You are on page 1of 17

10

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan
Modyul 2: Aktibong
Pagkamamamayan

Modyul
2 Aktibong Pagkamamamayan

Ikalawang Linggo
Pamantayang Pangnilalaman:

Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa kahalagahan ng


pagkamamamayan at pakikilahok sa mga gawain pansibiko tungo sa
pagkakaroon ng pamayanan at bansang maunlad, mapayapa at may
pagkakaisa.

Pamantayang Pangkasanayan:

Ang mga mag-aaral ay nakagagawa ng pananaliksik tungkol sa


kalagayan ng pakikilahok sa mga gawaing pansibiko at politikal ng mga
mamamayan sa kanilang pamayanan.

Kakayahan sa Pagkatuto:

Naipapaliwanag ang kahalagahan ng aktibong pagkamamamayan

Paksa: Aktibong Pagkamamayan

Subukin

Magandang buhay mga butihin kong estudyante. Bago natin simulan


ang pagtatalakay sa paksang nakapaloob sa modyul na ito mas nakabubuti
na sagutin muna ang mga pagsubok para mabigyan ng panimulang ideya
ukol sa kung ano ang paksang nakapaloob sa kwarter na ito.
Paalala: Huwag munang buksan at basahin ang talakayan habang
sumasagot ka sa bahaging ito. Maging tapat sa iyong sarili.

Panuto: Piliin ang sagot mula sa pagpipilian at isulat ang titik ng tamang
sagot sa inyong sagutang papel.

1. Ang mga OFW ay nagtatrabaho sa ibang bansa. Ang kanilang kinikita


sa ibang bansa ay nakatutulong sa paglago ng ating ekonomiya. Ito ay
nagpapakita ng pagka:
A. Makabayan B. Makatao C. Matulungin D.Makasandaigdigan

2. Ito ay katangian ng isang aktibong mamamayan kung saan


isinasaalang-alang niya ang kagalingan ng kanyang sariling bansa
pati na ng sa mundo.
A. Makabayan B. Makatao C. Matulungin D.Makasandaigdigan

3
3. Ito ay isang katangian ng isang aktibong mamamayan kung saan
iginagalang ng isang mamamayan ang karapatan ng kapwa niya
mamamayan.
A. Makabayan B. Makatao C. Matulungin D.Makasandaigdigan

4. Ito ay katangian ng isang aktibong mamamayan na bukas-palad sa


kanyang kapwa lalo na ang dumaranas ng hirap sa buhay.
A. Makabayan B. Makatao C. Matulungin D.Makasandaigdigan

5. Ito ay katangian ng isang aktibong mamamayan kung saan


pinagbubuti niya ang kanyang gawain sa abot ng kanyang makakaya
at may pagkukusa.
A. Makabayan B. Makatao C. Produktibo D.Makasandaigdigan

6. Ang mga sumusunod ay katangian ng isang aktibong mamamayan


maliban sa:
A. Makabayan B. Makatao C. Maluho D. Produktibo

7. Isa sa mga sumusunod ay hindi katangian ng isang aktibong


mamamayan na bahagi ng Makabayan.
A. Tapat sa Republika ng Pilipinas
B. Handang ipagtanggol ang estado
C. Nakikipag-away sa mga may kapangyarihan
D. Sinusunod ang Saligang Batas at iba pang mga batas ng Pilipinas

8. Isa sa mga sumusunod ay kabilang sa listahan ng mga gawain na


makatutulong sa ating bansa ayon kay Atty. Lacson.
A. Laging humingi ng opisyal na resibo sa anumang binibili
B. Pagtawid sa kalsada ayon sa nakasanayan
C. Pagtapon ng basura sa ilog
D. Ipagwalang bahala ang batas trapiko

9. Ang mga sumusunod ay mga gawain na makatulong sa ating bansa


maliban sa:
A. Itapon ng wasto ang basura
B. Bumili ng bagay na smuggle.
C. Sumunod sa batas trapiko
D. Tulungan ang isang batang mahirap

4
10. Ang nakapaloob sa Artikulo 14, Seksyon 1 ng Saligang Batas 1987
ng Pilipinas ay “Ang bandila ng Pilipinas ay dapat na pula, puti at
bughaw, na may isang araw at tatlong bituin, na dinadakila at
iginagalang ng sambayanan at kinikilala ng batas.” Ito ay
nagmumungkahi na ang isang mamamayang Pilipino ay dapat:
A. Tapat sa Republika ng Pilipinas
B. Handang ipagtanggol ang estado
C. Nakikipagtulungan sa awtoridad
D. Sinusunod ang Saligang Batas at iba pang mga batas ng Pilipinas

11. Artikulo 2, Seksyon 4. Ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan


ay paglingkuran at pangalagaan ang sambayanan. Maaring tawagan
ng pamahalaan ang sambayanan upang ipagtanggol ang Estado, at sa
ikatutupad niyon, ang lahat ng mga mamamayan ay maaaring
atasang maghandog ng personal na serbisyo military o sibil, sa ilalim
ng kondisyong itinakda ng batas. Ito ay nagpapahiwatig ng:
A. Tapat sa Republika ng Pilipinas
B. Handang ipagtanggol ang estado
C. Sinusunod ang Saligang Batas at iba pang mga batas ng Pilipinas
D. Nakikipagtulungan sa mga may kapangyarihan

12. Maaring ang hindi pagtataglay nito ng mga mamamayan ay


magdudulot ng kaguluhan dahil sa hindi pagsunod nito ay
tinatanggal ang ating kapayapaan at seguridad at hinahadlangan ang
kaunlarang pang-ekonomiya.
A. Tapat sa Republika ng Pilipinas
B. Handang ipagtanggol ang estado
C. Sinusunod ang Saligang Batas at iba pang mga batas ng Pilipinas
D. Nakikipagtulungan sa mga may kapangyarihan

13. Taglay ng isang aktibong mamamayan ang pagiging matulungin sa


kapwa. Sa panahon ngayon ng pandemya, ito ay maaring ipakita sa
pamamagitan ng:
A. Palagiang paghugas ng kamay
B. Pananatili sa bahay
C. Pagbili ng maraming produkto
D. Pamimigay ng ayuda sa nawalan ng trabaho

5
14. Piliin ang pangungusap na naglalarawan ng pagiging produktibo.
A. Si Karding ay nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.
B. Sa pagkatanggal ni Jose sa trabaho ay nagtayo siya ng isang maliit
na tindahan mula sa kanyang naipon.
C. Si Pedro ay nawalan ng trabaho kaya hinihintay niya ang ayuda
galing sa pamahalaan
E. Tumuloy muna ang buong pamilya ni Deodoro sa kanyang
magulang ng magkaroon ng pandemya.

15. Ang pangungusap na naglalarawan sa pakikipagtulungan sa mga


may kapangyarihan.
A. Nakiusap si Angelika sa mga kapitbahay na tulungan siya sa
pamimigay ng pagkain sa kalsada.
B. Sumapi si Nena sa isang organisayon na ngbibigay ng libreng
pagkain
C. Hiningi ni Lorna ang tulong ng barangay at kapulisan para
bantayan ang kaayusan ng pamimigay niya ng tulong sa mga
nawalan ng trabaho
D. Kumuha ng maraming itlog sa community pantry si Anita para
bigyan ang kanyang mga kapamilya.

Aralin 1: Aktibong Pagkamamamayan

Alamin

Isang malugod na pagbati mga butihing estudyante, isa na namang


makabuluhang paglalakbay ang tatahakin natin at tuklasin ang mga
bagong kaalaman na tiyak ay marami kayong matutunan. Halina at
simulan ang paglalakbay sa ikaapat na markahan. Sa bahaging ito,
matutunghayan mo ang konsepto ukol sa aktibong pagkamamamayan.
Maisaisa natin ang katangian ng isang aktibong mamamayan.

Upang magkaroon ng mas komprehensibong pagkatuto kayo ay


inaasahan na maisagawa ang mga sumusunod:

1. natutukoy ang mga katangian na dapat taglayin ng isang aktibong


mamamayan;
2. nasusuri ang mga gawain ng isang aktibong mamamayan; at
3. napahahalagahan ang papel ng isang aktibong mamamayan para
sa pagbabagong panlipunan.

6
Balikan

Punan ang Patlang: Makikita sa ibaba ang kahon na naglalaman ng


pagiging mamamayang Pilipino at dahilan ng pagkawala ng
pagkamamamayan. Punan ito ng tamang sagot.

Pagiging Mamamayang Pilipino Dahilan ng Pagkawala ng


ayon sa Saligang Batas ng 1987 Pagkamamamayan
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.

Pamprosesong Tanong
1. Ano-ano ang batayan ng pagiging isang mamamayang Pilipino?
2. Ano-ano ang dahilan para mawala ang pagkamamamayan ng isang
indibiduwal?
3. Gaano kahalaga ang isang mamamayan sa lipunang Pilipino?

Tuklasin at Suriin

Kung babalikan natin ang naunang modyul, ang pagkamamamayan


ay binigyang kahulugan bilang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang
miyembro ng isang pamayanan o estado. Ang pagkamamamayan ng isang
indibiduwal ay nakabatay sa pagtugon niya sa kaniyang mga tungkulin sa
lipunan at sa paggamit ng kanyang karapatan para sa kabutihang panlahat.

Paano nga ba nakatutulong ang isang mamamayan sa kanyang


lipunan? Hindi ba kayo nababagabag sa tanong na ito? Naging taga
pagmasid lang ba kayo o aktibong naging bahagi ng lipunang inyong
ginagalawan?

Tandaan, hindi lamang tagamasid sa mga pagbabagong nagaganap sa


lipunan ang isang mamamayan. Bilang bahagi ng isang lipunan ay may mga

7
karapatan at tungkuling dapat gampanan, inaasahan siya na magiging
aktibong kalahok sa pagtugon sa mga isyung kinakaharap ng lipunan.

Sa naunang modyul ay nalaman mo ang kahulugan ng


pagkamamamayan. At ang kaakibat nito na mga pananagutan at tungkulin.
Ngayon para mas mapayaman ang iyong kaalaman sa aralin, mahalagang
matukoy ang kahulugan ng aktibong pagkamamamayan at ang katangian
na dapat taglayin nito.

Mga Katangian na Dapat Taglayin ng isang Aktibong Mamamayang


Pilipino

1. Makabayan
Ang Pilipinas ay ang bayan na ating kinagisnan at bahagi ng ating
tungkulin bilang mamamayan ng bansa ay sikapin ang pagbubuklod at
pagkakaisa. Sa ating pagsisikap, maipakikita natin ang bukal sa pusong
pagmamahal sa bayan at tunay na pakikibuklod sa ating mga
kababayan. Isa rin sa likas na pagkakakilanlan at tunay na pagpapakita
ng pagkamakabayan natin ang pananatili ng pagbabayanihan sa
panahon ng mga kalamidad at mga suliranin at hamon na ating
kinahaharap.

A. Tapat sa Republika ng Pilipinas – Bilang mamamayang Pilipino,


kailangang may ganap tayong tiwala sa Republika ng Pilipinas.
Handa tayong magmalasakit at maglingkod sa bansa laban sa mga
sinumang ibig magpabagsak dito. Kasama sa pagpapakita ng
tiwala sa republika ay ang paggalang sa bandila at pambansang
awit.
B. Handang ipagtanggol ang estado – Maraming paraan ang maaaring
gawin ng mamamayan upang maipagtanggol ang bansa tulad ng
mga ginawang pagtatanggol ng ating mga ninuno at bayani. Bilang
bahagi ng estado, isa ito sa ating mahalagang tungkulin.
C. Sinusunod ang Saligang Batas at iba pang mga batas ng Pilipinas –
Kailangang sundin ng bawat mamamayan ang Saligang Batas at
iba pang batas upang manatiling maayos ang kaunlaran at interes
ng bansa sa pamamagitan nito.
D. Nakikipagtulungan sa mga may kapangyarihan – Kailangang
makipagtulungan ang mga mamamayan sa mga may
kapangyarihan upang mapanatili ang kaayusan at mapangalagaan
ang katarungan sa ating lipunan.

8
2. Makatao
Bawat tao ay may karapatan na dapat igalang, isaalang-alang,
at matugunan o protektahan. Bilang mga mamamayan, dapat nating
itaguyod ang karapatan ng bawat isa. Sa pamamagitan nito
naipakikita natin ang pagmamahal sa iba at pagrespeto sa kanilang
katangian, kapakanan, at dignidad bilang tao.

3. Produktibo
Ang pagiging masipag at matiyaga ay ugali na nating mga
Pilipino noon pa man. Ang aktibong mamamayan ay nagtatrabaho sa
maayos at tamang paraan. Pinagbubuti niya ang anumang gawain sa
abot ng kanyang makakaya at ng may pagkukusa. Natatapos niya
nang maayos ang mga gawain sa tamang oras. Ginagamit niya nang
wasto ang bawat oras sa kapakipakinabang na gawain.

4. Matatag, may lakas ng loob at tiwala sa sarili


Nakatutulong ito sa pagiging mapagpunyagi, matiyaga, at
masikap. Kailangan ito para sa kakayahang harapin at
pagtagumpayan ang anumang pagkabigo o paghihirap sa buhay tulad
ng mga nararanasan ng ating mga sundalo sa pagharap ng panganib
dulot ng mga terorista. Ito rin ay nararanasan ng mga nagiging
biktima ng mga karahasan at kalamidad.
5. Matulungin sa kapwa
Ang aktibong mamamayan ay tumutulong sa kapwa upang
makapamuhay nang marangal, mapayapa at masagana. Nakikita ang
pagkamatulungin nating mga Pilipino sa panahon ng mga kalamidad,
sakuna, aksidente, at iba pa. Gaano man ito kaliit o kalaki,
naipakikita natin ang ating pagtulong sa iba’t ibang bagay.

6. Makasandaigdigan
Ang aktibong mamamayan ay mamamayan ng kanyang bansa
gayon din ng mundo. Isinasaalang-alang niya ang kagalingan ng
kanyang sariling bansa pati na ng sa mundo.

Bilang aktibong mamamayan napakamainam sana na taglay natin


ang mga nabanggit na katangian at higit sa lahat ay naisasagawa natin ang
mga ito. Karagdagan sa mga katangiang inilahad ni Atty. Alex Lacson sa
kanyang librong “12 Little Things Every Filipino Can Do to Help Our
Country” (2005) ang labindalawang gawain na maaring makatulong sa ating
bansa. Mga payak man na gawain pero ito ay maaring magdulot ng
pagbabago. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Sumusunod sa batas-trapiko. Sumunod sa batas.

9
2. Laging humingi ng opisyal na resibo sa anumang binibili.
3. Huwag bumili ng mga bagay na smuggle. Bilhin ang mga lokal na
produkto. Bilhin ang gawang-Pilipino.
4. Positibong magpahayag ng tungkol sa atin gayundin sa sariling
bansa.
5. Igalang ang nagpapatupad ng batas-trapiko, pulis at iba pang
lingkod-bayan.
6. Itapon nang wasto ang basura. Ihiwalay. Iresiklo. Pangalagaan.
7. Suportahan ang inyong simbahan.
8. Tapusin nang may katapatan ang tungkulin sa panahon ng eleksyon.
9. Maglingkod nang maayos sa pinapasukan.
10. Magbayad ng buwis.
11. Tulungan ang isang iskolar o isang batang mahirap.
12. Maging mabuting magulang. Turuan ng pagmamahal sa bayan ang
mga
anak.

Isaisip

Ang isang aktibong mamamayan ay nagtataglay ng mga katangian na


hindi lamang nakakatulong sa sarili at higit sa lahat ay nakatutulog sa
kabutihan ng lahat at sa pag-unlad ng bayan nating minamahal. Dumaan
man ang pagsubok katulad ng nangyayari ngayon na pandemya ay
magiging katulad tayo ng kawayan na maaring yumuko pero hindi nababali.
Bagkus tayo ay nagiging matibay sa pagdaan ng panahon. Bilang pag-asa
ng ating bayan naway maisasaisip mo kung gaano ka kahalaga.

Sagutin ang mga tanong at isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Paano ka makatutulong sa pag-unlad ng ating pamayanan?
2. Gaano kahalaga ang papel mo sa pag-unlad ng ating bayan?

10
Isagawa/Pagyamanin

Gawain 1: Gumawa ng isang proyekto na nagpapakita ng pagiging isang


aktibong mamamayan sa panahon ngayon ng pandemya na makatutulong
sa iyong komunidad. Gawin ito sa isang short bond paper.

Titulo ng
Proyekto
Layunin

Mga
Kailangan
Mga
kasangkot
Paraan sa
Pagsasagawa

Inaasahang
Petsa sa
Pagsasagawa

Gawain 2: Basahin ang artikulo at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

NAG-UMPISA ang community pantry sa Maginhawa St. sa Quezon City na


sinimulan ni Ana Patricia Non noong nakaraang linggo. Isang maliit na table
na gawa sa kawayan ang nilagyan niya ng bigas, gulay, itlog, delata, kape,
vitamins at iba pa. Nakasaad sa nakasabit na karatula: “Magbigay ayon sa
kakayahan, Kumuha batay sa pangangailangan.”

Isang araw makaraang ilagay ang Maginhawa pantry, dumagsa ang


magbibigay ng tulong. May magsasaka mula sa Tarlac na nagbigay ng isang
sakong kamote. Kinabukasan, may mga mangingisda na nagbigay ng huling
tilapia.

Ang pantry sa Maginhawa ay bukas mula 6:00 a.m. hanggang 6:00 p.m.
Kahapon, maagang-maaga pa lamang ay marami nang nakapila sa pantry
upang makakuha ng kanilang pangangailangan. Sabi ni Patricia, “Di nito
masasagot ang root cause ng kagutuman pero okay na rin na pantawid
gutom sa mga nangangailangan. Mahirap magtrabaho, mag-aral at lumaban
habang kumakalam ang tiyan.”

Ang sinimulan ni Patricia ay mabilis na kumalat. Sabi nga ng isang pari,


isang mabuting virus ang mabilis na kumakalat ngayon. Hindi mapigilan

11
ang pagkalat ng virus na pawang mahihirap at mga kapuspalad ang
nakikinabang. Nakakaligtas sila sa kagutuman dahil sa proyektong ito.

Nagsulputan na kung saan-saan ang community pantries. Mainit na


tinanggap. Lumaganap. Umabot na hanggang sa mga probinsiya. Dagsa ang
mga nagbibigay sa pantry. Bayanihan na ang nangyari. Ang mga aning
gulay at huling isda ay pinakikinabangan ng mamamayan.

Ang pagsulpot ng community pantry ay magandang pambukas sa isipan ng


mga nakakaluwag at sobra-sobra ang biyaya sa buhay. Maaaring
makatulong sa pamamagitan ng mga itinayong pantry. Da-dalhin lamang
doon ang ipamamahagi at marami nang makikinabang. Marami nang
kumakalam na sikmura ang malalamnan. Hindi na kailangang lumayo pa
para makatulong sa mga nangangailangan.

Lumawak pa sana ang nasimulan sa Maginhawa para mayroon namang


guminhawa sa panahon ng pandemya.

The Philippine Star Editoryal – Nagsulputan na ang community pantry April 20, 2021 - 12:00am

Mga Tanong

1. Anong katangian ng isang aktibong mamamayan ang ipinakikita dito?

2. Para sa iyo, gaano ba kahalaga ang pagiging isang aktibong


mamamayan?

Tayahin

Panuto: Gamit ang iyong sagutang papel. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng isang aktibong


mamamayan?
A. Makabayan B. Makadiyos C. Maluho D.Makakalikasan

2. Ano ang katangoang ipinakikita ng isang overseas contract worker na


ang kinikita ay nakatutulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa?
A. Makabayan B. Makatao C. Matulungin D.Makasandaigdigan

3. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng pagka-


makasandaigdigan?
A. Isinaalang-alang ang sarili C. Isinaalang-alang ang bayan
B. Isinaalang-alang ang kapwa D. Isinaalang-alang ang mundo

12
4. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng pagiging makatao?
A. Inuuna ang sariling kapakanan C. Tumutulong sa ilang
kapitbahay
B. Iginagalang ang karapatan ng kapwa D. Iginagalang ang
kalikasan

5. Alin sa mga sumusunod na mga gawain ang makatulong sa ating


bansa?
A. Itapon kahit saan ang basura
B. Sumunod sa batas trapiko
C. Bumili ng bagay na smuggle
D. Nagbibigay barya sa mga bata sa lansangan

6. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng aktibong mamamayan na


bukas-palad sa kanyang kapwa?
A. Makabayan B. Makatao C. Matulungin D.
Makasandaigdigan

7. Alin ang nagpapakita ng konsepto ng pagkaproduktibo?


A. Ginagawa ang gawaing bahay
B. Pumupunta sa maraming pasyalan
C. Tumutulong sa mga gawain ng kapit-bahay
D. Gumagawa sa abot ng makakaya at may pagkukusa

8. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng isang aktibong


mamamayan na bahagi ng makabayan?
A. Tapat sa kanyang sarili at kapwa
B. Handang ipagtanggol ang estado
C. Sinusunod ang kanyang kagustuhan
D. Nakikipag-away sa traffic enforcer dahil sa jay walking

9. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa listahan ng mga


gawain na makatulong sa ating bansa ayon kay Atty. Lacson?
A. Pagbabayad ng buwis
B. Pagtapon ng basura sa tamang lugar
C. Pagtawid sa kalsada ayon sa nakasanayan
D. Laging humingi ng opisyal na resibo sa anumang binibili

13
10. Ang nakapaloob sa Artikulo 14, Seksyon 1 ng Saligang Batas 1987
ng Pilipinas ay “Ang bandila ng Pilipinas ay dapat na pula, puti at
bughaw, na may isang araw at tatlong bituin, na dinadakila at
iginagalang ng sambayanan at kinikilala ng batas.” Ano ang
ipinapahiwatig nito?
A. Handang ipagtanggol ang estado
B. Pagiging tapat sa Republika ng Pilipinas
C. Nakikipagtulungan sa mga may kapangyarihan
D. Sinusunod ang saligang batas at ipa pang mga batas ng Pilipinas

11. Alin sa mga sunusunod ang nagpapakita ng pagiging matulungin sa


kapwa lalo na ngayong panahon ng pandemya?
A. Pananatili sa bahay C. Pagbili ng maraming produkto
B. Palagiang paghugas ng kamay D. Pagtulong sa nawalan ng
trabaho

12. Alin ang pangungusap na naglalarawan sa ng hindi


pakikipagtulungan sa mga may kapangyarihan?
A. Nakiusap si Angelika sa konseho ng barangay na tulungan siya sa
pamimigay ng pagkain sa kalsada.
B. Sumangguni si Elsa sa kapulisan upang ipagbigay alam ang
kanyang nasaksihang krimen
C. Hiningi ni Lorna ang tulong ng barangay at kapulisan para
bantayan ang kaayusan ng pamimigay niya ng tulong sa mga
nawalan ng trabaho
D. Kumuha ng maraming itlog sa pantry si Anita para bigyan ang
kanyang mga kaanak.

13. Artikulo 2, Seksyon 4. Ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan


ay paglingkuran at pangalagaan ang sambayanan. Maaring tawagan
ng pamahalaan ang sambayanan upang ipagtanggol ang Estado, at sa
ikatutupad niyon, ang lahat ng mga mamamayan ay maaaring
atasang maghandog ng personal na serbisyo military o sibil, sa ilalim
ng kondisyong itinakda ng batas. Ano ang ipinababatid nito?
A. Tapat sa Republika ng Pilipinas
B. Handang ipagtanggol ang estado
C. Nakikipagtulungan sa mga may kapangyarihan
D. Sinusunod ang Saligang Batas at iba pang mga batas ng Pilipinas

14
14. Alin sa mga sumusunod ang dapat taglay ng mga mamamayan
upang mapanatili ang kapayapaan, seguridad at ang kaunlarang
pang-ekonomiya?
A. Tapat sa Republika ng Pilipinas
B. Handang ipagtanggol ang estado
C. Sinusunod ang Saligang Batas at iba pang mga batas ng Pilipinas
D. Nakikipagtulungan sa mga may kapangyarihan

15. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging produktibo sa


gitna ng pandemya?
A. Si Kardo ay nawalan ng trabado dahil sa pandemya.
B. Sa pagkatanggal ni Maria sa trabaho ay nagtayo siya ng isang
maliit na tindahan mula sa kanyang naipon.
C. Si Jose ay nawalan ng trabaho kaya hinihintay niya ang ayuda
galing sa pamahalaan
D.Tumuloy muna ang buong pamilya ni Deodoro sa kanyang
magulang ng magkaroon ng pandemya.

Karagdagang Gawain / Takdang Aralin

Noong ika-16 ng Disyembre naranasan ng bahagi ng Visayas at Mindanao


ang bagsik ng Bagyong Odette. Naging saksi ka sa panagyayaring ito.
Naging tagapagmasid ka sa kilos ng mga tao at kaganapan sa iyong paligid.
Ibahagi mo ang isang sitwasyon na naranasan mo na kung saan
nagpapakita o naglalarawan ng isang pagiging aktibong mamamayan ng
isang tao sa iyong paligid sa pinsalang naidulot ng Bagying Odette. Maari
mo itong ibahagi sa pamamagitan ng isang kanta, sanaysay, tula, poster,
collage o anumang midyum gamit ang digital na pamamaraan. Gawain sa
isang short size bondpaper na may kaukulang margin. Ipasa sa susunod na
linggo. Gawing batayan ang rubrik para sa pagmamarka.

15
Balikan:
Pagkamamamayan ayon sa Saligang Batas 1987 ng Pilinas
1.Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagkakapatibay
ng Konstitusyong ito;
2.Yaong ang mga ama o mga ina ay mga mamamayan ng Pilipinas;
3. Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga
ina ay Filipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa
karampatang gulang; at
4. Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
Pagkawala ng Pagkamamamayan
1.Naging naturalisadong mamamayan ng ibang bansa;
2.Naglingkod sa sandatahang panlakas ng ibang bansa;
3.Sumumpa ng katapatan sa saligang batas ng ibang bansa; at
4.Tahasang pagtatakwil sa bansang unang kinabibilangan.
Susi sa Pagwawasto
pagkakagawa.
pagkakagawa. pagkakagawa. ang pagkakagawa.
Magulo ang Ordinaryo ang Napakamasining Masining ang Pagkakagawa
mensahe. mensahe. mensahe
detalye ng detalye ang mensahe. detalye ng
kulang sa kulang sa detalye ng kulang sa
Maraming May ilang Kompleto ang May isang Kompleto
mensahe.
ng mensahe. ang detalye ng
mensahe.
mensahe. sa mga detalye dalawang mali
detalye ng
Mali ang May mga mali May isa oWasto ang Kawastuhan
mensahe. mensahe.
mensahe. ang mensahe. malinaw ang
nailahad ang
Malabo ang May kalabuan Hindi gaanong
Malinaw na Paglalahad
(1)
Pagsasanay (2) (3) (4)
Dagdag na Katamtaman Mahusay Napakahusay Pamantayan
Kailangan ng
Rubrik para sa Pagmarka
Sanggunian

• Evangeline M. Dallo, E. D. (2017). Kayamanan - Kontemporaryong Isyu. Quezon


City: Rex Printing Company Inc.

• Ronaldo Ba. Mactal, PhD. (2017). Padayon 10 - Mga Kontemporaryong Isyu.


Quezon City: Phoenix Publishing House

• Module sa Araling Panlipunan - Kontemporaryong Isyu. (n.d.). Kagawaran ng


Edukasyon.

• officialgazette.gov.ph

• https://www.philstar.com/pang-masa/punto-
mo/2021/04/20/2092337/editoryal-nagsulputan-na-ang-community-pantry

final copy (11/21/21)

17

You might also like