You are on page 1of 23

Edukasyon

sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 9:
Pagmamahal sa Bayan
(Patriyotismo)
Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas
Edukasyong sa Pagpapakatao – Ikasampong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 9: Pagmamahal sa Bayan (Patriyotismo)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Helen Limbaga-Requias


Editor: Janice May M. Salting
Tagasuri: Nancy B. Panistante
Tagaguhit: Francis Ice L Requias
Tagalapat:
Tagapamahala: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III (Regional Director)
Co- Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO IV (Asst. Regional Director)
Randolph B. Tortola, PhD, CESO IV (SDS Division of Bukidnon)
Shambaeh A. Usman, PhD (ASDS Division of Bukidnon)
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Neil A. Improgo, EPS-LRMS
Bienvenido U. Tagolimot Jr, EPS-ADM
Miyembro: Elbert R. Francisco, PhD, Chief ES, CID
Nancy B. Panistante, EdD in Edukasyon sa Pagpapakatao
Rejynne Mary L. Ruiz, PhD, LRMDS Manager
Jeny B. Timbal, PDO II
Shella O. Bolasco, Division Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region X- Division of Bukidnon

Office Address: Fortich Street, Sumpong Malaybalay City, Bukidnon


Telefax: 088-813-3634
E-mail Address: Bukidnon@deped.gov.ph
www.depedbukidnon.net.ph
10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 9:
Pagmamahal sa Bayan
(Patriyotismo)

Ang modyul na ito ay sama-samang binubuo at sinuri ng mga edukador sa mga


publikong paaralan. Hinihikayat naming ang mga guro at iba pang nasa
larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang mga puna at mungkahi sa
Kagawaran ng Edukasyon sa bukidnon@deped.gov.ph

Pinahahalagahan naming ang iyong mga puna at mungkahi

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Talaan ng Nilalaman

Pahina
Cover Page

Copyright Page

Title Page

Talaan ng Nilalaman

Paunang Salita

Nilalaman ng Modyul

Alamin 1

Subukin 2-3

Balikan 4

Tuklasin 5-7

Suriin 7-9

Pagyamanin 9-10

Isaisip 10

Isagawa 11

Tayahin 11-12

Karagdagang Gawain 12-13

Susi sa Pagwawasto 13

Sanggunian 14
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10
ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pagmamahal sa Bayan
(Patriyotismo)
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Mga mahal naming mga magulang kami ay lubos na
nagagalak na sa mga panahong ito ay patuloy kayong
naninindigan kasama ang departamento ng edukasyon
na itataguyod ang kahalagahan ng pag aaral ng mga
kabataan. Hindi ninyo kami pinabayaan at dahil doon,
mas lalo kaming magsusumikap na mailapat ang mga
aralin ng mga mag aaral nang buong katapatan. Naway
ang modyul na ito ay makakatulong na matugunan ang
anumang pangangailangan ng mga kabataan at mag
sisilbing gabay din ninyo sa anumang pagkukulang
naming mga guro. Saludo kami sa mga orihinal na guro.
KAYO po.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pagmamahal sa Bayan (Patriyotismo).
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Aralin
Pagmamahal sa Bayan
(Patriyotismo)

Alamin

Bayani ba kamo? Marami akong kakilala na sa


tingin ko’y kabayanihan ang buhay na tinatahak
nila. May sa tingin ko’y makabagong Andres
Bonifacio, Jose Rizal o Tandang Sora. Sa
paniniwala ko ay kaya ko silang tularan sa kani-
kanilang pamamaraan ng kanilang kabayanihan
na nakaugat sa pagmamahal sa Bayan.”

Marahil ang mga nasabi ko ay minsan mo na ring napakinggan at napag


isipan na iyong isasagawa. Subalit ang hamon nitong 21st Century ay kung paano
kaya natin ito maipamamalas? Kailangan din bang magsulat, makikipaglaban,
magkawang gawa upang maipakita ang pagmamahal sa bayan?

Sa Modyul na ito, inaasahang maunawaan at mas mapalalim ang makataong


kilos na nabanggit sa nakaraang modyul na maipamamalas din sa paraan ng
pagmamahal sa Bayan.

Sa huli, kailangang masasagot mo ang mahalagang katanungan: Paano


maipapamalas ang pag unawa sa pagmamahal sa Bayan? Inaasahang malilinang
mo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan, at Pag-unawa:

1. Nakagagawa ng Angkop na Kilos upang maipamalas ang


pagpapahalaga ng pagmamahal sa Bayan.

1
Subukin

Sa bahaging ito, ang iyong kaalaman ay


susubukan sa pamamagitan ng isang
pagtataya. Handa ka na ba?

Tama o Mali:

Panuto: Sulatan ng tsek (/) ang kung tama ang iyong sagot at ekis (X) kung mali
ang iyong isagot sa linyang naka guhit bago ang bilang..

_______1. Pag-awit sa pambansang awit nang may paggalang at dignidad ay


halimbawang angkop na kilos ng pagmamahal sa bayan.

_______2. Katotohanan at pananampalataya ay hindi kabilang sa mga


pagpapahalagang dapat linangin upang tuwirang maisabuhay ang pagmamahal sa
bayan.

_______3. Mahalagang mahalin ng bawat Pilipino ang sariling bayan dahil utang
natin sa ating bayang sinilangan ang kalayaan at pagkakataong hubugin ang ating
pagkatao.

_______4. Pagsisikap makamit ang mga pangarap para guminhawa ang sariling
pamilya ay hindi angkop na kilos ng pagmamahal sa bayan

_______5. Ang pagsisikap na sanayin ang angking kakayahan na kinakailangan sa


nakapalibot sa iyo upang makamit ang tagumpay ng mamamayan ay ang
pangunahing mensahe sa pagmamahal sa bayan.

_______6. Pagiging organisado ng ideya, salita, kilos na may layuning mapabuti ang
ugnayan sa kapwa ay halimbawang angkop sa kilos kaayusan ng pagmamahal sa
bayan

2
_______7. Ang paraan na maaaring gawin sa isang simpleng mamamayan bilang
taga-pamahala ng kalikasan ay magmasid lamang sa kapaligiran.

_______8. Ang makapagpapalawak ng pagmamahal sa bayan ay ang paggamit ang


medya at teknolihiya sa pagpapalaganap ng kawilihan at kaalaman.

_______9. Ang pagbibigay sa isang tao ng para sa kaniya at para sa iba ay isang
halimbawang angkop na kilos ng pagmamahal sa bayan na igalang ang matatanda.

_______10. Hindi makakaapekto sa iba at sa bayan ang aking paninigarilyo.

_______11. Ang pagiging Nasyonalismo ay tumutukoy sa mga ideolohiyang


pagkamakabayan at damdaming bumibigkis sa isang tao at sa iba.

_______12. Pagiging matiyaga na tatapusin ang anumang uri ng gawain ng buong


husay at may pagmamahal ay napapa-angkop sa kilos na hindi pagpapahuli sa naka
takdang oras. Sa trabaho, husay at oras ay mahalaga.

_______13. Dapat mahalin ang sariling bayan dahil maipakikita ang pagmamahal sa
Diyos sa pamamagitan ng pagdarasal at pagsisimba.

_______14. Hindi na Kailangan ang kapuwa sa pagpapaunlad ng Bayan.

_______15. Sa dinaluhang Relihiyosong pagtitipon, hindi mahalaga na isama sa


panalangin ang mga namumuno ng ating bansa.

O, ano? Nahirapan ka ba? Kumusta ang iyong


iskor? Kung hindi umabot sa kalahati ang
iyong nakuhang tamang sagot ok lang ‘yan.
Huwag mabahala. Maging tapat lang sa iyong
gagawin at seguradong magkakaroon ng
paglago sa iyong matututuhan. Kung ang
nakuha mo ay higit sa kalahati pataas,
magaling dahil nasa lebel ka na patungo sa
pagiging bihasa. Kaya patuloy na tuklasin ang
mahahalagang kaalaman, at kasanayan sa
modyul.

3
Balikan

Natatandaan mo pa ba ang sagot


mo sa Quick pick/ Quick click na
ipinagagawa ko sa iyo sa nakaraang
modyul? Ano kayang meron ka na
pagpapahalaga? Alamin nga natin.

Maingat sa sarili- bahay kubo, Humba, Pilipinas, Kayumanggi, dignidad, ballpen


Makibahagi sa iba- Armas, Gawa, Tayo, Katarungan, panahon
Pagkawili sa iba- Bahay Bato, Hamon, Abroad, Pera, kalayaan, maputi, oras, sila

Maingat sa sarili, pinipili mong mag-isa at huwag makikialam sa iba, ngunit


kailangan mo din ang makibahagi sa iba na ang gusto ay ayaw na may masasaktan
sa mga mahal sa buhay nila. Mahalaga ang iba sa iyo. Marahil kailangan mo ding
malaman ang pagkawili sa iba na paraan din sa pag angat sa buhay, huwag lang
kalimutan ang kinagisgisnan. Walang mali sa ano man ang napili, ang mahalaga ay
alam mo sa iyong sarili na nakaugat sa iyo ang pagka Pilipino. Suriin natin si Von
kung anong pagpapahalaga meron siya.

4
Tuklasin

“Katapatan, Paggalang at Pagpapahalaga sa Bayan” ay sigaw ko lang ba? O


kasama na rin kita?
Katapatan sa pagsunod sa mga Batas na umiiral sa Lipunan. Disiplinadong
mamamayan ay mamumuhay sa kapayapaan, kasaganaan, at kaayusan.
Pagggalang sa mga nakakatanda, pagbibigay pugay sa bandila, pagsunod
sa mga kinauukulan, pagsunod sa alituntunin ng paaralan ay ilan lamang sa
ating mga responsibilidad bilang isang mamamyan.
Pagpapahalaga.Hindi lamang ang kultura na dapat alamin kundi ang
malalim na pagtingin sa pagiging Pilipino sa pagharap sa hamon ng
kasalukuhang panahon na mas agaw-pansin ang ibang bansa kaysa sa sariling
atin.
Walang Mundong perpekto ngunit tayo tayo lang din ang magmamalasakit,
magtutulungan at maglilingkod sa ating sariling bayan, hindi po ba?

Kaisa ba kita? Solusyon ba ang hanap mo


sa suliranin ng ating Bayan? Sa anong
paraan? Halika at alamin natin ang sa kung
ano meron itong si Batang Scout.

5
News Article: Batang Scout
Si Von ay isa sa mga lider-Kabataang Marinduque, dating pangulo ng
Marinduque State College Laboratory Supreme Student Government, nagiging
patnugot ng MSC Pyparus at isa sa mga opisyal sa kanilang chapter ng Boys Scout
of the Philippines.
Si Von Andre Preclaro Orlina ay may sariling pamamaraan ng pagpapahayag ng
pagmamahal sa Inang Bayan.
VON: Ang Pagiging Makabayan ay Isinasapuso
Ang pagiging makabayan ay isa sa mga pagpapahalaga
na itinuturo sa atin simula pagkabata. Sa araw-araw na
pagpasok sa paaralan ay binibigkas natin ang Panunumpa
ng katapatan sa watawat ng Pilipinas na may bahagi na
nagsasabing “… na ipinakikilos ng sambayanang
MakaDiyos, MakaKalikasan, Makatao at Makabansa!” sa
kabila ng araw araw na pagbibigkas nito, naisasagawa nga
ba natin ang pagpapahalaga sa bansa?
Marahil ang pagiging makabayan ang isa sa
pinakamahalagang pagpapahalaga na dapat nating
matutunan, ngunit bakit mahirap maipakita ang simpleng
pagpapahalagang ito na ngayon ay nagiging hamon?
Nararapat bang maging hamon ang simpleng pakikisapi
sa pagtaas ng Bandila ng Bansa, gayong responsibilidad ito
na dapat sundin ng mga Pilipino? Hamon nga ba na dapat
ituring ang saglit na pagtindig ng maayos at pagkanta ng saglit, gayong ang kantang
ito ang isa sa mga nagiging pundasyon at simbolo ng kalayaan natin ngayon? Ngunit
hindi nagtatapos ang pagiging makabayan sa simpleng pakikisapi sa pagtataas ng
watawat.
Ang Pagiging makabayan ay isinasapuso at hinihirang bilang isang likas na
kaugaliang Pilipino. Nararapat lamang na tayong mga kabataan ay makisapi sa mga
Gawain ng ating pamahalaan. Mangialam tayo sa mga pambansang suliranin at
ipahayag ang ideya at pulso ng kabataan na magiging salamin at boses ng
nakararami.
Isa pa ay ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa mga batas na dapat
sundin at gawin. Ang pagiging makabayan ay makikita rin sa pag aaral at ang
pagkakaroon ng malawak na interes sa nakagisnan nating bansa kasama na ang
mga pagpapahalagang Kultural. Sa taong 2025 ay haharap na tayo sa isang mundo

6
na ganap na ang globalisasyon. Unti-unti na tayong nagiging pamilyar at
naisasagawa ang mga kultura ng iba’t ibang bansa.
Ngunit sa kabila nito ay mayroon tayong responsibilidad na ibida sa buong
mundo kung ano ang Pilipino at mas ipagmalaki pa ang taglay nating
pagkamakabayan. (LP/PIA-Mimaropa)

Napa hanga ka ba sa sanaysay ni Von?


Masasagot mo kaya ang mga tanong
na nasa ibaba sa susunod mong
babasahin? Alamin

1. Ano-anong mensahe ang gustong iparating sa sanaysay ni Von?


______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Makakatulong ba ang mensahe sa sanaysay sa pagsasabuhay ng pagmamahal
sa Bayan? Pangatuwiran.
______________________________________________________________

___________________________________________________________________
__

Suriin
Sa sanaysay na ipinamalas ni Von, hindi
lingid sa kaalaman ng lahat na bukas at
handa na ang ating bansa sa
pangkalahatang mundo ngunit sana laging
pakatatandaan na dapat umiiral pa rin ang
ugaling pinoy, tatak pinoy na may totoong
malasakit sa pamilya, mamamayan at sa
bayan. Tutulungan tayo ni Sir Alex Lacson
na ito ay mapalalim at maisasabuhay.
7
Mga Angkop na kilos na Nagpapamalas ng Pagmamahal sa Bayan
Lagi nating naririnig “Ligtas ang may alam.” Ang kakayahang
maisasakatuparan ang iyong pangarap at nang sa Bayan dahil ang
may wastong kaalaman ay yaman ng Bayan.
PAYO NI AMA AT INA: “Mag-aral ng mabuti…iyan lang ang
mana ko sa iyo” bilin ni ama at ina. Ako’y naniniwala na ang taong
may pinag-aralan ay simpleng sumusunod sa anumang batas na umiiral sa lipunan.
Maging maaga sa lahat ng panahon. Huwag magpapahuli dahil oras ay
mahalaga. Kahit ilang minuto lamang ay maaaring may masasayang na oportunidad
o mawawala na mahalaga o mahal mo sa buhay. Isa din sa mga responsibilidad ng
mga kabataan na alagaan at igalang ang mga nakakatanda dahil iyon ay tama at
pasasaan ba’t diyan din ang ating tunguhin. “Gawin mo sa iba ang gusto mong
gawin sa iyo” ayon sa sikat na Golden Rule.
PAYO NI GURO: Ang ugat ng kaayusan ay disiplina sa sarili. Pumila ng
maayos, maging totoo at tapat sa sarili, huwag mangopya at magpapakopya.
Ugaliing magpakatotoo. Huwag mang linlang sa kapuwa mo na kahit minsan ay
masakit ang katotohanang hugot mo… hindi ba’t may ganoon? Magtipid ng Tubig,
magtanim ng Puno, at huwag magtapon ng basura kahit saan. Ang lahat ay may
dapat kalalagyan. Ang paggamit, pag-iingat, at pag-aalaga ng pinagkukunang
yaman ay responsibilidad ng bawat mamamayan. Sabayan mo akong gawin ito.
PAYO NG GOBYERNO: Ang pag-awit ng Pambansang awit nang may
paggalang at Dignidad. Yuyuko ang puso na nag-aalab habang ito ay iyong
kantahin at bigkasin kasabay ang panunumpa at panata sa Bayan, hindi ba’t
nakapaninindig balahibo ang liriko at bawat salita nito? Pag ramdam mo iyan, mahal
mo ang bayan mo at sigurado akong iiwasan mo ang anumang Gawain na hindi
nakakatulong sa iyo at sa bansa. Huwag magpadala sa grupong umaalsa na
ikakasira sa bayan. Tulungan natin si Inang Bayan. Bumili ng produktong sariling
atin, huwag peke o smuggled. “Pera mo, para sa bayan mo:” Pumili ka ng
kandidato na may takot sa Diyos, may paninindigan at hindi kurap, kung pwede ka
nang bumoto, isagawa ito ng tama at pahalagahan.
PAYO NG SIMBAHAN: Isama na din sa panalangin ang bansa at kapuwa
mamamayan. “Walang sino man ang Nabubuhay para sa sarili lamang…” ayon
sa kanta. Kailanman, ang kapangyarihan ng Diyos ang siyang nagbubuklod-buklod
sa atin na Siya’ng tagapagligtas at tagapangalaga sa lahat lalo na sa panahon natin
ngayon na sinubok ang ating bayan at ang ating pananampalataya sa Kanya.
Pakikiramdaman mo: Paniniwala mo at ang Bayan mo.

8
Siguro mapapa-isip ka: Paano nga ba ang mga kababayan natin na
nangingibang-bansa, doon nagtatrabaho o nagpasyang maninirahan doon o
pinipiling matawag na mamamayan nang ibang bansa?

Pag-isipan:
1. Ang aksiyon ba na kanilang ginawa ay ‘di ayon sa pagiging maka-Bayan?
2. Alin sa mga nabanggit ang naisagawa mo na? Paano ka magiging mabuting
instrumento sa mga katulad mong kabataan na maisabuhay ang mga kilos na ito?

Tandaan, na ang pagiging Pilipino ay nasa isip, sa salita at sa gawa.

Pagyamanin

Naunawaan mo ba ang iyong binasa?


Upang masubok ang lalim ng iyong pang-
unawa, isulat ang kailangan mong magawa
para sa bayan. Sundin ang panuto sa ibaba.

Gawain 1. High Five


Panuto: “High Five”. Ito ay simbolo ng isang positibong pag aproba sa
anuman ang iyong naging desisyon o nagawa na nakamamangha o
kaaya-aya.
Naka High Five ka na ba? Sige nga, patunayan mo? Sa angkop na
kilos na nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan, pumili ng limang hindi mo

9
nakasayang ginawa o hindi mo pa nagawa o pa minsan minsan mo lang ginawa at
isulat sa bawat daliri. Ipahiwatig at isulat ang kailangan mong magawa para sa
bayan upang mabigyan ka ng ‘Hi 5’ sa singsing na nakatalaga sa bawat daliri.

Isaisip

Upang masubok ang iyong


kaalaman, ikaw ay inaanyayahang
dugtungan ang mga sanaysay.

Gawain 2. Panuto: Dugtungan ang sanaysay.

1. Magiging mabuti akong mamamayan kung…


___________________________________________________________________
2. Ang pag tatrabaho o pananatili sa ibang bansa para sa akin ay isang…
___________________________________________________________________
3. Sa Kasalukuyang pangyayari na ang ating Bansa ay humaharap ng pang-
kalusugang krisis, minamabuti ko na…

10
Isagawa

Gawain 3.
Panuto: Basahin at sundin ang mga gabay o instruksiyon sa ibaba para sa
pagsasagawa ng iyong indibidwal na Gawain.
1. Ang bawat mag-aaral ay makapag lalarawan ng kahalagan ng pagmamahal sa
Bayan sa pamamagitan ng paggawa ng “ACCORDION BOOKLET”.
2. Pumili ng larawan o “Motivational Picture with Deep Meaning/ One Picture Million
Words” na naglalarawan ng kahalagahan ng pagmamahal sa Bayan.
3. Mag lagay ng Hashtag sa bawat larawan (e.g. #Pagmamahalsabayan #Pahina)
Markings:

Kraytirya Ganap na Bahagyang Hindi


naisagawa naisagawa naisagawa
15 10 5

Organisado at malinaw ang


pagpapahayag ng mensahe

Kaangkupan ang mga gamit na


halimbawa

Pagpapakita ng malikhain sa paggawa

Tayahin

Okay ka pa ba? Kumusta ang iyong


pagbabasa? Huwag mangamba sapagkat
nasa huling yugto na tayo ng iyong modyul.
Unawain at sundin ang panuto sa ibaba.

11
Tama o Mali:
Panuto: Isulat ang salitang TAMA sa kung tama ang iyong sagot at MALI kung mali
naman ang iyong isasagot sa linyang naka guhit bago ang bilang.
_______1. Ang pagsisikap na sanayin ang angking kakayahan na kinakailangan sa
nakapalibot sa iyo upang makamit ang tagumpay ng mamamayan ay ang
pangunahing mensahe sa pagmamahal sa bayan.
_______2. Sa dinaluhang Relihiyosong pagtitipon, hindi mahalaga na isama sa
panalangin ang mga namumuno ng ating bansa.
_______3. Mahalagang mahalin ng bawat Pilipino ang kanilang bayan dahil utang
natin sa ating bayang sinilangan ang kalayaan at pagkakataong hubugin ang ating
pagkatao.
_______4. Pagsisikap makamit ang mga pangarap para guminhawa ang sariling
pamilya ay hindi angkop na kilos ng nagmamahal sa bayan
_______5. Pag-awit sa pamabansang awit nang may paggalang at dignidad ay
halimbawang angkop na kilos ng pagmamahal sa bayan.
_______6. Pagiging organisado ng ideya, salita, kilos na may layuning mapabuti ang
ugnayan sa kapwa halimbawang angkop sa kilos kaayusan ng pagmamahal sa
bayan
_______7. Ang paraan na maaaring gawin sa isang simpleng mamamayan bilang
taga pamahala ng kalikasan ay magmasid lamang sa kapaligiran.
_______8. Ang makapag-papalawak ng pagmamahal sa bayan ay ang paggamit
ang medya at teknolihiya sa pagpapalaganap ng kawilihan at kaalaman.
_______9. Ang pagpapahalaga sa sarili at para sa iba ay halimbawang angkop na
kilos ng pagmamahal sa bayan na igalang ang nakatatanda.
_______10. Hindi makakaapekto sa iba at sa bayan ang aking pag-inom ng alak
_______11. Ang pagiging Nasyonalismo ay tumutukoy sa mga ideolohiyang
pagkamakabayan at damdaming bumibigkis sa isang tao at sa iba.
_______12. Pagiging matiyaga na tapusin ang anumang uri ng gawain ng buong
husay at may pagmamahal ay napapaangkop sa kilos na hindi pagpapahuli sa naka
takdang oras. Sa trabaho husay at oras ay mahalaga.
_______13. Dapat mahalin ang sariling bayan dahil maipapakita ang pagmamahal
sa Diyos sa pamamagitan ng pagdarasal at pagsisimba.
_______14. Hindi na Kailangan ang kapuwa sa pagpapaunlad ng Bayan.
_______15. Katotohanan at pananampalataya ay hindi kabilang sa mga
pagpapahalagang dapat linangin upang tuwirang maisabuhay ang pagmamahal
sa bayan.

Karagdagang Gawain

Sa kasalukuyang mga pangyayari sa Bayan natin at sa buong mundo na


humaharap ng matinding pagsubok sa pangkalusugan, pangkabuhayan, pang
ispiritwal, at pang edukasyon na aspekto sa ating pamumuhay, ano ang pwede
12
mong magawa sa nakababahalang sitwasyon na nararanasan natin ngayon para
matulungan natin ang isa’t isa. Sagutin mo ako ng tanong sa isang patalastas at
ipaliwanag ang iyong kasagutan.

Ikaw, para kanino ka ba bumabangon?


Ikaw, para kang kinsa ka man mobangon?
Ikaw, para kay sino ka man mobangon?
Ikaw, para handae ka ad anaw?

Susi sa Pagwawasto

PagyamaninSubukin
*5 puntos sa1. tama
bawat sagot2.namali
nakasulat sa3. tama
daliri 4. mali
5. tama
*2 puntos 6. tama
bawat sagot7.namali
nakaukit sa8. tama
singsing. 9. mali
10. mali
11. tama
12. tama
13. mali
14. mali
15. mali 13
Sanggunian

Kawanihan ng Edukasyong Sekundarya. Kagawaran ng Edukasyon. Gabay


Sa Pagtuturo sa EsP para sa 2010 kurikulum ng Edukasyon Sekundarya
(SEC) Pasay City, 2015

Kawanihan ng Edukasyong Sekundarya. Kagawaran ng Edukasyon. Mudyol sa


Mag-aaral sa EsP para sa 2010 kurikulum ng Edukasyon Sekundarya
(SEC) Pasay City, 2015

Project EASE EP III. Modyul 10

Mula sa Internet/Social Media

https://pia.gov.ph

Nestle Nescafe advertisement

bitmoji

14
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon-Rehiyon X, Sangay ng Bukidnon

Office Address: Fortich Street, Sumpong Malaybalay City, Bukidnon


Telefax: (088) 813-3634
E-mail Address: Bukidnon@deped.gov.ph
www.depedbukidnon.net.ph

You might also like