You are on page 1of 20

WHOLE BRAIN LEARNING SYSTEM

OUTCOME-BASED EDUCATION

EDUKASYON SA GRADE
PAGPAPAKATAO 10

LEARNING QUARTER 3
MODULE WEEK 6

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 10 0


MODYUL SA
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

KUWARTER 3
LINGGO 6

Pagsasabuhay ng Pagmamahal
sa Bayan (Patriyotismo)
DEVELOPMENT TEAM
Writers : Debralee D. Arquillo
Anthony S. Barruga
Nickson O. Agagon
Rosa Mae Felida S. Lumbo
Editor : Baby Rodel Sabino R. Daquioag
Reviewers : Baby Rodel Sabino R. Daquioag
Jo Eulie Mei T. Domingo
Illustrator : Eyriche Jan A. Dela Cruz
Lay–Out Artist : Eyriche Jan A. Dela Cruz
Management Team:
Vilma D. Eda Arnel S. Bandiola
Lourdes B. Arucan Juanito V. Labao
Jo Eulie Mei T. Domingo

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 10 1


YUNIT 3
PAGMAMAHAL SA BAYAN

ARALIN

11-2
PAGSASABUHAY NG PAGMAMAHAL
SA BAYAN (PATRIYOTISMO)

Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagmamahal sa bayan
(Patriyotismo).

Pamantayan sa Pagganap
Nakagagawa ang mag-aaral ng angkop na kilos upang maipamalas ang
pagmamahal sa bayan (Patriyotismo).

Mga Kasanayan sa Pampagkatuto (MELCs)


Sa modyul na ito inaasahang:

1. Napapangatwiranan na nakaugat ang pagkakakilanlan ng tao sa


pagmamahal sa bayan (“Hindi ka global citizen kung hindi ka
mamamayan”).
2. Nakagagawa ng angkop na kilos upang maipamalas ang
pagmamahal sa bayan (Patriyotismo).

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 10 2


ALAMIN
“Taas-noo kahit kanino, ang Pilipino ay ako.”

Tama! Bahagi ito ng awiting “Ako ay Pilipino” na kadalasang inaawit


natin bilang pagpapahiwatig ng pagmamalaki natin sa lahing kinagisnan.
Ngunit, nais kong ipaalala muli sa iyo na tayong mga Pilipino ay nananatiling
matatag sa kabila ng mga pagsubok at matitinding suliraning ating
naranasan, mula sa pandemiya hanggang sa mga unos at trahedya.

Ngayon, nais kong ikintal sa iyong isipan ang mga tanong na talagang
magbibigay-kalinawan sa ating pagkakabukod-tanging lahing may kamalayan
sa pagkamamamayan. Kapag nakikita mo ang bandila ng Pilipinas, ano ang
unang sumasagi sa iyong puso at isipan? Nagkakaroon ka ba ng hangaring
maging bayani sa sarili mong paraan? Bilang Pilipino, ano-ano ang mga bagay
na iyong ipinagmamalaki? Sa kabila ng mga hindi kanais-nais na balita
tungkol sa bayan at sa ibang mga Pilipino, pinaghahawakan mo pa rin ba ng
iyong pagiging Pilipino?

Sa araling ito, higit na mapalalalim ang iyong kamalayan sa iyong mga


tungkulin at pananagutan bilang isang Pilipino at mas mapapalawak ang
iyong pag-unawa sa kahalagahan ng pagmamahalan at paggalang sa sariling
bayan.

Sa modyul na ito inaasahang:

1. Napapangatwiranan na nakaugat ang pagkakakilanlan ng tao sa


pagmamahal sa bayan (“Hindi ka global citizen kung hindi ka
mamamayan”).
2. Nakagagawa ng angkop na kilos upang maipamalas ang
pagmamahal sa bayan (Patriyotismo).

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 10 3


SUBUKIN
Subuking alamin ang nalalaman sa paksang pag-uusapan sa
Modyul na ito sa pamamagitan ng pagsagot sa gawaing
sumusunod dito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang salitang PILI kung ang pahayag ay
naglalarawan ng pagmamahal sa bayan at isulat naman ang salitang PINO
kung hindi.

1. Tumayo nang tuwid habang inaawit ang Lupang Hinirang.


2. Ipagdasal ang buong pamilya, lipunan at mga namamahala sa
pamahalaan.
3. Pasimpleng itapon ang mga balat ng kendi sa mga pampublikong lugar.
4. Ipahayag ang iyong di-pagkagusto sa pamamalakad ng pamahalaan sa
pamamagitan ng pagsusulat sa mga bakanteng pader.
5. Mag-aral nang mabuti at sikaping hindi magpahuli sa klase.
6. Maging ehemplo sa pagtitipid sa paggamit ng enerhiya lalong-lalo na
ang tubig at kuryente.
7. Pangalagaan ang mga likas na yaman, likas-tao at mga likas na
katangian.
8. Maging daan tungo sa pagtataguyod ng katapatan at katotohanan.
9. Ipagbunyi ang “Filipino time” o pagiging huli ng mga Pilipino sa
pagdating sa ano mang gawain sapagkat kilala tayo sa pagkakaroon ng
ganitong ugali.
10. Isantabi ang mayamang kultura at tradisyon ng Pilipans para sa mga
gawaing nagsusulong ng modernisasyon at kaunlaran ng bansa.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 10 4


ARALIN
MAHAL KO ANG BAYAN KO
11 – 1

BALIKAN
Batid kong alam mo na kung ano ang nais ipahiwatig ng
Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas. Ngayon, nais kong muli mo itong
bigkasin nang may damdamin at bumuo ng mga larawang-diwa sa iyong
isipan. Maaari ring hikayatin mo ang iyong mga kasama sa bahay upang
isagawa ito bilang pagpapakita ng pagmamahal sa ating bansang Pilipinas.

Ako ay Pilipino,
buong katapatang nanunumpa sa watawat ng Pilipinas
at sa Republikang kanyang sinasagisag
na may dangal, katarungan at kalayaan
na pinakikilos ng sambayanang maka-Diyos,
makakalikasan, makatao at makabansa.

TUKLASIN
Ang pagmamahal sa bayan ay isang mahalagang tungkulin ng
isang mamamayan sa isang bansa. Lahat tayo kahit kabataan ay
dapat may pagmamahal sa bayan, halimbawa ay ang
pagmamahal sa sariling wika, dahil kung wala tayo nito ay
katulad ng sinuman ang sinabi ni Dr. Jose Rizal na “daig pa natin
ang hayop at malansang isda".

Maraming paraan para maipakita natin ang ating pagmamahal sa


bayan tulad ng pagmamahal sa sariling wika, pagtangkilik at pagbili ng
produktong gawa sa ating bansa. Pwede rin nating tularan ang ibang mga
katangian ng mga bayani sa ating bansa na inialay pa ang kanilang buhay
para lang maipagtanggol ang bayan.

Bilang kabataang may pagmamahal pa rin sa bayan dahil sa mga


simpleng pamamaraan ay higit nating kailangan sa bagong ngayon. Ilan sa
mga ito ay ang pagsunod pa rin sa mga kultura na nakagisnan ng ating mga

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 10 5


magulang tulad ng paggalang sa nakatatanda, pagmamano, at paggamit ng
po at opo. Maipapakita rin natin ito sa pamamagitan ng paggalang sa watawat
at pag-awit ng Lupang Hinirang sa tamang paraan.

Aminado naman tayo na hindi naman mahirap gawin ang pagmamahal


sa bayan, kailangan lang ng disiplina, pagiging matapat, at higit sa lahat
pagmamahal sa pamilya at pati na rin sa kapuwa.

Sa ngayon, nais kong pagnilayan mo ang tulang tungkol sa


pagmamahal sa bayan na halaw mula sa Spoken Word Poetry FB page.

"Pagmamahal sa Bayan"
(halaw mula sa
https://www.facebook.com/148913305945919/posts/pagmamahal-sa-
bayanpagmamahal-kung-san-ka-sinilangpagmamahal-sa-ating-bayan

Pagmamahal sa bayan
Pagmamahal kung saan ka sinilang,
Pagmamahal sa ating bayan,
Pagmamahal sa lugar kung saan ka unang natutong magmahal,
Pagmamahal sa ating bayan,
Bayan kung saan ka naninirahan,
Pero pagmamahal pa ba ang ipinapakita mo sa bayan?
Lalo't yang ginagawa mo ay mga bagay na di inaasahan ninuman,
Mga bagay na di ko nagugustuhan,
Kaya puwede ba? Pakibago naman,
Ang ating bayan ay nagsisilbing ating tahanan,
Kaya kailangan nating linisan, at hindi iwanan,
Para lang makapunta sa ibang bansa,
Pero yong ginagawa mo bakit puro pasikat lang?
Kunwari mahal ang bayan,
Pero wala naman talaga siyang pakialam,
Nagbago na ng lubusan ang mga kabataan sa panahon ngayon,
Puro pakitang-tao lang yong nakikita ko,
Pero puwede pa naman nating baguhin ang lahat,
Puwede naman nating mahalin nang walang kapalit at totoo ang ating bayan,
Puwede naman nating simulan sa pagpapahalaga sa ating kapaligiran,
Puwede rin sa paggawa ng kaaya-aya sa kapuwa,
At kung gusto mo ay puwede mo namang simulan sa pagtanggap sa bayan
Na dito ka ipinanganak kaya kahit anong gawin mo
Kahit sobrang init dito ay kailangan mo itong pahalagahan
Dahil ang bayan na ito ang nagutos sa’yong magpakatotoo.
Katotohanan ang kailangan ng bayan,
Pero higit nitong kailangan ay ang pagmamahal na tayo lamang ang
makapagbibigay.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 10 6


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong ayon sa tulang binasa. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

1. Sang-ayon ka ba sa sinabi ng manunulat na ang mga kabataan ngayon


na katulad mo ay malaki na ang ipinagbago kumpara sa mga kabataan
noon? Kung oo, sa anong paraan? Kung hindi, bakit mo nasabi?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Malinaw mo bang nasasaksihan ang mga paraan na nabanggit sa tula
kung paano mahalin ang ating bansa? Isa-isahin.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Paano nakatutulong ang tulang ito upang pag-ibayuhin ang
pagmamahal mo sa iyong bayang sinilangan?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

SURIIN
Tunay nga na ang pagsasaulo at pagbibigkas ng Panatang
Makabayan ay isang magandang kasanayan na isinasagawa ng
mga mag-aaral. Ito ay naglalayong mapag-igting ang kamalayan
ng bawat isa sa kahalagahan ng pagiging makabayan at
pagsasabuhay ng mga nasasaad sa panata hindi lamang para
sa bayan kundi para na rin sa kapuwa.

Sa pagsambit ng pahayag na “Iaalay ko ang aking buhay, pangarap,


pagsisikap sa bansang Pilipinas,” ang pagkakaroon mo ng pag-aasam na
balang araw, ikaw ang magiging daluyan sa minimithing pagbabago ng bansa
at ang pagmamahal mo sa bayan ang magsisilbing daan tungo sa katuparan
ng pangarap na ito.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 10 7


Pagiging makabayan

Hindi mo kailangang magbuwis ng buhay tulad ng ginawa ng ating mga


bayani upang masabing mahal mo ang ating bayan. Sa simple mong
pamamaraan, mapatutunayan mo na ikaw ay Makabayan. Halimbawa ay
kung tinatanggap mo nang buong puso ang iyong papel na pagmalasakitan
ang bayan. Ang pagmamalasakit na ito ay mapatutunayan sa pamamagitan
ng iyong pagtupad ng mga makataong kilos at pagpapamalas ng kabutihang-
asal sa iyong mga kapu wa mamamayan.

Ayon sa Institute for Development Education Center for Research and


Communication (IDECRC), ang pagiging makabayan o pagmamahal sa bayan
ay maisasabuhay sa pamamagitan ng marubdob na paggawa ng trabahong
pinili o ibinigay, aktibong pakikilahok sa interes ng mayorya o kabutihang
panlahat, at pagsawata sa mga kilos na hindi makatarungan at hindi moral.

Nasyonalismo at Patriyotismo

Marahil ay madalas mong naririnig ang mga salitang nasyonalismo at


patriyotismo sa tuwing napag-uusapan ang pagmamahal sa bayan. Bagamat
may kaugnayan ang mga salitang ito sa isa’t isa, magkaiba pa rin ang
kahulugan ng mga ito. Ang nasyonalismo ay tumutukoy sa mga ideolohiya at
damdaming nagsusulong ng pagmamahal sa bayan at humihikayat sa mga
taong mayroong iisang wika, kultura at tradisyon upang kumilos tungo sa
ikauunlad ng kanilang bayan.

Samantalang ang patriyotismo naman ay tumutukoy sa likas na


damdamin at pagmamahal sa bayan na humihikayat sa mga taong may
magkakaibang wika, kultura at relihiyon na gumawa ng sakripisiyo hindi
lamang para sa ikauunlad ng kanilang bayan kundi para na rin sa
pagtataguyod ng kabutihang panlahat.

Ang Pagmamahal sa Bayan

Tunay na ang mundo ay napupuno ng mga iba’t ibang uri ng


pagmamamal na nagmumula din sa iba’t-ibang uri ng tao. Una sa lahat, puno
ang mundo ng mga mapagmahal na mga magulang. Dito, sila ay
pinagbubuhusan ng pagmamahal ng kanilang mga anak, ang mga anak
naman ay may pinagbubuhusan ng pagmamahal – ito naman ang kanilang
mga kasintahan.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 10 8


Gayunman, isang pagmamahal ang hindi matatawaran ninuman. Ito
ang pagmamahal sa bayan. Hindi ba’t marami sa ating mga kababayan ang
nagpapakita ng kanilang pagmamahal sa bayan nang walang kapantay na
pagsinta lalo’t ito ang kanilang bayang sinilangan.

Halimbawa na lamang, marami sa ating mga bayani ang nagbuwis ng


kanilang buhay sa pamamagitan ng pagbubuhos nila ng kanilang panahon,
oras at lakas. Ginamit din ng mga ito ang kanilang kalakasan para
maipagtanggol ang bayan mula sa mga mananakop ng panahon na iyon.

At dahil wala nang mga bansa na nananakop ng ibang bansa, nakikita


na mula sa mga mamamayan ang pagmamahal sa bayan. Kadalasan,
ipinakikita na ng nakararami ang kanilang pagmamahal sa bayan sa
pamamagitan ng kailang pagpapahayag ng kanilang damdamin sa
pamamagitan ng social media, sa pakikiisa sa mga proyekto at programa ng
pamahalaan at pakikiisa sa mga gawaing layunin ay mapaunlad ang bayan.

Samantala, ginagawa namang pagpapakita ng pagmamahal sa bayan


ang paninilbihan ng ilan sa gobyerno. Ang mga halal na opisyal ay
ginagampanan ng mga ito ang kanilang mga tungkulin gaya ng pagiging tapat
at mabuting tagapaglingkod ng bayan.

Ang mga ordinaryo namang mamamayan ay ipinakikita ang kanilang


pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng pagiging masunurin sa batas at
tapat sa kanilang kapuwa.

At dahil nagkakaisa ang mga mamamayan, hangad ng bawat isa na


magkaroon ng kapayapaan sa pagitan ng bawat mamamayan.

Mga Birtud at Pagpapahalaga na Makatutulong upang Mapalalim ang


Pagmamahal sa Bayan

Sabi, may tatlong pagpapahalaga na kailangang isabuhay ng tao. Ito ay


ang kapangyarihan upang pumili ng anumang desisyon, pananagutan sa
bawat bagay at desisyong ating gagawin, at pagmamahal na siyang nagbibigay
kasiyahan sa atin sa paggawa ng nararapat upang mapangalagaan ang yaman
ng mundo.

Sa pagsasabuhay ng mga pagpapahalagang nabanggit, kinakailangan


ang pagpapalaganap ng tatlong elemento ng lipunan. Ang mga elementong ito
ay ang paggalang sa pagkatao ng tao, ang tawag ng katarungan at ang
kapayapaan.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 10 9


Upang maisabuhay ang pagmamahal sa bayan, balikan natin ang mga
pagpapahalagang nakapaloob sa Panimula o Preamble ng 1987 Konstitusyon
ng Pilipinas.

Kami, ang nakapangyayaring sambayanang Pilipino,


na humihingi ng tulong sa Makapangyarihang Diyos,
upang bumuo ng isang makatarungan at makataong lipunan
at magtatag ng isang Pamahalaan na kakatawan sa aming mga mithiin at
mga lunggatiin, magtataguyod ng kabutihan sa bawat isa, mangangalaga at
magpapaunlad ng aming kamanahan, at titiyak para sa aming sarili at
angkang susunod ng mga biyaya ng kalayaan
at demokrasya sa ilalim ng pananaig ng batas at ng pamamahalang puspos
ng katotohanan, katarungan, kalayaan, pag-ibig, pagkakapantay-pantay at
kapayapaan ay naglalagda at naghahayag ng Konstitusyong ito.

Ang mga pagpapahalagang nabanggit ay mahalagang maisabuhay ng


bawat isa sa mga aktuwal na mabubuting kilos upang maitaguyod ang
pambansang pagkakakilanlan. Sa ganitong paraan, naisasapuso ang
pagmamahal sa bayan na nagsisilbing sandigan ng matatag na kabuhayan at
ekonomiya ng bansa.

Samantala, sa iyong murang edad, mayroon ka nang maibabahagi sa


pagsusulong ng patriyotismo. Maaari mo itong simulan sa inyong tahanan,
paaralan at pamayanan. Sang-ayon dito ang tinuran ni San Juan Pablo XXIII
na, “Ang dignidad ng persona ng tao ay kasama sa kaniyang karapatan na
maging bahagi sa aktibong pakikilahok sa lipunan upang makapag-ambag sa
kabutihang panlahat.”

Mahalaga ring isaalang-alang ang mga tatak ng patriyotismo na


kinabibilangan ng prinsipyo ng subsidiarity o pagtutulungan upang makamit
natin ang kaunlaran dahil tayo-tayo ang magpupuno sa kakulangan ng bawat
isa; at ang prinsipyo ng solidarity o pagkakaisa at pagkakabuklod-buklod ng
mamamayan na nagdudulot ng kaunlaran at magtataguyod ng pambansang
pagkakakilanlan.

Higit sa lahat, mahalaga ring kilalanin natin ang ating sariling bayan
sapagkat ang pag-unawa kung sino tayo bilang isang lahi at kung ano ang
mayroon sa ating bansa, ay malaking tulong sa pagpapalalim ng kultura at
tradisyon ng ating bansa, ng kasaysayan, at ng kapuwa nating mamamayan.

Tandaan, walang sino man ang may kakayahang magmalaki kung hindi
niya lubos kilala ang sariling bansa at angkinin ito bilang bahagi ng kaniyang
pagkatao at pagkakakilanlan dahil kung ikinahihiya at itinatanggi natin ang
ating pagkakakilanlan, hindi natin magagawang humarap sa mga banyaga o
sino man nang may pagmamalaki.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 10 10


PAGYAMANIN
Panuto: Batay sa araling natalakay, sagutin sa iyong sagutang
papel ang mga sumusunod na katanungan at ipaliwanag ang
bawat sagot.

1. Mahirap o madali ba ang maging makabayan? Sa anong paraan?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Ano ang mangyayari kung ang mga Pilipino ay walang pagmamahal sa
bayan?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Paano maipapakita ng isang Pilipino lalo na ang kabataang tulad mo
ang pagmamahal sa bayan?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
4. Bilang nagdadalaga o nagbibinata, ano ang maaari mong gawin para sa
bayan upang makapaglahad ng makabayang pagkakakilanlan?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
5. Paano mo hihikayatin ang mga kapuwa mo kabataan upang
maipamalas din nila ang kanilang pagiging makabayan?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 10 11


Rubrik Para sa Pagsulat ng Opinyon

PAMANTAYAN 5 4 3 2 1 PUNTOS
May lawak at tanim ng pagtalakay.
Malinaw ang pagpapahayag ng opinyon.
Wastong pagsulat ng talata gamit ang
tamang bantas, malaki at maliit na titik.
Magkakaugnay ang talakay sa paksa.
Sumunod sa tiyak na panutong ibinigay ng
guro kaugnay ng gawain.
KABUUANG PUNTOS

ISAISIP

CREATIVE CONSTRUCTED RESPONSE

Panuto: Gamit ang 3Rs: Read, React at Reflect, maisasabuhay


lamang ang pagkamakabayan kung tayo mismo ay marunong
makapagpahayag ng sariling reaksiyon at repleksiyon batay sa
artikulong nabasa. Bilang isang makabagong kabataang may
malasakit sa bayan, kopyahin sa iyong sagutang papel ang
talahanayan at punan ito ng mga kinakailangang impormasyon
o detalye.

Artikulo: Ang pagmamahal sa Inang Bayan, ayon sa isang 'boy scout'


ni Lyndon Plantilla mula sa https://pia.gov.ph/features/articles/1023094

Maraming kabataan ang sumama sa mahabang paglalakbay tungo sa


pagkamit ng kalayaan. Sila'y naging mandirigma ng sultan at mga datu, sila'y
naging rebolusyonaryo at naging sundalo.
Sa kasalukuyan, ang pagpapangalaga sa kalayaan ay hindi na
nangangailangan ng paghahandog ng buhay kundi ng paglalaan ng panahon
para makalahok sa demokratikong proseso.
Si Von ay isa sa mga lider-kabataang Marinduqueňo, dating pangulo ng
Marinduque State College Laboratory Supreme Student Government, dating
patnugot ng MSC Pyparus at isa sa mga opisyal sa kanilang chapter ng Boy
Scout of the Philippines.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 10 12


Si Von Andre Preclaro Orlina ay may sariling pamamaraan ng
pagpapahayag ng pagmamahal sa Inang Bayan.
Salaysay ni Von:

Ang pagiging makabayan ay isa sa mga pagpapahalaga na itinuro sa


atin simula pagkabata. Sa araw-araw na pagpasok sa paaralan ay binibigkas
natin ang Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas na may bahagi
na nagsasabing, '...na ipinakikilos ng sambayanang MakaDiyos,
Makakalikasan, Makatao at Makabansa'. Sa kabila ng araw-araw na
pagbigkas nito, naisasagawa nga ba natin ang pagpapahalaga sa bansa?
Marahil pagiging makabayan ang isa sa pinakamahalagang
pagpapahalaga na dapat nating matutunan, ngunit bakit mahirap maipakita
ang simpleng pagpapahalagang ito na ngayo’y nagiging hamon?
Nararapat bang maging hamon ang simpleng pakikisapi sa pagtataas ng
bandila ng bansa, gayong responsibilidad ito na dapat sundin ng mga Pilipino?
Hamon nga ba na dapat ituring ang saglit na pagtindig ng maayos at pagkanta
ng saglit, gayong ang kantang ito ang isa sa mga naging pundasyon at simbolo
ng kalayaan natin ngayon? Ngunit hindi nagtatapos ang pagiging makabayan
sa simpleng pakikisapi sa pagtataas ng watawat.
Ang pagiging makabayan ay isinasapuso at hinihirang bilang isang likas
na kaugaliang Pilipino. Nararapat lamang na tayong mga kabataan ay
makisapi sa mga gawain ng ating pamahalaan. Makialam tayo sa mga
pambansang suliranin at ipahayag ang ideya at pulso ng kabataan na
magiging salamin at boses ng nakararami.
Isa pa ay ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa mga batas na
dapat sundin at gawin. Ang pagiging makabayan ay makikita rin sa pag-aaral
ng Araling Panlipunan at ang pagkakaroon ng malawak na interes sa
nakagisnan nating bansa kasama na ang mga pagpapahalagang kultural. Sa
taong 2025 ay haharap na tayo sa isang mundo na ganap na ang
globalisasyon. Unti-unti na tayong nagiging pamilyar at naisasagawa ang mga
kultura ng iba’t-ibang bansa.
Ngunit sa kabila nito ay mayroon tayong responsibilidad na ibida sa buong
mundo kung ano ang Pilipino at kung ano ang Pilipinas. Maging daan sana ang
globalisasyon hindi upang malimutan ang sariling bayan, kundi mas
ipagmalaki pa ang taglay nating pagkamakabayan.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 10 13


Ilalahad ang mga mahahalagang impormasyong tumatak sa
READ
isipan bilang mambabasa mula sa binasang artikulo.
REACT Ilalahad ang sariling reaksiyon sa binasang artikulo.
Ilalahad ang mga realisasyon o mga naiisip at nahihinuha
REFLECTION habang binabasa ang artikulo gayundin ang napagnilayan
pagkatapos itong basahin.

Read

React

Reflection

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 10 14


ISAGAWA
PERFORMANCE TASK (Para sa Modular at Online)

MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCY: Nakagagawa


ng angkop na kilos upang maipamalas ang pagmamahal sa bayan
(Patriyotismo) (EsP10PB-IIIf-11.4).

Panuto: Basahin ang sitwasyon at gawin ang sinasaad nito.

SITUATION: Isipin na isa kang Virtual Guidance Counselor (propesyunal na


tagapayo ng mga mag-aaral kaugnay ng kanilang pampersonal, pang-
akademiko at propesyunal na mga alalahanin) sa isang pampublikong
paaralan. Araw-araw ay may iba’t ibang mag-aaral ang bumibisita sa iyong
page o di kaya’y nagpapadala sa iyo ng mensahe o sulattroniko upang
humingi ng payo kung paano gumawa ng angkop na kilos upang
maipamalas ang pagmamahal sa bayan (patriyotismo). Napansin mong
kahit sa murang edad ng mga mag-aaral ay kaya na rin nilang makagawa
ng mga kilos para maipakita ang kanilang patriyotismo. Naisip mo na
magpaskil ng tula sa iyong FB page at magpamudmod ng kopya nito sa
bawat sakop mong barangay na may mensaheng makapagbibigay sa kanila
ng inspirasyon upang makapagsagawa rin ng ganoong kilos ng
pagkamakabayan. Sa ganitong paraan ay parang nabigyan mo na rin ng
payo ang bawat makababasa ng iyong tula para sila ay gumawa ng aksiyon.
Ang tula ay dapat nagtataglay ng apat na saknong na may tig-aapat na
taludtod sa bawat saknong. Ang tulang isusulat ay batay sa pamantayang
malinaw na mensahe kung saan nagagamit ang angkop na salita at may
malinaw na pagpapahayag ng damdamin; matalinghaga kung kayat
nagtataglay ito ng malalim na kahulugan o may simbolismo at malikhain sa
pagpapahayag ng kaisipan; at may kariktan na nag-iiwan ng kakintalan at
mapagparanas. Ang nilalaman ng tula ay kailangang makatotohanan,
napapanahon at nakahihikayat ng tagapakinig o mambabasa.
GOAL: Makapagbahagi ng payo kung paano gumawa ng angkop na kilos
upang maipamalas ang pagmamahal sa bayan (patriyotismo).
ROLE: Isa kang Virtual Guidance Counselor (propesyunal na tagapayo ng
mga mag-aaral kaugnay ng kanilang pampersonal, pang-akademiko at
propesyunal na mga alalahanin) sa isang pampublikong paaralan.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 10 15


PRODUCT: Tulang may apat na saknong na may tig-aapat na taludtod at
ito ay makapagbibigay ng inspirasyon upang makapagsagawa ng ganoong
kilos ng pagkamabayan.
AUDIENCE: Iba’t ibang mag-aaral ang bumibista sa iyong page o di kaya’y
nagpapadala ng mensahe at humingi ng payo kung paano gumawa ng
angkop na kilos upang maipamalas ang pagmamahal sa bayan
(patriyotismo).
STANDARDS: Ang mga sumusunod na batayan ay gagamitin para sa
gawaing ito:
1. Nilalaman
2. Organisasyon
3. Pagpapahayag ng Damdamin
4. Pagkamalikhain

Rubrik Para sa Gagawing Tula


4 3 2 1
CRITERIA RATING
OUTSTANDING SATISFACTORY DEVELOPING BEGINNING
Ang mensahe ay Ang mensahe ay May kaugnayan Hindi malinaw
Nilalaman wasto, malinaw at wasto at may sa paksa ngunit ang ipinahahayag
may kaugnayan sa kaugnayan sa hindi gaanong na mensahe at
paksa. Lubhang paksa. nakalilinang sa hindi nakalilinang
nakalilinang sa Nakalilinang sa paggawa ng kilos sa paggawa ng
paggawa ng kilos paggawa ng kilos ng pagmamahal kilos ng
ng pagmamahal sa ng pagmamahal sa sa bayan pagmama-hal sa
bayan bayan bayan
Lubhang maayos Maayos at Halos maayos at Di maayos at di
Organisasyon at makatotohanan makatotohanan halos makatotohanan
ang impormasyong ang impormasyong makatotohanan ang
nailahad nailahad ang impormasyong
impormasyong nailahad
nailahad
Pagpapahayag Lubos na Nakahihikayat at Hindi masyadong Hindi gaanong
ng damdamin nakahihikayat at malinaw ang malinaw at malinaw at
napakalinaw ang pahayag nakahihikayat nakahihikayat
pahayag ang pahayag ang pahayag
Pagkamalikhain Lubos ang Malikhain ang Katamtaman ang Hindi gaanong
pagkamalikhain pagkagawa pagkamalikhain malikhain ang
ang pagkagawa ng pagkagawa pagkagawa

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 10 16


TAYAHIN
Panuto: Ilapat ang natutuhan mula sa modyul na ito sa tunay
na buhay upang maging halimbawa ng maaaring pamarisan
ng ibang kabataan sa pagsasabuhay ng pagmamahal sa bayan.

Pamantayan:
1. Lumikha ng isang poster tungkol sa pagmamahal sa bayan.
2. Ilagay ang nabuong poster sa isang medium-sized bond paper.
3. Sa likod nito, sumulat limang angkop na mga kilos sa pagsasabuhay
ng pagmamahal sa bayan na makikita mismo sa isinagawang poster.
4. Ang poster ay tatayahin batay sa sumusunod:

• Nakabuo ng limang angkop na kilos na


10 puntos malinaw, napapanahon, kayang gawin at
katanggap-tanggap.
• Nakabuo ng tatlo o apat na angkop na kilos
7 puntos ngunit hindi ganoon kalinaw at di gaanong
kadaling magawa.
• Nakabuo ng isa o dalawang angkop na kilos na
3 puntos
malabong maisagawa.

KARAGDAGANG GAWAIN
Panuto: Gumawa ng angkop na kilos na nagpapakita ng
pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng pagbuo ng isang
tulang akrostik gamit ang salitang makabayan.

M - __________________________________________________________
A - __________________________________________________________
K - __________________________________________________________
A - __________________________________________________________
B - __________________________________________________________
A - __________________________________________________________
Y - __________________________________________________________
A - __________________________________________________________
N - __________________________________________________________

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 10 17


SUSI SA PAGWAWASTO
PINO 10.
PINO 9.
PILI 8.
PILI 7.
PILI 6.
PILI 5.
PINO 4.
PINO 3.
PILI 2.
PILI 1.

SUBUKIN

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 10 18


REPERENSIYA

1. Aggabao, Eustaquio Jaime E at Baguiwong, Merlina M. Ginintuang


Gabay sa Pagpapakatao 10. The Inteligente Publishing, Inc. Qquezon
City. 2018.
2. Astorga, C. Living the Faith Option: Christian Morality. Christian Life
Education Series. Quezon City: FNB Educational, Inc.
3. Brenan, R. (1948). The Image of his Maker. Milwaukee: The Bruce
Publishing Company
4. De Torre, J. 1980 Christian Philosophy. Sinagtala Publishers. Manila
5. Dy, M. Kaisipan, Ang opisyal na Dyornal ng Isabuhay, Saliksikin, Ibigin
ang Pilosopiya (ISIP). Vol. No. 1
6. Esteban, E. (1989). Education in Values: What, Why and For Whom.
Manila: Sinag-Tala Publishers
7. Edukasyon sa Pagpapakatao- Ikasampung Baitang Modyul Para sa
Mag-aaral Unang Edisyon 2015
8. https://www.panitikan.com.ph/sanaysay-tungkol-sa-pagmamahal-sa-
bayan

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Schools Division of Laoag City


Curriculum Implementation Division
Brgy. 23 San Matias, Laoag City, 2900
Contact Number: (077)-771-3678
Email Address: laoag.city@deped.gov.ph

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 10 19

You might also like