You are on page 1of 4

UNIVERSITY OF SOUTHERN PHILIPPINES FOUNDATION

Mabini Campus

Ikatlong Markahang Pagsusulit (2nd Half)


Edukasyon sa Pagpapakatao 10
S.Y. 2019-2020

BASAHIN, UNAWAIN, AT SUNDIN ANG BAWAT PANUTO.


BAWAL MAGBURA!

Pangalan: ____________________Baitang at Pangkat: ______________Iskor: _____

I. Malayang Pagpipili
Panuto:Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unwain ang bawat tanong. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang na inilaan ang
bawat aytem. (25 pts.)

____1.Alin sa mga sumusnod ang tinaguriang ina ng mga birtud?

A. Prudentia B. Katarungan C. Kahinahuan D. Katapangan

____2. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng karuwagan?

A. Si Belle na takot sa lumilipad na ipis


B. Si Abby na ayaw maglakad sa madilim na kalye
C. Si Drew na takot mahulog kung sasabit sa jeep
D. Si Marie na nahihiyang mag- ulat sa harap ng klase

____3. “Ang karuwagan ay pagpikit ng mata sa tawag ng halaga. Yuyuko at titiklop ang
isang duwag sa kanyang sariling kahinaan”. Ang pahayag na ito ay:

A. Tama, dahil nakikita ng isang duwag ang wala sa kanya sa kabila ng napakaraming
mayroon siya.
B. Tama, dahil hindi umaatras sa anumang hamon ang isang duwag.
C. Mali, dahil tiyak na susubukan harapin ng isang duwa ang hamon kahit walang
kasama.
D. Mali, dahil batid ng isang duwag ang halaga ng mga nakapaligid sa kanya.

____4. Sino sa kanila ang HINDI nagpapakita ng katarungan bilang birtud?

A. Isang guro na pumapasok nang maaga at nagtuturo nang buong husay sa klase.
B. Isang mag-aaral na itinuturing ang pag-aaral na huli sa kanyang mga prayoridad sa
buhay.
C. Isang ama na ibinibigay ang kanyang buong oras at lakas upang mabigyan ng
magandang buhay ang kanyang pamilya.
D. Isang empleyado na hindi lumiliban sa trabaho at tinitiyak na tapos lahat ng gawain
bago umuwi.

____5. Kung ang maingat na paghuhusga ay pagiging rasyonal ng tao, ano ang kanyang
pamantayan ng kanyang kilos?

A. Kumikilos nang Malaya upang hubugin ang kaniyang mga kakayahan.


B. Ginagamit ang talino at tamang katwiran sa pagtugon sa mga sitwasyon.
C. Mahinahon sa pagpapahayag ng kanyang kaisipan at damdamin
D. Nagpapahalaga sa dignidad at karapatan ng kanyang kapwa.

____6. Paano napatitingkad ng maingat na paghuhusga ang kabutihan ng tao?

A. Kapag maingat ang paghuhusga sa pamimilian, nakagagawa ang tao ng mabuti at


tamang pagpapasya
B. Kung maingat ang tao sa paghusga sa kanyang kapwa, naiiwasan ang pagbibintang at
maling pagpaparatang
C. Kapag may maingat na paghuhusga, napangangalagaan ang reputasyon nating lahat
lalo na sa mga may kasalanan.
D. Kung maingat ang paghuhusga, magkakaroon ng katarungan, kalayaan, at
kapayapaan sa sangkatauhan.

____7. “Ang pagpapakatao ay pagiging maingat sa paghuhusga”. Ano ang kahulugan ng


pahayag na ito?

A. Mahalaga ang maingat na paghuhusga upang maiwasan ang mga maling pagpapasya
na makakasama sa ating sarili.
B. Ang maingat na paghuhusga ang nagbibigay hudyat ng matalinong pagpapasya na
mnangalaga sa kapakanan ng tao.
C. Laging tandaan na ang unang hakbang sa paggawa ng kabutihan ay maingat na
pagpapasya
D. Naging ganap ang pagkatao kapag hindi nanghuhusga ng kapwa kahit may matibay
na katibayan.

____8. Ang mga birtud na ito ay dapat na taglay upang maiangkop ang kaayusan,
katinuan, at kabutihan.

A. katapangan, kahinahunan, at katarungan


B. katapangan, katahimikan, at kapayapaan
C. katapangan, kapayapaan, at pagmamahal
D. katapangan, kahinahunan, at pagmamahal

(Para sa bilang 9, 10, at 11)


Ano ang mangyayari sa grupo ng manlalaro kung hindi ramdam ang pagmamahal nito sa
kanilang koponan? Maipapanalo ba ng mga manlalaro ang kanilang grupo? Hindi ba lagi
mong naririning ang salitang “puso” sa tuwing kinakapanayam ang isang manlalarong
nagbigay ng malaking puntos upang maipanalo ang kanilang koponan?

____9. Anong pagpapahalaga ang ipinapahayag ng talata?

A. pagmamahal sa laro C. pagmamahal sa bayan


B. pagmamahal sa koponan D. pagmamahal sa kapwa

____10. Ano ang pangunahing mensahe ng talata?

A. Kung may pagmamahal sa loob ng koponan, masaya at mas madali para sa mga
manlalaro na isakatuparan ang mithiing Manalo.
B. Mahalaga ang pagbibigayan at sportsmanship ng mga manlalaro upang maiwasan ang
tunggalian at sakitan.
C. Ang pagsisikap na sanayin ang angking kakayahan na kinakilangan sa laro ay
mahalaga para makamit ang tagumpay.
D.Piliin ang tamang laro at libangan na lalong makatutulong sa paghubog ng malusog na
pangangatawan at isipan.

____11. Ano ang kaugnayan ng paksang laro na binasa sa pagmamahal sa bayan?

A. Ang manlalaro at mamamayan ay magkatulad na may malaking pananagutan sa


tagumpay ng bayan.
B. Ang pagmamahal sa koponan o bayan ang magbubuklod sa mga manlalaro o
mamamayan para makamit ang tagumpay ng lahat.
C. Ang paglalaro ng mga kasapi ng koponan ay kumakatawan sa pagganap ng bawat
mamamayan sa kanilang tungkulin para sa bayan.
D. Ang tagumpay ng lahat ay nakasalalay sa mabuting pamumuno at paggabay ng coach
ng koponan o pangulo ng bayan.
____12. Alin ang hindi kabilang sa pagpapahalagang dapat linangin upang tuwirang
maisabuhay ang pagmamahal sa bayan?

A. paggalang at pagmamahal C. katahimikan at kapayapaan


B. katotohanan at pananampalataya D. katarungan at pagkakaisa

____13. Paano nakahahadlang ang pandaraya at pagkamasarili sa pag- unlad ng isang


bayan gayundin sa pagka-Pilipino natin?

A. Hindi ito nagpapahayag ng pagmamahal sa bayan.


B. Masamang matutuhan ng mga batang Pilipino.
C. Nawawala ang kapayapaan sa baying sinilangan.
D. Nakakaapekto sa mabuting pakikipagkapwa.

____14. Bakit mahalaga sa buhay ng tao ang pananahimik o pagninilay?

A. Upang malaman ng tao ang mensahe ng Diyos sa kanyang buhay.


B. Upang lumawak ang kanyang kaalaman at magsabuhay ng aral ng Diyos.
C. Upang lumalim ang kanyang pakikipag-ugnayan sa Diyos.
D. Upang lalong makilala ng tao ang Diyos at maibahangi ang Kanyang mga Salita.

____15. Ang mga sumusunod ay naglalarawan ng buhay ng pananampalataya maliban


sa:

A. kumikilala at nagmamahal sa Diyos


B. Naglilingkod at palagiang nananalangin sa Diyos.
C. Nagmamahal at tumutulong sa kapwa.
D. Nagmamahal sa Diyos at nagmamahal sa kapwa.

Para sa bilang 16- 21.

A. pag-aaral sa Salita ng Diyos


B. pagbabasa ng aklat tungkol sa espiritwalidad
C. pagmamahal sa kapwa
D. pagsisimba o pagsamba
E. panahon ng pagninilay
F. panalangin

____16. Ito ay paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa Diyos.


____17. Ito ay makatutulong sa tao upang makapag-isip at maunawaan ang tunay na
mensahe ng Diyos sa kanyang buhay.
____18. Ito ay nakatutulong sa tao upang lalo pang lumawak ang kanyang kaalaman
____19. Upang lubos na makilala ng tao ang Diyos, nararapat na malaman ang Kanyang
turo o aral.
____20. Malaki ang maitutulong nito sa tao upang makilala ang Diyos sa pamamagitan
ng pagbasa ng mga ito.
____21. Hindi masasabi na maganda ang ugnayan ng tao sa Diyos kung hindi maganda
ang ugnayan niya sa kanyang kapwa. Mahalagang maipakita ng tao ang paglilingkod sa
kanyang kapwa.

Para sa bilang 22-25.

A. Affection B. Agape C. Eros D. Philia

____22. Ito ang pinakamataas na uri ng pagmamahal. Ito ay pagmamahal ng walang


kapalit.
____23. Ito ay pagmamahal bilang magkapatid, lalo na sa mga magkakapamilya o
maaaring sa mga taon nagkakilala at nagiging malapit sa isa’t- isa.
____24. Ito ay pagmamahal sa magkakaibigan.
____25. Ito ay pagmamahal batay sa pagnanais lamang ng isang tao. Kung ano ang
makakapagdulot ng kasiyahan sa kanyang sarili.

II. Pag-iisa isa

Panuto: Ibigay ang hinihingi sa bawat aytem. (15 pts.)

A. Apat na Nauunang Mabuting Ugali (Cardinal Values)

1.
2.
3.
4.

B. Mga Prinsipyong Moral

1.
2.
3.

C. Anim na Pagpapahalagang Moral (Core Moral Values)

1.
2.
3.
4.
5.

III. Sanaysay

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan ayon sa iyong pag-unawa at naging
karanasan. (10 pts.)

1. Nag-aral ka ba ng mabuti? Naisagawa mo ba ang trabahong nakaatang sa iyo? Kung


ikaw ay nasa ibang bansa, anong kilos ang naisagawa mo upang masabing
ipinagmamalaki kang mamamayan ng bansa? Ilang beses mo bang ikinahiya ang iyong
bansa? Ilang beses mo bang ikinahiya ang pagiging Pilipino?

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

2. Bilang isang teenager sa makabagong henerasyon, paano mo mapapatunayan na


buhay pa rin sa iyong katauhan at kalooban ang mga pangunahing birtud at
pagpapahalagang moral?

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

You might also like