay walang mapasukang trabaho kaya nangyayari ang migrasyon.
C. Ang mga tao ay nakararanas ng malnutrsiyon kaya nangyayari ang migrasyon.
D. Ang mga tao ay naghahanap ng payapang lugar kaya nangyayari ang migrasyon.
44. Ano ang kasunduang naging dahilan kung bakit ang mga nagsipagtapos ng mga engineering
degree sa Pilipinas ay hindi nagiging engineer sa mga bansang lumagda nito?
A. Bologna Accord C. Monroe Doctrine
B. K-to-12 Curriculum D. Washington Accord
45. Ano ang ipinatupad na reporma ng pamahalaan ng Pilipinas noong 2010 upang maiakma
ang Kurikulum ng Basic Education ng bansa sa pamantayang global?
A. Bologna Accord C. Monroe Doctrine
B. K-to-12 Curriculum D. Washington Accord
46. Ang mga sumusunod ay kalimitang ugat ng pandarayuhan ng mga Pilipino, maliban sa isa. Alin
sa mga ito ang hindi kabilang?
A. Maghanapbuhay na may mataas na sahod.
B. Makapamasyal at makapaglibang sa mga makasaysayang pook.
C. Paghihikayat ng mga kamag-anak na nakatira na sa ibang bansa.
D. Matuto o mapag-aralan ng makabagong kasanayan at kakayahan.
47. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng dahilan ng migrasyon?
A. Digmaang sibil C. Kawalan ng trabaho sa pamayanan
B. Pagkawasak ng pamilya D. Mas magandang oportunidad sa ibang bansa
48. Marami sa mga pamilya ng OFW ay nakararanas ng pangungulila sa kanilang kaanak na
humahantong sa pagkawasak nito. Alin sa sumusunod ang mabisang paraan upang sila ay
matulungan?
A. Bigyan ng sulat
B. Makisimpatya sa kanila
C. Bigyan sila ng load na pantawag
D. Magtayo ng isang samahan ng mga pamilya ng OFW upang gumabay sa kanila
49. Alin sa mga sumusunod ang hindi totoo tungkol sa Bologna Accord?
A. Hango ang pangalan nito sa isang unibersidad sa Italy.
B. Mabilis na naiaakma ang kurikulum ayon sa hinihingi ng industriya.
C. Nilagdaan ito sa Vienna ng iba’t ibang Ministro ng Edukasyon ng 29 na bansa.
D. Naglalayon ang kasunduan sa pag-aakma ng kurikulum ng bawat isa upang ang nagtapos sa
bansa ay madaling matanggap.
50. Sa kabila ng mga banta sa kalagayan ng mga migranteng manggagawa marami pa ring
mga Pilipino ang nangingibang bansa. Alin sa sumusunod ang hindi prayoridad ng mga
Pilipino upang umalis ng bansa?
A. Upang makatulong sa pag-ahon ng pamilya sa kahirapan
B. Ang magkaroon ng pagkakataon na manirahan sa ibang bansa
C. Upang maging domestic workers at magkaroon ng maayos na trabaho
D. Ang makapaglakbay sa ibang bansa ay isang karanasan na hindi matutumbasan
51. Suriin ang infographic sa ibaba. Alin sa sumusunod ang totoo tungkol sa infographic?

Larawan 1. Mga Bansang nangungunang Destinasyon ng mga Landbased OFW


Halaw sa Philippine Statistics Authority. Infographics on Net Primary Income. Retrieved from
https://psa.gov.ph/infographics/subject-area/... on June 30, 2020.
A. Ang mga OFW ay pang-landbased lamang.
B. Mas maraming OFW ang pumunta sa UAE kaysa sa Saudi Arabia.
C. Karamihan ng mga OFW na landbased ay pumupunta sa Gitnang Silangan.
D. Ang mga OFW ay mas pinipiling pumunta at magtrabaho sa kalapit bansa tulad ng Saudi Arabia
at UAE.
52. Si Lucy ay isang dating domestic worker sa Lebanon. Ayon sa kaniyang panayam, kinukulong
siya ng kaniyang amo sa loob ng bahay na sarado ang mga bintana at pinto. Inuutusan siyang
gumising ng alas-kuwatro ng umaga at matutulog ng ala-una ng madaling araw. Minsan, isang
buong magdamag siyang namalantsa ng mga damit ng kaniyang amo. Ano ang naging sitwasyon
ni Lucy?
A. forced labor B. human trafficking C. remittance D. slavery
53. Bakit kinakailangan ng ibang mga magulang ang magtrabaho at mapalayo sa kanilang pamilya?
A. Gusto nilang gastusin ang pera nila dahil sobra-sobra na ito para makapamasyal.
B. Gusto nilang mag-abroad dahil sa kanilang mga anak at asawa, sa kabila nito ay para sa
ikauunlad ng kanilang pamumuhay.
C. Gusto nilang masiyahan dahil makapamamasyal sila sa mga magagandang lugar na
mapupuntahan dahil sa pagtatrabaho nila sa ibang bansa.
D. Gusto nilang makapagpundar ng mga mamahaling ari-arian at maiangat ang kanilang
pamumuhay at apihin ang dating nang-api sa kanila
54. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng positibong epekto na naidulot ng migrasyon sa
isang pamilya?
A. Pagkakaroon at pagtangkilik ng imported na kagamitan.
B. Makapaglibang at makapamasyal sa mga magagandang lugar.
C. Pag-usbong ng makabago at mas mabilis na paraan ng komunikasyon.
D. Matutugonan ang mga pangangailangang pangkabuhayan para maitaguyod ang mas
maginhawang pamumuhay ng pamilya.
55. Ang pamilya ni Jun-jun ay nabubuhay sa pagsasaka, dahil sa mababang kita tuwing anihan kaya
napagpasyahan niyang mangibang bansa at iniwan na lang ang sakahan sa kanyang mga
kapatid. Hindi naman siya nangulila sapagkat may komunikasyon naman siya sa mga ito. Alin sa
mga sumusunod ang naging epekto ng migrasyon sa buhay ni Jun-jun?
A. Ang pagtangkilik sa gawang dayuhan.
B. Ang posibilidad na maging dayuhan sa sariling bayan.
C. Ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ng magkakapatid.
D. Ang pagbabago ng tradisyonal na pamilya sa transnasyunal na pamilya.
56. Ang mga kabataan ngayon ay mahilig sa mga banyagang musika na mula sa Amerika, Espanya
at Korea. Sa kadahilanang ito, mangilan-ngilan na lamang ang tumatangkilik sa musikang Pinoy.
Ano ang pinakamabisang paraan upang maiwasan ang negatibong epekto nito lalo na sa
pagpapahalaga ng mga kabataang Pilipino?
A. Ang pagtangkilik sa sariling gawang Pilipino.
B. Ang hindi pagtanggap sa mga pagbabagong dulot ng globalisasyon.
C. Huwag papansinin ang mga makabagong teknolohiya at pamamaraan sa buhay.
D. Ang malalim na pagkakahubog ng mga magulang sa mga anak ukol sa mga
pagpapahalaga at kultura bilang isang tunay na Pilipino
57. Si Anna ay isang domestic helper sa Macau at naiwan niya ang dalawang anak at ang asawang si
Eloy sa Pilipinas. Halos maglilimang taon na siya doon at kahit pa marami siyang ginagawa ay
nabibigyang oras pa rin niya ang pamilya upang kausapin ang mga ito araw-araw. Sa sitwasyon
nila, ano ang epektibong paraan upang maiwasan at mapaghandaan nila ang epekto ng
migrasyon sa kanilang pamilya upang hindi ito mauwi sa paghihiwalay?
A. Ang pagkakaroon ng mga counseling centers.
B. Panatilihin ang bukas na komunikasyon sa isa’t isa.
C. Ang madalas na pag-uwi ng asawang nagtatrabaho sa ibang bansa.
D. Pagkakaroon ng matatag na pagmamahalan, respeto, at tiwala sa isa’t isa
1. A 29. D
2. D 30. D
3. B 31. A
4. B 32. C
5. A 33. A
6. C 34. A
7. A 35. C
8. A 36. B
9. B 37. A
10. B 38. A
11. B 39. C
12. D 40. B
13. A 41. D
14. D 42. A
15. C 43. B
16. C 44. D
17. D 45. B
18. D 46. B
19. C 47. B
20. B 48. D
21. B 49. C
22. A 50. D
23. A 51. C
24. A 52. A
25. D 53. B
26. B 54. D
27. C 55. D
28. A 56. D
57. A
58.

You might also like