You are on page 1of 22

10

Edukasyon
sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul: 11
Tao: Bilang Tagapangalaga

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan- Modyul 11: Tao: Bilang Tagapangalaga
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Heldritch C Adem
Editor:Jerome B. Amahoy
Tagasuri: Nancy B. Panistante, PhD,
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III (Regional Director)
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V (Asst. Regional Director)
Randolph B. Tortola,PhD. CESO IV (SDS-Division of Bukidnon)
Shambaeh A. Usman,PhD.(ASDS-Division of Bukidnon)
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Neil A. Improgo, EPS-LRMS
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Members: Elbert R. Francisco, PhD, Chief ES, CID
Nancy B. Panistante, EdD, EPS in Edukasyon sa Pagpapakatao
Rejynne Mary L. Ruiz, PhD, LRMDS Manager
Jeny B. Timbal, PDO II
Shella O. Bolasco, Division Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng: Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon X, Sangay ng


Bukidnon
Office Address: Fortich Street, Sumpong, Malaybalay City
Telefax: (088) 813- 3634
E-mail Address: Bukidnon@deped.gov.ph
Website: www.Depedbukidnon.net.ph
10
Edukasyon
sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 11
Tao: Bilang Tagpangalaga

Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador sa mga


publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang nasa larangan ng
edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng
Edukasyon sa bukidnon@deped.gov.ph.

Pinahahalagahan naming ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Talaan ng Nilalaman
Pahina
Cover Page
Copyright Page
Title Page
Talaan ng Nilalaman
Paunang Salita

Alamin 1

Subukin 2-4

Balikan 4-5

Tuklasin 5-7

Suriin 7-8

Pagyamanin 8

Isaisip 9

Isasagawa 9-11

Tayahin 11-12

Karagdagang Gawain 12

Susi sa Pagwawasto 13

Sanggunian 14
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Paghubog ng Konsensiya
Batay sa Likas na Batas Moral.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit
sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa araling Paghubog ng Konsensiya
Batay sa Likas na Batas Moral.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan


sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo


sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang


maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa


maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin.


Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang


mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng


pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo
mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang


maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon
o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng


pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang
Gawain pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga
Pagwawasto gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Modyul
11 Tao: Bilang Tagapangalaga

Alamin

Meron ka bang maraming kaibigan? Kung Oo, marahil ay alam na ng iyong


mga kaibigan ang mga sikreto sa iyong pagkatao, lalong lalo na kung matagal na
kayong magkakaibigan. Di ba ang kaibigan ang siyang karamay mo sa saya at
lumbay? Kung may problem ka, siya ang dadamay sayo upang maibsan ang
nararanasan mong problema. Ano nga ba sa tingin mo ang dahilan kung bakit
naging matatag ang inyong pagkakaibigan? Masasabi nating dahil ito sa iyong
pagtitiwala sa isa’t-isa, na naging daan sa matatag na pagkakaibigan hindi ba? Ang
pagtitiwala sa isa’t-isa ay may kaakibat na responsibilidad, katulad din ito sa mga
mag-asawa, ang pagtitiwala ay siyang ugat nang matatag na pamilya na may
kaakibat na responsibilidad na pangalagaan at itaguyod ang pamilya. Sa kabilang
dako naman, ang Diyos, dahil sa kanyang sobrang pagmamahal sa tao ay
ipinagkatiwala niya lahat ng mga bagay na nilikha niya dito sa mundo. Bakit
kailangnang ng tao na pangalagaan ang kalikasan? Ano ba ang kaugnayan ng tao
sa kalikasan? Bakit kaya tayo ay pinagkakatiwalaan ng Diyos?
Ngayon ay handa ka na bang tuklasin at sagutin ang mga katanungang gusto
mong malaman? Bago yan ay subukin mo muna iyong kaalaman upang
makapagpatuloy ka sa modyul na ito.
Inaasahan na maipamamalas mo sa modyul na ito ang sumusunod:
a. Lahat tayo ay mamamayan ng iisang mundo, dahil nabubuhay tayo sa
iisang kalikasan (Mother Nature)
b. Inutusan tayo ng Diyos na alagaan ang kalikasan (stewards) at hindi
maging tagapagdomina para sa susunod na henerasyon.
c. Binubuhay tayo ng kalikasan.

1
Subukin

Panuto: Para malaman ang mga konsepto at kaalaman sa modyul na ito ay


basahin, unawain at sagutin ang mga tanong. Piliin lamang ang tamang sagot at
isulat ang titik nito.

1. “Masdan mo ang iyong paligid bawat isa ay nanganganib, sa dalang


kapahamakan na tayo rin ang may lalang.” Ano ang ibig sabihin ng mga salitang ito?
a. Pagkasira ng ating kalikasan dahil sa ating kapabayaaan.
b. Lahat ng tao sa mundo ay may responsibilidad na pangalagaan ang kalikasan.
c. Ang tao ang siyang dapat sisihin sa lahat ng mga pangyayari sa paligid na siya
ring nagdadala ng kapahamakan sa lahat.
d. Lahat tayo ay mapapahamak dahil na rin sa ating kagagawan.

2. Ang tao at kalikasan ay parti ng isang malaking disenyo. Anong ibig sabihin ng
pangungusap na ito?
a. Ang tao at ang kalikasan ay magka-ugnay.
b. Ang kalikasan ay biyaya ng Diyos kaya dapat na ito ay gamitin.
c. Lahat ng nasa ibabaw ng mundo ay pantay-pantay.
d. Ang kalikasan ang nagpapayaman sa tao.

3. Habang lumalaki ang kapangyarihan ng tao, lumalaki rin ang kaniyang


pananagutan. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapatotoo nito?
a. Ang tao ang may karapatan sa lahat ng bagay na nasa lupa.
b. ang tao ang tagapangalaga ng kalikasan kaya dapat niya itong gamitin.
c. Ang tao ay binigyan ng kapangyarihan na pangalagaan ang kalikasan, kaya
malaki rin ang kanyang panangutan nito.
d. Ang kapangyarihan ng tao ay naayon lamang sa magagawa nito.

4. Ang kalikasan ang bumubuhay sa tao sa kadahilanang__


a. Ito ang pinagkukunan ng mga materyal na bagay.
b. Ito ang dahilan kung bakit hindi gaanong mainit ang panahon.
c. Ito ang dahilan kung bakit malago ang ating ekonomiya.
d. Nakadepende ang lahat ng buhay sa mismong ekosistem ng ating kapaligiran.

5. Paano maipapamalas ang pagiging responsabling mamayan?


a. Sumama sa mga rally upang maiparinig ang hinaing na dapat mapangalagaan
ang kalikasan.
b. Hikayatin ang buong barangay na makiisa sa iyong adhikain.
c. Magplano ng mga nararapat gawain sa bahay upang kahit sa kaunting
pamamaraan ay makatulong sa ikabubuti ng kalikasan.

2
d. Supportahan ang lahat ng programang pagkalikasan ng Gobyerno.

6. Ang tao ay may kalayaan. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng tunay na


kalayaan?
a. Gawin ang gustong gawin sa lahat ng oras, dahil ang buhay ay mailki lang.
b. Lumabas ng bahay kahit na sa Enhance Community Quarantine.
c. Gawin ang lahat ng gusto basta’t para sa ikabubuti ng lahat.
d. Ipakita na walang sino man ang makakapigil sa lahat ng gusto mo.

7. “Ang tao at kalikasan ay magkaibang umiiral sa mundo kasama na ang mga


hayup at halaman at lahat nag may buhay o wala, ngunit lahat nang ito ay parti
ng isang kabuohan”. Anong ibig sabihin nang pangungusap na ito?
a. Ang lahat ng bagay sa mundo ay magkaiba.
b. Ang tao at kalikasan ay magkaiba, dahil ang tao ang mas maykapangyarihan sa
lahat ng bagay.
c. Ang tao at kalikasan ay kasabay na umiiral, kahit na magkaiba, ay parti parin
sa iisang sistema .
d. ang mga walang pakinabang sa tao ay hindi kasali sa isang Sistema.

8. Anong Kapitulo at bersikulo na kung saan ay mababasa ang pundasyon sa


paniniwala na ang tao ay binigyan ng Diyos ng responsibilidad na alagaan ang
kalikasan?
a. Gen. 1: 26–28; Mga Awit 8: 5
b. Gen. 2: 25-28; Mga Awit 7: 5
c. Gen. 4: 27-28; Mga Awit 9: 5
d. Gen. 3: 26-28; Mga Awit 5: 5

9. Ayon sa isang pamosong salawikain sa Filipino, “ang sakit ng kalingkingan ay


ramdam sa buong katawan”. Anong ang pinakamalapit na kahulugan nito?
a. Lahat tayo ay apektado sa lahat ng ating ginagawa.
b. Ang maliit na problema ay pwedeng lumaki.
c. Ang kunting sakit sa katawan ay ramdam sa buong katawan.
d. Ang maliit na problemang ginawa ng tao ay pwedeng maka apekto sa
kabutihang panlahat.

10. Ayon kay Papa Benedicto, “mararating natin ang hinaharap kung hindi natin
sisirain ang mga nilikha ng Diyos”. Anong ibig sabihin nito?
a. Kailangang pangalaagan natin ang kalikasan para sa ating kinabukasan.
b. Mararating natin ang hinaharap kung gagamitin natin mabuti ang mga likha
Diyos.
c. Kailangang protektahan ang kalikasan para naman tayo ay protektahan din ng
kalikasan.
d. Ang kalikasan ang daan sa kinabukasan.

3
11. Ang tao ay binigyan ng Diyos ng kakayahan.
a. Kalayaan
b. Responsibilidad
c. Trabaho
d. Kapangyarihan

12. Ang pagiging tagapangalaga ng lahat nang bagay sa mundo ay naka-ugat sa__
a. Kakayahan ng tao
b. Kalayaan ng tao
c. Kabutihan ng Diyos
d. Salita ng Diyos

13. Ang kalayaang handog sa tao ay napapalooban ng ________.


a. Paggawa ng mabuti
b. Kagustohan para sa sarili
c. Pagmamahal
d. Pagkukusang loob

14. Ang tao ay pinagkatiwalaan ng Diyos sa lahat ng mga nilikha sa mundo. Ito ay
nagpapahiwatig na___
a. Tayo ay may pananagutan sa pagsisilbi sa layunin ng kaharian ng Diyos.
b. Tayo ay may kakayahang gawin ang lahat ng ipinag-uutos ng Diyos.
c. Tayo ay nilikha na mas mataas sa ibang nilalang.
d. Tayo ay mahal ng Diyos

15. Ang nagsabing “ang tao at kalikasan ay magkasama sa isang malaking


disenyo.”
a. Immanuel Kant
b. W. Norris Clarke Sj
c. Aristotolis
d. St. Thomas Aquinas

Balikan

Sa nakaraang modyul ay natunghayan natin ang mga iba’t- ibang uri ng


paglabag sa pangangalaga ng kalikasan. Ang mga Kalamidad at trahedya ay
nagsisilbing paalala at babala sa atin na pag di tayo kumilos upang
mapangalaggaan ang ating kalikasan ay tayo rin ang magsisisi sa huli.

4
Bago tayo magpatuloy sa modyul na ito ay dapat muna natin isaalang-alang
ang mga katanongang na ito. Bakit kailangan nating pangalagaan ang ating
kalikasan? Ano ba ang responsibilidad na dapat nating gampanan? Ang mga tanong
na ito ay masasagot natin sa ating pagpapatuloy sa modyul na ito.

Tuklasin

Panuto: Basahin at unawain ang Salita ng Diyos sa Genesis.

GENESIS 1-29:31

29 At sinabi ng Dios, Narito, ibinigay ko sa inyo ang bawa't pananim na


nagkakabinhi, na nasa ibabaw ng balat ng lupa, at ang bawa't punong kahoy na
may bunga ng punong kahoy na nagkakabinhi; sa inyo'y magiging pagkain: 30
At sa bawa't hayop sa lupa, at sa bawa't ibon sa himpapawid; at sa bawa't
nagsisiusad sa ibabaw ng lupa na may buhay ay ibinigay ko ang lahat na
pananim na sariwa na pinakapagkain; at nagkagayon. 31 At nakita ng Dios ang
lahat ng kaniyang nilikha, at, narito, napakabuti. At nagkahapon at nagkaumaga
ang ikaanim na araw.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang ibig ipahiwatig ng Salita ng Diyos sa tao?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Panuto: Panoorin ang spoken poetry video na pinamagatang “Patawad Inang


Kalikasan” ni Bon Carlo Atienza. https://youtu.be/z9btXxEcVqY. (Accessed May 23,
2020)
Panuto: Panoorin at unawain ang liriko ng awit ng Kalikasan (song writing
composition 2006 – youtube) na isinaayos nina Cesar Nebril Jr. at Necei L. Nebril.
http://www.youtube.com/watch?v=b6357-fsc3g (accessed May 23, 2020)

5
Kalikasan
I
Masdan mo ang iyong paligid Bawat isa ay nanganganib
Sa dalang kapahamakan Na tayo rin ang may lalang
II
Paghawan sa kagubatan Paglason sa karagatan
Usok na di mapigilan ‘Yan ba’y hakbang sa kaunlaran?
III
Kalikasan, laan sa atin ng Maykapal Kalikasan,
dulot ay kaginhawahan Pag-ingatan at ating pangalagaan
Upang tayo’y mabuhay nang matiwasay
IV
Hindi mo ba nakikita At di mo ba nadarama
Ganda ng ating kalikasan, Tila ngayo’y naglaho na
V
Ano ang iyong itutugon? Paano ka tutulong?
Na ang ating kalikasan ay Kagiliwang pagmasdan
VI
Kalikasan, laan sa atin ng Maykapal Kalikasan,
dulot ay kaginhawahan Pag-ingatan at ating pangalagaan
Upang tayo’y mabuhay nang matiwasay
VII
Kung tayo ay magkakaisa Buhay nati’y liligaya
Paligid ay giginhawa Kalikasan ay sisigla
VIII
Kalikasan, laan sa atin ng Maykapal Kalikasan,
dulot ay kaginhawahan Pag-ingatan at ating pangalagaan
Upang tayo’y mabuhay nang matiwasay
IX
Pag-ingatan at ating pangalagaan
Upang tayo’y mabuhay
Mahalin ang kalikasan
Upang tayo’y mabuhay nang matiwasay

Pamprosesong Tanong:

6
1. Ano ang ibig ipahiwatig ng awit tungkol sa Kalikasan?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Suriin

Matatandaan mo sa talata na binasa mo na ang Diyos ay ibinigay at ipinabubaya


sa tao ang lahat na narito sa lupa upang magamit, ngunit ito ay may kaakibat na
responsibilidad. Ang tao ang natatatingng pinagkalooban ng Diyos na gawin ang
nararapat sa kalikasan. Ngunit ang lahat ng ito ay sa paglipas ng panahon ay
nakalimutan at nakaligtaan dahil sa pag usbong ng modernong panahon. Ang
kapangyarihang biyaya ng Diyos sa tao ay naabuso dahil may kalayaan ang tao na
gustohin ang kanyang gustong gawin. Tinalakay sa Modyul 10, na ang tao ay may
kalayaan, ngunit ang kalayaang handog na ito ay napapalooban ng paggawa ng
mabuti. Ang paggamit ng kalaayaan ay hindi nangangahulugang gawin mo ang lahat ng
gusto mong gawin, dadapwa’t gamitin ito para sa kabutihan.
Ang pamilya ay nangangailangan ng isang tahanang masisilungan. Ang
kalikasan ay ang tahanan ng bawat pamilya na dapat pangalagaan. Ito ay pinagkatiwala
sa atin ng Diyos upang pangalagaan na may responsabling kalayaan para sa
kabutihang panlahat.
Ayon naman sa Pilosopong Si Immannuel Kant ang tao at kalikasan ay
magkasama sa isang malaking disenyo. Dito masasabi natin na ang tao at kalikasan ay
magka-ugnay.
Ayon naman sa isang contemporaryong Pilosopo na si Fr. Noriss Clarke, na
ang lahat nang umiiral dito sa mundo ay magka-iba, ngunit nakikilahok sa iisang
Sistema na umiiral sa mundo. Ang tao at kalikasan ay magkaibang umiiral sa mundo
kasama na ang mga hayup at halaman at lahat nag may buhay o wala, ngunit lahat
nang ito ay parti ng isang kabuohan. Kahit na ang lahat ng bagay dito sa mundo ay
magkaiba pinag isa pa rin tayo ng isang tahan, ang ating mundo.
Ang Diyos ang nag utos sa atin upang alagaan ang kalikasan (stewards) at hindi
ang pagsira nito. Ang tao ay pinagkatiwalaan ng Diyos sa lahat ng mga nilikha sa
mundo. Ito ay nagpapahiwatig na tayo ay may pananagutan sa pagsisilbi sa layunin ng
kaharian ng Diyos. Ang ating pagiging tagapangalaga ay naka-ugat sa salita ng Diyos

7
(Gen. 1: 26–28; Mga Awit 8: 5). Ang mga kalalakihan at kababaihan ay nilikha sa
imahe ng Diyos, binigyan ng isang pribilehiyong lugar sa mga nilalang, at inutusan na
gampanan ang pamamahala sa mundo.
Ang Kalikasan ang bumubuhay sa atin at sa lahat ng may buhay. Lahat nang
pangangailangan ng tao ay naka depende dito. Ang halimbawa nito ay ang oxygen and
carbon dioxide cycle. Ang oxygen ay kailanagan sa paghinga na inilalabas ng mga
puno’t halaman upang malanghap ng lahat na nabubuhay. Ang tao naman ay
naglalabas ng carbon dioxide na kailangan naman bilang pagkain ng mga halaman.
Kasama na rin ang tubig na iniinom, ang mga pagkaing naaani sa lupa, ang mga hayop
sa mga kagubatan na nagpapanitili ng balanse ng buhay sa kalikasan.

Pagyamanin

Panuto: Piliin ang mga salita na nasa kahon, lagyan ng tsek (/) ang mga
sagot na nasa hanay B na kasingkahulugan sa mga salitang nasa hanay A.
A B
1. Manedyer
1.Steward/katiwala 2. Tagapamahala
3. Kalayaan
4. Tagapangasiwa
5. Tagapangalaga
6. Tagapagtanggol
7. Mayordomo
8. Tagapatnubay
9. Patnugot
10. Gampanan
1. Trabaho
2. Responsibilidad 2. Sagutin
3. Kailangan
4. Tungkulin
5. Gawain
6. Pananagutan
7. Katungkulan
8. Kapanagutan
9. Pananagot
10. Dalahin

8
Isaisip

Sa modyul na ito ay napag-aralan mo na ang tao ay nilikha ng Diyos kasama ng mga puno,
halaman at mga hayop kasama narin ang mga umiiral na may buhay o walang buhay. Dahil
dito pinag-utos ng Diyos na pangalagaan ang kalikasan dahil ang lahat ng mga
pangangailangan ng tao ay naka depede dito, kung kaya’t may kaakibat itong responsibilidad
na dapat nating gampanan dahil tayo ay binubuhay ng kalikasan.

Isagawa

Panuto:Basahin at intindihin ang sumusunod na pahayag tungkol sa tao at


kalikasan. Gawan mo ng isang sanaysay ang tatlong pahayag na ito tungkol
kaugnayan ng tao sa kalikasan. Isulat ang iyong sagot sa kahon.

a. Lahat tayo ay mamamayan ng iisang mundo, dahil nabubuhay tayo sa iisang


kalikasan (Mother Nature)
b. Inutusan tayo ng Diyos na alagaan ang kalikasan (stewards) at hind imaging
tagapagdomina para sa susunod na henerasyon.
c. Binubuhay tayo ng kalikasan.

Pahayag Iyong Sagot Iskor

a.

9
b.

c.

10
Kaytirya sa Pagsulat ng Sanaysay

Kraytira 50 40 30 20

Paraan ng Malinaw ang May Naipahayag Nahirapang


Pagsulat pagpapahayag kakayahang ang kaisipan ipahayag ang
ng katwiran. magpahayag kaisipan.
ng katwiran.

Tayahin

Panuto: Tama o Mali. Basahin at unawain ang mga pangungusap at isulat kung
TAMA o MALI ang bawat pangungusap.
_______ 1. Hindi pinagkatiwala ng Diyos ang lahat ng bagay sa mundo upang ito’y
sirain.
_______ 2. Ang lahat ng bagay ay magka-ugnay.
_______ 3. Habang lumalaki ang kapangyarihan ng tao ay lumalaki rin ang kanyang
responsibilidad.
_______ 4. Ang kalayaang gumawa ng tama ay dapat gamitin sa lahat ng pagkakataon.
_______ 5. Ang tungkulin ay kasingkahulugan ng responsibilidad
_______ 6. Ang maaasahan sa maliit na bagay ay maaasahan din sa mga malalaking
bagay.
_______ 7. Ang tao ay wala nang kakayahan pang pasiglahin uli ang kalikasan dahil ito
ay nasira na.
_______ 8. Hindi lahat ng tao ay kayang pangalagaan ang kalikasan dahil ang
kalikasan ay may sariling paraan para ibalik ang dati nitong sigla.
_______ 9. Ang kalikasan ay mabuting kaibigan, pero malupit na kaaway.
_______ 10. Ang kalikasan kung hindi gagamitin ay walang pakinabang sa tao.
_______ 11. Ang tunay na kalayaan ay ang gawin ang na-aayon sa kagustuhan ng tao.
_______ 12. Hindi lahat ng kalamidad at trahedya sa mundo ay kagagawan ng tao.

11
_______ 13. Ang tunay na pagmamahal sa kalikasan ay ang gawin ang untos ng Diyos.
_______ 14. Ang pagiging mabuti at responsabling tao ay hindi nakikita sa mukha kundi
ay sa gawa.
_______ 15. Ang Diyos lamang ang makapagbabago ng lahat ng pagmamalabis ng tao
sa kalikasan.

Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa ng iyong sariling Tula na naglalaman ng tatlo hanggang limang


stanza, base sa tatlong kasanayang pampagkatuto.
a. Lahat tayo ay mamamayan ng iisang mundo, dahil nabubuhay tayo sa iisang
kalikasan (Mother Nature).
b. Inutusan tayo ng Diyos na alagaan ang kalikasan (stewards) at hindi maging
tagapagdomina para sa susunod na henerasyon.
c. Binubuhay tayo ng kalikasan.

12
Susi sa Pagwawasto

13
Sanggunian

Armstrong, Karen. “In the Beginning: A New Interpretation of Genesis.” USA: The
Random House Publishing Group, pp. 9-23.
Terbush, Jon. “4 shocking findings from the U.N’s latest climate change report
Spoiler: It’s real, and it’s our fault.” theweek.com.
http://theweek.com/article/index/248472/4-shocking-findings-from-the-uns-latest-
climate-change-report/ (accessed May 27, 2020)
Stanford Encyclopedia Of Philosophy. “The Unity of Nature and Freedom: The
Purposiveness of Nature.” plato.stanford.edu.
https://plato.stanford.edu/entries/kant/#UniNatFre (accessed May 22, 2020).

W. Norris Clarke, S.J. “The One and the Many: A Contemporary Thomistic
Metaphysics.” Notre Dame: University of Notre Dame Press, 2015.
https://muse.jhu.edu/book/45126.

www.google.com/images/

14
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

DepEd Division of Cagayan de Oro City


Fr. William F. Masterson Ave Upper Balulang Cagayan de Oro
Telefax: ((08822)855-0048
E-mail Address: cagayandeoro.city@deped.gov.ph

15

You might also like