You are on page 1of 21

Edukasyon

sa Pagpapakatao

Ikatlong Markahan – Modyul: 10


10
Pangangalaga sa Kalikasan

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan- Modyul 10: Pangangalaga sa Kalikasan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Heldritch C. Adem
Editor: Jerome Amahoy/ Marlon V. Marco
Tagasuri: Nancy B. Panistante, EdD
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III (Regional Director)
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V (Asst. Regional Director)
Randolph B. Tortola,PhD. CESO IV (SDS-Division of Bukidnon)
Shambaeh A. Usman,PhD.(ASDS-Division of Bukidnon)
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Neil A. Improgo, EPS-LRMS
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Members: Elbert R. Francisco, PhD, Chief ES, CID
Nancy B. Panistante, EdD, EPS in Edukasyon sa Pagpapakatao
Rejynne Mary L. Ruiz, PhD, LRMDS Manager
Jeny B. Timbal, PDO II
Shella O. Bolasco, Division Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng: Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon X, Sangay ng


Bukidnon
Office Address: Fortich Street, Sumpong, Malaybalay City
Telefax: (088) 813- 3634
E-mail Address: Bukidnon@deped.gov.ph

10
Website: www.Depedbukidnon.net.ph

Edukasyon
sa Pagpapakatao

Ikatlong Markahan - Module 10


Pangangalaga sa Kalikasan
Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador sa mga
publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang nasa larangan ng
edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng
Edukasyon sa bukidnon@deped.gov.ph.

Pinahahalagahan naming ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipina


Talaan ng Nilalaman

Pahina
Cover Page
Copyright Page
Title Page
Talaan ng Nilalaman
Paunang Salita

Alamin 1

Subukin 1-4

Balikan 4

Tuklasin 5

Suriin 6-7

Pagyamanin 8

Isaisip 9

Isasagawa 9

Tayahin 9-10

Karagdagang Gawain 10-


11

Susi sa Pagwawasto 12

Sanggunian 13
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Paghubog ng Konsensiya
Batay sa Likas na Batas Moral.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay
at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito
sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa
mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa araling Paghubog ng Konsensiya
Batay sa Likas na Batas Moral.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan sa modyul.
Alam
in

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan


kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa


maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa


aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at
mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga
sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto
sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang


maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang
hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na
mga kompetensi. Kaya mo ito!
Natutukoy at Nasusuri ang mga Isyu
Modyul
tungkol sa Paggamit ng Kapangyarihan at
10
Pangangalaga sa Kalikasan.

Alamin

Naranasan mo na ba ang magbakasyon sa beach o sa mga lugar na may mga


magagandang tanawin kasama ng iyong pamilya? Siguro ay hindi mawari ayong
pagkasabik di ba? Kasi gusto mong maranasan ang maligo sa beach o pumunta sa
mga di mo pa napupuntahang lugar. Ano kaya ang meron sa mga lugar na gusto mong
puntahan? Siguro ay dahil sa sariwa ang hangin at maraming mga magagandang
tanawin? Di ba ang gandang isipin kung ang lahat nang mga nasa paligid natin ay may
ganitong katangian? Ang mga kagandahan na ating nasisilayan ngayon ay handog sa
atin ng Kalikasan. Nais mo bang mapanatili ang kagandahang handog ng kalikasan?
Kung Oo ang sagot mo ay halina at samahan mo akong alamin ang mga kahalagahan
sa pangangalaga ng kalikasan at ang mga suliranin na kinakaharap nito sa ating
lipunan.
Ang modyul na ito ay ginawa upang malilok ang isip at puso mo sa kahalgahan
ng kalikasan sa ating buhay at ang mga magiging epekto nito sa buhay ng tao kung ito
ay pababayaan at hindi proprotektahan.
Inaasahan na maipamamalas mo sa modyul na ito ang sumusunod:
12.1 Natutukoy ang mga isyu tungkol sa paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga
sa kalikasan
12.2 Nasusuri ang mga isyu tungkol sa paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa
kalikasan.

Subukin

Panuto: Para malaman ang mga konsepto at kaalaman sa modyul na ito ay


basahin, unawain at sagutin ang mga tanong. Piliin lamang ang letra ng tamang sagot.

1. Ano ang dahilan kung bakit kailangan ng tao na pangalagaan ang kalikasan?
a. Lahat ng materyal na galing sa kalikasan ang siyang bumubuhay sa tao.

1
b. Ang tao ay may responsibilidad na pangalagaan ang Kalikasan.
c. Ang kalikasan ang bumubuhay sa tao kaya ang kapalit nito ay dapat pahalagahan
at protektahan para sa susunod na henerasyon.
d. Dahil sa taglay na biyayang hatid ng kalikasan, nakasalalay dito ang kinabuhaksan
ng tao.

2. Sa anong paraan naipapakita ng tao ang pagpapahalaga sa kalikasan?


a. Bilang tagapangalaga ng kalikasan ay dapat gawin ang tungkulin nito kahit na
mapag-iwanan ng panahon.

b. Matatamo lamang ang pag-unlad kung gagawa ng hakbang ang tao sa pagtulong
sa
sarili at sa kapwa upang mapangalagaan at masugpo ang pagkawasak ng kalikasan.
c. Suportahan ang mga programang build build program ng Gobyerno.
Nakikiisa sa mga programang nagsusulong ng industriyalisasyon gaya ng road
widening at earth balling.
d. bibigyang pansin ang mga batas na nakalatag upang mapatupad na naaayon sa
pangangalaga sa kalikasan.

3. Ano ang epekto ng Global Warming sa tao?


a. Mag-iiba ang klima ng mundo, na maaaring maka apekto sa buhay ng tao at pinsala
sa ari-arian.
b. Magkakaroon ng pagtaas sa libel ng tubig sa dagat at magiging dahilan ito ng
pagbaha.
c. Magkakaroon ng mga kalamidad magiging madalas ang pag-ulan, pagguho ng lupa
at pag-init ng panahon.
d. Magkakroon ng madalas na pag-ulan at pag-init ng panahon.
ang pag-ulan.

4. Sa anong paraan maisasagawa ang programang magtataguyod sa pangangalaga ng


kalikasan?
a. Magpapatupad ng dagdag na multa kung may nilabag na batas.
b. Maghikayat sa iba na magkaisa sa pagtatanim para sa kalikasan.
c. Isaisip na dapat magkaroon tayo ng takot sa Diyos dahil sa Kanya ang lahat na ito.
d. Gagawa ng isang pag-aaral upang makapagsagawa ng isang gawaing
makakatulong
sa kalikasan.

5. Bilang isang mamamayan, sa anong simpling paraan maipapakita mo ang pagiging


tagapamahala ng kalikasan?
a. Magtapon ng basura sa tamang tapunan.
b. Magpatupad ng mga batas na may kaukulang parusa.
c. Mag bolontaryo at maging disiplinado.
d. Maging matapang na ipaglaban sa pangangalaga sa kalikasan.

2
6. Ang kalikasan ay tumutukoy sa ________.
a. Lahat na tumutugon sa pangangailangan ng mga nilalang na may buhay.
b. Lahat nang may buhay.
c. Lahat ng bagay na magagamit ng tao.
d. Lahat ng nakapaligid na may buhay o wala.

7. Bilang isang mag-aaral, ano ang isang bagay na pwede mong gawin para sa
kalikasan? Alin sa sumusunod ang iyong gagawin?
a. Pulutin ang mga basurang nakakalat sa loob ng paaralan.
b. Gagawa ng mga programang susundin ng mga mag-aaral upang makatulong ng
malaki.
c. Magkukusa sa mga gawain sa paaralan.
d. Magtiwala at magdasal.

8. Ang pagiging tagapangalaga ng kalikasan ay nangangahulugang______.


a. Paggamit ng kalikasan ayon sa kagustohan.
b. Responsabling pagamit ng kalikasan.
c. Walang pakundangang pagamit ng kalikasan.
d. Hindi isinasaalang-alang ang iba.

9. Ang sumusunod ay maling pagtrato sa 6kalikasan, maliban sa isa.


a. Hindi maayos na pagtatapon ng basura.
b. Pagsusunog ng basura.
c. Pagtatapon ng basura sa mga anyong tubig.
d. Paghiwa-hiwalay ng basura bilang nabubulok at di nabubulok.

10. Ang sumusunod ay hindi nagpapakita ng paggamit sa kalikasan bilang isang


kasangkapan, maliban sa isa.
a. Pagpuputol ng puno at pagtatanim muli ng mga bagong binhi.
b. Paggamit ng lupain na may pagsasaalang-alang sa tunay na layunin nito.
c. Malawakang paggamit ng mga kemikal upang makakuha ng maraming ani.
d. Pagkamalikhain at responsibilidad sa gagawing pagbabago sa kapaligiran.

11. Saan nagsisimula ang pagtuturo ng disiplina sa pagtatapon ng basura sa tamang


lalagyan?
a. Sa mga barangay na nagpapatupad ng mga ordinansa.
b. Sa loob ng paaralan, dahil ang guro ngpapatupad nito.
c. Sa loob ng bahay, dahil ang mga magulang ang unang dapat magturo ng disiplina.
d. Sa ibang tao na may mas mataas na awtoridad dahil mas epektibo kung sila ang
nagpapatupad ng disiplina.

12. Sa anong paraan maipapakita mo ang pagiging responsabling mag-aaral?


a. Sumusunod sa mga panuntunan ng paaralan.
b. Gawin lahat ng mga pinag-uutos ng guro.

3
c. Pagkukusa at disiplina na gawin ang nararapat na gawain sa loob at labas ng
paaralan
d. Makinig lamang sa lahat ng ipag-uutos ng Punong guro.

13. Ano ang maaring unang mangyari sa mundo kung ang lahat ng tao ay walang
disiplina at walang pakialam sa kalikasa?
a. Magkakaroon ng kakulangan sa supply ng mga pangunahing kagamitan.
b. Magkakaroon ng Global warming at mababago ang klima ng mundo at magdudulot
ng mga hindi inaasahang mga kalamidad at trahedya.
c. Paunti-unting pagbaba ng ekonomiya ng mundo.
d. Magkakaroon ng malawakang kaguluhan7 sa mundo.

14. Ang kalikasan ay handog ng Diyos sa tao at dapat itong alagaan at mahalin. Alin sa
sumusunod ang hindi pagpapakita ng pagmamahal sa kalikasan?

a. Pagtatanim ng puno para sa susunod na henerasyon


b.Gamitin ang lahat ng yaman ng kalikasan para sa kaunlaran ng walang
pakundangan.
c. Pangingisada sa dagat gamit ang tradisyunal panghuhuli upang may ipapakain sa
pamilya.
d. Gagamitin ang mga pwede pang magamit na mga bagay na patapon na para
mapakinabangan pa.

15. Paano mo maipapakita ang pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan? Ano ang


gagawin mo kung nakita mo ang iyong kapitbahay na nagtatapon ng basura sa ilog?
a. Ipag alam agad sa barangay o sa may awtoridad ang pangyayari para mabigyan ng
kaukulang aksyon.
b. Pagsabihan na wag nang ulitin dahil magiging madumi ang tubig.
c. Pabayaan nalang para walang away.
d. Mag kunwari na wala kang nakita.

Balikan

Sa Modyul 10 ay iyong natunghayan at natutunan kung paano dapat maipakita


ang pagmamahal sa ating bayan at ang mga kaakibat na reposibilidad na dapat mong
gampanan upang maitaguyod ang katiwasayan at pagsulong ng kaunlaran. At isa rin sa
dapat mong isaalang-alang na ang katiwasayan at pagsulong ng kaunlaran ay hindi
epektibo kung babaliwalin ang pundasyon nang kaunlaran na kung saan ito ay ang
kalikasan. Ang kalikasan ay biyayang galing sa Diyos na kung saan ito ay yamang hindi
kailan man mapapantayan.

4
Tuklasin

Panuto: Suriin ang larawan, anno ang ipinapakita sa larawan? Isulat ang nabuo
mong ideya sa loob ng kahon.

Marahil ay alam mo na ang pangyayari na ipinapakita sa larawan sa itaas. Isa


lamang ito sa mga suliranin na kinakaharap ng mundo, noon at hanggang sa
kasalukyan, ito ang mga suliraning dapat nating bigyang pansin. Maraming mga batas
na ang ipinasa upang matugunan ang mga problemang kinakaharap ng tao, ngunit
hindi pa rin ito sapat kung ang bawat isa sa atin ay hindi kikilos. Subukan mo naman
ngayon suriing mabuti ang talakayan tungkol sa kung ano ang kalikasan at mga
paglabag sa pangangalagang kinakailangan nito.

5
Suriin

Kalikasan

Ang kalikasan ay ang lahat na makikita na maaring may buhay o wala, tulad ng
halaman, puno at mga iba’t-ibang uri ng hayop, malaki man o maliit. Bahagi rin ng
kalikasan ang mga pinagkukunan nila ng pagkain na siyang tumutugon upang sila ay
mabuhay. Maging ang tao ay parti rin ng kalikasan, sa kadahilanang iisa lang ang
mundo na ating ginagalawan. Ngunit kahit na ang tao ay parti nito, di maikakaila na ang
tao rin ang sumusira nito.
Ang Pilipinas ay sagana sa mga iba’t- ibang yamang handog ng Kalikasan. Sa
pagyabong ng modernong panahon nitong kasalukuyan ay may malaking bahagi ang
nasisira at nalalagay sa alanganin.
Kung ihahambing natin ang panahon noong nakalipas na sampung taon ay may
pagkakaiba ba ito sa kasalukuyan? Marahil ang sagot mo at ng karamihan ay “Oo” dahil
ang tindi ng init ngayon ay ibang-iba na talaga. At ang tag-ulan o taglamig naman natin
ay tunay ngang nagdudulot ng napakalaking trahedya na sumisira ng buhay ng tao at
ng kagandahan ng kalikasan. Naitanong mo na ba sa iyong sarili kung bakit nangyayari
ang ito. Sino ang may pananagutan? Maipabaling mob a ito sa Diyos? O sa tao?
Malinaw na may malaking paglabag ang tao at ambag sa mga pangyayaring ito.
Narito ang mga halimbawa ng mga suliranin sa kalikasan na marahil isa ka sa
lumalabag dito:

Suliranin sa Kalikasan

1. Maling Pagtatapon ng basura.


 Ang maling pagtatapon ng basura ay nakapagdudulot ng pagbaha. Kapag
uumuulan ng malakas ang mga basura na itinapon sa daanan ng tubig ay
maaring makabara sa daluyan ng tubig at nakapagdudulot ng pagbaha.

 Maaring pagmulan ng mga iba’t-ibang sakit.

2. Iligal na pagputol ng mga puno.


 Ang walang habas na pagputol ng puno ay nakakaapekto sa supply ng tubig
dahil ang mga ugat ng mga puno ang siyang nadadala at nag iipon ng tubig o
tinatawag na underground water.

6
 Nagiging sanhi din ito ng pagbaha at paguho ng lupa, dahil wala nang kumakapit
sa lupa lalo na pag malakas ang ulan.

3. Polusyon sa hangin, tubig, at lupa.


 Ang hangin, tubig at lupa ay unti-unting dumurumi dahil narin sa mga maling
gawain ng mga tao na nagpabago sa kondisyon ng hangin, tubig at lupa.

4. Pagkaubos ng mga natatanging species ng hayop at halaman sa


kagubatan.
 Maraming mga uri ng halaman at hayup ang unti-ynting nawawala, threatened,
endangered dahil na rin sa pagkasira ng kanilang tirahan at walang habas na
pangangaso ng mga tao dahilan ito sa pagkawala nila o magiging extinct.

5. Malabis at mapanirang pangingisda.


 Dahil sa Dynamite fishing at cyanide fishing nasisira ang kanilang tirahan at
nalalason ang mga isda.

6. Ang pagko-convert ng mga lupang sakahan, iligal na pagmimina, at


quarrying.
 Ang mga lupang sakahan na sana ay upang makapagtanim ng produkto bilang
pagkain ay kinoconvert sa pagpapatayo ng mga subdivision gulf course at iba
pa.

 Ang mga paguho ng lupa ay kadalasan sanhi ng pagmimina ng mga


kompanyang patagong kumukuha at humuhukay ng mga yamang lupa sa mga
bundok.

7. Global warming at climate change.


 Ang patuloy nag pag-init ng daigdig (Global warming) ay nakakaapekto sa
(climate change) o pagbabago ng klima at pagtaas ng temperature sa mundo.

8. Komersiyalismo at Urbanisasyon.
 Komersiyalismo ay tumutukoy sa ugali
10 at kilos ng tao na labis ang
pagpapahalaga na kumita ng pera o pagmamahal sa mga materyal na bagay.

 Urbanisasyon naman ay ang patuloy na pag-unlad ng mga bayan, hal.


Pagpapatayo ng mga gusali, Mall at iba pa. Dahil dito hindi natutuunan ng pansin
ang pagpapahalaga sa kapaligiran.

7
Pagyamanin

Panuto: Paghambingin ang mga salita/pangungusap sa Hanay A sa salitang


nasa Hanay B.
Hanay A Hanay B

______1. Pag-init ng Daigdig a. Pagmimina


______2. Dynamite Fishing b. Climate Change
______3.Ugali at kilos ng c. Komersyalismo
Tao na labis ang pagmamahal d. Mapanirang pangingisda
sa material na bagay e. Global warming
______4.Pagtaas ng temperature f. Pulosyon sa Hangin
______5. Isa sa sanhi ng paguho ng lupa g. Miniral
______6. Tumutukoy sa lahat ng may buhay o wala h. Urbanisayon
______7. Pagtaas ng Carbon di Oxide i. Kalikasan
or Co2 sa hangin j. La niña
______8. Pag-unlad; Pagtatayo ng k. El niño
mga building at iba pa l. Disiplina
______9. Yamang lupa m. Solid Waste Management
_____10. Acid Rain
_____11. Tawag sa paghihiwalay ng nabubulok
at di nabubulok na basura.
_____12. Ang birtud na dapat taglayin ng bawat tao
_____13. Malawakang tagtuyot
_____14. Malawakan at matagal na pag-ulan
_____15. Pinagkukunan ng lahat ng materyal at pagkain

8
Isaisip

Ating isa isip na lahat ng ating ginagawa sa ibabaw ng mundo ay may kaakibat
na bunga, maaring ito ay masama o hindi. Kung minsan ay nakaklimutan natin ang
tunay na dapat na pahalagahan. At nakakalimutan din natin na ang kalikasan ang
siyang bumubuhay sa atin, dahil sa yamang handog nito tulad ng yamang tubig,
yamang lupa at iba pang mga pinagkukunan ng mga pangangailangan ng tao, pag
mawawala ang kalikasan siguradong mawawala rin tayo dito sa mundo.

Isagawa

Panuto: Sumulat ng tatlo hanggang limang pangungusap tungkol sa iyong


mabubuong ideya tungkol sa epekto ng mga suliranin at hamong pangkalikasan sa
pamumuhay ng tao.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
______________________________________________

Tayahin

Panuto: Tama o Mali. Basahin at unawain ang mga pangungusap at isulat kung
TAMA o MALI ang bawat pangungusap.
_______ 1. Ang Kalikasan ay tumutukoy sa lahat ng may buhay.
_______ 2. Climate change ay ang pag-init ng daigdig.

9
_______ 3. Ang Tao ang may mas malaking ambag sa pagkasira ng kalikasan.
_______ 4. Pagkawala ng mga underground water ay sanhi pagmimina.
_______ 5. Ang paguho ng lupa ay malimit na sanhi ng kawalan ng puno na siyang
kumakapit sa lupa.
_______ 6. Ang Gobyerno ang dapat may malaking responsibilidad sa pangangalaga
sa kalikasan.
_______ 7. Pabayaan nalang ang pag-unlad kung ikasisira naman ito ng kalikasan.
_______ 8. Ang Global warming ay ang pagbabago ng klima mula sa normal na
temperature.
_______ 9. Ang deforestration ay ang pagakasira ng kagubatan dahil sa iba’t-ibang
gawain ng tao.
_______ 10. Ang kaligtasan ng ating kalikasan ay nakasalalay sa ating kamay.
_______ 11. Ang Urbanisasyon ay mayroon ding epekto sa Kalikasan.
_______ 12. Dapat mgkaroon ng disiplina sa sa sarili sa pagtapon ng basura.
_______ 13. Ang kalikasan ay biyaya ng Diyos sa tao kaya nararapat lamang na
gamitin itong lahat para sa pag-unlad.
_______ 14. Ang pagtaas ng antas ng Co2 o Carbon di Oxide sa hangin ay
nakakaapekto sa kalusugan.
_______ 15. Ang lahat ng mga trahedya at kalamidad na nagyayari sa mundo ay
kagagawan tao.

Karagdagang Gawain

Panuto: Ano-anong mahalagang konsepto ang nahinuha mo mula sa nagdaang


gawain at babasahin? Gamit ang konseptong iyong natutuhan, ipaliwanag ang
mensahe ng larawang nakikita mo sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

10
Save Mother Earth
Sumulat ng tatlo hanggang limang pangungusap tungkol sa iyong mabubuong
kaisipan tungkol sa epekto ng mga suliranin at hamong pangkapaligiran sa pamumuhay
ng tao.

11
Susi sa Pagwawasto

12
Sanggunian

Armstrong, Karen. “In the Beginning: A New Interpretation of Genesis.” USA: The
Random House Publishing Group, pp. 9-23.
Kawanihan ng Edukasyong Sekundarya. Kagawaran ng Edukasyon. 2015. Gabay sa
Pagtuturo sa EsP para sa 2010 Kurikulum ng Edukasyon Sekundarya (SEC)
Pasig City:
Kawanihan ng Edukasyong Sekundarya. Kagawaran ng Edukasyon. 2015. Modyul para
sa Mag-aaral sa EsP para sa 2010 Kurikulum ng Edukasyon Sekundarya (SEC)
Pasig City:
Kawanihan ng Edukasyong Sekundarya. Kagawaran ng Edukasyon. 2010. Gabay sa
Pagtuturo sa EP para sa 2010 Kurikulum ng Edukasyon Sekundarya (SEC)
Pasig City: Awtor
Terbush, Jon. “4 shocking findings from the U.N’s latest climate change report Spoiler:
It’s real, and it’s our fault.” theweek.com.
http://theweek.com/article/index/248472/4-shocking-findings-from-the-uns-latest-
climate-change-report/ (accessed May 27, 2020)
www.google.com/images/

13
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

DepEd Division of Cagayan de Oro City


Fr. William F. Masterson Ave Upper Balulang Cagayan de Oro
Telefax: ((08822)855-0048
Susi sa
E-mail Address: cagayandeoro.city@deped.gov.ph
Pagwawasto

Karagdagang
Gawain

You might also like