You are on page 1of 3

Sitwasyon C

Matapos bumili ng CD’s ng paborito mong mang – await,


napagpasiyahan mong kumain muna bago umuwi sa inyong bahay. Nang
binilang mo ang iyong pera, napansin mong hindi nai - punch ng kahera
sa record store ang isa sa mga CD’s. May kamahalan ang halaga nito,
kaya Malaki ang natipid mo. Pagbalik mo sa tindahan, mahaba na ang
pila ng mga bumibili at nagbabayad . Naisip mong hindi mo na ito
pagkakamali at gamitin na lang ang sobrang pera na pambili ng pagkain
mo at pasalubong sa iyong kapatid. Sa kabilang banda alam mo na rin
na maaaring mapagalitan ang kahera at ibawas sa kaniyang sweldo ang
halaga ng CD na hindi mo nabayaran ano ang gagawin mo?

 Kung ako si Carl, gagawin ko pa ring isauli ang pitaka, dahil kahit na
ganoong gipit kami ng aking ina at kailangang-kailangan namin ng
pera hindi parin iyon ang magigigng dahilan ko para hindi isauli ang
pitaka, dahil marami pa namang mga paraan para mabayaran namin
ang upa at hindi ko dudungisan ang aking kamay at ang aking
konsensya para lamang mabayaran ang upa ng aming bahay at
para lamang masabi na ako’y nakatulong. Oo nga’t nakatulong ako
sa aking ina, pero ang tanong sa tamang paraan ko ba nakuha ang
pera at nakatulong ba talaga ako sa aking pamilya? Ito ang
malaking itinuro sa akin ng aking magulang na dapat laging maging
tapat, at dapat gawin ang tama kahit na alam mo na may problema
kayo sa pamilya, dahil kahit na nakatulong ka sa pamilya mo ang
konsensya mo parin ang babagabag sa iyong puso at isipan.

 Kung ako si Abby, gagawin ko ang tama at nararapat, kahit na isa


sa aking mga kaibigan ang masasaktan. Dahil kung gagawin ko ang
pananahimik sa mahabang panahon, konsensiya ko naman ang
babagabag sa aking puso at isipan.kaya’t ang aking gagawin ay
sasabihin sa aking guro ang ginawang kamalian ni Paula, para
mawala ang konsensya na aking nadarama at matuto na rin ang iba
na huwag gawin ang ganitong gawain.

 Ang gagawin ko sa ganitong sitwayon ay, gagawin ko pa ring isauli


ang pera at sabihin sa kahera na siya’y nagkamali at kung mahaba
man ang pila sa tindahan,pipila at maghihntay pa rin ako, para
lamang maisauli ko ang sobrang pera. Gagawin ko iyon, hindi dahil
para maging bida o makilala,kung hindi para mabigyan ko ng aral
ang kahera para sa susunod ay hindi niya na itong magawang muli
at para mas lalo pa siyang maging alisto sa mga bagay na kanyang
ginagawa.
Sitwasyon A
May nakitang pitaka si Carl habang paakyat siya sa ikalawang palapag ng
kanilang paaralan. Nang buksan niya ito, nakita niyang naglalaman ito ng
malaking halaga, kasama ang ibang mahahalagang pagkakakilanlan ng may - ari.
Naisip ni Carl na hindi siya mahihirapang hanapin at isauli ito ngunit biglang
may naalala siya. Noong nagdaang gabi, narinig niya ang may - ari ng kanilang
inuupahang bahay na galit na galit habang kausap ang kaniyang ina. Ayon dito,

Sitwasyon B
Saksi si Abby sa madalas na pangongopya at pandaraya ni Paula sa mga
pagsususulit sa paaralan. Nitong nakaraang markahan, tinanghal si Paula bilang
isa sa Top 10 sa kanilang klase. Magkaklase sila mula elementarya kaya’t
itinuturing na rin ni Abby na kaibigan si Paula. Ngunit nakaramdam siya ng
lungkot at panghihinayang para kay Jenny na isa na rin niyang kaibigan sa
klase. Mahusay na mag - aaral si Jenny at higit siyang nararapat na itinghal sa
mapasama sa Top 10. Ayaw ni Abby na mapagalitan at mapahamak si Paula
kung magsusumbong siya, ngunit maaaring magpatuloy ang gawaing ito at
tuluyang mawalan ng pagkakataon si Jenny na mabigyan ng parangal. Kung ikaw
si Abby, ano ang gagawin mo?

You might also like