You are on page 1of 14

ESP 10 3RD QUARTER

MODYUL 2:
PAGGALAN
G SA
BUHAY
Presented by: Group 2
LEARNING
COMPETENCIES
LC 10.1. LC 10.3. Napangangatwiranan na:
Mahalaga ang buhay dahil kung wala
NakapagpapaLiwanag ng
ang buhay, hindi
kahalagahan ng paggalang sa mapahahalagahan ang mas mataas na
buhay. EsP10PB-IIIc10.1 pagpapahalaga kaysa buhay; di
LC 10.4. Nakagagawa ng angkop na
makakamit ang higit na mahalaga
kilos upang maipamalas ang
LC 10.2. Natutukoy ang mga kaysa buhay. EsP10PB-IIId10.3
paggalang sa buhay
paglabag sa paggalang sa Hal. maituwid ang “culture of death”
na umiiral sa lipunan. EsP10PB-
buhay. EsP10PB-IIIc10.2
IIId10.4
MGA
ISYUNG
MORAL
TUNGKOL
SA BUHAY
A. TAO: MAY ISIP AT
KILOS-LOOB
• Natatangi at naiiba sa mga nilalang na may buhay dahil pinagkalooban siya ng isip, kilos-loob, puso, kilos-
loob, puso, kamay, at katawan.
• May kakayahang hanapin, alamin, unawain, at ipaliwanag ang mga katotohanan, layunin, at dahilan ng mga
bagay-bagay sa kaniyang paligid.
• May kilos-loob na nagbibigay ng kakayahang gumawa, kumilos, pumili, at magmahal.
• Ang kilos-loob ang nagdadala sa atin na piliin ang mabuti, magkaroon ng disiplina sa sarili, pagtibayin ang
mga unibersal na katotohanan, at panatilihin ang pagsasagawa nito nang paulit-ulit.
• May isip na gumagabay sa kilos-loob tungo sa kabutihan.
• May kalayaan na mamili at mamuno sa ating paghusga, gawi, at kilos.
• Dahil sa isip at kilos-loob, inaasahan na makabubuo at makagagawa ng mabuti at matalinong pagpapasiya sa
kabila ng mga isyung umiiral sa lipunan.
B. KAHULUGAN NG
ISYU
Ang isyu ay isang mahalagang katanungan na kinapapalooban ng dalawa o higit pang mga panig o posisyon na
magkakasalungat at nangangailangan ng mapanuring pag-aaral upang malutas.” (retrieved February 25, 2014).

Sa pagsulong ng agham at sa mabilis na agos ng pamumuhay ng mga tao, tayo ay nakararanas ng kalituhan at
unti-unti nang nagbabago ang ating pananaw sa moralidad. Ang mga gawi na itinuturing na masama sa mga
nagdaang panahon ay nagkakaroon na ng iba’t ibang pagtingin sa kasalukuyan. Dahil din sa nakalilitong
mensahe ng media, mahirap makabuo ng matalino at mabuting posisyon ukol sa mga isyung ito. Sa
kasamaang-palad, ang iba ay nakalilikha na ng mga opinyon nang hindi pa nasusuri at
napag-iisipan ang iba’t ibang panig, mga argumento, at batayan sa pagbuo ng posisyon kaugnay ng iba’t ibang
isyung moral.
C. BUHAY:
PANGUNAHING
PAGPAPAHALAGA
• Ang buhay ng tao ay maituturing na pangunahing pagpapahalaga.
• Hindi makagagawa at walang maiaambag ang tao sa lipunan kung walang buhay.
• Ang isang tao ay dapat unang isilang upang mapaunlad ang kaniyang sarili at makapaglingkod
sa kapuwa, pamayanan, at bansa.
• Ang tao ay may kalayaang mabuhay at pumili ng landas na ating tatahakin habang nabubuhay,
hindi bahagi nito ang pagsira o pagkitil sa sariling buhay o ng ibang tao.
• Tungkulin natin bilang tao na pangalagaan, ingatan, at palaguin ang sariling buhay at ng ating
kapuwa.
II. MGA ISYU
TUNGKOL SA
BUHAY
A. PAGGAMIT NG
DROGA
1. Kahulugan
a. Ito ay isang estadong sikiko (psychic) o pisikal na pagdepende sa isang mapanganib na
gamot, na nangyayari matapos gumamit nito nang paulit-ulit at sa tuluy-tuloy na
pagkakataon.

2. Mga Dahilan ng Paggamit ng Droga


a. Impluwensiya ng mga kaibigan o mga taong nakasasalamuha sa paligid.
b. Nais mapabilang sa isang barkada o samahan.
c. Nais mag-eksperimento.
d. Nais magrebelde dahil sa problema sa pamilya.
e. Nais makalimutan ang kahihiyan at pagtakpan ang sakit na kaniyang
nararamdaman.

3. Mga Epekto ng Paggamit ng Droga


a. Makaaapekto sa pag-aaral at personal na buhay.
b. Nagdudulot ng masamang epekto sa isip at katawan.
c. Ang isip ay nagiging “blank spot,” nahihirapang iproseso ang iba’t ibang impormasyon na
dumadaloy dito – sanhi ng maling kilos at pagpapasiya.
d. Nakararamdam ang tao na siya ay mabagal at mahina sanhi ng mgakabiguan sa buhay.
B.
1. Kahulugan
ALKOHOLISMO
a. Labis na pagkunsumo ng alak o anumang inuming may alkohol.

2. Mga Epekto ng Alkoholismo


a. Nagpapahina ng enerhiya, nagpapabagal ng isip, at sumisira sa
kapasidad na maging malikhain.
b. Nababawasan ang kakayahan sa paglinang ng makabuluhang
pakikipagkapuwa - nauuwi sa gulo, away, at krimen.
c. Apektado rin ang kalusugan; kaya’t nagiging sanhi ng sakit tulad
ng cancer, sakit sa atay at kidney na maaaring mauwi sa
pagkamatay.
d. Ang pag-inom ng alak ay hindi masama kung paiiralin ang
disiplina at pagtitimpi.
C.
1. Kahulugan
ABORSIYON
a. Ang aborsiyon o pagpapalaglag ay intensiyonal na pag-alis ng isang fetus o
sanggol sa sinapupunan ng ina.

2. Ang isyu sa aborsiyon ay nagbigay-daan upang magkaroon ng dalawang


magkasalungat na
posisyon ang publiko: ito ay ang Pro-life at Pro-choice.
a. Pro-life
b. Pro-choice

3. Ang Dalawang Uri ng Aborsiyon


a. Kusa (Miscarriage). Ito ay ang pagkawala ng isang sanggol bago ang ika- 20
linggo ng pagbubuntis. Ito ay tumutukoy sa natural na mga pangyayari at hindi
ginamitan ng medikal o artipisyal na pamamaraan.
b. Sapilitan (Induced). Ito ay ang pagwawakas ng pagbubuntis at pagpapaalis ng
isang sanggol, sa pamamagitan ng pag-opera o pagpapainom ng mga gamot.
4. ANG PRINSIPYO NG DOUBLE
EFFECT (RESOLUSYON)
a. Ang kilos na isasagawa ay nararapat na mabuti.
b. Ang masamang epekto ay hindi dapat direktang nilayon ngunit bunga
lamang ng naunang kilos na may
layuning mabuti.
c. Ang mabuting layunin ay hindi dapat makuha sa pamamagitan ng
masasamang gawain.
d. Kinakailangan ang pagkakaroon ng mabigat at makatuwirang dahilan
upang maging katanggap-
tanggap ang masamang epekto.
D. PAGPAPATIWAKAL
1. Kahulugan
(SUICIDE)
a. Ang pagpapatiwakal ay ang sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling
buhay at naaayon sa sariling kagustuhan.
b. Dapat may maliwanag na intensiyon ang isang tao sa pagtatapos ng
kaniyang buhay bago ito maituring na isang gawain ng pagpapatiwakal.
c. Hindi itinuturing na pagpapatiwakal ang tuwirang paglalagay ng sarili sa panganib
kung ito ay para sa isang mas mataas na dahilan.

2. Dahilan ng Pagpapatiwakal
a. Ang kawalan ng pag-asa (despair)
b. Matinding depresyon
c. Kawalan ng tamang pag-iisip

3. Paraan upang makaiwas sa Depresyon at Pagpapatiwakal


a. Panatilihing abala ang sarili sa mga makabuluhang gawain tulad ng
paglilingkod sa kapuwa at pamayanan.
b. Pagkakaroon ng matibay na support system (pamilya at mga kaibigan)
E.
1. Kahulugan
EUTHANASIA
a. Isang gawain kung saan napadadali ang kamatayan ng isang taong may matindi at wala
nang lunas na karamdaman.
b. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng mga modernong medisina at kagamitan upang
tapusin ang paghihirap ng isang may sakit.
c. Tinatawag ding assisted suicide, sa kadahilanang may pagnanais o motibo ang isang
biktima na wakasan ang kaniyang buhay, ngunit isang tao na may kaalaman sa kaniyang
sitwasyon ang gagawa nito para sa kaniya.

2. Iba pang mahahalagang impormasyon tungkol sa Euthanasia


a. Ang sakit o paghihirap ay likas na kasama ng buhay ng tao. Ang pagtitiis sa mga hirap
at pagsubok ay pakikibahagi sa mga plano ng Diyos.
b. Pagmamahal at pag-aalala ang ibigay sa ganitong pasyente hindi kamatayan.
c. Hindi ipinipilit ang paggamit ng mga hindi pangkaraniwang mga pamamaraan at
mamahaling mga aparato upang pahabain ang buhay ng isang tao.
d. Ang pagpapatigil sa paggamit ng mga life support ay hindi itinuturing na masamang
gawain. Ito ay maliwanag na pagsunod lamang sa natural na proseso. Ang ipinagbabawal
ay ang mga gawain na tuwirang naglalayon na mapadali ang buhay tulad ng pagbibigay
ng lason o labis na dosis ng gamot.
Maraming salamat
sa pakikinig!

You might also like