You are on page 1of 19

10

Ikala
Ikalawa
wan
ng Markaha
kahan-Modyul
Modyul 11-Wee
Week 1
1:

Mitolohiyang Kanluranin
Filipino– Grade 10
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan-Modyul 11-Week 1 Mitolohiyang Kanluranin
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng ADM Modyul

Manunulat: Analee D. Lumbang


Editor: Angela Lou R. Perez
Tagasuri: Cherry G. Vinluan, EdD, EPS-Filipino
Celia R. Lacanlale, PhD, Chief, CID
Tagaguhit: Carlo D. Yambao, Timothy M. Bagang (Cover Arts and Icons)
Tagalapat: Roland M. Suarez, Manuel D. Reyes Jr.
Tagapamahala: Zenia G. Mostoles, EdD, CESO V-Schools Division Superintendent
Leonardo C. Canlas, EdD-Assist. Schools Division Superintendent
Rowena T Quiambao, Assist. Schools Division Superintendent
Celia R. Lacanlale, PhD, Chief, CID
Cherry G. Vinluan, EdD, EPS-Filipino
Ruby Murallo Jimenez, PhD, EPS-LRMS
June D. Cunanan, ADM Division Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon III – Division of Pampanga

Office Address: High School Boulevard, Brgy. Lourdes,


City of San Fernando, Pampanga
Telephone No: (045) 435-2728
E-mail Address: pampanga@deped.gov.ph
Alamin
Isang maganda at mapagpalang buhay sa lahat!

Ang buhay ay walang katapusang paglalakbay. Lahat ay patuloy na


nagpupunyaging dumukal ng karunungan at pandayin ang sariling
kakayahan. Hindi alintana ang mga balakid na maaaring kaharapin.

Ang pagbibigay halaga sa nilalaman ng modyul na ito ay patunay na


ikaw ay buong tapang na hinaharap ang anumang hamon sa buhay. Maging
positibo lamang ang pananaw sa buong yugto ng iyong paglalakbay sa
araling ito. Sa pagtahak mo sa araling ito, nawa’y sikapin mong surrin at
unawain ang bawat bahagi o nilalaman nito nang may galak at pag-asang
maihatid ka sa tuwid na landas at katagumpayan sa buhay.

Sa Modyul na ito ay matatalakay at matutunan natin ang tungkol sa:

MGA TEKSTONG BABASAHIN: A. Mitolohiya at ang Sikolohiyang Pilipino,


B. Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante

Narito ang mga kasanayang malilinang sa iyo sa pagtahak sa araling ito:

1. Nailalahad ang mga pangunahing paksa at ideya batay sa napakinggang usapan


ng mga tauhan
(F10PN – IIa – b-71)
2. Naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan
(collocation)
(F10PT – IIa – b-71)
3. Nabubuo ang sistematikong panunuri sa mitolohiyang napanood
(F10PD – IIa – b-69)
4. Naihahambing ang mitolohiya mula sa bansang kanluranin sa
mitolohiyang Pilipino
(F10PU – IIa – b-73)

1
Subukin

PAANO: Suriin ang bawat pahayag. Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ito ay
sumasalamin sa mitolohiya at ekis (X) kung hindi.

1. Ang maaaring tumalakay sa pagkakalikha ng daigdig.

2. Karaniwang mamamayan ang pangunahing tauhan.’

3. Nagpapamalas ng relasyon ng tao sa mga diyos o diyosa.

4. Binubuo ito ng mga kabanata.

5. Ang kuwento ay naganap sa matandang panahon.

6. Nagpapahayag ng sariling pananaw sa isang isyu.

7. Maiuugnay ang tagpuan sa kulturang kinabibilangan.

8. Naipaliliwanag ang natural na mga pangyayari.

9. Inilalarawan ang pag-uugali ng tao.

10. Ito ay walang aksyong umuunlad.

11. Dapat bigkasin sa harap ng nakararami.

12. Naglalaman ng mga paniniwalang panrelihiyon.

13. Binubuo ng mga taludtod.

14. Ang pangunahing tauhan ay may pambihirang kapangyarihan.

15. Nagtataglay ng mga aral sa buhay.

2
Lesson
MITOLOHIYANG KANLURANIN
1
MASINSINANG PAGBASA!

Unawain ang isang artikulo mula sa isang online blog na nagpapakita ng


pagkakaiba at impluwensya ng mitolohiyang Kanluranin sa mitolohiyang
Pilipino.

Balikan

PANUTO: Hanapin sa loob ng puzzle ang mga salitang may kaugnayan sa


mitolohiya. Bilugan ang mga nahanap na salita.

C D I Y O S I R T P
D A H N U Q W W Y A
U I A N D R E I O N
Z G D M T Y O K I I
G D G P R O K L S N
H I S C T A N D Y I
I G T O O I O A J W
Y A T G S I N W Q A
E I A N A L E E T L
D O K U L T U R A A

Mitolohiya at ang Sikolohiyang Pilipino


Pag-intindi sa Pilipinong Indibidwal Gamit ang ating
Mitolohiya

Gumamit ng pilosopiya si Sidney Carls-Diamante upang maipaliwanag


kung paano naimpluwensiyahan ng ating mitolohiya ang kaugalian at pag-

3
iisip ng pangkaraniwang Pilipino. Maraming nabanggit ang may-akda, ngunit
iilan lamang ang tatalakayin sa bahaging ito.
Una, nangangatwiran siya na, sa kulturang Kanluran, magkaiba ang
espasyo ng mga tao at ng mga mitolohiyang nilalang (tulad lamang ng Diyos):
ang mundo natin at ang kanila. Ngunit naiiba ang kulturang Pilipino
sapagkat para sa atin ang mga nilalang na ito at ang mga tao ay nasa iisang
espasyo lamang. At dahil dito, mas mahirap para sa mga taga-Kanluran na
maniwala agad sa konsepto ng isang Diyos, kaya’t kadalasan ay
nangangailangan pa sila ng dahilan at katwiran upang mapaniwala. Pero para
sa mga Pilipino, ang pagkakaroon ng mga ganitong nilalang ay mas madaling
tanggapin bilang katotohanan dahil nga sa pag-iisip na isa lamang ang
espasyong ginagalawan ng pareho.
Pangalawa, para sa mga taga-Kanluran, ang oras at panahon ay
maituturing bilang isang linya at samakatuwid ay may mga hangganan
(simula at dulo), ngunit para sa atin, ang oras ay maaaring maihahambing sa
isang gulong (cyclical) at sa ibang salita ay wala talagang duluhan.
Mapapansin ito sa paniniwala nating masama na mapa-ibig ang isang
engkanto/espiritu, sapagkat kapag sila’y napangasawa ay nangangahulugan
itong pang-habang buhay nang magkasama ang taong iyon at ang engkanto.
Bilang resulta ng konseptong ito, ang oras bilang cyclical, mayroon tayong
positibong pagtingin sa buhay. Tulad ng sikat na ideya ng “gulong ng palad,”
may mga pagkakataong masama ang kalagayan natin, ngunit maasahan
namang ito ay magbabago at gaganda. At dahil rin sa ganitong paningin, mas
madali nating nahaharap ang ano mang sitwasyon o paghihirap na isang
katangian na madalas na iniuugnay sa mga Pilipino.
Pangatlo, kadalasang ginagawang batayan ng Pilipino ang ganda upang
husgahan ang kabutihan at pagkatao ng isang indibidwal. Ito ay dahil
iniuugnay natin ang kapangitan sa mga tulad ng tikbalang, tiyanak, at
aswang – na maituturing bilang mga masasamang nilalang. Kaya’t bilang
resulta, mas ginagalang natin ang mayroong magagandang hitsura. Ngunit
dahil rin sa ganitong paniniwala, mas madali tayong nalilinlang ng mga tulad
ng engkanto.
Pang-apat, malakas ang konsepto natin ng kapatiran, kaya’t kadalasan
ay nakikialam rin tayo sa mga problema ng ating kapitbahay at ng iba pang
miyembro ng ginagalawan nating komunidad. Ito ay maaaring resulta ng
paniniwala natin na ang isang taong hindi marunong makihalubilo at
makisama ay kadalasang pinaghihinalaang bilang isang aswang.
Panglima, ang paniniwala natin na gumagalaw sa parehong espasyo
ang mga mitolohiyang nilalang ay nangangahulugan na malay tayo na
mayroong iginagalang na herarkiya sa lipunan, at maihahambing natin ito sa
relasyon ng mahihirap at mayayaman sa pangkasalukuyang panahon. Dahil
rin dito, nakasanayan ng mga Pilipino na mas makisama sa mga iba pang
indibidwal na kapareho ng estado sa komunidad.
Pang-anim, naniniwala tayong mayroong mga engkanto sa ating
kapaligiran na nais magdulot ng kaguluhan at kapahamakan, at kadalasang
nagiging biktima ng mga ito ay ang mga indibidwal na nag-iisa. At dahil dito,

4
nakasanayan ng mga Pilipino na parating magsama ng kaibigan o kakilala
tuwing may lakbay o ano mang gawain.
At pangpito, tulad sa mga kwentong mitolohiya, madalas nating
inuugnay ang isang gamit sa sinumang may-ari nito. Kaya’t kung paano man
nating itinatrato ang mismong bagay, ay mababasa bilang pagtrato din natin
sa nagmamay-ari. Bilang halimbawa, dahil inabuso ng katauhan ang bundok
ng Makiling, matindi ang galit ni Maria Makiling tungo sa mga tao at kaya rin
hindi na siya muling nagpakita.
Retrieved from: https://mundongmitolohiya.wordpress.com/pag-intindi-sa-pilipinong-indibidwal-gamit-
ang-ating-mitolohiya/

Tuklasin

MITOLOHIYA
Ang mitolohiya ay isang uri ng tradisyunal na salaysay na kadalasang
tumatalakay sa kultura, sa mga diyos at diyosa, at maging sa mga karanasan
at paniniwala.
Ang salitang mitolohiya ay nagmula sa salitang Griyego na mythos na
nangangahulugang kuwento. Pinaniniwalaang umusbong ang mitolohiya
nang magsimulang magtanong ang mga tao tungkol sa pagkakalikha ng
mundo at ano ang kanilang tungkulin dito.
Sa pamamamagitan ng mitolohiya ay nabibigyan ng kalinawan ang mga
kakaiba at natural na mga pangyayari sa mundo tulad ng patuloy na
pagbabago ng panahon at maging sa pagsisimula ng mga makamundong
elemento tulad ng apoy, kidlat, tagtuyot, kalamidad, at maging ang
kamatayan.

Elemento ng Mitolohiya
1. TAUHAN - ang mga pangunahing tauhan ay ang mga diyos o diyosa
na may angking kakaibang kapangyarihan.
2. TAGPUAN -kalimitang may kaugnayan sa kulturang kinabibilangan
at sinauna ang panahon.
3. BANGHAY - maaaring tumalakay ang banghay sa mga sumusunod:
➢ maraming kapana-panabik na aksiyon at tunggalian
➢ maaaring tumalakay sa pagkakalikha ng mundo
➢ nakatuon sa mga suliranin at paano ito malulutas
➢ ipinapakita ang ugnayan ng tao at ng mga diyos o diyosa
➢ tumatalakay sa mga natural na penomenang nangyayari
4. TEMA - maaaring nakatuon ang tema sa mga sumusunod:
➢ magpaliwanag sa natural na kaganapan
➢ pinagmulan ng buhay sa daigdig
➢ pag-uugali ng tao

5
➢ mga paniniwalang panrelihiyon
➢ katangian at kahinaan ng tauhan
➢ mga aral sa buhay

Mula sa Elements of Literature(Anderson et. al, 1993) at Enjoying Literature, (Ferrera et. al. , 1991)
Ambat, V.C. et. Al. (2015). Mga Akdang Pampanitikan ng South America at ng mga Bansang
Kanluranin. Panitikang Pandaigdig 10, pahina 173.

MASINSINANG PAGBASA!
Basahin at unawain ang isang halimbawa ng Mitolohiyang Kanluranin.

Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante


ni Snorri Sturluson
Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina

Napagpasiyahan nina Thor at Loki na maglakbay patungo sa Utgaro,


lupain ng mga higante, ang kalaban ng mga diyos. Kinaumagahan, sila ay
naglakbay sakay ng karuwahe na hinihila ng dalawang kambing. Nang abutin
ng gabi sa paglalakbay, nagpahinga sila sa bahay ng isang magsasaka.
Kinatay ni Thor ang dalang kambing at inilagay sa malaking kaldero. Iniluto
at inihain ito sa hapunan.
Inanyayahan ni Thor na sumalo sa kanila sa pagkain ang mag-anak na
magsasaka. Ang anak na lalaki ng magsasaka ay nagngangalang Thjalfi at
Roskva naman ang anak na babae. Inutos ni Thor sa magsasaka na
paghiwalayin ang buto ng kambing sa balat nito. Ngunit hindi sumunod ang
anak na lalaki na si Thjalfi sa halip ay kinuha ang bahaging pige at hinati ito
gamit ang kutsilyo. Kinabukasan, nagbihis si Thor, kinuha ang kaniyang
maso, itinaas ito at binentidahan ang kambing. Tumayo ang mga kambing
ngunit ang isa ay bali ang paa sa likod. Napansin ito ni Thor.
Nagalit ito nang husto at nanlilisik ang kaniyang mga mata. Gayon na
lamang ang takot ng buong pamilya. Halos magmakaawa sila kay Thor at
sinabing handa nilang ibigay ang lahat. Nang makita ni Thor kung gaano
natakot sa kaniya ang mag-anak, naglubag din ang kaniyang kalooban at
hininging kapalit ang mga anak nito. Kaya’t sina Thjalfi at Roskva ay naging
alipin niya pagkatapos.
Ang kanilang paglalakbay ay nagpatuloy patungo sa silangang bahagi
sa lupain ng mga higante. Naglakbay sila buong araw at nang abutan ng dilim
humanap sila ng matutuluyan. Doon nila nakita ang malaking pasilyo at
nagpasyang manatili roon. Hating gabi na nang gulatin sila ng malakas na
lindol, umuuga ang buong paligid at pakiramdam nila ay nagiba ang kanilang
kinatatayuan. Nang siyasatin nila ang paligid ay nakakita sila ng isang silid.
Natakot ang mga kasama ni Thor kaya’t binunot niyaang kaniyang maso at
humanda sa pakikipaglaban. Maya-maya pa ay nakarinig sila nang malakas
na ungol. Kinaumagahan, nakita ni Thor sa labas ang isang higante.
Natutulog ito at umuungol nang malakas. Akmang pupukpukin ni Thor
ng kaniyang maso ang higante nang bigla itong magising. Tinanong ni Thor

6
ang pangalan ng higante. Siya raw si Skrymir at nakikilala niya si Asa-Thor.
Tinanong nito kung inalis ba ni Thor ang kaniyang guwantes. Noon nalaman
ni Thor na higante na pala ang kanilang tinulugan at ang hintuturo nito ang
inaakalang silid.
Tinanong ni Skrymir si Thor kung maaari siyang sumama sa kanilang
paglalakbay at ito ay pumayag naman. Nang buksan na ni Skrymir ang baon
niyang bag at humandang kumain ng almusal wala ang baon nina Thor at ito
ay nasa ibang lugar. Napagkasunduan nila na pagsamahin ang kanilang mga
baon. Pumayag si Thor, kaya’t pinagsama ni Skrymir ang kanilang mga baon
sa isang bag at ibinuhol ito. Sa kanilang paglalakad nauuna ang higante
dahil sa malalaki nitong hakbang, sila ay nagpahinga sa isang malabay na
puno. Napagod ang higante kaya’t ito’y nakatulog agad at napakalakas
humilik. Kinuha ni Thor ang baon nilang bag at inalis ang buhol nito ngunit
hindi niya maalis kaya’t uminit ang kaniyang ulo at agad kinuha ang
kaniyang maso at pinukpok sa ulo ang higante. Nagising si Skrymir at
inaakalang may nalaglag na dahon sa kaniyang ulo, tinanong si Thor kung
sila ay kumain na. Sinabi nitong tapos na. Nang handa nang matulog lumipat
sila ng ibang puno. Hatinggabi na nang marinig na naman ni Thor ang
malakas na hilik ng higante. Nagising si Thor, kinuha ang kaniyang maso at
muling pinukpok ang higante.
Nagising ang higante at tinanong kung may acorn ba na nahulog sa
kaniyang ulo. “Ano ang nangyayari sa iyo Thor?” sabi ng higante. Sinabi
nitong siya ay naalimpungatan lamang at mahaba pa ang oras para matulog.
Naisip niya na kapag pinukpok niya sa pangatlong beses si Skrymir ay
maaaring hindi na nito kayanin kaya’t hinintay niyang muling matulog ang
higante.
Kinabukasan, habang natutulog pa ang higante ay hinugot ni Thor ang
maso sa ulo nito. Napatayo si Skrymir, kinamot ang kaniyang pisngi at
nagwika kung may mga ibon ba sa itaas ng puno. Nang siya ay magising tila
may mga nahuhulog na dahon sa kaniyang ulo. “Gising ka na ba Thor?” wika
niya. Oras na upang bumangon at magbihis. Malapit na kayo sa kaharian ni
Utgaro. Narinig ko kayong nagbubulungan na ako ay walang kuwentang
higante. Kung makararating kayo kay Utgaro makikita ninyo ang malalaking
tao roon. Bibigyan ko kayo ng mabuting payo. Huwag kayong magpapakita
ng pagmamataas kay Utgaro Loki,” sabi pa nito.
Nagpatuloy sa paglalakbay ang grupo ni Thor hanggang makita nila ang
matibay na tanggulan. Sinubok na buksan ni Thor ang tarangkahan ngunit
hindi niya mabuksan. Nakakita sila ng mataas na pader, pinanhik iyon at
doon ay may daanan.
Nakita nila ang malalaking tao na nakaupo sa dalawang bangko. Sumunod
na araw ay kaharap na nila ang hari na si Utgaro-Loki. Nakilala niya si Thor
ang mahusay na mandirigma. “Ikaw ay malakas kaysa tingin ko lamang.
Anong kakayahan na mahusay kayo ng iyong mga kasama? Hindi namin
hinahayaan na manatili rito ang taong walang ipagmamalaki,” wika nito.
Sumagot si Loki. “Mayroon akong kakayahan na nais kong subukin.
Walang sinuman sa naririto ang bibilis pa sa akin sa pagkain.” Tinawag ni
Utgaro-Loki ang nakaupo sa dulong upuan na nagngangalang Logi. Inilagay

7
sa gitna ng mesa ang mga hiniwang karne. Magkatapat sa dulo ng mesa,
naupo ang dalawang magkatunggali. Kinain nila nang sobrang bilis ang
karne, buto na lamang ang naiwan sa parte ni Loki ngunit ni walang butong
natira sa parte ni Logi. Kaya’t malinaw na natalo si Loki sa nasabing labanan.
Sumunod na paligsahan naman ang pabilisan sa pagtakbo na
nilahukan ng batang si Thjalfi laban sa bata rin na si Hugi. Sa unang
paglalaban, masyadong malayo ang agwat ni Hugi. Inulit ito nang tatlong
beses ngunit hindi talaga maabutan ni Thjalfi si Hugi. Tinanong ni Utgaro-
Loki si Thor kung anong kakayahan naman ang ipakikita nito. Sinabi nitong
gusto niyang subukin ang labanan sa pabilisan ng pag-inom. Kaya’t tinawag
ni Utgaro-Loki ang cupbearer na dala-dala ang tambuli na madalas inuman
ng mga panauhin.
“Isang mahusay na manginginom ang makauubos nito sa isang
lagukan, ang iba ay kaya ito ng dalawa ngunit kadalasan ay nauubos ito nang
tatlong lagukan,” sabi ng pinuno ng mga higante. Hindi pinansin ni Thor ang
sukat ng tambuli dahil siya ay uhaw na uhaw. Nilagok niya nang malaki ang
lalagyan ngunit hindi na siya makahinga kaya’t nang tingnan ang lalagyan ay
parang wala pa ring nabawas. Ganito rin ang nangyari sa ikalawang lagok.
Sinabi ni Utgaro-Loki “Kailangan mong lagukin itong lahat sa
pangatlong pagkakataon. Tingin ko ay hindi ka kasinlakas ng inaasahan ko.”
Nagalit si Thor kaya’t ininom ang alak gamit ang lahat ng lakas ngunit tila
wala pa ring nabawas sa laman ng tambuli kaya’t binitiwan ito hanggang sa
matapon lahat ng laman.
“Ipinakikita lamang na ang lakas mong taglay ay hindi kasintindi tulad
ng aming iniisip. Gusto mo pa bang subukin ang iba pang uri ng
pakikipaglaban?” tanong ni Utgaro-Loki. “Anong labanan ang
maimumungkahi mo?” sagot ni Thor.
“Isang laro na paborito ng kabataan dito buhatin ang aking pusa mula
sa lupa.” Isang abuhing pusa ang lumundag sa lupa. Malaki ito ngunit
hinawakan ni Thor ang palibot ng tiyan nito at sinubok na itaas gamit ang
lahat ng lakas. Ngunit paa lamang ng pusa ang naiangat ni Thor.
“Tapos na ang labanang ito tulad ng aking inaasahan, walang laban si
Thor sa aking malaking pusa, ano pa kaya sa malalaking tao rito?” wika ni
Utgaro-Loki. “Tawagin mo na akong maliit kung gusto mo pero tumawag ka
ng sinumang makikipagbuno sa akin, galit na ako ngayon,” sabi ni Thor.
“Wala akong alam na gustong makipagbuno sa iyo ngayon pero hayaan
mong tawagin ko ang aking kinalakihang ina, ang matandang si Elli. Siya
ang labanan mo ng wrestling, marami na siyang pinatumbang mga lalaki na
tulad mong malakas.”
Hindi na dapat pahabain pa ang kuwento, habang gamit ni Thor ang
kaniyang buong lakas lalo lamang matatag ang matandang babae hanggang
mawalan ng balanse si Thor. Pumagitna si Utgaro-Loki at sinabing itigil na
ang labanan. Hindi na kailangang makipagbuno pa ni Thor kaninuman sa
tagapaglingkod. Malalim na noon ang gabi kaya’t sinamahan sila ni Utgaro-
Loki kung saan sila makapagpapahinga at inasikaso nang maayos.

8
Kinaumagahan, si Thor at ang kaniyang mga kasamahan ay nagbihis
at humanda na sa paglalakbay. Hinandugan sila ni Utgaro-Loki nang
masaganang agahan. Sa kanilang paghihiwalay tinanong ni Utgaro-Loki si
Thor kung ano ang naiisip nito sa kinalabasan ng kanilang paglalakbay at
kung may nakilala ba itong lalaki na higit na malakas kaysa kaniya (Utgaro-
Loki). Sumagot si Thor na hindi niya
maikakaila na nalagay siya sa kahihiyan sa kanilang pagtatagpo at marahil
iniiisip nito na siya ay walang halaga at hindi niya ito gusto.
Sinabi ni Utgaro-Loki, “Ngayong palabas ka na sa aking kuta ay
ipagtatapat ko sa iyo ang katotohanan, kung ako ay mabuhay at may kontrol
sa mga mangyayari, hindi mo na kailangang bumalik pa ritong muli. Sa aking
salita, ni hindi ka makakapasok dito kung alam ko lang kung gaano ka
kalakas, muntik ka nang magdulot ng kapahamakan sa aming lahat. Ngunit
nilinlang kita gamit ang aking mahika. Noong una tayong magkita sa
kakahuyan agad kitang nilapitan at nang tangkain mong alisin ang
pagkakatali ng bag hindi mo ito nagawa dahil binuhol ko ito ng alambre.
Pagkatapos noon hinampas mo ako ng iyong maso nang tatlong ulit. Ang una
ay mahina pero kung umabot ito sa akin ay patay na ako. Nang makita mo
ang burol na tila upuan ng kabayo malapit sa aking kuta kung saan naroon
ang tatlong kuwadradong lambak, ang isa ay napakalalim, ito ang marka ng
iyong maso. Inilagay ko talaga ang burol na hugis kabayo sa harap ng iyong
mga hampas pero hindi mo ito nakita.
Gayun din ang nangyari nang magkaroon ng paligsahan laban sa aking
mga tagapaglingkod. Ang una, nang kainin nang mabilis ni Loki ang mga
hiniwang karne sa sobrang kagutuman pero ano ang laban niya kay Logi na
tulad ng mapaminsalang apoy na kayang sunugin ang kakahuyan. At si
Thjalfi na lumaban ng takbuhan sa tinatawag naming Hugi, siya ay lumaban
sa aking kaisipan. Walang makatatalo sa bilis ng aking kaisipan. At noong
ikaw naman ay uminom mula sa tambuli inakala mo na ikaw ay mabagal. Sa
aking salita, anong himala na ang dulo ng tambuli ay nakakabit sa dagat pero
hindi mo ito nakita pero tingnan mo ang dagat halos masaid ang tubig nito.
Hindi rin kamangha-mangha sa akin nang maiangat mo ang paa ng
pusa sa lupa, pero para sabihin ko sa iyo ang totoo ang lahat ng nakasaksi
nito ay nahintakutan. Ang pusang iyon ay hindi totoong pusa kundi isang
Miogaro, isang ahas na ang haba ay sapat na upang yakapin ang daigdig ng
kaniyang ulo at buntot. Iniangat mo ito nang mataas halos abot hanggang
langit.
Kamangha-mangha rin nang makipagbuno ka nang matagal at
napaluhod ng isang tuhod lamang sa iyong pakikipaglaban kay Elli na wala
kahit sino mang makagagawa niyon. At ngayon tayo ay maghihiwalay mas
makabubuti para sa ating dalawa na tayo’y di na muling magkita.
Ipagpapatuloy ko ang pagtatanggol sa aking kuta gamit ang aking mahika o
anumang paraan upang hindi manaig ang iyong kapangyarihan sa akin.
Nang marinig ito ni Thor kinuha niya ang kaniyang maso upang ipukol
ngunit wala na si Utgaro-Loki. Sa kaniyang paglingon wala na rin ang kuta
kundi isang malawak lamang na kapatagan. Muli siyang lumisan at

9
ipinagpatuloy ang kaniyang paglalakbay hanggang sa makabalik sa
Thruovangar, ang mundo ng mga diyos.
Mula sa Elements of Literature nina Holt et. Al. 2008. Texas, USA.
Ambat, V.C. et. Al. (2015). Mga Akdang Pampanitikan ng South America at ng mga Bansang
Kanluranin. Panitikang Pandaigdig 10, pahina 174-177.

Suriin

UNAWAIN AT SAGUTIN!

A. PAANO: Pagsamahin ang dalawang magkaibang salita sa hugis upang makabuo


ng isang panibagong salita. Ibigay ang kahulugan at gamitin sa pangungusap.
(Maaaring gumamit ng pang-angkop kung kinakailangan.)

ASAL BALAT
KAMAY TAAS
PAWIS NOO
HAYOP SIBUYAS
HAWAK ANAK

Halimbawa: Tainga + Kawali


Taingang Kawali . Nagbibingi-bingihan.
Nagta-taingang kawali si Loki tuwing tinatawag siya ni Thor.

1. _________________+_________________ ___________________________
_______________________________________________________________________.

2. _________________+_________________ ___________________________
_______________________________________________________________________.

3. _________________+_________________ ___________________________
_______________________________________________________________________.

4. _________________+_________________ ___________________________
_______________________________________________________________________.

5. _________________+_________________ ___________________________
_______________________________________________________________________.

10
PAANO: Isulat sa patlang ang mga hinihinging impormasyon upang mabuo ang
Character Profile tungkol kay Thor.

CHARACTER PROFILE
PANGALAN ______________________________________________
TIRAHAN ________________________________________________

KAKAYAHAN O KAPANGYARIHAN __________________________________


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

PAG-IISIP ___________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

PAG-UUGALI ________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Pagyamanin

A. PAANO: Panoorin ang maikling palabas na Bakunawa at ang Pitong


Buwan na mula sa isang tanyag na Pilipinong mitolohiya. Sumulat ng isang
pagsusuri sa napanood.

11
PAALALA: Maaaring mapanood ang nasabing palabas na
gawa ng GMA fantaserye na Alamat sa youtube.com at I-
search ang Alamat: Ang Bakunawa at ang Pitong
Buwan; maaari rin namang magtungo sa sumusunod na
link o URL:
https://www.youtube.com/watch?v=3lHledCP9XU&t=2
21s o I-scan ang QR code:

TAUHAN

KATANGIANG
PISIKAL

PAKIKITUNGO SA
KAPWA

DAHILAN NG
PAKIKIPAGLABAN

PARAAN NG
PAKIKIPAGLABAN

B. PAANO:Pakinggang mabuti ang pahayag ni Bulan sa bahaging pakikipag-


usap niya sa mahal na datu. Isulat ang pangunahing paksa at ideya ng
kanilang naging usapan.

PAALALA: Maaaring mapakinggan ang nasabing palabas


na gawa ng GMA fantaserye na Alamat sa youtube.com at
I-search ang Alamat: Ang Bakunawa at ang Pitong
Buwan; maaari rin namang magtungo sa sumusunod na
link o URL:
https://www.youtube.com/watch?v=3lHledCP9XU&t=2
21s o I-scan ang QR code

ANG TIYAK NA ORAS SA NAGING PAG-UUSAP NINA BULAN AT NG MAHAL


NA DATU AY GANAP NA 1:57 HANGGANG 2:35 NG NASABING VIDEO.

PAKSA PANGUNAHING IDEYA

12
C. PAANO: Gumawa ng maikling paghahambing sa mitolohiyang napanood.
(Bakunawa at ang Pitong Buwan) sa mitolohiyang kanluraning nabasa
(Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante) batay sa mga sumusunod
na elemento.

Bakunawa at ang Sina Thor at Loki sa


ELEMENTO Pitong Buwan Lupain ng mga
Higante

TAUHAN

TAGPUAN

BANGHAY (pangyayari)

TEMA

Isaisip

PAANO: Dugtungan ang mga pahayag upang makabuo ng mahalagang


kaisipan sa aralin

1. Naniniwala ako na mahalagang pag-aralan ang Mitolohiyang


Kanluranin sapagkat
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Ang ilang pangyayari sa mitolohiya ay hindi kapani-paniwala subalit

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Sa kabuuan, mauunawaan ang kahalagahan ng mitolohiya kung pag-


uusapan ang

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

13
Isagawa

Pumili ng limang (5) pangyayari na kinaharap ni Thor at iugnay ito sa


kasalukuyang nangyayari sa lipunan.

PANGYAYARING KINAHARAP NI KAUGNAYAN SA LIPUNAN SA


THOR KASALUKUYAN
1.

2.

3.

4.

5.

RUBRIK SA BAWAT AYTEM


Pamantayan Napakahusay Mahusay (2) Katamtaman
(3) (1)
Nilalaman Matibay at Makatotohanan ang Walang konkretong
makatotohanan ang mga pangyayari pagpapatunay sa
mga pangyayaring ngunit may pag- mga pangyayaring
inilahad. aalinlangan. nabanggit.
Organisasyon Ang estruktura at May mga May malabong
konteksto ng mga kakulangan ng pagkakaugnay at
kaisipang nailahad organisasyon sa kaisahan ng diwa
ay organisado. iilang bahagi ng ang mga kaisipang
kaisapang naibaitd. nailahad.
Kaugnayan Nakapagbigay ng 2- Nakapagbigay ng 1 Walang kaugnayan
3 halimbawa ng mga halimbawa ng mga ang naibigay na
pangyayaring pangyayaring halimbawang
nagpapamalas ng nagpapamalas ng pangyayari sa
matinding matinding kasalukuyan.
kaugnayan sa kaugnayan sa
kasalukuyang kasalukuyang
panahon. panahon.

14
Tayahin

UNAWAIN AT SAGUTIN! MARAMIHANG PAGPILI:


Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot

___1. Sino ang itinuturing na pinakamalakas sa mga diyos ng Aesir?


A. Loki C. Thor
B. Skrymir D. Zeus/Jupiter
___2. Ano ang pangunahing paksa ng pag-uusap nina Thor at Utgaro-Loki?
A. katagumpayan sa digmaan
B. paramihan ng alagad
C. paramihan ng kayamanan
D. maipakita ang pambihirang kakayahan
___3. Ano ang damdaming nangibabaw kay Thor nang humupa ang galit sa
mag-anak na magsasaka?
A. awa C. saya
B. hiya D. takot
___4. Bakit nagpasya si Thor na umuwi na lamang sa kanilang kaharian?
A. may susuunging digmaan
B. nagalit nang husto sa mga higante
C. nakaramdam ng kahihiyan
D. sabik na sa mga kababayan
___5. Ano ang tema ng binasang mitolohiya?
A. pinagmulan ng buhay sa daigdig
B. paniniwalang panrelihiyon
C. kalakasan at kahinaan ng tauhan
D. magpaliwanag sa natural na pangyayari
___. Taas-noong tinanggap ni Thor ang hamon ni Utgaro-Loki sa kanya. Ano
ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit?
A. masaya C. nagmamalaki
B. nag-alinlangan D. natakot
___7. Anong katangian ang ipinamalas ni Thor sa kapasyahang bumalik na
sa kanilang kaharian?
A. marunong makisama sa kapwa
B. marunong tumanggap ng pagkatalo
C. marunong tumanaw ng utang na loob
D. tapat sa sinumpaang pangako
E.

___8. Bakit isang bayani si Thor sa kanilang kaharian?


A. pambihirang kapangyarihan
B. katapangang taglay
C. tagapagligtas ng mga mamamayan
D. lahat ng nabanggit

15
___9. Kailan naganap ang mga pangyayari sa mitolohiyang binasa?
A. kasalukuyan C. Panahon ng mga Amerikano
B. Panahon ng mga Kastila D. matandang panahon
___10. Aling pahayag ang walang kaugnayan sa mitolohiya?
A. Kapani-paniwala ang mga pangyayari
B. May mga tauhang diyos at diyosa
C. tumatalakay sa katangian ng tauhan
D. naganap noong unang panahon

Karagdagang Gawain

Sa tulong ng Concept Organizer Technique, ilahad mo ang mahahalagang


natutuhan sa Mitolohiyang Kanluranin.

MITOLOHIYANG
KANLURANIN

16
17
Tayahin Isaisip Pagyamanin (A)
1. C (sariling (sariling interpretasyon ng mag-aaral)
2. D interpretasyon o
Pagyamanin (B)
3. A ideya ng mag- PAKSA - Bakunawa
4. C aaral) PANGUNAHING IDEYA - Pagpapatunay ni
5. C Bulan na totoo at nariyan na ang Bakunawa
Isagawa
6. C (sariling sa kanilang banwa.
7. B interpretasyon o
8. D Pagyamanin (C)
ideya ng mag-
9. D aaral) (sariling interpretasyon o ideya ng mag-
10. A aaral)
Suriin (B) Suriin (A)
Alamin
Pangalan: Thor balat sibuyas=maramdamin/iyakin 1. /
Tirahan: Asgard asal hayop=masamang pag-uugali 2. X
Iba pang aytem: hawak kamay=pagtutulungan 3. /
taas noo=nagmamalaki 4. X
(sariling interpretasyon o 5. /
anak pawis = mahirap 6. X
pagkaka-unawa)
7. /
8. /
9. /
10. X
11. X
12. /
13. X
14. /
15. /
C D I Y O S I R T P
D A H N U Q W W Y A
U I A N D R E I O N
Z G D M T Y O K I I
G D G P R O K L S N
H I S C T A N D Y I
I G T O O I O A J W
Y A T G S I N W Q A
E I A N A L E E T L
D O K U L T U R A A
BALIKAN Gawain 1: Tama o Mali
Susi sa Sagot

You might also like