You are on page 1of 4

Learning Activity Sheets in FILIPINO -10

Ikaapat na Markahan

Ang paghahambing ay isang paraan ng paglalarawan ng dalawa o higit pang katangian o


kalagayan. Isa rin itong pamamaraan sa pag-uugnay ng maaaring magkaiba o magkatulad na
katangian o
kalagayan.

Pahambing o Komparatibo- Ginagamit ito kung naghahambing ng dalawang antas o lebel ng


katangian ng tao, bagay, ideya, pangyayari at iba pa.

Dalawang Uri ng Paghahambing:


a. Pahambing na magkatulad – Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas
na katangian. Gumagamit ito ng panlaping ka, magka, ga, sing, kasing, magsing, at magkasing at
mga salitang paris, wangis/kawangis, gaya, tulad, hawig/kahawig, mistula, mukha/kamukha.

magka- nangangahulugan din ng kaisahan o pagkakatulad


Halimbawa: Magkakutis porselana ang kambal na sina Ana at Ena.

sing- (sim-/sin-) nagagamit sa lahat ng uri ng paghahambing na magkatulad


Halimbawa: Simbilis ng kidlat tumakbo ang mga manlalaro.

Ang maramihang sing- ay naipapakita sa pag-uulit ng unang pantig ngsalitang-ugat.


kasing- (kasin-/kasim-) ang paggamit at kahulugan ay katulad din ng sing,
(sin/sim). Pansining kapag ginamit sa pangungusap, ganito ang huwaran ng pagkabuo:
kasing + salitang ugat + ng/ni + pangngalan + si/ang + pangngalan.
Halimbawa: Kasintalino ni ate si kuya.

magsing- (magkasing-/magkasim) ang pinagtutulad ay napipisan sa paksa ngpangungusap.


Halimbawa: Ang dalawang basketbolista ay magkasintangkad

ga-(gangga-)-nangangahulugan ng gaya, tulad, paris


Halimbawa: Ganggamunggo ang pawis na tumulo sa kaniyang mga noo
b. Pahambing na Di-Magkatulad – nagbibigay ito ng diwang pagkakait, pagtanggi o pagsalungat sa
pinatutunayang pangungusap.

Dalawang Uri ng Hambingang Di-Magkatulad:


a. Hambingang Pasahol – may higit na katangian ang pinaghahambingan sa bagay na
inihahambing. Ito ay ginagamitan ng mga panlaping lalo, di-gasino, di gaano at di totoo.

Lalo – nangangahulugan ng pagdaragdag o pagpapahigit sa kulang nakatangian. Sinusundan ito ng


katuwang na panghambing na kaysa kay - kung ngalang tao ang pinaghahambing, /kaysa/ kaysa
sa – kung ngalang bagay/ pangyayari.
Halimbawa: Lalong nakatatakot ang mga pangyayari sa paligid ngayon kaysanoon.

Di-gasino – tulad ng ginagamit sa paghahambing ng uri o katangian ng mga tao.


Sinusundan ito ng alinman sa mga katagang naghahambing kabilang ang gaya, tulad, para o paris
na sinusundan ng panandang ni.
Halimbawa: Di-gasinong malawak ang pang-unawa ng mama gaya ng ale.

Di-gaano – tulad ng di-gasino subalit sa mga hambingang bagay lamang ginagamit.


Halimbawa: Di-gaanong mabilis ang takbo ng dyip na nasakyan ko kahapon kaysa kaninang
umaga.

Di-totoo – nangangahulugan ng pagtawad o pagbabawas sa karaniwang uri.


Nagagamit itong pamalit sa di-gasino at-di-gaano.
Halimbawa: Di-totoong wala nang taong nagmamalasakit sa kapwa sa panahon ngayon kaysa
noong unang panahon.

b. Hambingang Palamang – May mahigit na katangian ang inihahambing sa bagay na


pinaghahambingan. Gumagamit ito ng mga salitang lalo, higit/mas, labis at di-hamak.

Lalo – Ang diwa ng paghahambing ay magiging kalamangan at hindi kasahulan kung ang
sinasamahang pang-uri ay nagpapahayag ng kalakhan, kataasan, kalabisan o kahigtan. Muli,
katuwang nito ang kaysa/kaysa sa/kay.

Halimbawa: Lalong nakamamangha ang ganda ng tanawin sa aming bayankaysa sa bayang ito.

Higit/mas…kaysa/kaysa sa/kay: sa sarili nagsasaad ng kalamangan kung ginagamit ito sa


paghahambing.
Halimbawa: Higit na kapuri-puri ang pagdaraos ng SEA games ngayong 2019 sa ating bansang
Pilipinas kaysa sa nagdaang edisyon ng pagdaraos nito dito

Labis- tulad din ng higit o mas


Halimbawa – Labis na kahanga-hanga ang kabutihang ipinamalas ng Pinoy surfer na si Roger
Casugay sa pagsagip sa katunggaling Singaporean surfer kaysa sa iba pang mga manlalaro.

Di-hamak – kung ginagamit ay karaniwang isinusunod sa pang-uri.


Halimbawa: Di-hamak ang positibong pagtanggap kay Lea Salonga bilang Kimsa Miss Saigon sa
kaniyang iniisip na pagtanggap sa kaniya.

Gawain 1: Hambingang Pasahol o Hambingang Palamang?


Panuto: Isulat ang HPS sa patlang kung ang paghahambing sa pangungusap ay HAMBINGANG
PASAHOL at HPL kung ito ay HAMBINGANG PALAMANG.
___________ 1. Sa kabila ng pang-aalipusta kay Huli ay mas pinili nitong manahimik na lamang.
___________ 2. Di-gasinong nakaapekto kay Huli ang masasamang salita ni Hermana Penchang.
___________ 3. Ang mga desisyon ni Huli ay di-gaanong nakatulong upang matulungan ang kabesa.
___________ 4. Sinamahan ng Hermana si Huli sa di-gaanong malayong lugar.
___________ 5. Ang mga pinagdaanan ni Huli ay di-hamak na mahirap kaysa kay Basilio.
___________ 6. Ang pagdarasal ni Huli ay di-gaanong maayos ayon kay Hermana Penchang.
___________ 7. Mas matapang si Kabesang Tales kaysa kay Tandang Selo.
___________ 8. Mas masunurin si Huli kaysa sa ibang kadalagahan sa San Diego.
___________ 9. Lalong nangamba si Huli nang malamang nakapinid sa bilangguan si Basilio.
___________ 10.Di gasinong malakas ang loob ni Maria Clara di tulad kay Huli.

Gawain 2: Punan Mo Ako


Panuto: Salungguhitan ang wastong katagang naghahambing ang bawat upang mabuo ang diwa ng
pangungusap.
1. Sa kabila ng pinagdaanang hirap ni Kabesang Tales ay (mas, lalo) pinili nitong maging matatag
para sa kaniyang pamilya.
2. (Mas, Higit na) naapektuhan si Tandang Selo sa kasawian ng kaniyang pamilya.
3. (Mas, Lalong) nagmatigas si Huli na humingi ng tulong nang malamang nakakulong pa rin si
Basilio.
4. (Higit na, Lalong) napamahal si Basilio kay Huli dahil sa mga sakripisyo nito para sa dalaga.
5. Hindi maitatangging (di gaanong, lalong) naging matapang si Kabesang Tales kaysa kay Tandang
Selo.

You might also like